Talumpati

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Talumpati

"DROGA" (Talumpati)
Ilan na ang mga kabataang nakikita nating halos patapon na ang buhay?
Mga kabataang hindi lang ang kanilang kinabukasan ang sinisira pati narin ang kanilang pag iisip.
Mga kabataang naligaw na ang landas at napunta sa madilim na mundo. Mga kabataang lapitin na
gulo, impluwensya ng droga.
Alam ko na hindi lang ako ang nakakakita ng tulad nila. Alam ko na nararamdaman niyo rin ang
nararamdaman ko. Nalulungkot at nanghihinayang. Nalulungkot para sa kanila at higit sa lahat sa
kanilang mga magulang. Nanghihinayang na sana at may maganda silang kinabukasan na makamit.
Kung hindi lang sana sila naligaw ng landas, maaari pa silang maipagmalaki sa ating lipunan.
Hindi ko din maiwasang makita ang mga kabataang halos wala pang muwang sa mundo. Kabataang
bagsak na ang katawan at iba na ang galaw. Mga mata nila ay tumitirik, sila ay lasing at parang
nakahithit ng droga.
Gumugulo sa aking isip ang mga tanong na "Ano na ang nangyari?" , Nasaan na ang kasabihan na,
"ANG KABATAAN ANG PAG ASA NG BAYAN"?
Alam kong tayo ay nagdadamdam. Naiisip natin kung ano nga ba ang tunay nilang dahilan, kung
bakit sila nagkaganyan.
Para sa mga kabataang tulad ko na naliligaw ng landas, kung kayo ko lang kayong tulungan at
gabayan sa tamang landas,ginawa ko na. Kung kaya ko lang mailayo kayo sa landas ng kasamaan,
ginawa ko na. Pero hindi ko kayang gawin ang mga nais kong gawin. Dahil tulad niyo, ako'y isang
hamak lang din na kabataan.
Nais ko lang na sa simpleng mensaheng ito ay may matutunan kayo. Huwag ninyong pairalin ang
tigas ng ulo, sundin natin ang ating mga magulang. Sa paggamit niyo ng droga at hindi pagsunod sa
kanilang mga payo ay nakakasakit sa kanilang damdamin.
Sa mga magulang, patuloy padin po silang gabayan tungo sa tamang landas. Hayaan pong matuto
sila sa kanilang pagkakamali, subalit wag po nating hayaan na mauwi sa wala ang inyong mga
pinaghirapan.
Mga kabataan, imulat ang inyong mga mata at gumising! Isipin ang mga ninyo ang paghihirap ng
inyong mga magulang. Diyos ang gagabay sa inyo at Siya na ang manghuhusga sa mga kamaliang
inyong nagawa. Ang magagawa ko lamang ay ipagdasal ang mga kabataang naligaw ang landas.

You might also like