Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sa Gout: Puwede ang Monggo, Okra at Sitaw

Payo ni Doc Willie Ong

Sa artikulong ito, na-interview ko si Doc Ging


Zamora-Racaza, isang magaling na
Rheumatologist sa UP-PGH.
Ang gout ay isang pangkaraniwang sakit.
Ang sintomas ng gout ay ang matinding
pamamaga at pananakit ng mga kasu-kasuan
ng mga daliri ng paa, bukung-bukong (ankle)
at tuhod.
Para malaman kung gouty arthritis ang sakit,
kailangan suriin ang Uric Acid sa isang blood
test. Kapag mataas ang iyong uric acid sa
dugo, puwede itong mag-buo at pumunta sa
iyong kasu-kasuan (joints). Sobrang sakit ang
pakiramdam sa gout.

Heto ang Payo:


1. Kapag mainit ang panahon o dehydrated
ang katawan, mas nagbubuo ang uric acid sa
joints na sumasakit sa gout.
2. May tulong ang pag-inom ng 8-10 basong
tubig sa gout. Ito ay dahil mas naaalis ang
Uric Acid crystals sa katawan.
3. Ang alak, karne at laman loob ang
nagpapalala ng gout. Masama din sa gout
ang matatamis at maaalat na pagkain.
4. Mali ang paniniwala na masama sa gout
ang mga gulay tulad ng monggo, okra, sitaw
at kamatis. Ang mga gulay ay gawa sa
Vegetable protein na mabuti sa katawan. Mas
madaling maalis ang vegetable protein sa
katawan kumpara sa karne.
5. Ang bawal sa gout ay ang Animal protein
tulad ng karne at laman loob.

Ano ang Gamutan?


1. Kapag inatake na ng gout, hindi na sapat
ang pagdi-dyeta sa pagkain lamang.
Kailangan ng maintenance na gamot para
bumaba ang iyong uric acid levels sa dugo.
Nagrereseta ang doktor ng Allopurinol o
Febuxostat para sa gout.
2. Sa oras ng pagsumpong ng gout,
nagbibigay kami ng Colchicine tablets, 4 na
beses sa maghapon. Puwedeng uminom ng
Mefenamic Acid din para sa kirot.

You might also like