Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 159

Ipinasa nina:

Evagine Adolfo ●
Kristine Jin Artucilla ●
Walter Willy Batosalem ●
Briezel Kris Bugtay ●
Jemark Caman ●
Mary Joy Candelario ●
Jazel Cultivar ●
Catherine Divinagracia ●
Jay Estrera ●
Maylyn Galo ●
Jolyn Gemberva ●
Darnette Mazo ●
Jefrey Mayola ●
Aiza Muring ●
Emme Oberio ●
Rhea Mae Olvido ●
Kimberly Origenes ●
Carla Mae Paclibar ●
Jomary Paclibar ●
Kristine Parilla ●
Karrend Joie Presas ●
Sunshine Rose Solis ●
Jonathan Tactacon ●
Ivy Viñalon ●

Ipinasa kay:

G. Vicente Pines
Ang Pilipinas ay may
napakayamang kultura. Bunga
nito, ang mga Pilipino ay may
iba’t-ibang mukha, Ang mga taong
nasa dulong hilaga ng bansa ay kaiba sa
mga taong nasa kabilang dako ng bansa.
Magkaiba man, Pilipino pa rin at pinag
uugnay pa rin ng mga bagay-bagay na
nagpapaka-Pilipino sa ating lahat.

Dahil sa ang wika at kultura ay magkaugnay, kalakip na


ng pag-aaral ng wika ang pag-aaral din ng kultura. Lubos
lamang nating maiintidihan, mabibibigyang-pugay at
mapapayabong ang ating wika kung lubosan din nating
naiintindihan ang mga dahilan ng gawi, tradisyon, at pamumuhay
ng iba’t-ibang mukha ng Pilipino.

Bilang mga mag-aaral na kumkuha ng Secondary Education major in


Filipino, nararapat lamang na ang mga natutunan namin sa
asignaturang ito na “Kulturang Pupular” ay maitala namin nang may
husay at gayak.

Sa portfolio na ito, makikita ng mambabasa ang lahat na natalakay


namin asignaturang ito sa loob ng isang semestre. Sa tulong ng
aming guro na si G. Vicente Pines, naunawan namin ang kahalagan
ng pag-aaral ng mga kulturang umiiral sa ating bansa.
Ang pangkalahatang
BSEd-Fil Productions
Team ay taos-pusong
nagpasasalamat sa mga
sumusunod na tao, bagay, lugar
pangitain, kabalanan at iba pa:
Sa Panginoong Maykapal (lahat lahat
na ‘yan ng ng religious denominations),
sa lahat lahat ng magulang, yeba, crushes,
at mga inspirasyon (sa pag-unawa, allowance,
tuition fee, at hugs ang kisses), sa aming makisig
na gurong si G. Vicente Pines (sa pagtututro sa amin
na magpaka-Filipino major…hehehe), sa Team Pulaw na
kinabibilangan nina Alberta Prada Melecio (researcher),
Ryan Delima (design copy-paster) at Divine Rose Mamale
(cheerer), sa internet (para aming mga research tool), sa Free
Wi-Fi /wee-fee/ ng BSU-STESC at sa ??Mbps Smart Bro (bilang
source namin ng internet connection), sa napakalaki at napakabigat
na Dell laptop ni Jazel (bilang editing station namin), sa Made in Paris
Acer notebook ni Prada (bilang research equipment), sa tumitirik na
desktop computer ng USG (bilang designing station), sa napakabusy na
computer ng ATS (sa pagdownload ng ilang mga litarato), sa mga
hinubarang flashdrive ni Walter (extension ng aming memory), sa Family
Size na Coke at makasakit-ngiping tinapay ng Mix’n Sweets (sa
pagpapagising at pagpapagana ng aming mga utak buong magdamag), sa
aming pang-grade school na silid-aralan, USG Office, Walter’s residence at
ATS (bilang working place namin), sa Art Spot (sa pagbibigay ng maka
estudyanteng presyo sa pag-iimprenta ng aming portfolio), sa lahat ng
future educators at BSUans (kng wala kayo, nandito pa rin kami… hehehe)
MARAMING SALAMAT PO!
MGA MAY-AKDA
Bikolano..............6
Bukidnon…………11
Bulakenyo………..16
Cebuano…………..21
Gitnang Luzon…..28
Hiligaynon………..35
Ibaloy……………….46
Igorot…..……………53
Ilokano….…….……..59
Ivatan…….…..……….67
Kankanaey…..……..71
Mandaya…………....77
Mangyan……..….….82
Manobo………….….88
Maranao….………...92
Muslim……………..97
Pampangen.…..106
Tagalog……….109
Tagbanua….121
Tasaday…...130
T’Boli……….135
Waray…………143
Yakan…………….147
Zamboangeño…..155
 Lokasyon
 Ekonomiya
 Pagkain
 Kapistahan
 Magagandang Tanawin
 Panitikan
AIZA MURING
Lokasyon

Ang Bicol ay isang rehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa timog


Luzon. Tinatatawag din itong Rehiyon V. Bikolano at Bikolana ang tawag
sa mga tao rito. Ang mga lalawigan na bumubuo sa rehiyon ay Albay,
Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon

Ang rehiyong ito ay isang tangway dahil ito ay napaliligiran ng


dalawang anyong tubig. Ito ang tahanan ng pinakamagandang bulkan sa
mundo. Daanan ng bagyo ang rehiyong ito mula Karagatang Pasipiko
patungong WestPhilippine Sea.

Tinaguriang “Rehiyon ng Abaka” dahil sagana sa produktong abaka.

Ekonomiya

Ang Rehiyon V ay isang tangway. Makikita sa mapa na halos napapalibutan ito ng tubig.
Dahil dito, ang mga pamayanang malapit sa tubig ay umaasa nang malaki sa pangingisda.

Kilala ang rehiyon sa mga industriya ng pagsasaka at pangingisda. Laganapang industriya ng


palay at abaca sa rehiyon,at mayaman din ang lugar sa ibat’ ibang mineral tulad ng ginto at
pilak.Maraming maliit na industriya ang matatagpuan salugar tulad ng paghihibla ng damit at ang
paggawa ng mga produkto mula sa pili.

Pagkain
Ang mga Bikolano ay nakilala sa buong Pilipinas dahil sa kanilang mga putahe na ginamitan
ng gata at pinaanghang ng maliliit na siling labuyo tulad ng Laing at Bikol Express.

Laing

Ang laing ay isang maanghang na pagkain na


gawa sa gata at pinatuyong mga dahon. Ito ay
nagmula sa rehiyon ng Bicol sa Pilipinas. Dahil sa
masarap nitong lasa at mura nitong halaga, ito
naging napakasikat. Karamihan ng mga tao ay
kadalasang ginagaya. Ito ay isang katotohanan para
sa pagkaing ito. Iba-ibang bersyon nito ang biglang
naglabasan sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas habang
ang ibang bersyon nito ay dinadagdagan ng mga
sangkap, at ang iba ay gumagamit ng alternatibong
mga sangkap. Kahit na marami mang bersyon ang nauso, tatlong pinaka-importanteng sangkap
para sa pagkaing ito ay: Gata, pinatuyong dahon ng taro at siling labuyo.
Pili Nuts

Canarium ovatum mas kilala sa pangalang pili


ay isang uri ng punong tropiko na kasama sa Genus
Canarium. Isa ito mula sa hihigit ng 600 na uri ng
Burseraceae. Ang pili ay natural sa Maritime
Southeast Asia Papua New Guinea at hilagang
Australia. Ito ay pangkomersyong nilinang sa
Pilipinas dahil sa kanilang nakakaing mani.

Bicol Express

Ang Bicol express ay isang popular na ulam


ng mga Pilipino sa distrito ng Malate, Maynila pero
gawa sa tradisyunal na Bicolanong istilo ng
pagluluto. Ito ay isang stew na gawa sa mahaba o
panjangin sa salitang Malay o Indonesian, gata,
shrimp paste o stockfish, sibuyas, karne ng baboy at
bawang. Ito ay sinasabing nagmula sa gulay na may
lada na isa pang pagkaing bikolano na ngayon ay
ihinahanda bilang isa sa mga uri ng bikol express.Ang
bikol express ay ipinangalan sa isang
pampasaherong tren mula sa maynila papunta sa rehiyon ng bikol sa Pilipinas para sa maanghang
nitong luto.

Magagandang Tanawin

Matatagpuan sa Bicol ang Mt. Bulusan sa Sorsogon, Mt. Mayon at Mt. Malinao sa Albay, Mt.
Iriga, Mt. Labo at Mt. Isarog sa Camarines Sur. Bawat bulkang ito ay may kanya-kanyang
kagandahan, pero walang puwedeng makasabay sa alindog ng Mt. Mayon.
Kapistahan

Parada ng Peñafrancia

Nagsisimula ang pagdiriwang ng Peñafrancia


Festival tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre sa
lalawigan ng Naga, Bikol. Ang festival ay ang
pinakamalaking pista ng Marian sa buong bansa.
Tinagurian din itong isa sa mga nangungunang festival
ng pinagsamang relihiyon, kultura at tradisyon sa siyam
na araw na pagdiriwang. Kasama sa selebrasyong ito ang
mga parada, iba't ibang isports, trade fairs at
pagtatanghal, karera ng mga bangka, tanghalang pangkultura, timpalak pangkagandahan, at iba
pang mga nakakasiglang kumpetisyon.

Ang Pinyasan

Pista ng Pinya (Pineapple Festival) ay


ipinagdiriwang tuwing ika-15 hanggang ika-23 ng Hunyo
sa Daet, Camarines Norte sa rehiyon ng Bicol. Nagtapos
ito sa pista ni John the Baptist, and patron ng Daet.

Ang pistang ito ay ang pag-alala sa Queen


Formosa na nagbabahagi ng katangitanging sining at
kultura sa pamamagitan ng agro-industrial fair,
makasaysayang kultural na presentasyon at iba't-ibang isports. Kasali rito ang makukulay na floats
at mga mananayaw na nakakostyum.

Ang Kasanggayahan Festival

Ito ay isa sa mga pinakamalalaking pagdiriwang sa


lalawigan ng Sorsogon na idinaraos tuwing Oktubre.

Ipinagdiriwang ng kapistahang ito ang pagtaguyod ng


Sorsogon bilang lalawigan.Tampok dito ang ilang gawaing
pangrelihiyon, kultura, kasaysayan, ekonomiya at agrikultura
na nakatuon sa pagtatampok sa masaganang ani.
Panitikan ng Bicol

Mayaman ang Bicol sa kultura. Simula noong unang panahon,maraming mga tulang Bicolano ang
nailathala na nagmula pa bago dumating si Kristo. Ang kanilangmga tula ay may personal at panglipunang
tono , at madalas sumesentro sa personal na buhay ng mga tao sa lugar.Kilala ang mga Bicolano sa
pagiging magagaling na makata,at ang kanilang mga tula ay may iba’t ibang paksa,mula sa mga
relihiyon hanggang sa pag-ibig.
 Epiko –Ibalon
 Osipon -Mga sinaunang kwentong bayan.
 Tigsik -Tulang Bikolnon na namumuna sa mga bagay-bagay.
 Ranga - Ang kundiman ng Bikol. Mga awitin ng pag-ibig.
 Rawitdawit - Tulang Bikolnon.

Mga Kantahing Bago Dumating ang mga Kastila

 Hollo - inaawit kapag naghahanay ng mga bagay.


 Ambahan - Inaawit kapag nagpapahinga o nagpapatulog ng bata.
 Hela - Inaawit kapag may hinihila o hinahatak na bagay.
 Katumba - Awit sa pagdadalamhati na sinasaliwan ng sayaw.

Mga Pagtatanghal

 Comedia o moro-moro at zarzuela – Ito ay dulang itinatanghal tuwing pintakasi o pista at


maymga pagdiriwang
 Cenaculo - Pagtatanghal ng buhay at kamatayan ni Hesus. Sa Camarines Sur, tanggal ang
tawag dito.
 Pagsabat - Itinatampok nito ang kuwento ng pagkikita ni Kristo at ni Inang Maria matapos
ang muling pagkabuhay ng una.
 Pabasa - Pasyon ni Hesus. Puni naman ang tawag kung ang passion ay ginagawa bilang isang
pampublikong aktibidad.
 Hossana - Ang pag-alala sa pagsimula ng semana santa.

Katutubong Sayaw

 Salampate - Ang kilalang sayaw ng pag-ibig ng sinaunang Albayanos.


 Dugangdugang - Ang kilalang sayaw sa Camarines Sur
 Lokasyon
 Kasaysayan
 Ekonomiya
 Kapistahan
 Katutubo
 Literatura
 Magagandang Tanawin
EVAGINE ADOLFO
Lokasyon

Matatagpuan sa rehiyon ng Hilagang Mindanao ang lalawigan


ng Bukidnon. Lungsod Malaybalay ang kabesera nito. Napapaligiran
ng Misamis Oriental,Agusan del Sur, Davao del Norte, Cotabato, Lanao
del Sur, at ng Lanao del Norte ang Bukidnon. ang Bukidnon ay isang
patag, mapuno at mabundok na lupain na mayroong sukat na 829,378
na hektarya. Pinaliligiran rin ito ng Misamis Oriental sa Hilaga, Agusan
del Sur sa Silangan, Coatabato, Davao del Norte at Lanao del Sur sa
Timog at Lanao del Norte sa Kanluran, kaya naman tinatawag
nalandlocked ang lalawigang ito.

Ang lalawigan ay binubuo ng dalawang lungsod (Malaybalay at Valencia) at


20 munisipalidad na kinabibilangan ng Baungon, Cabanglasan, Damulog, Dangcagan, Don Carlos,
Impasug-Ong, Kadingilan, Kalilangan, Kibawe, Kitaotao, Lantapan,Libona, Malitbog, Manolo Fortich,
Maramag, Pangantucan, Quezon, San Fernando, Sumilao, Talakag. Kung populasyon naman ang
paguusapan, ayon sa 2007 census ng Filipinas ay mayroong humigit kumulang 1,190,2840 katao sa
buong lalawigan ng Bukidnon.

Kasaysayan

Bago naging ganap na lalawigan ng Hilagang Mindanao ang Bukidnon, ano nga ba ito dati?
Noong 1850, panahon ng mga Kastila, munisipalidad pa ang Bukidnon ng lalawigan ng Misamis,
hindi pa kilala ang munsipalidad noon sa pangalang Bukidnon sa halip Malay-balay at Bukidnon
naman para sa mga taong naninirahan dito. Kaunti lang ang mga katutubong naninirahan noon sa
Malay-balay, kaya na rin siguro ito ang ipinangalan sa munisipalidad dahil nangangahulugan itong
kaunting mga bahay. Nang sumiklab ang 1900 nagsimula na rin dumating ang mga Amerikano sa
Filipinas. Noong Agosto 20, 1907 sa tulong ng proposisyon ni Komisyoner Dean C. Worsetr ng The
Philippine Comission na ihiwalay ang Malay-balay sa Misamis, naipasa ang Philippine Comission Act
1963 na naglalalaman ng ganitong layunin. Bilang bungad ng nasabing Comission Act, naging
regular na probinsya o lalawigan ang Bukidnon pagsapit ng Setyembre 1, 1914 at opisyal na
nadeklarang probinsya ng Hilagang Mindanao noong Marso 10, 1917. Ngunit nang dumating ang
mga Hapon sa Filipinas noong 1942, sinakop nila ang Bukidnon at tsaka na lamang nakatanggap ng
independensya noong 1945, panahon ng liberasyon kung kalian napalisan na ang mga Hapon sa
Filipinas.

Malaki ang naitulong ng paninirahan ng iba’t-ibang katutubong ito sa pag-unlad ng


probinsya dahil sa iba’t-ibang klaseng impluwensyang naidulot nito katulad ng lenggwahe. Sa
Bukidnon, mas gamit ang wikang Cebuano kaysa sa wikang Binukid na pumapangalawa lamang at
pumapangatlo naman ang wikang ingles. Ang mga samu’t-saring impluwensya at kultura na dala ng
mga imigrante ay nagbuklod-buklod upang magkaroon ng isang epektibong lipunan at ekonomiya.
Ekonomiya

Dahil sa ang Bukidnon ay isang lalawigang malupa at pinaliligiran pa ng malalawak na lupain,


pangunahing ekonomiya nito ang agrikultura. Sa katunayan, ito ay tinaguriang Pineapple Capital of
the World dahil sa ito ang nagtataglay ng pinaka-malaking plantasyon ng pinya sa buong mundo.
Bukod sa pinya ay nangunguna rin ito sa industriya ng pagaani ng mais, palay, tubo, kape, gulay,
bulaklak at rubber.

Ilan sa mga kilalang korporasyon dito ay:

 Menzi Farms - Matatagpuan sa munisipalidad Manolo fortich, na nagaani iba’t-ibang prutas


at bulaklak tulad ng orange, pinya, cacao at kape.

 RPA Ventures- Isang korporasyon na nagaani ng mga bulaklak, matatagpuan din sa Manolo
fortich, Barangay Diclum.

 Magic Farms- Isa itong malawak na lupain para sa iba’t-ibang eksperimentasyong pang-
agrikultural. Nagaani rin ng iba’t-ibang prutas tulad ng ubas, saging, langka at mga isda.

 Del Monte Philippines Inc.- Ito ang tinuturing na pinakamalaking plantasyon ng pinya
kabuuan ng malayong Silangan. Matatagpuan ito sa munisipalidad ng Manolo Fortich,
Libona, Impasugong, Sumilao at Malaybalay.

Kapistahan

Bukod sa pagiging kilala ng Bukidnon sa pang


agrikultural na aspeto, kahanga-hanga rin ang kasiningang
nananaig sa bayang ito. Kilala ang mga Handicrafts nila na
gawa sa rattan, kawayan at kahoy, tulad ng basket, mga
kagamitan sa bahay, sculptures at iba pa.Isa pang
tinatangkilik na sining sa Bukidnon ay ang mga pista,
partikular ang Kaamulan Festival. Ito ay idinaraos sa huling
linggo ng Pebrero hanggang sa unang linggo ng Marso.
Inihahandog sa pagdiriwang na ito ang mga yaman ng at
tradisyon ng pitong tribong nanirahan sa Bukidnon:
Higaonon, Talaandig, Umayamon, Manobo, Tiwahanon, Matigsalug at Bukidnon. Inihahandog ng
ilang mantatanghal sa pagdiriwang ang kasaysayan ng Bukidnon, kasama rin sa pagdaraos nito ang
mga karaniwang programa sa isang pista tulad ng mga food fest, garden show, street dancing at iba
pa.
Kaamulan Festival

Isang pagdiriwang na ginaganap sa lalawigan


ng Bukidnon tuwing ika-3 hanggang ika-7 ng Marso. Ang
salitang “kaamulan” ay nagmula sa salitang Binukid na
“amul”, na nangangahulugan “tipunin”. Isa itong
makabuluhang pagtitipon ng mga kasapi ng tribo sa Bukidnon.
Maaari itong maging isang ritwal sa pagiging datu, isang
seremonya sa kasal, isang pagdiriwang ng pasasalamat tuwing
panahon ng ani, isang kasunduan sa kapayapaan o lahat ng
mga ito. Ipinagdiriwang ang Kaamulan sa lalawigan ng
Bukidnon, partikular sa lungsod ng Malaybalay, simula sa
ikatlong linggo ng Pebrero hanggang ika-10 ng Marso. Bilang
isang etnikong pagtitipon, ipinagdiriwang ng Kaamulan ang
mga tradisyon at pinagmulan ng pitong tribo na orihinal na
bumuo sa lalawigan ng Bukidnon.

Katutubo

Ang mga tribung ito ay kinabibilangan ng Bukidnon, Higaonon, Talaandig, Manobo,


Matigsalug, Tigwahanon at Umayamnon. Marami sa mga miyembro ng nasabing mga tribo ang
nagtitipon-tipon na nakasuot ng mga hinabing kasuotan at mga aksesorya katulad ng mga hikaw,
kwintas, pulseras, mga anting at iba pang adorno sa katawan. Nagsasayaw sila, kumakanta at
gumagawa ng mga ritwal ng makakasama. Hindi tulad ng ibang mga pagdiriwang na puno ng
magagarbong presentasyon at kinakailangang turuang umarte ang mga estudyante mula sa iba't
ibang paaralan bilang miyembro ng mga katutubong tribo, ang Kaamulan ay kinatatampukan ng
mga lehitimong miyembro ng iba't ibang tribo. Kilala ang Kaamulan para sa paggawa ng mga tunay
na ritwal ng mga katutubo.

Ritwal at Tradisyon

Ilan sa mga ritwal na ginagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ang pangampo, isang uri ng
pagdarasal, ang tahulambong ho datu, isang pulitikal na ritwal para sa pagbibigay ng kapangyarihan
bilang datu, ang panumanod, isang seremonya para sa mga espiritu, ang panlisig, isang ritwal para
sa pagpapalayas ng mga masasamang espiritu, at ang kagsaba ho kabayo, isang tradisyon ng
paglalaban ng mga kabayo.

Katutubong Sayaw

Sa Bukidnon,ang dugso nangangahulugan na "SAYAW".Ang dugso ay isang seremonyal na


sayaw na kadalasan ay tinatanghal tuwing may malaking pista o kaliga o kaya'y pasasalamat sa
magandang ani. Minsan, ito ay tinatanghal sa matagumpay na pangako o pasasalamat sa pabor na
naibigay ng maykapal.
Isa rin ito sa mga sayaw na may magandang kasuotan at naging kilala dahil sa ganda ng mga
galaw at tugtugin. Ito ay sinasayaw na may apoy sa gitna ng nagasasaya.

Literatura

Sa ilang mga gabi ng pagdiriwang naman ay ginagawa ang pagbigkas ng mga tradisyunal na
tula, epiko at iba pang anyo ng literatura tulad ng olaging, limbay, idangdang, bayok-bayok, antoka,
nanangon at dasang.

Ang mga makalumang paniniwala at kultura ng Bukidnon ay kasalukuyan pa rin nilang


isinasabuhay. Hindi nga lang sila laganap sa kapatagan ng Bukidnon sa halip sa mga malalayo at
matataas na kabundukan. Kaya nga siguro may iba’t-ibang lebel ang uri ng mga pamumuhay sa
Bukidnon, ang unang lebel ay sinasakupan ng mga tribo ng Bukidnon, yoon ngang mayroon pa ring
tradisyunal na pamumuhay at nakatira sa mga liblib na gubat at matataas na bundok. Ang
pangalawang lebel naman ay sinasakupan ng mga mamamayan na may tradisyunal na pamumuhay
pa rin ngunit naninirahan na sa kapatagan ng lalawigan. Ang sa ikatlong lebel naman ay ang mg a
mamamayan na nakakapag-aral at mulat sa makabagong pamumuhay sa kasalukuyan. Ang sa
ikaapat na lebel naman ay sinasakupan ng mga mamamayang sanay na sa makabagong
pamumuhay at hindi na tumatangkilik pa sa mga tradisyunal na kaugalian at kultura. At panghuli,
ang ikalimang lebel, dito na nabibilang ang mga imigrante mula sa iba’t-ibang lugar sa bansa o sa
ibang bansa na piniling mamuhayan sa Bukidnon. Halimbawa ng mga ito ay mga Cebuano, Ilocano,
Panay-Hiligaynon, Tagalog, Ivatan, Muslim at marami pang iba.

Magagandang Tanawin

 Dahilayan – Manolo Fortich


 Nasuli Spring-Bangcud
 Two Trees Mt. - Bukidnon Provincial Park
 Kaamulan Nature Park- Malaybalay
 Roxas Monument- Casisang
 Ereccion Del Pueblo- Bukidnon Rizal Park
 Lapanday Pineapple Farm- Malaybalay
.

 Lokasyon
 Tao at Kilalang Bulakenyo
 Magagandang Tanawin
 Paniniwala
 Edukasyon, Panitikan, at Pamumuhay
 Pagkain
 Kapistahan
IVY I. VIÑALON
Lokasyon

Ang Bulacan ay matatagpuan sa Region III o Gitnang Luzon. Ito


ay naliligiran ng Nueva Ecija sa hilaga, Pampanga sa Kanluran, Quezon
sa Silangan, Rizal sa timog-silangan, at Metro Manila timog-kanluran.
Ang kabisera ng Bulacan ay Malolos. Kabilang sa lalawigan ang mga
lungsod ng San Jose del Monte at Meycauayan.

Ang salitang Bulcan ay hango sa salitang “ bulak” na ibig sabihin


ay bulak or cotton sa ingles. Nang unang napadpad ang mga español sa
baybayin ng pilipinas , nakakita ng sila ng maraming bulak na halaman o
cotton naka na usbong saan saan sa bahagi ng luzon lalo na sa bulacan.
Kaya nila tinawag ito ng Bulakan, tahanan ng tunay na taal na tagalong.

Tao

Bulankenyo ang tawag sa mga tao sa Bulacan. Ang mga ninuno ng mga Bulakenyo ay ang
mga Dumagat na nahahati sa tatlong uri – ang Purong Dumagat, Meztizong Dumagat at mga
“halos” tagalong na Dumagat.

Mga Kilalang Bulakenyo


Francisco Gregorio Jun Marcelo
Baltazar del Pillar Cruz Reyes del Pillar
Gregorio del pilar Jun cruz reyes Marcelo h. Del pilar

Francisco baltazar
Philip salvador Regine velasquez Anacleta t. Villa
corta-agoncillo

Angel locsin

Angel Philip Regine Anecita


Locsin Salvador Velasquez Villacorta-Agoncillo
Magagandang Tanawin

Candaba Bird Sanctuary Barasoain Church

Dingalan bay view site Manalmon mountain Pinsal falls

Amana water park Pulilan butterfly haven

Bukod dito, tinatampok din ng Bulacan ang Tumutulo falls, Mt. Lumot, Puning cave, Baras
bakal, Verdivia falls at Aroma beach
Paniniwala o Pamahiin

 Bawal mag walis tuwing gabi - Naitataboy raw ang grasya.


 Pambagong taon
o Paghahanda 12 na mabilog na prutas – Tiyak ang swerte sa 12 buwan.
o Paiingay – mara lumayas ang malas.
o Pag saktong alas 12 tatlong beses na pagtalon – para tumangkad.
o Polkadots na damit - swete sa pananalapi, bilog simbolo ng pera.
o Matamis at malalagkit na pagkain.
o Bawal maghanda ngmanok.
o Puno ng bigas ang lalagyan nito
o Barya sa bulsa at ipagulong sa silid ng bahay.

Edukasyon

Noong 1904, itinatag ang isang pamantasan sa Bulacan at sa bias ng R.A 7665, ito ay nagging
Bulacan State University (BulSU) noong 1993.

Panitikan

 Kanta: Kundiman
 Sayaw: Katutubong sayaw ng mga Dinagat

Pamumuhay

Ang mga taga-Bulacan ay nabubuhay sa pagtitinda/ pangangalakal, pangingisda, palayan,


leather tanning, cement bag making, ceramic textile, food processing, at paggawa ng sapatos.

Pagkain
Kapistahan

Carabao
Festival

Pulilan Bulacan

Libad festival

Calumpit
.

Halamanan
Festival

Dayaw
Festival

Malolos
 Lokasyon
 Kasaysayan
 Magagandang Tanawin
 Kapistahan
 Kilalang Cebuano
 Sining
 Paniniwala
 Panitikan
MARY JOY CANDELARIO
Lokasyon

Ang mga Cebuano ay matatagpuan sa Rehiyon VII, o Gitnang


Visayas. Kabilang sa rehiyon ang mga lalawigan ng Cebu, Bohol, Negros
Oriental, at Siquijor.
Cebuano ang tawag sa kanila, maging sa kanilang linguahe.

Kasaysayan

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating bansa, narating na nga mga banyaga ang
kapuluan ng Pilipinas particular na ang Cebu upang makipagkalakal sa mga sinaunang Pilipino.
Ang Cebu ay galing sa salitang “sugbu” ibig sabihin “maglakad sa tubig” na naglala rawan sa
mga mangangalakal na dumarayo dito sakay ng mga sasakyang pandagat lamang.

Magagandang Tanawin

Fort San Pedro

Panglao
White Sand
Beaches

Lapu Lapu Monument

Chocolate Hills

Mag Aso Falls


Basilica Minore del Santo NiÑo
Kapistahan

Sinulog Festival

Idinadaos tuwing Enero, may halong animism at kristyanismo ang tema.

Kadaugan sa Mactan Festival

Ginaganap ang selebrasyon tuwing abril, upang gunitain ang pagkapanalo ng pangkat ni
Lapu-Lapu laban sa pangkat ni Magellan
.
Mga Kilalang Tao
Pilita Corales

Pres. Sergio Osmeña

Kim Chui

Caridad Sanchez

Yoyoy Villame

Chief Justice Hilario Davide

Max Surban
Panitikan

Isa sa pinakatanyag na panitik sa kulturang Cebuano ay ang Alamat ni Datu-Puti.

Ayon sa mga kinukwento ng mga katutubong Cebuano, ang bawat isa sa kanila’y naniniwala
sa isang partikular na alamat na nagpapakita ng pinanggalingan ng matinding pagmamahal at
pagkakaisa sa loob ng pamilyang Pilipino, at ito ang alamat ng mga Datuputi.

Bago man isinilang ang mga ninuno ng tanyag na bayaning si Lapu-Lapu, may isang
napakamakapangyarihang magkakapatid ang naninirahan sa mga isla ng Cebu. Sinasabi daw na
ang mga magulang ng magkakapatid na ito’y sina Buwan, ang tatay, at Ulap, ang nanay. Ang
bawat isa sa mga magkakapatid ay may sari-sariling talento at kakayahan. Si Leon, ang panganay
na lalaki, ay kasinlakas ng limampungpung mga leong pinagsama-sama. Si Liksi naman, ang
sumunod na lalaki’y kasinbilis ng hangin, at ang bunsong si Dunong, kahit na siya’y mahina, ay
matalino’t palaging umiisip ng mga brilyanteng paraan upang solusyonan ang mga problema.

Walang makakatalo sa kani-kanilang mga aspekto sa buong Cebu, kung kaya’t lumaki ang
mga ulo nila. Ang pakiramdam nila’y bawat isa sa kanila’y pinakamagaling sa tatlo. Nag-away
away sila hanggang dumating ang panahon na hindi na sila’y nagkausap-usap. Pagdaan ng isang
taon, aba’y, dumating isang higanteng mas malaki pa sa mga sandaang taong gulang na punong
buko ng Cebu. Kumakain ng kung anu-ano, tao man o hayop, wala siyang pakialam. Dambuhala
ang kanyang pangalan. Libu-libo ang mga Cebuanong kinalaban niya, hindi man isa sa kanila ang
nakapatay sa higante.

Naging desperado na ang mga mamamayan ng Cebu at ang unang nilapitan nila ay si Leon.
Ang mayabang na Leon ay hindi humingi ng tulong sa kanyang mga kapatid. Para sa kanya, sisiw
lamang ang problemang ito. Sa sumunod na araw, hinanap niya si Dambuhala. Sa katotohanan,
hindi ito gaanong mahirap, ang ulo niya’y makikita na isang oras bago niya nasalubong ang
higante. Hindi na nagsayang ng oras ang panganay, at binanat niya ang paa ng higante, dahil ito
lamang ang kanyang maaabot na parte ng katawan ni Dambuhala. Malakas na humalakhak ang
higante, at ang sinabi’y: “Malakas man ang iyong banat ay hindi naman masakit. Ako’y mas
mabigat pa sa bundok na iyon,” sabi ni Dambuhala, sabay tingin sa pinakamalapit na bundok sa
kanila, at tumuloy: “..kung kaya’t tumigas na ang aking mga pata at paa. Akala mo ba’y madadaig
mo ako sa lakas lamang ng limampung leon? Ika’y aking magiging hapunan ngayon hahahaha!”
Hindi makapaniwala si Leon. Hindi lang tumatayo ang higanteng ito, tumatawa pa! Agad na
tumago siya sa mga puno ng kagubatan, at pagkatapos ng ilang oras ng paghahanap, sumuko na si
Dambuhala’t tumungo sa susunod na baryo. Ang mga Cebuano’y humiling naman ng tulong kay
Liksi, ang sumunod na kapatid. Pagkatapos marinig ni Liksi ang mga naganap, siya’y natuwa
lamang sa pagkakataong magpakita na mas magaling siya kay Leon. Agad na tumakbo si Liksi
patungo sa kinaroroonan ng Higante, may dalang mahaba at makapal na lubid na ginagamit sa
mga bapor. Sinugod niya si Dambuhala at umikot nang umikot siya sa mga higanteng paa ni
Dambuhala, bawat ikot ay kumakapal ang tali sa paa niya. Pagkatapos maubos ang lubid ay hindi
na makagalaw ang higante. Nakita ito ni Liksi at ngumiti. Ngunit, pagkatapos nito’y biglang
nanginig ang lupa, at nakita ni Liksi na hindi tatagal ang kanyang mga lubid. Totoo ito dahil biglang
pumunit ang mga lubid na kasingkapal ng mangga, at muling tumayo si Dambuhala. Ang
pinaghirapan ni Liksi ay nagbunga lamang ng pag-init ng ulo ng higante. Hindi mahuli ni
Dambuhala si Liksi, kung kaya’t inilabas nalang niya ito sa mga malapit na baryo. Hindi
nagtagumpay si Liksi. Ang mga desperadong katutubo ay lumapit sa bunsong kapatid, at humiling
ng tulong. Hindi rin nagtagumpay si Dunong. Kahit ano mang mga bagong armas at mga
malalaking mga bato ang inihahagis niya kay Dambuhala gamit ang tirador, hindi pa rin tumigil
ang higante.

Isa na lamang ang magagawa ng magkakapatid, at ito’y nakamit nang sila’y muling nagkita
at nagkausap. Ano ang hihigit pa sa kanilang yabang at paniniwala sa sarili? Ito’y ang kanilang
pagmamahal sa kanilang mga asawa’t anak na naninirahan sa mga baryong susunod na susugurin
ni Dambuhala. Napilitan ang magkakapatid na pag-usapan ang problemang si Dambuhala, at may
isang planong nabuo.

Dumating na si Dambuhala sa lugar kung saan pinlano ng mga magkakapatid na isalubong.


Patawa-tawa pa si Dambuhala ng nakita niya sila. Para sa kanya, walang kuwenta ang mga
magkakapatid. Tinalo na niya silang tatlo. Nang makita ng mga magkakapatid ang sobrang
pagyayabang niya, agad silang kumilos. Umatake dapat sila habang may sorpresa. Si Liksi ang
unang kumilos. Patakbo-takbo siya paikot ng mga paa ng higante na may hawak na malaking
lubid. Sa bilis niya kasama pa ang determinasyon niyang iligtas a ng pamilya niya sa pinsala, natali
niya ang mga paa ng higante bago nalaman ng higante na may nangyayari na. Dito nagsimulang
mawalan ang balanse niya. Muntik matumba si Dambuhala, at habang hindi pa siyang nakatayo ng
husto, ang sumunod na kumilos ang dalawa pang ibang kapatid. Si Dunong, gamit ang kanyang
talino, ay nakagawa na napakalakas at napakalaking tirador. Agad na sumakay si Leon sa tirador
at dito inilabas ng mga magkakapatid ang huli nilang pamalo, ang pagtatapos ng lahat. Dahil sa
takot nilang baka masaktan pa ang kanilang mga pamilya, ibinigay na nila ang lahat. Ang tirador
ay kasinlakas ng kidlat at ang tunog nito ay kasinlakas ng kulog. Ang suntok sa ulo, na buong bigat
niyang inilabas, rin ni Leon ay ang isang suntok na hindi mo kailan man nakita o makikita uli.
Pagkatapos ng isang segundo, naging sobrang tahimik. Ang higante ay patay.

Mula sa karanasang ito, natuklasan ng mga magkakapatid ang kahalagahan ng


pagmamahalan at pagkakaisa sa pamilya. Ito ang alamat ng mga Datuputi.
Sining
Sayaw

g
-

Itik itik

-Surtido Cebuano

Kanta

 Baleleng
 Lagkaw
 Matud Nila
 Albularyong Buta
 Oh Kinabuhi

Paniniwala

 Naniniwala sila na ang pagkakarga ng bata sa likod habang nagtatanim ng niyog ay


nakakatulong upang dumami ang bunga nito.
 Kailangan din na tanghaling tapat ang pagtatanim ng sa gayon ay nasa pinaka maikli ang
anono mo, naniniwala sila na kapag ganito, hindi mo na kailangan mag hntay nga matagal
na panahon upang mamunga ang niyog.
 Lokasyon
 Aurora
 Bataan
 Nueva Ecija
 Tarlac
 Zambales
 Magagandang Tanawin
JOLYN GEMBERVA
Lokasyon
Ang rehiyon ng Gitnang Luzon ay binubuo ng
pinakamalaking kapatagan sa Pilipinas at ang gumagawa
ng halos lahat ng suplay ng bigas sa bansa. Kaya ito ay
binansagang Rice Bowl of the Philippines.

Ang mga lalawigan bumubuo dito ay ang


Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva
Ecija, Pampanga, Tarlac at ang Zambales.

Aurora
Pinagmulan

Ang Aurora ay dating bahagi ng Quezon. Sa katunayan, ang pangalan ng lalawigan na


“Aurora” ay nagmula sa pangalan ng maybahay ni Pangulong Manuel L. Quezon na si Aurora A.
Quezon.
Ang Aurora ay natuklasan ng mga Espanyol noong 1856 at tinawag na Distrito ng El Principe,
Nueva Ecija.

Heograpiya

Ang Aurora ay binubuo ng walong munisipalidad. Kabilang dito ang Baler, Casiguran,
Dilasag, Dinalungan, Dingalan, Dipaculao,Maria Aurora, at San Luis.

Binubuo ng 308,122 ektarya ang Aurora, at nakakawing sa Luzon sa pamamagitan ng


mabatong lansangang tumatagos sa Sierra Madre sa pagitan ng Baler at ng munisipalidad ng
Bongabon, Nueva Ecija.

Maulan ang klima sa Aurora sa halos buong taon, at nakapagpapatindi roon ang Dagat
Pasipiko na nakaharap sa nasabing lalawigan. Humahampas ang habagat na taglay ang halugmig ng
karagatan, at nakapipinsala ang humahagupit ang bagyo sa panahong hindi inaasahan.

Wika

Tagalog ang nangingibabaw na wika sa Aurora. Sumunod ang wikang Ilokano na ginagamit
sa hilagang bahagi ng Baler.

Ekonomiya

Agrikultura ang pangunahing industriya sa Aurora. Kopra at palay naman ang mga
pangunahing produkto nito.
Bataan

Ang Bataan ang tangway sa kanlurang bahagi ng Luzon. Lungsod Balanga ang kabesera nito.
Ang Bataan ay nasa hanggahan ng Zambales at Pampanga sa hilaga. Ang makasaysayang “Labanan
sa Bataan” ay naganap sa lalawigang ito. Ang Martsa ng Kamatayan Mula Bataan ay ipinangalan sa
lalawigan dahil dito nagsimulang magmartsa ang mga Filipino at Amerikanong sundalo pagkatapos
magapi ng puwersa ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Heograpiya

Ang Bataan ay may 11 munisipalidad na kinabibilangan ng Abucay, Bagac, Dinalupi han,


Hermosa, Limay, Mariveles, Morong, Orani, Orion, Pilar at Samal. May isa itong lungsod, ang
Balanga.

Wika

Tagalog ang pangunahing wika ng Bataan. Sinusundan ito ng Ilokano at Kapampangan.


Ingles ang ginagamit na midyum sa pagtuturo sa paaralan.

Pinagmulan

Ang Bataan ay itinatag noong 1754 ng Gobernador-Heneral Pedro Manuel Arandia mula sa
mga teritoryo ng Pampanga at korehimyento ng Mariveles na noon ay kinabibilangan ng
Maragondon, Cavite na nasa kabila ng Look Maynila.

Ang Hukbong Dagat ng Netherlands ay dumating sa Filipinas noong 1647 upang tangkaing
agawin sa mga Espanyol ang pananakop sa Iba ngunit sila ay hindi nagwagi. Ang Bataan ang ginamit
ng piratang Intsik si Limahong na lugar upang masakop ang Luzon ngunit hindi siya nagtagumpay.

Mga Pamosong Tao na Taga Bataan

 Tomas Pinpin — Ang “Prinsipe ng mga Filipinong Maglilimbag”. Ipinanganak siya sa


Mabatang, Abucay, Bataan. Natutuhan niya ang sining sa paglilimbag noong 1608 at kinuha
bilang aprentis ni Padre Blancas sa imprentahan noong 1609. Ang mababang paaralan ng
Abucay ay ipinangalan sa kaniya. Tinawag itong Tomas Pinpin Memorial Elementary School.
Matatagpuan ang kaniyang estatwa sa kwadranggel ng paaralan.
 Evangeline Pascual — Artista at nanalo sa timpalak ng pangkagandahan.
 Leonado Roman — Dating gobernador ng Bataan at kaibigan ng dating senador na si Vicente
Sotto III.
 Enrique “Tet” Garcia — Kilala bilang “Mr. Petrochem”. Siya ay naging mambabatas at dating
“accountant” ng mayaman at makapangyarihang si Lucio Tan. Nanalo siya bilang
gobernador ng Bataan noong 2004 halalan.
 Kerby Raymundo — Ikalawa sa pinakabatang pumasok sa “PBA” sa edad na 19.
Napanalunan niya ang titulong “MVP” noong 2002 sa Governor’s Cup.
 Heny Sison — Ekspertong kusinera (chef) at may palabas sa telebisyon na pinamagatang “A
Taste of Life with Heny Sison."
 Manny Villar — Ipinanganak sa Bataan, Senador.
Nueva Ecija

Ang Nueva Ecija ay nasa gitnang bahagi ng Luzon. Ang kabesera nito ay Lungsod Palayan. Ito
ang nangungunang prodyuser ng bigas sa gitnang Luzon. Ang Ilog Pantabangan ang tampok na
atraksiyon dito dahil sa impraestraktura nito na kamangha-mangha sa larangan ng inhinyeriya sa
bansa.

Heograpiya

Ang Nueva Ecija ay kanugnog ang lalawigan ng Pampanga at Bulakan sa


timog, Pangasinan at Nueva Vizcaya sa hilaga,Aurora at Quezon sa silangan at Tarlac sa kanluran.

Ang Nueva Ecija ay binubuo nang 27 munisipalidad, limang lungsod at 849 na barangay. Ang
kabesera ay Lungsod Palayan. Binubuo ng 5,284.3 kilometro kuwadrado ang buong lalawigan ng
Nueva Ecija.

Wika

Wikang Tagalog ang nananaig at ginagamit ng mga Novo Ecijano, ngunit ginagamit din ang
Kapampangan, Pangasinense, Bikolano, at Ilonggo.

Ekonomiya

Nueva Ecija ang nangungunang prodyuser ng mga produktong agrikultura tulad ng bigas,
mais at sibuyas sa buong bansa. Ang iba pang pangunahing pananim nito ay mangga, saging, talong
at bawang.

Marami ring palaisadaan sa iba’t ibang lugar sa buong lalawigan, partikular sa San Antonio,
Sta. Rosa, at Cuyapo.

Tarlac
Ang Tarlac ay nasa gitnang Luzon at may mahabang kasaysayan sa larangan ng politika at
himagsikan. Naging sentro ito ng iba't ibang kultura dahil pangunahing tagpuan ito ng mga tao mula
sa kung saan-saang lugar.

Heograpiya

Lungsod Tarlac ang kabisera ng Tarlac. Nasa hanggahan nito ang Pampanga sa timog,
ang Nueva Ecija sa silangan, angPangasinan sa hilaga at ang Zambales sa kanluran.

Ang Tarlac ay nahahati sa 17 munisipalidad na kinabibilangan ng Anao, Bamban, Camiling,


Capas, Concepcion, Gerona, La Paz, Mayantoc, Moncada, Paniqui, Pura, Ramos, San Clemente, San
Jose, San Manuel, Santa Ignacia at Victoria. Lunsod Tarlac, ang nag-iisang lungsod nito.
Pinagmulan

Pinaniniwalaang mula sa ugat na salitang “Malatarlac, (talahib) ang "Tarlac". Ito ay dating
bahagi ng Pampanga at Pangasinan at ang huling lalawigan na iniorganisa ng Pamahalaang Kastila
noong 1874.

Ang Tarlac ay isa sa walong lalawigang naunang naghimagsik sa rehimeng Espanyol noong
1896. Ito ang naging upuan ng Unang Republika ng Filipinas noong Marso 1899 nang iniwan
ng Pangulong Emilio Aguinaldo ang dating kabisera. Hindi maglalaon at mali lipat sa Nueva Ecija ang
himpilan ng Republika ng Filipinas.

Isang pulong ang idinaos ni Gregorio Aglipay noong 23 Oktubre 1899 sa Paniqui, Tarlac
upang ibalangkas ang pagbuo ng Philippine Independent Church. Nanawagan sila upang
pahintulutan ang mga paring Filipino na maglingkod sa simbahan. Ito ay naging dahilan upang
magkaroon ng pagkakahati-hati ang Simabahang Romano Catolico.

Sinakop ng Puwersang Amerikano ang Tarlac noong 1899. Sibil na pamahalaan ang itinatag
sa lalawigan noong 1901.sssss

Lumaganap ang kilusang Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon (HUKBALAHAP) sa Tarlac noong
dekada singkuwenta. Nasupil ang kilusan noong una subalit naghimagsik noong 1965. Ang Camp
O’Donnel sa Capas, Tarlac ang naging dulong terminal ng pamosong “Bataan Death Marc h” ng mga
Filipino at Amerikanong sundalo na sumuko sa Bataan. Dahil sa sobrang dami ng mga preso,
marami ang nagkasakit at namatay

Industriya

Agrikultura ang pangunahing industriya ng Tarlac. Palay at tubo ang pangunahing pananim.
Ang iba pang pananim ay kinabibilangan ng mais, niyog at gulay gaya ng talong at halamang ugat,
gaya ng bawang at sibuyas.

Ang Tarlac ay may sariling kabyawan ng palay at tubo. May tatlo itong sentro ng Asukarera.

Kilalang mga Tao na Taga-Tarlac

 Benigno Aquino, Jr. — pinaslang sa Manila International Airport noong 21 Agosto 1983 at
naging daan upang magkaroon ng mga pagkilos laban sa rehimeng Marcos.
 Corazon C. Aquino — Naging Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1986, maybahay ni
Benigno Aquino, Jr.
 Carlos P. Romulo — Nagsilbi bilang pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas, Philippine
Ambassador to the United Nations, Pangulong Pangkalahatang Asamblea at pinuno ng
Security of Council.
 Onofre D. Corpuz — Nagsilbi bilang pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas at sekretarya ng
edukasyon.
Zambales

Ang Zambales ay matatagpuan sa Rehiyon ng Gitnang Luzon. Iba ang Kabisera nito. Ang
Zambales ay nasa hanggahan ng Pangasinan pa- hilaga, ng Tarlac at Pampanga pa- silangan, ng
Bataan pa- timog. Ang Zambales ay nakahimlay sa pagitan ng Dagat Timog Tsina at Bundok
Zambales.Kilala ang lalawigan sa produkto nitong mangga, dahil isa ito sa matatamis na mangga sa
buong mundo. Hitik na hitik ang prutas na ito sa lalawigan mulang Enero hanggang Abril. Ang mga
naggagandahang beach resort dito ang dinarayo ng mga turista lalo na kung panahon ng tag-init.

Heograpiya

Ang Zambales ay nahahati sa 13 munisipalidad at isang lungsod. Kabilang sa mga


munisipalidad ng Zambales ang Botolan, Cabangan, Candelaria, Castilleejos, Iba, Masinloc, Palauig,
San Antonio, San Felipe, San Marcelino, San Marcelino, San Narciso, Santa Cruz at Subic. Olongapo
ang nag-iisang lungsod nito.

Pinagmulan

Ang pangalang Zambales ay nagmula sa wikang Zambal na ang ibig sabihin ay "mapamahiin
at sumasamba sa kaluluwa ng mga namatay na kamag-anak."

Ang mga Agta na nagmula sa Bundok Pinatubo ang mga unang nanirahan sa Zambales at di
naglaon ay pinalitan sila ng mga Zambal na kilala sa pagiging mapamahiin at mapaniwalain. Sa
ngayon ay magiliw pa rin nilang ipinagdiriwang ang mga kapistahan ng mga Santo sa buong
Zambales.

Ekonomiya

Agrikultura ang pangunahing industriya ng Zambales. Kabilang sa mga pangunahing


produkto ang palay, mais at gulay. Pangingisda, pagsasaka at pagmimina ang kanilang
ikinabubuhay.

Ang lugar ng Olongapo, na dating base ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos ay unti -unti
nang umuunlad bilang sona ng industriyalismo at turismo sa pangangasiwa ng Subic Bay
Metropolitan Authority.

Wika

Tagalog ang nangingibabaw na wika sa Zambales at sinusundan ng Sambal at Ilokano. Ang


Ingles ay ginagamit din ng karamihang naninirahan sa lalawigan.
Katutubo

Ang mga naninirahan sa Gitnang Luzon ay mga Ilokano, Tagalog, Kapampangan at


Pangasinense.

Ang mga Baluga, Abiyan, Aborlin at Dumagat ang mga pangkat etnikong naninirahan sa
Zambales, Bataan, Tarlac at Bulacan.

Ang Klayaya, Kankaney, Ibaloi ay makikita rin sa ilang lugar sa Nueva Ecija at Zambales.

Magagandang Tanawin

(Kaliwa) Dambana ng
Kagitingan sa Bataan

(Kanan) Barasoain
Church, Bulacan

(Kaliwa)
Capones Island,
Zambales

(Kanan)
Gabaldon Falls,
Nueva Ecija

(Kaliwa)
Mt. Arayat
National Park,
Pampanga

(Kanan)
Lahar Canyon
Park, Pampanga
 Kuwento ng Laking Iloilo
 Lokasyon
 Wika
 Panitikan
 Literatura
JEFREY MAYOLA
Kwento ng Laking Iloilo
Sabi nila, ika-13 siglo noon nang may sampung datung taga-Borneo ang dumating sa isla
ng Panay at nagbigay ng gintong salakot at kwintas sa mga katutubong Ati bilang isang handog
para sa kapayapaan. Sinabing paagi din ito upang ibarter ang isla ng dalawang kampo, at isang
datung nagngangalang Paiburongang nakatanggap ng teritoryong kung tawagin ay Irong-irong, na
kinalaunang napalitan at tinawag na Iloilo.

Ilonggo ang tawag sa’min, at ito din ang aming wika na mas pormal na kilala bilang
Hiligaynon. Pinapalibutan kami ng 42 munisipalidad at dalawang lungsod. Hinggil sa kasaysayan
nito bilang isang mahalagang puerto, mga mestizo ang marami sa amin. Katulad ko, yung tipong
may halong Kastila ang nawong at awra. Isa pang katangi-tangi dito ay yung apelyido namin.
Halimbawa, kapag “A” ang apelyido mo, kahit di ka pa kilala o kaano-ano, tiyak na sa bayang
nagsisimula din sa titik “A” ka nakatira. Halimbawa galing ka sa angkang Dela Cruz, itatanong nila
yan, uy taga-Dumangas ka ano? Hahaha. Tumpak, dun nga!

Madasalin. Tuwing ang lumang batingaw ay maririnig, lahat ay nananalangin. Ito ang isa sa
mga katangiang taglay ng isang likas na Ilonggo. Bunsod ito ng maraming nakapalibot na
simbahang karamihan ay mas matanda pa sa lolo’t lola mo sa talampakan. Pinakatanyag dito ang
mahigit dalawang siglo nang nakatayong simbahan sa Miag-ao dahil sa mauti at kapita-
pitagang Baroque Romanesque na arkitektura nito na walang dudang nagbigay daan upang
hiranging isa sa mga World Heritage Sites ng UNESCO. Pagbaba mo mula riyan ay sasalubong din
sa’yo ang Molo Church na siyang nagbabahay ng mga babaeng santo, at ang parang kapilas nito
na Jaro Cathedral sa lungsod mismo, na siya namang ginuguwardiyahan ng mga lalaking
santo. Bawa’t huni ng kampana, bawat tunog ng kuliling ay siya ring pagsaliw ng pagka-maka-
Diyos naming Ilonggo. Lahat ay tumatayo bil ang buhay na pamana ng kultura at kasaysayang
matinding idinuong sa pananampalataya, sa relihiyong aking kinamulatan.

Halika, libutin natin ang kalungsuran!

Gusto mong mag-ikot sa kalye ng nakaraan? Puntahan natin ang Calle Real kung saan
binubuhay ang mga alaala ng mga taong lumipas. Isa itong patunay ng kadakilaan ng Iloilo na sa
kabila man ng di mabilang-bilang na mababangis na giyera, unos at himagsikan, ay maunlad pa
ring nakatayo at nagsisilbing museo ng kasaganaan sa kasalukuyan. Marami ding napap aloob na
mansyon sa siyudad, kabilang na ang pagmamay-ari ng mga Lopez at Jalandoni na tubong-Iloilo
din. Bawat pilas na nakamarka sa mga gusali, bawat biyak na sementong wari binato ay taas-noo
pa ring nakatirik para handugan ang bawat Ilonggo ng masaganang komersiyo. Kalyeng sumubok
sa aking katatagan. Kalyeng nagmulat sa akin kung ano ang mukha ng mundong reyalidad.

“Manong, sa lugar lang.”

Yan ang sikat na spiel na maririnig kapag bumaba ka ng dyip. Harayain mo ngang parang
pakanta itong binitawan sabayan pa ng taas-babang kumpas at himig. Ah, yan naman ang
tinatawag na tatak-Ilonggo, yaong madalas naririnig niyong sikat na sinasalita ng mga katulong sa
telenobela. Hindi man ako ipinanganak na magaling kumanta gaya ng mga kababayan kong sina
Myrtle at Jed Madela, eh eto naman ang ritmong humulma sa aking talento sa pagsasalita’t
pagtalumpati. Katulad na lamang ng mga kababayan kong Big Man sa senado at abogadang ma-
pick-up line. Ang mismong ritmong ito ang siyang nagkakaisa sa aming mga Hiligaynon. Bose s na
siyang intsrumento upang iparinig ang hinaing at ipagtanggol ang karapatan nating mga
Pilipino.

Teka, napansin mo yung sinakyan natin? Walang ganyan sa States, maging doon sa
Maynila. Dito ka lang makakasakay sa pampublikong SUV, Toyota at kung anu-ano pang magarang
otong pinapangarap mo. Paano ba naman kasi eh ang mga jeepney dito sa amin ay kopyang kopya
talaga ang disenyo ng mga oto mula bumper, mga ilaw, hanggang sa mga gulong. Astig di
ba? Mga gulong na tumawid sa akin sa aking mga pangarap. Mga prenong nagpatigil sa aking
mga pinaka-di-malilimutang pangyayari. Mga businang tila hudyat na nagbabala sa akin kung
kailan kailangang huminto o sumulong.

Kapag edukasyon naman ang pag-uusapan, hindi rin mawawalang itala ang pook sa
listahan. Dunong at talino ang yamang maipagmamalaki naming mga Ilonggo. Ang kauna-
unahang paaralang panlalaki ay naitayo sa bayan ng Tigbauan pati rin ang unang provincial high
school sa bansa ay sa Iloilo rin ipinundar. Nariyan din ang CPU, ang pinakaunang Baptist university
sa Asya at nursing school sa bansa. Ang San Agustin, kung saan ako nagkolehiyo, ay ang
pinakamatandang unibersidad naman sa Kanlurang Visayas. Kaya ipinanganak dito ang maraming
doktor sa iba’t ibang larangan, apat na mahistrado ng bansa, ilang senador, maging ang bayaning
si Graciano Lopez Jaena at ang minsang nangarap magmay-ari ng bituing kinalaunang naging
siyentipikong nakatuklas ng isang planeta, si Ma’am Biyo. Mga simpleng mamamayang may
payak na hangarin, nagsumikap at nagtagumpay. Mga simpleng taong inspirasyon ko at ng mga
kapwa kabataang nangangarap maabot ang mga mithiin sa buhay.

Nagugutom ka na sa haba ng ating paglalakbay? Halina’t bubusugin kita ng hain sa aming


lamesa. Kung foodtrip hanap niyo, huwag kalimutang dumalaw sa Breakthrough para sa isang
masaganang tanghalian o di kaya’y huminto sa native manokan ni Mang Tatoy sa tabi ng
dalampasigan. Gusto n’yong humigop ng mainit na sabaw? Nariyan ang pamosong batchoy ni
Mang Ted at Deco orihinal mula La Paz o pancit molong handog naman ng mga taga distrito ng
Molo siyempre. Maya bago kayo umuwi, maaari kayong tumigil sa Biscocho Hauz at mamili ng
pasalubong mula biscocho, barquillos, butterscotch hanggang piaya, pacencia at pinasugbo para sa
inyong minamahal. Katutubong hain para sa kabusugan ng bawat tiyang kumakalam. Sariling
lutong tanging sekretong sangkap ay sipag at tiyaga, siyang bumusog sa aking murang kaisipan.

At para sa huli nating itineraryo, marapatin niyong ipasyal ko kayo sa bayang akin talagang
pinagmulan. Askal man ay mananatili pa ring mga asong-gala kung hindi sa probinsyang aking
kinalakhan. Sa isang oras ng byahe mula sa lungsod, makakadapo kayo sa bayan ng Barotac Nuevo
sa Hilaga na siyang naging tahanan ng mga putbolero. Football Capital ng bansa’y dito
masisilayan, sikat na mga Azkal ay dito nag-ensayo’t nagsipaan. Si Chieffy, Ian at ilan sa mga
iniidolo niyong manlalaro ay mga kapitbahay kong namuhay nang pangkaraniwan. At sa
malaking football field dito binuo ang mga munting pangarap na siyang sumipa’t humawi sa
kanilang landas patungo sa pagtatagumpay. At bawat galos sa tuhod, bawat bubog na naapakan
at paghihirap na noo’y di inalintana, ay nagbukas naman ng kamalayan at pag-asa sa bawat
batang may umaalab ding pangarap na sumipa tungo sa magandang bukas. Ito’y plazang
naging parang ng aking pagkatao, minsang naging takbuhan, kublihan at karamay.

Ayun, at naikot ko na kayo sa buong Iloilo, sa aking lupang sinilangan.


Siyanga pala, kung gusto niyong masaksihan ang mga katutubong sayaw na sumasaliw sa
mga makukulay na kasuotan, bumalik kayo dito sa ikaapat na Linggo ng Enero at mag-
Dinagyang. Piyestang nagpapamalas ng kaugaliang Ilonggo. Salu-salong nagbuklod-buklod sa
bawat kaibigan, kaaway, kapamilya’t kapuso.

Yaong mga destinasyong ating dinalaw ay may kanya-kanyang istoryang bumabalot at


humubog sa ating pagkatao. Mga sariling dahilan kung ba’t hanggang ngayon ay matibay pa ring
nakatayo at mahigpit na nakakapit. Bawat imprastrukturang nakayakap sa palibot ay
naghahandog ng mumunting aral na nagsisilbing sulukban ng lakas at pagbubuyong magsumikap,
magsuhay. Bawat pook ay nagbibigay gunita sa ating mga Pilipino ng ating kasaganaan, ng
kayamanang di mapaparam kailanman.

Alam mo walang biyaheng di nakakapagod. Walang paglalakbay na di ka makakaranas ng


aberya. Walang pagmamanehong di ka mawawalan ng gasolina. Kaya gaano man karupok ang
landas, ilang lubak-lubak man ang pagdaanan, walang pa ring makakapigil sa iyo na makarating sa
inaasam na destinasyon kapag bitbit mo ang mga alaala’t inspirasyon ng bawat tanawin, ng
kahapong nakaraan.

Ipatuloy mo ang paglalakbay, kaibigan.

Muli, ako si Kevin, laking Iloilo, tunay at totoong Pilipino. At gaya ko, alam kong marami ka
ring ikukuwentong kakaiba hinggil sa bayan mo. Padalaw rin minsan, ha?

Lokasyon
Ang kulturang Hiligaynon ay matatagpuan sa isla ng Panay na nasa
Kanlurang Visayas. Binubuo ito ng mga probinsya ng Aklan, Antique, Capiz,
Guimaras, Iloilo, at Negros Occidental. Ito ang Rehiyon VI (Kanlurang Visayas).
Ang mamamayan ng rehiyong ito tinatawag na ilonggo.

Wika
Hligaynon

Ito ang wikang ginagamit sa Iloilo at Negros Occidental, ang pinakamaunlad na mga
lalawigan sa Kanlurang Visayas. Hiligaynon ang kasalukuyang ‘lingua franca’ ng rehiyon, ito kasi ang
wikang may pinakamaraming gumagamit/nakakaintindi.
Isa lang ang Hiligaynon sa sangay ng wikang Austronesyano. Nangangahulugang
“umagos/paagusin” ang salitang ugat ng Hiligaynon na “ilig” sa kadahilanang: (a) patungkol ito sa
tubig na bumabalot sa buong isla, at sa (b) sinasabing s inaunang trabaho ng mga katutubo roon;
ang pagpapa-agos ng mga kawayan sa ilog upang ipagbili.
Dahil sa ang Iloilo ay matagal nang kinikilalang sentro ng kalakalan sa Visayas, dumating ang
panahong ang mga mangangalakal na intsik ay nakapag-asawa na ng mga katutubong Filipina at
doon na nanirahan. Hindi naiwasang maimpluwensyahan ng mga instik ang wikang gamit doon.

Gayon din ang pangyayari nang dumating na ang mga Espanyol. Dahil sa may kahirapan
silang bigaksin ang ibang katutubong salita, ginawan nila ito ng pagbabago, sumakatwid,
pagbabago sa wikang Hiligaynon.

Ang kasalukuyang Hiligaynon ang naging bunga nito.

Patuloy pa rin ang pag-unlad ng panitikang Hiligaynon, bagaman hindi maikakailang


westernisasyon ang isa sa mga isyung kinakaharap, hindi lamang sa Kanlurang Visayas, kundi sa
buong PIlpinas.

Kiniray-a

Kinaray-a ang wikang ginagamit sa Antique at iba pang lalawigang malayo sa mga lungsod.
Dito nanggaling ang Hiligaynon, at masasabing ito ang pinakamatandang sa tatlong wikang
ginagamit sa Panay. Ang Hinilawod, ang pinakamahabang epiko sa Pilipinas, na binigkas/kinakanta
sa makalumang KInaray-a, ang patunay nito.

Isa rin itong sangay ng wikang Autronesyano.

Nangangahulugang “mataas na lugar” ang salitang ugat ng Kinaray-a na “iraya”. Dahil kasi
ito sa lugar na tinitirhan ng mga karay-a. GInagamit ng mga taong naninirahan sa bundok ang
Kiniray-a.

Dahil sa hinahati ng malalaking bundok ang Antique sa karapit nitong lalawigan, masasabing
hindi gaanong naimpluwensyahan ng mga taga-labas ang wikang Kinaray-a.

Sa ngayon, isinusulong ng wikang Kinaray-a ang pagbangon ng kanilang sariling panitikan, na


may sariling identidad. Nagpapaganap sila ng mga palihan, pagpaparangal at aktibong sumasali sa
mga patimpalak sa labas ng Kanlurang Visayas.

Aklanon

Ito ang wikang ginagamit sa Aklan. Makikilala ito dahil sa walang tunog na /l/ ang wikang
Aklanon. Iyon daw ay dahil sa phi tang namunong datu sa Aklan, at dahil sa pagmamahal ng ga tao
sa kaniya, sinunod nila ang paraan ng pagsasalita ng kanilang Datu.

Isa ito sa mga wika sa Pilipinas na kung baybayin ay sunod-sunod ang patinig. Iyon din ang
dahilan kung bakit madaling nagkaroon ng sariling depenisyon ang Aklanon.

Tulad tin sa Kinaray-a, ngayon pa lang din sumisibol ang Aklanon. Isa sa mga tinuturong
dahilan ay ang pagturing noon sa Aklanon, maging sa Kinaray-a bilang wikang pangkatulong. Noong
nagsimula ng mag-imprenta ng babasahin sa Panay, akdang Hiligaynon lang ang nabigyan ng
pagkakataong mailathala.
Napilitang gumamit ng Hiligaynon ang mga manunulat na iba ang katutubong wika at dahil
doon, hindi nabigyan ng gaanong oportunidad ang ibang wika upang umusbong.

Sa ngayon, sa tulong na rin ng teknolohiya, maraming aklanon ang sumusulat sa mga ‘blogs’.
Sa pamamagitan nito, madali at mabilis na nilang maipapahayag ang mga akdang Aklanon.

Panitikan

Mitolohiya

Ito ang kasangkapang ginagamit noon ng mga sinaunang tao upang maipaliwanag ang
pinagmulan at dahilan ng mga bagay-bagay na hindi maipaliwanag ng simpleng pag-iisip. Ito ang
sangay ng panitikang bayan na hindi gaanong nabigyang pansin at napaunlad. Madalas na tema
nito ang pagkakalikha ng mundo, at ang mga Diyos at Diyosang gumagabay sa mundo.

Ito ang iba’t-ibang mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiya ng Panay:


 Tungkung Langit – Diyos nang kalangitan. Nagdadala rin ng tagtuyot, taggutom at bagyo
kapag nagalit
 Lulid – Batang-Diyos ng lupa. May kapangyarihang paputukin ang mga bulkan.
 Linting – Habughabug- Diyos ng kulog at kidlat.
 Alunsina – Diyosa ng araw, buwan, mga bituin at karagatan. Mapag -patawad kaya
pinakapaborito ng mga tao.
 Burigadang Pada Sinaklang – Diyosa ng kagahamanan at yaman.
 Saragnayan – Diyos ng kadiliman
 Lubay – Lubukin hanginum si makayuk-yahukin- Diyosa ng hanging panggabi.
 Suklang- Malayon – Diyosa ng masayang pamilya/tahanan.
 Maklium-sa-tawan – Diyos ng mga kapatagan at lambak.
 Bulalakaw – Diyos ng mga Negritos o Ati na may katawan ng isang pabo

Epiko

Hinilawod ang epiko ng Panay. Ito ang pinakamatanda at pinakamahabang epiko sa


Pilipinas. Mayroon itong walong parte, ngunit mahahati sa tatlong arko. Una ang istorya nila
Alunsina at Paubari, pangalawa ang pakikipagsapalaran ng kanilang anak na si Labaw Donggon at
pangatlo ang pakikipagsapalaran ng dalaw niyang kapatid na sina Humadapnon at Dumalapdap.

Ang Hinilawod ay literal na nangangahulugang “tales from the mouth of the Halawod River”
(Jocano 2000: 3) ay nirekord 50 taon na ang nakalipas. Isang bahagi lamang ito sa narekord na
epiko na sinasabing isa sa pinakamahabang epiko sa Sulod, “mga grupo ng tao sa kabundukan ng
Gitnang Panay” (1). Dagdag pa ni Jocano, hindi lamang ito isang piyesang pampanitikan kundi
ibahagi ng ritwal pangrelihiyon ng mga Sulod. Kapansin-pansin sa pagbabasa ng teksto ang mga
bahaging nagtataglay ng mga sagrado at bahagi ng kanilang ritwal sa panggagamot.

Binubuo ito ng 8340 na taludtod na may apat na episodyo o sugidanon: (1) pangayaw o
paglalakbay, (2) tarangban o yungib, (3) bihag, at (4) pagbawi o muling pagkabuhay
Ito ay isang siping ukol sa pakikipagspalaran ni Humadapnon:

Nakatutulog si Buyong Humadapnon sa kaniyang duyan nang nagpakita sa kaniyang


panaginip sina Taghuy at Duwindi, ang mga kaibigan niyang espirito. Sinabi ng dalawa na marapat
nang hanapin ng datu ang kaniyang babaeng mapapangasawa, na kapantay niya ng uri. Ibig
sabihin, anak-maharlika rin, may kapangyarihan, bulawan ang buhok, may alam sa panggagamot.
Ang babae’y si Nagmalitong Yawa, anak nina Buyong Labaw Donggon at Uwa Matan-ayon.

Humiling si Humadapnon ng permiso sa magulang na maglakbay para hanapin ang


kaniyang mapapangasawa. Sa tulong ng mag-anak, pinagsama-sama nila ang kanilang mga dugo
mula sa daliri at nakalikha sila ng isang datung kapamilya na si Buyong Dumalapdap. Si
Dumalapdap ang makakasama ni Humadapnon sa kaniyang adbentura, sakay ng ginintuang biday
o barangay na pamana pa ng magulang sa binata.

Bilang preparasyon sa paglalakbay, dumaan muna si Buyong Dumalapdap sa pagsasanay.


Anim ulit siyang sinibat ng kapatid at namatay. Muli naman siyang binibuhay hanggang sa sumapit
ang ikapitong pagsibat at nakayanan ni Dumalapdap ang iwasan ang rumaragasang patalim na
kasimbilis ng kidlat.

Sumulong na ang ginintuang biday ni Humadapnon. May ritwal muna bago ito isulong sa
dagat: pinausukan ng kamanyang at dinasalan para sa maayos na paglalakbay. Pinaalalahanan
ang binata ng kaniyang magulang na mag-ingat sa engkantadong isla ng Tarangban. May puwersa
itong bumubura sa konsepto ng pinagmulan. Hindi naman natinag si Humadapnon. Hanggang sa
narating nila ito at kaniyang narinig ang paanyaya ng yuta-yutang binukot. Napakaganda ng mga
tinig. At nahalina ang binata. Pinigil naman siya ni Dumalapdap at laging pinapaalala na marapat
nilang puntahan.

Ang Tarangban ay isla ng mga binukot (well-kept maidens). Sa una, ayaw pagbigyan ni
Humadapnon ang paanyaya ngunit nang lumitaw ang pinakabunso, pinakabatang binukot na si
Malubay Hanginon, naakit ang binata at umibis ng kaniyang sinasakyan. Tinanggap niya ang
inaalok na nganga ng binukot. Doo’y siya’y nakapagtalik sa yuta-yutang mga dalaga. Itinuring ng
binata na kalaro at laruan lamang ang mga binukot. Inabot ng pitong taon ang pakikipagtalik niya
ang mga binukot sa isla.

Nang natauhan si Humadapnon at nagtangkang umalis, nagsara ang yungib ng Tarangban.


Naging bihag ang binata. Nagluksa naman si Dumalapdap sa kapalaran ng nilang magkapatid.
Hindi sila nagtagumpay sa paghahanap ng tamang binibini at sa pagpapatnubay sa isa’t isa sa
tama.

Bumalik sa kanilang tahanan si Dumalapdap. Ipinaalam niya ito sa kaniyang magulang.


Nangako naman ang magulang na gagawin ang makakaya. Hindi nagtagumpay ang mag-anak.
Nangako sila ng pabuyang kayamanan (para sa lalaking tagapagligtas) at kasal (para sa babae).
Hindi nagtagumpay ang kalalakihan, gayundin ang mga dalagang babaylan. Nanangis sa harap ng
Tarangban si Dumalapdap hanggang sa makaisip ang kaniyang mga kaibigang espiritong sina
Duwindi, Taghuy, at Hangin na pakiusapan ang binibining talaga naman nilang pakay sa
paglalakbay. Mangyari, siya lamang ang maaaring makapagligtas sa nakulong na binata dahil
magkasinlakas sila. Sa paanyaya, pang-uudyok, at pananakot ng mga espirito, napapayag na rin si
Nagmalitong Yawa. Una, sinabi nilang kapatid ang nakulong. Ngunit ipinagtapat nilang iyon ang
binatang ang diwata ang pakay. Nagbalatkayo si Nagmalitong Yawa bilang lalaki (buyong, datu).
Ang hindi lamang siya maitago ay ang kaniyang matamis na amoy ng isang binukot. Pagdating nila
sa Tarangban, naakit muli ang mga binukot. Binuksan nila ang Tarangban sa galak na makakitang
muli ng makisig na binata.

Bilang nagbabalat-kayong lalaki, nagsa-mandirigma si Buyong Sunmasakay. Pinaslang


niyang lahat ng mga binukot sa isla, maging ang pinakapinunong si Lubay Hanginon ay kaniyang
sinaksak. Tumambad naman si Humadapnon na naengkanto. Wala na ito sa kaniyang sarili. Sa
tulong ni Buyong Sunmasakay at ng mga kaibigang espirito, ibinalik nila ang buhay (tubig buhat sa
ikapitong antas ng langit) at katinuan ng nabihag na bayani. Hindi naman nagpakilala si
Nagmalitong Yawa bilang tagapagligtas ng lalakI.

(Inawit ni Hugan-an; Ni-rekord at isinalin ni F. Landa Jocano; 2000 Quezon City: PUNLAD Research
House Inc)

Kuwentong Bayan

1. Mga kuwentong hayop ang tauhan (pabula)

Layunin ng pabula na punain o purihin ang isang katangian ng tao. Ginagamit ito
upang bigyan nga magandang aral ang mga batang tagapakinig sa nakaka-aliw at masayang
paraan. Isa na rin ito sa masasabing ‘espesyal na sandali sa pagitan ng mga magulang at
anak’.

2. Mga kuwentong bida ang mga diwata at iba pang supernatural na karakter.

Layunin ng mga kuwentong nababalot ng kababalaghan na ipakita kung gaano


kalakas ang mga bagay na supernatural at hindi nakakita. Noon panahon kasing hindi pa
dumarating ang mga Espanyol, kalikasan at mga diwata, kasama na ang mga diyos at diyosa
ang sinasamba ng mga tao.

Nang dumating ang mga Espanyol, nagsilbing pananakot upang sundin ang
simabahan at payle ang ga kuwentong dati’y nagsisislbing pagbigay-galang.

3. Mga kuwentong bayan na pang-aliw

Bukod sa magpatawa, layunin ng mga kuwentong pang-aliw na ipakita ang


pangaraw-araw na buhay ng isang tao. Maihahanay ang “Juan Pusong” sa kategoryang ito.

Alamat

Hinabi ang mga alamat upang mabigyang-paliwanag ang mga pinangalingan at dahilan ng
pagkakabuo ng isang bagay. Kung ikukumpara sa Mitolohiya at Epiko, masasabing hindi kasing layo
ang panahon o tagpuan ng kwento.
Mahahati sa dalawa ang Alamat

1. Mga alamat na nagbibigay paliwanag sa pangalan at kayarian ng mga bagay.

Maraming alamat ukol sa pagkakabigay ng pangalan sa mga baryo at lugar sa


iba’t ibang dako ng Panay at Negros Occidental. Madalas na motif ng kuwento ay ang
hindi pagkakaintindihan sa pagitang nga mga katutubo at Espanyol at kung minsa’y mga
Amerikano.

2. Mga alamat patungkol sa mga Bayani o kilalang tao.

Marahil ang pinakakilalang alamat ukol sa kilalang bayani o tao ay ang Maragtas.
Ito ay istorya ukol sa pagkakatuklas sa Panay ng sampung borneong datu, kung paano
sila namuhay ng matiwasay kasama ang mga ati.

Isa pa ang Kalantiaw. Ito naman ay patungkol sa Piratang tsinong nagngangalang


Kalantiaw na nakuha ang posisiyon at naghari ng tatlong taon.

Napatunayan na hindi totoo ang mga ito sa pamamagitan ng mga pag -aaral na
pinangunahan ni William Henry Scott.

Binalaybay (Tula)

Bago pa man dumating ang mga Espanyol, marami ng binibigkas na binalaybay sa Kanlurang
Visayas. Dahil na rin sa dami ng mga binalaybay sa Panay at Negros, nagawa na nilang hatiin at
iangkop sa bawat okasyon ang mga ito. Hindi gaanong nalalayo ang binalaybay sa awiting bayan,
dahil sa pareho itong inaawit.

Maaaring hatiin sa apat ang mga binalaybay na makikita sa rehiyon

1. Mga Luwa

Ito ay mga bersong may apat o dalawang taludtod na may tugma. Ang mga
berso sa luwa ay nanggaling sa Korido. Sa dalawang okasyon ito binibigkas; sa bilasyon
o lamay sa patay at pasaka o pamamanhikan. Sa dalwang okasyon, masasabing
iniuugnay talaga ng mga katutubo ang luwa sa bilasyon. Iyon ay sa kadahilanang
ginagamit ang luwa sa Bilasyon upang makakilala ng mga posibleng maging nobyo o
nobya.

2. Tulang naratibo

Mga kuwentong isinalaysay ng patula ang magandang depenisyon sa tulang


naratibo. Ang mga tulang ito ay pinagpasa-pasahan na ng ilang heneresyon. Bagaman
halos lahat ng binalaybay sa kategoryang ito ay mga kuwentong lilok ng imahinasyon,
ang iba ay hango sa tunay na buhay, na kung minsa’y nagsisilbing pang
pangkasaysayang dokumento.
3. Tulang Dramatiko

Ang mga tulang ito’y ginawa para sa entablado. Isang magandang halimbawa
nito ang mga kulukyu, na umusbong noong 30’s. Nandiyan din ang mga akdang ginawa
para sa manginginig sa radyo. Pati rin ang mga korido, na noo’y kinakabisado pa ay nasa
kategoryang ito

4. Tulang Liriko

Tulang liriko ang tawag sa mga tulang direktang nagpapahayag ng damdamin.


Ito ang isang sangay ng pantikang-bayan na hindi gaanong nalinang. Dahil kasi sa mga
luwa, naggawa na ng mga kalalakihang ihayag ang kanilang mga nararamdaman at dahil
sa parang debate ang luwa, hindi na halata kung totoo ba talaga, o nasa linya lang ang
sinasabi ng lalaki. Karamihan ng mga tulang Liriko ay ukol sa pag -ibig.

Ambahanon

Ito ang tawag sa mga kantang-bayan sa Kanlurang Visayas. Dahil sa pareho ngang ikinakanta
ang mga binalaybay at ambahanon sa Panay at Negros, kaya minsa’y napagpapalit ang mga ito.

Madaming klase ng ambahanon na matatagpuan sa rehiyon:


 Balitaw – Katumbas ito sa Harana ng mga tagalong. Kumakanta ang lalaki na may kasamang
gitara. Ang tanging pagkakaiba’y kumakanta rin ang babae.
 Bikal- Ito ang mga kantang may layuning magpatawa.
 Siday – Ito ang mga awit tungkol sa mga mitolohikal na Diyos at Diyosang Panay.
 Panawagon- Ito ay mga kanta ng pag-ibig na may malungkot na tema.
 Awit na pang-hele – Awit para sa paghehele ng mga sanggol, o pagpapatahan kapag
umiiyak.
 Awit pambata – Tawag sa mga awit na madalas marinig na kinakanta ng ga batang
naglalaro.
 Kumposo – Ito ay mga awit na may kompositor. Madalas na pasalaysay ang mga Komposo.
 Nagkukwento sa mga bagay na nagaganap sa araw-araw.
 Awiting pang-obra – Mga awit habang nagtratrabaho.
 Awit para sa Yumao – Awit na nagbibigay galang sa mga yumao.
 Awit Pangsimbahan – Awit na nilikha upang kanahain sa simbahan.
 Awit sa Digmaan – Awit na naghahayag ng pakiramdam, paghihirap at mga alaala noong
digmaan.

Harubaton

Ito ang tawag sa mga salawikain sa Kanlurang Visayas. Sinasakop nito ang iba’t-ibang uri ng
paniniwala/pananaw ukol sa mga mahahalagang punto ng buhay ng isang tao, at kung paano siya
dapat kumilos sa lipunang ginagalawan niya.
Paktakon

Ito ang tawag sa mga bugtong. Madalas nila itong binibigkas sa mga okasyong
magkakasama ang pamilya, mga palaro o kahit anong okasyong masaya. Binabase nila ang mga
paktakon batay sa kung paano nila tignan ang isang bagay. Maaaring sa retorikal na paraan, o sa
senswal na paraan.

Banggianay, Dilut at Balak

Ito ay mga debate sa pagitan ng kababaihan at kalalakihan. Isang patunay na talgang


mayaman ang panitikan ng mga Pilipino, bago pa man dumating ang mga Espanyol.

Kontemporanyong Literatura
Sugilanon

Ito ang maiikling kuwento. Nagsimula makilala ang ganitong anyo ng panitikan noong mga
huling bahagi ng ika-19 na siglo. Maisasama rin dito ang pinadalagan/binirisbis na dagli ang
katumbas sa Tagalog.

Sugilambong

Tawag sa Nobela. Sinasabing nakuha ng mga manunulat ang transisyong makaluma tungo sa
kontemporanyo ukol sa nobela sa tungkol sa korido.

“Benjamin”

Ang pinakunang nobelang naimprenta sa Hiligaynon. Likha ni Angel L. Magahum


 Lokasyon
 Mamamayan
 Pagkakadiskubre at Pinagmulan
 Wika
 Pagkakakilanlan
 Kultura
MAYLYN GALO
Lokasyon

Ang mga Ibaloy ay matatagpuan sa mga munisipalidad ng


Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, La Trinidad, Itogon, Benguet at Tuba sa
timog-silangan ng Benguet. Kasama sa wika ng mga Ibaloy ang ilang
salitang Ilokano at Pangasinense.

Ayon kay C. R. Moss, ang Ibaloi ay isang tribo ng mga Igorot na


naninirahan sa hilagang parte ng probinsiya ng Benguet. (1876) Ngunit
ayon naman sa monograph na pinamagatang Aesthetics and Symbolism
as Reflected in the Material Culture of the Benguet Ibaloi, ang
karamihan sa mga Ibaloi ay naninirahan sa dakong timog at sa
dalawang-katlo ng silangang bahagi ng Benguet. Ang populasyon ng mga Ibaloi ay puro sa mga
munisipalidad ng La Trinidad, Tuba, Itogon, Sablan, Atok, Bokod, and parts of Kapangan at Kabayan.

Mamamayan
Ang mga Ibaloy ay kayumanggi, mababa at may matipunong pangangatawan. Nakatira ang
mga Ibaloy sa mga mabundok at mabatong lugar. Gawa sa kogon o nipa ang karaniwang bahay ng
mga Ibaloy. May pintuan itong naakaharap sa hilaga o silangan at walang bintana. Marami silang
kasanayan para sa pag-aangkop sa kapaligiran tulad
ng hagdang-hagdang taniman sa gilid ng bundok at
pagpapatubig sa mga ito sa tulong ng mga tubong
kawayan.

Masisipag na magsasaka ang mga Ibaloy.


Nagtatanim sila ng lahat ng uri ng gulay, strawberry
at mga prutas. Mga lalaki ang naghahabi ng basket.

Ang Ibaloi, binabaybay ding Ibaloy ay isa sa


mga taong indihena (katutubo) o mga pangkat
etniko sa Pilipinas na kapag ipinagsama-sama ay
kilala bilang Igorot. Sila ay naninirahan sa kabundukan ng gitnang bahagi ng Cordillera sa Luzon.
Mayroong limamput-limang libong Ibaloi at karamihan sa kanila ay matatagpuan sa timog bahagi
ng probinsya ng Benguet. Ang kanilang lenggwahe ay “Nabaloi”

Ipinakikilala ng mga Ibaloi ang sarili nila bilang tahimik at mapayapa.

Pagkakadiskubre at Pinagmulan
Dalawa ang tinitignang dahilan kung bakit natuklasan ang Baguio: ang paghahanap ng mga
Espanyol ng ginto at ang paghahanap ng mga Amerikano ng mapagdedestinuhan. (Brett, 1988)
Bagkus, natagpuan ng mga dayuhan ang mga Ibaloi na namamalagi sa Baguio. Maraming pasalitang
salaysay ang sumusubok at nagtatangka na ilarawan ang pinagmulan ng mga Ibaloi. Ayon sa mga
ito, ang grupo ay nagmula sa second wave ng mga Malay at mga Indonesians na nagmula sa
Pangasinan at tumungo pa-Hilaga at saka namalagi sa “Baloy”. Ito na rin ang pinagmulan ng
kanilang pagkakakilanlan—Ibaloi (galing sa Baloy).

Wika
Ang lenggwahe ng Ibaloi ay nag-ugat sa Malayo-Polynesian na sangay ng Austronesyanong
wika. Ito ay may kaugnayan sa wika ng Pangasinan na matatagpuan timog -kanluran malapit sa
Benguet. (“Ibaloi” Wikipedia: The Free Encyclopedia) Sa paglipas ng panahon, unti -unting
nalilimitahan ang paggamit ng Nabaloi. Ang patuloy na pagsasawalang -bahala dito ay
makakaimpluwensya sa maaaring paglaho ng lenggwaheng Ibaloi sa mga susunod na henerasyon.
Ang paggamit ng wikang Tagalog, Ingles at Ilokano ay mas nagiging dominante maging sa bagong
henerasyon ng mga katutubong Ibaloi. Ang layunin ng awtor ay subukang iligtas ang lenggwaheng
Ibaloi mula sa tuluyan nitong paglaho.

Pagkakakilanlan
Pananamit

Patungkol sa pananamit ng mga Ibaloi, ayon kay Dean Worcester: hindi tulad ng ibang mga
hindi Kristyanong tribo sa hilagang Luzon, ang mga babaeng Ibaloi ay dinadamitan ang kanilang
buong katawan. Ang kanilang palda ay abot hanggang tuhod at ilang patong ang kanilang pang-
itaas. Ang mga lalaki naman ay nagsusuot ng bahag na may katambal na kumot upang takpan at
protektahan ang itaas na bahagi ng katawan ng mga kalalakihan. Madalas sila ay mayroong mga
telang nakapatong sa ulo na nagmimistulang turban. Ang mga Ibaloi ay kilala bilang konserbatibo at
mahiyain. Ang tipikal na kasuotan ng mga Ibaloi ay
ang kambal (blusa) at ang a-ten o di-vet (tapis o
palda). Kung minsan, para hindi mahubo ang tapis
nila, gumagamit sila ng sinturon na tinatawag nilang
donas. Sa mga kalalakihan naman, ang kuval ang
ginagamit. May kasama itong mang’djet o binat’jek
(headcloth). Ang mga headcloth ay pangkaraniwan
sa kapwa lalaki o babae. Sa mga kalalakihan,
ginagamit ito upang paglagyan ng mga personal na
kagamitan tulad ng tobako.

Pagtatatu

Ang proseso ng pagtatatu sa mga Ibaloi ay mahaba at sobrang sakit. Ang tawag nila sa tatu
ay batek at ang isang taong may tatu ay tinatawag na isang a-batekan. Ang ‘artist’ o indibidwal na
nagtatatu ay karaniwang lalaki. Pinaniniwalaan ng mga Ibaloi na ang pagtatatu ay isang paraan
upang makaiwas sa isang lokal na sakit. Pinaniniwalaan rin nila itong nagpapahaba ng kanilang
buhay. Ngunit ang pangunahing rason ng kanilang pagtatatu ay upang magayakan ang kanilang
mga katawan.
Kultura

Pagkakabuklod

Nahahati ang kanilang grupo sa dalawa: bakñang at kailian. Ang bakñang ang mga Ibaloi na
nakaaangat sa buhay at ang mga commoner naman ang kailian.

Paniniwala

May mga paniniwala ang mga Ibaloi tungkol sa life cycle ng tao. Kapag nagdadalang-tao ang
mga kababaihan, inaasahan na magiging mas maunawain at matiyaga ang mga asawa nito. Hindi
maaaring gupitan ng buhok ang mga kalalakihan upang hindi ipanganak ang sanggol na walang
buhok. Binibigyan ng hindi kanais-nais na pangalan ang sanggol upang mabuhay ito ng matagal.
Pinapalitan lamang ang pangalan nito kapag umabot na ng tatlong taong gulang. (Alcantara, 1966)

Musika/Ritwal

Sa mga probinsya sa Cordillera, ang


pamumuhay ng buong komunidad ay umaayon sa
maraming klase ng seremonya o ritwal kaugnay ng
kapanganakan, kasal, kamatayan, pagbabati,
paggamot sa may sakit, pagdiriwang ng tagumpay o
magandang ani at pagbabasbas ng bagong bahay.
Malaking bahagi ang musika sa mga okasyong ito, na
kadalasan ay siyang nagbibigay buhay sa
pamamagitan ng pagtugtog ng gong at pag-awit sa
mga epiko sa pamamagitan ng iba’t-ibang estilo.
Maski sa mga gawaing di-pangseremonya tulad ng panliligaw at pag-aalaga sa bata ay hindi
mawawala ang musika. Sa Ibaloy, bilang na lamang ang natitirang instrumento sa musika na para sa
mga di-pangseremonyang okasyon. Ang sitarang gawa sa tabla na ang kababaihan lamang ang
tumutugtog ay matatagpuan sa probinsya ng Bokod. Bibihira naman ang tansong alpang pambibig
(koding) samantalang ang mahabang pang-ugong na kawayan (pakkung) ay katutubo sa dakong ito.
Naipaliwanag ni C.R. Moss ang dalawang instrumento na sa kasamaang palad ay tuluyan nang
naglaho. Ang plawta (taladi) at ang hinating kawayan na may resonador na gawa sa bao
(kambatong). Ang mga kantang bagbagtu at salidomay ang pinaka sikat na awitin ng Ibaloy na
laganap sa kaalaman ng mga tao maging sa labas ng Cordillera. Ang peshit ay isa sa pinakamalaking
seremonya na tinutugtog sa pamamagitan ng gong. Ito ay idinaraos ngayon bilang paggunita sa
mga namayapang ninuno o di kaya’y sa mga pagdiriwang ng mga mayayaman o makapangyarihang
pamilya. Tumatagal ito ng ilang araw at gabi. Isinasagawa ang pagaalay ng baboy (mangwek), ang
pagtawag sa pangalan ng mga ninuno (kalaring) at ang pagtugtog ng sulibaw o ang
pinakaimporateng drum ensemble.
Istruktura ng Bahay

Nakaugalian na ng mga Ibaloi na magtayo ng bahay tatlong pulgada mula sa lupa. Ang kanila
lamang kagamitan ay mga troso at tabla.
Mummification

Ang mayayamang tao lamang ang sumasailalim sa proseso ng mummification sa kultura ng


Ibaloi at Kankanaey. Iniaayos ang bangkay nang nakaupo na tila ba ito’y nabubuhay pa at inilalagay
ito sa ibabaw ng apoy upang mapausukan at mapreserba. Ang mga nakatatanda, kasama ang
pamilya ng namayapa ay uupo sa harap ng bangkay at kakain tulad noong ito ay nabubuhay pa. Ang
mga mummy na matatagpuang may tatu sa katawan ay yaong mayayaman. Ang tatu ay simbolo ng
kayamanan at kadakilaan ng mga mandirigma o makapangyarihang tao. Sila ay dadamitan ng mga
tradisyunal na damit na tinatawag na inabel, tapa, o eten (telang hinabi na kulay pula, itim at puti).
Makalipas ng isa o dalawang buwan, inilalagay ang napreserbang labi sa kakaiba nitong kabaong.
Ang kabaong ay dapat na magmula sa isang matibay na punong-kahoy. Kanila lamang bubutasan
ang kahoy sa paraang magiging sapat ito upang isilid sa loob ang labi. Hindi maaaring gumamit ng
bakal sa paggawa ng kabaong at lalong hindi maaaring magkaroon ng anumang pinsala ito.
Pinaniniwalaan na ang patay ay maglalakbay sa kabilang buhay kaya kailangan nito ng kumot at ng
isang kinatay na baboy ng mga kama-anak nito. Uulitin ang proseso kung may kahit ano mang
maling mangyari maliban lamang sa mummification.

Kasal

Kaugalian nila na magkaroon ng mga intermarriages. Binibigyang importansya nila ang


kanilang mga ninuno kung kaya’t mayroon silang konsepto ng clan o angkan.

Sa kasalukuyang panahon, nananatili pa rin ang kasal ng mga Ibaloy sa simbahang Katoliko
ngunit sinusunod pa rin nila ang kasunduan ng anak na ipakakasal. Sa handaan, tradisyong Ibaloy
pa rin ang nasusunod.

Kabuhayan
Pag-uukit

Ang pangunahing inuukit ng mga Ibaloi ay ang kanilang mga kagamitan sa bahay, karamihan
ay kagamitan sa kusina. Nakakapag-ukit rin sila ng kanilang mga kagamitang pang-musika tulad ng
solibao at kimbal.

Pagsasaka

Sa nakasanayan, ang mga Ibaloi ay kadalasang mga magsasaka. Ang pagtatanim ng palay o
pagsasaka ang yumabong sa aspetong agrikultura ng mga Nabaloi. Sumunod rito ang pagtatanim ng
Kamote at Gabi. Nag-alaga rin sila ng mga baka at pinagbebenta nila ang mga ito sa kapatagan.
Pakikipagkalakalan

Nakikipagkalakalan ang mga Ibaloi sa mga taga-Pangasinan at La Union ng mga bulak na


tela, kumot, asin, tobako at aso. Ang mga Nabaloi ang pinakamagagaling na cargadores sa mga
Igorot.

Pulitika/Pagbabatas

Ang mga Ibaloi ay sumusunod sa dalawang batas: ang customary law at state law. Ang
customary law ang sinusunod ng mga mas maliliit na lugar. Samantalang ang state law naman ang
sinusunod ng mas malalaking lugar tulad ng La Trinidad at Baguio City. Nagsimula ang kanilang
pagkakaroon ng lupa sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga aba at paggawa ng mga rice terraces
gamit ang mga lupain.

Dati, ang tungtong o konseho na binubuo ng baknang o mayayamang pangkat at matatalino


ang nagpapasya sa pamayanan. May mga batas sila na sumasakop sa mga kaugalian sa kasal,
diborsyo, pagmamana at mga krimen. Kinikilala rin nila ang kapangyarihan ng pambansang
pamahalaan.

Literatura

Ang pinakamalawak na koleksyon ng Ibaloi tales na mayroon sa ngayon ay ang koleksiyon ni


Claude Moss, isang Amerikanong guro sa pampublikong paaralan dito sa Pilipinas noong panahon
ng rehimeng Amerikano. Ang kanyang isandaan at labimpitong koleksiyon ng mga kwento ay nai-
rekord sa loob ng labintatlong taon niyang pamamalagi kasama ang mga Nabaloi. Lahat ng
kwentong ito ay naka-rekord sa wikang Nabaloi at Ingles. At nakolekta ang mga ito sa buong
Benguet. Naniniwala si Moss na nasa kanyang koleks yon ang karamihan ng folk tales ng mga Ibaloi,
habang aminado siya na marami pang kwento ang mga Ibaloi na hindi nya nagawang makuha. Dahil
naniniwala si Moss na kanya nang nalibot ang kabuuan Kabayan (isang munisipalidad sa Benguet)
naisip niyang pagtuunan ng pansin ang iba pang munisipalidad na may mga Ibaloi sa pag -asang
makalikom ng iba pang klase ng sari-saring kwento. Labinlima sa koleksyon ni Moss ay nagpapakita
ng kayamanan sa mga kwento ng Bokod. Ang Bokod ay isa sa mga munisipalidad ng Ibaloi.
Karamihan ng impormante ay sinasabing mga katutubo na galing sa Bokod ang kumakatawan sa
halos lahat ng kwentong-bayan ng Ibaloi. Malaking parte sa buhay ng Ibaloi ang pagkukwento at
pakikinig sa mga ito. Ayon kay Gloria Gondayao na principal adviser ng manunulat (Moss), ang
story-telling ay nagaganap tuwing may kanyao o pista, o kaya naman kapag ang isang tao ay
nahilingan na magkwento. Hindi kailangang magkaroon ng espesyal na okasyon upang magsagawa
ng story-telling. Ito ay maaaring isagawa sa kahit anong oras, sa kahit anong lugar, at ng kahit
sinong tao. Karamihan sa isandaan at labimpitong kwento ng Ibaloi sa koleksyon ni Moss ay
mitolohiya at alamat.

Ang mga ito ay nauuri sa anim na bahagi:


I. Cosmogonical Tales
II. Tales of Origin of Culture
III. Tales of Origin of Ceremonies
IV. Tales of Origin of Animals and Their Traits
V. Trickster Stories and Fables
VI. Tales Reflecting Beliefs and Customs

Ang Ibaloi Ngayon

Mayroong kilalang 27 na pamilya ang mga Ibaloi. Isa sa pinakamalaki ay ang pamilya Cariño,
at ang pinunong si Mateo Cariño ang may pinakamadaming paggmamay-aring lupa. Isa na rito ang
Burnham Park – hanggang sa lupang kinatatayuan ngayon ng City Hall ng Baguio City. Samantala,
ang mga lupang hindi inangkin ng mga Ibaloy ay naideklara bilang lupa ng publiko. Ang Aspulan Inc.
ay isang organisasyon na tumitiyak na ang mga Ibaloi ay sama-sama upang hindi tuluyang makuha
ang kanilang lupain. Sinisigurado ng organisasyong ito na mapapangalagaan ang kanilang kultura sa
pamamagitan ng pagtitipon-tipon. Para sa mga Ibaloi, mahalaga ang mga pagtitipong dahil dito
nakikilala ng bawat isa ang kanilang mga kamag-anak; ito ang dahilan kung bakit naiiwasan nila ang
mga intermarriages.
 Lokasyon
 Mamamayan
 Kaugalian
 Paniniwala
 Panitikan
DARNETTE MAZO
Lokasyon

Ang mga Igorot ay isang grupong etniko sa Pilipinas.


Matatagpuan sila sa Cordillera, sa isla ng Luzon, sa hilaga ng bansa.
Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera Administrative
Region (CAR):ang Abra, Apayao, Benguet,Ifugao, Kalinga,
at Mountain Province. Nag-iisang lungsod sa CAR ang lungsod
ng Baguio. May anim na etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga
pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o
Apayao), Kalinga, at Kankanaey.

Mahalaga sa kanila ang lupa, sapagkat ito ang pangunahing


ikinabubuhay nila. Ang isang patunay nito ang Hagdan-hagdang
Palayan ng Banawe na matatagpuan sa isang tribu sa Ifugao

Ang IPRA (Indigenous People’s Rights Act) ng 1997 ay


comprehensive law na hindi lamang ang karapatan ng mga
Indigenous People sa kanilang minanang lupa (ancestral lands) ang
ipinagtatanggol ngunit pati na rin ang social justice, human rights, self-governance &
empowerment at cultural integrity. Ito ay bilang sagot sa paniniwalang ang mga lupaing ito ay ang
kanilang lugar-sambahan (relihiyon), institusyon sa pag-aaral (edukasyon), lugar ng pamamahala
(pulitikia at pamahalaan), kabuhayan at lugar ng merkado (ekonomiya), sentro ng medisina
(kalusugan), tahanan (depensa at seguridad), pagkakakilanlan (pagkatao at karakter), at
kasayasayan.

Mamamayan

Ang salitang Igorot ay likha ng mga Espanyol bilang tawag sa mga tribong hindi nila
nakolonisa sa Luzon. Golot (mountain chain) ang pinagmulan ng salita at dinagdagan ng unlaping i -
(nakatira sa). Sa unang opisyal na census report noong dumating ang mga Amerikano, isinulat ni
D.R. Barrows na kinupkop na niya ang pangalang Igorot upang itawag sa kabuuan ng mga tribong
Malay sa hilagang Luzon na may pare-parehas na pisikal na katangian, malapit ang mga lenggwahe
at may parehong grado ng kultura. May buong rekord sa antropolohiya na nagsasabing: sa
nakararaming lenggwahe sa hilagang Luzon, ang ibig sabihin ng ‘Igorot’ ay ‘mountain people’ at
pansamantalang ipinangalan ito sa grupo ng pirimitibong mga tao ng North Luzon dahil ito ay
sumasaklaw sa malaking bilang ng mga taong bundok. Ito rin ang ginagamit ng mga Igorot upang
tawagin ang kanilang sarili at may mga etnolohikal na kasulatan tungkol dito.

Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang pagiging masipag, matatag, at tapat sa kanilang
pinagmulan. Mga ugaling hindi basta basta hinahayaang makuha ng iba ang kanilang mga namana o
nakuhang mga kayamanan
Ang mga Igorot sa Benguet ay mas maliit kaysa sa mga
Igorot sa Bontoc. Ang nakararami ay mayroong mga matang
bilugan ngunit magaganda. Ang mga balat ng mga Igorot sa
Benguet ay karaniwang kayumanggi ngunit kadalasang mas
maitim pa rito dahil babad sa ilalim ng mainit na araw. Ang mga
kalalakihan ay kinagawiang maikli ang buhok. Ang mga
kababaihan naman ay nagpapahaba ng buhok at nag-iiwan ng
bangs sa noon na tama ang ikli upang sila ay makakita ng
maayos.

Sa kasalukuyan, marami na ang mga kalalakihan na


nagdadamit civilian. Ito ang nagsisilbing uniporme ng mga
pangulo at mga konsehal kung may pasok o may isineselebra
ang nasyon. Ang mga kababaihan naman (kaiba sa ibang hindi
Kristiyanong pangkat sa Pilipinas), ay dinadamitan ang kanilang
buong pangangatawan. Ang kanilang damit-pantrabaho ay palda na hindi lalampas sa tuhod,
pantaas na may mahabang manggas at tawel o piraso ng tela na ibinabalot nila sa kanilang ulo.

Mga Kaugalian

Sapo (kulam)

Ang sapo, o kulam sa tagalog, ay isa sa mga sinaunang gawain na nakakapagtaka ma’y
nakarating sa kasalukuyang henerasyon. Ginagamit ito upang makapagdulot ng kung hindi
maganda ay kasawiang-palad sa taong tinuturingan nito. Ito ay ginagawa ng
mga mambonong (mambonon sa iba), o mga pari.. Gumagamit ng representasyon para sa taong
nais i-sapo, madalas na isang manok. Kinakantahan ng dasal at sinasayawan upang ang diwata, o
espiritu ng mga ninuno ang magpapatotoo sa mga hinihiling.

Hindi lahat ng tao ay tinatablan ng sapo, lalo na kung siya ay may matatag na
pananampalatayaSa ganitong mga pagkakataon, ito ay napupunta sa isa pang taong mahalaga sa
kanya, kung di kaya’y bumabalik ito sa nais nang matiwasay upang maiwasan ang anumang
disgrasya.

Paglilibing

Ang paglilibing naman sa isang tao ay depende sa kanyang estado sa buhay. Nagtatawag sila
ng mambonong upang magsabi ng huling dasal. Isinasama na dito ang paghingi ng tawad para sa
mga kasalanan ng namatay at pagbebendisyon sa pamilyang naiwan. Para sa mga mayayaman,
nagkakaroon ng kanyao na nagtatagal ng di kukulanging isang lingo, minsan ay umaabot pa ng
dalawang buwan.

Ang namatay ay binabalutan ng espesyal na tapis o tela at dinadagdagan ng mga bagay na


naging mahalaga sa kanya. Ito ay sinasabing makakapagpadali sa kanyang pagtawid sa kabilang
buhay. Inaasahan din nila ang pagpaparamdam ng kanyang kaluluwa sa ikatlong araw, lalo na sa
mga kapamilya at kaibigan. Sinasabing ito ang panahon ng pag-ahon ng kaluluwa sa pook ng mga
kagalang-galangang ninuno.

Life After Death

Pinaniniwalaang pagkamatay, ang kaluluwa ay pumupunta sa mundo ng mga ninuno. Sa


mga nahaluan ng Katolikong paniniwala, sinasabi nilang ang mga kaluluwa ay pumupunta sa
purgatoryo habang hinihintay ang araw ng pagsasakdal. Ngunit itong mundo rin nating ito ang
purgatoryo. Sila ang mga naninirahan sa mga sapa, mga gubat, mga puno, mga tutubi, at lahat na
yata ng mga likas na bagay. Anito ang tawag sa mga ito. Ang mga anitoay kinatatakutan at
nirerespeto ngunit hindi sila diyos. Ang mga diyos (bathala) naman ay higit na may kapangyarihan
sa kanila. Pinaniniwalaan ding may kataas-taasang diyos na siyang lumikha sa sanlibutan.
Nakakalito sa pagkat siya ang tinuturingang ‘Bathala’ ng ibang tribo.

Paniniwala

Pagtawad ng Pangalan

Bago lumisan sa isang panibagong lugar, tinatawag ng mga katutubo ang kanilang anino.
Maari daw kasing maiwang naglalakbay ang anino, o kaluluwa hiwalay sa katawan nito. Kapag
nagkaganoon, ang katawan ay maiiwang sakitin at tulala. Sa ibang tao, palagi niyang
mapapanaginipan ang lugar na pinuntahan niya. Makikita niya ang sariling libang na libang sa mga
tanawin at mga bagay doon.

Ritwal

Ang kanyao (Canao) ay isang ritwal na ginagawa sa isang


pagtitipon. Madaming pagkakaiba-iba sa bawat lupain, sa bawat
angkan. Ito ay ginagawa para sa mga masasayang selebrasyon
gaya ng masidhing pag-aani, pasasalamat sa pagkakagamot, at
iba pa. Ngunit hindi dito nagtatapos ang gamit nito. Maari din
itong gawin sa mga nakakalungkot na pangyayari gaya ng
paglalamay. Madalas naman, ito ay ginagawa bilang pagkonsulta
sa mga ninuno tungkol sa mga dapat na gawin ng isang bayan.
Marami din talagang iba’t-ibang mga kaugaliang napapaloob sa
kanyao.

Ang pamilyang nais magtanong ay unang lumalapit


sa kadangyan. Doon sasabihin ng kadangyan (isang uri ng pari)
kung ano ang mga kakailanganin. Madalas na nagpapakatay ng
sampung baka o baboy, depende sa kahilingan umano ng mga
diwata. May mga biro na depende lang talaga yun sa katakawan ng kadangyan o sa dami ng mga
pakakaining manonood. Ang mga pinaslang na hayop ay nagsisilbing paghahandog sa
mga diwata (anito, ninuno) at mga bathala.
Sa mga susunod na araw ay magkakaroon ng mga pagsasalo, pagsasayaw, kantahan, at iba
pa. Kung ano man ang sadya ng kanyao, doon din nanggagaling ang uri ng sayaw, o tayaw. Madalas
na ginagamit ang mga gongs na gawa sa makapal na bakal.
Sinasaliwan naman ito ng iba pang mga tambol gaya
ng solibao habang ang mga tao ay nagkakantahan,
nagtatawanan, at pinagsasaluhan ang watwat (pinakuluang
karne ng baboy). Para sa kanyao ng pasasalamat, ang laman ng
kanta ay ukol sa mga masasaganang ani at iba pang mga dapat
ipagyamang bagay. Sinasaloob din ang mga matatalinhagang
sabi ng mga ninuno.

Ngayon, ang kanyao ay hindi na masyadong isinasagawa


o kung oo man ay hindi na gaya nang dati na magarbo at
detalyado. Noong panahong nakalipas, ito din ang
nakakapagsabi sa kayamanan ng tao, o yung sinasabi
nating status quo.

Panitikan

Epiko

Alim

Ang mga Ipugaw ay mayroon pang isang klase ng epiko, ang alim. Ang Alim ay
kalimitang ginagamit sa mga ritwal na gawain lamang. Ang Alim ay ginagamit para sa mga
namatay, may sakit at ritwal ng paggawa at paglagay ng hagabi (isang malaking bangko).
Ngunit mayroong mga nasusulat na ginagamit din ito sa ibang mga kaparaanan tulad ng:
mga malakihang pagdiriwang at pag-aani. Ang mga tauhan ditto ay mga mahihiwagang
nilalang at hindi mga tao lamang. Ang mga kumakanta nito ay mga lalaki.

Hudhud

Sa Hudhud ay maipagmamalaki si Aliguyon, isang mitolohikal na katauhan kilala sa


kanyang yaman at kapangyarihan. Marami ang bersyon nito ang natagpuan sa Bugan. Ang
hudhud ni Aliguyon ay kalimitang kinakanta tuwing nagtatabas ng damo, nag -aani ng
pananim at tuwing may namatay na mataas na tao sa lipunan. Ito ay ginagawa ng mga
mamamayan sa kabila ng mga paghihirap na nangyayari sa kanila upang lumalakas ang
kanilang loob dahil sa pag-awit ng hudhud. Si Aliguyon, katulad ng isang bayani, ay
nagbibigay inspirasyon sa mga tao. Inilalarawan ni Aliguyon ang mga katangian ng isang
Ipugaw. Ang hudhud ay ay kalimitang tinatawag na kantang pang-ani dahil sa ito ay
kalimitang kinakanta tuwing nagaani.Walang itong sinusunod na gabay kung paano ito
isusulat.
Kantang Pang-ani ni Aliguyon (Ipugaw)

Ang kuwento ay tungkol sa pakikipaglaban ni Aliguyon sa kanyang karibal na kaaway


na si Pumbakhayon. Pumunta si Aliguyon sa lugar ng kaaway at hinanmon ito. Ang mga ito
ay naglaban habang pinapanood lamang ng nanay ni aliguyon ang mga pangyayar.
Nagagawa lang nilang tumigil upang kumain. Ang labanan ay matatapos isa at kalahating
taon. Bumalik si Aliguyon sa Hananga, ngunit dinala ni pumbakhayon at kanyang mga alagad
ang digmaan doon. Nagtagal din ito ng isa at kalahating taon at tumitigil lamang sila upang
kumain. Pagtapos ng sunud-sunod na labanan ay napagkasunduan na lamang itigil and
digmaan kasabay nito ang pagkasal kay Aliguyon at Bugan, kapatid ni Pumbakhayon at
Pumbakhayon Aginaya, kapatid ni Aliguyon. Ipinapakita na ang pagkakasal sa dalawang
miyembro ng nagdidigmaang tribo ay napagkakasundo sila

Awit

Isang klase ng awit ay ang SALIDOM may na pinakasikat sa lahat. Ang salidommay ay
kalimitang inaawit sa panliligaw, kasalan, pista, pagdiriwang ng kapayapaan, masaganang ani at
biglaang mga kasiyahan. Hindi ito nakabase lamang sa isang gawain. Katulad ng salidommay, ang
dodong-ay ay ginagamit din sa iba’t ibang pagdiriwang.Ang bajun at chajang ng mga Ipugaw na
inaawit sa pakikidigmang ritwal.
 Lokasyon
 Anak ng Ilocandia
 Magagandang Tanawin
 Pagkain
 Sining
 Kapistahan
 Katangian
 Paniniwala
 Panitikan
WALTER WILLY BATOSALEM
Lokasyon

Ang Ilocos Region o Ilocandia na matatagpuan sa hilagang-kanlurang


bahagi ng Luzon ay may sukat na 17, 980 km2. Ito ay 17x na mas malaki kaysa
sa Hong Kong at 28x na mas malawak kaysa sa Singapore. Sa silangan ng
Ilocandia ay matatagpuan ang Cordillera samantalang nasa kanlurang bahagi
naman nito ang West Philippine Sea. Sa hilaga naman nito ay ang Bashi
Channel na siyang naghihiwalay sa Pilipinas at Taiwan. Samantala, ang gitnang
Luzon naman ang nasa timog nito.

Mula Oktibre hanggang Mayo, ang klima ay tuyo. Subalit, pagsapit


naman ng Agosto ay tag-ulan na. ang mga buwan ng Enero at Pebrero ang
pinakamalamig na buwan sa Ilocandia.

Ang salitang Ilocos ay galling sa “I” (mula) at “Looc” (look). Ibig sabihin,,
“mga tao mula sa look.”

Mga Anak ng Ilocandia

Ang mga unang naninirahan sa Ilocandia ay mga Dumagat (mga Negrito), Tiguian (Malay),
Apayao, Igorot, at Itneg. Noong panahon, sila ay nakatira malapit sa mga baybayin. Sa pagdating ng
mga Espanyol sa pangunguna ni Juan de Salcedo ay unti-unti nang naitaboy pabundok ang ilan sa
mga “tunay” na Ilokano.

Ilan sa mga bantog na laking-Ilocos

1. Ferdinand Marcos
2. Gregorio Aglipay
3. Pedro Bukaneg
4. Gabriella Silang
5. Diego Silang
Magagandang Lugar/Tanawin

Bangui Wind Turbines


Pagudpud Beach

Hundred Islands

Ilocos Sand Dunes

Calle Crisologo
UNESCO World Heritage Site

Paoay Church, UNESCO World Heritage Site

Napakatibay ng impluwensya ng Kristiyanismo sa buong Ilocandia. Maraming mga


tanawin at istruktura na nakatuon sa pananampalataya. Hanggang ngayon, ang mga yaon ay
nakatindig at kinikilala pa rin sa buong mundo.
Pagkain

Kadalasan sa mga pagkain ng mga Ilokoano ay maaalat o maaanghang. Kadalasan, mg


agulay ang kanilang hinahain.

Bagnet (Pinatuyong tiyan ng baboy)

Longganisang Iloko

Batac Empanada
w/ Sukang Iloko

Pinakbet

Sining
Kanta

 Ayat ti Ina (Pagmamahal ng isang Ina)


 Napateg a Bin-I (Pinahahalagahang binhi)
 Pamulinawen (Tigang na Puso)
 Duayya ni Ayat (Love’s Lullaby)
 Siasin ti Agayat Kenka
 No Duaduaem Pay (Kung ika’y nagdududa pa)
 Teng-nga ti Rabii
 Dinak Kad Dildilawen (Do not criticize me)
 Kasasaad ti Kinabalasang (Buhay ng isnag dalaga)
 Agdamdamili (Paggawa ng paso)
 Kanaganan (Happy Birthday song)

Sayaw

 Sayaw ng Panliligaw
o Osi-osi
o Manang Biday
o Sabunganay
 Sayaw ng Pagtitipon
o Vintareña
o La Jota Zapatilla
o Barbarukong
 Saya sa Trabaho
o Asin
o Dinaklisan
o Agabel
 Iba pang Sayaw
o Habanera
o Comintan
o Kinotan

Kapistahan
Katagian

Dahil sa lokasyon heograpikal ng rehiyon, hindi naging madali ang kumita ng pera. Kahit sila
ay masisipag, nahihirapan ang mga Ilokano noon na makipagkalakalan sa mga taga -Maynila. Dulot
nito, naging, mahigpit ang mga Ilokano sa paggasta. Kaya lang, sa paningin ng ibang tao, sila ay mga
kuripot. Hindi nila nakikita na ang mga Ilokano ay sadyang matipid lamang.

Dahil sila ay naliligiran ng karagatan sa hilaga at kanluran at bulubundukin sa silangan, sila


ay natutong maging matibay at palaban sa mga hamon ng Buhay. Sila ay naging resourceful at
industrious.

Paniniwala

 Pagbubuntis at Panganganak
o Ang anyo ng bata ay depende sa kung anong prutas ang kinakain ng ina.
o Umupo lamang sa may sapin at bawal ang nakapaa para hindi kabagin.
 Sanggol
o Pagpapasuot ng lumang damit upang hind imaging gastador
o Mamalasin ang pamilya nakadapa matulog ang sanggol
 Pagdadalaga
o Bawal maligo tuwing may dalaw upang hindi mabaliw
o Pag-upo sa ika-3 na baiting ng hagdanan upang magkaroon lamang ng tatlong araw
na regal
 Pagbibinata
o Pagpapatuli sa tabi ng ilog
o Pagwasiwas sa mga ugaling-bata at pagyakap sa gawaing pangmatanda
 Panliligaw
o Pagpapadala ng liham sa babae
o Harana sa ilalim ng liwanag ng buwan
 Kasal
o “Bibihisan” ng lalaki ang babae mula ulo hanggang paa.
o Malas ang katumbas ng baryang naulog sa aras
 Patay/Libing
o May mamamatay kung may pumasok na itim na paruparo
o Lahat ng mga gamit ng namatay ay ililibing din

Sa kabila ng impluwensya ng Kristiyanismo at modernism, ang mga tradisyonal na


paniniwala’t pamahiin ay nananatiling Buhay at isinasabuhay.
Panitikan

Dito sa Ilocandia nailimbag ang pinakaunang librong nailimbag sa bansa, ang Doctrina
Cristiana. Naabot naman ng panitikang Ilokano ang tugatog ng lumabas ang Bannawag. Sa
magazing ito, lumabas ang mga ginintuang panitik ng mga Iloko.

Mayroon ding epiko ang mga Ilokano – ang Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang) na akda ni
Pedro Bucaneg, Ama ng Panitikang Ilokano. Ang mga susunod ay ang buod ng Biag ni Lam-ang.

(Sina Don Juan at Namongan ay taga-Nalbuan, ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak na
lalaki. Ito'y si Lam-ang. Bago pa isilang si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upang parusahan
ang isang pangkat ng mga Igorota na kalaban nila.)

Nang isilang si Lam-ang, apat na hilot ang nagtulong-tulong. Ugali na nga mga Ilokano
noong una na tumulong sa mga hilot kung manganganak ang maybahay nila ngunit dahil nga wala
si Don Juan, mga kasambahay nila ang tumulong sa pagsilang ni Namongan. Pagkasilang,
nagsalita agad ang sanggol at siya ang humiling na "Lam-ang" ang ipangalan sa kaniya. Siya rin
ang pumili ng magiging ninong niya sa binyag. Itinanong pa rin niya sa ina ang ama, kung saan
naroron ito, na di pa niya nakikita simula pa sa kanyang pagkasilang. Sinabi na ina ang
kinaroroonan ng ama. Makaraan ang siyam na buwan, nainip na si Lam-ang sa di pagdating ng
ama kaya't sinundan niya ito sa kabundukan. May dala siyang iba't- ibang sandata at mga anting-
anting na makapag-bibigay-lakas sa kaniya at maaaring gawin siyang hindi makikita. Talagang
pinaghandaan niya ang lakad na ito. Sa kaniyang paglalakbay, inabot siya ng pagkahapo kaya't
namahinga sandali. Naidlip siya at napangarap niyang ang pugot na ulo ng ama ay
pinagpipistahan na ng mga Igorote. Galit na galit si Lam-ang s nabatid na sinapit ng ama kaya
mabilis na nilakbay ang tirahan ng mga Igorote. Pinagpupuksa niya ang mga ito sa pamamagitan
ng dalang mga sandata at anting-anting. Ang isa ay kaniyang pinahirapan lamang saka inalpasan
upang siyang magbalita sa iba pang Igorote ng kaniyang tapang, lakas at talino. Umuwi si Lam -ang
nang nasisiyahan dahil sa nipaghiganti niya an pagkamatay ng ama niya. Nang siya'y magbalik sa
Nalbuan, pinaliguan siya ng ilang babaeng kaibigan sa ilog ng Amburayan, dahil ito'y naging ugali
na noon, na pagdating ng isang mandirigma, naliligo siya. Matapos na paliguan si Lam-ang,
namatay ang mga isda at iba pang bagay na may buhay na nakatira sa tubig dahil sa kapal ng
libag at sama ng amoy na nahugasan sa katawan nito. Sa kabutihan naman may isang dalagang
balita sa kagandahan na nagngangalang Ines Kannoyan. Ito'y pinuntahan ng binatang si Lam-ang
upang ligawan, kasama ang kaniyang puting tandang at abuhing aso. Isang masugid na manliligaw
ni Ines ang nakasalubong nila, Si Sumarang, na kumutya kay Lam-ang, kaya't sila'y nag-away at
dito'y muling nagwagi si Lam-ang. Napakaraming nanliligaw ang nasa bakuran nina Ines kaya't
gumawa sila ng paraan upang sila ay makatawag ng pansin. Ang tandang ay tumilaok at isang
bahay ang nabuwal sa tabi. Si Ines ay dumungaw. Ang aso naman ang pinatahol niya at sa isang
iglap, tumindig uli ang bahay na natumba. Nakita rin ng magulang ni Ines ang lahat ng iyon at
siya'y ipinatawag niyon. Ang pag-ibig ni Lam-an kay Ines ay ipinahayag ng tandang. Sumagot ang
mga magulang ng dalaga na sila'y payag na maging manugang si Lam-ang kun ito'y
makapagbibigay ng boteng may dobleng halaga ng sariling ari-arian ng magulang ng dalaga. Nang
magbalik si Lam-ang sa Kalanutian, kasama si Namongan at mga kababayan, sila Ines ay ikinasal.
Dala nila ang lahat ng kailangan para sa maringal na kasalan pati ang dote. Ang masayang
pagdiriwang ay sinimulan s Kalanutian at tinapos sa Nalbuan, kung saan nanirahan ang mag-
asawa pagkatapos ng kasal nila. Isa parin s kaugalian sa Kailukuhan, na pagkatapos ng kasal, ang
lalaki ay kinakalilangang sumisid sa ilog upang humuli ng rarang (isda). Sinunod ni Lam-ang subalit
siya ay sinamang palad na makagat at mapatay ng berkakan (isang uri ng pating). Ang mga buto ni
Lam-ang na nasa pusod ng dagat ay ipinasisid at pinatapon ni Donya Ines sa isang kalansay at
tinakpan ng tela. Ang tandang ay tumilaok, ang aso ay kumahol at sa bisa ng engkanto, un ti-unting
kumilos ang mga buto. Sa muling pagkabuhay ni Lam-ang, ang mag-asawa ay namuhay nang
maligaya, maluwalhati at matiwasay sa piling ng alagang putting tandang at abuhing aso.
 Lokasyon
 Mamayan
 Ekonomiya at Industriya
 Wika
 Kultura
 Magagandang Tanawin
CATHERINE DIVINAGRACIA
Lokasyon

Ang kakaibang kulturang Ivatan ay matatagpuan sa


pinakahilagang dulo ng Pilipinas – sa Batanes. Ito ay may kabuuang
209.3 km2 at napapabilang pa sa Rehiyong II.

Ang lalawigan ay binubuo ng mga isla ng Itbayat (may lawak


na 95 km²), Batan (may lawak na 35 km²), Sabtang (may lawak na
41 km²) at Vuhos. Mayroon ding ibang isla sa Batanes na walang
naktira na tao. Ito ang Siayan, Mavudis, Misanga, Ditarem, Dinem,
at Dequey. Samantala, ang Batanes ay binubuo ng anim na bayan –
Basco (kabisera), Itbayat, Ivana, Sabtang, Uyugan, at Mahatao.

Ang probinsya ay maburol at mabundok, na may halos 1,631.50 ekta rya o 7.10% na bahagi
nito ay taas-baba at 78.20% o 17,994.40 ektarya ay nahahati sa pataas -baba hanggang sa
padalisdis, hanggang sa sobrang dalisdis. Apatnapu't dalawang bahagi (42%) o 9,734.40 ektarya ang
padalisdis hanggang sa mabangin na lugar.

Mamamayan

Mga Ivatan ay nanggaling sa timog Taiwan 3,500 taon na ang nakakaraan at ginawang tulay
ang Batanes upang makarating na sa mga malalayong lugar tulad ng Indonesia at Micronesia.

Ang mga Ivatan ay naninirahan sa mga bahay


bato, kung saan protektado sila mula sa ulan, init,
hangin at iba pang maaring panganib na dala ng 2
panahon sa Pilipinas.

Karaniwan sa kanila ang pagsusuot ng vakul,


isang uri ng sombrero na gawa sa hinabing dahon ng
voyavoy. Hawig ang kanilang pisikal na anyo sa
mga Ainu ng bansang Hapon

Ilan sa mga katagian nila ay:


 Relihiyoso
 Masisipag
 Matitiyaga
 Magagalang
 Mapagkakatiwalaan – Sa katunayn, mayroon silang tinatawag na Honesty Store kung
saan maaari silang bumili ng mga gusto nila. Ngunit, walang nagbabantay. Sila na
mismo ang bahalang kukuha ng mga kailangan nila, magbayad at kumuha ng sukli.
Ekonomiya at Industriya

Pagsasaka at pangingisda ang pangunahin nilang ikinabubuhay. Gayun pa man, Isa pa rin sa
kanilang pangunahing ikinabubuhay ang paghabi ng tela.

Upang magamit ang likas na malakas na hangin sa lugar, ang wind


diesel generating plant ay binuksan noong 2004.

Mga Produkto

 Mga halamang-ugat tulad ng patatas, gabi, kamote, ube, at bawang. Nagluluwas din naman
sila ng baka at bawang.
 Ang biharang uri ng puting uvi. Ang tubo ay itinatanim upang makagawa ng palek, isang uri
ng katutubong alak, at suka

Wika

Nahahawig ang kanilang wika sa Pangasinense. Nabibilang ito sa mga diyalekto ng Ilokano.
May apat na uri ng diyalekto ang mga Ivatan. Ito ang Ivasayen (Basco), Isamurungen (Mahatao,
Ivana, Uyugan, at Sabtang), Itbayaten (Itbayat), at Ibatan.

Kultura

Ang kultura nila ay pareho rin sa kultura ng mga tribo sa Lan Yu (timog Taiwan), dahil sa ang
kanilang wika, ang Yami, ay medyo hawig sa Ivatan. Isa pang tribo na ikinukumpara ang mga Ivatan
ay sa mga isla ng Riyuku na matatagpuan sa timog Hapon. Sa pakikipagkapwa, talagang masaya sila
kung may malalaman silang mga kababayan. Talagang mahal nila ang kanilang kapwa, tinatawag
na pachilipulipus

Ngayon, ang kanilang kultura ay may halong banyaga na dahil sa pag -kolonisa sa kanila ng
mga Kastila, na naghatid ng malaking impluwensiya sa kanilang wika, relihiyon, at mga tradisyon.
Nahaluan na rin ng modernong mga kostumbre ang mga Ivatan dahil sa impluwensiya ng Maynila
(na may mga direct flight na patungo roon) at ng Amerika, sa kadahilanang maraming Ivatan na ang
maaaring magtungo roon.

Kristiyano ang malaking bahagi ng populasyon ng mga Ivatan ngayon.

Pamahiin

Ayon sa kanila, ang kaluluwa ng mayayaman ay napupunta sa langit at naging bituin,


samantalang ang mahihirap ay gumagala sa mundo bilang mga espiritu. Naniniwala rin sila sa
kabilang buhay kaya pinababaunan nila ang kanilang mga patay ng ilang kagamitan.
Magagandang Tanawin

thouse

Iba pang Magagandang Tanawin


 Mga tradisyonal na bahay sa|;
o Savidug
o Chavayan
o Nakanmuan
o Sumnanga, Diura
o Raele
 Dalampasigan
o Valugan Beach
o Rapang du Kavuyasan
o Duvek Bay
o Vuhos Marine Reserve
 Bundok
o Mt. Matarem
o Tukon Hedgerow
o Mt. Riposed
o Mt. Iraya
o Mt. Karobooban
 Mga arkitekturang may impluwensiyang Kastila:
o Simbahan
o Plaza ng San Carlos Borromeo, Mahatao
 Mga libingang pa-barko ang hitsura:
o Chuhangin
o Nakamaya
o Turungan
 Lokasyon
 Wika
 Pagkakakilanlan
 Lipunan
 Paggawa
 Pagmamana sa Henerasyon
 Literatura
CARLA MAE PACLIBAR
Lokasyon

Ang mga Kankanaey ay ang mga pinag-apuhan ng mga semi-


literate na Malay na dumayo sa Pilipinas sa pamamagitan ng Lingayen
gulf.

Katulad ng ibang ang mga Kankanaey ay kasama sa mga gumawa


ng mga nakakiling na sakahan upang mapalawak ang lupain ng
Cordillera. Ang mga Kankanaey ng kanlurang Mountain Province mula sa
munisipalidad ng Sagada at Besao ay kinikilala ang kanilang mga sarili
bilang parte ng tribong tinatawag na Applai o Aplai. Dalawang sikat na
institusyon ng mga Kankanaey ng Mountain Province ay ang dap-ay, ang
dormitory ng mga kalalakihan at isang civic center; at ang began, ang
dormitory ng mga babae kung saan nagaganap ang ligawan ng mga
dalaga’t binata.

Ang mga purong Kankanaey ay matatagpuan sa kanluran, hilaga, at silangang bahagi ng


Benguet. Ngunit dahil na rin sa intermarriages ay umuunti ang mga namamalagi sa lugar na ito.

Wika

Kankanaey din ang tawag maging sa wika ng mga Kankanaey. Ito ay malimit na gamitin ng
mga Cordillerans partikular ng mga taga-kanlurang bahagi sa Mountain Province at sa hilagang
Benguet. Ang Igorot ng Hilagang Benguet (at halos lahat ng namamalagi sa Amburayan at timog
Lepanto) ay nagsasalita ng parehong dayalekto, parehong adwana at tinatawag ang kanilang sarili
bilang Kakanay o Kankanay. Ang kultura ng grupong ito ay walang mahalagang pinagkaiba sa
cultural features ng mga Nabaloi. Lingguwistika ang isa sa maaaring basehan ng kanilang
pagkakaiba.

Phonology

Kadalasan ay lumilitaw ang karaniwang pagkakaroon ng madiin na schwa sa maraming salita


sa lenggwaheng Kankanaey. Sa katunayan, ang e ng Kankanaey ay binibigkas sa ganitong tunog at
hindi sa paraang tulad ng pagbigkas sa e sa mga salitang bet o wet. Ang tunog na ito ay kadalasang
hindi madiin at may ma bilis na durasyon sa wikang Ingles, bilang isang tagapamagitang tunog sa
pagitan ng mga kumpol ng katinig. Tulad noong sa pagitan ng /B/ at ng /L/ sa salitang table, o sa
pagitan ng /T/ at ng /L/ sa title. Ang tunog na ito ay maihahalintulad sa mga wika na matatagpuan
sa Hilagang Luzon tulad ng Ilokano at Pangasinense.

Halimbawa nito ay ang mga sumusunod na salitang Kankanaey: emey/umay – pumunta


entako – halika na ed – saan ipe-ey/ipa-ey/ippey – ilagay iwedwed – luwagan anggey – tangi,
tapusin.
Pagkakakilanlan

Ang mayorya sa mga Kankanay ay kawangis ng mga Nabaloi. Ang pinagkaiba ng mga
babaing Kankanay sa mga Nabaloi ay matutunghayan sa kanilang pananamit.

Pananamit

Ang mga Kankanaey


ay nagkakaiba sa kanilang
pananamit. Ang tradisyunal
na damit naman ng mga
babae ay tinatawag na
palingay o tapis.

Ang mga
kababaihan na soft-
speaking ay may
kombinasyon ng mga kulay
puti, itim at pula. Ang
disenyo ng pantaas na
damit ay criss-crossed style ng puti, itim at pula. Ang pang-ibaba naman ay (tapis) ay kombinasyon
ng stripes ng itim, puti at pula. Ang mga kababaihang hard-speaking naman ay nagsusuot ng pang-
itaas na mas pansin ang pula at itim, at saka kaunting puting istayl. Ang kanilang palda o tapis ay
tinatawag na bakget at gating. Ang mga kalalakihan naman ay nagsusuot ng bahag at tinatawag
itong wanes.

Ayon kay David Barrows, ang mga kalalakihan ay nagpapahaba ng buhok at nagpapatubo ng
bigote. Kung sila ay nagluluksa, ang mga kalalakihan ay nagsusuot ng amoso (headband). Ngunit, sa
paglipas ng panahon, ito ay nabago rin (maliban sa mga nakakatanda). Kung sila ay nagtatanim,
hindi sila nagsusuot ng pang-itaas na damit. Kung nasa bahay naman, sila ay nagsusuot ng kaba.

Pagtatatu

Unti-unting nawala ang tradisyon ng pagtatatu at pagsusuot ng leglet (pulseras sa binti). Ang
kanilang palamuti – mga palamuti sa buhok at kwintas – ay karaniwang gawa sa beads. la ay mga
indio na may titeng ankalawlaw atr mga dedeng nakalitaw whahahahah.

Karakter

Ang mga Kankanay ay mahiyain at mapagsarili ngunit konserbatibo sa kanilang mga


kaugalian, tradisyon, at pamamaraan. (Igualdo, 1989) Kultura

Ang kultura ay ginagamit ng tao upang masanay sa kanyang kapaligiran at magkaroon ng


komunikasyon sa iba pang miyembro ng lipunan, nang sa gano’n ay kaniyang maka-istratehiya at
organisa ang mga ito. Hindi taliwas ang Hilagang Kankanaey sa ganitong uri ng pagsasanay sa
kanilang mga paniniwala at ritwal. Isa sa laganap na gawain ng Hilagang Kankanaey ay ang pag-
aalay ng mga hayop.

Istruktura ng Bahay

Ang istruktura ng kanilang bahay ay simple


lamang, ang bubong ay gawa sa cogon at ang loob
ay apat na sulok lamang. Ito na ang nagsisilbing
tulugan, lutuan at tanggapan ng kanilang mga
bisita.

Lipunan

Relihiyon

Bawat pangyayari sa isang buhay ng tao na kabilang sa Kankanaey at Ibaloi ng Benguet ay


may kani-kaniyang ritwal: mula pagbubuntis at panganganak hanggang sa kamatayan at maging
ang mga okasyon tulad ng kagalingan ng isang tao at pagpapasalamat ng buong komunidad.
Pinaniniwalaang nakaka-apekto ang relihiyon at tradisyon sa kanilang mga pananim, na siya ring
paniniwala sa iba pang grupong etniko sa Cordillera. Mayroon ding kritisismo sa mga tribo ng hilaga
lalo na noong panahon ng kolonisasyon ng Espanya.

Ang mga ritwal ng mga Kankanaey ay maaaring mahati sa dalawa: Ang pagbibigay
pasasalamat o ang prestehiyosong sida (Cañao) at ang mga ritwal na panggamot.

Ekonomiks

Ang kanilang ikinabubuhay ay ang pagtatanim, pag-aalaga ng hayop, at paggugubat; ito ay


dahil na rin sa kanilang kapaligirang ginagalawan. (Igualdo, 1989) Pareho ang naging pag -unlad ng
industriyal na pamumuhay ng mga Kankanay at Nabaloi. Ang inilamang lamang ng Nabaloi ay mas
marami silang pananim na bigas. Parehas rin ang kanilang mga kagamitan.

Pulitika

Ipinaliwanag ng NEDA-CAR na ang lipunan sa Cordillera ay base sa pagkakamag-anakan. Ito


ang naging haligi ng pagkakaisa sa pagitan ng bawat pamilya. Sa usapang pulitikal, demokrasya ang
paraan sa pagpili ng mga pinuno sa pamamagitan ng tradisyunal na grupo ng konseho tulad ng ato,
dap-ay, tongtong at papagat.
Paggawa

Ang organisasyon sa paggawa sa mga Kankanay ay nababagay sa edad at kasarian.


Pagsasaka ang karaniwang trabaho. Ang mga batang nasa edad siyam pataas ay naaatasang
alagaan ang kanilang mga kapatid.

Paghahayop

Ang mga inaalagaang hayop ng mga Kankanay ay manok, aso, baboy, at kalabaw. Mayroon
ding kakaunting kambing at baka.

Agrikultura

Rice terraces ang pangunahing napagyabong ng mga Kankanay. Bihirang aminin ng mga
Kankanay ang tutal na sukat ng kanilang mga lupain dahil sa takot na madagdagan ang kanilang
binabayarang buwis.

Pangangaso at Pangingisda

Ang pangangaso ng mga Kankanay ay ginagawa lamang kung may malayang oras. Ang
pangingisda naman ay bihira dahil maunti lamang ang anyong tubig sa kabundukan.

Kalakalan

Gumagamit na ang mga Kankanay ng salapi ng Pililipinas bago pa man ang digmaan.

Pagtetela

Naglaho din ang industriya ng paghahabi ng tela dahil sa mas magandang kalidad ng
pagtetela sa Baguio City, Bontoc at baybaying Ilocos.

Pagpapasa sa Henerasyon

Pagmamana

Katulad ng sa mga Nabaloi, ang tradisyon ng mana sa mga Kankanay (sa timog na parte ng
Benguet) ay ang pagpapasa sa susunod na henerasyon: ang mga magulang, kapatid na lalaki at
tiyuhin ang may karapatan na humawak sa yaman. Isa pang prinsipyong parehas pinapairal ng
dalawang pangkat sa Benguet ay ang pagkakaroon ng mga kamag-anak ng pantay-pantay na hati sa
mana.
Kasal

Ang mga Kankanay (timog) at ang mga Nabaloi ay mayroon ring parehas na paniniwala
patungkol sa kasal. Ang mga anak ay katipan ng mga magulang. Samanatala, sa mga Kankanay
namang taga-hilaga, mayroon silang kalayaan kung sino ang kanilang mapapangasawa.

Diborsyo

Ang paghihiwalay o divorce sa Kankanay ay madalas kahit na sinasabi nilang hindi sila
naghihiwalay kung may anak na ang mag-asawa.

Krimen

Sa mga kaso naman ng krimen o pagkakasala, mas malaki ang porsyento ng mga kaso na
nasusolusyonan ng mga Kankanay kaysa sa mga Nabaloi dahil mas nauna silang makadiskubre ng
listahan ng patakaran at batas.

Literatura

Ang panitikan ng Kankanay ay may apat na klase ng folktales. Una, ang Märchen. Ang
Märchen ay maihahalintulad sa mga fairytales ng Amerika. Ang istory ay kadalasang umiinog sa
kaguluhan ng iba’t-ibang bahagi ng kwento na nagpapakita ng tulungan sa mga karakter. Ang
pangalawa naman ay tinatawag na trickster tale: nagpapakita ito ng bida na may pabagu-bagong
ugali at mapaglaro. Kadalasan ay siya rin ang nabibiktima ng kanyang mga panlilinlang. Animal
stories ang pangatlo, ang mga karakter sa kwentong ito ay mga hayop. At ang pang -apat, ang mga
narrative songs (day-eng). Ang mga ito ay pangkaraniwang maikli at padayalogo.

Musika

Ang kagamitang pang-musika ay mga tambol at gong na


may iba’t-ibang tawag. Ginagamit nila ang mga ito upang
tumugtog sa mga ritwal na ipinagdiriwang. Ang kanilang mga
sayaw at kanta ay sinasabayan nila ng tugtog ng mga
instrumento. Ang solibao (drums) at ang gangsa, pinsak, katlo,
kap-at, kalima (gongs), at ang tak-ik (a piece of elongated iron)
ay ginagamit pa rin ng mga Kankanaey. Mayroon ding mga
instrumenting gawa sa kahoy: ang tal-lak. Ang tunog ng silibao
at gongs ay nagpapahiwatig na mayroong sida (cañao) na
nagaganap.
 Lokasyon
 Kasaysayan
 Sining
 Kasanayan at Kakayahan
 Mga Katangian
 Relihiyon
 Panitikan
 Paniniwala
 Magagandang Tanawin
RHEA MAE OLVIDO
Lokasyon

Ang mga Mandaya ay naninirahan sa mga bulubundukin


sa silangang bahagi ng Mindanao.
Sila ay matatagpuan din sa:
 Mati City, Cateel at Caraga (Davao Oriental)
 Compostela at New Bataan (Lambak ng
Compostela)
 Davao del Norte
 Surigao
 Agusan
 Silangang bahagi ng Cotabato.

Kasaysayan

Ang Mandaya” ay nangangahulugang “the first people in


upstream” ,ito ay kinuha sa salitang “man” na ibig sabihin ay “first” at
“daya” ibigsabihin ay “upstream” o “upper portion of a river”. Sila ang
grupo namatatagpuan sa bulubundukin ng Davao Oriental, pati ang
kanilang gawi, salita, at paniniwala. Ang tribung Mandaya ay
matatagpuan din sa Compostela at New Bataan sa probinsya ng
Compostela Valley at sa ilang bahagi ng Agusan.

Sila ay nabubuhay sa pamamagitan ng pag kakaingin at pagsasaka.

Maliliit na Pangkat ng Kulturang Mandaya;


 Mansaka
 Magwanga
 Mangrangan
 Pagsupan
 Mangosan
 Dibabaon

Sining

 Sayaw
o Gandang
o Baylana
 Awit
o Oyog-Oyog (Lullaby)
o Bayok (Love Song)
Kasanayan at Kakayahan

Damit

Ang mga mandaya ay kilala sa Ang kanilang tradisyunal nadamit ay gawa sa


natatanging damit at palamuti. dagmay.

Sandata

 Balladaw (Steel Dagger)


 Kakala (Bolo)
 Likod-Likod (Single Bladed)
 Wasay (Ax for self defence)

Alahas

Bata man matanda, may asawa o wala. Ang mga mandaya ay nag susuot ng palamuti sa
katawan.
 Balyog (necklace)
 Sangisag (bracelet)
 Sampad (earrings)

Mga Katangian
 Sila ay may kaparehong katangian at mahahalintulad sa mga Manobo. May matatas na noo,
makakapal na mga labi, malalawak na ilong. Ang mga lalaki ay may katamtatmang taas na
nasa 153.9 cm habang 81.3 cm naman ang mga kababaihan.
 Sila ay karaniwang mahusay at kilala na mapagmahal sa kapayapaan, at tunay na kagalang -
galang na mga tao.
 Ang mga babae ay may mahabang buhok, at sinusuklay ito, sa pamamaraang pagkabuhul -
buhol sa likod ng ulo.
 Ang mga mandaya ay mahilig rin mag ukit, tulad nang:
o Manauag (gawang bayog na kahoy) – Ito ang kanilang kinilalang panginoon.
o Limokon na ibon – Naniniwala sila na sila ay galing sa ibong limokon.
Relihiyon

Ang mga mandaya ay hindi mga kristiyano at hindi rin mga muslim.Sila ay naniniwala sa mga
diwata o anito. Nagdiriwang ng mga festival ang mga mandaya para sa mga "diwata" o espiritu
upang humingi ng mabuting kalusugan at pagpapagaling para sa mga taong may sakit. bilang
musikang pang instrumento sa pagdiwang, umagamit sila ng kawayan.

Panitikan

Ang Mga Anak ni Limokon

Ang limokon, sa tingin ng mga Mandaya, ay ibon ng tadhana, ang tagapag -hatid mula sa
‘kabilang buhay’ (limbo, spirit world ) ng babala (aviso, warning) ng durating na panganib, o ng
pahiwatig ng napipintong tagumpay. Kapag narinig ang ‘ku-ku-ru’ ng limokon mula sa kanan,
paniwala ng Mandaya, matutupad ang binabalak, subalit kung nagmula sa kaliwa, mabibigo ang
tangka...

Itong alamat ay lubhang kaiba sa mga alamat ng mga Bukidnon at Bagobo na nahaluan ng
mga pangaral ng catholico at mga Amerkano. Bagaman at mga kalapit pangkat nila ang mga
Bukidnon at Bagobo, itong alamat ng Mandaya ay likas na makaluma, at maniwaring galing pa sa
panahon bago dumating ang mga dayuhan.

Noon pinaka-unang panahon, nuong wala pang tao sa daigdig, naglipana ang mga limokon,
isang uri ng kalapati ( paloma, dove) na malakas at marunong magsalita tulad ng tao bagaman at
sila ay anyong ibon. Minsan, isang limokon ay nangitlog - isa sa bukana ng ilog Mayo, at isa sa
puno o simula ng ilog ding iyon. Pagkaraan ng panahon, napisa (empollar, hatch) ang 2 itlog at, at
sa halip na limokon, ang lumabas ay 2 tao - lalaki sa bukana, at babae sa sibulan, ng ilog Mayo.

Lumaki at matagal na panahon namuhay ang 2 unang tao nang magkahiwalay, at walang malay
na ibang tao na buhay maliban sa sarili nila. Lumbay na lumbay sila kapwa, at panay ang hangad
na magkaruon sila ng kasama.

Ang lalaki ang unang nawalan ng tiyaga at nagsigasig na maghanap ng kapwa tao dahil
isang araw, may pumatid sa kanya habang tumatawid siya sa ilog. Malakas ang patid sa kanya,
tumumba siya at muntik nang malunod. Nang maka-ahon siya, natuklas niyang makapal na buhok
ang pumatid sa kanya, at ipinasiya niyang hanapin kung kangino nagmula ito.

Malayo ang narating paakyat sa pinagmulan ng ilog Mayo, inusisa ng lalaki ang
magkabilang pampang hanggang sa wakas, natagpuan niya ang babae sa sibulan ng ilog. Tuwang-
tuwa sila kapwa at nakakita na ng makakasama. Nag-asawa sila at maraming naging anak - mga
tao na tinatawag pang Mandaya hanggang ngayon, at namumuhay pa rin sa tuntunin ng ilog
Mayo.
Paniniwala

 Ang pagcayag ay isang aklat ng mga seremonya na ginanap ilagan pagkakasakit. Isang Bobo
o isda bitag kasama ang pitong buyo, at isang pitsel ng tuba kung saan ay inilagay pitong
crab, ay sakop gamit ang mga dahon. Mga ito ay naiwan sa gitna ng bahay para sa tatlong
araw. Sa ika-apat na umaga, sa gitna ng mga sigaw, mga item na ito ay na-hack na sa mga
piraso at kicked ng bahay.
 Ang mga Mandaya ay naniniwala na ang limoken ay isang ibon ng pangitain. Kung itoy
tumunog sa kaliwa ng tao, ito ay isang magandang pangitain. Gayunpaman, kung ito’y
tumunog sa kanan, ang tao ay dapat maghanda para sa isang posibleng pag -atake mula sa
mga kaaway.
 Kung tumunog sa harap mismo, may panganib kung magpatuloy.
 Kung ito’y tumunog habang ang isang tao ay nasa pagitan ng mga puno, isang pagtambang a
angnaghihintay.
 Kung ang isang tao ay nakatagpo ng isang patay na hayop, ang kamatayan ay maaaring
mangyari sa kanya o kanyang, dapat ibalik ang tao nang s abay-sabay sa kung saan siya /
nagsimula siya.
 Ang mga Mandaya diyos ,ay mahusay na mga diyos, sina Pudaugson at Malimbong.

Magagandang Tanawin

Masao Beach Resort

Sleeping Dinosaur
 Lokasyon
 Ang mga Mangyan
 Kultura at Paniniwala
 Panibagong Kapaligiran
 Sa Isla ng mga Mangyan
 Kabuhayan
EMEE OBERIO
Lokasyon

Ang mga Mangyan ay matatagpuan sa isla ng Mindoro.

Ang mga Mangyan


Kultura at Paniniwala

Maayos at mapayapa ang pamumuhay ng mga Mangyan sa kabundukan ng Mindoro.


Naasikaso nila nang malaya ang kanilang mga kabuhayan tulad ng kanilang mga pananim at alagang
hayop. Hindi nila gustong manirahan sa lungsod dahil sa lupa nakatali ang kanilang kultura. At sa
lungsod, bukod sa pagiging magulo at marumi ang kapaligiran, ay mababa ang tingin ng mga taga-
rito sa mga Mangyan. Ngunit nabulabog ang matiwasay na kalagayan ng mga Mangyan sa biglang
pagdating ng militar sa kanilang nayon. Dala ng takot at pangamba, walang silang ibang nagawa
kundi lisanin ang kanilang tahimik na lugar at magtungo sa siyudad.

Panibagong Kapaligiran

Mahigit dalawang buwan nang namamalagi ang mga Mangyan dito sa Maynila magmula
nang sila ay nagpunta dito upang sumali sa isang peasant rally noong Oktubre 18. Mahigit-
kumulang na labinlimang pamilya ang lumuwas dito. Gayunpaman, tila walang tahanan ang
nagpatuloy sa kanila ditto sa Kamaynilaan. Tanging ang United Church of Christ in Philippines
(UCCP) at St. Theresa's College ang tumanggap sa pagod nilang katawan.

Ang lungsod ay napakalayo sa kanilang pinanggalingang lugar at napakalaki ang pagkakaiba


nito sa nakagisnan nilang tahimik at malinis na kabundukan. Ngunit dahil sa matinding takot na
idinulot ng militar sa kanila, tiniis ng mga Mangyan ang polusyon at ingay na dala ng Maynila. Kahit
na kakaiba sila sa mga taga-lungsod at kadalasa'y ilang ang mga ito na lumapit sa kanila, karamihan
ay mas pipiliin na manatili muna bilang mga "internal refugees" sa magulong siyudad upang
maiwasan ang patuloy na pamamaril at pambubog ng militar sa kanayunan.

Task Force Banahaw

Ang isla ng Mindoro ay sinasabing isa sa mga pangunahing lugar na saklaw ng New People's
Army (NPA), ang armadong puwersa ang Communist Party of the Philippines. Bilang bahagi ng mga
"counter-insurgency operations" sa buong bansa ay inilunsad ng militar ang isang Task Force
Banahaw upang supilin ang mga NPA na nakikipamuhay sa mga kabundukan nito. Walong batalyon
ang nakatalaga sa probinsya ng Mindoro, anim dito ay nasa Oriental Mindor o samantalang dalawa
naman ang nasa Occidental Mindoro.

May paniniwala ang mga Mangyan na ang pananatili ng militar sa kanilang lugar ay hindi
lamang dahil sa mga rebeldeng nagtatago sa kabundukan, kundi dahil na rin para protektahan ang
isang dayuhang minahan sa loob ng Mindoro. Matindi ang naging pagtutol ng mga mamamayan sa
operasyon, dahil mahigit sa 9,000 hektarya ng kabundukan ang masisira dulot nito.

Subalit ang pagtatalaga ng mga sundalo sa kanilang mga barangay ay nagdulot ng


pangamba sa mga Mangyan. Sa unang pagkakakita pa lamang nila sa mga naka-unipormeng
sundalong may dala-dalang baril ay nagtago na sila kaagad sa lilim ng kanilang mga kubo. Ngunit
habang tumatagal ay binibigyan sila ng mga kadahilanan upang manginig sa takot kahit nasa loob
ng kanilang sariling mga tahanan. Lahat ng aspeto ng kanilang pamumuhay ay marahas na pinasok
ng mga militar. Nagpataw ng ilang mga mapanupil na patakaran ang militar sa kanila, tulad ng
pagbabawal ng paggamit ng flashlight, pagsusuot ng mga makukulay ng damit at ang
pakikipagkilala sa mga estranghero. Nilimitahan din ang rasyon nila ng pagkain. Napilitan namang
sundin ito ng mga Mangyan, dulot na rin ng pangamba para sa kanilang buhay
.

Pagdanak ng Dugo

Ang pinakamatinding dala ng militar sa tahimik na pamumuhay ng mga Mangyan ay ang


paglalapastangan sa kanilang mga karapatang pantao. Marami sa kanila ang nakaranas at nakakita ng mga
pang-aabusong ginawa sa kanila ng mga sundalo. Ang iba sa kanila ay pinagkakamalang miyembro ng NPA o
kaya naman napaghihinalaang may kaugnayan sa mga gawain ng mga NPA. Ang masama dito ay pumapatay
at nananakit ang mga sundalo ng mga inosenteng sibilyan gaya ng mga Mangyan nang wala namang sapat
na ebidensya.

Alam naman ng mga Mangyan na may mga NPA na nagdadaan sa kanilang nayon, ngunit karamihan
sa kanila ay walang alam sa mga gawain ng grupo. Minsan kahit na ang walang kinalaman ay napapahamak,
nabubugbog, maging napapatay. Maraming insidente kung saan ang mga magsasakang tahimik na
nagtatrabaho sa bukid ay bigla na lamang dudukutin o kaya naman ay walang pakundangang babarilin.

Isa na dito ang asawa ni Aling Lilian. Ang kanyang asawa ay nagtatrabaho sa bukid nang bigla na
lamang itong binaril at dinukot ng mga sundalo. Isang linggo muna ang lumipas bago nila nakita ang
bangkay. Marami na itong sugat sa katawan at sinuotan na ng uniporme ng NPA. Nagdulot ito ng matinding
trauma sa musmos na isipan ng kanyang anak, na hanggang ngayon ay natatakot, ngunit nagagalit rin kapag
nakakakita ng mga unipormadong sundalo. Kadalasan ang mga namumuno sa mga organisasyon ang
dinadakip ng militar upang komprontahin. Kung hindi sila magsalita ukol sa kanilang nalalaman ay
pahihirapan sila ng mga sundalo. May biktima din na tulad ni Nana Usting, na pinugutan ng ulo habang
naghahanap lamang ng kanyang alagang baboy. May mga kaso din tulad ng kina Roger Fernando at Rolando
Cabagay, parehong lider ng mga komunidad kung saan sila ay pinagbabaril sa harap mismo ng kanilang mga
pamilya. Bagamat ang mga biktima ng paglabag sa mga karapatang pantao ay mga pinuno ng legal na
organisasyong nagbubuklod sa mga Mangyan, ay hindi pa rin sila pinapatawad sa ilalim ng kapangyarihan ng
militar.

Sa Isla ng mga Mangyan


Araw ng mga Mangyan, sa Abra de Ilog, Mindoro Occidental

Mula sa kapatagan ng Mindoro, itinaboy ng mga “dayuhan” ang


mga katutubong Mangyan sa kabundukan. Pero kahit nasa mga bundok
na, nanganganib na muli silang mapalayas mula sa kanilang lupaing
ninuno.

Ito ang pangamba ng mga Mangyan dahil sa mga proyekto


ng gobyerno at ng ilang negosyante tulad ng pagmimina,
pagtotroso at pagtatayo ng dam na direktang sasagasa sa kanilang
lupa, buhay at kultura. Kaya naman nagkakaisa ang kanilang
pahayag sa idinaos na “Araw ng mga Mangyan” noong Abril 15 hanggang Abril 16 sa Abra de Ilog,
Occidental Mindoro – magkaisa at labanan ang anumang banta sa kanilang lupa.
Daan-daang Mangyan mula sa pitong
tribu na nagmula pa sa iba’t ibang bayan ng
Oriental at Occidental Mindoro, ang dumalo sa
naturang pagtitipon para ideklara ang kanilang
mariing pagtutol. Kasama rin sa okasyon ang
ilang katutubo mula sa iba’t ibang panig ng bansa
sa pangunguna ng Kalipunan ng mga Katutubong
Mamamayan ng Pilipinas (KAMP). Naging saksi
rin sa pagdiriwang ang ilang taong-simbahan,
mga guro, estudyante, mga manggagawang-
pangkalusugan mula sa Center Health Development (CHD) na nagbigay ng libreng serbisyong
medikal at dental sa mga katutubo, at iba pang grupo.

Isla ng mga Mangyan

Ayon kay Amit Gabriel, mula sa tribung Hanunuo at pangkalahatang kalihim ng Hagibbat, sa
mahabang panaho’y mga ninuno nila ang nanirahan sa isla. Bago pa magkagobyerno, aniya, ay
naroon na ang mga Mangyan. Kaya hindi kalabisang sabihin na ang Mindoro ay isla ng mga
Mangyan.

“Malaya kaming gumala sa kapatagan at mga kabundukan. Walang nagbabawal sa amin sa


pagtamasa ng biyaya ng lupa, ilog at maging ng dagat,” ani Gabriel.

Pero nang dumating ang mga “Tagalog,” inangkin ng mga ito ang kanilang mga lupain. Ang
dati nilang tirahan at taniman ay ginawang pastulan ng mga baka.

Dahil sa mga pastulan, “nagkasama na ang mga Mangyan at mga baka sa mga taniman,”
ayon naman kay Pastor Marcelo Carculan, katutubong Iraya at tagapangulo ng Hagibbat.

Perwisyo sa taniman ng mga Mangyan ang mga baka. Ayon kay Libot Umyagan, katutubong
Bangon, pinipinsala ng mga baka ang kanilang pananim. Ang masama pa nito, madalas ay
pinagbibintangan pa silang nagnanakaw ng mga may-ari ng pastulan kapag may namatay na baka
dahil lamang nahulog ito sa dalisdis ng bundok.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sila napilitang umakyat sa mas mataas na bahagi ng
mga bundok. Pero ngayon ngang nasa tuktok na sila, tuloy pa rin ang banta na muli silang
mapalayas.

“Hindi na namin alam kung saan kami pupunta. Kaya kaming mga Mangyan ay nagkakaisa
para labanan ang mga proyektong tiyak na hindi makakabuti sa amin,” ani Gabriel.
Ang Hagibbat

Pagtatanghal ng mga Mangyan na


nagsasalarawan ng kanilang pang-ekonomiyang mga
aktibidad. (Soliman A. Santos)

Noong 2009, itinayo ng mga Mangyan ang


Hagibbat. Isang organisasyon ito na binubuo ng lahat
ng pitong tribu ng mga Mangyan; Hanunuo, Alangan,
Gubatnon, Iraya, Buhid, Bangon at Tadyawan. Ito ang
nagsilbing bigkis ng kanilang pagkakaisa sa paglaban.

Simula rin noon ay nagdaos sila nang Mangyan Festival na nagtatampok sa kultura ng mga
Mangyan. Pero ngayong taon, tinawag nila itong “Araw ng mga Mangyan.” Sa pagkakataong ito at
sa mga susunod pa, hindi lamang pakikipagkaisa sa kultura ng iba’t ibang tribu ang layunin –
kasama na rito ang kanilang pagkakaisa at paglaban.

Kabuhayan
Pagtatanim ang pangunahing kabuhayan ng mga Mangyan. Nagkakaingin sila at nagtatanim
ng saging, kape, gabi, mais at iba pang gulay. Ang mga ito na rin ang kanilang kinakain sa araw-araw
at dinadala nila sa mga palengke o “tianggean” upang pagkakitaan. Kamo te ang halos kinakain nila
sa araw-araw, minsan o dalawang beses lamang sa isang linggo sila kumakain ng kanin.

Bukod sa mga nabanggit na produkto, naghahabi rin ang ilang tribu ng mga Mangyan.
Marunong silang gumawa ng mga banig, bag at pitaka na ibinebenta rin nila.

Ilog ng Buhay

Bukod sa mga bundok, lubhang mahalaga rin sa mga Mangyan ang mga ilog. Doon sila
kumukuha ng tubig na maiinom at panggamit na rin sa paliligo, paglalaba at iba pa. ginagawa rin
nilang daanan ang ilog sa pamamagitan ng mga balsa.

Pero kahit ang “daan” nilang ito’y nanganganib rin dahil sa balak na ipatayong mga dam sa
kanilang lugar. Tatlong dam ang balak itayo sa mga ilog ng Alag, Bagto at Bongabon.

Ayon kay Altang Dawsig, mula sa tribung Bangon at awditor ng Hagibbat, tatamaan ng
binabalak na dam ang kanilang mga taniman. Tinatayang 200,000 katutubo ang maaapektuhan
nito. Bukod rito nangangamba sila sa panganib na dulot ng dam.

“Pipigilan nila ang ilog, pero tiyak na iikot ang tubig nito at pilit na hahanap ng dadaanan.
Diyan na magsisimula ang mga pagguho ng lupa na tiyak na makakaapekto sa maraming Mangyan,
gayundin sa mga nasa kapatagan,” ani Dawsig.
 Kasaysayan at Pinagmulan
 Ekonomiya at Industriya
 Lipunan at Pamahalaan
 Kaugalian at mga Paniniwala
 Sining
KRISTIINE JIN ARTUCILLA
Kasaysayan at Pinagmulan

Sisimulan natin sa kung ano ba ang ibig sabihin ng salitang "Manobo".Maraming mga sagot
patungkol sa kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng salitang Manobo.
 Ang isa ay nagsasabing: ang Manobo ay nangangahulugang 'tao' o 'mga tao.'
 Ikalawa ay ito raw ay nagmula sa salitang "Mansuba" mula sa salitang 'man' na
nangangahulugang 'tao' at 'suba' na ang ibig sabihin ay 'ilog.' Ibig sabihin ang
salitang "Mansuba" ay nangangahuligang "taong ilog" sapagkat karamihan sa kanila
ay makikitang nakatira sa tabi ng mga ilog.
 Ikatlo ay nagsasabi na ito raw ay nagmula sa salitang "Banobo", isang creek na
kasalukuyang dumadaloy sa Ilog Pulange dalawang kilometro pababa ng Cotabato
City.
 Ikaapat ay nagsasabi na ito ay galing sa salitang "man" na ang ibig sabihin naman ay
"first o aboriginal" at "tuvu" na ang ibig sabihin ay "pagtubo o paglaki".

Ang mga manobo ay nagmula sa mga taong lagalag mula sa kanlurang bahagi ng Tsina.
Karamihan sa kanila ay nakatira sa tabing-ilog, tabi ng mga burol at sa talampas sa maraming
bahagi ng Mindanao. Sinasabing sila ay unang nanirahan sa mga lambak ng Ilog Pulangi subalit
naghiwa-hiwalay sa pagdating ni Shariff Kabungsuan dahil sa pagtanggi ng ilan sa relihiyong Islam.

Ekonomiya at Industriya

Ang karaniwang industriya ng mga manobo ay ang kaingin. Ang pangunahing hanapbuhay
ng mga manobo ay pagtatanim ng palay at mais. Marunong din silang mangisda,pangangaso at
pagkuha ng "pulot". Dahil dito, nabuhay ang nga Manobo sa isang saga na at matiwasay na
pamumuhay. Subalit, ang ilang nanirahan ng permanente ay natuto at nakuntento na lang sa
pagtatanim ng niyog at pagcocopra.

Lipunan at Pamahalaan

Nauuri sa apat ang mga manobo: ang bagani, baylan,mga manggagawa at mga alipin. Ang
mga bagani ay ang mga mandirigma na lumalaban sa nga digmaan at nagtatanggol sa pamayanan;
ang mga baylan ay ang mga babae o lalaking pari at manggagamot; ang mga manggagawa ay ang
mga magasasaka at ang mga alipin ay ang mga nakuha o mga nabihag nilang mga kalaban. pati mga
katutubo ay pwede ring maging alipin kung sila'y naparusahan sa kanilang pagkakasala.

Pinamumunuan sila ng tatlo hanggang apat na timuay o bai (babaeng datu) depende sa
lawak at pagkakalapit-lapit ng mga baranggay. Subalit, ang mga Manobo ay walang sistema ng
pamunuan hanggang sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.
Kaugalian at mga Paniniwala

Ang mga Manobo ay maraming paniniwala. Ilan dito ay ang paniniwala ng mga buntis na sila
ay dapat manatili sa loob ng bahay kung pula ang kulay ng langit matapos lumubog ang araw. Ito ay
dahil sa paniniwalang ang mga busaw (aswang) na uhaw sa dugo ay nasa paligid at nag-aabang sa
biktima. Hindi rin sila maaring tumakbo kapag nasugatan ang paa sapagkat malalaglag ang kanilang
pinagbubuntis.

Habang nanganganak ang babae,ang kumadrona ay naglalagay ng mga anting -anting sa


bewang ng nanganganak. Ito ay upang ipagtanggol ang buntis sa mga masasamang anito sa paligid.
Matapos manganak, nililinis ng kumadrona ang lahat ng bagay na ginamit sa panganganak upang
maitaboy ang busaw. Biang kabayaran, ang kumadrona ay dapat bayaran ng maliit na kutsilyo
upang linisin ang mga kuko; isang plato upang paglagyan ng dugo ng sinakripisyong manok; malong
upang makapagbihis siya; at konting salapi upang hindi siya maglagay o magbitiw ng anumang
sumpa sa pamilya.

Ang kasal naman ay kadalasang isang kasunduan sa pagitan ng mga magulang. Ito ay
nagsisimula sa ginsa (paki-usap) ng pamilya ng babae sa pamilya ng lalaki kung saan ito ay
magalang na tinatanggihan hanggang magkaroon ng kasunduan para sa kagun (bridewealth). Lahat
ng kamag-anak ng lalaki ay mag-aambagan para sa kagun hanggang sa maabot nila ang halaga ng
kagun. Ang araw ng kasal ay maitatakda lamang kung matapos nang maabot ang halaga nang
kagun. Habang nag-aambagan ang pamilya ng lalaki, ang pamilya ng babae naman ay abala sa
paghahanda ng apa ( handaan ng kasal). Nagtatapos ang proseso sa isang marangyang kasal. Ang
kasal sa kanila ay isang sistema kung saan ang ugnayan ng pamilya ng lalaki at babae ay
kinakailangan. Ang pagkakaroon ng maraming asawa, bagama't kadalasan lang kung mangyari ay
hindi ipinagbabawal.

Mayroon din silang kaugalian sa palilibing. Ang patay na lalaki ay kanilang inililibing na
nakaharap sa silangan upang ang pagsikat ng araw ay magbigay hudyat na oras na upang
magtrabaho. Ang babaeng namatay naman ay inililibing na nakaharap sa kanluran upang ang
paglubog ng araw ay magbigay hudyat na oras na para sa kanya ang magsaing. Sa oras na
tinatakpan na ng lupa ang libingan, lahat ng naroon ay tumatalikod upang mapigilan silang
mahikayat na sumama sa namatay. Matapos ang libing, mayroong walo hanggang labindalawang
araw ng kalungkutan depende sa estado ng namatay. Ang sanggol ay isang araw lang at ang datu
hanggang pitong araw. May kantahan at sayawan sa loob ng mga araw na ito subalit ipinagbabawal
ang instrumental na mga kanta.

Sining

Ang pagiging makasining ng mga Manobo ay makikita sa kanilang pang -araw-araw na


kasuotan. ang kanilang tradisyunal na kasuotan ay magarang binurdahan at hal os lahat ay gawa sa
abaka. Ito ay kinukalayan gamit ang mga pangkulay mula sa kalikasan. Kumukuha sila sa iba't-ibang
halaman para sa iba't-ibang kulay. Kadalasan ito ay hinahabi na may nga disenyo ng mga bulaklak at
mga bagay sa kalikasan. Subalit, ang mga kasuotang ito ay nakilala lamang raw ng mga Manobo ng
maaga lang ngayong siglo sapagkat, ang mga Manobo ay hindi marunong maghabi.
Maging ang pag-aayos ng kanilang buhok ay masining. Ang mga buhok nila ay kadalasang
nasa estilong "buns" at "bangs". Ang buhok ng mga babae ay nilalagyan ng kawayang suklay at mga
dekorasyon gaya ng perlas, kabibe at mga bagay na iba't-ibang hugis. Ang sa mga lalaki naman ay
ang tinatawag na tengkulu, isang piraso ng tela na kanilang binubuklod palibot sa kanilang ulo

Ang mga alahas din ay may mahalagang papel sa kanilang buhay. Ang ilan pa nga rito ay
pinaniniwalaang epektibo laban sa mga lason at sumpa. Ang mga babae ay may mga hikaw na
kahoy na halos tatlong sentimetro ang lapad. Ito ay nababalutan ng ginto,pilak o di kaya'y tanso.
Mga kuwintas na kung tawagin ay balungkag na hinuhubog nila sa iba't-ibang disenyo gamit ang
mga kabibe, maliliit na beads, ngipin ng buwaya o di kaya'y mga kristal na may iba't-ibang kulay.
Meron ding tinatawag na sinakit, isang kuwintas na sinukat sa laki at lapad ng leeg. Ang para sa mga
lalaki ay isang sinakit na hinugis na tila likod ng isang sawa.

Marami pa silang mga dekorasyon sa katawan gaya ng tattoo, panggilid sa ngipin at pulseras
ng iba't-ibang uri at laki.

Gumagawa rin sila ng mga bagay-bagay na magagamit nila sa pang-araw-araw na buhay.


May mga sombrero na gawa sa kawayan at erik-ik o anahaw. Marami silang basket para sa iba't-
ibang gamit. May basket para sa isda, bigas at mga pang-imbak.

Ang mga Manobo ay mayaman rin pagdating sa kanilang pagsulat.Mayroong atukon,


bugtong, salawikain, panonggelengan, katutubong kuwento, pabula, epiko at nakakatuwang
kuwento.
 Ang Maranao
 Wika
 Sining
 Pagkain
 Kasuotan
 Panitikan
JAZEL CULTIVAR
Ang Maranao
Tinatawag na Maranaw, Meranao, Meranaw,ito ang
Skatagang ginamit ng gobyerno ng Pilipinas upang tukuyin ang mga
timoganing tribu. Sa ngayon ang tawag sa kanila ay Ranao sa
Iranaon na salita. Ang wastong tawag sa kanila ay “Iranaon” na
binibigkas bilang /i-ra-non/. Ang salita ay nangangahulugang “Tao
sa Lawa” na tumutukoy sa mga katutubong palibot sa Law ang
Lanao, Marawi City. Sa kasalukuyan, ang Maranao ay hango sa
salitang Iranaon na “Tao sa Dagat” o mga taong naninirahan
malapit sa dagat. Marami ring naninawala na ang salitang Maranao
ay kombinasyon ng dalawang salita na “Malay” at ”Lanao.”

Nakasentro ang kanilang Buhay sa lawa ng lanao,na pinaka malaki sa Minda nao,at
pangalawang malaki at pinakamalalim sa Pilipinas. Ang pangunahing pangkabuhayan nila ay ang
pangingisda at ang hydroelectric pant ay dito rin naka basi. Ang Agus River ang pinagkukunan ng
70% ng suplay ng kuryente sa Mindanao. Ito rin ay makabuntong hininga at magandang lawa na
napapaligiraan ng pantasya at alamat.

Ang mga Maranao ay bahagi ng grupong Moro na pumapangalawa sa anim na malalaking


grupong etniko sa Pilipinas. Sila ay kilala rin sa kanilang sining, magagandang paghahabi, mga
gawang-kahoy at gawang-bakal at sa kanilang epiko na isang tula ng kabahanihan.

Wika
Ang wika ng maranao ay isang Austronesian na wikang ginaga sa probinsya ng Lanao Del
Norte at Lanao Del Sur ng Pilipinas. May limang ingwahe na ginagamit ang mga Maranao – ang
Maranao, Chabacano, Cebuano, Tagalog, English.

Sining
Sarimanok

Ito ay isang alamat ng mga maranao at naging simbolo ng kanilang sining para sa lahat. Ito
ay may makukulay at mabalahibong buntot,ang kanyang tuka ay may hawak na isda.Ang ulo
namanay masagana sa mga palamuti na nakapalibot ang kanyang konsepto.At ito ay sumisimbolo
ng magandang kapalaran.

Musika

 Kulintang partikular na dito ang Gong na nagmula sa pagitan ng Muslim at hindi muslim na
grupo sa timoganing bahagi ng pilipinas.
 Biyula isang sinulid na instumento na kanilang ring ginagamit.
Pagkain

Nakikilala sila dahil sa maaanghang na lasa


ng pagkain.At ang kanilang pampalasa ay
tradisyonal na sila mismo ang nagtatanim,oh”
SAKURAB”sa maranao.Ang manipis na hiwa ng
sakurab at luya ay tinutunaw ng dahandahan at
hinahaluan ng sili at kaunting gat ang niyog.

Ang kanilang pagakain ay masagana at


nagsasabi ng kung ano sila. Maginhawa itong
nasasabi na ang pagluluto kasama kanilang
pamumuhay,pagdiriwang at seremonya sa lahat ng
mga maranao at sa aspeto ng lipunan at
kultura:mula kapanganakan hanggang
kamatayan.Sa madaling salita ang pagkain ay di
maaaring ihiwalay sa pang araw-araw na pamumuhay dahil ang pagkain ay siya rin Buhay.

Ang Alamat ng Pagkain ng Maranao

Ayon sa mga iskolar, Ang pagkain ay isang Panbi-nabian,propeta,habag na mula ky


Allah.Nang nabuo ang mundo ang mga tao ay walang makain.Ang lupa ay kailangang hingin ng mga
tao ngunit ito ay tumanggi dahil hindi ito sapat na pagkain ng tao.Kaya isa sa mga anak ni
Fatima,Asa,ay inilibing upang si Nabi Adam siya ay kalooban rin at maylakas na makagalaw.Sa
Pitong araw Nabi Saopak ay inilibing.Pagkatapos ng pitong araw,ito ay tumubo.Sa bandang ulo
tumubo ang niyog, sa puso tumubo ang palay,at sa pelvis tumubo ang bulak,at sa mababang bahagi
tumubo ang putting manok.Ang palay ay enani para sa pagkain ng tao.
Kasuotan

Panitikan

Nahahati ang panitikang di pang Islam sa mga sumusunod:


 Epiko

Ang Darangen ang pinakatanyag na epiko sa Maranao. Iilang gabi ang nilalaan para
matapos ang buong epiko. Ang mga pinakilalang kabanata sa Darangen ay ang”Ang
pagdukot kay Paramta a lawanen,” (So Kiaperawa-I ki Paramat a Lawanen)at,”Ang
Pagkamatay ni Bantugan sa Kaharian ng Dagat,”(So kapnatangkopan a Ragat)
(Madale,1942). Ito ay mga kabanata pati mga buod nito mula sa Darangen.

Noong aong 2005 ang Darangen na isang tula ng kabayanihan ng Lawa ng Lanaoay
napili ng UNESCO bilang Masterpiece of the Oral and Intangible Heritage of Humani ty.

 Tutol(Kwento)
 Tubad-tubad(maiksing tula-pampang-ibig)
 Kadaonga(Love Fest)
 Pananaroon(Kasabihan)
 Sowa-sowa-i(drama)
 Limpangan ago Antoka(Puzzels at Riddles)
 Rhymes (Sakuba)
o Halimbawa
1. Dekir (Dirge Song)
2. Quiza (Religious Story)
3. Kandidiagao (Crying over the dead)
4. Nagpapaliwanag ng Pahayag(Explicatory Statements) tungkol sa Islam
5. Duaos
6. Rilihitosong Kanta
7. Kadaolat sa miatal

Ang iba pang klasipikasyon ng panitikang pasalita ng Maranao ay gumagamit ng pigura ng


panalita,ang tuwirang paghahambing (simile) at di tuwirang paghahambing (methapor).

Tutol Sa Piyakakuyakad (Nakakatuwang Kwento)

Isang magandang halimbawa sa nakakatuwang kwentong gustong gusto marinig ng mga


Maranao ay ang Pilandok. Si Pilandok ay mautak at maparaan. Isa sa mga kwento nito ay ang
kwento kung paano niya tinawid ang ilog na may mga buwaya

Ang Pagtawid ni Pilandok sa Ilog (Madale1942)

Isang araw gustong tumawid ni Pilandok sa ilog ngunit wala siyang Bangka. Takot din
siyang lumangoy dahil mayroon matatagpuan na buwaya doon. Hindi alam ni Pilandok kung ano
ang kanyang gagagwin. Umupo siya malapit sa ilog at bglang may naisip siya. Mabilis niyang
sinigaw sa mga buwaya.

“Gusto ng Datu malaman kung ilan ang mga buwaya nakatira sa ilog na ito.

Kinakailangan na lumabas kayo para mabilang ko .” Nang marinig ng mga buwaya ito,
lumabas ang pinakamatanda na buwaya upang makipag-uasp kay Pilandok.

“Bakit gusto ng Datu na bilangin kami? ”

“Kasi gusto niya pakainin kayo araw-araw.”

Nang marinig ng mga buwaya ito, lumabas sila sa kanilang pinagtataguan. Dahil sa sobrang
dami nila, inihiling niya sa mga buwaya na gumawa ng maraming mga hanay patungo kung saan
ang kanyang kinaroroonan. Nang matapos ihanay ng mga buwaya ang kanilang mga sarili,
sinimulan ni Pilandok ang magbilang. ”Isa—dalaw—tatlo.” Habang binibilang niya ang mga
buwaya, lumundag siya mula sa likod ng isang buwaya patungo sa isa.Nang marating niya ang
kabilang banda ang ilog, lumukso siya. Tumingin siya sa likod,sabi niya sa mga buwaya.

“Ha,ha,ha,naloko ko kayo.” Walang gustong gawin ang Datu sa inyo.” Nang sabihin niya
ito,mabilis siyang tumaktakbo at tumungo sa kanyang bahay.
 Lokasyon
 Paniniwala
 Kasulatan sa Islam
 Pagkain
 Sining
JONATHAN TACTACON
Lokasyon

Sila ay matatagpuan sa isang distrito sa Quiapo, Maynila at sa


ilang mga bahagi ng Mindanao tulad ng Sulu, Tawi-Tawi, Maguindanao,
at Lanao del Sur. Sila ang pinakamalaking pangkat ng mga di-
Kristiyanong Pilipino at itinuturing na pinakamatapang na pangkat ng
mga Pilipino dahil hindi sila natalo o nasakop ng mga dayuhan. Malaki
ang pagpapahalaga nila sa kanilang pagkakaibigan at kanilang pagiging
matapat. Mayroon silang sari-sarili at katutubong kultura ngunit pareho
ang kanilang paniniwala sa relihiyong Islam at ang pagsamba nila sa
kanilang diyos na si Allah. Kabilang din sa pangkat na ito ang mga
Maguindanao, Maranao, Samal, Tausug, Yakan, at Badjao.

Mga Paniniwala

Ang isang Muslim (sa wikang Arabo: ‫ )م س لم‬ay ang taga-taguyod ng Islam. Sa literal na
kahulugan ng salita, ang Muslim ay sinumang tao na ipinagkaloob ang sarili sa Diyos (Allah sa
wikang Arabo).

Diyos

Ang pinaka-pangunahing konsepto ng Islam ay monoteismo o paniniwala sa isang diyos o


tawhīd (Arabic: ‫)ت وح يد‬. Itinatakwil ng mga Muslims ang doktrina ng Kristiyanismo na Trinidad(3
persona sa isang diyos na binubuo ng dios ama, dios anak at dios espiritu santo), ngunit kanilang
tinatanggap si Jesus bilang isang propeta at hindi dios. Allāh ang termino ng isang dios sa Islam. Ito
ay hindi plural at walang kasarian. Ang ibang hindi arabong Muslim ay gumagumamit ng ibang
termino sa Allah gaya ng "Tanrı" sa Turkish o "Khodā" sa Iran.

Muling pagkabuhay

Sa Islam, ang Yawm al-Qiyāmah ( ‫" ال ق يام ي وم‬Araw ng pagkabuhay na muli") o Yawm ad-Din
( ‫" ال دي ن ي وم‬Araw ng paghuhukom") ay ang pinaniniwala sa huling paghatol ng Diyos sa
sangkatauhan bagaman may pagkakaiba-iba ng mga pananaw at interpretasyon ang mga skolar na
Muslim sa mga bersikulo ng Qur'an na tumutukoy sa paghuhukom ng dios. Ang mga ilang
pangyayari na pinaniniwalaang magaganap sa paghuhukom ay ang paglipol ng lahat ng nilalang,
ang muling pagkabuhay ng katawan, at ang paghatol sa lahat ng nilalang.

Predestinasyon

Ayon sa Islam, ang Diyos ay may buong kaalaman at kontrol sa lahat ng pangyayari(al -qadā
wa'l-qadar). Ito ay katumbas ng paniniwalang predestinasyon sa sekta ng Kristiyanismo na
tinatawag na Calvinismo. Para sa mga Muslim, ang lahat ng pangyayari, mabuti man o masama, ay
itinakda na ng dios at walang maaaring mangyari maliban kung pahintulutan ng Diyos. Ayon nama n
sa ibang teologong Muslim, bagaman ang mga pangyayari ay itinakda na, ang tao ay nagaangkin ng
free will o malayang kalooban na siya ay pumili sa pagitan ng tama at mali at siya ay responsable sa
kanyang mga aksyon. Ang pagkasunduin ang paniniwalang predestinasyon at free will sa Islam ay
isa sa mga pinaka-kumplikadong isyu sa teolohiyang Islamiko.

Limang Haligi ng Islam

Ang Kaaba sa Mecca, Saudi Arabia ang sentro ng Islam. Ang mga haligi ng Islam (arkan al -
Islam) ang limang pangunahing mga gawain sa Islam na itinuturing na obligasyong gawin ng lahat
ng mga Muslim. Eto ang (1) ang shahadah ang pagpapahayag ng pananampalataya kay
Allah(kredo), (2) panalangin ng limang beses sa isang araw nang nakaharap sa direksyon ng mecca
(salat), (3) pagbibigay ng limos (zakat), (4) pag-aayuno sa panahon ng Ramadan at(sawm) (5)
pilgrimahe sa Mecca, Saudi Arabia (hajj) ng hindi bababa sa isang beses sa buong buhay. Ang
shahada ang paghahayag sa paniniwalang may isang dios at pagtanggap sa kanyang propetang si
Muhammad.

Mga Kasulatan sa Islam


Qur'an

Pangunahing lathalain: Qur'anNaitala ang mga pangaral ni Muhammad sa Qur'an, ang banal
na aklat ng Islam. Para sa mga Muslim, ang Qur'an ang mga pahayag ng Diyos Isinaayos at
isinabatas ni Uthman, isang pinunong Muslim, ang Koran. Nangangahulugang "mga pagsasabi" o
"mga pagbigkas" (resitasyon) ang salitang Koran. Tinutukoy nito ang mga instruksiyon o kautusan ni
Arkanghel Gabriel kay Muhammad noong 610 na bigkasin ang pangalan ng Diyos o sambitin ang
pangalan ni Allah.

Binubuo ang Qur'an ng 114 na mga surah o kabanata/kapitulo(chapter). Nahahati ang mga
surah sa mga ayah o bersikulo(verse). Ang bilang ng ayah(bersikulo) ay magkakaiba ayon sa iba
ibang skolar na Muslim sa simula pa ng pagkakalikha ng Islam. Sa ibang skolar ito ay binubuo ng
6,000 ayah, sa iba ay 6,204, sa iba ay 6,219, at sa iba ay 6,236.

Ang kulturang muslim ay may aspetong mga na kahawig sa kultura ng mga karati bansa.Ito
ay ang mbga sumusunod:

1. Sa pamilyang muslim, kinikilala ang ama bilang haligi ng tahanan.Ang ina ay nasa bahay
lamang at inaasikaso ang mga pangangailangan ng pamilya at pinapayagan ang mga lalaki
na makapag-asawa ng apat o higit pang asawa hagat sa kaya nilang buhayin ang mga ito.

2. Sa larangan ng pulitika:naitatag ang pamahalaang sultanato. ang pamahalaan kung saan ang
pinuno ay ang naitatag.

3. Sa larangan ng ekonomiya, ang kalakalan sa ilalim ng sulltan ay maunlad at kontrolado.ang


kalakalang panlabas. sa shariah kalipunan ng banal na kasulatan o islamic law.

4. Isa sa mga kultura nila ay ang tanggap na Polygami o pag aasawa ng lalake ng marami.
Pagkain

Biyaring or Kinilaw na Hipon

Ang Biyaring ay pang karaniwang pagkain ng mga maranao. Minsan nang mapasyal ako sa
aming probinsya may mga dumadaan na naglalako ng hipon na maliliit at ito ang ginagawang
biyaring. Hilaw na hipon or kinilaw sa tagalog.

Rendang

Ang beef rendang ay inihahanda ito tuwing may mahalagang okasyon, special ang putahe na
ito dahil nga sa beef ang gamit nito atsaka mahirap iang proseso ng paggawa.

Phesasati-a-odang

Isa ito sa mga handa para sa kandori (handaan kahit anong okasyon)

Kalawag

Galing ito sa 'dilaw' na kagaya ng luya. nabibili po ito sa lanao o sa quiapo. pinopolbo nila
ang dilaw para maging kalawag ito at ginagamit na pang kulay sa pagkain ng maranao. kadalasan ay
dilaw ang kulay ng mga pagkain ng mga maranao.

Sining

“Ang Maykapal ay Maganda at mahal niya ang Kagandahan,” winika ng Propetang si


Muhammad mahigit 1400 taon na ang nakararaan. Winika pa rin niya:
“ Mahal ng Maykapal kung kayo ay gagawa ng anomang bagay ay gawin nyo ito na may
kahusayan.” (Iniulat ni Muslim)

Ang ganitong mga kawikaan ng Propeta ay


nagtutulak sa Muslim na magpaganda at mag-gayak sa
kanilang bahay sambahan, mga tahanan at mga
Kasangkapan. Ang Arkitektura sa Islam at sining sa
pagpapalamuti ay nananatili pa ring buhay at
pinahahalagahan sa maraming pook ng mga bansang
Muslim.

Naniniwala ang mga Muslim sa pantay at


pagkakaisa sa lahat ng bagay na umiiral. Walang anomang
bagay na lumitaw nang gayon na lamang at nagkataon
lamang, sapagkat ang lahat ay bahagi nito ay kabilang sa
layunin ng Lubos na Pinakamatalino, Lubos na Maawaing Tagapaglikha.
Ilan sa Mahahalaga sa Sining ng Islam ay ang sumusunod:

 Ang Sining sa Islam ay hinahanap na mailarawan ang kahulugan at Kalagayan ng ano


mang bagay, sa halip na ang kanilang hugis lamang.
 Ang mga kagalingan sa paglikha at gawang pagpapalamuti ay itinaas na kabilang sa
sining.
 Ang Kaligrapiya ay isang malaking anyo ng sining sa Islam.
 Ang masalimuot na heometriko at mabulaklak na pinagtutularan ay may bahagi sa
malaking ginagampanan sa sining ng Islam.

Ang Sining sa Islam ay kabilang ang lahat ng uri ng sining, hindi lang ito tumutukoy sa pang -
relihiyong sining.

Kasuotan

Ang mga Muslim ay kilala dahil sa kanilang


kakaibang kultura at paniniwala. Isa sa mga
kulturang muslim ay ang kanilang mga magaganda
at makukulay na mga kasuotan na minana pa nila
mula sa kanilang mga ninuno. Ating alamin ang
iilan sa mga kasuotang Muslim na karaniwang
makikita sa Mindanao.

Ang pinaka-kilalang tradisyonal na


kasuotan ng mga Muslim ay ang “Malong”, isang
malaki at makulay na telang pinagtagpi na karaniwang ginagamit na pambalot sa katawan.
Karaniwan, sinusuot ito ng mga kababaihan sa paligid ng baywang na ang itaas na dulo ay nakatagpi
sa ibabaw ng kaliwang braso. Ang mga kalalakihan naman, sinusuot ito na nakapaligid sa baywang
tulad ng isang palda. Ang malong ay may maraming gamit depende sa pangangailangan ng
tagapagsuot. Maaari din itong gamitin bilang isang amerikana, kappa, kumot, o payong. Ang mga
Maranao at Maguindanao ay sinusuot ito sa llob ng isang blusa na kung tawagin ay “arbi ta”. Ang
“Patadyong” ay isang uri ng malong na makikita sa Sulu. Ito ay mas maliliit at kahawig nito ang
sarong na sinusuot sa Indonesia at Malaysia. Makikita itong nakapalibot sa ulo ng mga kababaihan
o kayay ginagamit na palamuti sa kanilang katawan.

Ang “Sawal” naman o “kantyu” isang maluwag at malaking pantalon na gawa sa malambot
na tela na sinusuot sa mga babae at lalaki. Ang mga lalaki, sinusuot ang Sawal pares ang polo-shirt
habang ang mga babae ay sinusuot ito kasama ng “sambra”, isang V-neck na blusa. Karaniwang
ginagamit ito kahit ng mga hindi Muslim kung pumupunta sa mga pam-publikong paliguan.

Kilala naman ang “Biyatawi” sa mga Tausug na kababaihan. Isa itong blusa na may
desinyong mahigpit sa katawan na kumikinang sa baywang. May malalim itong neckline na
magandang pinaparesan ng mga palawit. Uso sa mga biyatawi ang gintong butones. Kalimitang
makikita ang mga ito kapag may mga mahahalagang mga okasyon ng mga Muslim.

Tradisyonal na kasuotan sa ulo ng mga kalalakihang Muslim ang tinatawag na “ Tobao” sa


Maguindanao at Maranao. Kilala ito sa mga Tausug bilang “Ppis”. Isa itong tela na nakapalibot sa
ulo na may desinyong heometriko, bulaklak, kaligrapya ng mga Arabe. Isa pang kasuotan sa ulo ang
tinatawag na “Kopiya”, na kung saan ay katulad ng “s ongkok” na ginagamit sa Indonesia at
Malaysia.

Espesyal na uri naman ng kasuotan sa ulo ang tinatawag na “Kadi” na may kulay puti at
sinusuot lamang ng mga lalaking nakapunta na sa Mecca. Ang mga kasuotang ito ay karaniwan sa
pook ng Mindanao sa mga bahagi na kung saan ang mga Muslim ay naninirahan. Bagamat hindi na
masyadong ginagamit sa bagong kapanuhan, di maipagkakaila na ang mga Muslim ay nakilala din
dahil sa ganda ng kanilang mga kasuotan. Nakakalungkot isipin na iilan nalang ang marunong
gumawa ng mga kasuotang ito.

Kaligrapiya

Dahilan sa ang mga Muslim ay may malalim


na paggalang at pagmamahal sa Qur`an, ang sining
ng kaligrapiya ay nabuo na mas maaga at
nakarating sa mataas na antas. Sa buong bansa ng
Muslim , ang mga talata sa Qur`an ay napapalamuti
sa mga mosque, palasyo, tahanan, mga
pangangalakal, at iba pang-publikong dako. Malimit
na ang Kaligrapiya ay ginagawa sa magkakaugnay
sa palamuti ng pagpapaganda, na kaakit-akit na
nagsasamasama kung ano ang higit na
makababanal at mahalaga.

Mahigit isang siglo, maraming sulat kamay ang nakabalangkas sa iba’tibang rehiyon ng mga
bansang Muslim. Ang pinakamahalagang istelo ng Kaligrapiya ay ang sumusunod:

 Kufic

Ang Kufic ay mahigit o kumulang na isang parisukat at panulukang sulat


kamay, makikilala ito sa kaniyang malaki, makapal at heometrikong istelo. Ang
kaniyang mga titik sa pangkalahatan ay makapal at ito ay nababagay na iukit sa bato
o kaya’y metal, sa pagpipinta o pag-uukit ng inskripsiyon sa mga dingding ng
mosque, at para sa pantitik ng barya.

 Naskh

Ang Naskh marahil ang pinakakilalang sulat kamay sa daigdig ng mga Arabo.
Ito ay magkakadugtong na sulat kamay na nababatay sa tiyak nitong panuntunan na
kasukat sa pagitan ng mga titik. Ang Naskh ay malinaw na mababasa at maliwanag a t
ito’y tinanggap bilang angkop na istelo para sa uri ng titik at pagpapalimbag. Ito’y
umiikot sa napakaraming istelo at uri, kabilang dito ang ‘Ta’liq, ang Riqa, at ang
Diwani, at dito nagmula ang makabagong paraan ng pagsulat ng Arabiko.
 Thuluth

Ito ang pinakamahalaga sa lahat ng mapalamuting sulat kamay at ibinibilang


na naghahari sa lahat ng istelo. Malimit itong gamitin sa Paunang Sulat, pang -
relihiyong inskripsiyon, makaharing titulo at mga pagsipi.

 Ta’liq

Ito ay inilaan higit sa lahat upang matugunan ang pangangailangan ng wika


ng mga taga Persya at nananatiling ginagamit ng karamihan sa Iran, Afghanistan at
sa kalapit na bansa sa India. Ang Ta’liq ay isang lusaw at magilas na sulat kamay.

 Ang diwani

Ito ay mas pahabang sulat at mataas ang pagkakagawa na ang kaniyang mga
titik ay hindi maayos ang pagkakadugtongdugtong at walang pananda ng patinig. Ito
ay pinalawak sa panahon ng panunungkulan ng naunang Ottomang Turko (sa ika -16
na siglo hanggang bago pa sa ika-17 siglo).

May iba pang hindi masyadong kilalang uri ng kaligrapiya, ngunit hindi nangangahulugan na
ito’y hindi maganda, tulad halimbawa ng Riq’a, Muhaqqaq, Rayhani, Ijaza at Moroccan.

Arkitektura

Ang arkitektura sa buong kasaysayan ng mga bansang Islam ay pinalakas ng pang -


Espirituwal na haligi, ang Qur`an.

Ang mga bayan sa lungsod ng Islam ay nananatili sa


loob ng mahabang panahon, na narito ang angkan ng mga
mahuhusay na manggagawa, na ang kanilang karanasan ay
nagpadagdag sa sari-sari ng kapaligiran.

Ang tradisyonal na lungsod ay nag-uugnay sa


arkitektura ng madrassa (Paaralang Islam), ang souq
(pamilihan), ang palasyo at ang tahanan kasama ang mga
sentro ng mosque, upang makalikha ng magagandang
tanawin sa labas ng bayan.

Ang mga mosque at mga palasyo sa mga dumating


na panahon ay higit pang pinabuti ang mga palamuti at
disenyo. Malaki ang ipinagbago ng arkitektura, mula sa
konsepto ng kupola na nagbibigay ng maluwag na bahagi ng pinag-darasalan, sa mga inskripsiyon
sa loob ng mosque, upang luwalhatiin ang Allah.
Ang isa sa pangkaraniwang paksa ay ang lubos na hindi pagpapahintulot sa anyo ng tao at
hayop sa larangan ng arkitektura. Makikita mo ang pagpapaganda na naka -sentro sa mga salita,
teksto at pagsulat, na nagpupuri sa Allah sa pamamagitan ng paggamit ng kaligrapiya.

Ang isa sa kaugalian ng Islamikong bahay ay may kanya itong katangian, katulad halimbawa
ng patyo ng bahay ay nakatago upang mabigyan ng proteksiyon ang buhay ng mag -anak sa mga tao
mula sa labas at malupit na kapaligiran. Makikita mo ang labas ng bahay a y patag at ito ay
nakatuon sa loob ng bahay. Sa paglipas ng panahon, ang bahay ay pinapalawak upang magkasama -
sama dahilan sa paglaki ng sangbahayan, malimit na hiwalay ang mga bahay na itinatayo sa loob ng
bakuran para sa karagdagang mag-anak.

Palamuting Salamin

Ang naunang ulat tungkol sa paggamit ng palamuting salamin para sa pagpapaganda ng mga
gusali ay noong ika -7 siglo sa Ehipto. Sa karagdagan pa, ang makabagong pagkakatuklas sa
larangan ng arkeolohiya ay nag-uugnay sa pangangalakal ng palamuting salamin mula sa Ehipto
patungong Vietnam sa loob ng ika-9 na siglo. Gayon
pa man, sa Europa, natagpuan natin ang sining ng
palamuting salamin na umaabot ang taas nito
hanggang 1150 at 1500, nang ginawa ang
napakalaking bintana para sa napakalaking mga
Katedral.

Ang ilan sa nakakahikayat na palamuting


salamin ay nakasentro sa sa paligid ng hugis
heometriko, ng kaligrapiya at ang mabulaklak na
paksa ay mayaman na matatagpuan sa pook ng
Ottoman. Sinumang tagapagdisenyo ay nagnanais
sa patakaran ng klasikang pagkakatugma, pagkakapareho at kagandahan sa pamamagitan ng
pagaayos at pagbabago sa harapan ng salamin, maliwanag na pagpipinta upang mahayag ang mga
kailaliman sa panuntunan at pagpapalamuti.

Ang mga halimabawa nito ay makikita sa malaki at maliit, mula sa pagpapaganda ng


malalaking mosque katulad ng nilikha noong Ottoman na arkitektong si Mimar Sinan sa iba’t-ibang
bahagi ng bansang Muslim, hanggang sa ilawan ng kalsada na nagbibigay liwanag sa mga bayan ng
Muslim maraming daang taon na ang nakalipas.
Arabesque

Ang Arabesque ay isang pinabuting pagsasagawa ng kaligrapiya o kaya’y ang paulit-ulit na


hugis ng heometriko na malimit ito’y nagiging alingawngaw
ng mga anyo ng halaman at mga hayop. Ang Arabesque ay
isang elemento sa Sining ng Islam na pangkaraniwang
matatagpuan natin sa palamuti ng mga bintana at pintuan
ng mosque, bahay, pamilihan at motel. Ang pagpili sa
heometrikong anyo na siyang ginamit at papaano ito
isinasaayos ay ibinatay sa kahusayan ng isang Muslim na
artistiko at ang pananaw ng mundo. Ang sining ng
Arabesque ay malimit na pinaghalong kaligrapiya.

Ang sining ng Arabesque ay malimit na ginagamit


ang paulit-ulit na anyo ng heometriko, na sa loob nito ay may nakatagong kahulugan. Ang isa sa
halimbawa nito ay ang payak na kudrado, na ito’y may apat na makakapantay na hugis sa bawat
sulok, ang gumawa nito ay pinagsisikapang ipakilala ang simbolo ng pantay-pantay na kahalagahan
ng mga elemento ng kalikasan; lupa, hangin, apoy at tubig. Ang paikot na hugis, ay naglalarawan ng
walang-hanggan kaisahan ng tagapaglikha.

Magagandang Tanawin

Enchanted
River

Tinuy-an
Falls

Talon Ng
Maria Dakak Beach
Cristina

Bundok
Apo
 Lokasyon
 Pinagmulan
 Kabuhayan
 Kilalang Pampangenyo
 Kapistahan
JOMARY PACLIBAR
Lokasyon

Gaya ng Bulacan, ang Pampanga ay napapabilang din sa Rehiyon


III o Gitnang Luzon. Dahil sa stratehiya ng lugar, ito ay nagsisilbing
“gateway” saan man sa hilagang parte ng Luzon. Mayroon itong tatlong
lungsod – ang San Fernando, Angeles at Mabalacat.

Pinagmulan

Ang pangalang Pampanga ay ibinigay ng mga Kastila sa lalawigan dahil natagpuan nila ang
mga unang naninirahan ditto sa tabi ng pampang.Ang lalawigan ay nabatid ng Kastilang si Martin de
Goiti noong 1571. Ang lalaking capampangan ay kilala sa pagiging mahusay magluto.Ang Pampanga
ay isa sa mayayamang lalawigan sa Filipinas.

Kabuhayan
 Pagsasaka
 Pangingisda
 Parol tuwing pasko

Mga Kilalang Pampangenyo

Dolphy Sen. Chiz Ecudero Jamby Madrigal Sen. Manny Villar


Kapistahan

-------------------------------------------- IBON – IBON FESTIVAL ------------------------------------------

---------------------------------------- SINUKWAN FESTIVAL --------------------------------------------

------------ PAMAMUPOL FESTIVAL --------------------------- Giant Lantern Festival----------


 Lokasyon
 Klima
 Kasaysayan
 Mamamayan
 Wika
 Pamumuhay
 Magagandang Tanawin
 Pagkain
 Sining
 Pagdiriwang at Kapistahan
 Panitikan
 Kilalang Tagalog
JAY V. ESTRERA
Lokasyon

Ang kultura ng katagalugan ay matatagpuan sa


katimugang bahagi ng Luzon. May malalaking pangkat rin ng
mga tagalong ang naninirahan sa Kalagitnaang bahagi ng Luzon
at sa kalakhang Maynila – Region IVA at B, NCR, at iilang lugar
sa Region IV.

Ang mga pangunahing lalawigan matatagpuan ay


kinabibilangan ng Cavite, Batangas, Bulacan, Laguna, Bataan,
Quezon, Camarines Norte, Marinduque, at Rizal. Samantala,
matatagpuan rin ang kulturang ito sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Tarlac, Aurora, Zambales,
Mindoro Oriental, at Palawan.

Klima

Ang iilang lugar na nabibilang sa kulturang Tagalog katulad ng Batangas, Cavite. Occidental
Mindoro ay kadalasang makakaranas ng tag-init mula Nobyembre hanggang Abril samantalang tag-
ulan naman mula Mayo hanggang Oktubre.

Sa Palawan, Rizal, Laguna din ay hindi tiyak ang panahon ngunit kadalasang tagtuyot ang
kanilang mararanasan mula isa hanggang tatlong buwan.

Kasaysayan

Ang salitang Tagalog ay hinango sa salitang “taga-ilog.” Ang “taga” ay nangangahulugang


"katutubo ng" at ang “ilog” ay “ilog.” Ibig sabihin ay mga “taong naninirahan sa tabi ng ilog.”
Walang mga halimbawa ng Tagalog bago dumating ang mga Kastila. Sinasabi ng ilan na ito ay
marahil sinunog ng mga unang paring Kastila, sapagkat sinasabing masademonyo ito. Kakaunti
lamang ang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng wikang ito. Ngunit sa haka -haka ng mga dalubhasa
sa pananalita, ang mga ninuno ng mga Tagalog ay nagmula sa hilagang silangang Mindanao o sa
silangang Visayas, kasama ng mga kamag-anak nitong wika ng mga taga-gitnang Pilipinas.

Ayon din sa iba, ang tagalog ay salitang hinango sa taga-irog dahil kilala ang pangkat ng
kayumangging ito sa pag irog sa sinisintang kabiyak at pagiging tapat din sa pa kikipag ugnayan sa
pinili niyang makasama sa buhay.Ito ay batay sa nakaraang kaganapan nang ang mga tao ay may
higit pang katinuan at takot sa Dios may kaugnayan ang salitang ito sa isang kasabihang tagalog
"mahirap mamangka sa dalawang ilog/irog?

Ngunit mayroon ding panukala o teoriyang nagmula ito sa pangalan ng ilang mga tribo, mga
Tagal, sa Borneo at Sumatra, o Minangkabaw.
Ang Taal, Batangas ang pangkasalukuyang sentro ng kalinangang Tagalog at ng mga
mamamayang Tagalog sapagkat pinaniniwalaang ito ang pinagsilangan ng Katagalugan, o ang
"Pusong-Lupain ng Kalinangang Tagalog."

Nakabatay sa kaugaliang sinasambit ang karamihan sa mga sinasabing pinagmulan ng mga


mamamayang Tagalog, sapagkat bagaman nakapag-aral ang mga sinaunang mga Tagalog at
nagkaroon ng mga kagawian sa pagsulat bago pa sumapit ang mga Kastila, isinulat nila ang kanilang
mga kaisipan sa ibabaw ng mga naglalahong kagamitan, katulad ng mga dahon at mga sanga.

Subalit hanggang ngayon, pinagtatalunan pa rin ang pinagmulan talaga ng mga Tagalog,
kung nanggaling ba silasa kilala ngayong Taal, Batangas, o mula sa katimugan kung saan nanirahan
ang kalapit-wika nilang mga Bisaya. Gayunman, katulad ng iba mga katutubong kapangkatan,
pinaniniwalaang mga inanak sila ng mga taong nagwiwika ng wikang Awstronesyo mula sa
sinaunang Taiwan.

Mamamayan

Populasyon

Ang mga Tagalog ang isa sa pinakamalaking pangkat etniko sa Pilipinas kasunod ng mga
Bisaya, at ang may pinakamalawak na distribusyon sa bansa. Bumibilang ang mga Tagalog ng may
humigit sa15,876,000 ka tao.

Katangian

Masipag, matiyaga at masikap ang mga Tagalog. Sila ay likas na masayahin kaya madalas
silang magdaos ng mga pagtitipon tulad ng kasalan, kaarawan at kapistahan.

Relihiyon

Pangunahing pananampalataya ng mga Tagalog ang Kristiyanismo. Romano Katoliko ang


karamihan. Mayroon ding ilang mga Protestante at Muslim.

Wika

Nagsasalita ang mga mamamayang Tagalog ng wikang Tagalog, na may maraming mga sari-
saring kaibahang pangdiyalekto, bagaman itinuturing na mauunawaan ang lahat ng mga
diyalektong Tagalog.

Sa Kalakhang Maynila, Cavite, at lahat ng mga bayan ng Laguna sa kanluran ng Pagsanjan

Ang Tagalog ang siyang ginagamit nilang salita. Ito'y madalas na hinahaluan ng iba’t ibang
mga panrehiyon na salita. Ang salitang Tagalog ng Maynila ay may pagka-orihinal, madarama mo
ang kasaysayan ng Pilipinas sa bawat pagbigkas ng mga salitang naangkop na ngayon sa wikaing ito;
bagamat hiram na salita sa dayuhang mananakop, inangkin nang sarili ng mga Pilipino ang bawat
salitang ito; at lagi na ring gamit sa lahat ng mga usapin.

Ang tagalog cavite sa gawing timug ng lalawigan nito ay nakapaling sa Tono o punto ng
batanggas kaya lang ay may kabagalan ito at malinaw kung bigkasin.

Bataan, timugang bahagi ng Zambales, Olongapo, at mga bayan ng Pampanga.

Ang Tagalog ng Bataan at Zambales ay maitutulad sa Tagalog ng Maynila, bagama't madalas


na nahahaluan ng Ilokano at/o Kapampangan.

Bulacan, Tarlac, at Nueva Ecija

Ang Tagalog ng Bulacan ay mayroong pagkamasalita kung ihahambing sa Tagalog ng


Maynila. Maraming salita sa wikaing Bulakenyo ay hindi nauunawaan sa Kalakhang Maynila. Bukod
pa rito, mabilis magsalita ang mga Bulakenyo subalit tunay na mahusay sila sa larangan ng
pananalumpati at pagtula..

Batangas

Ang Batangas ang pinagmulan ng wikang Tagalog at dahil dito, pinakamalapit sa Sinaunang
Tagalog ang Tagalog na binibigkas dito kung ihahambing sa ibang mga wikain. Ginagamit pa rin dito
ang mga salitang nagmula saSanskrit, Arabo, at Persian. Binibigkas ng mabilis at may makapal na
punto ang Tagalog sa Batangas, at may ibang himig ito sa wikain ng Maynila. Ang ilang pangunahin
at kilalang pagkakaiba nito sa wikain ng Maynila ay ang paggamit ng salitang ire sa halip
na ito, dine sa halip na dito at ga sa halip na ba.

May isang anyo ng Tagalog ng Batangas, ang Lubang.

Sa lahat ng mga bayan sa silangan ng Pagsanjan, Laguna, at Rizal

Tanay-Paete ang kanilang ginagamit na tagalog.

Marinduque, pulo ng Mindoro, kapuluang Lubang, at Nasugbu.

Ang Tagalog ng Marinduque ay nagpapakita ng impluwensya mula sa mga wikain


ng Kabisayaan. Karamihan sa mga nagsasalita ng Tagalog ay hindi nakakaunawa sa wikang
ginagamit sa Marinduque.

Tayabas

Tila nahahati rin ang Tagalog ng Tayabas sa dalawang anyo: ang anyong kanluran na mas
nalalapit sa Batanggenyo at ang anyong silangan na mas nalalapit sa Bikolano.
Quezon, at Camarines Norte.

Ang Tagalog na binibigkas sa lalawigan ng Quezon ang pinaka-naiiba sa mga anyo ng


Tagalog. Malawak ang paglagom nito ng mga salitang Kastila, Fukyen, at Bikolano. Ilan ding mga
salita ang hindi nauunawaan ng ibang mga nagsasalita ng Tagalog. Bukod sa karaniwang “ya”, na
katumbas ng Batanggenyong “ala e”, may higit-kumulang 200 salita na ginagamit lamang sa
lalawigan ng Quezon, lalo na sa silangang bahagi ng lalawigan.

Halimbawa:
 Ang abyad (asikasuhin)
 Balam (mabagal
 dasig (usog)
 Dayag (maghugas ng mga
pinggan)
 Hambo (maligo)
 Lagumba (magloko-lokohan)
 Pulandit (talsik)
 Tibulbok (pagyanig, vibration)
 Yano (sobra)
Pamumuhay

Ang mga Tagalog ay namuhay ng masagana sa mga tabing-ilog at tabing-dagat. Maliban sa


Nueva Ecija, lahat ng mga komunidad ng Tagalog sa Gitnang Luzon ay masagana sa mga ilog o kaya
naman ay malapit sa dagat. Dahil malaking bahagi ito ng heograpiya ng tinitirhan ng mga Tagalog,
hindi nakakagulat na kasama ang mga ito sa kultura at panitikan nila.

Ang mga Tagalog ay kadalasang nabubuhay sa pamamagitan ng pagsasaka,pangingisda at


pagtitinda.

Magagandang Tanawin

Bundok Halcon, Mindoro Bundok Guiting-Guiting sa Romblon


Underground River, Palawan Aguinaldo Shrine, Cavite

Rizal Shrine sa Calamba, Laguna Underground Cemetery

Hidden Valley Spring Crocodile Lake saLos Baños

Mt. Makiling Bundok Banahaw, Quezon


Talon ng Pagsanjan Talon ng Batocan

Lawa ng Laguna o Laguna de Bay Lawa ng Taal - sa Batangas

Bulkang Taal (Nasa gitna ng Lawa ng Taal) Bundok ng Sierra Madre, Quezon
Pagkain

 Kare-kare
 Sisig
 Minatamis na Kalumpit
 Atsarang Ampalaya
 Batangas Beef Tapa with toasted Kapeng Barako

Sining

 Mga Sayawing Maria Clara


o Aray sa Ermita, Metro Manila
o Chotis sa lalawigan ng Camarines Sur

 Mga katutubong Sayaw:


o Subli - Ito ay sayaw ng mga katagalugan o nangaling sa Batangas. Ang salitang SUBLI
ay mula sa dalawang salitang Tagalog, subsub at bali. Sa sayaw na ito ang mga lalaki
ay nakasubusub na tila pilay ata nakabaluktot, samantala nag mga babe ay
nakasayaw na mayroong sombrero.

 Mga Awit ng mga Tagalog


o Diona - wedding song
o Talindao and auit - sung at home
o Indolanin and dolayanin - street songs
o Hila, soliranin and manigpasin - rowing songs
o Holohorlo and oyayi - cradle songs
o Ombayisong of sadness
o Omiguing - song of tenderness
o Tagumpay - a triumphal song

Pagdiriwang at Kapistahan

 Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila


 Parada ng Lechon, sa Balayan BatangasKabakahan Festival, Padre Garcia, Batangas
 Lambayok Festival, San Juan, Batangas
 Kapistahan ng Poong Nazareno sa Quiapo
 Tinapayan Festival, Cuenca, Batangas
 Pahiyas Festival sa Maynila
 Moriones Festival sa Marinduqe
 Pagdiriwang ng Centurion
Panitikan

Kwento

 “Suyuan sa Tubigan” ni Macario Pineda na nagpapakita ng lokal na kultura ng mga Tagalog.


Sa kuwentong ito, ang panliligaw ay aniging tagisan ng galing.

 “Kung Baga sa Pamumulaklak”, ipinakita ni Macario Pineda ang pag -ikot ng buhay sa
bukirin. Ang pagbibinata at pagdadalag ng mga lalake at babae pati na rin ang pagkagising
ng kanilang mga damdamin.

Tula

 “Oyaying Tagalog” ni Virgilio Almario na kanyang sinulat para alalahanin ang buhay sa
probinsya.

Prosa

Ipinakita ni Rogelio Sikat sa “Tata Selo” ang mga problema sa ganitong pamumuhay. Ang
pagdanak ng dugo at karahasan ang sasalubong sa mambabasa habang ipinapakita ni Sikat ang galit
ng isang magsasaka sa kanyang amo dahil sa pag-gasa nito sa kanyang anak.

May mga bugtong rin sila patungkol sa mga Palay at sa mga bugtong nila, iniisip ng mga
Tagalog ang palay bilang mga butil ng ginto.

Halimbawa:

Nang wala pang ginto


Ay noon nagpalo
Nang magpakagintu-ginto
Ay saka pa sumuko

Alamat

 Ang Lawin At Ang Paglikha Sa Daigdig

NUONG simula ng daigdig, wala pang lupa. Ang dagat lamang at ang langit ang
naruruon, at sa pagitan nila ay isang lawin. Walang tigil ang lipad ng lawin at dumating ang
isang araw nang napagod siya. Matagal siyang humanap ng malalapagan subalit walang
nakita kaya naisip niyang galitin ang dagat.

Sa puot ng dagat, pinaghahagis niya ng tubig ang lawin hanggang umabot s a langit
ang taas ng mga alon. Nagimbal naman ang langit at, upang mapahupa ang mga alon,
binagsakan ng maraming bato ang dagat. Sa dami ng bato, nagtumpok-tumpok ito at
nabuo ang iba't ibang pulo sa ibabaw ng dagat. Sa wakas, tumigil ang talon ng mga alon.

Inutos ng langit sa lawin na lumapag sa isa sa mga pulo at duon mag-pugad. At


huwag nang gambalain ang dagat at ang langit. Mula nuon, tahimik na namuhay ang
lawin, at iba pang mga ibon, sa mga pulo sa pagitan ng dagat at langit.

Nangyari naman na mag-asawa nuon ang hangin dagat at ang hangin lupa, at may
anak sila, si kawayan. Isang araw, lumulutang si kawayan sa tabi ng dagat nang nabangga
niya ang paa ng lawin. Nagulat, nasaktan at nagalit, pinagtutuka ng lawin ang kawayan
hanggang nabiyak ito. Kaginsa-ginsa, lumitaw sa isang piraso ang isang lalaki, si Malakas.
Sa kabilang bahagi, lumabas naman ang isang babae, si Maganda. Sila ang 2 Unang Tao sa
daigdig.

Ipinatawag naman ng lindol ang lahat ng ibon at isda upang pag-usapan kung ano
ang dapat gawin sa 2 tao. Ipinasiya nila na dapat mag-asawa sina Malakas at Maganda.
Nangyari nga ito at marami silang naging mga anak, na pinagmulan ng iba't ibang tao sa
daigdig ngayon.

Kilalang Tagalog

Joes Rizal
Calamba, Laguna

Apolinario Mabini
Tanauan, Batangas

Apolinario Dela Cruz


(Hermano Pule)
Lucban, Tayabas
Manuel L. Quezon Andres Bonifacio Jose P. Laurel
Baler, Tayabas Tondo, Maynila Tanauan, Batangas

Joseph Estrada Corazon Aquino Emilio Jacinto


Tondo, Maynila Tarlac Tondo, Maynila

Manunulat

 Si Lamberto Antonio (Sumusulat ng mga tula patungkol sa mga palayan ng Nueva Ecija)
 Virgilio Almario
 Macario Pineda
 Rogelio Sikat
 Lokasyon
 Ang Tagbanua o Tagbanwa
 Kasaysayan
 Sining at Gawa
 Ekonomiya
 Relihiyon
 Panitikan
 Wika
 Paniniwala
KRISTINE PARILLA
Lokasyon

Gitna at Hilagang bahagi ng Palawan


Ayon sa pananaliksik ang Tagbanua ay posible daw’ng taga-
mana ng mga Taong Tabon o Tabon man na naging isa sa mga orihinal na
naninirahan sa Pilipinas.

Ang Tagbanua o Tagbanwa


Ito ay isa sa pinakamatandang pangkat etniko sa bansa. Ang pangalang Tagbanua ay galing
sa salitang “TAGA” (tao mula sa) at “BANUA” (kabukiran). Sila ay kulay kayumanggi, may
balingkinitang katawan at matuwid ang buhok.

May dalawang pangunahing klasipikasyon kung saan sila matatagpuan base sa heogra pikal
na lokasyon. Ang dalawang grupong ito ay nagsasalita ng magkaibang wika.

 Gitnang Tagbanuas(Central) – Matatagpuan sa Silangan at Kanluran sa may baybaying lugar


ng ng Gitnang Palawan. Nanininrahan sila sa munisipalidad ng Aborlan, Quezon, at Puerto
Princesa.

 Calamian Tagbanua – Matatagpuan sa baybayin Ng BARAS (BARAS COAST), BUSUANGA


ISLAND, CORON ISLAND at sa ilang bahagi ng El Nido.

Ang mga Tagbanua ay naninirahan sa mga Compact Villages (Siksik na Nayon) na may 45-
500 ka tao. Noong 1987, may 129,691 Tagbanua ang naninirahan sa Palawan. Sa ngayon ang mga
Tagbanua ay mayroon ng humigit 10,000 at 1,800 nito ay nasa Calamianes.

Kasaysayan
Ayon sa mga sabi-sabi, ang Tagbanua ay may maagang kaugnayan sa Brunei sa Unang Sultan
ng Brunyu na galing sa lugar na tinatawag na Burnei.

Ang pormal na kasaysayan ng Tagbanua ay nagsimula noong1521 ng dumaong sa Palawan


ang barko ni Magellan. Si Antonio Pigaffeta ang orasan (chronicler) ni Magellan ay nirekord niya na
nag Tagbanua ay nagsasagawa ng ritwal na blood compact. Pinalalago ang kanilang taniman,
nangangaso sa pamamagitan ng makapal na kahoy na sibat, nangingisda na copper wire ang
pangtali sa kanilang fish hooks,gumagawa ng blowpipes,valued brass rings and chains,bells,knives.
Nag-aalaga ng malalaki at matatapang na tandang at umiinom ng distilled rice wine para sa
kanilang ritwal.

Hanggang sa huling bahagi ng 17th century ang katimugang Palawan ay napasailalim na


nang pamamahala ng Sultan ng Brunei na naging dahilan sa pag-aaway ng Espanya at ng Sultan. Sa
panahong ito, at sa halos 300 taon, ang Espanya at ang mga Muslim sa Sulo, Mindanao, Palawan at
Hilagang Borneoay nag-aaway.

Sa 19th century, ang mga Tagbanua ay nananatiling naniniwala sa kanilang kinikilalang


natural na diyos-diyosan. Taun-taon nilang ipinag diriwang ang pagbibigay pugay sa kanilang mga
dios-diosan matapos ang pag-aani.

Nang natapos na ang rehimeng Espanya sa pananakop sa Pilipinas ay sumunod ang mga
Amerikano, maraming mga pagbabago ang dumating sa Isla ng Palawan at s a mga Tagbanua. Sa
1904,ang IWAHIG ay naging penal na kolonya (penal colony) na nagpaalis sa mga Tagbanua sa
lugar dahil sa lumalaking establisemento nito.

Sa 1910, ang mga Amerikano ay nagbigay ng mga reserbasyon para sa mga Tagbanua. Sa
paglipas ng mga taon, panloob na migrasyon na galing sa Isla ng Visayas at Luzon, ang
pangingibabaw ng relihiyong kristiyanismo at ang pagka- impluwensya ng Isla sa pang-ekonomiya
at pampulitikang aspeto ang nagpapatibay sa mga Tagbanua.

Sining at Gawa

Kasuotan

Ang tradisyunal na kasuotan ng mga Tagbanua ay gawa sa balat ng kahoy(salugin). Matapos


mapatumba ang kahoy ito ay hahatiin pagkatapos babalatan ito hanggang sa malantad ang panloob
na balat. Pagkatapos nila itong makuha,ang pinakamalambot na parte sa puno lalabhan nila ito at
patutuyuin sa ilalim ng araw.

Pero noong sinaunang mga lalaki sa kanila ay nagsusuot lamang ng bahag na sinisuportahan
ng hinabing rattan na wristband na tinatawag na “ambalad.” Samantala, ang mga babae ay
sumusuot ng maigsing palda na gawa sa balat ng kahoy.

Sa kalaunan ang mga Tagbanua ay naimpluwensyahan sila sa kasuotan ng mga muslim.

Noon kung matataas ang buhok ng mga babae at lalaki pinapaitim nila ang kanilang mga
ngipin at nag-uukit ng earplugs galing sa matigas na kahoy ng bantilinaw.
 Kahoy na suklay (wooden comb)
 Kahoy na pulseras (wooden bracelets)
 Kwentas na gawa sa bead na itinatakip sa leeg ng babae
 Basket at Pag-uukit ng kahoy ang pinakasikat sa kanilang mga gawa. Marami silang mga
iba’t ibang disenyo sa paggawa ng tingkop(harvest basket)
 Tingkop- gawa sa hardstrip bamboo. Kulay itim na natural sa kawayan na syang
nagpapaganda sa disenyo nito.
 Cone-shaped type basket
 Soft rice basket or bayong-bayong- square bases and round tops. Kinukulayan nila ito sa
pamamagitan ng dahon ng puno ng niyog.

Pag-uukit

 Mammanuk(rooster)
 Kiruman(turtle)a ritual bowl
 Kararaga(native bird)
 Dugyan(a small ground animal)
 Butiki
 Baboy ramo

Musika

 Aruding (Jaw’s Harp)


 Babarak (Noseflute)
 Tipanu (Mouth Flute)
 Pagang at Tibuldo
 Kudlong (Boat Lute)
 Gimbal (Drum) na ang ibabaw ay gawa sa balat ng bayawak
 Tiring (Ito ay mga kawayan na may iba’t ibang laki ang butas na nagbibigay ng ibat ibang
tunog)
 Modern Acoustic Type of Guitar
 Ukelele

Sayaw

 Abellano (soriano) – Tradisyunal na sayaw ng lalaki


 Bugas-Bugasan – Sayaw sa lahat ng partisipante ng pagdiwata pagkatapos nilang inumin
ang seremonyal na tabad (rice wine)
 Kalindapan – Solo dance ng babaeng babaylan at ang kanyang mga kawani.
 Runsay – Ritwal na sayaw sa mga taong naninirahan sa may baybayin na kung saan
nakalutang ang kawayan na may dalang alay. Isinasagawa sa hating -gabi hanggang sa
madaling araw.
 Sarungkay – Healing dance by the main babaylan as she balances a sword on her head and
waves ugsang or palm leaf strip.
 Tugatak at Tarindak – Sayaw na isinasagawa ng mga naninirahan na dumadalo sa inim o
pagdiwata.
 Tamigan – Sayaw ng mga lalaking mandirigma na gumagamit ng bilao (to represent sheilds)
Albarka Ritual

 Busak-Busak (spider dance)


 Batak Ribid(pag-aani ng kamote)
 Bungalon (showing off dance)
 Bugsay-Buigsay (paddledance using fans)
 Segutset (courtship dance)
 Tarek (tradisyunal na sayaw)
 Andardi (festival dance) sa pagsayaw ng ANDARDI nagsusuot sila ng anilang tradisyunal na
kasuotan at may hinahawakan na tuyong dahon ng niyog na tinatawag na palaspas.

Drama

Ang drama sa Tagbanua ay naipapakita o isinasagawa sa pamamagitan ng pagsayaw na


ginagaya ang mga sayaw ng hayop gaya ng busak-busak, at yung mga sayaw na nagpapakita ng
trabaho gaya ng batak ribid at bugsay-bugsay. Pero ang pinaka importante sa lahat ay ang paggaya
ng ritwal na kungsaan may magiging isang dios-diosan na inaalayan ng ibat ibang pagakain.

Economiya

Pagkakaingin na tinatamnan ng mga palay,kamote,mais at kamoteng -kahoy. Ang mga tao na


nakatira sa baybayin pangingisda naman ang ikinabubuhay na ipinagpapalit nila sa produktong
agrikultura para sa kanilang pagkain. Nangunguha din sila ng mga produktong galing sa gubat gaya
ng guma,rattan at honey na ibinibenta para magka pera. Ang pinakamalaking ambag sa
pamumuhay nila ay ang paggawa ng mga handicrafts gaya ng pag-uukit sa kahoy,paggawa ng banig,
ang mga materyales nito ay sagana sa kanilang lugar.

Relihiyon

Ang kanilang relihiyon ay naniniwala sila sa spiritu base sa kanilang mga ritwal,selebrasyon
at sayaw. Ang mga pagdiriwang na ito ay base sa kanilang taimtim na paniniwala sa natural na
interaksyon sa pagitan ng mundo ng mga buhay at mundo ng mga patay. Ang mga seremonyang ito
ay isinasagawa sa loob ng pamilya o sa mga pangulo ng komunidad para sa mga tao.

Apat na pangunahing panginoon

 Mangindusa or Nagabacaban – Panginoon sa langit


 Polo – Panginoon sa dagat na tinatawag sa panahon ung may sakit.
 Sedumunadoc – Hinahanap/hinihingi ang kanyang tulong para magkaroon ng magandang
pag-aani.
 Tabiacoud – Nakatira sa pinakailalim na parte ng mundo.
Para sa mga panginoon na ito,nagdidiwang sila taun-taon pagatapos nila makapag-anina
kungsaan sila ay nagkakantahan,nagsasayawan na winawakasan sa pamamagitan ng blood
compact.

Pagkatapos tatawagin ng babaylan ang mga tao at magtipon-tipon sa may baybayin na may
dalang ibat ibang klaseng alay. Kukunin ng babaylan ang manok at tandang at isasabit sa sanga ng
puno at papatayin ito sa pamamagitan ng paghampas dito isang beses lamang. Kung sa paghampas
dito at hindi namamatay ay pinapakawalan na lamang ito at hindi na gagambalain pa dahil
pinoprotektahan daw ito ng panginoon ng dagat na si POLO. At ung namatay naman ito ay lulutuin
at kakainin. Pagkatapos nilang kumain ay magsasayaw sila at iinom ng rice wine. Pagsapit ng hating -
gabi,ang babaylan ay pupunta sa dagat na hanggang baywang ang lalim ng tubig at samantalang
ang ilan ay nagsasayawan habang itinutulak papalayo ang balsa ng pag -aalay papalayo. Kapag ang
inalay ay babalik sa pamamagitan ng hangin at hampas ng alon ng dagat ibig sabihin hindi
tinatanggap ni POLO ang kanilang inalay. At ung nawala itoibig sabihin ay magsasaya sila dahil
maganda ang mangyayari sa kanilang aton.

Samantala, karamihan sa mga taga hilaga sa Coron Island ay naiimpluwensyahan na ng


kristiyanismo dahil sa mga misyonaryong Amerikano.

Panitikan

Alpabetong Tagbanwa

Wika

Ang Tagbanua ay may sariling lenguahe (Aborlan Tagbanua, Calamian Tagbanua at Central
Tagbanua) magaling din sila sa pagsasalita ng Palawan language tulad ng Tandulanon,Silanganon,at
Baras depende kung saan sila nakatira. Samantalang marami din sa kanila ang nakakaintindi ng
Tagalog, Batak, Cuyonon at Calamian.

Ang mga Tagbanua sa Palawan ay may dalawang mahahabang tulang pasalaysay na himig
epikong kilala sa pamagat na “Dagoy” at “Sudsud”.
Isang halimbawa ng awit ng pag-ibig ng mga Tagbanwa ay ang “Lantege.” Ang sumusunod
ay ang kantang isinaling na wikang Tagalog.

“Lantege,lantege,lantege,lantege
Sisiw na tangkukol,sisiw na tangkukol
Na dumapo sa sanga,hindi ako sasagot
Bago ako sasagot kung totoo
At panghabangbuhay ang pag-ibig mo”

Ito’y simbolo lamang ng isang dalagitang babae na niligawan ng lalaki at kapag hindi
dumapo sa sanga o hindi man lamang manligaway hindi niya ito sasagutin kahit na may gusto ang
lalaki sa babae.

Paniniwala

 Kaluluwa ng Tagbanua

May paniniwalang may 6 na kaluluwa ang Tagbanua:

 1st soul “true soul”


Tinatawag na Kiyarulwa – Ibig sabihin ay buhay na bigay ni
Mangindusa simula pa lang sa pagkabuo sa sinapupunan ng isang ina
hanggang sa mag dalawang buwan ang bata mula ng isilang.
 5 secondary soul –Tinatawag na Payu

 Kung mamamatay ang isang Tagbanua,ang kanyang kaluluwa ay mananatili sa mundo sa


loob ng 7 araw. At sa 7 araw na ito ang kaluluwa niya ay paggala-gala tuwing araw at
paggabi babalik siya sa kanilang bahay para obserbahan kung ano ang ginagawa ng mga
naiwan niyang pamilya.

 Kung mamamatay ang isang Tagbanua, ang Kiyarulwa(true soul) ay maglalakbay sa apat na
posibleng distinasyon depende kung paano siya namatay.

Dahilan sa Pagkamatay

 Sakit/epidemya — Ang kaluluwa ay pupunta sa Kiyabusan at ang tawag sa kanila ay Salakap.


 Poisoning/violence — Ang kaluluwa ay pupunta sa Dibuwat Environmental/evil spirits —ang
kaluluwa ay magiging Biyaladbad at mananatili sa kapaligiran
 Natural death—Ang kaluluwa ay pupunta sa Basad o underworld at magiging Tiladmanin. Sa
kanyang paglalakbay sa sa Basad (underworld) ang kaluluwa ay ay makakasalamuha ng iba’t
ibang lugar.
o KALABAGANG – sagradong iog at makikilala niya si Talikayad
o Balugu – the vine bridge

Tagbanua Mundo Ng Spiritu

 Awan-awan-beyond heaven; lugar kung saan si Mangindusa


 Langit- ang mga makikitang kaulapan kung saan nakaupo si Tungkayanin
 Sidpan- ang Hilaga;ang lugar kung saan nakatira si Diwata Kat Sidpan
 Babatan-ang Silangan;ang lugar ung saan nakatira si Diwata Kat Libatan
 Dibuwat-ang mundo ng kalangitan ng Bulalakaw o Diwata Kat Dibuwat(flying deities);ang
lugar kung saan paggala-gala ang mga kaluluwang namatay dahil sa lason at pananakit.
 Kiayabusan- ang lugar ng mga kaluluwang namatay dahil sa epidemya o sakit.
 Basad- ang ilalim ng mundo; ang lugar ng kaluluwa namatay dahil sa natural na kamatayan.
 Material World- tumutukoy sa lugar kung saan ang kaluluwa ay namatay dahil sa mga
masasamang spiritu o environmental causes.

Diwatas

 Diwata Kat Sidpan—Diwatang naninirahan sa Sidpan (west)


 Diwata Kat Libatan— Diwatang naninirahan saBabatan (east)

Celestial Beings

 Bugawasin – Asawa ni Mangindusa


 Tungkayanin— Nakaupu sa kalangitan at nagbabantay sa mundo
 Tuamangkuyon
 Bulalakaw o Diwata Kat Dibuwat- Dios diosan na lumilipad sa mga kaulapan na
nagbabantay sa mga mga tao at handang magbigay ng tulong para sa nangagailangan.
 Talikayad- Ang tagabantay sa Balugu o vine bridge
 Angguru – Ang “taga-bantay ng ng apoy” na sumasalubong sa kaluluwa sa Basad at
binibigyan ng apoy.

Ritwal

 Lambay—3 beses sa isang taon


o 1st. January – Paghahanda para sa pagtatanim
o 2nd. May – Humihingi ng ulan para sa masaganang ani
 Pagbuyis—3 beses sa sisang taon
o 1st. Novenber
o 2nd. December
o 3rd. Kung buwan (moon) ay makikita kung may araw./(magkaaldawan)
 Runsay—1 beses sa isang taon
o Gabi pagkatapos sa pang apat na araw ng bilog na buwan sa disyembre
o Isinasagawa sa dagat sa tabi ng ilog ng bunganga ng Aborlan
 Pagdiwata—ang sentro ng pagdiwata ay ang babaylan.
o Seremonial dance para sa pasasalamat sa masaganang ani at healing para sa mga may sakit.
 Kasaysayan
 Buhay, Pagkain at Gawain ng mga “Unang Pilpino”
 Mga Kagamitan
 Kabihasnan
 Natuklas
KARREND JOIE PRESAS
Kasaysayan

Pumilì ng batóng ilog si Mahayag, kiniskís sa isá pang lapád na bató at


pinatalím ang isáng gilid, tapos itinalì sa hiniwang rattán; 15 minuto lamang,
may palakól na... William Henry Scott, tungkól sa Tasaday, 1984

GAWÎ ni Mindal, isáng Manobo ng pangkát na Blit, na mangahoy sa


timog Cotabato. Patapós na ang 1950s nang naka-kalakal niyá ang mga ‘lihim’
na taong gubat. Nag-iiwan siyá ng pagkain o gamit na naglalahò nang may
kapalít kinabukasan. Hindî nagtagál, nakilala niyá ang mga Tasaday, ang 26
‘lihim’ na taong gubat. Nakasali sa ugnayan ang anák niyá, si Dafal, na nagturò
sa mgaTasaday ng mas maiging paghanap ng pagkain sa gubat. Nuóng 1968-
1969, nabalitaan ni Dafal ang kilusáng tumatangkilik sa mga cultural
minorities sa Pilipinas, at nanawagan siyá upang matulungan ang paghihirap ng mga Tasaday.
Nakaratíng kay Manuel Elizalde Jr., ang nagtatág ng kilusang PANAMIN, at nagdalá nuóng 1971-
1972 ng mga nag-aghám na namangha sa pangkát na namumuhay pa saMakabagong Panahón ng
Bató (New Stone Age). Dahil maniwarì sa bulahaw ng mga pahayagan at mga usyoso, pinutol ni
Pangulo Ferdinand Marcos ang pagdayu-dayo, sa mungkahì ni Elizalde, at nakublí mulí ang
mga Tasaday. Hanggáng bumagsák si Marcos nuóng 1986 at nakapuslít ang
isángmamahayag (journalist) mulâ Europe at natagpuáng namumuhay pang-karaniwang taga-
barrio ang mga Tasaday. Hindî taong bató! ang siwalat niyá, inulit-ulit ng ibá pang pahayagan at
kumalat sa buóng daigdíg. Maraming nasangkót, patí na

Buhay, Pagkain at Gawain ng mga ‘Unang Pilipino’

Karaniwang ‘kanin’ ng Tasaday nuóng


unang natuklás ay ‘biking,’ ang tawag nilá
sa gabio ubi (yams). [Isáng urì ng ubi, ang taro,
at hindîpalay ang ‘kanin’ ng mga tagapulô na
tumuklás at namahay sa Hawaii simulâ nuóng
2,000 taón sa nakaraán.]

Ang ibá pang pagkain ng mga


Tasaday bago silá naturuan ay nakukuha o
nahuhuli ngkamáy (manos, hands) – isdâ (fish),
palakâ (frogs), botetè (tadpoles), talangkâ
(crabs), uod (grubs, worms), saging (bananas) at
ibá pang bungang kahoy (fruits and berries), luya
(ginger), bulaklák (flowers) at ibá pang mga
halaman sa 200 kilala nilá.
Tinuruan silá ng mga Blit, lalo na si Dafal na nakaibigan nilá, na gumamit ng patibóng (trap)
na panghuli sa usá (ciervo, deer), baboy damó (wild pigs), tsonggo (monkeys) at dagâ (rats, mice).
Tinuruan din silá ni Dafal kung paano pumutol at kumain ng ubod ng punong niyóg (palm tree pith).

Isá pang natutunang kainin ng Tasaday ay ‘natek,’ ang tawag nilá sa sagó, pinigâ mulâ sa
tinawag niláng basag, isáng urì ng punò ng niyóg (Caryota palm tree). Matapos patuyuín, inilalagà
itó parang ‘kanin.’ Itó ang pagkain sa Cotabato nang unang pasukin ng mga Español nuóng 1595,
mahigít 400 taón sa nakaraán, at kinakain pa hanggáng ngayón ng mga taga -Papua-New Guinea sa
hilaga ng Australia

Mga kagamitan

. [Maaaring paglarawan sa buhay ng mga Unang Pilipino,


palakól na bató ang gamit ng mga taga-Papua-New
Guinea at ng mga Tasaday pagputol sa punò ng sagó,
subalitkawayan at kahoy ang pandikdík nilá sa punò.

Kabihasnán: Bagong Buhay ng mga Tasaday

Ang mga Tasaday ay nawili sa bigás, tinawag niláng


‘natek’ ni ‘Momo Dakel’ (‘tiyóng malakí,’ tawag nilá
kay Manuel Elizalde ng PANAMIN na tumulong sa kanilá)
mulâ nang una niláng natikmán. Mas mainam daw ang
pakiramdám nilá pagkatapos kumain ng ‘kanin’ kaysa ng
‘biking’ o kahit na ng ‘natek’ na kung minsan ay
nagpapa-sakít ng tiyán nilá.

Kasali na ngayón ang mga Tasaday sa kabihasnán ng Cotabato, matapos siláng natuklás at
“ampunin” ng katabíng pangkát ng mga Manobo rin, ang mga Blit.
Kasalukuyang Pamumuhay ng mga TASADAY

Nakipag-asawa pa silá, natuto nang magtaním, tumirá sa mga kubo at magsuót


ng damít (clothes), bagamán at ang isáng babaing Blit na napangasawa ng isáng Tasaday ay
napilitang gumawâ at magsuót ng tapis na talahib (grass skirt) dahil naagnás na ang dalá niyáng
damit.

Natuklás: Totoo ang Buhay na Bató,

Tutuóng taong bató ang mga Tasaday... Matapos ng aking pagsurì, paniwalà ko na ang mga
nagsiwalat ng ‘dayà’ ang mismong nandayà. Walâ siláng katibayan anumán... --Lawrence Reid,
University of Hawaii
TUNAY na taong bató (Stone Age people) ang mga Tasaday, ayon sa mga sumuring nag-
aghám(scientists), kabilang si William Henry Scott ng University of the Philippines, bantóg na
manalaysay (historian) ng Pilipinas, si Robert Fox ng National Museum of the Filipino People, at si
Laurence Reid ng University of Hawaii, batikáng manaliksík tungkól sa mga unang wikà (linguistic
archaeologist). Kasama si Fox sa unang pagsurì sa mga Tasaday sa Cotabato nuóng 1970s.
Pagkatapos, sumama siná Scott at Reid at sumurì nang matagál sa mga Tasaday at ibáng mga tao sa
paligid, - si Reid 10 buwán mulâ nuóng 1993 hanggáng 1996.

Waláng alám ang mga Tasaday tungkól sa pagtataním (agriculture) at pamamahay


(settlement). Nang unang suriin nuóng 1972, ni walâ siláng tawag sa mga pagkaing inaani sa bukid
o bakuran [ang mga pagkaing inaawit sa “Bahay Kubo, Kahit Muntî”]. Walâ rin siláng tawag sa
bahay, sa anumang bahagì nitó, o sa pagtayò ng kahit na kubo. Walâ rin siláng pangalan sa mga
puók o tao sa labás ng gubat na tinaguan at kinunan nilá ng pagkain. Subalit, hayág ni Reid, hindî
silá taong bató nuóng nakaraáng libu-libong taón. Humiwaláy silá sa kabihasnán nuóng nakaraáng
5-10 anak-anakán (generations) lamang, bandáng 200 - 300 taón sa nakaraán.

Sinurì rin ni Teodoro Llamson, Richard Elkins at ibá pang dalubhasà sa wikà (linguists) ang
mga wikang Tasaday at Blit, ang kalapit-pangkát at unang tumuklás sa Tasaday nuóng 1958.
Ngayón, sa turing ng Summer Institute of Linguistics (SIL), ang palawikaáng pandaigdíg, ang 2 wikà
ay mgasibul (dialects) ng wikang Manobo.
“Napansin kong maraming katagáng Tasaday na hawig sa mga pangkát sa paligid nilá,” ulat ni Reid
sa kanyáng website, “lalo na ang mga Blit na iláng kilometro lamang ang layò, sa kabilâ ng isáng
ilog.”

Hinayag ni Llamson, matapos ng kanyáng pagsurì sa Tasaday nuóng 1971, na 800 taón nang
hiwaláy ang Tasaday sa mga Monobo ng Cotabato. Dahil pinaka-maaga, itóng pahayag ang kumalat
at paniwalà ngayón. Subalit sumalungát ang mag-asawang dalubhasà sa wikà (linguists), siná
Araceli atCesar Hidalgo, pagkaraán ng 3 araw na pagsurì sa mga Tasaday nuóng 1989. May 4,500-
5,000 taón na raw ang pagka-hiwaláy sa mga Manobo sa Cotabato, at bandáng 8,000 taón sa ibá
pang Manobosa Mindanao.

Kung tamà ang mga Hidalgo, sabi ni Reid nuóng 1993, nagkakahulugáng sa timog Pilipinas
nagsimulâ ang “Ináng Wikà” ng mga taga-pulong timog ( proto-Austronesian) na kumalat sa
kalahati ng daigdíg nuóng nakaraáng 4,000 - 3,000 taón. Sa “familia” ng Austronesian kabilang lahát
ng wikà ngayón sa buóng silangang timog Asia at mga kapuluan sa dagat silangan (Pacific Ocean),
patí sa Madagascar, katabí ng Africa, sa kabiláng gilid ng dagat kanluran (Indian Ocean). Sana
mapatunayan ang ulat ng mga Hidalgo! palaták ni Reid. [Ang Linguistic Archaeology: Tracking Down
the Tasaday Language (Saliksík sa Unang Pananalitâ: Pagbakás sa pagsiyasat at pagpatunay sa
mga Tasaday ay isinaysáy ni Reid sa kanyángwebsite, sa

Tabonnuóng unang panahón. Itó, higít sa lahát, ang dahiláng siniyasat at sinurì ng mga nag -
aghám ang mgaTasaday - upang maaninaw kung paano namuhay ang mga Unang Tao sa Pilipinas
at, dahil kahawig ang mga anyô at gawî, sa buóng silangang timog (southeast) Asia.
Sindák ang nagtabóy sa mga Tasaday nuóng una. Ayon sa kaniláng saysáy, kumalat ang isáng
masamâ, tinawag niláng “fugu,” at pinatáy lahát ng tao. Upang makaligtás, nagtagò daw ang
kaniláng mga ninunòsa kaluob-luoban ng gubat kahit na itó ay pinamahayan ng
mgakaluluwâ (fantasmas, ghosts). Paniwalà ngayón na isáng salot(epidemic) ang fugu na sumalantâ
at nagtabóy sa mga unangTasaday. [Hanggáng ngayón, takót pumasok sa gubat ang mga taga-
bundókng Cotabato dahil nanduón daw ang mga “tau maloy,” ang mga multó ngMindanao.]

Marunong magtaním at mangahoy (cazar, hunt) ang


mga Blit. Bago pa nakaharáp ng mga nag-aghám (scientists) ang
26 Tasaday nuóng 1971, naturuan na silá ng mga Blit. Bumuti ang
buhay ng mga Tasaday subalit ang pagkain nilá bago natutong
magtaním ang mas mahalagá sa mga nag-aghám, at sa pagbakás
ng kasaysayan ng Pilipinas.

Mahirap paniwalaan na nilimot ng mga Tasaday, o ng


sinumáng Pilipino, ang bigás matapos makain itó - ni waláng
pangalan ang Tasaday sa palay o kanin - kayâ malamáng nagtagò
ang mga Tasaday sa kaniláng gubat bago naipasok ang palay sa
kapuluán. Ang hirap, hindî pa alám kung kailán nangyari itóng
malakíng bahagì ng buhay Pilipino ngayón. Sa mga ulat,
maliwanag na ang mga Intsík, sa sulsól ng mga frayle, ang
nagpalawak bilang industria ng pagpa-palay sa buóng kapuluan.

Subalit karaniwan na ang bigás sa Panáy at Luzón nang


dumatíng siná Miguel Lopez de Legazpi nuóng 1565. Natantò na rin
na inukà ng mga Ifugao, Bontoc at mga katabíng pangkát ang mga
bundók saGitnaang (Central) Cordillera nuóng 3,000 - 2,000 taón sa
nakaraán upang matamnán ng kaniláng palay sa tinatawag
ngayóngrice terraces.

Mas maaga pa, nabatíd sa mga alamát at salaysáy ng mga


matandâ, ang mga taga-ilog at mga ka-pampáng (river dwellers)
patí na ang mga taga-makati (delta dwellers) at mga taga-
malati (seaside settlers) ay bumilí sa halíp na magtaním ng palay
mulâ sa mga taga-luoban at taga-bundók na nag-kaingin (swidden
farming) sa mga libís (valleys) at mga ‘bukid.’

Nuóng 2004, nagsimulang magtaním ng palay ang mga Tasaday.


 Lokasyon
 Ang T’Boli
 Kasaysayan
 Kultura
KIMBERLY ORIGENES
Lokasyon

Ang mga T’boli ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng isla ng


Mindanao particular na sa Timog Cotabato, Sultan Kudarat, at Saranggani. Ang
teritoryo nila ay naliligaran ng bulubundukin sa hilaga samantalang ang dagat
Celebes naman sa timog.

Ang T’Boli

Ang mga T'boli, na kilala rin sa tawag na Tiboli o Tagabili, ay kabilang sa mga katutubong tao ng
rehiyon ng SOCCSKSARGEN. Ang kanilang mga tradisyunal na lupain ay matatagpuan sa kabundukan ng mga
munisipalidad ng Surallah, Kiamba, Polomolok at T'boli. Kabilang sa mga lupaing ito ang kinaroroonan ng
tatlong lawang mahalaga sa mga T'boli: ang mga lawa ng Siloton, Lahit at Sebu, na matatagpuan sa
munisipalidad ng Lake Sebu.

Ayon sa dating alkalde ng munisipalidad ng T'boli na si Dad Tuan, ang salitang "T'boli" ay hango sa
"Tau-bili"; "tau" na tumutukoy sa tao, at "bili", na ang ibig sabihin ay "bunga ng ligaw na baging". Mayroon
ding nagsasabing tinawag ng mga Kristiyano na "Tagabili" ang pangkat ng mga katutubong ito sapagkat ang
mga katutubo ang tagabili ng kanilang mga kalakal. Samantala, ayon naman sa nakalagay sa website ng
munisipalidad ng T'Boli, ang pangalan ng pangkat ay hango sa "Tao belil" na ang ibig sabihin ay "taong
nakatira sa bundok".

Ayon sa tala ng Pambansang Museo noong Nobyembre 1991, may 68,282 na T'boli sa rehiyon ng
SOCCSKSARGEN.

Kasaysayan
Ayon sa mga alamat at tradisyon ng mga T'boli, ang kanilang mga ninuno ang mga tanging nakaligtas
mula sa isang malaking baha. Dalawang pares ng mag-asawa ang binigyan ng babala ng kanilang diyosang si
Dwata kung kaya nakasakay sila sa isang malaking kawayan at hindi nalunod sa baha. Sa unang pares ng
mag-asawa nagmula ang mga T'boli at iba pang mga katutubo, o Lumad, ngMindanao, at ang mga pangkat
na nagbagong loob sa Islam tulad ng mga Maguindanao. Samantala, mula naman sa ikalawang pares ang
mga pangkat na naging mga Kristiyano.

Ang mga tarsila ng mga Muslim ay nagsasabing ang mga T'boli at ibang mga Lumad ay dating
nanirahan sa mga lambak at kapatagan ng ngayo'y Rehiyon ng SOCCSKSARGEN. Nang dumating ang Islam sa
Mindanao noong ika-14 siglo, ayaw ng mga Lumad na magbagong loob sa Islam kung kaya lumipat sila sa
kabundukan kung saan mahihirapan ang mga Muslim na habulin sila. Sa galit ng mga Muslim, kanilang
sinalakay ang mga Lumad at ginawang alipin ang kanilang madadakip o masasakop. Dahil dito, nagkaroon na
ng sigalot sa pagitan ng dalawang pangkat. Bunga nito'y naging mga kontrabida ang mga Muslim sa
katutubong panitikan ng mga T'boli.
Dahil sa paglaban ng mga Muslim sa mga Espanyol na mananakop, hindi gaanong napasok ng mga
Espanyol ang Mindanao kung kaya hindi narating ng impluwensiya ng dayuhan ang mga T'boli. Panahon na
ng mga Amerikano nang unang dumating ang mga pangkat ng mga Kristiyano sa lugar.

Noong 1913, ang Lambak ng Cotabato ay binuksan ng pamahalaang Amerikano sa mga nais
maghanap ng bagong tirahan at maraming mga Kristiyano mula sa Luzon at Visayas ang dumating sa lugar.
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, noong 1948, bunga ng lumalaking sigalot sa repormang
agraryo, binuksan din ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga lambak ng Alah at Koronadal sa kung sino mang
nais pumasok at manirahan doon. Iyon ang naging daan upang pumasok ang maraming tao sa lugar. Kasama
nila ang mga may interes sa pagrarantso, pagmimina at pagtotroso, na nagsimulang pasukin ang katutubong
lupain ng mga T'boli. Dahil sa kawalan ng kaalaman sa pagpapatitulo ng lupa, unti-unting napaalis ang mga
T'boli sa mga lupaing hawak ng kanilang mga ninuno mula pa noong unang panahon.

Kultura

Agrikultura

Ang mga T'boli ay mga kainginero na nagtatanim ng bigas, kamoteng kahoy at ube. Pinuputol nila
ang malalaking puno sa kagubatan at sinusunog ang mga maliliit na puno at mga damo, pagkatapos ay
tinatamnan ang lupa ng kung ilang taon na walang ginagamit na pataba.
Nangangaso din sila at nangingisda para sa karagdagang pagkain.

Relihiyon at Paniniwala

Naniniwala ang T'boli sa maraming diyos. Pinakamalakas sa mga


diyos na ito ay si Kadaw La Sambad na diyos ng araw, at si Bulon La
Mogoaw na diyosa ng buwan, na magkasamang naninirahan sa
ikapitong langit. Ang dalawang ito ay nagkaroon ng pitong anak na lalaki
at pitong anak na babae, na nagpakasal sa isa't isa at naging mga diyos
din. Ayon sa mga T'boli, ang isang ibong tinatawag namuhen ay diyos ng
kapalaran, at ang kanta ng ibong ito ay nagdudulot ng kamalasan.
Bukod sa mga diyos na ito, naniniwala din sila na ang lahat ng bagay ay
may sariling espiritu na dapat amuin upang magkaroon ng magandang
kapalaran. Ayon sa kanila, ang mga busao, o masasamang espiritu, ay
maaaring paglaruan ang mga tao at magdulot ng karamdaman o
kamalasan.

Sining Pagtatanghal

Mayaman ang kultura ng mga T'boli, at marami silang tinutugtog na instrumentong pangmusika.
May instrumentong perkusyon sila kagaya ng tnonggong o tambol na yari sa balat ng hayop, agong,
atklintang. Kabilang sa instrumento nilang hinihipan ay ang sloli o plawta na yari sa kawayan, kubing,
at few o maliit na tambuli. Mayroon din silang instrumentong de-kuwerdas tulad ng sludoy athagalong.

Ang mga T'boli ay may maraming awitin at sayaw para sa iba't ibang okasyon. Kabilang sa mga
katutubong sayaw nila ang mga sumusunod:
Sayaw ng Panliligaw

 Kadal herayon o sayaw pangkasal


 Tao soyow o sayaw ng naglalaban
 Kadal temulong lobo o sayaw ng pagwawagi
 Kadal hegelung o sayaw ng sawi sa pag-ibig
 Kadal be hegelung o sayaw ng anihan
 Kadal iwas o sayaw ng matsing
 Kadal blelah o sayaw ng ibon
 Kadal tabaw
 Kadal slung be tonok
 Kadal tahu

Karaniwang ginagamit ang malong o tapis bilang bahagi ng mga sayaw na ito.

Wika at Panitikan
Ang epikong "Tud Bulol" ang pinakasentro ng panitikan ng mga T'boli. Kinakanta lamang ang
kabuuan nito sa mga mahahalagang okasyon, sapagkat ang pagkanta nito ay maaaring umabot ng 16 oras, at
karaniwang ginagawa kapag gabi. Marami ring mga pamahiin, paniniwala, salawikain at sawikain ang mga
T'boli, at mayroon din silang mga alamat at kuwentong-bayan tungkol sa kanilang mga diyos at bayani.

Di gaya ng ibang mga pangkat-etniko ng Pilipinas, katutubo sa wika ng mga T'boli ang paggamit ng
diptonggo at titik "f". Ito ay kakaiba dahil hindi kasama sa alpabetong Tagalog ang titik "f" kundi itinuturing
na hango sa salita ng mga mananakop na Espanyol.

Mga Salita

 Hyu Hlafus - Magandang umaga


 Tey Bong Nawa hu Kuy - Salamat

Sining at Gawaing Kamay


Kilala ang mga T'boli sa kanilang hilig sa mga palamuti at makukulay na gawaing kamay. Naniniwala
sila na nilikha ng Diyos ang mga lalaki at mga babae para gawing kaakit-akit ang kanilang mga sarili upang
sila ay maakit sa isa't isa at magkaanak.

Pansariling Kagandahan

Sa paningin ng mga T'boli, ang mapuputing ngipin ay pangit at nararapat lamang sa mga hayop, kung
kaya isinasagawa nila ang tamblang, o ang pagkikil ng ngipin upang maging pantay ang mga ito, pagkatapos
ay ang pagpapaitim ng ngipin gamit ang dagta ng balat ng punong kahoy tulad ng silob o olit. Ang iba sa
kanila ay ginaya ang gawain ng mga kabilang sa pangkat ng Muslim, na ang mga kilalang tao, tulad ng datu at
kanyang mga asawa, ay naglalagay ng ginto sa ngipin bilang pagpapahiwatig na sila ay mayaman.

Nagpapatatu din ang mga T'boli, hindi lamang bilang pagpapaganda sa sarili kundi dahil sa
paniniwalang kapag sila ay namatay, magliliwanag ang kanilang mga tatu at iilawan ang kanilang daan
patungo sa kabilang mundo. Nagpapatatu ang mga lalaking T'boli sa kanilang mga braso, balikat at dibdib ng
mga disenyong bakong (hayop), hakang (tao), blata (halamang pako) o ligo bed (sigsag). Nagpapatatu din ng
ganoong disenyo sa kanilang mga binti, braso at dibdib ang mga babaeng T'boli.

Ang isa pa sa kanilang mga paraan ng pagpapalamuti sa katawan ay ang paglikha ng pilat sa
pamamagitan ng paglapat ng nagbabagang uling sa balat. Para sa mga T'boli, ang lalaking mas maraming
pilat ay mas matapang.

Mga Palamuti

Mula sa kanilang kamusmusan, natuto na ang mga babaeng


T'boli na pagandahin ang kanilang mga sarili. Gumagamit sila ng mga
pampaganda at inaayos nila ang kanilang buhok, na pinapalamutian nila
ng mga paynetang may mga palawit na makulay na abaloryo. Para sa
kanila, mas mainam ang marami pagdating sa mga palamuti, kung kaya
hindi lamang isa sa bawat uri ng palamuti ang isinusuot nila ngunit
pinagsasabay nila ang lahat ng kaya nilang isuot.

Kabilang sa mga palamuti ng mga babaeng T'boli sa kanilang mga


sarili ay ang:

 Payneta
 Suwat blakang - gawa sa kawayan
 Suwat tembuku - may palamuting salamin
 Suwat lmimot - may palamuting abaloryo
 Suwat hanafak - gawa sa tanso

 Hikaw
 Kawat - gawa sa tanso at hinugis na parang singsing
 Bketot - salamin na hugis bilog at pinalibutan ng makulay na abaloryo
 Nomong - mahahabang hikaw na gawa sa mga abaloryo at kadenang tanso
 Bkoku - gawa sa kabibe na hugis tatsulok
 Kowol o Beklaw - kumbinasyong hikaw at kuwintas

 Kuwintas
 Hekef - maiksing kuwintas na gawa sa pula, puti, dilaw at itim na abaloryo
 Lmimot - kuwintas na may maraming panali, gawa sa pula, puti at itim na abaloryo na
magkaiba ang sukat
 Lieg - gawa sa tanso na may kasamang abaloryo at maliliit na kuliling

 Sinturon
 Hilot - gawa sa tanso, ito ay may lapad na 5 hanggang 7 sentimetro at may karagdagang 10
sentimetrong mga maliliit na kadena na nakakabit sa ilalim na gilid nito. Ang bawat maliit na
kadena ay may kuliling sa dulo. Ang isang hilot ay maaaring magkaroon ng bigat ng 2
hanggang 3 kilo.
 Hilot lmimot - kamukha ito ng ordinaryong hilot ngunit gawa ito sa makulay na abaloryo
imbes na tanso kung kaya't mas magaan ito. May mga kuliling pa rin sa dulo ng bawat
palawit na abaloryo.
 Pulseras
 Blonso - may kapal na 6 sentimetro at laki ng 8 millimetro, ito ay karaniwang isinusuot ng
maluwang at may 15 hanggang 20 sa isang braso.
 Kala - mas makapal sa blonso, isinusuot ito ng masikip at karaniwang 5 sa isang braso.

 Anklet
 Tugul - may sukat ng 5 sentimetro, itim at malapad ito at isinusuot ng masikip sa binti
 Singkil linti - may laki ng 10 sentimetro at kapal ng 6 hanggang 10 millimetro, may disenyong
heometriko at isinusuot ng maluwang
 Singkil babat - katulad ng singkil linti ngunit mas kumplikado ang disenyo, isinusuot ng
maluwang
 Singkil slugging - may kapal ng 15 millimetro, may laman na maliliit na bato na lumilikha ng
tunog kapag gumagalaw ang may suot, maluwang ang pagkakasuot
 Singsing
 Tsing - isinisuot nang tiglilima sa bawat daliri ng kamay at paa, karaniwang salitan na
singsing na gawa sa tanso at singsing na gawa sa sungay ng kalabaw. Maaaring simple ang
mga singsing na ito o magkaroon ng disenyo o dekorasyon.

Katutubong Kasuotan

Ang mga T'boli ay may iba't ibang kasuotan para sa iba't ibang okasyon. Sinusuot nila ang mga simpleng
anyo ng kanilang katutubong damit kapag ordinaryong araw, at magagarang damit kapag may natatanging
okasyon.

 Damit Pambabae

Ang kadalasang isinusuot ng mga babaeng T'boli kapag nagtatrabaho sa bukid ay ang mga
sumusunod:

 Kgal taha suong - simpleng itim o bughaw na blusa na may mahahabang manggas at walang
kuwelyo. Hapit ito sa katawan at hanggang baywang ang haba.
 Luwek - paldang hanggang bukong-bukong ang haba, hugis tubo katulad ng malong ng mga
Muslim
 Slaong kinibang - bilugang salakot na gawa sa kawayan, 50 sentimetro ang lapad. Ito ay
natatabunan ng telang kulay pula, itim o puti, na kadalasan ay may disenyong heometriko.
Mayroon din itong sapin na pulang tela sa loob, na nakalaylay sa likod at balikat ng
nagsusuot upang hindi ito tamaan ng init ng araw. Bawat isa sa mga salakot na ito ay may
orihinal na disenyong palamuti at walang dalawang magkatulad.

Pang-araw-araw na kasuotan naman nila ang mga sumusunod:

 Kgal bengkas - blusang mahaba ang manggas at bukas ang harapan. Ito ay kadalasang may
palamuting kulay pula na naka-ekis sa likod at nakapalibot sa manggas.
 Kgal nisif - blusang may mas magarang palamuti. Ito ay kadalasang may burda na disenyong
tao o hayop, o di kaya'y disenyong heometriko o sigsag na kulay pula, puti o dilaw.
 Fan de - paldang kulay pula o itim, kadalasang binibili mula sa mga taga-lambak o kapatagan.
 Ito naman ang mga isinusuot nila para sa mga natatanging okasyon:

 Kgal binsiwit - blusang may maraming burda at may palamuting kabibe, kadalasang isinusuot
tuwing may kasalan
 Tredyung - paldang itim na may makikitid na guhit, gawa sa lino. Itineterno ito sa kgal
binsiwit.
 Bangat slaong - isang uri ng slaong kinibang na isinusuot kapag may natatanging okasyon.
Mayroon itong dalawang malalapad na palawit na gawa sa dinisenyong mga abaloryo, at
may tassel sa dulo na gawa sa buhok ng kabayo.

 Damit Panlalaki

Ang mga lalaking T'boli ay kadalasang nagsusuot ng simpleng kamiseta at pantalon kapag
ordinaryong araw, tulad ng karamihan sa mga Filipino. Nagsusuot lamang sila ng katutubong damit
kapag may natatanging okasyon.

 Kgal saro - dyaket na gawa sa abaka. Ito ay may mahahabang manggas at hapit sa katawan.
 Sawal taho - pantalon na hanggang tuhod o hanggang bukong-bukong ang haba, at ang
bahaging nasa baywang ay abot hanggang balikat ng nagsusuot. Tinatalian ito ng sinturong
abaka sa baywang, pagkatapos ay hinahayaan ang bahaging nasa itaas na lumaylay na
parang palda na nakatabon sa balakang at hita.
 Olew - simpleng turban o putong sa ulo
 Slaong naf - hugis-apa ngunit malapad na sombrero na may kulay itim at puting disenyong
heometriko. Ito ay gawa sa nilala na maninipis na piraso ng kawayan, at mayroong bilog na
palamuting gawa sa tanso o salamin sa tungki. Nilalang yantok naman ang sapin nito sa loob.
 Slaong fenundo - hindi kasing lapad ng slaong naf, ito ay gawa sa materyales na kulay
dayami na itinahi ng itim na sinulid.
 Hilot - sinturon kung saan nakasabit ang kafilan o espada ng lalaking T'boli
 Angkul - malapad na sinturon na gawa sa makapal na tela, sinusuot ng datu bilang tanda ng
kanyang kapangyarihan

Gawaing Kamay

Mga Produktong Yari sa Metal

 Sudeng - mga espada

o Lanti - espada na ang hawakan ay yari sa


tanso at may disenyong heometriko; may
palawit itong maninipis na kadena na
may tnoyong o kuliling sa dulo
o Tedeng - simpleng espada na walang
palamuti
o Kafilan - espada na kahawig ng itak
o Tok - espesyal na espada na may magagarang palamuti, ginagamit sa mga ritwal.
Ang talim nito ay may haba ng 60 hanggang 70 sentimetro at may nakaukit na
disenyong heometriko. May magagarang palamuti ang hawakan nito na may
palawit na maninipis na kadenang may kuliling sa dulo. Ang lalagyan nito ay
gawa sa itim na kahoy na pinagbigkis ng tatlo o apat na piraso ng metal, at may
nakaukit na heometrikong disenyo.

 Kabaho - mga kutsilyo o patalim na may magagarang palamuti tulad ng tok. Ito ay may
maraming anyo at sukat.

 Piguring tanso - mga pigurin na mula 7.5 hanggang 10 sentimetro ang taas, gawa sa
tanso. Inilalarawan ng mga ito ang mga T'boli sa kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay. Gawa ang mga ito gamit ang cire perdue na pamamaraan

 Mga pulseras at kadenang tanso na ginagamit bilang palamuti ng mga babaeng T'boli.

 Tnoyong o kuliling, na karaniwang ikinakabit o ginagawang palawit sa iba pang mga


produkto ng gawaing kamay ng T'boli.

Paghahabi

 T'nalak o tinalak - ang pinakakilalang produkto ng


mga T'boli. Ito ang kanilang sagradong tela na gawa
sa hinabing abaka. Ayon sa mga tradisyon at alamat
ng mga T'boli, ang paghahabi ng telang ito ay itinuro
sa kanilang mga ninuno ng kanilang diyosang si Fu
Dalu at magmula noon, nalalaman ng mga babaeng
T'boli kung ano ang gagawing disenyo ng ihahabing
t'nalak sa pamamagitan ng kanilang mga panaginip.
Bunga nito, naging tanyag sa labas ng bansa ang
t'nalak, na tinawag ng ilang dayuhan na
"dreamweave" o telang habi sa panaginip, at ang mga babaeng T'boli naman ay
binansagang "dreamweavers" o mga naghahabi sa panaginip. Ang mga produktong
t'nalak ang naging pangunahing produktong pinagkakilanlan ng lalawigan ng Timog
Cotabato. Si Lang Dulay, isang manghahabing T'boli, ay ginawaran ngGawad sa
Manlilikha ng Bayan ng National Commission for Culture and the Arts bilang pagkilala sa
kanyang papel bilang katutubong alagad ng sining na nangalaga at luminang sa
pambansang pamana ng lahi.
 Lokasyon
 Tao at Kultura
 Heograpiyang Politikal
 Pamayanan
 Topograpiya
 Industriya at Produkto
 Magagandang Tanawin
JEMARK CAMAN
Lokasyon

Biliran • Hilagang Samar • Katimugang Leyte • Leyte


Samar • Silangang Samar

Ang Leyte (o Hilagang Leyte; opisyal na pangalan: Northern Leyte)


ay isang lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Silangang
Visayas. Lungsod ng Tacloban ang kapital nito at sinasakop ang 75
bahagdan ng hilagang bahagi ng pulo ng Leyte. Matatagpuan ang Leyte
sa kanluran ng Samar, sa hilaga ng Katimogang Leyte at sa timog ng
Biliran. Sa kanluran ng Leyte sa ibayo ng Dagat Camotes, naroon ang
lalawigan ng Cebu.

Tao at kultura

Nahahati sa wika ang Leyte sa dalawang pangunahing pangkat. Sa kanluran at timog ang
mga nagsasalita ng Cebuano, habang sa hilaga at silangan ang mga nagsasalita ng Waray-waray.

May mga pag-uugnay ang mga Cebuano sa Cebu, ang pinakamataong lalawigan sa Visayas;
mas may mga pag-uugnay ang mga Waray sa Leyte at Samar.
[baguhin] Ekonomiya

Umaasa ang ekonomiya ng Leyte sa agrikultura. Itinatanim ang palay sa mga mababang
patag na lugar, partikular sa may Tacloban, habang pagtatanim ng buko, para sa langis nito, ang
pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan sa mga bulubunduking lugar. Isang pangunahing
pinagkukunan ng kabuhayan ng mga residente ang pangingisda.

Heograpiyang Politikal

Nahahati ang Leyte sa 40 bayan at 3 lungsod. Isang malayang lungsod ang Lungsod ng
Ormoc sa Leyte. Pinamamahalaan ito na malaya sa lalawigan at hindi naghahalal ang mga residente
ng mga opisyal ng lalawigan, na nakasaad sa kasulatan ng lungsod.

Mga Lungsod

* Lungsod ng Ormoc
* Lungsod ng Tacloban
* Lungsod ng Baybay
Pamayanan

Rehiyon VIII: Silangang Visayas. Ang kabuuang lawak nito ay 21,987 kilometrokuwadrado.
Ang wika sa kanulran ay Cebuano samantalang Waray naman sa silangan.

Lalawigan at Kabisera
Samar – Catbalogan
Hilagang Samar – Catarman
Silangang Samar – Borongan
Leyte – Tacloban•Timog Leyte – Maasin
Biliran – NavalMamamayan

Topograpiya

 Malawak na lambak sa Samar


 Mabundok sa Leyte at BiliranSamar – pangatlo sa pinakamalaking pulo sa Pilipinas.
o Bundok Suiro – nasa timog ng Biliran na may taas na 1,300 metro
o Bundok Capotoan – nasa Samar na may taas na 850 metro
o Bundok Lobi – pinakamataas na bundok sa Silangang Visayas na nasa Samar na may
sukat na 1, 349 metro.
 Mga ilog sa Silangan at Hilagang Samar:
o Ilog Ulot
o Ilog Oras
o Ilog Catarman
o Ilog Catubig
o Ilog Palapag
 Klima
o Halos walang tagtuyo sa Hilaga at Silangang Samar at timog-silangang Leyte
o Malakas na pag-ulan mula sa Nobyembre hanggang Enero.
 Sa kanlurang bahagi ng Samar at Leyte nararanasan ang pantay napagkakabahagi ng ulan sa
halos buong taon.

Industriya at Produkto

 Pagsasaka at pagtanim ng palay, tubo, niyog, mais, abaka, tabako, gulay at kape.
 Pantalan sa Lungsod ng Tacloban
 Tulay ng San Juanico – 2 kilometrong tulay nanagdurugtong sa Samar at Leyte na nagpabilis
sapagpapalitan ng produkto.
 Paglala ng banig na yari sa tikug
 Pangingisda Mga Pook-Pangisdaan
Magagandang Tanawin

Northern Leyte
1. Palo Beach kung saan lumanding si Mac Arthur
2. White Beach
3. Tacloban Amusement Park
4. Marcos Bridge (San Juanico)
5. Mga lumang simbahan sa Palo at Tacloban

Southern Leyte
1. Limasawa Island kung saan unang ginanap ang blood
compact at unang misa sa Pilipinas
2. Canturing at Ibarra beach resorts
3. Ginsuhotan falls

Western Samar
1. Basey Cave
2. Blanca Aurora Falls sa Gandara
3. Sohotan National Park sa Basey

Eastern Samar
1. Bagacay Mines na kung saan isa ito sa mayamang
mineral na mina sa bansa
2. Homonhon Island kung saan unang dumaong si
Ferdinand Magellan

Northern Samar
1. Spanish churches sa Catubig
2. Old massive rocks at caves sa pagitan ng Palapag at Gamay
3. Historic stone towers sa Capul at Palapag
 Lokasyon
 Tao at Lahi
 Paniniwala at Kasanayan
 Pananampalataya
 Sining
 Pagtatanghal
 Musika
SUNSHINE ROSE SOLIS
Lokasyon

Matatagpuan sa Basilan ang mga Yakan. Ang Basilan ay nasa


dulong timog ng Pilipinas.

Basilan Island sumusukat sa 1339 sqkm, ang pinakamalaki sa


kapuluan. Matatagpuan sa hilagang dulo ng ang kapuluan ng Sulu. Ito ay
bounded sa hilaga ng Zamboanga City, sa timog ng kapuluan ng Sulu, sa
Jolo bilang ng mga pangunahing isla, sa silangan.

Ang isla ay isang mabundok na lupain na isang beses sakop na


may makapal na gubat. May tatlong pangunahing mga talon, na
nagbibigay ng Kumalarang Falls waterpower, Busay Falls, at Bulingan waterfalls. Gayunpaman, ang
maliit na isla na ito ay hindi pa spared ang mga ravages.

Tao at Lahi

Ang 'Yakan' ay tumutukoy sa pangkat ng karamihan


Muslim sa Basilan, ang isang isla lamang sa timog ng
Zamboanga lalawigan sa Mindanao. Mga Espanyol na
tinatawag na sa kanila ng mga Sameacas at itinuturing ang
mga ito malayo at minsan pagalit mga tao ng burol.

Ang Basilan ay pinaninirahan sa pamamagitan ng


limang grupo ng etniko, na ulunan ng Yakan, na numero sa
paligid ng 196,000 (NCCP-sanduguan 1988). Ang iba pang mga
grupo ng etniko sa pagkakasunud-sunod ng laki ng populasyon
ay ang Chavacano, Samal, Tausug, Badjao, at Bisaya (Jundam
1983 7) Basilan ay pinaninirahan sa pamamagitan ng limang
grupo ng etniko, na ulunan ng Yakan, na numero sa paligid ng
196,000 (NCCP-sanduguan 1988). Ang iba pang mga grupo ng
etniko sa pagkakasunud-sunod ng laki ng populasyon ay ang
Chavacano, Samal, Tausug, Badjao, at Bisaya (Jundam 1983 7).

Yakan ay may Malay na tampok. Ang mga ito ay maliit ng pangangatawan, may
kayumangging balat, nakahilis mata at itim na buhok - mga katangian na katulad sa Dyak ng North
Borneo. Dahil dito, humahantong sa haka-haka na nagmula sila mula sa lahi ng Dyak.

Wika

Nagsasalita sila ng isang wika na kilala bilang Bahasa Yakan, na kung saan ay isang
pagkakaiba-iba ng Samal Sinama o Siama at ang mga Tausug wika (Jundam 1983 7-8). Nakasulat sa
Malayan Arabic script, na may mga adaptations sa tunog hindi sa Arabic (Sherfan 1976)
Paniniwala at Kasanayan

 Folk Islam '- isang kumbinasyon ng Islamic prinsipyo at mga tradisyonal na paniniwala - ang
pinakamahusay na naglalarawan sa Yakan sistema ng paniniwala. Ang paniniwala sa saytan,
ang iba't ibang mga espiritu sa langit at sa natural na kapaligiran, na ang matagal ng
impluwensiya ng

 Bilang Muslim, ang Yakan naniniwala sa limang haligi ng Islam ang sahada, na sinasabi na
walang iba pang Diyos ngunit Ala at na si Muhammad ang kanyang propetaang salat o
panalangin; puasse o pag-aayuno sa panahon ng buwan ng Ramadan; pitla o kawanggawa
sa mahihirap; zacat o tithes sa Muslim pinuno ng relihiyon, at ang maghadji o peregrinasyon
sa banal na lungsod ng Mecca.

 Para sa mga Muslim Yakan, ang mundo ay nahahati sa dalawang Dar-ul-Islam, ang tahanan
ng Islam, at Dar-ul-Harb, ang tinitirahan ng mga hindi naniniwala. Jihad ay ang banal na
digmaan waged sa pamamagitan ng Muslim upang protektahan ang Dar-ul-Islam mula sa
banyagang panghihimasok at laban sa mga taong naghahangad upang makapinsala sa
kanilang relihiyon, mga tao, at mga katangian ng. Magsabil (jurementado sa Espanyol) ay
isang maliit na-scale Jihad naglalayong pagprotekta personal.

 Ang pagpatay sinuman ay kanyang paraan, paglalantad ang kanyang sarili sa kamatayan sa
pamamagitan ng paghigantihan ang magsabil. Paniniwala ay na sinumang kills higit pa sa
panahon ng magsabil ay magkaroon ng higit pang mga tagapaglingkod sa langit. Ngunit
maliban kung ang gawa ay makatarungan at ang tao ay isang matatag na mananampalata ya
ng Islam, magsabil hindi pumunta
sa langit. Ang bawat
mananampalataya ay may malakas
na pananampalataya sa Ala, sa
kanyang Messenger, at ang mga
anghel, at sa araw ng paghatol at
tadhana.

 Ang Langit para sa mga Yakan ay


isang lugar kung saan ang kaluluwa
sa mahanap ang kaligayahan,
kagalakan, at kapayapaan. Langit ay
may walong klase at ang walong ng
dimensyon ng Diyos, na hindi
maaaring maabot maliban kung ang isang gawa mahirap para sa ito sa lupa. Kapag ang isang
namatay, ang kaluluwa ay napupunta sa ahirat (lugar ng paghatol) kung saan ito
Naghihintay ang hatol ng hurado - pumunta sa langit o sa impiyerno (Sherfan 1976 142).
Magandang gawa sa lupa ay gagantimpalaan sa araw ng paghuhukom.
 Bawat kasalanan na nagawa sa lupa ay may sarili nitong naaayon sa narka o impiyerno. Ito
ay kung saan ang mga adulterers, mamamatay-tao, at prostitutes pumunta, maliban kung
ito ay nai-save sa pamamagitan ng paniniwala sa Quran at sa Muhammad. Kahit na mga
pinuno ng relihiyon ay hindi exempt mula sa kaparusahan sa impiyerno kung sila ay
nagkasala sa lupa.

Pananampalataya

Quran ay ang banal na paghahayag ng Ala-address sa lahat ng mga tao anuman ang
paniniwala o lahi. Islamic doktrina ay natutunan sa pamamagitan ng paaralan ng madrasa o lamang
sa pamamagitan ng pakikinig sa khutba o sermon panahon Biyernes panalangin. Lalake mga
mananampalataya ay kinakailangan na dumalo sa Biyernes panalangin habang ang mga kababaihan
ay hindi maaaring bilang relihiyon sa kanilang pagdalo.

Kababaihan na dumalo sa panalangin ay pinaghihiwalay mula sa lalaki at, maliban para sa


kanilang mga mukha, ay ganap na sakop. Lamang ng ilang Yakan, gayunpaman, obserbahan ang
limang-beses-isang-araw na pang-araw-araw na panalangin.

Sining

Yakan may disenyo o motifs na paulit-ulit na ginagamit sa lahat ng kanilang mga visual na
sining at crafts. Ang pussuk labbung ay isang disenyo ng ngipin ng lagari na ginagamit para sa mga
basket ng tela at ang katutubong tabak na tinatawag na Kris. Ang Bunga sama, na ginagamit para sa
mga runners ng talahanayan, monumento para sa
patay at sa mga putot, simetriko disenyo na ginawa
ng mga parihabang hugis-figure. Ang kabban buddi
ay isang hanay ng mga triangles, parisukat, at iba
pang mga geometriko hugis na ginagamit para sa
mga cushions, unan. Ang Bunga sama, na ginagamit
para sa mga runners ng talahanayan, monumento
para sa patay at sa mga putot, simetriko disenyo na
ginawa ng mga parihabang hugis-figure. Ang
kabban buddi ay isang hanay ng mga triangles,
parisukat, at iba pang mga geometriko hugis na
ginagamit para sa mga cushions, unan.

Mga armas tulad ng mga kutsilyo at mga espada bahagi ng visual na sining ang Yakan. Ang
punnyal ay isang maliit na kutsilyo, na maaaring nakatago sa loob ng damit. Barong ay isinasagawa
sa pagmamataas dahil ito ay isang simbolo ng lakas at katanggap-tanggap na rin bilang bride
kayamanan. Ang taming ang tradisyonal kalasag na ginagamit kasama ng mga dalawang uri ng mga
spears, ang budjak at ang sankil, na ngayon ay ginagamit lamang sa mga dances ng digmaan. Ang
bangkung ay isa pang uri ng itak na bihira ginagamit sa kasalukuyan. Ang pira ay isang tradisyonal
na armas na ginagamit ng maliit na mga lalaki kapag pagpunta sa isang mahabang paglalakbay. Ang
barong at Kris, kahit sikat na, ay hindi gaanong mahalagang o admired kabilang sa mga Yakan.
Yakan visual arts ang mga Yakan mga kagamitan sa kusina at sambahayan ipinapatupad. Metal
tinda kasama ang talam, maganda pinalamutian tanso tray, at ang sanduk o sandok na ginagamit
para sa mga espesyal na okasyon. Yakan paggawa ng mga basket ay parehong makulay at
functional. Tutop ang takip ng pagkain na gawa sa kawayan dahon. Ay isang luwad jar ang peliyuk
na may takip na ginagamit para sa pagluluto. Baling ay isang pandekorasyon garapon clay treasured
bilang gamit na pinagnunuan. Ang kombo ay ng lidded lagayan para sa imbakan ng bigas. Lakal ay
isang kawayan frame na ginamit upang i-hold ang cooking gadget na kapag inilagay sa lupa. Ang
tempipih ay isang malaking basket na dinala sa likod. Isang alimusod basket tinatawag saan ay
ginagamit bilang isang likido salaan. Basket ay ginagamit din upang sukatin at timbangin. Gantang
ay mas malaki kaysa sa ganta ng pamahalaan. Ang batil sumusukat siyam gantang. Laga 10 gantang.
Ilug ay 30 gantang. Ay katumbas sa 100 gantang ang lukung. Isang halimbawa ng Yakan palayok ang
poga, covered garapon ng luwad na ginagamit bilang lalagyan ng tubig (Sherfan 1976 201-204).
Yakan kababaihan ay mahusay mga weavers, at sikat para sa kanilang magandang habi tradisyonal
na costume.

Upang isara ang shirt, ang isang mahabang string crisscrossed mula sa isang pindutan sa isa
sa gayon na kapag mahigpit iginuhit, shirt isinasara mula sa itaas hanggang sa ibaba. Karaniwan
shirt nananatiling bukas dahil ang string ay madalas na
nawala. Ang pangunahing damit para sa mga kalalakihan at
kababaihan ay binubuo ng akab itaas na damit na may akab
pantalon tinatawag na sawal. Shirt ay bukas sa harap mula
sa sulapa pababa sa baywang, gamit ng hanggang sa 40
sequined o golden pindutan.

Ang pagkakaiba sa lalaki at babae na damit ay


namamalagi sa mga accessory. Men magsuot ng kamay habi
pis (ulo tela) at 15m-mahaba kandit (sinturon o sintas) na
ginawa ng pulang tela na tinatawag na gilim.Naghahain ng
'proteksyon' mula sa mga spears at kutsilyo sa panahon
pagpapamuok, at maaaring fastened sa paligid ng pantalon.

Ang mga babae ay magsuot ng maikling palda sa


ibabaw ng pantalon, sa paligid ng kung saan ang isang
parihabang, kamay habi tela ay nakatali. Tela Ito ay ang
pinaka-mahal na bahagi ng kanilang mga kasuutan dahil ito
ay habi sa isang nakakapagod na paraan. Ang Kalalakihan at
kababaihan magsuot ang saruk, ang Yakan sumbrero na pagod upang gumawa ng hitsura ng isa
mas kaakit-akit at eleganteng. Ang ilang mga magsuot ang sumbrero sa ibabaw ng turban at
gamitin ito bilang isang pitaka para sa hitso mani, tabako, at pera.
Ang Burloloy tulad ng necklaces ay maaaring pagod bilang charms. Isang ngipin ng buwaya
na pinakintab na may butas sa ibaba ay pinaniniwalaan upang magdala ng good luck kapag pagod
bilang isang necklace.

Ang Yakan ay magsuot din ng mga amulets laban bullet. Ito naglalaman ng hindi nababasa
na mga simbolo, nakabalot sa itim na tela, sewn sa hugis -tryanggulo anyo, at nakatali sa paligid ng
leeg. Sinturon na ginawa ng mga buto ng ahas ay may langkin sama-sama upang maprotektahan
ang mga ito laban sa katawan sakit. Isa kagandahan na pinoprotektahan ang mga ito mula sa
sicknesses dahil sa masamang espiritu ay ang manik tegiyas - beaded nang magkasama ang isang
kuwintas o pulseras na ginawa ng prutas ng isang bulaklak. Ang manik sembulan ay ginawa ng isang
kawayan stem cut sa maikling piraso, may langkin sama-sama bilang isang kuwintas o pulseras,
Upang makakuha ng higit pang lakas laban sa mga masamang espiritu, mga kalalakihan at
kababaihan magsuot ang anting-anting. Ito ay naglalaman ng isang string na may isang piraso ng
tela na naglalaman ng mga kuwintas bilang palawit. Yakan din magsuot ng mga functional na
gadget. Ang pegupaan ay isang kawayan na lalagyan para sa lahat ng mga paraphernalia para sa
nginunguyang bunga. Ang lutuan, isang maliit na tanso na kahon na may ukit na dinala sa baywang,
ay may katulad na function

Isang natatanging paraan ng visual arts ang facial make-up ginawa sa mga bride at grooms.
Matapos ang paglikha ng isang pundasyon ng puting powder, ang make-up artist magpatuloy upang
ipinta ang mga tuldok at linya sa iba't-ibang mga pattern sa mukha, na lumilikha ng epekto ng
pormal at detalyadong mga mask na tumugma ang mga gayak na gayak na costume ng celebrants.

Pagtatanghal

Yakan ang isang rich musikal tradisyon, na maaaring malawak na hinati sa nakatulong at
vocal. Yakan mga instrumentong pangmusika ay gawa sa kawayan, kahoy, at metal. Nagpapakita ng
kanilang mga instrumentong musikal ay ang impluwensiya ng tradisyonal na ikot ng produksyon ng
bigas sa kanilang buhay. Ilang mga instrumento ay ginagamit sa bawat yugto ng produksyon ng
bigas. Ang daluppak paghuhukay stick na may kawayan clapper. Ang kopak-kopak ng kawayan
clapper sa isang stick.

The kulintangan (kwintangan) kayu is


percussion instrument consisting of wooden
beams laid after the planting season, to enhance
plant growth. Ang gawa sa kahoy na tuntungan ay
isang makapal na tabla ng pagtambulin sa jar
resonators, din play sa panahon ng panahon ng
pag-aani para sa pagpapasalamat. Gabbang ay
isang kawayan split sa limang, at isagawa tulad ng
isang saylopon. Maliliit na bata malapit sa field
naglaro ito upang bantayan ang mga pananim
laban sa prying ng mga hayop. Ang kwintangan
batakan ay isang mas maagang form ng gabbang na may anim, pitong, o siyam kawayan piraso.

Suling ay kawayan plauta bibig na ginagamit ng mga lalaki sa courting ng mga kababaihan.
Isa pang kawayan instrumento na ginagamit ng mga lalaki sa pagpapahayag ng pag-ibig o paghanga
ay ang kulaing. . Ang kulintangan o kwintangan binubuo ng ilang tanso gongs na isagawa ayon sa
laki, at na ginamit sa panahon ng mga pagdiriwang tulad ng kasalan at graduations. Indibidwal
anumang naglaro ito sa tahanan at pagkatapos ng trabaho, para sa self-expression at relaxation.
Agong ay isang pagtambulin instrumento na ginagamit sa anunsyo ng kasal o para sa tolling ang
patay. Ang jabujabu (djabu-djabu) ay isang uri ng drum na patawag ang mga tao sa panalangin
(Nicolas 1977 100-108; Sherfan 1976 195-199).

Musika

May tatlong mga pangunahing uri ng Yakan vocal musika lugu at iba pang mga melodies na
ginagamit sa pagbabasa ang Quran at iba pang mga relihiyon aklat; kalangan o kanta kung saan
maaaring karagdagang reclassified sa Jamiluddin at Lunsey. Ang kalangan, jamiluddin, lunsey, at
lembukayu courting ng mga kanta. Ang katakata, jamiluddin, at nahana maaari ring iestorya ang
kasaysayan ng Yakan tao. Ang katakata ay isang mahabang tradisyonal na kanta narrating sa buhay,
nagmamahal, at makasaysayang. nd ang katakata, nahana, Yaya, lembukayu, at SA-il, bukod sa iba
pa. Ang kalangan, jamiluddin, katakata, nahana, at Yaya ay Sung solo, habang ang lunsey, SA-il,
meglubulebu seputangen, at lembukayu ay nagsasangkot ng mga mang-aawit mula sa dalawang
grupo awit solo bilang

Pagkanta, sa mga episode, maaaring tumagal para sa ilang gabi. Mang -aawit ay namamalagi
sa isang mat, pabalik na suportado ng ilang mga unan. Sa madla, alinman umupo o nagsisinungaling
sa paligid ng mang-aawit. Ang Sa-il at lunsey Sung sa panahon ng seremonya ng kasal, may
mensahe umiinog sa paligid ng magandang payo tungkol sa kasal buhay. Ang isa pang uri ng SA-il
Sung sa panahon ng magtammat o Quranic pagtatapos. Jamiluddin Ang kaugnayan ng mga
kuwento ng pag-ibig. Sa kasalukuyan, din ito ay Sung kapag ang mga pamilya talakayin
engagements kasal. Parehong katakata at jamiluddin ay Sung sa pamamagitan ng mga mahuhusay
na mga kalalakihan at kababaihan ng tribo.

Sa social pagtitipon, ang maglebu-lebu seputangan Sung, sa pamamagitan ng isang grupo ng


mga tao ng pagsagot ng isang grupo ng mga kababaihan. Pangkat na bawat isa ay may isang
soloista na SINGS kalangan, ipinahayag sa metaphors. Ang Yaya ay isang oyayi. Ang magsambag ay
isang paraan ng pag-aaral ng Quran sa kung saan ang isang mulid o mag-aaral ay sumusunod sa
Quranic pagkanta ng guro. Ang mga mag-aaral at guro ay hindi pinapayagang kumanta nang
magkasama.

Pagkatapos doon ang mga kanta, kung saan ang Yakan ang kumanta sa panahon ng pang -
araw-araw na gawain. Sa pagpapanatili ng panonood sa mga patlang ng bigas, kumanta sila ng ilang
mga paraan ng jamiluddin at kalangan. Habang resting sa bahay, sila din nakakalibang kumanta sa
katakata, jamiluddin, at nahana. Isa sikat na Yakan sayaw na pinagtibay mula sa Tausogs pangala y
ay tinatawag na mangalay. Ang sayaw ay sinamahan ng kunlintangan kayu at-play sa pamamagitan
ng tatlong tao

Sa Yakan 'bubuyog' marunong tumulad sayaw na karaniwang gumanap ng isang lalaki na


mananayaw, ang naghahanap ng matagumpay na hinahanap honey ang aid ng isang tanglaw. Siya
overeats, at ang resulta ay isang stomachache,. Sa mga kasalan, ang tumahik o digmaan sayaw ay
maisagawa sa pamamagitan ng groom pati na rin ang mga lalaki na kamag -anak ng parehong
groom at ang bride. Bihis sa Yakan pananamit, mananayaw gumagamit ng sibat at isang kalasag
upang labanan ang isang haka-haka kaaway sa musika ng.
 Ang Zamboanga
 Kasaysayan
 Kapistahan
 Magagandang Tanawin
BRIEZEL KRIS BUGTAY
Ang Zamboanga

Ang Zamboanga na tinaguriang “Zambangan”, na lalong kilala sa


tawag na “Lupain ng mga Bulaklak” ay matatagpuan sa katimugan bahagi
ng Zamboanga Peninsula.

Zamboanga City

Ang lupain may sukat na humigit kumulang sa 1,414.7


kilometrong parisukat at noong 1990 ay may populasyong 2,221,382
katao at itinanghal na primera klaseng lungsod. Ang Lungsod ng
Zamboanga ay may kabuuan ng 98 barangay at 28 isla. Ang lungsod ng
Zamboanga ay naging "highly-urbanized" ayon sa Local Government Code noong 1983, hiwalay sa
lalawigan ng Zamboanga del Sur. Nagkaroon ng isang distrito kongresyonal noong 1984 hanggang
2007, nang hinati sa dalawa ang Zamboanga sa pagkakaroon ng dalawang kumakatawan sa
kongreso. Bawat distrito ay mayroong representative at walong konseho.

Zamboanga del Norte

Ang Zamboanga del Norte ay may dalawang siyudad, dalawampu’t apat na munisipalidad sa
hinati sa limang daan at walumpu’t pitong barangay. Dipolog ang kabisera ng probinsiya. Ito ay may
kabuuang sukat nag humigit kumulang sa 607,519 ektarya o 6,075.19 kilometrong parisukat.
(Almanc 430). Nagsimula ang tag-ulan sa lugar sa ito sa buwan ng Mayo hangang Disyembre. May
katamtamang temperatura na 27.7celcius at ang walumpu’t tatlong bahagdan nito ay
mahalumigmig. Ang Zamboanga del Norte ay mayaman sa mga yamang mineral na kadalasang
non-metalic. Ito ay ang mga durog na bato, asbestos, buhangin, graba at iba pa. Apatnapung
porsiyento ng kabuaang lupain ng Zamboanga ay pasyalan, tatlumpu’t walong porsyento at
taniman ng iba’ibang pananim at ginagamit a pastulan. Ang Zamboanga ay isang lungsod sa
Rehiyon ng Tangway ng Zamboanga ng Pilipinas. Matatagpuan ang lungsod sa Kipot ng Basilan.
Makikita ang mga bundok ngPulo ng Basilan mula sa lungsod. Nagsasalita ang mga tao sa
Zamboanga ng kakaibang diyalekto: Chavacano, ang magkahalong wikang Kastila at lokal na
mga diyalekto.

Kasaysayan

Ang pangalang Zamboanga ay hango sa wikang Subanen na "sabuan," at sa wikang Malay na


"jambangan" (daungan ng mga bulaklak). Ang Fort Pilar, na ngayo'y isang dambana ng Nuestra
Senora del Pilar, ay itinatag noong 1635 ng pamahalaang kolonyal ng Kastila. Sa panahong
Amerikano at bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging sentro Zamboanga ng kalakalan,
edukasyon, at pamahalaan ng buong Kamindanawan. Noong Oktubre 12, 1936 ay naging ganap na
chartered city sa pamamagitan ng Commonwealth Act No. 39 na inilagda ni Pang. Manuel L.
Quezon. Sa kasalukuyan ay binansagang Lungsod Latino ng Asya sa halip ng pagiging Lungsod ng
mga Bulaklak.
Sayaw

Ang Rehiyon IX ay may mga natatanging sayaw tulad ng Sua-Sua, isang sayaw sa pag-iisang
dibdib.

Ang Singkil sa sayaw ng isang Prinsesa na pinapayungan habang madamdaming


humahakbang sa apat na kawayan. Halos katulad ito ng tinikling.

Ang Koparang kamanis naman ay sayaw panghukuman.

Mga Kapistahan

 Zamboanga Hermosa
 Dia de Zamboanga

Magagandang Tanawin

Zamboanga International Airport Jose Rizal Park in Zamboanga

Zamboanga Cathedral Church Zamboanga city Hall


Iba pang tanawin

 La Vista del Mar Beach Resort  Plaza Pershing


 Taluksangay Village  Fort Pilar
 Mga dagat ng Calarian (kabilang ang  Katedral Metropolitan ng Imakulada
La Vista del Mar at Zamboanga City Konsepsyon
Golf Complex) at Boalan  Yakan Weaving Village
 Ang Pasonanca Park  Pasio Del Mar
 Ang Abong-abong kung saan
matatagpuan ang Bundok Pulumbato
Editor

WALTER WILLY BATOSALEM

Contributors

EVAGINE ADOLFO JEFREY MAYOLA


KRISTINE JIN ARTUCILLA AIZA MURING
WALTER WILLY BATOSALEM EMME OBERIO
BRIEZEL KRIS BUGTAY RHEA MAE OLVIDO
JEMARK CAMAN KIMBERLY ORIGENES
MARY JOY CANDELARIO CARLA MAE PACLIBAR
JAZEL CULTIVAR JOMARY PACLIBAR
CATHERINE DIVINAGRACIA KRISTINE PARILLA
JAY ESTRERA KARREND JOIE PRESAS
MAYLYN GALO SUNSHINE ROSE SOLIS
JOLYN GEMBERVA JONATHAN TACTACON
DARNETTE MAZO IVY VIÑALON

Guro

G. VICENTE PINES

March 29, 2013

You might also like