Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Aplikasyon

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng tao na pinapabatid sa pamamagitan ng


pagsasalita sa entablado sa harap ng madla. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng paniniwala. Ang
talumpati ay isang halimbawa ng karaniwang anyo ng sulatin.

Ang talumpating ito ay tungkol sa kahirapan bilang isa sa mga malalaking problemang
kinakaharap ng bansa. Inilahad na ang kahirapan ay nagiging sanhi ng mga krimen at mga
hindi kanais-nais na mga gawain. Ibinanggit rin ang mga dahilan ng kahirapan. Kabilang sa
mga ito ay ang korupsyon sa gobyerno, kawalan ng trabaho habang tumataas ang mga bilihin,
at ang katamaran.

Isa sa mga katangiang naiaangkop sa akademikong sulatin na ito ay pormal. Maituturing itong
pormal dahil pormal na salita ang ginamit sa pagpresenta ng talumpati, walang balbal o
impormal na pananalita ang ginamit. Dahil layunin ng mananalumpati na pataasin ang antas ng
kaalaman ng mga nakikinig tungkol sa kahirapan, ito rin ay may katangiang obhetibo.
Binigyang-diin ang mga impormasyon ukol sa paksa at maayos na sinuportaan ng mga ideya
ang argumento. Ang paksa ng talumpati ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon na
maayos na ipinaliwanag at binigyang-katwiran, iprenesenta ito ng may paninindigan. Ito rin ay
may katangiang kalinawan dahil malinaw ang paglalahad ng mga impormasyong kailangang
ipahatid sa mga makikinig, ang pagpapahayag nito ay direktibo at sistematiko.

May mga gamit ang akademikong pagsulat, isa sa mga gamit nito na matatagpuan sa
talumpati ay ang paglinang ng kahusayan sa wika, nalilinang ng mananalumpati ang mga
makrong kasanayang pagbabasa, pagsusulat, at pagsasalita. Kinailangan niya ng sapat na
kaalaman ukol sa kanyang paksa kaya’t sa tulong ng pagbabasa ay makakalikom siya ng mga
impormasyon. Nalilinang niya naman ang pagsusulat sa paggawa ng mismong talumpati at
ang ang pagsasalita sa pagpresenta nito. Nalilinang rin ang mapanuring pag-iisip, kasama sa
prosesong kinasasangkutan sa pagpapahayag at paggawa ng akademikong sulatin na ito ay
ang pagbasa, pagpapasya, pagsusuri, at pagkaisipang gawain. Nalilinang rin ang
pagpapahalagang pantao, nakakapagturo ang talumpati ng mga aral partikular na ang
pagsisikap at pagtitiyaga upang maibsan at maiwasan ang kahirapan.

You might also like