Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Host 1: Inaanyayahan ang lahat ng tumayo para sa panalangin na pangungunahan ni Bea

Teodora Sale at manatiling nakatayo para sa pag-awit ng mga himno.

PANALANGIN AT PAG-AWIT NG MGA HIMNO

Host 2: Isang maligaya at malugod na pagbati sa ating lahat.

Host 1: Narito tayo ngayon bilang isang pamilyang nagbibigay pugay sa pagdiriwang ng

Buwan ng Wikang Pambansa. Magandang umaga Norjaina

Host 2: Magandang umaga Elle

Both: Magandang umaga sa ating lahat.

Host 1: Ngayong umaga, ating matutunghayan ang iba’t ibang paraan na gagawin ng UB

JHS sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.

Host 2: Tama ka diyan. Sa pagpapatuloy, ating pakinggan ang Pangalawang Pangulo ng

Tatak Pinoy na si Angel Ceth Batingal para sa Pambungad na Pananalita.

PAMBUNGAD NA PANANALITA

Host 1: Maraming salamat Bb. Batingal. Sa oras na ito, ating pakinggan ang Pangulo ng

Tatak Pinoy na si Ivy Sophia Divinagracia para Pagpapahayag ng Layunin.

PAGPAPAHAYAG NG LAYUNIN

(Turn Over to April and Arthur for the Games)

Host 2: Tayo’y nagbabalik sa ating programa. Nasiyahan ba kayo?

Host 1: Sa pagpapatuloy, ating tunghayan ang isang makahulugang sayaw mula sa mga

piling mag-aaral sa baitang 7. Ating salubungin sa isang palakpakan.

INTERMISSION
Host 2: Tinatawag ang atensyon ng mga kalahok na pumunta na sa bulwagan.

Host 1: Upang tulungan tayo na makapili kung sino ang karapat dapat na tanghaling

kampeon, narito ang mga hurado sa palagsihang Bigkasayawit.

EXCHANGE TURNS

Host 2: Narito ang mga pamantayan sa patimpalak na Bigkasayawit.

PAGBASA NG PAMANTAYAN

Host 1: Ating simulan ang paligsahan sa Vocal Solo.

Host 2: Unang kalahok….

(Take turns till done)

Host 1: Sa pagpapatuloy, ating salubungin ang mga kalahok sa Vocal Duet. Unang pares,

(Take turns)

Host 2: Hindi lamang sa musika kungdi sa pakikipagtalastasan magaling ang mga mag-

aaral ng JHS, ating tunghayan ang ikatlong paligsahan, ang Balagtasan.

(Take turns)

Host 1: Ang huli ngunit ang pinakaaabangang paligsahan ngayong umaga -- ang

makabuluhang sayaw.

(Take turns)

Host 2: Marapat lamang na bigyang pagkilala ang mga natatanging taong ito dahil sa

kanilang nilaan na oras at kaalaman upang maganap ang paligsahang ating natunghayan

ngayong umaga.

Host 1: Tinatawag namin ang Koordineytor ng asignaturang Filipino na si Ginang Carolite

Kibir upang ihandong ang katibayan sa mga hurado.

GIVING OF CERTIFICATES
(Trivia)

Host 2: At ngayon, ang pinakahihintay na sandali ng bawat isa ay dumating na, ang

pagdeklara ng mga nanalo.

PROCLAMATION OF WINNERS

Host 1: Maligayang bati sa lahat ng nanalo.

Host 2: Sa puntong ito, ating bigyan ng masigabong palakpakan ang Koordineytor ng

Asignaturang Filipino sa kanyang mensahe ng pasasalamat.

MESSAGE

Host 1: Sa kabila ng lahat ng paligsahan, dumating na tayo sa oras kung saan ating

idedeklara ang Kampyeon. Sino kaya ang kampyeon? Ang Baitang 7?

Host 2: Baitang 8 kaya?

Host 1: O ang Baitang 9?

Host 2: Di kaya ang Baitang 10?

Host 1: Mga mag-aaral, ang kampyeon sa pangkalahatang paligsahan ng Buwan ng

Wikang ay ang _____________________

PROCLAMATION OF CHAMPION

Host 2: Ating tandaan ang sabi ng ating Pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal, “Ang

hindi magmahal sa sariling wika at mas malansa pa sa mabahong isda.”

Host 1: Tangkilikin, mahalin at ipagmayabang natin ang wikang Filipino, ang ating

natatanging wika, ang ating natatanging hiyas.

Both: Wikang Filipino, wika ng Pilipinas, wika ng bawat Pilipino. Magandang umaga.

You might also like