Professional Documents
Culture Documents
Quarterly Test Grade 7 1STQ Revised July2019 Esp
Quarterly Test Grade 7 1STQ Revised July2019 Esp
41. “Ang isang taong tumatalikod sa pananagutan ay maaaring maihalintulad sa isang taong
naglalakad ng walang ulo”. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na ito?
A. Ang hindi tumutupad nang matapat sa kanyang mga tungkulin ay walang maaaring
maipagmalaki kaninoman.
B. Ang kahihiyan na dulot ng di pagtupad sa mga tungkulin ay nakababawas sa
dignidad ng tao.
C. Tinatanggal ng kawalan ng pananagutan ang paggalang ng lahat ng tao sa
pagkatao ng tao.
D. Maaaring mahusgahan ng kapwa ang taong hindi marunong tumupad sa kanyang
mga tungkulin.
42. Ano ang pinakamakabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral?
A. Pataasin ang marka
B. Pagyamanin ang kakayahang mag-isip
C. Matututnang lutasin ang sariling mga suliranin
D. Pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto
43. Bakit mahalang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa kalikasan?
A. Makinabang nang lubos ang mga henerasyon na darating
B. Mapangangalagaan ang kalikasan para patuloy na matugunan ang `
pangangailangan ng lahat ng tao
C. Maiiwasan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan at ang paulit-ulit na mga
kalamidad
D. Lahat ng nabanggit
44. Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang anak sa kanyang mga magulang?
A. Sila ay igalang , mahalin at pagkatiwalaan
B. Ibigay sa kanila ang nararapat na katumbas ng lahat ng tulong na kanilang naibibigay
C. Ang ilaan ang kanyang hinaharap para sa walang pagdaramot na pagtulong sa pamilya
D. Ang magsilbing isang magandang halimbawa sa kanyang mga kapatid
45. Mula ng magdalaga si Sarah ay palagi na silang nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang ina. Madalas na sumasama
ang kanyang loob sa tuwing siya ay napagsasabihan at napagbabawalan sa mga bagay na alam niyang hindi na nararapat na
pakialaman ng kanyang ina. Ano ang pinakamatuwirang magagawa ni Sarah?
A. Kausapin ang kanyang ama upang sabihin sa kanyang ina ang kanyang saloobin
B. Gumawa ng paraan upang mabuksan ang maayos na komunikasyon at pakikipag-ugnayan
sa kanyang ina.
C. Ibahagi na lamang sa kanyang mga kaibigan ang kanyang sama ng loob at matapos ito ay
kalimutan na amg sama ng loob.
D. Palaging isaisip na bilang anak kailangan niyang sumunod sa kanyang magulang
sa lahat ng pagkakataon dahil sila ang nakatatanda.
46. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tungkulin ng isang nagdadalaga /nagbibinata sa kanyang pamayanan?
A. makibahagi sa Gawain ng pamayanan
B. maging tapat sa kinabibilangang pamayanan
C. Pangalagaan ang maayos at malinis na pamahalaan
D. tumulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin
47. Ang mga sumusunod na pahayag ay iba’t ibang palatandaaan ng pag-unlad sa panahon
ng pagdadalaga/pagbibinata sa aspetong pangkaisipan maliban sa :
A. Nahihilig sa pagbabasa
B. Nagiging mapagisa sa tahanan
C. Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap
D. Nasusundan at nasusuri ang paraan at nilalaman ng sariling pag-iisip
48. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilangsa tungkulin mo sa iyong sarili?
A. Mag-aral nang mabuti.
B. Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig
C. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito
D. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng Pagdadalaga/
Pagbibinata
49. Ano ang pinakamakatwirang dahilan kung bakit dapat mag-aaral ang mga kabataan?
A. Makapunta sa ibang bansa
B. Upang magkaroon ng magandang trabaho
C. Mapabuti ang pang –ekonomiyang kalagayan ng bansa
D. Makintal ang pagpapahalagang natutunan upang mahubog ang pagkatao
50. Ano ang pinakamakatwirang dahilan kung bakit hindi dapat pahintulutan ng sensor ang
pagpapalabas ng mga pelikulang malalaswa?
A. Upang ipatupad ng sensor ang itinakda ng batas
B. Upang mapangalagaan ang moral ng mga mamamayan
C. Upang hindi gayahin ng mga kabataan ang kanilang napapanood
D. Upang pulos pampamilya lamang ang maging tema ng mga pelikula
SUSI SA PAGWAWASTO
1. A
2. C
3. A
4. D
5. D
6. C
7. A
8. C
9. D
10. C
11. D
12. C
13. C
14. C
15. D
16. A
17. A
18. B
19. D
20. A
21. B
22. D
23. C
24. A
25. A
26. D
27. B
28. D
29. B
30. C
31. B
32. D
33. D
34. C
35. B
36. B
37. A
38. A
39. B
40. B
41. A
42. C
43. D
44. A
45. B
46. D
47. B
48. A
49. D
50. B