Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Maling Teorya ng Pinagmulan ng Lahing Pilipino

Isa sa maling teorya ng pinagmulan ng lahing Pilipino ay ang “Waves of Migration


Theory” ni Dr. Henry Otley Beyer na tumutukoy sa mga daluyong ng alon na
dumating mula sa labas ang mga naninirahan sa Pilipinas.
1) Negritos-una sa dumating diumano dito sa archipelago ay ang mga maiitim,
maliliit at makakapal ang mga labi (Negritoid/Dravidian) na gumamit ng tulay na
lupa (Land Bridges Theory) mula timog Tsina noong mga 10,000-30,000 B.C. Sila
ay nanirahan sa mga tabing dagat o tabing ilog upang madali silang makapamuhay
dahil sa likas na yaman.
2) Indones-ang ikalawang dumating ayon kay Beyer ay ang mga Indones na may
mga katangian matatangkad, mapuputi at may kakaibang kulay ang mga mata.
Sila ay pinaniwalaan dumating mga 8,000BC taon na nakalipas at may dalang
kasangkapang metal (ginamit bilang kasangkapang pandigma hal. espada) na
siyang nagtulak sa mga “Negritos” papaloob sa mga kabundukan, kagubatan at
mga tagong lambak sa Pilipinas (Inland Push Theory). Ang lahing Caucasoid na
mga ito ay nagmula sakay ng mga sasakyang pandagat diumano sa archipelago ng
Indonesia.
3). Malay- ang huling dumating sa teorya ni Beyer ay ang mga lahing Kayumanggi
na may katamtaman ang taas sa kanilang bilang at dami ay nanirahan at
nakipamuhay kasama ng mga Indones sa mga lambakin (valleys) at tabing dagat
tabi ng mga Indones. Sila ay naglakbay katulad ng mga Indones sa mga gawang
sasakyang pandagat mula archipelago ng Malaysia ng mga taong 3,000-5,000 BC.
Ang nasabing suliranin ng teoryang ito ay nagmumula sa maraming anggulo
katulad ng panahon na ito isinagawa ng maagang panahon ng pananakop ng mga
Amerikano sa Pilipinas. Kung kaya’t ang kapasidad ng teknolohiya ay di pa
nasasapat upang bigyan ng paliwanag ang mga petsang inilagay dito. Walang pang
“Radiocarbon dating” na kagamitan para bigyan ng mga petsa ang mga natagpuan
ni Beyer. Susog pa dito, ay ang mga pisikal na katangian na napakapartikular
upang masagot ng agham ng mga panahong ito ng 1900s. Wala pang
teknolohiyang “Genetic Engineering” o pag-aaral ng DNA sa mga nasabing
panahon para bigyan ng hinuha na kayumanggi, mahaba ang buhok o matangkad
ang mga nasabing nilalang na tumira sa atin. Wala rin batayan ng kanilang
paglalakbay dahil di rin pinag-aralan ang mga labi (artifact) ng mga barko na
ginamit nila. Ang mga nakatira sa Tsina ay mga Tsino na may kaputiang Asyano
(ngunit sinabi ng mga Caucasians na lahing dilaw para maiba sa kanila) at sa
Indonesia ay mga kayumangging Indonesians at ganundin sa mga residente ng
Malaysia ay ang mga Malays. Ang pagsasabi na ang mga Malays ang
representasyon ng lahing kayumanggi ay isang maling batayan kung ano ang
lahing kayumanggi dahil sa ang mga Malay ay isang terminong Biolohikal. Ginawa
ang Malay ng mga kolonyalista bilang kategorya na halintulad sa Racial/Ethnic na
lantay na mali dahil kung ang magulang mo ay Malay, ikaw ay Malay at kung taga
Maynila ka ipinanganak at doon ka nakatira siguradong ikaw ay Pilipino. Ipinalit
ang konseptong Biolohikal sa konseptong Pang Etniko(Racial/Ethnic) na may
malaking pagkakaiba. Ito ay labag sa soberenya at karapatan ng mga mamamayan
na ipinanganak sa labas ng Malaysia na lahing Kayumanggi.
Ang mga pinaniniwalaang tamang Pinagmulan ng Lahing Pilipino
1) Unang dumating ang mga Homo Sapiens Luzonensis (50,000-67,000 B.C.)
https://en.wikipedia.org/wiki/Prehistory_of_the_Philippines#Beyer's_wave_migr
ation_theory_(Theory_of_Waves_of_Migration)
2) Ikalawang dumating ang mga nadiskubre ni Dr. Robert Fox na Homo Sapiens
Sapiens (20,000-48,000 B.C.)
https://en.wikipedia.org/wiki/Tabon_Man
Ang mga malawakang Teorya ng pinagmulan natin mula kina Dr. Peter Bellwood,
Dr. Wilhelm Solheim II
Ang teorya ng dalawang dayuhan pantas na ito ay nakasalalay sa kasangkapang
bato, at linguistiko – Dr. Peter Bellwood at ang pag-aaral ng distribusyong ng
pagtatanim ng palay at uri ng pamumuhay ng mga Austronesyano- Dr. Wilhelm
Solheim II

a) https://openresearch-
repository.anu.edu.au/bitstream/1885/35106/2/01_Bellwood_Austronesian_Cult
ural_origins:_2008.pdf
b)
https://www.annualreviews.org/doi/abs/10.1146/annurev.an.22.100193.002233
?journalCode=anthro

Ang mga halimbawa ng mga lahing Austronesyano ay ang mga Kiwi, Maori, Fijian,
Hawaiian, Malaysian, Indonesian, Bruneiian, Ainu (unang nakatira sa Japan),
Chams ng (Vietnam), Samoan, Tongan, Chamorro (Guam), Singaporean,
Madagaskareese (South Africa), Pinoy.
Sa-Ilud at Sa-raya
Ang mga sinaunang pamayanang Pilipino na Sa-ilud o tabing Ilog na mataba ang
lupa dahil katatagpuan sa mga Lunduyan (River Delta) ang pangunahing naging
pamayanan dulot ng katabaan ng lupa para sa malawakang pagtatanim ng mga
palay, gulay, prutas at iba pang makakain, pag-aalaga ng mga kahayupan dahil sa
pagkukuhanan ng tubig at pagkain, at panghuli ang yaman ng mga malilinis na
ilog noon. Ito ang dahilan ng kainaman ang pagkakaroon ng tirahan sa mga ilog
tabang (near freshwater sources like rivers and streams) .
Sa-Raya- ang mga nasa tabing ilaya o tabing dagat ay mainam sa pangingisda at
pangangalakal na maunang darating sa mga dalampasigan na siyang kinalalagyan
ng mga ito. Ang pamamalakaya (pangingisda at paglalakbay sa dagat) ang
pangunahing kabuhayan ng mga tao at unang mga nakikita ng mga dayuhang
mangangalakal katulad ng mga Tsino, Arabo at iba pang mga lahi na
magpapasimula ng maunlad na palitan ng produkto, Barter.
Sawah at Swidden
Ang pagtatanim sa pamamagitan ng Palay o Wet Rice Agriculture/cultivation ay
tinatawag sa antropolohiya na Sawah Cultivation. Ito ay ang karaniwan na uri na
ginagamit sa Pilipinas ng mga Austronesyano dulot na rin ng matutugunan ng mas
malaki o lumalaking populasyon ang pagkain ng bigas at dagliang mas
nakakabusog. Ito ay makikita sa mga pamayang Sa-ilud na kung saan mataba ang
lupa dulot ng siltasyon at patuloy na pagdaloy ng ilog na naghahatid ng mga
pataba(silt and other nutrients) halimbawa nito ay ang mga nabuong kabihasnan
nabuo sa tabi ng ilog (Riverine Civilization) hal. Huang Ho, Tigris-Euphrates
(Mesopotamia at Babylonia), Ganges (Indus), Ilog Pula (Hoabinhian), Nile
(Egyptian), Funan ang unang kabihasnan sa Timog Silangang Asya ay nabuo sa
taba ng lupa ng tributaryo ng Ilog Mekong sa Siem Reap. Ang pagdami ng
populasyon sa mga pamayanang Sawah ay matutugunan ng mga produktong
maitatanim kung kaya’t naging maunlad ang mga nasabing kabihasnang
umusbong sa tabi ng mga lunduyan.
Ang tuyong Agrikultura o Swidden ito ay kilala sa manipestasyong pagsusunog
para mapalitan ang mga pananim at mabilisang makalipat at sa kanilang
pagbabalik ay maaari na itong tamnam ng ibang produkto. Ito rin ay isinasagawa
upang maitanim ang mas mahalagang produkto sa panahong yaon kung ito’y
angkop sa tag-init o tag-ulan at para maiwasan ang matagalan na pagbubunot
bawat isa ng mga nasabing tanim kung palay, mais, o halamang ugat ang mga ito.
Ang naging sanhi ng nasabing pagsusunog ng mga pagtatanim ay ang palipat-lipat
na tirahan ng mga naninirahan at mga nagsasagawa nito katulad ng mga nakatira
sa gilid ng bundok na Aeta ng Bundok Pinatubo.
Sea-Faring Population/Boat-Making Tradition
Ang tradisyon ng pamamalakaya at pandaragat (Sea Faring people)nakadatal na
sa pagkatao ng isang Austronesyano dahil naiiugat ito mismo sa kanyang taguri
Austro (timog) at Nesia o Esia (dagat). Ang pagkakapalibot ng dagat o anumang
anyong tubig ang siyang humubog sa pagkatao, pamumuhay at tradisyon ng mga
ito, partikular na dito ay ang paggawa ng 28 uri ng mga bangka ng mga
Austronesyano ayon sa Masteradong tesis ni Prop. Efren Isorena.
A) 1) Oceanic Boats/Pandagat- Caracoa- ito ay ang pinakamalaki sa sasakyang
pandagat ng mga Austronesyanong Pilipino na umaabot ng 90-110 talampakan
(feet) na may dalawang malalapad na layag (sail), marami at malalaking katig
(outrigger) at napapalibutan ng lantaka (ancient cannons). Ito ay matatagpuan sa
Sulu at ginagamit ito sa Pangangayaw o ang pandarayuhang pagkalap ng mga
lalaking mandirigma upang palakasin ang kapangyarihan ng Sultan ng Sulu.
Nilulusob ng mga Tausug, Iranun, Samal Balangingi ang mga isla sa Luzon at
Visayas upang mangalap ng mga bagong mandirigma kung kaya’t kinatakutan ang
tagpong ito sa kasaysayan na taunang nagaganap. Ang naging resulta nito ay ang
pagtatag ng mga Bell Tower sa gilid ng dagat at pagiging alerto ng mga
mamamayan na nakatira malapit dito sa madaling araw na siyang oras na pinipili
ng mga mangangayaw na lumusob.
2) Balanghai- ito ay isang barkong pangkaragatan na tinatayang 60 talampakan
(feet) at may isang malawak na layag at may takip sa gitna para sa proteksiyon sa
ulat bagyo ng mga pumapalaot na 25-30 katao. Ito ay ginagamit sa paglalayag,
pangingisda at pandarayuhan na madalas mga kapamilya, kamag-anak o
magkakaibigan dahil na rin sa espasyong kinapalooban nila na magkakalapit.
Maraming natagpuan nito sa Butuan at tingnan ang hyperlink.
https://sites.google.com/site/museumsofthephilippines/directory/mindanao-
1/balanghai-national-museum-branch
B) Littoral/Pangdalampasigan
1) Prahu/Paraw- ito ay makikitang naglalayag sa mga tabing-dagat o kung
pumalaot man ang mga ito ay panandalian lamang dulot na rin ng kanilang gamit.
Hindi kaya ng Paraw ang malalakas na alon ng karagatan kapag masama ang
panahon kahit na ito’y may sariling layag din at katig dahil na rin sa lumalakas ang
mga alon kapag lumalapit sa ilaya/dalampasigan lalo na kung may bahura (coastal
reef). Sa bilis ng mga ito ginagamit din sila sa mabilisang paglalakbay sa dagay
ngunit malapitang isla.
2) Vinta- isa sa mga makukulay na littoral na bangka na matatagpuan sa
Zamboanga na kakikitaan ng makukulay na layag upang makapanghikayat ng mga
namamalakaya sa pangangalakal na pangunahing kabuhayan ng mga sinaunang
Zamboangeno, tradisyong Barter.
K) Riverine/Pang-Ilog-
Panco/Bangka/Baroto- maraming tawag sa mga ito dulot na rin ng malawakang
gamit nito. Sa mga katagalugan Panco ang tawag sa bangkang madalas ikinalakal
ang mga inuming tubig na hinango sa ilog para inumin at nilalagay sa Tinaja na
katumbas ng 10 gallon na tapayan. Ang bangka ay pangkalahatan na tawag sa
mga sasakyang pang ilog o anumang tabang na katubigan at ito ay kakikitaan ng
walang katig para sa mga masisikip na daanan ay makakatuloy ito. Wala rin
makikitang layag dulot na rin sagwan ang paraan ng paglalayag nito kasi sa
kaliitan nito ay kapag nilagyan ng layag at kapag malakas ang hangin ay tumagilid
ito. Ang baroto ang tawag sa kabisayaan at kamindanawan ngunit ganun din ang
gamit sa karaniwang mga bangka na gamit transportasyon, kabuhayan, at paraan
ng komunikasyon ng mga tao nakapalibot sa mga ilog tabang.

You might also like