Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

1. Kasabay ng pagunlad ng teknolohiya ay pagusbong ng mga bagong ”platform” para sa nakalarawang sanaysay.

Kung noon ay madalas lamang itong matagpuan sa mga magasing ginagamit sa panghikayat ng mga turista o di kaya
naman ay sa mga pahayagan ngayon ay madali nang makakita ng nakalarawang sanaysay sa internet. Kadalasang mga
blogger ang gumagawa ng nakalarawang sanaysay sa iba’t ibang site. Gayundin ang mga karaniwang tao sa kanilang
“photo album” sa mga popular na “social media” gaya ng Facebook. Lahat ng ito ay nagiging posible dahil sa mga “smart
phone” Lalo Na yung may mga magagandang kalidad na kamera na pwede na ring gamiting pang “post” ng mga
kinunang litrato.

3. Bakit popular ang nakalarawang sanaysay sa kasalukuyan?

Hindi makakaila na sa panahon ngayon marami nang naiimbento at nauusong iba't ibang bagay. Isa na nga rito ang mga
gadyets tulad ng "smart-phones" na may dekalidad na kamera. Dahil dito, nagagamit ito ng mga tao sa pagkuha ng iba't
ibang larawan ano mang oras at saan mang lugar. Dagdag pa rito, uso na rin sa panahon ngayon ang mga "social media
sites" gaya ng Facebook at Instagram. Ang mga larawang kinunan gamit ang "smart-phones" o ano mang kagamitang
pang potograpo ay maaring ibahigi sa "social media". Maari din itong lagyan ng makahulugang "caption". Dahil sa mga
pagbabagong ito sa ating mundo nagiging popular ang nakalarawang sanaysay. Hindi lamang sa mga tradisyonal at
makabagong mamamahayag kundi maging sa mga pangkaraniwang tao.

4. Magbigay ng halimbawa ng mga nakalarawang sanaysay na nabasa mo sa magasin o sa blog?

-Ang nakalarawang sanaysay ay maaaring gamitin sa iba’t ibang bagay na tumutulong upang maipahayag ang saloobin ng
mga tao o ang mga nais nitong ibahagi sa iba. Isa na dito ay ang “AKO, tunay na PILIPINO” na ginawan ng isang
nakalarawang sanaysanay kung saan mayroon itong isang larawan na tumutukoy sa Pilipinas at mayroong caption na
nagpapahayag ng pagiging isang tunay na Pilipino. Isa pang halimbawa ng nakalarawang sanaysay ay ang “Filipino
Discrimination” kung saan nagpapahayag ito ng pagkalungkot ng mga Pilipino sapagkat maraming bumabatikos sa
kanilang pagdiriwang ng Independence Day sapagkat pinapaniwalaang maraming tao ang naaabala nito. Mayroon ring
nakalarawang sanaysay kung saan tumutukoy ito sa sanhi at bunga ng global warming. Ito ay mayroong pamagat na
“Global Warming: Causes and effects” na nagbibigay ng iba’t ibang dahilan ng pagtama ng global warming sa mundo at
ang mga naging epekto o maaring epekto nito sa kalikasan at mga tao. Lahat ng mga nabanggit na halimbawa ng
nakalarawang sanaysay ay pawang tumutulong upang mabuksan ang isipan ng mga mambabasa sa mga isyung
kailangang bigyang pansin ng mga tao at mga paksang maaring tumulong sa mga tao.

5. Ang paglikha ng nakalarawang sanaysay ay may iba’t ibang layunin. Una na rito ang pagpapayahag ng buo o mga
bagong impormasyon. Kahit mga larawan at kaunting deskripsyon lamang ang mayroon sa nakalarawang sanaysay, hindi
ito hadlang sa pagpapahayag ng impormasyon bagkus ito ay nakakatulong sa paglalahad ng mas malinaw na konsepto
patungkol sa iba’t ibang paksa. Halimbawa na lamang ay ang mga magasing panturista, pansiyentipiko, kultural at
marami pang iba. Sa pamamagitan ng mga naibahaging impomasyon o mensahe sa mga larawan, maaari rin itong
makapanlibang sa mga mambabasa at makapukaw ng atensyon o interes sa kanila. Bukod pa rito, layunin din nito na
makapagpahayag ng damdamin. Kaya hindi mawawala ang pagbabahagi ng drama o kwento ng mga mensaheng nakubli
sa mga larawan. Mahalagang layunin din ang makapanghikayat. Katulad na lamang ng magasing panturista na kung saan
nanghihikayat ito sa mga tao na bumisita sa isang partikular na lugar. Gayundin, maaaring dahil sa nakalarawang
sanaysay ay namulat ang mga mamamayan sa isang isyung panlipunan na nagtulak din sa kanilang upang bigyang aksyon
ito. Marami at iba’t iba ang layunin ng paggawa ng ganitong sanaysay kaya kailangan itong maisaalang-alang upang
magkaroon ng kabuluhan ang nakalarawang sanaysay na gagawin.

6. Sa isang nakalarawang sanaysay, kailangang pumili muna ang manunulat ng paksa kung saan siya interesado at
pagkatapos makapili, kumuha ng mga larawan na akma sa paksang ito. Makatutulong din ang pangunang pananaliksik sa
paksa bago sumalang sa pagkuha ng mga larawan. Sa pagkuha ng larawan, kailangan may barayti ito gaya ng wide angle,
close up, at portrait dahil mahalagang mailahok ito sa piyesa. Kapag maayos na ang line-up ng mga larawan, dapat nang
isulat ang teksto at ito ay ang pamagat, maikling panimula, mga paglalarawan o caption at maikling pagtatapos o
kongklusyon. Iwasan ang labis na pagsusulat at hayaang magsalaysay o magbigay ng komentary o kuwento ang mga
larawan kung kaya't mahalagang maglahok ng nga larawang nagtataglay ng imporasyon at emosyon na talagang kikintal
sa isipan ng mga mambabasa. At higit sa lahat, mahalagang maglagay ng paglalarawan o caption upang masigurong
maiintindihan at tutunghayan ng mga mambabasa ang ginawang sanaysay.

7.Bakit mahalaga ang pananaliksik bago isagawa ang pagkuha ng larawan?

Lingid sa kaalaman ng nakararami na ang pananaliksik ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na
humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman
na. Upang makita ang kabuluhan ng isang larawan kailangan munang matukoy ang layunin ng paksa sa pamamagitan ng
pananaliksik. Gayundin, ang pagtukoy natin sa paksa na malapit sa puso natin ay isa na ring uri ng pananaliksik sapagkat
naghahanap ka kung ano nga ba ang isinisigaw ng iyong puso at damdamin. Sa pamamagitan ng pananaliksik, makikita
ng isang potograpo kung ano nga ba ang kabuluhan ng isang paksa sa lipunan, na siyang gagamitin para sa larawang
kukunin. Bilang karagdagan, malalaman din kung maaari bang makuhanan ng isang litrato ang isang paksa na magiging
sanhi para sa maagang pagkuha ng permiso mula sa kinauukulan. Gayundin, sa pagsagawa ng pananaliksik ay maaaring
matukoy ng mga potograpo kung ano ang mainit na pinag-uusapan ng lipunan upang makapili ng paksang makabuluhun
at napapanahon para sa publiko.

8. Sapat bang maging mahusay na potograpo ang lilikha ng nakalarawang sanaysay?

Mahalagang maging mahusay sa potograpo ang isang manlilikha ng nakalarawang sanaysay sapagkat dapat alam
niya ang mga tamang anggulo sa pagkuha ng litrato. Mainam din na sa pagkuha ng litrato, may layunin sila at may
kuwento sa likod ng mga litrato. Mahalagang kumuha ng magagandang litrato na siyang magbibigay aliw at mamakuha
ng atensyon ng mga mambabasa. Bilang isang mahusay na potograpo, dapat may kaalaman sila ukol sa mga anggulo,
kung may sapat bang ilaw ang paligid at alam nila ang tinatawag ng rule of thirds. Makakatulong din ang pagiging
mahusay na potograpo sa pagpili ng paksa na kanyang gagawin. Ang isang potograpo ay dapat hindi lamang magaling sa
pagkuha ng litrato, magaling din dapat silang isalaysay ang kwento sa likod ng litratong kanyang kinuha. Dagdag pa,
kailangang mainam at mabisa amg pagkuha nia ng mga larawan. Kailangang makapagkuwento ang sinoman sa
pamamagitan ng mga litrato na may kaunting kalakip na paglalarawan.

9. Ang mga bahagi ng nakasulaat na teksto sa isang nakalarawang sanaysay ay: pamagat at panimula, kung saan dapat
taglay ng mga ito ang motibo at layunin ng paglikha sa nakalarawang sanaysay, gayundin ang drama at emosyong
tinataglay ng mga retrato. Dapat meron din itong mga paglalarawan o “caption”, kung saan dapat ang mga ito ay may
dating o nakakapukaw ng interes. Nagtataglay rin ng maikling konklusyon o pagtatapos ang teksto ng nakalarawang
sanysay. Mahalagang ang ilagay sa teksto ng nakalarawang sanaysay ay mga impormasyong hindi makikita sa larawan.
Iwasan naman ang labis-labis na pagsusulat.

10. Ano ang impormasyong dapat ilahok sa paglalarawan o caption?

Ang paglalarawan o "caption" ay isang elemento ng nakalarawang sanaysay. Dito'y nagkakaroon ang mananalaysay ng
pagkakataong ilarawan ang pangyayari sa pamamagitan ng pagsulat. Nakatutulong ang paglalarawang ito upang
masigurado na naiintindihan ng mambabasa ang nais iparating sa larawan. Dahil dito, mahalagang ilahok ang mga
mahahalagang impormasyon na hindi makikita sa larawan gaya ng petsa, mga pangalan, lugar, at mga termino na may
kinalaman sa paksa ng larawan. Nararapat na tumpak ang bawat impormasyong ilalahok sa paglalarawan.

11. Ang nakalarawang sanaysay ay nagtataglay ng limang mahahalagang elemento. Ito ay ang kuwento, uri ng larawan,
pagkakaayos ng mga ito, impormasyon at emosyon, at panghuli ang paglalarawan o caption. Mahalaga ang elementong
kuwento sapagkat kahit walang nakapaloob na mga salita, nangangailangang ang mga larawan ang makapagbahagi ng
kuwento. Sa likod ng bawat larawan, may mahalaga itong aral na nakapaloob na tunay na kikintal sa kaisipan ng mga
mambabasa. Mahalagang elemento din ang uri ng larawan at ito ay ang tumutukoy sa barayti ng mga litrato gaya ng
wide angle, close up, at portrait dahil sa pamamagitan nito, mas tatatak ito sa mga mambabasa at mas mahihikayat
silang subaybayan at tuklasin ito. Mahalagang pag-isipan ang pagkakaayos ng mga larawan upang mabisa itong
makapagkuwento sa paraang kaakit-akit at lohikal. Isa pang mahalagang elemento ang impormasyon at emosyon. Ito
ang kikintal sa kaisipan ng mga mambabasa, kapag ito ay nakapaloob sa isang sanaysay, mas magiging makabuluhan ito
dahil sa pamamagitan nito, mas maiintindihan ng mambabasa ang nais iparating ng manunulat. At higit sa lahat ang
paglalarawan o ang caption ay isa sa mahalagang elemento ng nakalarawang sanaysay dahil sa pamamagitan nito,
makasisigurong maiintindihan at tutunghayan ito ng mga mambabasa at ang ginawang nakalarawabg sanaysay ay
nakatulong at nakapagbigay aral sa iba.

12. Ano ang halaga ng portrait sa nakalarawang sanaysay?

Ang portrait ay isang sining na kung saan ipinapakita ang kagandahan ng isang tao. Mahalaga ang portrait sa
nakalarawang sanaysay sapagkat ipinapakita nito ang tauhan sa isang kuwento. Dagdag pa, nagpapahayag din ito ng
emosyon sa mga mambabasa at nagbibigay ng pagka-tao sa mga gumagalaw na parte. Maaari itong magpahiwatig ng
matinding pakiramdam at makakuha ng pakikiisa mula sa tumutunghay ng isang larawan. Gayundin, mas nararamdaman
ng mga mambabasa ang gustong ipahiwatig ng manunulat ng nakalarawang-sanaysay kung ito ay binubuo ng mgatao o
portrait. Mas nagkakaroon ng koneksyon ang larawang ito sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng portrait,
nararamdaman ng mga mambabasa ang sanaysay sapagkat alam nila ang pakiramdam na iyon dahil sila ay isa ring tao.

Ang portrait ay isang mabisang paraan upang ang manunulat ay makakuha ng atensyon ng mambabasa. Dahil sa kalakip
na litrato sa kanilang isasagawang sanaysay, magiging kawili- wili ito at maraming magiging interesado sa gagawing
sanaysay. Mahalaga ang barayti sa presentasyon ng mga larawan upang hindi lamang ito maging makapangyarihan kundi
epektibo rin. Mahalaga ang isang portrait sapagkat mas madaling mailalarawan ng mambabasa ang isinasalaysay ng
isang manunulat, Hindi na mahihirapan ang isang mambabasa sa pag iisip ng setting o itsura ng isang lugar. Ang portrait
din ay nakapagbibigay ng emosyon sa mga mambabasa.

You might also like