Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang


sa mga pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na
ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya
si Simoun na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala
niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay
tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na
makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil
gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral.
Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng
Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng
Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagka't napag-alamang ang
mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang
makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.
Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang
umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang
magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod
ang ganitong gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.
Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa
kabiguang natamo, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa
mga talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle.
Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay
natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga
pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga
kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio,
bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.
Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang
mapawalang-sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa
isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya
nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni
Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa
negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang
maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang
Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may
matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.
Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun.
Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun
ang ganitong pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang
lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya
niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang
ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay
magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay
manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang
kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at
pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa
isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat
upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.
Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng
araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay ng pinagdarausan ng handaan. Di-
kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di malulutawan ng pagsabog.
Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana nguni't namalas niyang dumatng si Isagani, ang
naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas nguni't di siya pinansin
kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subali't hindi rin
napatinag ang binatang ito.
"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na
loob, ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa."
Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay
nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya
sa bahay ni Pari Florentino, sa baybayin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot
ng mga alagad ng batas ang mag-aalahas, uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang
buhay. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya sa dito ang
malungkot na kasaysayan ng kanyang buhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa
Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at
pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan at makipaghiganti sa
pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun.
Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang
naging kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga bukto't na Gawain ay itinapon ni Pari Florentino
sa karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.
TALAAN NG MGA PAKSA
 BUOD NG EL FILIBUSTERISMO
 TALAMBUHAY NI RIZAL
 MGA TAUHAN
 MGA LARAWAN
 KABANATA 1-2
 KABANATA 3-4
 KABANATA 5-6
 KABANATA 7-9
 KABANATA 10-11
 KABANATA 12-13
 KABANATA 14-16
 KABANATA 17-20
 KABANATA 21-24
 KABANATA 25-28
 KABANATA 29-32
 KABANATA 33-36
 KABANATA 37-39
TALAMBUHAY NI RIZAL

Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal.
Labing-isa silang magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco
Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Nakita
niya ang unang liwanag noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna.
Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si Francisco Mercado
ay anak ng isang negosyanteng Instik na nagngangalang Domingo Lam-co at ang kanyang ina ay
isa ring mestisang Intsik na ang pangalan ay Ines dela Rosa.
Intsik na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kaya’t kung minsan ay nakararanas si
Domingo Lam-co ng diskriminasyon kaya upang makaiwas sa ganoong pangyayari at
makasunod sa ipinag-uutos ni Gobernador Claveria kaugnay ng pagpapalit ng mga pangalang
Pilipino noong 1849, ang Lam-co ay pinalitan ng apelyidong Kastila at pinili nila ang Mercado
na nababagay sa kanya bilang negosyante, sapagkat ang ibig sabihin ng Mercado ay palengke.
Ang pamilyang Lam-co ay kilalang mangangalakal noon sa bayan ng Binan, Laguna.
Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang kanyang ama ay
isang magsasaka. Isa siya sa mga kasama sa Hacienda Dominicana sa Calamba, Laguna.
Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bias ng Kautusan
Tagapagpaganap na pinalabas ni Gob. Claveria noong 1849 at ito’y hinango sa salitang Kastila
na luntiang bukid.
Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay masikap, matiyaga at
talagang nagbabanat ng buto.
Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay tinuruan ng abakada ng
kanyang ina at napansin niyang nagtataglay ng di-karaniwang talino at kaalaman ang anak, kahit
kulang sa mga aklat ay nagawa ng ginang na ito ang paglalagay ng unang bato na tuntungan ni
Rizal sa pagtuklas niya ng iba’t ibang karunungan.
Nang siya’y siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Binan at nag-aral sa ilalim ng
pamamahala ni Padre Justiniano Aquino Cruz, ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay pinayuhan
na ito na lumipat sa Maynila dahil lahat ng nalalaman ng guro ay naituro na niya kay Rizal.
Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de Manila. Siya ay
nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip at nakuha ang lahat ng pangunahing medalya at
notang sobresaliente sa lahat ng asignatura. Sa paaralang ito natamo niya ang katibayang
Bachiller en Artes at notang sobresaliente, kalakip ang pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral siya ng Filosofia y
Letras at Agham sa pagsasaka naman sa Ateneo Municipal de Manila. Kumuha rin siya ng
panggagamot sa naturang pamantasan. Di pa nasiyahan, nagtungo siya sa Europa noong ika-5 ng
Mayo, 1882 upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid, Espana at tinapos ang
kursong ito noong 1884 at 1885.
Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya ang Pranses
pagkat sa Pilipinas pa lamang ay pinag-aralan na niya ang wikang ito. Bukod sa mga wikang ito,
nag-aral din siya ng Aleman at Italyano dahil naghahanda siya sa paglalakbay sa iba’t ibang
bansa sa Europa. Alam niyang mahalaga ang mga wikang ito sa pag-aaral ng mga kaugalian ng
mga tao roon at ng pagkakaiba nila sa mga Pilipino sa bagay na ito. At upang mapag-aralan ang
kasaysayan ng mga baying nabanggit na mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang
makatutulong sa kanyang mga kababayan. Bunga nito, si Rizal ay maituturing na dalubwika.
Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng Noli Me
Tangere sa Madrid noong magtatapos ang 1884, sa Paris naman ang ikaapat na bahagi at isa
pang bahagi ay sa Alemanya. Ipinalimbag ito sa Berlin, at noon lamang Marso, 1887 ay lumabas
ang 2000 sipi. Si Dr. Maximo Viola na taga-San Miguel, Bulacan ang nagbayad ng
pagpapalimbag sa halagang 300 piso.
Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na ipinalimbag sa
Gante, Belhika noong 1891.
Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, 1892. Ang
kapisanang ito ay lihim na itinatag at layuning magkaroon ng pagbabago sa palakad ng
pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan at di sa paghihimagsik.
Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong Pebrero 3,
1888, siya ay muling umalis sapagkat umiilag siya sa galit ng mga Kastila dahil sa
pagkakalathala ng Noli Me Tangere. Bumalik siya sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo, 1892.
Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal ay
ipinatapon sa Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang kanluran ng Mindanao, dahil sa bintang
na may kinalaman siya sa paghihimagsikan nang mga araw na iyon. Sa Dapitan, nagtayo si Rizal
ng isang maliit na paaralan na may labing-apat na batang taga-roon na kanyang tinuturuan.
Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa pangambang madamay
sa kilusang ukol sa paghihimagsik kaya hiniling niya na makapaglingkod siya sa mga pagamutan
sa Cuba. Binigyan niya ng isang liham si Kapitan-Heneral Blanco na nagpapatunay na kailanman
ay di siya nakikilahok sa mga himagsikan sa Pilipinas. Ngunit noong bago magtapos ang taong
1896, siya’y hinuli ng mga kinauukulan at ibinalik sa Pilipinas.
Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa hukumang
militar at litisin, siya ay nahatulang barilin sa Bagumbayan.
Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios
(Huling Paalam) isang tulang kakikitaan ng magigiting na kaisipan at damdamin.
At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag
na Luneta.
MGA IBINUNGA NG MGA PASKIN
Minabuti ng mga magulang na pagsakahin na lamang ang kanilang mga
anak kaysa pag-aralin, kung pag-aaralin nga ay sa bibitayan naman hahantong
lahat ng mag-aaral ay bumagsak maliban kay Macaraig, Isagani at Sandoval. Si
Macaraig ay nagtungo na sa Europa tanging si Basilio ang naiwan sa pilitan.

ANG PALABAS

Hindi nagsimula sa takdang oras ang palabas sapagkat wala pa ang Kapitan
Henral. Habang hinihintay ang kanyang kamahalaan may nagaganap ding iba’t
ibang palabas ng mga manonood dahil sa pagkainip. At kahit noong itinatanghal na
ang opera nay kanya-kanya ring “dula” ang mga kilala nating tauhan. Hindi
pamantapos ang palabas nilisa na ng pangkat ni Macaraig ang dulaan.
MGA TAUHAN

SIMOUN
- Mayamang mag-aalahas
BASILIO
- Ang Mag-aaral ng Medisina at kasintahan ni Huli.
GINOONG PASTA
- Ang tagapayo ng mga prayle sa suliraning
legal.

DONYA VICTORINA
- Ang mapagpanggap na isang Europea ngunnit
isa naming Pilipina; tiyahin ni Paulita at Asawa ni Don Tiburcio.

ISAGANI
- Ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni
Padre Florentino

KABESANG TALES
- Ang naghahangad ng Karapatan sa
pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.

TANDANG SELO
- Ang ama ni Kabesang Tales na nabaril ng
kanyang sariling apo.
BEN ZAYB
- Ang namamahayag sa pahayagan.
PADRE CAMORRA
- Ang mukhang artilyerong pari.
PADRE FERNANDEZ
- Ang Paring Dominikong may malayang
paninindigan.

PADRE SALVI
- Ang Paring Franciscanong dating kura ng bayan
ng San Diego.

PADRE FLORENTINO
- Ang amain ni Isagani
DON CUSTODIO
- Ang kilala sa tawag na Buena Tinta
PADRE IRENE
- Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang kastila.

JUANITO PELAEZ
- Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga
propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila.
MACARAIG
- Ang mayamang mag-aaral na masigasig na
nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit
biglang nawala sa oras ng kagipitan

SANDOVAL
- Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa
ipinaglalaban ng mga mag-aaral.

PAULITA GOMEZ
- Ang kasintahan ni Isagani ngunit
nagpakasal kay Juanito Pelaez.

QUIROGA
- Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng
konsulado sa Pilipinas

HULI
- Ang anak ni Kabesang Tales at Katipan ni Basilio
HERMAN BALI
- Ang naghimok kay Huli upang humingi ng
tulong kay Padre Camorra.

GINOONG LEEDS
- Ang Misteryosong Amerikanong
nagtatanghal sa perya.

IMUTHIS
- Ang mahiwang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
PEPAY
- Ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan
daw ni Don Custodio.

CAMARONCOCIDO
- Ang Isang Espanyol na ikinahihiya ng
kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.

TIYO KIKO
- Ang matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
GERTRUDE
- Ang mang-aawit sa palabas.
PACIANO GOMEZ
- Ang kapatid ni Paulita.
DON TIBURCIO
- Ang asawa ni Donya Victorina
EL
FILIBUSTERI
SMO
RUTH MYBHELYN O. SY
10- DEL PILAR

ANG MGA
LARAWAN
SA
EL
FILIBUSTERI
SMO
MGA
KABANATA
SA
EL
FILIBUSTERI
SMO

You might also like