Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 87

------------------------------

TITLE: FLOWER BOYS HOST CLUB: JARED, My Host Guy Hero (Series Book 1)
LENGTH: 19134
DATE: Jun 29, 2014
VOTE COUNT: 13
READ COUNT: 908
COMMENT COUNT: 0
LANGUAGE: English
AUTHOR: Zai_viBritannia
COMPLETED: 1
RATING: 3
MODIFY DATE: 2014-08-06 00:14:28

------------------------------

####################################
CHAPTER ONE
####################################

Sunod sunod na pagkatok sa pinto ang gumambala sa pagmumukmok ni Kaycee nang araw
na iyon. Maghapon na siyang nakakulong lang sa kanyang silid at kahit na ilang
beses na siyang inalo at kinausap nang kanyang ina na kumain muna ay hindi siya
natinag sa pag iyak. Nakadapa siya sa kama habang takip takip niya ang mukha ng
unan.

Nang maramdaman niya ang pagbukas ng pinto ay lalo niyang ibinaon sa unan ang
kanyang mukha.

"Bhez, are you okay?" narinig niyang tanong nang bestfriend niyang si Reinne,
mukhang humingi na nang tulong ang kanyang ina sa matalik niyang kaibigan, si
Reinne at ang mga kaibigan niya ang nilalapitan ng kanyang ina sa tuwing
nagmumukmok siya katulad ng mga sandaling iyon.

Sunod sunod siyang umiling na hindi pa rin inaalis ang mukha sa unan.

Naramdaman niya ang paglundo nang kama ng umupo ito sa tabi niya.

"Kaya mo pa ba?" muling tanong nito, hindi siya umimik.

Sa tanong nito ay bigla niyang naalala ang kanyang kasintahan, si Philip.

Ito lang naman ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon. Paano ba naman ay hindi
siya nito sinipot kagabi sa kanilang date, iyon pa naman ang pinakamahalagang araw
nila dahil anniversary nilang magkasintahan.

Siya na nga ang nag asikaso ng lahat, sisipot na nga lang ito ay hindi pa ito
nagpakita sa kanya. Umuwi tuloy siyang umiiyak hindi lang dahil sa malaking perang
nagastos niya at sa pagkapahiya sa mga taong tumulong sa kanya upang maisaayos ang
surprise date na iyon sa boyfriend niya kundi dahil sa sama nang loob sa
kasintahan. Hindi lang kasi iilang beses na nitong nakalimutan ang mga importanteng
araw sa kanilang dalawa.

Malimit na rin nitong napapabayaan ang relasyon nila simula nang ma promote ito sa
trabaho bilang supervisor sa isang malaking kumpanya sa makati. Hindi naman lingid
sa kanya na pangarap ni Philip ang tumaas sa posisyon nito bilang accounting staff.

Noong umpisa ay natatanggap pa niya iyon dahil alam niyang kailangan nitong
magpakitang gilas sa boss nito ngunit sa pagkakataong iyon ay ano naman ang
idadahilan niya?

"Business trip? Emergency meeting? Company inventory? O may ka date nang iba?"
narinig niyang komento ng kaibigan, hindi niya alam na naisatinig pala niya ang
tanong sa isip. Sa huling komento ng kaibigan ay mabilis siyang napabalikwas at
naalarma, hindi niya nagustuhan iyon, hindi niya kayang tanggapin kung may ibang
babae nang pinagkakaabalahan ang mahal niya kaya siya naman ang napapabayaan nito.

"No, Philip's loves me so much at alam kong hindi niya ako niloloko. Busy lang siya
kaya hindi siya nakasipot kagabi" lumuluhang paliwanag niya sa kaibigan at
pagtatanggol sa mahal niyang si Philip, gusto rin niyang paniwalain ang sarili,
nakita niya ang pag ikot ng eyeballs nito.

"Okay fine. What's new by the way? Palagi naman nangyayari ito iiyak iyak ka dyan
at magmumok-mok pagkatapos kapag nag comment lang ng konti ay ipagtatanggol mo
naman. aba! Kaycee mag isip isip ka naman, ilang buwan nang ganyan si Philip. Hindi
mo ba napapansin na napapabayaan ka na niya?" inis na komento ng kaibigan niya,
hindi naman niya ito masisi dahil sa tuwing iiyak at masama ang loob niya sa
kasintahan ay ito ang palagi niyang kasama.

"Mahal ko siya Reinne."

Muling umirap ang kaibigan

"Kaya patatawarin mo naman kaagad? kaya ginagawa ang asal nyang si Pilipe eh dahil
kinukunsinti mo rin. Minsan naman ay magalit ka sa kanya at ipakita mong mali na
ang ginagawa niya. He needs to learn his lesson."

Hindi siya umimik, matagal na niyang gustong gawin ang bagay na iyon, ang ipakita
sa nobyo na galit siya at maramdaman nito na nasasaktan na siya sa ginagawa nito
ngunit sa tuwing magpapakita ito at hihingi ng sorry ay hindi naman niya matiis.

Lumalambot ang puso niya sa tuwing maglalambing na ang nobyo.

Hinila siya patayo ng kaibigan ng hindi pa rin siya umiimik.

"Halika na at kumain ka muna, kanina pa nag aalala si tita Kris sa'yo, minsan naman
ay isipin mo rin ang paligid mo lalo na ang mga mahal mo sa buhay kung nag aalala
sila sa'yo ha? H'wag kang selfish Kaycee." Sermon ng kaibigan habang hila hila
siya, wala naman siyang nagawa kundi magpahila. Nasa pintuan na sila ng magsalita
siya

"I'm sorry bhez." Hinging paumanhin niya sa matalik na kaibigan dahil alam niya na
isa ito sa nag aalala sa kanya, inirapan siya nito ngunit may ngiti sa mga labi.

"Kahit na sinusubaybayan ko ang concert show ng Flower Prince at masilayan ko ang


mahal kong si Sky ay iniwanan ko iyon para lang sa'yo, best friend kita kahit na
matigas naman ang ulo mo." nakatawang sermon nito, maikling ngumiti siya.

"Thanks Reinne."

The next day, humahangos na bumaba nang taxi si Kaycee, halos takbuhin na niya ang
kumpanya kung saan siya nagtatrabaho, lunes na lunes ay late siya, paano ba naman
ay hinintay niya kagabi ang pagdating at paghingi ng sorry ni Philip subalit ni
anino nito ay hindi niya nakita, ni hindi man lang ito nakakaalalang tumawag.
Nasira tuloy ang kanyang unang araw ng linggo, dahil sa kaiiyak at kaiisip sa nobyo
ay tinubuan siya ng eyebags, mabuti na lang at naimbento ang shades kung hindi ay
hindi niya maitatago ang namumugtong mga mata.

Idagdag pa ang pagkayamot niya sa driver ng taxi na sinakyan niya, doon pa na-
flatan ng gulong kung saan tatlong bloke pa ang layo sa kumpanyang
pinagtatrabahuhan niya. Para tuloy siyang timang, tumatakbo siya habang baba naman
siya ng baba ng mini skirt na suot niya, kung bakit kasi naisipan niyang isuot ang
office uniform niyang iyon, kung alam lang niyang mangyayari iyon di sana ay nag
slacks na lang siya para komportable ang pagtakbo niya, di sana ay kanina pa siya
nakarating sa kumpanya.

"Ah, Pilipe! Kasalanan mong lahat ito!" inis na bulong niya.

Dahil lumilipad ang utak niya habang tumatakbo ay hindi niya napansin ang malaking
tipak ng bato sa daraanan niya.

Huli na para iwasan pa iyon, natapilok na siya at sa kamalas malasan pa ay nasira


ang takong niya.

"Ay bangs!" bulalas niya at kung hindi siya nakahawak sa damit ng lalaki sa harapan
niya ay bumagsak na siya sa lupa, kasabay ng pagtunog ng nabaling takong niya ay
ang tunog ng napunit na damit.

"What the hell?!" mahina ngunit madiing bulalas nito, nakagat niya ang ibabang labi
sa labis na pagkapahiya dahil nakahawa pa siya sa pagkasira ng araw.

"I'm so sorry." Kaagad na sabi niya

Nang sulyapan siya ng lalaki ay kitang kita niya ang pagkalukot ng mukha nito dahil
sa pagkainis.

"Sorry?! Is that the only way you could do? The damage has been done." He said in
angry tone.

Kaycee was stunned, napipilan siya at wari'y walang mamutawing salita sa kanyang
bibig dahil sa kabila ng galit na mukha nito ay hindi man lamang iyon nakakabawas
sa lakas ng dating nito, "ang kagandahang lalaki niya ay kasing liwanag ng sikat ng
araw sa katanghaliang tapat at liwanag ng buwan sa kadiliman ng gabi" naalala tuloy
niya ang linyang iyon sa napanood niyang koreanovela, tamang angkop ang mga
salitang iyon para sa lalaking kaharap.

Aaminin din niya na minsan lang sa buhay niya ang makakita ng ganong kagwapong
lalaki, madalas ay sa mga western magazines at international television lang niya
nakikita ang mga katulad nitong kalahi yata ni superman.

Kaya hindi niya namalayan na nakatitig na pala siya sa mukha ng estrangherong


lalaki, Ah geez! No human being has the right to look at this man! Ah Kaycee, that
was unfair! Nakuha pa niyang mag day dream at humanga sa gitna ng lahat.

Okay na sana ang lahat, gumagaan na ang pakiramdam niya dahil lang sa simpleng
pagtitig niya sa mukha nito subalit tila tumigil na cd ang kaniyang pagpapantasya
nang muling magsalita ang binatang kaharap.

"Have you done dreaming of me?" He asked sarcastically, namula naman siya sa
pagkapahiya.

"I'm s-sorry."
Nakita niya ang pagkayamot sa mukha nito, "Stop saying sorry. I don't need your
sorry."

Bahagya naman siyang nainis sa kasungitan ng lalaking kaharap, akala mo naman kung
sinong gwapo.

Hayan kasi! Masyado ka kasing nasilaw sa kagandahang nakikita mo. don't forget
Kaycee that appearances are deceiving..at gwapo lang siya at wala ng maganda pa sa
kanya..sermon niya sa sarili niya, ang kaninang paghanga niya dito ay napaltan ng
inis.

"Okay, sige kung gusto mo papaltan ko na lang." asik niya nang makabawi, ang yabang
yabang...pagpuputok ng butse niya.

"Never mind, this is too expensive." Kaswal na sagot nito, awtomatikong napaawang
ang labi niya, pigil na pigil niya ang sarili at yumuko, nararamdaman niya ang
pagkulo ng dugo niya at halos maramdaman na rin niya ang pagbaon ng mahabang kuko
niya sa mga palad niya dahil sa higpit ng pagkakakuyom niya.

Aba't napakayabang talaga! Anong tingin nito sa kanya walang pambayad?

"Sabihin mo lang kasi sa'kin kung magkano at babayaran ko." inis na sabi niya,
hindi na niya nakita sa harapan niya ang lalaki dahil naglalakad na ito papalayo sa
kanya.

"Grabe ang yabang niya!" inis na bulong niya habang pinagmamasdan niya papalayo ang
matangkad na lalaki.

Ngayon lang yata ako nakakita nang ganong klase ng lalaki, ang gwapo nga niya, hari
naman ng hambog!

Nang marinig niya ang pagtunog ng buzzer sa malaking construction site sa tapat
niya ay doon lang niya naalala na male-late na siya subalit maglalakad pa lang siya
nang maalala naman niya ang nabaling takong.

"Ay naman! kapag nga naman minamalas.." paghihimutok ng butse niya.

Pagkapasok na pagkapasok ni Jared sa sasakyan ay hinubad niya ang polo


barong na suot niya at inabot ang naka hanger na long sleeve at isinuot.

Binuksan niya ang bintana ng sasakyan at akmang ihahagis sa trash can ang nasirang
barong nang marinig niyang nagsalita ang driver niya.

"Boss, sayang! Akin na lang, tatahin lang yan ng misis ko." pigil nito sa kanya,
ibinigay naman niya dito ang barong.

"Salamat bossing! Grabe, sayang ito. ang ganda pa naman, mukhang bago pa. Saan mo
ito nabili boss?"

"I bought it last week from Madrid." Kaswal na sagot niya habang isinasara muli ang
salamin ng sasakyan, nadismaya nga siya dahil hindi niya akalain na binili niya sa
napakamahal na halaga ang damit na iyon samantalang napakadali namang nasira,
narinig niya ang pagsipol nito.

"Imported. Salamat boss ah." nakangiting saad nito, tumango lang siya.

Ini-start na nito ang sasakyan nang mapadako ang tingin niya sa labas ng bintana,
napansin niyang naroon pa rin ang babaeng nakaengkwentro niya.
Napabuntong hininga siya, ngayon ay nagsisisi siya sa pagpapakita ng kagaspangan ng
ugali sa babae, hindi naman niya intensyon na ibuhos dito ang inis na nararamdaman
niya ng mga sandaling iyon, nagkataon lang na ito ang unang taong nakita niya at
nakausap niya pagkatapos niyang makipagkita sa taong ka meeting niya.

Gusto niyang humingi ng sorry dito subalit baka hindi nito iyon tanggapin, masyado
niya itong ininsulto kanina.

Napakunot noo siya nang makita niyang iika-ika ito sa paglalakad.

"Baka matunaw yung babae, okay din ang taste ninyo boss, ang sexy na maganda pa."

Hindi niya alam na kanina pa pala siya inoobserbahan ng driver niya, hindi naman
niya pinansin ang sinabi nito.

May inabot siya sa likod ng sasakyan niya at ibinigay kay Rio.

"Ano to boss? pasalubong mo sa'kin." nakangiting saad nito.

Umiling siya at itinuro ang babae na hindi pa nakakalayo sa kanila, iyon lang ang
tanging paraan para makabawi siya sa kasungitan niya dito kanina.

Nagtatakang binuksan naman nito ang kahon na hawak at nang makita ang laman ay may
sumilay na nakakalokong ngiti sa labi nito.

"Ibang klase ka talagang dumiskarte sa babae boss. Ang bilis, kukunin ko rin ba ang
pangalan niya at ang cellphone number?" anito, muling umiling siya.

"No, just give it to her. Don't tell her na ako ang nagbigay." Aniya, actually
pasalubong dapat niya iyon sa kapatid ng kaibigan niyang si Trevor Allejo na si
Allie Jhoy, siguro naman ay magkasukat ng paa ang dalawang babae dahil hindi
nagkakalayo ang taas ng mga ito, tumango naman ito nang maintindihan nito ang nais
niya, lumabas na ito at naglakad papalapit sa babae.

"Miss!" naagaw naman ang atensyon ni Kaycee sa lalaking tumawag sa


kanya.

"Ano?!" bulyaw niya, bahagyang napaatras ito dahil sa mataas na boses niya, akala
siguro nito ay handa siyang manakmal ng tao. Pasensyahan na lang dahil sira ang
araw niya at dinagdagan pa ng kayabangan ng lalaking nakilala niya kani-kanina
lang.

"Pasensya na sa istorbo miss." Naiilang pang pakli ng lalaki, hindi siya sumagot.

Nagulat siya nang may iabot sa kanya.

"Ano to?" nag aalinlangan pang tanong niya, nang buksan niya ang kahon ay napaawang
ang labi niya sa gulat nang makita ang kulay pulang sapatos. Bago iyon at mamahalin
pa.

Ngumiti ito at itinuro ang sasakyan sa di kalayuan, tinted ang salamin kaya hindi
niya nakita ang taong nasa loob ng itim na sasakyan.

"Galing sa boss ko." pagkasabi nito ay umalis na rin ang lalaki, ni hindi na niya
naitanong dito ang pangalan ng boss nito at kung bakit siya nito binigyan ng
sapatos.
Baka naman naawa siya sa'kin dahil sa hitsura ko ngayon...hmm, may mga mabubuti pa
rin palang tao sa panahon ngayon..Salamat sa kung sinong taong iyon.

Wala siyang nagawa kung hindi sundan na lang ng tingin ang papalayong sasakyan,
palaisipan sa kanya kung sino ang boss ng lalaking iyon.

"I'm sorry babe, alam kong nagtatampo ka. hindi ko maiwanan ang trabaho ko dahil
maraming dapat asikasuhin sa kumpanya lalo na at darating ang anak ni big boss,
hindi pa tapos ang inventory namin baka kasi magsurprise audit si boss JD, kapag
hindi ko naayos ang trabaho ko baka malintikan ang posisyon ko." paliwanag nito sa
kabilang linya. Lunch break at nasa office siya nang tawagan siya nito, tahimik
lang siya habang nakatitig sa pumpon ng bulaklak at isang kahon ng tsokolate na
pinadeliver ng nobyo.

"Alam kong naiintindihan mo ako Kaycee, I love you babe! Anyway, I got to go marami
pa akong nakatambak na trabaho sa table ko." anito, napasimangot siya, kahit break
time ay nagtatrabaho ang nobyo niya.

"Okay, wala naman akong magagawa eh." Disappointed na sabi niya, kahit sa pag uusap
sa telepono ay pinagkakait pa yata sa kanya. Ibababa na lamang niya ang phone nang
muling nagsalita ito.

"By the way, let's dinner tomorrow nang makabawi naman ako sa'yo, magkita na lang
tayo sa favorite restaurant natin. I love you and I miss you!" pahabol pa nito,
parang bulang nawala ang inis niya at tila idinuduyan na siya sa ulap.

"I love you too babe! See you tomorrow!" masiglang paalam niya sa nobyo,
pagkababang pagkababa niya ng phone ay kinikilig na nadampot niya ang mga bulaklak
at nayakap. Ganon naman talaga siya, mababaw ang kaligayahan, masaya na siya sa
simpleng paglalambing ng nobyo niya at nawawala na ang tampo niya dito pagkatapos
niyon.

"Ang saya mo yata ngayon?" narinig niyang tanong nang katrabaho niya.

Nagtatrabaho siya sa isang Pharmaceutical company at isa siya sa HRD staff ng


nasabing kumpanya.

"Oo, bati na kami ni Philip at napakasaya ko talaga Tin." Masayang paliwanag niya,
Napansin niya na kumislap ang mga mata nito

"Ikaw mukhang masaya ka din." Nakangiting tanong niya, tumango ito.

"Oo, nagkaron na rin kasi ng oras sa'kin si Alvin, alam mo naman na mas matindi ang
pagiging busy niyon sa trabaho kaysa sa nobyo mo." paliwanag nito

"Talaga? Ano naman ang ginawa mo at nabibigyan ka na ng oras ni Alvin?"

Katulad niya ang pinagdadaanan ng istorya ng relasyon ni Tin at ang nobyo nitong si
Alvin. Gaya niya ay nawawalan na rin ito ng oras para kay Tin dahil sa trabaho
nito, isa kasing production technician si Alvin at madalas na nag-oover time ang
huli dahil importante ang posisyon nito sa kumpanyang pinagtatrabahuhan nito.

"Simple lang ang ginawa ko, nag hire ako ng host guy at pinagpanggap ko na may
lihim kaming relasyon."

"Host guy?" kunot noong tanong niya, may bumangong kuryosidad sa damdamin niya.
"Oo, host guy, may bago kasing host club diyan sa kabilang kanto." Kaswal na sabi
nito

A host club?! Mayroon din palang host club sa pilipinas, ang akala niya ay sa ibang
bansa lang may ganong lugar partikular na sa Japan, kung naaalala niya noong
college siya ay naging topic niya noon sa thesis niya ang mga night clubs kung
paanong nahuhumaling ang mga kabataan sa ganoong lugar at nakasama sa nai-search
niya ang tungkol sa host clubs.

As she remembered, host clubs are night clubs that provide male companionship to
women, at tanging sa Japan lang mayroong ganong klase ng night club, host men from
japan have a definitive style that some Japanese women find attractive, in many
ways they look like characters from anime and manga. Atsaka, matataas ang standards
ng mga Japanese host guy, kaya nagtataka siya sa mga sinasabi ng kaibigan niya.

"May host club dito sa pilipinas?" muling tanong niya, tumango ito

"Yes, inspired by japanese culture. Last month pa nag open iyon at hindi pa
masyadong alam ng tao, it's like a night club, may drinks, foods, disco pero ang
main course nila ay iyong mga lalaking nagi-entertain. Minsan nagpunta kami nung
pinsan ko doon at dahil desperada na akong malaman kung mahal nga ba talaga ako ni
Alvin o hindi, bumili ako ng isang host guy."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig

"What?! Binili mo yung host guy?" manghang tanong niya

"Oy grabe ka naman, baka iba na yung iniisip mo, pinagpanggap ko lang naman siyang
nobyo ko para pagselosin si Alvin, ayaw pa nga niya noong una dahil bawal sa rules
and regulations nila iyon, iba nang usapan kapag nakipag date na sa labas ang mga
host men, tanging sa loob lamang ng club sila nagi-entertain pero napakiusapan ko
siya at dahil naawa siya kaya tinulungan niya ako" paliwanag nito

Sa narinig ay may bumangon sa kanyang interes.

"So what happened? You mean effective iyong way na iyon?"

Tumango ito "Super effective Kaycee, Nang malaman ni Alvin na may nakakadate akong
iba ay nag panic siya" kwento nito

"Pagkatapos?" excited na tanong niya

"Hayun, sinabi ko sa kanya na kailangan ko ng atensyon at nang dumating si Hyde ay


binigay nito ang lahat ng kailangan ko, nang oras at atensyon."

"Sinabi mo yon?" hindi siya makapaniwala sa narinig, natatawang tumango siya.

"Oo, hindi naman siya nagalit dahil mas nagi-guilty siya dahil totoo naman na may
pagkukulang siya sa'kin at dahil doon ay nag sorry siya at humingi siya ng isa pang
pagkakataon at syempre iyon naman talaga ang gusto ko ang oras at atensyon niya,
ngayon ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya." nagningning ang mga mata nito
matapos magkwento.

"And take note may lunch date kami ngayon na hindi kailanman nangyari noon." Dagdag
nito, sabay pa silang napatingin sa pagbukas ng pinto ng opisina at nakita niya ang
nakangiting lalaki, may hawak itong isang white rose at ibinigay kay Tin, hindi pa
ito nagkasya ay hinalikan nito ang nobya sa pisngi.

"Ready Hon?" tanong nito kay Tin, nang tumingin sa kanya ang kaibigan ay kitang
kita niya ang labis na kasiyahan sa mga mata nito.

"Maiwan ka muna namin Kaycee, magla-lunch lang kami ni honeypie ko." Paalam nito,
nang makapagpaalam na sa kanya ang magkasintahan ay may naramdaman siyang inggit.

Gusto rin niyang maramdaman ang kasiyahan na bumabalot ngayon sa kaibigan, gusto
rin niyang maging ganon sila ni Philip.

Ang maramdamang mahal pa siya nito na mas mahalaga siya kaysa sa anomang bagay sa
mundo.

####################################
CHAPTER TWO
####################################

Natagpuan ni Kaycee ang sarili na naglalakad sa tabi ng kalsada at walang tiyak na


patutunguhan. Ayaw pa nga sana niyang umalis sa restaurant kung hindi lang siya
inabutan ng pagsasara niyon, marami rin siyang nainom na beer kaya hindi na normal
ang paglalakad niya. wala siyang pakealam kung nakaka agaw na siya ng atensyon sa
mga taong nakakasalubong niya, she was crying out loud habang pasuray suray sa
daan.

Nagmumukha man siyang baliw sa mga ito ay wala siyang pakealam, masakit na masakit
ang nararamdaman niya. Paano ba naman ay hindi na naman siya nasipot ni Philip sa
kanilang date, apat na oras lang naman siyang naghintay sa restaurant kung saan
sila magkikita tapos ay nakareceived siya ng text mula rito.

Babe, I'm sorry but I can't get there, nagkaroon kami ng emergency meeting and
until now I'm still here at the company. I hope you'll understand. I love you.

Masamang masama ang loob niya sa kasintahan, may nobyo nga siya subalit hindi naman
niya maramdaman ang presensya nito bilang kasintahan niya. ang gusto lang naman
niya ay mabigyan siya ng kahit konting atensyon at pagmamahal, kahit konti lang.

Kung sana ay madali lang niyang hiwalayan ang nobyo, kung sana'y madali nga lang
gawin iyon pero paano? Paano ba niya gagawing madali iyon kung mahal niya si
Philip, ito ang unang nobyo niya at kaya nga ginagawa niya ang lahat para maging
maayos ang relasyon nila pero kahit ano yatang gawin niya kung si Philip mismo ang
may problema at pagkukulang.

What should I do? Paano niya maibabalik ang dating ginagawa ni Philip para sa
kanya, ang pagiging sweet nito, ang thoughtfulness at ang pagmamahal nito sa kanya.

Hindi siya makakapayag na dahil lamang sa trabaho nito ay masisira ang matagal na
niyang iniingatang relasyon nila ng nobyo.

Bigla ay sumagi sa isip niya ang naging usapan nila ni Tin kahapon.

Yeah, that's it! The host club..That's the only way para bumalik sa dati si Philip.

Gagamit siya ng lalaki para pagselosin ang boyfriend niya gaya ng ginawa ni Tin,
and as Tin's statement, it was really effective.

Bakit hindi niya subukan? For the sake of her and her happiness, para sa nanlalamig
na relasyon namin ni Philip! Gagawin niya iyon, kukuha siya ng host guy by hook or
by crook.

At Happiness Bar...

"Are we all in guys? Kumpleto ba tayo? Walang nawawala?" tanong ng isang matangkad
na lalaki na nakasuot ng yukata, a japanese kimono. Inilibot niya ang mga mata at
nang masatisfy sa nakikitang set up ng buong lugar ay napangiti siya, pakiramdam
niya ay hindi siya umalis sa bansang sinilangan niya, ang Japan. They were having a
surprise party for their vice president and a reunion for their get together, iyon
din kasi ang unang beses na nakumpleto silang magkaka-club member pagkatapos ng
halos walong taong paghihiwa-hiwalay noong magtapos sila ng kolehiyo.

Hindi man sila madalas magkita kita ay hindi naman nawawala ang komunikasyon nila
sa isa't isa.

And now, seeing them is such a wonderful feeling, pakiramdam niya ay isa isang
bumabalik ang nakaraan, ang kakulitan at masaya nilang pagkakaibigan. Yuan opened
his planner and started to call the names of his members.

"Reed?"

"Yeah! I'm here!" sagot ng binata na nakasuot ng floral yukata habang nakaupo sa
mataas na stool sa tapat ng bar counter at may kausap sa cellphone.

"Xien?"

"Present." Sagot naman ng lalaki na may hawak pang katana habang winawasiwas sa ere

"Hunter?"

"I'm here!" ani ng matangkad na lalaking kasalukuyang hinuhubad ang yukatang suot,
nalantad tuloy ang matipuno at malapad na katawan nito "Damn it! Do I need to wear
this hot and itchy stuff?" he protested

"Vash?" patuloy niya na hindi pinansin ang pagrereklamo ng binata

"Here." pagtaas pa ng kamay ng lalaking ang atensyon ay nasa librong binabasa.

"Kaizer?"

"Shit! Stop doing that Einar! isa pang lapit ng mukha mo, lilipad ka na palabas ng
happiness bar ni Sky." Narinig niyang saad ng lalaki habang may hawak na billiard
stick. Naiiling na nagpatuloy siya

"Sky?"

"Yosh!" ani ng lalaking may hawak na gitara sa tabi niya.

"Einar?"

"Hai hai hai!" masiglang sagot nito na lumayo kay Kaizer at lumapit sa kanya.
"Kaichou, hindi pa ba sisimulan ang party? I'm so excited!" masigla pa ring tanong
nito, umiiling na inilayo niya ang mukha nito sa mukha niya, kahit na ilang taon
din silang hindi nagkasama at nagkita kita ay hindi pa rin ito nagbabago, He still
the same cheerful and mischievous member of their club, actually lahat naman sila
ay parang hindi nagbago, katulad pa rin sila ng dati bagama't may kanya kanya na
rin silang natamong tagumpay.

"Baka magkapalit na tayo ng mukha." Nakangiwing saad niya, Nagkibit balikat itong
lumayo sa kanya at tumabi kay Vash na hindi pa rin inaalis ang atensyon sa libro.

"Trevor?" balik atensyon niya sa pagtatawag ng mga kamiyembro.

"Nandito ako." Sagot ni Trevor na kalalabas lang ng pantry at may dalang dalawang
baso ng juice, lumapit ito sa kanya at iniabot ang isa. "Here kaichou."

"Thanks." Nakangiting sabi niya, sumimsim muna siya bago inilapag sa bar counter
ang baso.

"Where is Tanner?" he asked.

Mula naman sa back door ay lumabas ang hinahanap niya.

"Sorry, I'm late." may ngiti sa mga labi nito, nag ungulan naman ang mga binatang
naroon.

"Ang pagong na miyembero ng host club." tudyo ni Xien, tinawanan lang ito ng binata
habang inaayos ang suot nitong pulang yukata.

"Okay, let's prepared, malapit na si Jared." Aniya na isinara ang planner at mahina
pang pumalakpak hudyat na upang sundin siya ng mga ito, kumilos naman ang mga ito
at ginawa ang mga kanya kanyang gawain na ibinigay niya sa mga ito. Tulad ng dati,
as their club president hindi pa rin nawawala ang pagiging lider niya sa mga ito.

"Yuan, can I change my clothes? I really hate this stuff." He heard Hunter
protested. matigas siyang umiling.

"This is our theme for the reunion, at dahil hindi ninyo ako binisita kahit isang
beses sa japan so I brought Japan culture here in happiness bar, isipin mong parusa
ko na rin yan sa'yo." sagot niya, gusto pa sana nitong magprotesta subalit tumunog
naman ang cellphone niya at nang mabasa ang text ni Jared ay muli siyang pumalakpak
at nagsalita.

"Parating na siya, let's get ready minna!

Nakangiting pinagmasdan ni Jared ang happiness bar nang eksaktong itinigil niya ang
sasakyan sa tapat ng gusaling iyon, it's been a while since he get there, ilang
taon na nga ba siyang hindi nakapunta sa acoustic bar na iyon ni Sky? Yeah, almost
eight years then, maraming nagbago sa lugar pero ang nararamamdaman niyang
kasiyahan ng masilayan niya ang lugar ay hindi kailanman nagbago, maraming alaala
ang nabuo roon kasama ang mga kaibigan niya.

He was Jared Dalton, half French and half Filipino. He was born in France but his
parents moved in the Philippines when he was five years old. Doon siya nakapag aral
at nakapagtapos ng kolehiyo but he decided to go back in France when he graduated
college, naroon kasi lahat ng pamilya niya at kamag anak at wala naman talaga
siyang balak na bumalik pa sa pilipinas subalit dahil pinilit siya ng kanyang ama
ay wala siyang nagawa.

Noon pa man ay pinipilit na siyang pabalikin ng ama para pamahalaan ang kumpanya
nito subalit hindi niya maiwan ang kanyang trabaho noon, he wants to build his own
company hindi dahil may tulong ng iba. Siya kasi yung tipo ng tao na gustong
paghirapan muna ang lahat bago marating ang tuktok ng tagumpay, nagsimula siya sa
wala, kahit na mayaman sila ay hindi siya humingi ng tulong sa pamilya niya.
pumasok siya bilang empleyado sa isang investment company sa France hanggang sa
tumaas ng tumaas ang posisyon niya, now he got himself into the highest society
because of his dedication and hard work. Masasabi niya sa sarili niyang
pinaghirapan niya ang lahat ng iyon ng walang tulong ng iba, ni ang sariling
pamilya niya na kung tutuusin ay kaya naman siyang suportahan.

And now he had his own investment company in France, his company was one of the top
companies in Europe kaya masayang masaya siya dahil lahat ng tagumpay niya ay dahil
sa pagsisikap niya. He even featured in magazine as one of the richest young
bachelor. Pagkababa niya ng sasakyan ay eksakto namang tumunog ang cellphone niya,
he walked besides the building to answer his call, importante iyon at hindi pwedeng
may makarinig sa magiging usapan nila.

Hindi pinansin ni Kaycee ang lalaking naglakad sa gilid ng gusaling


iyon, sa pag aakalang isa lamang iyong costumer ng bar na iyon ay nagpatuloy siya
sa paglalakad.

Bigla ay nakaramdam siya ng pagkahilo dahil na rin siguro sa nainom niya kanina,
saglit siyang tumigil at sumandal sa itim na sasakyang nakaparada. She bent her
knees para saglit na sulyapan ang mukha sa side mirror, her face were all red.
Namumungay na rin ang mga mata niya dahil sa mga nainom niya at sa matagal na
pagkakaiyak.

Nagbuga siya ng hangin, she was never been upset before, hindi niya akalain na
magkakaganoon siya, and only because of Philip.

Muli siyang naglakad, nagpakawala pa siya ng malalim na buntong hininga bago


tumapat sa pinto ng bar na iyon. I hope this place would help me to forget the pain
I feel inside.

Mahigpit niyang hinawakan ang seradura ng pinto at mariing binuksan

"Welcome!!!" kasabay ng sigawan na iyon ay pagputok ng confetti at tunog ng


torotot.

Ganon na lamang ang panggigilalas ni Kaycee, Where am I? Nasa edo era ba ako?

Wari'y nagtime travel siya sa bansang Japan, mula sa set up ng lugar hanggang sa
suot ng mga lalaki ay tila nasa land of the rising sun nga siya subalit iisa lang
ang nakaagaw sa atensyon niya. Men in front of her were really stunning creatures,
kahit na balot na balot ang katawan ng mga ito ng mainit na yukata ay hindi
maipagkakailang naggagwapuhan ang mga ito at aaminin niya na bagay pa rin sa mga
ito ang damit na iyon.

Napansin niyang natigilan ang mga ito at tila napipilan, hindi naman niya alam kung
bakit.

"Okay, send me the reports and I'll review it later." Jared said,
pagakatapos niyon ay pinatay na rin niya ang cellphone niya, kausap niya ang isang
source niya sa kumpanya ng daddy niya.
umuwi lang siya sa pilipinas dahil pinakiusapan siya ng amang may sakit na
pamahalaan pansamantala ang kumpanya nito dahil nangangamba itong bigla na lamang
bumagsak ang JD Corporation na matagal nang nage-exist sa corporate world. JDC is a
known construction company in the country.

Nang maalala ang bagay na iyon ay hindi niya napigilang mag aalala, nalaman kasi
niya na simula ng magkasakit ang ama ay nagkaroon ng maraming problema ang
kumpanya, kaya nga napaaga ang pag uwi niya para mag imbestiga. Gusto niyang
malaman kung mayroon bang nangyayaring katiwalian sa loob ng JDC.

Kailangan din niyang humingi ng tulong kay Xien, nang maalala ang pinsan ay kaagad
na bumalik siya sa sasakyan para kunin ang ilang documents na maaari nitong gawing
reference sa gagawin nitong pag iimbestiga.

"Ito na ba ang Vampire host club" ani Kaycee sa sarili habang gulat pa ring
nakatingin sa mga gwapong lalaki, nasa harapan niya ang isa sa mga host guy na
makakatulong sa kanya upang manumbalik sa dati ang nobyo niya, she can't help
herself foreseen the positive result, siguro by next week ay kasama na niya si
Philip at pinagtutuunan na siya ng atensyon nito, mararamdaman na muli niya ang
pagiging sweet at maaalalahanin nito lalong lalo na ang pagmamahal nito. ipakikita
nito sa kanya na mas mahalaga siya kaysa sa trabaho nito.

Tuwang tuwa siyang isipin at nae-excite na siyang mangyari ang bagay na iyon.

Go Kaycee! For the sake of your happiness, her friends and family might think she'd
lost her mind, but she decided already, that's the only way to get her boyfriend's
attention.

I can do it...I can do it...

"Hi! Do you have drinks here?" simula niya, kailangan siguro niyang magkaron pa ng
lakas ng loob at sa pamamagitan ng alak ay maiaangat ang tiwala niya sa sarili.

Nakita niyang nagkatinginan ang mga ito na ipinagtataka talaga niya. napansin din
niya na wala yatang balak na entertain-in siya ng mga gwapong host men.

Hindi kaya may ibang event na ginagawa ang mga ito?

"Well, I'm a costumer. Aren't you entertain me?" she said

"Excuse me, actually we were not-"

Nagsalita siya at pinigilan niya ang gusto sanang sabihin ng isang gwapong host
guy.

"I can triple my pay."

Nagkatinginan naman ang mga ito at halatang nagulat sa sinabi niya, well, sino bang
may sabing hindi niya kayang bayaran ang serbisyo ng mga ito.

"I want you to entertain me, sing a song for me or dance in front of me. I want to
forget my problems tonight, just only for tonight." May bahid na kalungkutan sa
huling sinabi niya, muling nagkatinginan ang mga ito. Naiinis naman siya dahil wala
yatang alam gawin ang mga ito kundi tumunganga sa harap niya at magtinginan.

"What are you waiting for?! Can't you see kanina pa ako nakatayo dito at
nangangalay na ako, wala man lang bang mag aalok ng champagne or wine sa inyo?"
sarkastikong wika niya, lalo namang nagulat ang mga ito at muli na namang
nagtinginan. Ano bang klaseng host club ito? Imbis na ma entertain ang costumer
lalo lang naiimbyerna. Gwapo nga ang mga ito, ang i-slow naman!

"Host men supposed to know how to entertain their costumers." she said in
irritating voice.

Muli sanang magsasalita ang gwapong host men na sa tingin niya ay siyang leader ng
mga ito subalit may nagsalita mula sa likuran niya.

####################################
CHAPTER THREE
####################################

"What's going on here?" a voice asked behind her, hindi niya alam kung bakit tila
may ibang hatid na dulot ang boses ng lalaking iyon sa pandinig niya, his voice
could make her antibiotic, it can keeps her pain away.

Dahan dahan siyang nagbaling at sinulyapan ang nagmamay ari ng magandang boses na
iyon, subalit nawala rin ang paghangang iyon ng masilayan niya ang mukha niyo.

Ang mayabang na lalaki!

"You?!" sabi niya na may kasama pang pagturo, So, isa pala siya sa mga host club
men. Ho ho ho! Wala na siyang maipagmamayabang....

"Do you know me?" kunot noong tanong nito pagkuwan ay tumingin sa mga lalaki na
tahimik lang na nakatingin sa kanila. Kibit balikat lang ang isinagot ng mga ito.

Nainis naman siya sa sinabi nito, mukhang nagkakaila pa ito.

"Oh bakit? Hindi mo ba akalain na magkikita pa tayo?" sarkastikong saad niya, lalo
namang nangunot ang noo nito.

"What?"

What-what ka dyan! Buking ka na no! tse!

"Pretending na hindi alam ang sinasabi ko?" nakataas ang isang kilay na pakli niya,
Saglit niyang tinitigan ang lalaki, hindi talaga maipagkakailang gwapo ito, she
could describe him in five words, Impossibly rude and impossibly handsome!

"I really don't know what you're talking about." napipikong untag nito, inis na
inirapan lang niya ito, wala siyang panahon para makipagtalo dito, maglalakad sana
siya papasok para maupo nang pigilan nito ang braso niya.

Takang sinulyapan niya ang magandang kamay na nakahawak sa braso niya pagkuwan ay
sinulyapan ang nagmamay ari niyon, when she met that dark eyes, her pulse was
pounding like crazy, it faster than the ordinary beat.

Crap! She also felt something weird run over her veins dahil sa simpleng paghawak
nito sa kanyang braso. Bigla ay naguluhan siya kung bakit niya naramdaman iyon.

"Where are you going?" he asked seriously, bahagya siyang nailang sa mga tingin
nito.

No Kaycee! H'wag kang magpapaapekto sa lalaking yan!

"Uupo dahil nangangalay na ako." Mataray na sabi niya, nakita niyang sinulyapan
nito ang mga paa niya, hindi niya alam kung bakit nag iba ang timpla ng mood nito,
tila ba lumambot ang matigas na ekspresyon sa mukha nito.

Ano bang mayron sa sapatos na suot niya? sapatos iyon na bigay pa sa kanya ng hindi
niya kilalang tao.

"Hey kung makatitig ka naman sa sapatos ko parang type mo pa yata?" sarkastikong


saad niya, narinig niya ang pagbungis ngisan ng mga lalaki sa likuran niya, iyon
naman ang pagseryoso muli ng lalaki.

"What do you mean? Tell me I'm a gay and you will see what I can do to you."

Tumaas ang isang kilay niya

"Shut up! Luma na ang style mo, ano? hahalikan mo ako para mapatunayan mong tunay
kang lalaki?" Sarkastiko pa ring pakli niya, muling nagbungis ngisan ang mga lalaki
sa likuran niya, wari'y nasisiyahan sa nasasaksihan, sinulyapan niya ang mga ito at
nagsalita.

"Do you have a wine?" tanong niya sa mga ito, nagsalita ang isa

"Marami kami nyan dito, ano bang gusto mo white wine o red wine?" tanong ng
matangkad na lalaki na may magandang mga mata. He could be a perfect samurai prince
in edo era while holding a wooden sword.

"We also have hard drinks here." nakangiting sabad naman ng matangkad at maputing
lalaki, mukhang nagsimula nang mag entertain ang mga ito.

"Xien, Reed...shut up!" narinig niyang wika ng lalaki sa likuran niya, inis na
nilingon niya ito.

"Ikaw ang magtigil dyan, mabuti pa sila magaling mag-entertain ng guest unlike you
napakabrusko! Akala mo kung sino na. Gwapo ka lang no!" mataray na sabi niya at
muling sinulyapan ang mga lalaki.

"Ladies drink na lang siguro." Aniya

"May margarita dyan, iyon na lang ang ibigay mo sa kanya." sabi naman ng lalaking
may magandang ngiti. She could be a perfect model for toothpaste commercial.

"Hai hai." kikilos sana ang mukhang korean hottie nang pigilan ito ng lalaki.

"Kaizer, Einar, don't dare." Banta nito

"Bakit ba nakikialam ka?" pikong untag niya

"Oo nga naman dude, hindi naman siguro masama kung makiki join siya sa'tin. Mga
harmless naman tayo." Sabad ng lalaki na mukhang modelo naman sa mga mens
magazines, iyong puhunan ay ang magandang katawan nito.

"Oo, kami harmless pero ikaw, hindi siguro." Sabat ng lalaki sa tabi nito.

"Stop it Hunter, Trevor was right."


"Kaichou naman, mabait naman ako." Katwiran ng lalaking tinawag na Hunter.

Nakikinig pa siya sa usapan ng mga ito ng magsalita ang lalaki sa likuran niya.

"We're not accepting costumers right now, right Sky?" anito at bumaling sa isang
host guy na may nakasukbit na gitara sa balikat.

"Yes, two days nang close ang bar dahil sa preparation na ito at nagtataka rin ako
kung bakit hindi niya nabasa ang salitang close sa labas ng bar." Kaswal na saad
nito, lihim na napahiya naman si Kaycee, hindi niya napansin ang bagay na iyon
kanina, nakalutang kasi ang utak niya nang pumasok siya kanina doon.

"But I insist. I want red wine." Pagmamatigas niya, naroon na rin naman siya bakit
hindi pa siya entertain-in ng mga ito, "Hey you, host guy with a guitar." Tawag
niya sa lalaking tinawag na Sky.

"Me?" takang tanong nito na tinuro pa ang sarili, ekseheradong napabuga siya ng
hangin.

"Yes, sing me a song." demanding na untag niya, bumaling naman siya sa lalaking may
hawak na libro at gwapo pa rin kahit na may salamin sa mata. "You four-eyed host
guy." Turo naman niya dito

"What? You call me four-eyed host guy?"

"Uh-huh, who else do you know? Ikaw lang naman ang may makapal na salamin dito
hindi ba?" sarkastikong saad niya, hindi niya alam kung bakit tuluyan na siyang
nairita sa mga ito. as a costumer kanina pa dapat siya in-entertain ng mga ito.
masama naman ang inungol nito subalit hindi na nagsalita pa.

"Can you give me red wine? I'll give you tip for that." utos niya, bumaling naman
siya sa ibang host guy na manghang mangha habang nakatingin sa kanya.

"So, wala pa rin ba kayong balak na entertain-in ako?" prangkang tanong niya,
naramdaman naman niya ang paghila sa braso niya.

"Sorry guys pero ako ng bahala sa kanya." seryosong sabi nito

Tahimik na naupo siya sa stool habang ang lalaki ay binigyan siya ng black coffee.

Kunot noong nagsalita siya, "Ang sabi ko red wine hindi kape." angil niya

"Naubusan kami ng red wine" kaswal na sagot nito, napasimangot siya

"Ano namang klaseng club ito at nauubusan kayo ng red wine, Ayoko ng kape, hard
drinks na lang." reklamo niya at isinauli ang baso ng kape, natapon pa iyon sa
kamay nito ng padaskol niyang ibigay dito.

"Ouch!" bulalas nito nang mapaso ang kamay, pantay ang mga kilay nito na tumingin
sa kanya.

"Kasalanan mo yan, ayaw mong sundin ang gusto ko eh." Nakaingos na sabi niya

"What?!"

"Gusto ko ng hard drinks" giit niya, marahas na nagbuga ito ng hangin at muling
ibinigay sa kanya ang kape.

"Uminom ka na muna at tatawag ako ng taxi para makauwi ka na. hindi mo alam ang mga
sinasabi mo."

Pagkabigay nito ng kape ay akma siya nitong iiwanan ngunit pinigilan niya ito sa
kamay.

"Ayokong umuwi! Bigyan mo ako ng hard drinks" asik niya, nakita niya ang pagkayamot
nito.

"Look miss, you're drunk and you don't know what you're talking about. Hindi ka
dapat nandito, umuwi ka na at matulog, tatawag ako ng taxi sa ayaw at sa gusto mo."
napipikong saad nito at iniwanan na siya ng tuluyan, naiwan naman siyang napupuyos
ang dibdib.

Bakit ba napakapakialamero ng lalaking iyon? iniisip ba nito na wala siyang


pambayad sa club na iyon? naalala pa niya ang huling sinabi nito noon.

"Never mind, this is too expensive."

Gigil na nakuyom niya ang mga palad, ganon ba siya nito minamaliit? pwes! Makikita
niya....

Sinulyapan muna niya ang lalaki at nakita niyang kausap nito ang ibang host men,
sinamantala niya ang paguusap ng mga ito at umalis sa pwesto, naglakad siya sa
likod ng bar counter at mabilis siyang kumuha ng isang bote ng wine sa estante ng
bar.

Walang kahirap hirap na binuksan niya ang bote ng wine at mabilis na nilagok,
napangiwi siya sa tindi at tapang ng alak na gumuhit pa yata sa lalamunan niya.

Halos mangalahati iyon nang tigilan niya, pakiramdam niya ay namanhid ang buong
kalamnan niya at sinapian siya ng masamang espiritu.

Naglakad siya palapit sa lalaki at sa ibang host men habang hawak pa ang bote ng
wine.

"Excuse me, wala bang magi-entertain sa'kin dito?" agaw ni Kaycee sa


atensyon ng mga host men.

"Shit!" narinig niyang bulalas ng lalaki na kanina pa niya napapansing nakikialam


sa kanya.

Tinaasan niya ito ng kilay nang makita niyang palapit ito sa kanya. Akma nitong
aagawin ang bote sa kamay niya ng iiwas niya iyon.

"Damn it! Give me that." asik nito ngunit nagmatigas siya.

"Ayoko!"

"You're not supposed to be here, go home and go to sleep!" His tone was demanding,
bahagya siyang napapitlag ngunit hindi niya iyon pinahalata, pinatigas niya ang
mukha niya sa abot ng kanyang makakaya, napapahiya na siya sa mga ito ngunit iba na
rin ang takbo ng isipan niya dahil na rin sa mga nainom niya.

Naroon na rin naman siya kaya wala ng atrasan pa. mas mahalaga sa kanya ngayon ang
ideyang nasa isip niya upang maayos ang relasyon nila ni Philip kaysa sa kahihiyang
iyon.
"Hindi ako nagpunta dito para pauwiin mo lang! at sa kung inaakala mong hindi ko
kayang bayaran ang alak na ito ay nagkakamali ka! at para sabihin ko sa'yo kaya rin
kitang bilhin no!" sarkastikong turan niya, nakita niya ang pagdilim ng mukha nito
kasabay ng pagkagulat ng ibang naroon. Eh ano? Kaya naman talaga niya itong bilhin,
kung ito man ang pinakamahal na host guy roon, mamulubi man siya ay babayaran niya
ito kahit magkano h'wag lang siyang mapahiya.

Natigilan at mukhang nainsulto, Good! Mabuti nga sa'yo at nainsulto ko ang pagkatao
mo, kulang pa nga yan eh.....aniya

"Hindi mo alam ang mga sinasabi mo." seryosong sabi nito

"I know what I'm talking about, wala kang maipagmamalaki sa'kin because you're just
a host guy and everybody can get you, well I can buy you too!" Prangkang saad niya,
lalong nag igting ang mga bagang nito ngunit hindi niya alam kung bakit biglang nag
iba ang ekspresyon nito.

"Oh really? Baka hindi mo kaya ang presyo ko." sarkastikong saad nito.

Umusok ang ilong niya, hayan na naman, umarangkada na naman ang kayabangan nito.

"Bakit magkano ka ba?" tanong niya na nasa tono ang pang iinis.

Tumaas ang sulok ng labi nito.

"I'm priceless..pero kung para sa'yo I'll give it for free, hindi naman ako
mapili." Sagot nito, napaawang ang labi niya, parang nahuhulaan na niya ang gusto
nitong sabihin subalit hindi siya nagpatalo, kung asaran lang naman ay magaling din
naman siya doon.

"Nevermind, I have a taste at kung ikaw lang din naman h'wag na lang" singhal niya

Nawala ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito at napaltan ng paniningkit ng mga
mata.

"What did you say?"

Lumayo siya ng kaunti dito at muling tinungga ang bote, in-straight niya ang laman
na para bang tubig lang ang iniinom.

Nakita niya ang pag ngiwi nito at ng ibang host men habang nakatingin sa kanya.
iyon ang kailangan niya upang magkaron ng lakas ng loob. Malakas ang kapangyarihan
ng alak para mawala ang kahihiyan na nararamdaman niya.

"Ang sabi ko wala ka sa kalingkingan ng lalaking gusto ko, you're not my type" pang
iinis niya dito, kahit na kasinungalingan naman ang mga sinasabi niya, kahit na
napapaligiran siya ngayon ng mga naggagwapuhang lalaki ito pa rin ang namumukod
tangi sa paningin niya, he had the power to made her knees crumbled by simply
looking at her.

Pero dahil naiinis siya sa pagiging pakealamero nito at kayabangan ay


pinaglalabanan niya ang katotohanang attracted naman talaga siya dito.

Sino namang babae ang hindi kakabahan kapag nakita ang ka look-a-like ni Brandon
Rout? Geez, he was outstandingly handsome guy!

Ibinabalik lang din naman niya ang sinabi nito sa kanya, nainsulto kaya siya sa
sinabi nito kaya pinararanas lang niya kung paano mainsulto.
Tila nagtagumpay naman siya nang makita ang pagkalukot ng mukha nito, yes napipikon
na siya...It's time for revenge!

Gagantihan muna niya ito sa kayabangan nito bago ang totoong pakay niya.

"Yes, kung panghuli ka man sa listahan ng lalaking gugustuhin ko, sinasabi ko sa'yo
maubos man ang pambura sa mundo pipilitin pa rin kitang burahin!"

Tagumpay! Hindi umimik ang lalaki subalit kitang kita niya ang pag ngalit ng mga
ngipin nito sa labis na inis sa kanya.

Lihim siyang nagdiwang, nakaganti na siya kaya kailangan na niyang harapin ang
totoong dahilan ng pagpunta niya roon.

Humarap siya sa ibang host men na manghang mangha nang balingan niya, mabilis na
umepekto ang alak sa kanya kaya pasuray suray na siya ng lumapit sa mga ito.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, I came here not to enjoy myself or anything.
Nagpunta ako dito para humingi ng tulong sa isa sa inyo. Nakasalalay rito ang buhay
at kinabukasan ko" Aniya.

Nabwusit naman siya nang parang mga langgam na nagpulasan ang mga host men
pagkatapos ng sinabi niya, narinig niya ang mahinang pagtawa ng lalaki sa likuran
niya na halatang nang iinis lang.

"Paano ba yan? Walang gustong tumulong sa'yo." pang aasar pa nito, binalingan niya
ito at pinukulan ng masamang tingin.

Sumipol ito at ngumiti ng nakakaloko.

"Oh, I'm scared..." he said sarcastically, inirapan niya ito

Sa inis niya ay inubos niya ang laman ng boteng hawak niya, sa ginawa niya ay
umikot ang paningin niya subalit hindi niya iyon pinansin, inis na binalingan niya
ang lalaki.

"Shut up!" asik niya, nakangiti lang ito ng nakakaloko kaya lalong nag usok ang
bumbunan niya ngunit hindi niya ito pinansin, naglakad siya sa isa sa mga silid
roon upang puntahan ang ibang host men na pumasok roon.

"Don't enter that room, trespassing ka na. Umuwi ka na at kung ano man ang problema
mo. Itulog mo na lang." komento nito at hinila siya palabas.

Nagpumiglas siya "Bakit naroon ba ang mga matronang babae na binabayaran kayo para
aliwin sila? Sabihin mo sa'kin kung magkano ang ibinabayad nila at tutumbasan ko.
kailangan ko ng tulong ng isa sa inyo kaya ako narito."

Hindi nito pinansin ang sinabi niya at muli siyang hinila palabas, nasa pintuan na
sila ng muling nagpumiglas siya, hindi siya pwedeng umuwi hangga't hindi niya
naisasagawa ang unang hakbang sa plano niya, kung hindi siya makakakuha ng lalaking
magpapanggap bilang nobyo niya ay hindi niya masisimulan ang mga plano niya para
magkaayos sila ni Philip.

Nang makabitiw siya sa pagkakahawak nito ay patakbo siyang nagtungo sa silid


subalit hindi pa niya nabubuksan ang pinto ng silid na iyon ay mabilis na nahigit
ng lalaki ang kamay niya.

Hindi na rin siya nakapagpumiglas pa ng bigla na lamang siyang buhatin nito,


ibinaba lang siya ng nasa tapat na siya ng pintuan.
Maituring man siyang desperada ng mga taong makakaalam ng mga plano niya ay wala
siyang pakealam, mahal na mahal niya si Philip at iyon lang ang tanging paraan niya
para malaman niya kung mahal pa rin ba siya nito, iyon din ang paraan para maging
masaya muli siya. Gusto niyang marealize ng nobyo niya na mahal siya nito at hindi
nito kayang mawala siya sa buhay nito.

Wala na siyang choice kundi pababain ang sarili, kahit na naiinis siya sa lalaking
kaharap ay ito lang ang huling pag asa niya, kahit labag sa loob niya ay hihingi
siya ng tulong dito para sa nais niya.

Nagulat ito ng hawakan niya ang dalawang kamay nito

"Please, kung hindi nila ako kayang tulungan siguro naman may puso ka para tulungan
ako." Aniya na kinain na ang lahat ng natitirang kahihiyan sa sarili

"What?!" gulat na bulalas nito

"I need your help mister and you are my last hope. Please help me, I can give you
whatever you want, my money, My cellphone..,lahat ng mahahalagang bagay dito sa bag
ko, ibibigay ko sa'yo pumayag ka lang na tulungan ako." nagmamakaawang saad niya,
baka sakaling maawa din ito at tulungan siya sa problema niya, kunot noong lumayo
sa kanya ang lalaki at nagsalita

"You're a crazy woman." Komento nito

"Oo baliw na kung baliw pero ito lang ang tangi kong paraan para maging masaya ako
kaya please tulungan mo ako, ikaw lang ang makakatulong sa'kin."

Nabuhayan siya ng pag asa ng makita niyang nakangiting lumapit sa kanya ang lalaki,
may puso rin pala siya. hindi naman pala siya mahirap pakiusapan.

"You need my help?" tanong nito, sunod sunod na tumango siya.

"I desperately need your help mister." She answered.

Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat at tumingin sa kanyang mga mata.

"You desperately need my help?" ulit nito sa sinabi niya, muling tumango siya,
nakangiti na rin siya dahil mukhang papayag na ito sa pakiusap niya.

####################################
CHAPTER FOUR
####################################

Nagulat si Kaycee nang bigla na lamang siyang itinulak palabas ng pinto ng lalaki.

"Wala akong panahon para dyan, humanap ka ng ibang lalaking tutulong sa problema
mo." pagkasabi ay isinara nito ang pinto, narinig pa niya ang pag lock nito sa
pinto.
Inis na inis naman siya sa lalaki.

"Bwusit ka!" gigil na gigil na sigaw niya, hindi pa siya nakuntento. Pinagbabayo pa
niya ang pinto sa labas at nagsalita.

"Ang yabang mo! walang magkakagusto sa isang katulad mo na ubod ng yabang! Baliw!"
sigaw niya, inis na inis pa rin siya habang hinahampas ang labas ng pinto nang
bigla na lamang bumukas muli iyon.

Bumungad sa kanya ang gwapong mukha ng lalaki at ang nakapagkit na nakakalokong


ngiti sa mga labi nito.

"Excuse me! You're disturbing our celebration, will you please stop that and go
home crazy woman" anito at animo asong gala siyang pinapalayas sa harap ng pinto.

Tuluyan na siyang sumabog, gigil na tinadyakan niya ang binti nito.

"Wala kang kwenta! You're only a host guy period!" gigil na untag niya at mabilis
na naglakad palayo sa lalaki kahit na rinig pa rin niya ang pagdaing nito dahil sa
malakas na pagsipa niya sa paa nito.

Nang makalayo ay doon lang din niya naramdaman ang pag iinit ng mga mata niya,
umiiyak na naglakad siya.

Pagkatapos niyang kainin ang lahat ng kahihiyan niya ay wala pa rin nangyari,
umiiyak na naglakad siya.

"Napakayabang niya! Akala mo kung sino na!" umiiyak na bulong niya, tumigil siya
sandali ng makaramdam ng pagkahilo.

Ngayon lang niya nararamdaman ang epekto ng ininom niya kanina. Umiikot na talaga
ang paningin niya subalit kailangan na niyang umuwi, pinilit niyang maglakad kahit
na ramdam niyang hindi na tuwid ang paglalakad niya hanggang sa kusang bumigay ang
katawan niya at bumagsak siya.

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Jared ng maisara niya ang pinto, Am I
being rude to her? Siya rin ang babaeng nakaengkwentro niya noong isang araw, hindi
rin maganda ang naging pagkikita nila. Bakit parang hindi ko maintindihan ang
sarili ko nitong mga huling araw? Hindi naman siya ganon sa ibang tao, he was a
nice person and he was known for being a good hearted guy. Bakit parang hindi niya
makilala ang sarili niya simula ng dumating siya sa bansa, simula ng makilala niya
ang babaeng iyon?

Should I say sorry to her? Hindi niya namalayan na binuksan muli niya ang pinto at
swerteng nakita pa niya ang babae.

Hindi pa ito nakakalayo, naiiling na naglakad siya papalapit dito pero bago pa siya
makapagsalita ay bigla na lamang itong tumigil at bumagsak, mabilis naman na nasalo
niya ito, salamat na lang pala at kick boxing ang sports niya dahil mas bumilis ang
reflex action niya.

Masakit ang ulo ni Kaycee nang maalimpungatan, nayakap niya ang sarili ng
makaramdam ng lamig, pikit ang isang mata na iginala niya ang paningin sa paligid,
napakunot ang noo niya ng makitang tila hindi pamilyar ang lugar sa kanya. tuluyan
niyang binuksan ang mga mata, doon lang niya napagtanto na nasa loob siya ng isang
sasakyan, weird! kailan pa ako nagkaroon ng sarili kong sasakyan?
Ah, siguro ay nananaginip lang siya kaya muli niyang ipinikit ang mga mata upang
matulog subalit masyadong malakas ang hangin na nagmumula sa aircon, nilalamig na
nayakap muli niya ang sarili at pilit na natulog ngunit hindi pa nakatatagal ang
pagpikit niya ng maramdaman niya ang isang makapal na bagay at tila may taong naawa
sa kanya at kinumutan siya.

Ang sweet naman ni mommy.

"Thanks mom." Anas niya na bahagyang sinulyapan ito, ganon na lamang ang
panggigilalas niya ng hindi ang mukha ng mommy niya ang makita niya kundi isang
malaking bulto ng lalaki. sa sobrang gulat niya ay napatayo siya.

"Aray..." nakangiwing daing niya habang hinihimas ang ulo na nauntog sa bubong ng
sasakyan.

"Thank God, you're awake." Anang baritonong tinig, medyo madilim sa loob ng
sasakyan at tanging lamp post lang ang nagsisilbing liwanag sa paligid pero
magkaganon man, kilalang kilala niya ang lalaki.

"Ikaw? Anong ginawa mo sa'kin?" nanlalaki ang mga matang tanong niya

"Wala akong ginawa sa'yo lalong walang gagawin sa'yo?" may inis sa tinig nito

"Pero bakit ako nandito? Anong ginagawa ko dito?" aniya na napatuwid ng upo, tama
pala ang nakita niya kanina, hindi siya nananaginip dahil nasa loob nga siya ng
sasakyan.

"Well, if you don't remember nawalan ka ng malay dahil sa sobrang kalasingan mo at


dahil mabait ako at hindi ko kayang iwanan ka dyan sa kalyeng natutulog ay narito
ka sa sasakyan ko and if you don't know miss it's already three am in the morning,
gusto ko na ring magpahinga at wala akong balak na matulog dito sa sasakyan ko lalo
na't at kasama ka." mahabang litanya nito, napaawang ang labi niya sa sobrang inis
sa huling sinabi nito.

"Ah ganon? Napakayabang mo talaga. Akala mo kung sino kang gwapo? Kahit na ikaw na
lang ang pinakagwapo sa mundo ay nunca kitang pagiinteresan no." yamot na sabi
niya, hindi niya alam kung bakit bigla na lamang itong tumawa.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

"Wala." Anito habang tumatawa

"Eh baliw ka naman pala eh, tumatawa ka ng walang dahilan?" napipikong untag niya

"Saan ka nakatira?" pagkuwan ay tanong nito

"At bakit? Ipapa-hunting mo ako dahil sa mga sinabi ko?"

"Hindi ko na kailangang gawin iyon dahil dito pa lang kaya ko ng gawin ang iniisip
mo."

Nanlalaki ang mga matang nayakap niya ng di oras ang sarili, nangunot naman ang noo
nito.

"May taste ako sa babae." Kaswal na sabi nito, nagets naman niya ang sinabi nito,
awang ang labing nahampas niya ito.

"Ouch!"
"Ang kapal mo talaga! Hindi porke't gwapo ka may karapatan ka ng insultuhin ang
pagkababae ko. May taste din ako no!" Ekseheradong sabi niya, muli na naman niyang
narinig ang pagtawa nito.

"You're so funny, did you know that?"

"No, ang alam ko maganda lang ako at hindi nakakatawa." Pikong sabi niya, naiiling
na binuhay nito ang sasakyan

"Okay, Saan ka nga nakatira?"

"Bakit ba interesado kang malaman kung saan ako nakatira?" taas ang isang kilay na
tanong niya

"Ihahatid kita sa inyo, delikado na sa daan kung pababayaan kitang mag isa lalo na
at nakainom ka pa." kaswal na sabi nito, napipilan siya, she find him so sweet. Nag
aalala ito sa kanya kahit na hindi pa naman sila ganong magkakilala.

Masyado siyang naapektuhan sa simpleng ginawa nito kaya naibigay niya dito ang
address niya.

Nasa daan na sila nito nang muli itong magsalita.

"If you don't mind, bakit kailangan mo ng tulong ng isa sa mga host men?" tanong
nito, sinulyapan niya ito at nakita niyang nasa pagmamaneho ang atensyon nito kaya
hindi nito nakita ang paglambong ng mukha niya.

"Kung sasabihin ko ba sa'yo matutulungan mo ako?" aniya, ekseheradong napatingin


ito sa gawi niya subalit hindi nagsalita ng makitang seryoso siya, narinig na lang
niya ang pagbuga nito ng hangin

"Depende kung gaano kabigat ang problema mo." sagot nito, hmm. Kaya pala nilang mag
usap ng hindi nag aasaran.

"I want to hire a host man." aniya, nagulat siya ng bigla na lamang itong magpreno
"Ano ba? magdahan dahan ka naman." asik niya, napahawak siya ng mahigpit sa suot
niyang seatbelt.

"What? You want to hire a host man? For what?" gulat na tanong nito

"Para maging boyfriend ko." kaswal na sagot niya

"What?! Are you out of your mind miss?" bulalas nito, inis na inirapan niya ito

"Kaycee..."

"What?"

"Kaycee Pasigay ang pangalan ko." Aniya "Oo alam kong kabaliwan ang sinasabi ko
pero iyon lang ang paraan ko para bumalik sa dati ang magandang relasyon namin ng
boyfriend ko."

"I don't get it, you want to hire a boyfriend but actually you do have a boyfriend
right now." Kunot noong saad nito, wala naman siyang nagawa kundi ipaliwanag dito
ang lahat, ang nanlalamig na relasyon nila ni Philip at kung paano niya gustong
gustong maibalik sa dati ang relasyon nila ng nobyo.

Tila naliwanagan naman ito sa sinabi niya, muli nitong pinaandar ang sasakyan at
tahimik na nagmaneho.
"That's the only way to fix our relationship. So matutulungan mo ba ako?" tanong
niya

"What help do you want from me?"

"Be my boyfriend." Diretsong sabi niya, he looked at her with disbelief in his face
sa kabila niyon nakita niya ang pagtaas ng isang sulok ng labi nito.

"Akala ko ba hindi ka interesado sa'kin? Nasaan na ang taste na sinasabi mo?" pang
aasar nito, lihim na nakurot niya ang sarili, oo nga pala nasabi niya iyon kanina
dahil sa inis niya sa lalaki. Bumalik tuloy sa kanya ang lahat ng sinabi niya.

"Babayaran naman kita, sabihin mo lang. Handa akong magbayad kahit magkano." Aniya,
tumingin ito sa kanya this time ay seryoso na, tila pinag aaralan siya kung tiyak
ba ang lahat ng sinasabi niya, hindi naman niya alam kung bakit nailang siya bigla
sa mga titig nito.

"Bakit ba ganyan ka makatingin? H'wag mong isipin na wala akong pambayad sa'yo."
inis na sabi niya, inaalis niya ang sarili niya sa atraksyong nakikita niya sa
kaharap.

"Ano pumapayag ka na ba?"

"I'll think about it."

Inis na inirapan niya ito, inaakala siguro nitong wala nga siyang pambayad.

"We're here." anito, nakita niyang nasa tapat na siya ng bahay niya, may sasabihin
pa sana siya dito ng ipagtulakan na siya nitong ibaba.

"Baba na, masyado nang gabi." Anito, wala na siyang nagawa kaya bumaba na rin siya.

"Mornight." sabi nito pagkuwan ay mabilis na ring pinaandar ang sasakyan.

"Ibang klase ang lalaking iyon." inis na bulong niya.

"How's going on, Xien?" tanong ni Jared sa kanyang pinsan na nasa kabilang linya.

"Dude confirmed! You would not believe what I discovered." He answered, napaayos
siya ng upo at binitawan ang hawak niyang baso na may lamang red wine. Magi isang
linggo na siyang nasa bansa subalit hindi pa rin siya nagpapakilala bilang acting
president ng JDC at magpapakilala lamang siya at tatayong presidente ng kumpanya ng
ama kung mawawala na ang mga kurakot na empleyado doon.

Matapos kasi niyang mapag aralan ang lahat ng nangyayaring transactions sa loob at
labas ng kumapanya, nadiskubre niyang malaki ang nawawalang pera at hindi
nakaindicate sa system kung saan at paano nagamit ang pera which is very suspicious
dahil lahat dapat ng perang galing sa kumpanya ay naka input sa system.

"What is that? Tell me Xien, who is the suspect?" his jaws tighten, hindi na siya
makapaghintay na malaman kung sino ang utak ng corruption sa loob ng kumpanya ng
kanyang ama. Malaman lang niya kung sino-sino iyon sisiguraduhin niyang sa kulungan
babagsak ang mga ito.
Hindi alam ng mga ito kung anong paghihirap ang ginawa ng kanyang ama para lamang
maitaguyod ang kumpanyang iyon, dugo't pawis ang ipinuhunan ng ama kaya hanggang sa
panahong iyon ay nag e-exist ang JDC.

Nang sabihin nito ang pangalan at mga kasabwat ay napamura siya

"Shit! I can't believe it!"

"Yeah, it was the shittiest thing I've ever discovered. He was the mastermind
behind the conspiracy and corruption inside the company." Xien agreed with him,
Xien Leighton was a former FBI agent, halos limang taon din itong nagtrabaho sa US
department of justice sa America bilang young detective agent ngunit nang manganib
ang buhay nito isang beses ay pinatigil ito ng mga magulang nito at pinauwi ng
pilipinas.

Humingi siya ng tulong dito noong isang linggo para magimbestiga.

"Okay, ibigay mo sa'kin ang lahat ng documents at ebidensya na magpapatunay na sila


ang salarin." Aniya

"Okay, no problem." Anito

"Xien can you give me the whole profile of the suspects and their family back
ground?"

"Sure, I'll send it now in your e-mail." He said, tamang tama dahil nakaharap siya
ngayon sa lap top niya, he open his email, kaagad niyang nareceive ang email ni
Xien, pinag aralan at isa isa niyang binasa ang background ng mga pinaghihinalaang
kasabwat ng mastermind.
####################################
CHAPTER FIVE
####################################

"Ano naman ang nakain mo at binisita mo ako dito?" nakangiting wika ng kaibigan
niyang si Reinne ng salubungin siya sa lobby ng JD corporation, marketing staff ito
sa malaking construction company na iyon kung saan nagtatrabaho din ang nobyo niya.

Napansin nito ang bitbit niya, "Para din ba sa'kin yan? Nag abala ka pa." anito,
nahiya naman siya sa kaibigan.

"Actually para kay Philip talaga to, gusto ko lang na iabot mo sa kanya."
nahihiyang pakli niya saka iniabot ang box ng chocolate cake. Limang araw na itong
hindi nagpaparamdam sa kanya simula noong hindi ito sumipot sa date nila, miss na
miss na niya ang nobyo at may mahalagang bagay din siyang ipinunta roon.

"Ah, okay." nakangiting sabi ng kaibigan subalit napansin niya ang disappointment
sa mukha nito. "Ikaw na ngayon ang bumibisita sa kanya? may problema na naman ba
kayo ng lalaking iyon?" nakasimangot na nitong tanong ng mabanggit ang huling
sinabi, malalim na napabuntong hininga siya.

"Gusto ko lang siyang makausap Reinne, maaari mo ba siyang tawagin at sunduin sa


opisina niya?" pakiusap niya sa kaibigan, hindi kasi basta basta nagpapapasok sa
kumpanyang iyon, kailangan pa ng approval ng taong bibisitahin niya.

"Hindi mo maiistorbo si Philip lalo na ngayon." anito


"Bakit?"

Nagpalinga linga muna ito bago bumulong sa kanya

"Bali-balita dito na dumating na raw ang anak ng presidente ng kumpanyang ito na si


JD." Simula nito

"So?" nakataas ang isang kilay na anas niya, umiling ito at muling bumulong

"Hindi mo kasi naiintindihan bhez, ilang buwan ng walang namamahala sa JD


Corporation dahil sa pagkakasakit ng presidente namin at dahil din doon ay bali-
balita rin ang sabwatan at corruption dito sa loob ng kumpanya." Kwento pa nito,
na-curious siya kaya hindi na siya kumibo at nakinig na lang.

"Kaya naman papalit muna as an acting president ang nag iisang anak ni president
Dalton na si JD na nagmula pa sa paris France at balitang magsu-surprise audit
ngayong linggong ito, the big problem is we don't have any idea who's JD, wala pang
nakakakita sa kanya dahil matagal na tumira sa france ang papalit na presidente na
balita ring may sariling kumpanya doon, kaya naman lahat dito ay maingat sa lahat
ng kilos dahil baka hindi namin inaasahan na nakakasalamuha na pala namin siya."

Base sa kwento ng kaibigan iisa lang ang naiisip niya, mukhang lalong hindi siya
mapagtutuunan ng pansin ng nobyo dahil sa problemang kinakaharap ng kumpanyang
iyon.

"Ganon ba? mukhang hindi ko pala makakausap si Philip ngayon." laglag ang balikat
na wika niya, tinapik nito ang balikat niya.

"I think so, busy iyon pero kung gusto mo siyang makausap, this Saturday JD
corporation will having a party gathering kung gusto mo sumama ka sa'kin para
makita si Philip at ng makilala mo rin ang bagong presidente namin."

Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ng kaibigan

"Really? thank you bhez!" masayang pakli niya at wala sa oras na niyakap ito.

"I want to see you happy bhez at alam kong iyon ang ikasasaya mo." nakangiting
sagot nito.

"Thank you! best friend talaga kita"

Masayang lumabas ng JDC Building si Kaycee, paghahandaan niyang mabuti ang


pagkikita nila ng nobyo sa darating na sabado.

Hindi pa siya nakakalayo sa entrance ng building ng makuha ang atensyon niya sa


tumigil na sasakyan sa tapat niya, ganon na lamang ang paghanga niya ng bumaba doon
ang isang gwapong lalaki, he was wearing a black suit and it was really suits on
him, a real bachelor. pero bigla rin siyang natigilan ng maisip na tila pamilyar sa
kanya ang mukha nito, alam niyang nakita na niya ito kung saan at hindi lang niya
ito matandaan.

Sinundan pa niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa loob ng building.

Bakit kaya madalas naman yata siyang makakita ng gwapong lalaki? Isang linggo na
rin ang nakakalipas ng makapasok siya ng lungga ng mga gwapong lalaki, ang host
club na punong puno ng gwapong host men.

Aaminin niya na hindi naman kagwapuhan si Philip, isang tipikal na lalaki lang ang
nobyo niya pero may sarili naman itong aspeto na maaaring ikaangat sa iba pang
lalaki.

Nagkibit balikat na lamang siya ng mawala sa paningin niya ang gwapong lalaking
iyon at akmang maglalakad na ulit subalit sa pagharap niya ay hindi niya inaasahang
may nakaharang na pala sa daraanan niya.

Kamuntikan na siyang mapasigaw dahil sa gulat, malapad na bulto ng lalaki kasi ang
bumungad sa kanya, sa pagkakatanda niya ay wala namang tao sa labas ng building na
iyon kanina maliban sa nakasalubong niyang gwapong lalaki kanina.

"Baka magka stiff neck ka?" komento nito, dahil likas na matangkad ang kaharap niya
ay kinailangan pa niyang tumingala para tingnan ang mukha nito.

Ganon na lamang ang panggigilalas niya ng makita niya ang lalaking host guy, the
man who invade her mind for a week, hindi niya maintindihan na sa kabila ng inis
niya dito at pagsaway niya sa sarili ay patuloy na sumisingit ito sa isip niya.
ewan ba niya pero may kakaiba talagang epekto ito sa kanya sa tuwing makikita niya.

"I-ikaw?!" Gusto niyang kurutin ang sarili dahil nabulol pa siya sa harap nito.
"What are you doing here?" tanong niya ng makabawi.

"Kailangan ko bang sagutin ang tanong mo?" supladong sagot nito, inis na inirapan
niya ito.

"Hindi, hindi rin naman ako interesadong malaman." Inis na untag niya, narinig niya
ang mahinang pagtawa nito.

"Anong nakakatawa?" kunot noong tanong niya pero deep inside her, may lumevel up
yata sa kaloob looban niya ng marinig niya ang pagtawa nito.

"Nothing." Tumatawang sagot pa rin nito, shocks! Bakit gusto ko siyang tumatawa ng
ganon? Bakit pakiramdam ko nawala ang lahat ng inis ko sa kanya?

No Kaycee! Stop it! Lihim na pinilig niya ang ulo.

"Wala? Baliw ka pala eh!" asik niya, "Dyan ka na nga!" aniya na tumalikod na
subalit hindi pa siya nakakalayo ng tawagin siya nito.

"Wait!" tawag nito.

"Ano?!" inis na wika niya, her heart triplicated in time when she saw his grin.

"Uhn, take care." anito, hindi yata niya napaghandaan ang pagtahip ng dibdib niya,
pakiwari niya ay nag init ang punong tainga niya.

"Bye." He said, nakataas pa rin ang isang sulok ng labi nito habang kumaway sa
kanya, hindi niya alam kung nang aasar ba ito o hindi pero ganon pa man ay iba ang
naging dulot niyon sa kanya.

"Baliw!" aniya na nagmartsa na palayo sa lalaki, baka mapansin nitong natataranta


na siya.

Palaisipan naman kay Jared ang pagkikita muli nila ng babaeng iyon, nakakapagtakang
doon pa sila nagkita at galing ito sa loob ng building ng JDC.

Ano kayang ginagawa niya sa building na ito? Dito rin ba siya nagtatrabaho? Baka
may kakilala lang ito roon? Napakislot siya nang may magsalita sa likuran niya.

"Long time no see." a man said behind him, naagaw naman ang atensyon niya ng
mabosesan niya ang tinig na iyon, kahit na matagal na niya itong hindi nakita at
nakausap ay kilalang kilala niya ang boses niyon, like a voice from hell.

Nang sulyapan niya ito, nakita niya ang matalik na kaibigan ng kanyang ama at
ninong niya. His name is Joey Garcia that behind his calm and serene smile was a
man of lies and selfishness.

"Why are you here? Bakit hindi ka pumasok sa loob ng kumpanya mo?" nakangiting sabi
nito, lihim na nagtagis ang mga bagang niya. He had never spoken to him for a long
time at gaya ng dati hindi pa rin niya feel kausap ang matandang lalaking kaharap.

"It's my father's company not mine." He corrected him, narinig niya ang mahinang
pagtawa nito

"You're the same kid I know, anyway hindi naman magtatagal ay sa'yo rin ipamamana
ni Jhonny ang kumpanya niya." komento nito, he smirked.

"I know, kaya nga hangga't maaari ay iisa-isahin kong mapatalsik ang anay sa
kumpanyang ito." seryosong sabi niya, napansin niyang natigilan ito at saglit na
sumeryoso pagkuwan ay muling ngumiti.

"That's a clever thing to do." Nakangiting komento nito subalit tila hindi naman
iyon umabot sa mga mata nito.

"Yes, kahit sino pa siya sa kumpanyang ito. I'll make sure na pagsisisihan niya ang
lahat ng ginagawa niya." aniya, nawala na nang tuluyan ang mga ngiti nito.

"Oh well, manang mana ka nga sa tatay mo." anito, "Oh paano kailangan ko ng umalis
dahil may meeting pa akong pupuntahan. Susuportahan kita sa kung anong gagawin mo."
paalam nito at naglakad na papalayo sa kanya.

Naiwan siyang kuyom ang mga palad, I'll make sure na mapapatalsik kita sa
kumpanyang ito.

Alam niyang mahihirapan siyang magawa iyon subalit kakayanin niya, for the sake of
his father's company.

"Jared." Naagaw naman ang atensyon niya ng tawagin siya ni Xien, binalingan naman
niya ito at ganon na lamang ang pagkunot ng noo niya ng mapansin niyang basang basa
ito habang naglalakad papalapit sa kanya.

"What happened to you?" he asked, naiiling na pinupunasan nito ang mukha.

"There's a monster inside your company." Naiiling na sabi nito halatang hindi rin
maganda ang mood.

"Ano?" takang tanong pa rin niya, "Bakit basang basa ka?" takang tanong niya

"May isang babaeng empleyado lang naman dyan ang nagbuhos sa'kin ng tubig." May
inis sa tinig nito, nangunot ang noo niya.

"What?"

"Never mind, h'wag na natin iyon pag usapan. Anyway, may nalaman ako." anito

"Okay, pag usapan natin sa sasakyan" yaya niya sa binata.

Hindi nagtagal ay lulan na sila ng sasakyan pabalik sa bahay nito, doon siya
pansamantalang tumitigil dahil hindi pa niya pinapaalam sa lahat na dumating na
siya maliban na lamang kay Joey Garcia na nakakita sa kanya kanina.

"Another termite has been terminated, so far tatlo na ang nagreresign sa kumpanya
at nagsabi ng nalalaman nila." Sabi ni Xien habang hinuhubad ang coat na suot nito.

"So iisa lang ba ang tinuturo nilang master mind."

"No, mayron pang isa." anito, napamaang siya.

"What do you mean?"

"Iyon din ang pinagtataka ko, noong unang magimbestiga ako, isa lang ang nakita
kong mastermind, kalahati ng pera ni uncle sa kumpanya ay napupunta sa initial name
na JG at alam nating si Joey Garcia ang taong iyon but the craziest thing is
there's someone else who had an initial JG inside the JD Corporation. Dalawa silang
naghahati sa pera. Iyon ang sinabi sa'kin ng huli kong nakausap." salaysay nito,
nakuyom niya ang mga palad.

"You mean may isa pang JG sa loob ng kumpanya?"

"Yes, walang alam ang mga nakausap ko kung sino ang JG na iyon, magaling na
computer hacker ang isang JG kaya hindi alam ni Joey Garcia na nilalamangan siya ng
isa pang JG."

"Damn! Naglalamangan silang mga buwaya, I can't wait to see who the other JG is"
tiim bagang na bulalas niya.

"Yes, dahil magaling na computer hacker ang isang JG, kailangan na nating humingi
ng tulong sa master hacker." Anito, naiintindihan niya ang pinsan, masyadong
delikado ang kalaban nila at para masigurado ring mailihim ang mga ginagawa nila ay
kailangan nila ng mas bihasa sa computer.

Si Kaizer Aldena, ang isa sa mga kaibigan nila at isa rin sa member ng Flower Boys
Host Club, ang front man ng sikat na Flower Prince Band. Ito lang ang tanging tao
na makakatulong sa kanya pagdating sa computer.

"Biglaan ang pagtawag mo? May kailangan ka?" bungad ni Kaizer kay Jared
ng dumating ito sa condo unit ng pinsan, tumayo siya sa pagkakaupo sa sofa at
sinalubong ang kaibigan.

"Kai, thanks at dumating ka." Nakangiting sabi niya na sinalubong ng yakap at


pagtapik sa likod.

"Of course, may kakaiba akong nararamdaman at alam mong malakas palagi ang kutob ko
sa gayan." Nakangiting sagot nito, iginiya niya itong maupo sa sofa at inalok ng
wine, tumanggi naman ito.

"I drinked 3 cups of coffee this afternoon baka samain ako." Natatawang sabi nito,
nagkibit balikat naman siya.

"Kamusta ang pagiging butler sa maid café?" narinig nilang tanong ni Xien,
kalalabas lang nito ng banyo na nakatapis lang ng twalya, tinutuyo nito ang buhok
sa pamamagitan ng isa pang twalya.

"Ayos lang." sagot nito subalit nangingislap ang mga mata nito, Kaizer looks happy.

Well, kahit na matagal siyang nawala sa bansa ay hindi siya nawawalan ng balita sa
mga kaibigan niya, alam niya kung gaano na kasikat ang banda nito na binuo lang din
nila noong college, ang tatlong myembro ng FP3 ay kilalang kilala sa loob at maging
sa labas ng bansa, pagdating naman sa love life ng mga ito ay hindi rin siya
nagpahuli sa balita, Kaizer and his fiancée Reika, the owner of the famous Maid
café will soon vow to each other, ganoon din si Sky Weinz, ang Gitarista ng FP3,
ang alam niya ay nagpropose na rin ito sa kababata nitong si Lowlah, ang nagimbento
sa miniature FP3 toys na ngayon ay mabentang mabenta sa kabataan, while Einar Park,
the most cheerful member of the host club and drummer of FP3, nabalitaan niyang sa
wakas ay nagkatuluyan na rin ito at si Kei, ang kakambal ni Kaizer. Einar was
hopelessly in love with Kei since they were in college, sa sobrang pagmamahal nga
nito sa babae ay nagconfess pa ito noon sa radio club sa university kaya lang ay
may nobyo na noon si Kei kaya wala rin nangyari kaya hindi niya inakalang ngayon
nga ay magkasintahan na ang dalawa.

Sabagay, walang imposible sa pag ibig. Love will find a way at wala itong
pinipiling oras o panahon, kung kayo ang para sa isa't isa. Kayo talaga ang
itinakda ng Diyos.

Hindi niya alam kung bakit sumingit sa balintataw niya ang mukha ng babaeng iyon.

Damn! Stop it Jared..

"Jared?" narinig niyang tawag sa kanya ni Kaizer, mahinang tapik ang umagaw sa
atensyon niya.

"Huh? Are you saying something?" gulat na tanong niya sa kaibigan, naiiling naman
na sumagot ito.

"Nah, malalim ang iniisip mo." Komento nito, kiniling niya ang ulo upang ifocus ang
sarili pagkuwan ay sumimsim ng red wine sa kopitang hawak.

"I'm sorry."

"It's okay, so tell me what's the reason behind that urgent call?" he asked

Hindi na rin siya nagpaligoy ligoy pa, sinabi naman niya dito ang tulong na
kailangan niya. Ilang documents naman ang pinakita ni Xien dito upang mas maunawaan
nito ang gagawing pagtulong. Nakuha naman kaagad ni Kaizer ang ibig niyang
mangyari.

"Okay I get it so when will I start?" tanong nito, nakangiting nagkatinginan naman
sila ni Xien.

"Yan ang gusto ko sa'yo Kai, aksyon kaagad." Nakatawang tapik ni Xien sa balikat
nito.

"Any way Jared, pupunta ka ba sa party gathering ng JDC this coming Saturday, gusto
ka nang ipakilala ni uncle sa buong empleyado niya."

Napapalatak Siya, "I don't know, sinabi ko naman kay daddy na h'wag siyang mainip
dahil malapit na rin naman akong makilala ng mga empleyado niya pero mukhang
nagaalala na siya sa nangyayari sa kumpanya." Aniya

"Hindi mo siya masisisi, sinabi mo na ba kay uncle ang mga nalalaman mo tungkol sa
mga corruption at kung sino ang mga corrupt employees niya?" tanong ni Xien

Umiling siya, "Not yet, baka makasama sa kalusugan niya ang mga malalaman, ayokong
iyon ang maging dahilan para lalong lumala ang kundisyon niya, dahil kung sino pa
ang mga pinagkakatiwalaan niya..siya pang tumatraydor sa kanya." Tiim bagang na
sabi niya.

####################################
CHAPTER SIX
####################################

Saturday night, Sa isang mamahaling Restaurant, naglalakad mag isa si Kaycee,


kasama dapat niya ang kaibigan na si Reinne subalit masama ang pakiramdam nito,
nagkataong may dysmenorrhea ang kaibigan pero ganonpaman kahit na hindi niya ito
kasama ay tumuloy pa rin siya, tutal mayron naman siyang invitation na galing dito.
Hindi niya mapigilan ang kabahan habang naglalakad sa parking lot ng restaurant na
iyon, nagpaganda talaga siya ng husto para mapansin ng nobyo atsaka may sorpresa
rin siyang hinanda para kay Philip, sana ay magustuhan iyon ng nobyo, inilabas niya
mula sa hand bag na dala niya ang maliit na kahon na naglalaman ng singsing na
binili niya noong isang araw, crazy it may sounds but she was decided to propose to
him, kung hindi nito kayang gawin ang bagay na iyon pwes siya kaya niyang gawin, if
she needs to do what men can do during marriage proposal, bakit hindi siya? Well,
men don't get the greatest deal out of a proposal, they just have to set up the
occasion, they have to get down on one knee, they have to asked the question, and
they have to buy ring. She can do all of that, kayang kaya niyang gawin iyon kung
kailangan. Mahal niya si Philip at iyon lang ang natitirang paraan niya para
malaman niyang mahal nga talaga siya nito.

Tinitigan niya ang singsing, It's a plain band with a tiny diamond in it, napangiti
siya subalit hindi iyon umabot sa kanyang mga mata, bilang babae...pangarap din
niyang makaranas ng marriage proposal sa lalaking mahal niya pero dahil desperada
na siya sa relasyon nila ni Philip ay siya na mismo ang gumawa ng lahat. Well,
palagi naman siyang nangunguna sa mga special occasions sa kanila ni Philip kaya
hindi na kataka takang maisipan niya ang bagay na iyon.

Ano man ang mangyari dapat ay magawa niya ang mga plano niya.

Nasa ganoon siyang pag iisip nang may malakas na bumusina sa likuran niya, halos
mapatalon siya sa gulat dahil doon.

"Ayy!" bulalas niya na nabitawan pa ang hawak na red pouch, inis na dinampot niya
iyon sa lupa at matalim na pinukulan ng tingin ang taong nakasakay sa itim na
sasakyan.

Nakita niyang bumaba roon ang isang matangkad at makisig na lalaki, nakadagdag ng
malakas nitong dating ang suot nitong pares ng gray suit, pakiramdam niya ay
bumisita sa bansa ang all time crush niyang si Brandon Rout, sa tindig at sa
pananamit nito ay hindi ito nalalayo sa gwapong amerikanong iyon.

Lihim siyang napanganga dahil sa labis nitong kagwapuhan, kahit na hindi pa niya
nakikita ng malapitan ang lalaki natitiyak niyang pinagpala ito ng Diyos.

Wala na sanang pasidlan ang nararamdaman niyang paghanga sa lalaki dahil wala na
yatang dadaig sa lakas ng dating nito.

Ngunit dagling nawala ang paghanga niyang iyon at napaltan ng pagkadismaya nang
tumapat ang lalaki sa ilaw na nagmumula sa lamp post.
Ito lang naman ang pinakamayabang na lalaking nabubuhay sa mundo.

Nang makalapit sa kanya ang lalaki ay walang anu-anong inihataw niya dito ang hawak
niyang pouch dahil sa inis, nagulat naman ito sa ginawa niya.

"Buwisit ka! papatayin mo ba ako?" asik niya, napaatras naman ito at nahimas ang
nasaktang dibdib.

"Hey, wala akong intensyon na gulatin ka at malay ko bang ikaw ang parang timang na
nakaharang dyan sa parking way." Angil nito

"Nakita mo namang naglalakad ako diba? Sana hinintay mo na lang akong makalampas sa
paparadahan mo!" asik niya, "Bakit ba nagmamadali ka? May ka date ka ba?" inis na
pakli niya, ngumiti ito ng nakakaloko.

"Why the interest?"

Ekseheradong lumaki ang mga mata niya pagkuwan ay kunway nagsuka siya

"Never kitang pag-i-interesan no!" As if naman na may ka date ka lang na matronang


mayaman! Eww! Inirapan niya ito at inayos ang sarili

"Nasira tuloy ang porma ko." inis na sabi niya habang inaayos ang sarili,
napakaganda pa naman niya sa suot niyang red flaming gown na hindi lalagpas sa
kanyang tuhod, it was daring yet so elegant, iyon talaga ang isinuot niya upang
maakit niya si Philip, gusto niyang mapansin siya nito sa gabing iyon at kasama na
rin iyon sa mga plano niya upang magtagumpay siya sa balak niyang pagbabalikan ng
masayang relasyon nila.

Napansin niyang pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa, tumaas ang isang kilay
niya

"Baka naman matunaw ako sa mga titig mo." pang uuyam niya, imbis na mapahiya ay
ngumiti pa ito ng nakakaloko.

"Saan mo namang ukay-ukay nabili ang suot mo?" ganting sagot nito

Gigil na tinadyakan niya ang binti nito

"How dare you! May pera ako para bumili ng mamahaling damit at hindi ito ukay-
ukay." Inis na saad niya, grabe na talaga kung maliitin siya ng lalaking ito! akala
mo kung sinong makapagsalita eh isa lang din namang host guy...

Nagkibit balikat lang ang lalaki pagkuwan ay muling nagsalita

"Well excuse me nakaharang ka po sa daraanan ng sasakyan ko." anito na bahagya


siyang itinulak palayo sa parking lot, nang uusok naman ang ilong niya at tinabig
ang kamay nito.

"Don't touch me! Tatabi ako kaya h'wag mo na akong hawakan pa." masungit na turan
niya, ngumiti lang ito ng nakakaloko pagkuwan ay naglakad ito pabalik sa sasakyan
nito.

Nakatingin lang siya dito habang ipina-park nito ang itim nitong sasakyan.

Paano kaya siya nagkasasakyan ng ganong kaganda? Mukhang mamahalin pa yata. Hmmm,
siguro hiniram lang niya para masabing gwapo siya. tse! O baka naman galing sa mga
matronang ini-escort service niya..Eww to the highest level!
Napangiwi siya nang mabuo pa sa isip niya ang ginagawa ng mayabang na host guy at
ng mga mayayamang matronang nakaka date nito.

Kadiri! Kinilabutan pa siya habang inalis sa isip ang mainit na eksenang iyon.

Naramdaman niya ang mahinang pagtapik sa noo niya, doon lang niya narealize na nasa
harap na muli niya ang lalaki.

"Stop fantasizing me woman if you want me we can talk it properly" pang aasar nito,
ekseheradong umikot ang eyeballs niya.

"Kadiri ka!" singhal niya, tumawa lang ito ng mahina, "Tumabi ka nga!" pikong tabig
niya sa lalaki at nagwalk out.

Hindi pa siya nakakalayo sa lalaki ng mamataan niya ang pagtigil ng isang sasakyan,
hindi siya maaaring magkamali, sasakyan iyon ni Philip.

Habang hinihintay niya ang pagbaba ng nobyo niya ay hindi niya pinansin ang
pagbangga ng isang malapad na bulto sa likuran niya at ang sinabi nito.

"Hey, h'wag ka ngang paharang harang sa daan." Anito, nang hindi siya magsalita ay
tumahimik ito at sinundan ang tinitingnan niya.

May sumilay na ngiti sa mga labi niya ng makita niya ang nobyo nang bumaba sa
sasakyan, akmang pupuntahan niya ito ng mula naman sa passenger's seat ay may
bumabang magandang babae.

Nawala ang mga ngiti sa kanyang labi at tila gumuho ang mundo niya, she wanted to
run towards them at sugurin ang mga ito at alamin kung anong relasyon ng dalawa
ngunit dahil mapagtimpi siya ay napigilan niya ang sarili, ang ayaw sa lahat ni
Philip ay ang maeskandalo ito lalo na ang masira ang pangalan nito kaya kung
susugurin niya ang mga ito baka lalong magalit ang nobyo niya, naramdaman na lang
niya ang pag iinit ng mga mata niya at ano mang sandali ay iiyak na siya.

Wala siyang maisip na matinong ideya kung papaanong gagawin.

"Hey, nakaharang ka sa daraanan ko, pwede bang tumabi tabi ka?" muli niyang narinig
ang tinig ng lalaki, halatang kinukuha nito ang atensyon niya. sa inis niya dahil
lalo nitong dinadagdagan ang bigat na nararamdaman niya ay siniko niya ito.

"H'wag ka ngang magulo." Asik niya

"Ugh." Narinig niyang ungol nito.

Eksakto namang pinukulan niya ito ng masamang tingin ng marinig niya ang pagtawag
ng nobyo niya

"Kaycee?!" tawag ni Philip sa kanya, nasa tinig ang galit. Bigla ay nataranta siya
at hindi alam ang gagawin, hindi niya napaghandaan iyon.

Dahil sa pagkataranta ay hindi na siya nakapag isip pa ng matino, hindi niya alam
kung bakit nahila niya ang lalaki papalapit sa kanya at bumulong.

"Please act like my date, mabilis lang ito pagkatapos ay babayaran kita kahit
magkano." Bulong niya, kita niya ang pagtataka ng lalaki.

"Kaycee?!" muling tawag ni Philip, kahit kinakabahan ay pinilit niyang magpaka


normal, lihim niyang siniko ang lalaki ng makita niyang papalapit ang nobyo.
Para namang wala sa sarili ang lalaki dahil tila hindi pa rin ito makaget over sa
sinabi niya at takang taka lang na nakatingin sa kanya.

Palapit na ng palapit si Philip sa kanila at wala pa rin katinag tinag ang lalaki
kaya naman wala na siyang nagawa kundi gigil na inapakan na lang ang paa nito.

Walang silbi...aniya sa isip

"Ouch!" bulalas nito at hindi sinasadyang mapahawak ito sa balikat niya.

Eksaktong napaakbay sa kanya ang lalaki ng makalapit sa kanila si Philip, kitang


kita niya na may galit sa mga mata nito.

Yes! nagseselos siya...nagseselos si Philip....

"Kaycee, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Philip sa kanya.

"I'm with him." Aniya na tinuro pa ang nakangiwing lalaki marahil dahil sa lakas ng
pagkapitpit niya sa paa nito, Kunot noo namang tiningnan ito ng nobyo.

"Sino naman siya?"

"Kakilala ko lang na nagtatrabaho din sa JD corporation, niyaya niya akong maging


date niya. hindi na ako nakatanggi pa dahil mapilit siya." aniya, narinig niya ang
mahinang pag ungol ng lalaki na halatang hindi nagustuhan ang sinabi niya,
tiningnan niya ito at lihim na pinanlakihan ng mga mata.

"He's an employee of JD Corporation? Lahat ng empleyado sa JDC ay halos kakilala


ko, hindi ko yata siya nakikita?" kunot noong tanong ng nobyo habang tiningnan mula
ulo hanggang paa ang lalaking kasama niya.

Lihim na nakagat niya ang ibabang labi, Ay stupid! Oo nga, bakit ba iyon ang nasabi
ko? ah, bahala na...

"Ah..ang alam ko ay nasa maintenance department siya kaya hindi mo talaga siya
nakikita." Paliwanag niya, narinig muli niya ang reaksyon nito, sa pagkakataong
iyon ay masama na ang ini-ungol nito, lihim na siniko lang niya ito at hindi
pinansin.

Narinig naman niya ang mahinang pagtawa ni Philip na halatang pinagtawanan ang
kasama niya.

"Oh really? Ang ganda ng porma ah? baka madaigan pa niya si boss JD mamya." anito
na muling sinulyapan mula ulo hanggang paa ang lalaki.

"Anyway, umuwi ka na Kaycee dahil hindi pwede ang outsider sa party na ito,
exclusive lang sa mga empleyado dahil ipakikilala sa amin ang anak ng presidente na
magiging temporary president ng JDC, request din iyon ni mr. Dalton." Anito at
itinuro ang entrance ng restaurant, nakita nga niya na identification card ng
company ang nagiging passes ng mga taong pumapasok roon.

Nanlumo naman siya, kung ganon pala ay hindi niya masusubaybayan ang mga kilos at
galaw ng nobyo at ng kasama nitong babae.

"Hindi ba tayo pwedeng mag usap?" tanong niya sa nobyo ng akma itong tatalikod

"Busy ako ngayon, next time na lang tayo mag usap." Pagkasabi nito ay naglakad na
ito pabalik sa babae.
Akmang susundan ni Kaycee ang nobyo ng pigilan siya sa braso ng lalaki, nang
balingan niya ay nakita niya ang madilim na anyo nito.

"Why did you tell those lies to him?" may inis sa tinig nito, "Kailan kita niyaya
at pinilit na makipagdate sa'kin?"

"Never happaned na niyaya mo akong makipag date sa'yo kaya lang gaya ng sinabi ko
sa'yo kailangan ko lang gawin iyon."

"And did you ask me if I want to help you or not?"

"Hindi" kagat labing sagot niya, ramdam niya ang pagkayamot nito

"Damn! Hindi mo ba nakita na pinagtawanan niya ako?" yamot na wika nito

Alangan namang sabihin kong host guy ka at mas nakakatawa iyon, gusto sana niyang
sabihin iyon ngunit nagsalita lang ulit ito.

"Mag iimbento ka lang din naman ng posisyon ko hindi mo pa ginandahan! Mukha ba


akong janitor sa hitsura ko?"

Gusto niyang tuktukan ang lalaki, iyon lang ba ang pinagpuputok ng butse nito?
aba't nagrereklamo lang pala dahil sa posisyong binanggit niya.

"Iyon ang pumasok sa isip ko, supervisor si Philip sa JDC at gaya ng sinabi niya
kanina kilala niya lahat ng empleyado doon, baka imbestigahan ka niya at malaman
niyang nagsisinungaling lang ako." paliwanag niya. hindi naman umimik ang lalaki na
mukhang naintindihan ang paliwanag niya.

"Sandali lang, kakausapin ko lang siya." aniya, inalis niya ang kamay nito sa braso
niya at mabilis na lumapit sa nobyo.

"Philip! Wait!" tawag niya sa nobyo, tumigil ito at kunot noong humarap sa kanya.

"What? Sinabi ko na sa'yong busy ako." anito, tila may humiwa sa puso niya ng
maramdaman niya ang pag iwas nito.

"Philip gusto lang kitang makausap, it's about us. Sa relasyon natin."

Nagulat siya ng bigla na lamang siya nitong hilahin at lumayo sa babaeng nakatayo
sa di kalayuan sa kanila.

"Damn it! Kaycee, may oras para sa mga bagay na iyan, nagmamadali ako." Mabagsik
ang anyong saad nito, bahagya siyang natakot sa anyo ng nobyo, nanibago siya sa
kinilos nito. Pakiramdam niya hindi na ito ang dating kasintahan niya.

"Pero sino ang babaeng kasama mo?" tanong niya na tinuro pa ang babae, pinipigilan
lang niya ang sarili niya na ilabas ang nararamdaman kahit na gustong gusto na
niyang umiyak.

"Katrabaho ko lang siya, h'wag kang magisip ng kung anu-ano." Anito

"Okay fine, pero hindi mo ba ako pwedeng ipakilala sa kanya?" giit niya, hindi niya
alam kung bakit nagdilim lalo ang anyo nito.

"Tigilan mo ang walang kwenta mong pagseselos na iyan Kaycee! Hindi kita niloloko,
kung ayaw mong masira ang relasyon natin dahil sa pagseselos mong yan, umuwi ka na
at magpahinga." Asik nito
Tuluyan nang nadurog ang puso ni Kaycee, kahit pigil na pigil niya ang mga luha ay
nagawa pa rin niyang magpakahinahon sa harap ng nobyo, kahit hindi maganda ang mga
nangyayari ng mga sandaling iyon ay itutuloy pa rin niya ang mga plano niya.

Mabilis niyang kinuha sa bag ang maliit na kahon pagkuwan ay hinawakan ang kamay ng
nobyo.

"Philip, I want to give you something." She said, kunot noo naman nitong tinanggap
iyon.

"What is this?" kunot noong tanong nito

"Buksan mo." aniya habang kabadong kabado, kitang kita niya ang pagkagulat sa mukha
ng nobyo ng masilayan ang laman ng maliit na kahon, it's the diamond ring.

"What is the meaning of this Kaycee?" he asked in a serious tone

Tila pinunit na papel ang puso niya na imbis na matuwa ito ay nakitaan niya ng
pagkayamot ang nobyo.

"Aren't you like it? If you don't want the design of the ring, we can return it to
the shop and you can choose whatever you will like." Kahit na nagdurugo na ang puso
niya ay pinasigla pa rin niya ang tinig niya upang ikubli ang nagbabantang mga
luha.

"I said, what's the meaning of this?"

"I want you to marry me, I'm doing this because I love you and I know you love me
too."

"Do you think I'm going to like this? You insulted my ego Kaycee, hindi porke't
mahal mo ako at mahal kita hindi mo dapat ginawa ito sa harap ko, kaya kong gawin
ang ginawa mo pero bakit hindi mo hinintay na ako ang gumawa nito, if everybody
knows this for sure they will laugh at me. Ayokong isipin nila na wala akong
kwentang lalaki."

"Hindi ko naman intensyong insultuhin ka, ang gusto ko lang malaman mo na mahal na
mahal kita kaya ako na mismo ang nagyayaya sa'yong magpakasal." Aniya na nakagat
ang ibabang labi upang pigilan ang nagbabantang luha sa kanyang mga mata.

"Philip, dumating na raw si boss JD." Agaw atensyong sabi ng babae sa di kalayuan.

"Okay! nandyan na! Tsaka na tayo mag usap Kaycee, umuwi ka na." anito na ibinalik
sa kanya ang kahon ng singsing, mabilis siya nitong iniwanan at pumasok na sa loob
ng restaurant.

Tuluyan na siyang umiyak, Tila dinurog ng pinong pino ang puso niya ng mga
sandaling iyon, hindi niya alam kung paano pa iyon mabubuong muli pagkatapos ng
ipinakita ng kanyang nobyo, isa lang ang napatunayan niya...mas mahalaga dito ang
trabaho nito kaysa sa kanya.

Lumulutang ang isip ni Kaycee habang naglalakad, gusto niyang sumigaw at ilabas ang
sakit na nararamdaman niya pero nanatiling tikom ang bibig niya habang tahimik na
lumuluha.

Sa paglalakad niya ay hindi niya napansin ang bultong nakaharang sa daraanan niya.

Bumangga na siya't lahat sa malapad na bultong iyon ay hindi pa rin mahupa hupa ang
pag iyak niya.
"I don't understand him. All I want is his attention. Bakit hindi niya magawang
ibigay iyon sa'kin." umiiyak na kausap niya sa sarili at hindi alintana na
naririnig siya nito. "Pinilit ko naman na intindihin at unawain siya pero bakit ako
ay hindi niya maintindihan? Oras at pagmamahal lang naman ang tanging kailangan ko
pero mas importante sa kanya ang trabaho niya kaysa sa'kin." aniya habang
yumuyugyog ang mga balikat niya, tila isa siyang batang munti na nagmamaktol.

Naramdaman na lamang niya ang mahigpit na pagyakap nito kaya naman lalo niyang
naibuhos ang sama ng loob sa nobyo, hindi nagsalita ang lalaki pero ramdam niya ang
masusuyong paghaplos nito sa buhok niya. Kahit papaano ay nababawasan ang sama ng
loob niya.

Matagal na umiyak siya sa harap ng lalaki pagkuwan ay lumayo siya dito at muling
naglakad, hindi niya alam kung saan siya pupunta, hindi na nga niya napansin na
nasa highway na pala siya.

####################################
CHAPTER SEVEN
####################################

Isang mahabang busina ang narinig ni Kaycee kasabay niyon ang paghila sa kanyang
kamay. Kaycee slipped and fell but the man hugging her closer for her protection.

Mabilis na dumaan ang isang delivery truck sa kanyang harapan, doon lang siya
nahimasmasan ng mapagtanto niyang nasa ibabaw siya ng lalaki, muli ay naramdaman
niya ang pamimigat ng mga mata niya at natagpuan na lamang niya na umiiyak habang
nakakulong sa mga bisig ng lalaki.

"Magpapakamatay ka ba?" may inis sa tinig nito subalit naroon pa rin ang pag
aalala, hindi siya umimik patuloy lang siyang umiyak, "Hindi pagpapakamatay ang
solusyon sa problema mo." Patuloy nito, lalo siyang umiyak sa mga bisig nito, hindi
naman ito nagreklamo kahit na nabasa na niya ng luha ang suit nito, he let her cry
in his arms.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na umiyak, lumayo lang siya dito ng
mahimasmasan siya.

Hindi pa rin siya kumikibo ng talikuran niya ito, akmang maglalakad na siya nang
bigla siyang hilahin nito.

"Saan mo ako dadalhin?" nagawa na niyang magsalita habang nagpahila sa lalaki,


tiningnan siya ng lalaki.

"Ihahatid kita pauwi." Seryosong saad nito, she was surprise.

"Bakit?" takang tanong niya, isinakay muna siya ng lalaki sa loob ng sasakyan nito
bago nagsalita.

"H'wag kang mag-isip ng kung anu-ano, tandaan mo may utang ka pa sa'kin dahil
pinagpanggap mo ako bilang ka date mo." Anito, napaawang naman ang labi niya.

Nakasakay na ito ng magsalita muli siya.

"Bakit mo nga ginagawa ito?"


"Konsyensya ko pa kung pauuwiin kitang mag isa. hindi ko alam na may pagka estupida
ka minsan."

Inis na natadyakan niya ng takong niya ang binti nito, nakuha pa nitong insultuhin
siya sa kabila ng pinagdaanan niya.

"Ouch! Ang sakit nun ha?" nakasimangot na pakli nito habang hinihimas ang binting
nasaktan.

Inirapan niya ito "I'm not stupid, I'm just in love with my boyfriend."

"Nah, if I was your man, I will never treat you like this." Anito, bahagya siyang
natigilan, tama ba ang narinig niya? If I was your man..I will never treat you like
this.. Parang ang sarap niyong pakinggan..masarap kaya itong magmahal? Hindi niya
alam kung bakit may kakaibang damdamin siyang naramdaman, hindi naman niya
mapangalanan kung ano iyon..

Habang lulan ng sasakyang iyon si Kaycee ay tahimik lang din siyang


nakatingin sa labas ng bintana habang ang isip naman niya ay tila naiwan sa
restaurant na iyon at iniisip ang nobyo at ang babaeng kasama nito, bigla ay
kumirot na naman ang puso niya at awtomatikong nanubig ang mga mata niya, hanggang
sa hindi na niya namalayan na umiiyak na pala siya.

"Hindi ko siya maintindihan, bakit hindi niya makita na kailangan ko siya" kausap
niya sa sarili habang lumuluha, "We've been together for two years now pero
pakiramdam ko mas lumalala ang relasyon namin at napapabayaan na niya ako, palagi
na lang niyang dahilan ang trabaho niya, dumaan ang maraming okasyon sa buhay ko,
ang birthday ko at ang anniversary namin pero hindi ko siya nakitaan ng effort
instead of celebrating that day together ayun at nasa office siya at nago-over
time. Minsan nasisisi ko tuloy ang JD na iyon! pakiramdam ko ay siya ang dahilan
kaya nagkakaganito ang relasyon namin ni Philip." Gigil na saad niya. Sa haba ng
sinabi niya ay doon lang niya narinig ang pag react ng lalaki na kanina lang ay
tahimik na nagmamaneho.

"Baka naman may ginagawa nang kakaiba yang boyfriend mo." komento ng lalaki,
matalim naman niya itong sinulyapan kahit na umiiyak pa rin siya.

"What do you mean? Niloloko niya ako?" asik niya, Nagkibit balikat lang ito.

"Ang sabihin mo simula ng magtrabaho sa JDC na iyon si Philip ay nag iba na siya,
hindi naman siya ganon dati, noon naman ay masaya kami at napakasweet niya sa'kin
pero nitong mga nakaraang buwan lang simula ng mapromote siya bilang accounting
supervisor pakiramdam ko ay naiatang na sa kanya lahat ng trabaho sa department
niya kaya napapabayaan ako ni Pilipe." Umiiyak na paliwanag niya. as usual,
pinagtatanggol na naman niya ang nobyo niya. napansin naman niya ang pagtahimik ng
binata kaya naman nagpatuloy lang siya.

"Mahal ako ni Philip kaya imposibleng niloloko niya ako." katwiran niya

"Kaya ba mas pinili nyang makasama ang babaeng katrabaho niya kaysa sa'yo? ni hindi
man lang ba niya inisip ang kalagayan mo? ni hindi ka na nga niya naalalang ihatid
sa inyo kahit na saglit lang, iyon ba ang lalaking sinasabi mong mahal ka?" untag
nito, tumagos naman iyon sa puso niya dahil totoo naman ang lahat ng sinabi nito,
tuloy ay parang bumuhos ang sama ng loob niya dahil nadagdagan ang bigat ng
nararamdaman niya sa sinabi nito.

Para siyang batang umatungal na lang bigla dahil napagalitan siya.


"Hey, nagbibiro lang ako. tumigil ka na please, ang sakit sa tainga ng pag iyak
mo." sabi nito, nakita naman niya ang nakangiwing lalaki habang binagalan ang
sasakyan at hindi nagtagal ay tumigil iyon sa tabi ng kalsada. Napansin niyang nasa
halera sila ng mga disco bar at restuarant.

"Nagbibiro? Kailangan mo bang magbiro sa babaeng katulad ko na tadtad na ng


problema sa buhay?!" asik niya pagkuwan ay inalis ang seatbelt at binuksan ang
pinto ng sasakyan, nagwalkout siya at iniwan ang lalaki.

"Hey! Where are you going?" he asked, kahit na naramdaman niya ang pagsunod nito ay
hindi niya ito pinansin.

Nakakita siya ng isang bar and restaurant at pumasok siya roon, kailangan niyang
kalimutan ang nangyari ngayong gabi kahit na pansamantala lang.

"I hate him right now but why I still love him!" umiiyak na sabi ni Kaycee habang
nakaupo sa isang sulok ng disco bar na iyon ngunit sa kabila ng ingay roon ay hindi
pa rin maiiwasan ang pagtinginan siya ng ibang tao roon lalo na iyong malalapit
lang sa upuan niya dahil sa malakas na boses niya at pagmumukmok niya.

"Hey, you're drunk. Let's go umuwi ka na." narinig niyang sabi ng lalaki habang
nakatingin sa kanya. hindi niya akalain na hanggang sa loob ng bar na iyon ay
sinundan siya ng lalaki.

"Umuwi kang mag isa mo! H'wag mo akong pakealaman." Asik niya, muli ay nilagok niya
ang bote ng beer na hawak niya, ekseheradong napabuntong hininga ang binata at
tahimik na nakatingin na lang sa kanya.

"If you want to know if he still loves you why don't you teach him a lesson that
will realize him everything especially you're importance." he commented, hindi na
yata ito nakatiis pa, kaagad na napasulyap siya sa binata at napaisip sa sinabi
nito, bakit parang pareho yata nitong mag isip ang kaibigan niyang si Reinne? May
point naman ang mga ito, bakit hindi nga niya turuan ng leksyon ang nobyo niyang si
Philip. Muli ay naisip na naman niya ang dating mga plano niya, ang umarkila ng
lalaking magpapanggap na manliligaw niya.

Kung bakit bigla ay napatingin siya sa lalaki ay hindi niya alam, well the man is
perfect for being her accomplice. Hindi lang ito perpektong maging kasabwat niya
dahil perfect din itong maging boyfriend material na maaari niyang idisplay kahit
kanino kahit sa mga kakilala nila ni Philip, bakit hindi? Eh mas gwapo yata ito sa
nobyo niya, oo aaminin na niya iyon at isa pa ibang klase rin ang dating nito,
kahit nga nagmumukmok siya kanina ay hindi pa rin nakaligtas sa kanya ang mga
paghangang tingin dito ng mga babae sa bar na iyon, the man was a real stunning
man. Hindi mapagkakamalan na isa pala itong host guy.

"Oh bakit ka ganyan makatingin?" kunot noong tanong ng lalaki, tumaas ang isang
sulok ng labi niya sa magandang ideyang pumasok sa isip niya, tutal naman ito rin
ang nagbigay ng ideyang iyon kaya kailangang tulungan siya nito.

"Napag isipan mo na ba ang dating alok ko sa'yo?" tanong niya sa lalaki

"Anong alok?" kunot noong tanong nito

"Ang maging fake boyfriend ko." Aniya.

"Hanggang ngayon ba naman ay nasa isip mo pa rin ang mga planong yan? Kung ako
sa'yo iwanan mo na ang lalaking iyon kaysa gumastos ka lang upang pagselosin ang
walang kwentang boyfriend mo." Inis na komento nito
"Pero subukan din natin ang planong iyon, baka magbago pa ang lahat." Aniya

"Paano kung hindi pa rin umubra?" tanong nito

"Eh di magpapatiwakal na lang ako." Mabilis na pagsagot niya, naramdaman niya ang
mahinang tampal sa noo niya.

"Stupid!" komento nito, napalabi siya

"Ano pumapayag ka na ba?" ulit na tanong niya.

Mabuti na lang ay tumunog ang cellphone ni Jared kaya nakaligtas siya sa gustong
sabihin pa ng babae sa kanya.

"Wait, I need to answer this phone call." Aniya

"H'wag kang tatakas ha." Sabi ng babae, ekseheradong napabuntong hininga na lang
siya pagkuwan ay saglit itong iniwanan.

"Hello." sagot ni Jared, lumabas siya sandali ng bar na iyon.

"Jared, where are you? kanina ka pa hinahanap ng daddy mo, hindi ba at kanina ka pa
dapat nasa party?" narinig niyang sabi ni Xien sa kanya

"Yeah, I supposed to be there right now but there's something happened kaya hindi
ako makakarating, ikaw muna ang magproxy sa'kin." anito, narinig niya ang
pagprotesta nito

"What?! Wala ako sa party na iyon. Nandito ako sa happiness bar, may importante
akong inaasikaso, tinawagan lang ako ni uncle dahil ang akala niya ay kasama kita."
Anito, mula sa kinatatayuan niya ay sinulyapan niya ang loob ng bar na iyon at
palibhasa ay salamin lang ang dingding niyon ay namataan niya ang babae habang
patayo sa puwesto nito. bigla ay naalarma siya ng may lumapit na lalaki dito.

"I can't go at the party, kailangan ko na rin magpaalam." Aniya at pinatay na rin
ang cellphone.

"Hi, may I dance with you?" ani ng lalaking iyon kay Kaycee, patayo
sana siya para sundan ang lalaking kasama niya, baka kasi tinakasan na siya nito.

"No thanks." Sagot niya at nagsimula na muling maglakad subalit nagulat siya ng
maramdaman niya ang mga kamay nito sa kanyang baywang.

"H'wag ka nang magpakipot miss. Kanina ko pa napapansin na nakatingin ka sa'kin


kaya alam kong type mo rin ako." anito, napaawang ang labi niya, aba'y ubod pala ng
yabang ang mukhang uod na lalaking ito! Dinaig pa ang gwapong lalaking kasama niya
sa kayabangan nito.

"Excuse me? I'm not looking at you, pwede bang tumingin ka muna sa salamin bago ka
magmayabang." Sarkastikong saad niya, nakita niya ang pagsingkit ng mga mata nito

"Kung magkapagsalita ka naman, hindi ka rin naman kagandahan." Anito, nanlaki ang
mga mata niya at ekseheradong napasinghap. "Halika na at magsayaw na tayo, bagay
lang tayong magsama at hindi iyong lalaking kasama mo. iyon sobrang gwapo kaya
siguradong niloloko ka lang niyon, ako hinding hindi kita lolokohin." Wika pa nito,
hindi naman siya nakapagreact ng hilahin na lamang siya bigla nito, hindi siya
makaget over sa mga naunang sinabi nito.
Hindi raw ako maganda sabi ng mukhang uod na lalaking ito? ano na bang hitsura ko?
naalala niya na kanina pa pala siya umiiyak kaya siguradong nabura na ang make up
niya kanina tapos idagdag pa ang pamumula ng mukha niya at pamumungay ng mga mata
niya dahil sa pagkalasing.

Oh talagang hindi na siya maganda kaya ipinagpalit na siya ni Philip sa magandang


babaeng iyon?

Hindi na naman niya napigilang umiyak, nagtaka naman ang lalaki kaya nabitawan siya
nito at takang tumingin sa kanya.

"Teka miss, wala akong ginagawang masama sa'yo." anito, nagulat siya ng may biglang
humila sa kanya.

"Don't touch this woman kung hindi makikita mo ang hinahanap mo." narinig niyang
wika ng lalaki mula sa likuran niya, nang balingan niya ito ay ganon na lamang ang
kakaibang naramdaman niya, pakiramdam niya ay hindi naging normal ang tibok ng puso
niya pagkakita sa nakakunot na binata habang nakatingin sa mukhang uod na lalaki.

Tila natakot naman ang lalaki sa kasama niya kaya mabilis itong umalis sa harapan
nila.

"Hey are you okay?" nag aalalang tanong nito, hindi niya alam kung para saan ang
paglundag ng puso niya ng makita ang pag aalala nito sa kanya.

Hinahanap ko lang kasi kay Philip ang ganong pag aalala kaya ganito ang naramdaman
ko ng makita ko siyang nag aalala sa'kin, so there's nothing special with this guy.
Paliwanag ng isip niya sa biglaang pagkalito niya.

Inalis niya ang kamay nito sa braso niya at walang anu-anong naglakad palabas ng
bar na iyon, kaagad na nanalamin siya sa side mirror ng sasakyan ng lalaki, ganon
na lamang ang panggigilalas niya ng makita ang hitsura niya.

Kaya pala, mukhang ewan na ako! paano kasi ay namumugto na pala ang mga mata niya
dahil sa kaiiyak simula pa kanina pagkatapos ay nagkalat na rin ang make up niya.

Kung bakit kasi napakaiyakin niya, hayun at umiiyak na naman siya. tama ang
lalaking iyon, ang panget panget ko na. Stop crying Kaycee!

Pano ba siya titigil kung ayaw naman tumigil ng mga luha niya.

"Nah, wala na bang katapusan yang pag iyak mo?" a voice said behind her, inis na
binalingan niya ito.

"Oo alam kong hindi ako maganda! Kaya nga siguro ako pinagpalit ni Philip sa
babaeng iyon. maganda siya, ako hindi!" umiiyak na sabi niya, para siyang nauupos
na kandila na napaupo sa gatter at hagulgol na humalukipkip.

"Hey, wala naman akong sinabing hindi ka maganda." Maang na sabi nito

"Ganon na rin iyon!" asik niya, "Kaya nga siguro nanlalamig siya sa'kin dahil ang
panget panget ko na." pagmumukmok niya, napansin niya ang pag upo ng lalaki sa
tapat niya, hindi niya alam kung maiinis o hahanga sa kagwapuhan nito habang
nakangiting nakatitig sa mukha niya. Bigla ay nailang siya ng hawakan nito ang
mukha niya, halos napakalapit na ng mukha nito sa mukha niya.

"Nasaan na ang nag uumapaw mong confidence? Hindi ba sabi mo noon maganda
ka?"simula nito habang nakatitig sa mga mata niya, tuso ang puso niya ng bigla na
naman iyong tumibok ng napakabilis. No Kaycee, tigilan mo ang puso mo!

"Oh eh ano naman ngayon?"

"Kasi totoo namang maganda ka, h'wag mong sayangin ang mga luha mo sa walang
kwentang bagay." masuyong sabi nito, her heart pounding so fast. So fast that she
couldn't think of anything to say, Pakiramdam niya ay lalagnatin rin siya sa
pamumula ng pisngi niya.

Ah Kaycee! Ano bang nangyayari sa'yo? Naniniwala ka ba sa sinasabi niya? aniya sa


sarili, Oo nga! Mang aasar lang yan kaya unahan mo na! sabi naman ng kabilang
bahagi ng utak niya.

Tama! Hindi dapat ako maniwala sa kanya. Inis na tinabig niya ang kamay nito.

"Tumigil ka nga! Kung mang aasar ka lang itigil mo na dahil hindi ka nakakatuwa."
Singhal niya, narinig niya ang pagpalatak nito. Tumayo ito at nakapamulsang
nakatingin pa rin sa kanya.

"Maganda ka pero kung ayaw mong maniwala bahala ka. Magmukmok ka dyan hanggang sa
pumanget ka." komento nito, inis na tumayo siya at nagsalita

"Alam ko naman na nagsisinungaling ka lang." aniya

"Paano mo naman nasisigurong nagsisinungaling lang ako? Gusto mo bang patunayan ko


iyon ngayon?" anito na nakapamulsa pa ring inilapit ang mukha nito sa mukha niya.

Damn! Para siyang tumakbo ng isang kilometro sa bilis ng pagtibok ng puso niya.
Bakit kaya madalas yata niyang maramdaman iyon ngayon at sa lalaki pang ito?

She bit her lower lips ng makita niyang nakatitig ito sa mga labi niya habang
napakalapit nila sa isa't isa.

Ano ka ba naman Kaycee? Nakalimutan mo na bang isa siyang host guy? Magaling siyang
mambola ng mga babae, expertise yata ng mga host men sa host club na iyon ang
pagkakaroon ng mamulaklak na dila.

Pero bakit may bahagi sa kanya na gustong paniwalaan ang mga sinasabi nito? Ah,
nalilito na talaga siya.

Nagpapasalamat siya ng ito ang kusang lumayo sa kanya, kaswal na sinulyapan nito
ang relo at muling tumingin sa kanya

"Gumagabi na, halika na at ihahatid na kita sa inyo." Anito, ganon na lamang ang
gulat niya ng hawakan nito ang kamay niya.

Hindi siya kumilos at nakatingin pa rin sa magkasalikop nilang mga kamay ng


bumaling ito sa kanya

"Ano pa bang hinihintay mo? halika na." yakag nito, napansin nito ang pagkakatingin
niya sa mga kamay nila, napaigtad siya ng pisilin nito ang palad niya.

"You need to get used to it from now on." anito

"Anong ibig mong sabihin?" maang na tanong niya

"Nah, ikaw ang nagsabi sa'kin na kailangan mo ng tulong ko hindi ba? Kailangan mo
ng magpapanggap na boyfriend mo. Napag isipan ko na at pumapayag na ako." anito,
nanggilalas siya sa sinabi nito. Bakit parang kay bilis naman nitong pumayag?
Hindi na siya nakapagsalita pa ng hilahin na siya nito

"Bakit naisipan mong pumayag sa alok ko?" tanong ni Kaycee, nasa loob na sila ng
sasakyan nito at binabagtas na nila ang daan patungo sa bahay niya.

Tumingin ito sa kanya at ngumiti.

"Wala lang, nabo-bore lang ako." kaswal na sabi nito

"What?!" So pampalipas oras lang pala ang pagpayag nito

"Hindi naman libre iyon, may bayad ang service ko at paghihirapan ko iyon." anito,
Ano pa nga bang aasahan niya sa isang host guy?

Hindi niya napigilang sulyapan ang lalaki, the man looks cool and calm while
driving.

Hindi niya alam kung bakit napako na nang tuluyan ang mga mata niya sa mukha ng
binata at namalayan na lamang niya na pinagmamasdan niya ang kabuuan ng mukha nito,
he has a perfect shape of a man's face, from his pointed nose to his deep set of
eyes but the most attractive in his features was his red and sexy lips, parang ang
sarap nitong humalik, hindi niya alam kung para saan ang kilig na nararamdaman
niya, sa isang iglap ay tila nahipnotismo siya sa binata.

And when he look at her she finds that her pulse was beating faster, kaagad niyang
binawi ang mga tingin at binaling ang atensyon sa labas ng bintana, hindi pa rin
mahupa hupa ang kabang nararamdaman niya.

"Gisingin mo na lang ako kapag nasa bahay na tayo, iidlip lang ako." aniya at pilit
na pinapakalma ang sarili

"Okay, sweetdreams, you want me to kiss you goodnight?" Anito, tumalikod siya sa
binata kaya hindi nito nakita ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya.

"Kiss-in mo mukha mo!" sagot niya, narinig niya ang mahinang pagtawa nito.
####################################
CHAPTER EIGHT
####################################

Kanina pa panay ang buntong hininga ni Jared, naihatid na niya si Kaycee sa bahay
nito at naroon siya sa happiness bar habang mag isang umiinon ng wine sa tapat ng
bar counter habang ang mga kaibigan naman niya ay magulong naglalaro ng billiards.

"You're supposed to be on your party" narinig niyang wika ni Xien mula sa likuran
niya, naupo ito sa katabing stool na kinauupuan niya. he sighed while holding the
glass of wine. Kanina pa niya hindi maintindihan ang sarili, hanggang ngayon kasi
ay nasa isip niya ang babaeng iyon.

Kanina ay halos sugurin niya ang nobyo nito ng tanggihan nito ang proposal ng
babae, hindi niya naikubli kanina ang galit na nararamdaman ng hindi niya
sinasadyang masaksihan ang tagpong iyon, hindi naman niya sinasadyang mapakinggan
at mapanood ang proposal ng babae, nagkataon lang na nasa malapit lang siya sa mga
ito.

Ang totoo, humanga siya dito dahil sa ginawa nito, bihira lang na makakita siya ng
babaeng kasing tapang nito. A girl marriage proposal...that's a rare thing.

Sa kabilang banda ay nakaramdam din siya ng inggit at inis sa lalaking iyon,


naiinggit siya dahil ang mga katulad nitong babae ang hinahanap niya, iyon hindi
natatakot ipakita ang totoong nararamdaman, yung hindi nahihiyang ipakita sa buong
mundo ang kayang gawin nito para lang sa mahal nito..at the same time naiinis naman
siya dahil sa ginawa nito sa babae, kitang kita niya kung paano nasaktan ang babae
at tila balewala lang sa lalaking iyon.

Ewan ba niya sa sarili kung bakit may malaking bahagi sa pagkatao niya ang
naapektuhan, tila mas nasasaktan siyang makitang umiiyak ito. Parang gusto niya
itong lapitan kanina at yakapin ng mahigpit, gusto niyang maibsan ang nadarama
nitong sakit at kung maaari lamang niyang agawin ang sakit na iyon ay gagawin
niya...

Kaya ba pumayag kang tulungan ito? Muli siyang bumuntong hininga

"Hey, what's bothering you Jared?" muling tanong ni Xien, umiling siya.

"Wala ito, nag aalala lang siguro ako sa nangyayari sa kumpanya." Pagsisinungaling
niya

"Ganon ba? Ginagawa ni Kai ang lahat para ma hack ang system ng kumpanya upang
mahanap niya ang pangalawang JG." Anito, tumango siya.

"Gusto ko ng malaman kung sino ang pangalawang JG na iyon." Aniya

"Malalaman din natin kung sino siya." Anito, tumango siya at tahimik na sumimsim ng
wine.

Bumalik siya sa pilipinas para tulungan ang kanyang ama..ano't ginugulo ng babaeng
iyon ang isip niya.

Araw ng lunes, nakarinig ng sunod sunod na busina ng sasakyan si


Kaycee, nasa silid siya at naghahanda para sa pagpasok sa opisina.

Maya maya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto at niluwa niyon ang kanyang ina.

"Kaycee, may naghahanap sa'yo sa ibaba." Anito, awtomatikong nangunot ang noo niya.

"Sino naman ang maghahanap sa'kin ng ganitong kaaga at lunes na lunes?" tanong
niya, imposibleng si Reinne dahil may pasok din ito sa JDC.

"Boyfriend mo daw." Sagot ng ina, hindi niya pinansin ang kalituhan sa mukha ng
ina.

"Si Philip?!" masayang napatayo siya sa kama at mabilis na lumabas ng pinto,


excited siyang makita ang nobyo, nasa hagdanan na siya ng maramdaman niya ang
pagsunod ng ina.

"Sandali Kaycee" pigil ng ina subalit nakababa na siya ng makita niya ang
nakatalikod na lalaki habang nakatunghay sa mga picture frame niya na nakapatong sa
narra divider.

Hindi ito si Philip, sigurado siya. Sa tindig pa lang ay malayong malayo na ito sa
nobyo niya. The man is about six feet tall samantalang ang nobyo niya ay tumaas
lang ng five seven. Malayong malayo rin ang pananamit nito kay Philip, kung ang
nobyo niya ay outdated na ang mga porma samantalang ang binatang nakatalikod ay
tila isa lamang modelo na handang rumampa sa entablado. The man has a fashion
sense. Indeed, he was the most gorgeous man in his long sleeves checkered and khaki
pants.

Nawala ang mga ngiti niya subalit ganon na lamang ang pag awang ng mga labi niya ng
humarap ang binata sa kanya, kahit nahulaan na niya kung sino ito iba pa rin talaga
ang lakas ng karisma nito ng humarap sa kanya, automatically the man smile at her.

"Good morning." he said while smiling, kung bakit ang aga aga ay nag init ang mga
pisngi niya pagkakita sa binata ay hindi niya alam, basta ang alam niya ay may
bahagi sa kanya na nagalak pagkakita dito.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya, gusto niyang kurutin ang sarili dahil
halatang nabubulol siya sa harap nito, intimidating kasi ang kagwapuhan niya eh.

"Sinusundo ang girlfriend ko para ihatid ka sa trabaho mo." sagot nito, she somehow
felt happy. Narinig niya ang pagsabad ng ina.

"Kaycee, what is the meaning of this? Kailan pa kayo naghiwalay ni Philip?" takang
tanong ng ina, binalingan naman niya ang ina.

"Ma, saka ko na ipaliliwanag sa inyo, aalis na ako." aniya at binitbit ang gamit

"Teka hindi ka pa nagbe-break fast hindi ba?" anito

"Hindi na ma', sa opisina na ako kakain." Aniya pagkatapos ay hinila na palabas ng


bahay ang binata.

"Anong pumasok sa isip mo at bigla ka na lang sumulpot sa bahay?" inis


na tanong ni Kaycee, nasa loob na siya ng sasakyan ng binata.

"As I've said earlier, sinusundo kita." Kaswal na sagot nito

"Eh bakit kasi hindi ka man lang nagpasabi na pupunta ka atsaka hindi rin mapigilan
yang bibig mo no? talagang pinangalandakan mo pati kay mommy na boyfriend kita."
Yamot pa ring untag niya, Nagkibit balikat ito

"Paano naman magiging kapani-paniwala ang pagpapanggap natin kung may makakaalam sa
totoong plano mo? mas mabuti nang satin na lang dalawa iyon, hindi ba?" sagot nito,
natahimik siya at napaisip. He has a point.

Mas mabuti nga sigurong sa kanila na lang dalawa ang sikretong iyon.

"Pasalamat ka at magaling akong accomplice mo." komento nito pagkuwan, inirapan


lang niya ito. "H'wag mo palang kalimutan ang talent fee ko. This is not free at
palaki ng palaki ang utang mo sa'kin."

"Oo na, babayaran kita kapag nagawa na natin ang mga plano." Nakasimangot na sabi
niya, tumawa lang ito ng mahina.

Nagulat si Kaycee nang tumigil ang sasakyan sa isang coffee shop.

"Anong gagawin natin dito?" takang tanong niya ng makitang pababa na ng sasakyan
ang binata.

"Hindi ka pa kumakain diba?." He said with a smile in his face, bahagya siyang
napipilan at napatitig sa gwapong mukha nito. She felt a twinge of happiness inside
her heart.

Bago siya makababa ay pinagbuksan pa siya ng pinto ng binata at aaminin niya na


nagustuhan niya ang pagiging gentleman nito.

Inalalayan pa siya nito papasok ng Maid café, she already heard the maid café
somewhere pero hindi niya akalain na ganon kaganda ang loob ng coffee shop na iyon,
pakiramdam niya ay pumasok siya sa mundo ng Alice in the wonderland. From the pink
and violet wall paints to the cute and cool things inside the shop was really
beautiful and catchy in her eyes, Natuwa rin siya sa mga costumes ng mga staffs ng
Maid café, all female staffs was wearing cute maid costumes that made the Maid café
more interesting to the costumers.

"Good morning, Masters!" pagbati ng mga staffs sa kanila, nang makaupo sila ay
nilapitan sila ng isang magandang babae, the girl was wearing pink maid costumes at
napansin niyang ito lang ang naiiba sa lahat.

"Here's the menu." She said while smiling at them, she also handed her the menu.
Kaagad naman niyang inabot iyon at ibinigay kay Jared, ewan niya kung ano ang
naramdaman niya ng makitang iba ang naging tingin ni Jared sa babae.

Tumikhim siya ng mapansin na wala yatang balak na tantanan ng tingin nito ang
magandang babae sa harapan nila na hindi yata nawawala ang mga ngiti sa mga labi.

"I want black coffee and two cheesebreads please." Pagkuwan ay saad ng binata

"Okay." isinulat naman ng babae ang order nito sa isang maliit na pink note book
pagkatapos ay tumingin sa kanya.

Napilitan naman siyang umorder kahit na gustong gusto na niyang umalis doon, paano
ba naman kasi ay hindi pa rin nawawala ang mga tingin ng lalaki sa babaeng mukhang
anime lang.

"One chocolate drink and cheese cake." Walang ganang sagot niya, nang maisulat nito
ang order niya ay nagpalaam na rin ito sa kanila at pumasok sa loob ng pantry.

Nakasimangot na sinulyapan niya ang binata sa tabi niya at huling huli niya na
sinusundan pa rin nito ng tingin ang babaeng pumasok sa loob ng pantry. Ewan ba
niya kung bakit sa inis niya ay gigil na inapakan niya ng takong niya ang paanan
nito.

"Ouch." Bulalas nito at nakangiwing binalingan siya, "What's that for?"

She rolled her eyeballs, "Kung makatingin ka naman sa babaeng iyon, wagas!"

"Oh, you sounds jelous, girlfriend." He said while grinning, nang makita ang
kakaibang ngiti nito sa kanya ay kaagad na dinepensahan niya ang sarili niya.

"Of course not! What I mean is simplehan mo naman ang mga tingin mo. obvious na
obvious naman na type mo ang babaeng iyon." aniya

"Ah, is that a comment or nagseselos ka pa rin?"

Ekseheradong nagbuga siya ng hangin habang pigil na pigil ang sariling tuluyang
tadyakan ang lalaking katabi.

"H'wag mong sirain ang umaga ko, pwede ba?" asik niya, tumawa lang ito.
Inirapan lang niya ito subalit lihim na napangiti siya.

Ilang minuto pa silang nag asaran nito ng may kumuha ng atensyon nila.

"Excuse me, here's your order." A voice of a man said in front of them, boses pa
lang nito ay nacurious na si Kaycee lalo na ng tunghayan niya ito. And then her
eyes widen her surprise, sino naman ang hindi panlalakihan ng mga mata kung
makakakita ka ng isang anghel na bumaba sa lupa, the man is a good looking guy
promise!

Kahit nakasuot ito ng butler costume ay mas lalong naging kaakit akit ito sa
paningin ng makakakita at dahil sila pa lang ang costumer sa shop ay solong solo
niyang pagsawaang tingnan ang lalaki.

But this man in front of her was familiar, she saw him somewhere.

"Sabi na nga ba kaya parang pamilyar sa'kin ang babaeng iyon." narinig niyang turan
ni Jared. Nakita niyang hinigit nito ang lalaki sa tabi nito.

"What are you doing here? hindi ko alam na ito pala ang side line mo sa umaga?
Anong nangyari sa career mo at bumagsak ka sa pagiging waiter?" biro ni Jared

"Nah, I'm a free servant here and I need to support my fiancée." Bulong ng gwapong
lalaki kay Jared, in fairness these men were real stunning creatures, ilan pa
kayang mga gwapong katulad ng mga ito ang nag eexist sa mundo?

Hanggang sa makaalis si Kaizer ay nakatingin pa rin siya dito.

Hindi niya pinansin ang pagtikhim ng lalaking katabi niya, Kailan ko kaya
mararamdaman muling maging masaya? Nakita niya mula sa pantry ang dalawa na
masayang naglalambingan, napabuntong hininga siya, kailan kaya siya sasaya katulad
niyon?

"Baka naman matunaw na si Kaizer sa katititig mo?" narinig niyang saad ng lalaki sa
tabi niya, kaagad na tinaasan niya ito ng kilay.

"So?!" asik niya

"Hindi mo ba nakita na may Reika na siya?"

"So what?!"

"Hindi ka non type."

Sa inis niya ay nasipa niya ang binti nito na nagiging hobby niya sa tuwing
gagalitin siya nito.

"Ouch" nakangiwing anas nito, inirapan niya ito

"Wala akong pakealam kung hindi niya ako type. Hindi ko rin naman siya type."

"Okay." anito na ngingiti ngiti pa, mangali ngaling tabigin niya ang kamay nito na
may hawak na mainit na kape.

Grr! Ibang klase talaga siyang mang insulto!

Katatapos lang ni Kaycee na mag interview ng labing limang aplikante, they're


having an urgent hiring for different positions, kabibigay lang sa kanya ng
manpower request ng mga bawat department, since mataas ang demand ng mga products
ng kumpanya kailangang magdagdag ng maraming empleyado.

Inaayos na lang niya lahat ng application forms at resume ng mga ito nang lapitan
siya ni Tin.

"Kaycee, hindi ka pa ba magla-lunch? Break time na." anito, napasulyap siya sa wall
clock at nakita nga niya na alas dose na ng tanghali, hindi niya namalayan ang oras
dahil sa sobrang pagkaabala.

Napaupo siya sa swivel chair at doon lang niya naramdaman ang pagod sa umagang
iyon. lunes na lunes kasi ay stress na stress na siya at problemado kung paano
hahatiin ang oras niya, marami rin kasi siyang backlogs na gagawin. May mga reports
din siyang kailangang tapusin.

"May baon ka bang lunch?" muling tanong nito, umiling siya, nakalimutan kasi niyang
bitbitin ang baon na hinanda ng mommy niya kanina dahil nataranta na siya ng makita
si Jared ng sunduin siya nito sa bahay.

"Lalabas kami ni Alvin gusto mong sumabay?" tanong nito, umiling siya. simula ng
umarkila ng host guy si Tin at pagselosin ang boyfriend nitong si Alvin ay nagbago
ang dating malamig na relasyon ng mga ito, ngayon ay mayroon nang oras ang nobyo
nito para kay Tin, kahit na malayo ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Alvin ay
nagagawan pa rin nito ng paraan na sunduin ang nobya at inggit na inggit talaga
siya sa katrabaho niya. lalo pa't palagi niyang nakikitang blooming at masayang
masaya si Tin.

How she wish na maranasan muli niya ang mga bagay na iyon. Ang maging masaya...

"Hindi na, oorder na lang ako ng pagkain kina aling Rosing." Aniya, ang canteen na
isang bloke ang layo sa opisina nila.

"Okay." anito na lumabas na nang opisina.

Nang maiwan siyang mag isa ay napabuntong hininga na lamang siya, lalo tuloy niyang
nararamdaman ang pagod dahil nakakadagdag ang kalungkutang namamayani sa puso niya.

Naturingang may nobyo siya pero hindi naman niya maramdaman ang presensya nito, ni
hindi na nga siya nasusundo ni Philip hindi kagaya noon. Isang beses isang linggo
na nga lang din kung magpakita ito sa kanya noon pero nitong mga huling linggo ay
ni anino nito ay hindi niya makita, mabibilang din sa kamay ang pagtawag nito sa
kanya at kung minsan pa ay tungkol lang sa trabaho ang pinag uusapan nila sa tuwing
tatawag ito.

Muli ay napabuntong hininga siya at akma nang tatayo para bumili ng pagkain ng
bumukas ang pinto at iluwa niyon si Tin.

Takang napatingin naman siya dito at kitang kita niya ang kakaibang ngiti sa mga
labi nito.

"Oh bakit bumalik ka?" takang tanong niya, hindi niya alam kung bakit tila
kinikilig itong lumapit sa kanya.

"Ikaw ha? Hindi mo sinasabing may bagong jowa ka na, kailan pa kayo naghiwalay ni
Philip?" anito.

"Ano? Anong pinagsasasabi mo dyan?" kunot noong tanong niya, pabirong siniko siya
nito.
"May gwapong lalaking naghahanap sa'yo sa labas at ang sabi boyfriend mo raw siya."
anito, kung bakit bumilis ang tibok ng puso niya ay hindi niya alam, kahit hindi
niya tingnan kung sino ang tinutukoy nito alam niyang si Jared iyon.

"Anong ginagawa niya dito?" takang tanong niya, eksaktong bumukas ang pinto at
niluwa niyon ang binata.

"Hi, have you done working?" he asked with a smile in his face, napansin niya na
impit na kinikilig si Tin sa tabi niya habang nakatingin kay Jared.

"O-oo, magla-lunch na nga ako." sagot niya na nabulol pa, lumapit ito sa kanila.

"Hmm, tamang tama pala ang dating ko, let's go. Let's eat lunch together." Yaya
nito, napipilan siya dahil may kung anong kakaiba siyang naramdaman sa puso niya.
it felt so right and it felt so good inside. Ang saya saya niya!

"Naku, may kadate ako kaya kayo na lang dalawa. sige maiwan ko na kayo at
hinihintay na rin ako ng honey pie ko sa labas." Anito, bago umalis si Tin ay
bumulong pa muna ito sa kanya.

"Grabe ang gwapo niya Kaycee! Ang haba ng bangs mo!" tudyo nito sa kanya, namula
naman ang pisngi niya.

Nang makaalis si Tin ay narinig niyang nagsalita si Jared.

"Well, may gagawin ka pa ba o aalis na tayo?" nakangiting tanong nito, she stunned
for a while when she saw his smile, naramdaman din niyang kanina pa hindi normal
ang pagtibok ng puso niya.

Darn! Ano bang nangyayari sa'kin?!

Bahagya niyang pinilig ang ulo at nagpatiuna ng naglakad palabas.


####################################
CHAPTER NINE
####################################

"Hey wait!" narinig niyang wika nito.

"Where are we going?" narinig niyang tanong ni Jared sa kanya, nang tanungin siya
nito kanina kung saan niya gustong kumain ay naisip niya kaagad ang favorite place
niya, ang karendirya ni aling Rosing na madalas na kainan niya, bukod kasi sa mura
na ang mga pagkain ay talaga namang masasarap pa.

Walking distance lang naman iyon sa kanilang opisina kaya hindi na niya pinadala sa
binata ang sasakyan nito.

Papasok na sila ng karendirya ng pigilan siya nito.

"Hold it, why are we here? What is this place? Don't tell me dito tayo kakain?" he
asked continiously, she rolled her eyes.

"Oo" Sagot niya, kitang kita naman niya ang panlalaki ng mga mata nito, hindi pa ba
ito sanay sa ganong lugar? isa lang naman itong host guy at hindi sosyalerong
mayaman..kung makapagreact naman, ang OA!
Nakita niyang maraming tao sa karendirya ni aling Rosing na karamihan sa mga ito ay
mga empleyado ring katulad niya na malalapit lang sa lugar na iyon at suki na ng
karendiryang iyon.

"H'wag ka nang mag inarte, hindi ka naman mayaman." Aniya pagkuwan ay hinila na ito
papasok, nakipag unahan pa nga siya ng table sa isang grupo ng kalalakihan.
Kailangan lang ng diskarte para makakain doon.

"Bakit ginawa mo iyon? pwede naman tayong umalis dito at kumain sa iba." Komento ng
binata ng sa wakas ay makaupo na sila pagkatapos niyang makipag jack en poy sa
kaagawanan niya ng table.

"Gusto ko dito kumain, bakit ba?" nakaingos na sagot niya, napansin niya ang
paggala nito ng tingin na tila pinag aaralan ang buong lugar.

"Anong problema?" takang tanong niya

"Nothing." Sagot nito, maya maya ay napansin niyang may nginitian ito, nang
sulyapan niya iyon ay nakita niya ang grupo ng kababaihan na nakapako ang tingin sa
binata, awtomatikong napasimangot siya at lihim na siniko ang binata.

"Anong mayron sa'yo at hindi maalis alis ang mga mata ng mga babaeng iyon sa'yo?"
inis na bulong niya sa binata, kitang kita naman niya ang pagtaas ng isang sulok ng
labi nito.

"Gwapo kasi ang boyfriend mo." sagot nito, namula naman ang pisngi niya sa
pagkapahiya, hindi niya napansin na masyado pala siyang naapektuhan sa mga tinging
iyon ng kumpol na kababaihan hindi kalayuan sa kanila, iniisip tuloy nito na
nagseselos siya. well hindi nga ba?

"Don't worry I'm your man today so my attention is all yours." He said while
grinning. Lalo tuloy nagkulay mansanas ang pisngi niya, tila enjoy na enjoy naman
siya nitong pagmasdan.

Hindi nagtagal ay naglalakad na sila pabalik sa opisina.

"I can't believe na napakatakaw mo." narinig niyang komento ni Jared, iningusan
naman niya ito.

"Tse! Ganon ka rin naman, hindi mo nga tinantanan yung lechon paksiw ko tapos nag
extra rice ka pa." nakaingos na sabi niya, narinig naman niyang tumawa ito.

"Hindi ko kasi alam na napakasarap ng mga pagkain doon and thanks to you dahil may
nadiskubre akong ganong lugar, masarap na mura pa." anito, taas noo naman siyang
tumingin dito.

"Sus, aayaw ayaw ka pa nga kanina."

"Honestly, that's my first time to eat in place like that and I enjoy it." he said
"Pero mas nag enjoy ako dahil kasama kita." Dagdag nito, inirapan naman niya ito.

"Sus, nambola ka pa." aniya na nagpatiuna nang maglakad subalit may ngiti sa mga
labi.

That's her happiest moment with Jared so far.

Habang naglalakad sila pabalik sa kanyang opisina, Kaycee caught sight something.
Natigilan siya bigla at tila napako sa kinatatayuan, hindi kasi niya sinasadyang
mapatingin sa katapat na restaurant. She saw her boyfriend Philip and that familiar
woman talking to each other and eating their lunch. It seems they were dating.

Aba't ang lakas naman ng loob na doon pa malapit sa office niya nagdate ang
dalawa?!

Gusto niyang puntahan ang dalawa, sugurin at pag untugin ang mga ito subalit
nawalan na naman siya ng lakas ng loob na gawin iyon, natatakot pa rin siya, na
kapag ginawa niya iyon ay masira na ng tuluyan ang relasyon nila ni Philip.

She still hoping na maging maayos ang kanilang relasyon, she started to get teary
eyed.

"Kaycee? Are you okay? may problema ba?" narinig niyang tanong ni Jared na nasa
likuran na pala niya, kaagad niyang pinunasan ang kaniyang mga luha at nakangiting
sumulyap sa binata.

"Wala no." Sagot niya, nakita naman niya ang pag aalala sa mukha nito.

"But why are you crying?" he asked, iniiwas na niya ang tingin sa binata

"Hindi kaya, napuwing lang ako. tara na!" bantulot na sagot niya at muling
nagpatiuna sa paglalakad, hindi na lang niya papansinin ang nakita, magpepretend
siyang hindi niya nakita ang nobyo na may kasamang iba.

Naiwan namang takang taka ang binata sa inasal niya, hindi na rin niya nakita na
sinulyapan pala nito ang gawing kinaroroonan ng nobyo niya at ng kasama nito.

Simula ng huling gabing nakausap ni Kaycee ang nobyo niya ay hindi na muli ito
nagparamdam sa kanya, kahit gusto niya itong makausap ay hindi naman niya ito ma-
contact sa cellphone, she even went to JDC para makausap ito ng personal subalit
umiiwas itong makipagusap sa kanya, idinadahilan nitong busy sa trabaho, na palagi
namang dahilan nito.

Naisip niya na baka ipinagpalit na nga siya nito sa trabaho o ang masaklap pa ay sa
ibang babae. Sa naisip niya ay muli na naman siyang nalungkot, kahit anong gawin
niyang effort para lang maging maayos ang relasyon nila kung ito naman ang may
problema.

Lugong lugo tuloy siya maghapon habang nagtatrabaho, pakiramdam niya ay gusto
niyang mag unwind at ialis sa isipan ang mga problemang bumabagabag sa kanyang
damdamin.

Kaya naman hanggang mag uwian ay wala siya sa sarili, lumabas siya sa kumpanya na
lutang ang isipan.

"Hi!" A man greeted her, hindi niya inaasahan ang pagsulpot ng gwapong lalaki sa
harapan niya, her heart skipped a beat when she saw Jared standing beside his car
while waiting for someone, no, he's waiting for her!

"J-jared?" her voice trailed off, weird! She felt excited seeing this man.

"Nah, bakit parang gulat na gulat ka? mukhang ayaw mo akong makita." May hinampong
saad nito but then he gave her his cutest smile that made her heart triplicated in
time.

Lalo tuloy nagkagulo ang buong sistema niya nang lumapit ito at kunin sa kanya ang
mga gamit na dala niya, hayan na naman siya, bakit ba sa tuwing makikita at nasa
malapit lang ang binata ay iba ang nararamdaman niya, hindi niya lubos maipaliwanag
at wala talaga siyang ideya kung anong nangyayari sa kanya.

Ilang araw na silang ganon ang routine, sinusundo siya nito at hinahatid sa
trabaho, minsan ay sosorpresahin siya nito at hindi nagpapasabing pupuntahan siya
nito katulad na lamang ng araw na iyon, kung tutuusin ay parang wala rin namang
nangyayari sa kanilang plano, ilang araw na silang magkasama pero hindi yata iyon
nakararating sa kanyang nobyo. Hindi nga niya alam kung umuubra ba ang ginagawa
nilang iyon.

"Are you ready for our dinner?" he asked, his smile was still in place, takang
napatitig naman siya sa binata. Mahina naman itong tumawa marahil sa naging
reaksyon niya.

"I would like to invite you for a dinner, this time treat ko." he said, wala naman
siyang maapuhap na sasabihin sa binata. Matindi pa rin ang epekto ng malakas na
pagtibok ng puso niya.

"Well, I guess silence means yes." nakangiting pakli nito, wala na siyang nagawa pa
ng masuyo siya nitong inalalayan sa pagsakay sa sasakyan nito, he is such a
gentleman!

Sa maikling panahon rin, she discovered a lot in him, his good traits as a good
man. Hindi niya akalain na kabaligtaran pala ito ng pagkakakilala niya noon dito,
actually Jared was really kind and gentleman, hindi pala ito mayabang gaya ng unang
ekspresyon niya dito noon. Masaya itong kasama at hinding hindi siya nabo-bore
kasama ito.

Madalas rin sila nitong kumain sa kung saan-saan, she found that Jared really loves
foods, actually he was the most handsome man who had big appetite, he loves to eat
pasta and beef stake, she find him funny and has a lot of sense of humor, he was
the cutest guy when he was blushing, he's gorgeous when he was smiling, he was the
most attractive man when he was looking at her straight in her eyes and he was the
most handsome fake boyfriend ever!

Ang totoo, pakiramdam niya parang hindi na sila nagpapanggap nito, lahat ng
ginagawa nito bilang boyfriend kuno niya ay parang totoo at ramdam na ramdam niya
kaya nga lalo siyang nalilito sa nararamdaman niya, ayaw man niyang aminin pero
unti unti ay napapalapit na siya sa binatang host guy.

"Saan tayo pupunta?" takang tanong niya nang mapansing matarik na daan na ang
tinutungo ng sasakyan nito. Napansin din niya na lumabas sila ng maynila at nasa
daan sila patungo sa tagaytay.

They were supposed to eat in a restaurant, ano't napunta sila sa malayong lugar na
iyon.

"Well, there is a good place to eat here, mamaya ay makikita mo." nakangiting sagot
nito, Nagkibit balikat na lamang siya.

Itinuon na lang niya ang atensyon sa labas ng bintana, napansin niya ang panaka
nakang patak ng ulan na nasisilawan ng mga ilaw ng lamp post.

"Mukhang uulan, Jared." Sabi niya sa binata, napansin naman niya na bumabagal rin
ang pagtakbo nito, maya maya ay narinig niyang napamura ito ng mahina.

"Shit! Oh no, not this time." He muttered.

Kunot noong binalingan niya ito.


"What happened?"

"Empty gas." Nakangiwing sagot nito, napaungol naman siya.

"Ano? Mukhang wala pa namang gas station sa paligid?" aniya, napansin kasi niya na
medyo liblib pa ang lugar, may nakikita man siyang kabahayan ay layo layo naman
iyon.

Narinig niya ang mahinang paghampas nito sa manibela.

"Darn! Ipapa junk shop kita dahil ipinahiya mo ako!" narinig niyang bulong ng
binata, hindi naman nalingid sa kanya iyon kaya lihim na napangiti siya.

"Ano nang gagawin natin?" tanong niya pagkuwan, sumulyap ito sa kanya.

"Do you know how to drive?"

"Ha? Hindi. Bakit?" takang tanong niya, ngumiti ito, unti unti na ring bumubuhos
ang malakas na ulan kaya medyo nag aalala siya, nasa gitna rin kasi sila ng daan
baka maaksidente sila roon.

"Come here, itutulak ko ang sasakyan tapos ay ikaw dito sa manibela." Anito,
nanlaki naman ang mga mata niya, hindi siya marunong magdrive, ni bisikleta nga ay
hindi niya natutunan imaneho, iyon pa kayang kotse nito.

Napansin naman nito ang pag aalala niya.

"Don't worry, madali lang naman ito atsaka hindi naman kita pababayaan, itutulak ko
lang ito sa tabi para hindi tayo nakaharang sa kalsada." Anito, nang tumingin siya
sa mga mata nito ay nakita niya ang sinseridad nito, hindi niya alam kung bakit
malaki ang tiwala niya sa sinabi nito, pakiramdam kasi niya ay nagsasabi ito ng
totoo na hindi siya nito pababayaan.

Kahit kinakabahan ay sinunod niya ang gusto ni Jared, bago ito lumabas ng sasakyan
ay tinuruan muna siya nitong imando ang sasakyan upang sa ganon ay madali nitong
maitulak ang sasakyan sa tabi ng kalsada.

"See, madali lang hindi ba?" nakangiting sabi nito, nakangiti na rin siyang
tumango.

Bago ito lumabas ng sasakyan ay nag cheer muna ito sa kanya.

"Kaya mo yan" Pagkasabi nito ay masuyo nitong pinisil ang kamay niya, she felt
something heat run over her skin through her veins, pakiramdam niya ay may
mumunting kiliting hatid iyon sa buong katawan niya.

Nahismasmasan lang siya ng marinig niya ang boses ni Jared mula sa nakabukas na
bintana.

"I'm ready!" wika nito, sinunod naman niya ang ininstruct nito sa kanya kanina,
umandar naman ang sasakyan.

Habang nararamdaman niya ang pag andar niyon ay tila dinuduyan din siya, nang
sulyapan niya mula sa rearview mirror si Jared ay bigla siyang inatake ng pag
aalala, hindi niya napansin na malakas na pala ang buhos ng ulan, kitang kita niya
na basang basa na ito habang itinutulak ang sasakyan pero sa kabila niyon ay may
naramdaman din siyang paghanga sa binata, sa tingin niya mas gwapo pa ito ngayon
kay superman, na sa kabila ng pagkakabasa sa ulan ay nananatili pa rin ang malakas
nitong dating, he still looks so gorgeous! Basang basa na rin ang puting long
sleeves na suot nito kaya sumilay na ang bumakat nitong magandang katawan at kitang
kita niya ang bawat pag alsa ng mga muscles nito habang tinutulak ang sasakyan.

Darn! Parang ang sarap niyang yumakap, how she wish na makulong ulit siya sa mga
bisig nito.

Kung bakit biglang uminit ang pakiramdam niya ay hindi niya alam.

Ah Kaycee, tigilan mo ang pag iisip mo ng kung anu-ano, may nobyo ka na pero ibang
lalaki naman ang pinagpapantasyahan mo ngayon. sermon niya sa sarili.

Hindi niya kayang i-explain ang nararamdaman ngayon kaya minabuti na lang niyang
pakalmahin ang sarili, she take a deep breathe then she relax.

Muli siyang bumaling sa binata, naramdaman na rin niya ang pagtigil ng sasakyan sa
tabi ng daan subalit nagtataka siya kung bakit hindi pa rin pumapasok sa loob ng
sasakyan ang binata, bigla ay nakaramdam siya ng matinding pag aalala nang hindi
niya ito makita, sa sobrang takot niya ay napalabas na rin siya ng sasakyan at
hindi alintana kung nababasa na rin siya ng ulan.

"Jared!" malakas na tawag niya sa binata habang patakbong tinungo ang likod ng
sasakyan, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit natakot siya at naisip na
baka ano nang nangyari dito.

Nakita naman niya ang binata na nakahalukipkip sa ulanan.

"Hey, bakit lumabas ka?" may pag aalala sa tinig nito, tila nakahinga naman siya ng
maluwang ng makita niyang may dinampot ito sa ilalim ng sasakyan.

"Nag aalala ako sa'yo, natakot ako ng hindi kita makita." Sagot niya, napansin
niyang tila natigilan ito at ilang sandaling tumitig sa kanya, sa ginawa nito ay
bigla siyang nailang.

"Bakit kasi ang tagal mong pumasok sa loob ng sasakyan?" sabi niya na pilit na
nagpapakanormal sa harap nito, pagkatapos ng nakakailang na titig nito ay bigla
naman itong ngumiti sa kanya, pakiramdam tuloy niya ay lumundag ang puso niya.

Ah geez, stop smiling at me!

"I drop my keys." He answered with a smile in his face, "Halika na, pumasok na tayo
baka magkasakit ka." anito na hinawakan ang kamay niya, lihim na napaigtad naman
siya sa ginawa nito, ang simpleng paghawak nito sa kamay niya ay tila binulabog
nito ang payapa niyang puso. Tuloy ngayon ay tila nagkakagulo ang buong nervous
system niya, hawak pa rin nito ang kamay niya nang buksan ang sasakyan.

"Here, may extra shirt pa ako, ikaw na ang gumamit." Anito pagkatapos iabot sa
kanya ang plain white tshirt na nakahanger sa backseat ay bigla na lamang itong
naghubad sa harap niya, she gasped in surprise at kahit gusto niyang iiwas ang
tingin sa matipunong katawan nito ay tila napako na ang mga mata niya dito and she
was so sure, she never grew tired looking at his gorgeous.

She swallowed hard as he looked at her, Crap! Why do I feel so nervous and excited?

"Are you okay Kaycee? Bakit parang tulala ka? Are you not feeling well?" may pag
aalala sa tinig nito, nagsimula na namang kumabog ang puso niya.

"A-ah, w-wala. Naisip ko lang kung paano ako magpapalit ng damit?" naisagot niya,
she wish she still looks normal.
And when he smiled at him, her heart swelled. Aaminin niya na gustong gusto niyang
makita palagi ang mga ngiti nito, pakiramdam kasi niya nawawala ang mga problema at
bumabagabag sa kanya at isa pa may kakaibang dulot din ang mga ngiti niyon sa puso
niya, it seemed to penetrate her heart.

Itinuro nito ang backseat, "Diyan ka na lang magbihis, don't worry hindi kita
sisilipan." Anito, namula naman siya sa pagkapahiya.

Ginawa nga niya ang sinabi nito, lumipat siya sa backseat at hinubad ang basang
damit. Nakita nga niyang hindi man lang ito nagtangkang tingnan siya, such a
gentleman! And that made her smiled.

####################################
CHAPTER TEN
####################################

"Lowbatt ang cp ko." sagot ni Kaycee ng tanungin siya ni Jared, magi isang oras na
silang naroon at nastranded sa sasakyan, malakas pa rin ang ulan at wala ring
nagdaraang sasakyan pero hindi niya alam kung bakit hindi na siya nakakaramdam ng
takot, Ah siguro dahil kasama niya si Jared. Alam niya at natitiyak niyang hindi
siya nito pababayaan kung may masama mang mangyayari sa kanila.

"Walang signal ang cellphone ko pero nakapagsend naman ako kanina ng isang text
para humingi ng tulong" sabi nito, nasa backseat siya at nakaupo naman ito sa
driver's side.

"I'm sorry Kaycee." narinig niyang paghingi ng sorry nito

"Okay lang, hindi mo naman kasalanan." Aniya, nakangiting sumulyap naman ito sa
kanya.

"Really? hindi ka galit?" tanong nito, sunod sunod siyang umiling

"Hindi."

"Talaga?"

"Oo."

"As in hindi ka galit?"

"Oo nga." Natatawang sagot niya dahil sa kakulitan nito, nagbuga ito ng hangin.

"Akala ko galit ka." anito habang nakatingin sa kanya.

Ngumiti siya, "Hindi ako galit pero nagugutom na ako." nakalabing pakli niya habang
hawak ang kumakalam na tiyan, hindi kasi siya kumain ng merienda kanina sa opisina
at dahil mag aalas otso na nang gabi ay ramdam na ramdam niya ang pagkalam ng tiyan
niya.

"Nagugutom na rin ako." segunda rin nito, "Ah alam ko kung paano natin
makakalimutan ang gutom natin while we'll have to wait for help." Anito
"Paano?" takang tanong niya, nakita niyang lumipat ito ng puwesto at ngayon ay nasa
tabi na niya ito.

"Let's play."

Ekseheradong napanganga siya

"Ano namang kalokohan yan? ano naman ang maitutulong ng paglalaro para mawala ang
gutom natin?"

He smiled, "Basta, magtiwala ka sa'kin."

Napabuntong hininga siya, "Okay, tiyakin mong mawawala ang gutom ko ha. Ano namang
lalaruin natin?"

"Jack en poy."

Hindi naman niya napigilang matawa.

"Jack en poy? Seryoso ka?"

"Yes, alam kong magaling ka sa larong iyon pero susubukan kong manalo sa'yo."
Nakatawang sabi nito

"So anong parusa ng matatalo?"

"Ahm, truth or consequence." He grinned. Napangisi din siya, siya pa ang hahamunin
nito, siya yata ang hustler sa larong iyon.

"Ok fine then it's a deal! Get ready, prepare yourself dahil baka ikaw ang sumuko."
Mayabang na sabi niya, mahina itong tumawa.

"We will see."

Gaya ng inaasahan, siya ang palaging panalo.

"So, ayaw mo na ba ng consequence at truth na ang pinili mo?" natatawang pakli


niya, nakangiwing hinimas nito ang dalawang tainga na namumula.

"Ayoko na baka bukas wala na ang dalawang tainga ko dahil sa kapipitik mo, truth na
lang. ano bang gusto mong malaman?" anito, natatawang nag isip siya ng magandang
itatanong.

"I have three questions right?" tanong niya, tumango ito.

"Yeah."

"Okay, you will tell the truth and nothing but the truth?" pagsisiguro niyang
sasagutin nito ng totoo ang tatlong tanong na itatanong niya, muli itong tumango.

"Sure" he chuckled.

Muli siyang nag isip, maya maya ay nagsalita na siya.

"Okay, my first question is nakailang girlfriend ka na?" she asked, ewan niya kung
bakit naku-curious siyang malaman kung ilang babae na ang dumating sa buhay nito.

"Fourteen." Mabilis na sagot nito, her state of shock was too obvious, sino naman
kasi ang hindi masha-shock sa nalaman niya, fourteen na babae ang dumating sa buhay
nito.

"Babaero ka pala." Nakasimangot na sabi niya, "Marami ka sigurong napaiyak na


babae."

"Hey, kahit kailan ay walang umiyak na babae sa'kin, ang totoo sila pa nga ang
nanakit sa damdamin ko." pagtatanggol nito sa sarili nito

"Lokohin mong sarili mo, sino naman ang maniniwala sa sinabi mo? Fourteen ang
naging girlfriend mo tapos sasabihin mong ikaw ang naagrabyado at hindi sila?"

He pouted, in his gestures he found him cute.

"I'm telling the truth, lahat ng naging girlfriend ko ay may hidden agenda lang
sa'kin noon, ginamit lang nila ako." anito, natigilan siya ng may makita siyang
kalungkutan sa mga mata nito.

"What do you mean they used you?" curious na tanong niya, nagbuntong hininga ito.

"They used me in a way na gusto lang nila akong ipang display sa mga kaibigan nila,
ang iba ay material things lang ang habol sa'kin at ang iba ay ginawa lang akong
panakip butas para makalimutan ang mga ex nila." Saad nito, nanggilalas naman siya
sa narinig, hindi siya makapaniwala. "Kasalanan ko rin dahil nagpagamit ako,
pinilit kong makakita sa isa sa kanila ng tunay na pagmamahal na hinahanap ko pero
pare-pareho lang pala sila." May pait sa tinig nito, natahimik naman siya at hindi
alam ang sasabihin. Ano nga bang masasabi niya sa nalaman niya tungkol dito?

May kaunting guilt siyang naramdaman, sa kaso nila ni Jared..ginagamit niya ito
upang pagselosin lamang ang nobyo niya..atsaka pumayag naman ito kaya exempted ang
paggamit niya dito. Sa umpisa pa lamang naman ay alam na nilang dalawa na walang
totoo sa relasyon nila. Hindi niya alam kung bakit may bahagi sa kanya ang
nalungkot sa katotohanang iyon.

Napansin nito ang pananahimik niya kaya pinisil nito ang pisngi niya.

"Hey, what is your second question?" anito habang nakangiti pero ewan niya kung
bakit sa kabila ng mga ngiting iyon ay may nakakubling kalungkutan.

Napabuntong hininga siya, parang gusto niya itong yakapin at damayan sa kalungkutan
nito, muli nitong pinisil ang pisngi niya.

"Hmm, so do you have a girlfriend now?" she asked, iyon ang gusto niyang malaman
pagkatapos nitong magkwento.

"Wala, I'm single for two years now." Mabilis nitong sagot, nagdududa pa niyang
tinitigan ang binata pero nakita naman niyang nagsasabi ito ng totoo, lihim din
naman siyang natuwa

"Why? Bakit wala ka pa ring girlfriend?" may bumangong interes sa kanya, bakit kaya
wala pa itong girlfriend hanggang ngayon? sa tikas ng pangangatawan at kagwapuhan
nito imposibleng wala pang naiinlove dito.

Hindi niya alam kung bakit bumilis ang pagtibok ng puso niya ng tumiim ang mga
titig nito sa kanya na tila kinakabisa ang bawat detalye ng mukha niya.

"I still haven't a girlfriend because you know why?" anito, tumango siya, "Because
I still haven't found someone right for me, someone I could proud of, someone who
could stand by me against all odds, someone I could consider sharing my life with,
someone who was understanding, thoughtful and sweet, someone who would teach me how
to love and to be love." He said while looking at her, ewan niya pero pakiramdam
niya ay naapektuhan siya sa paraan ng mga titig nito, "Yung walang hidden agenda
sa'kin, nagsawa na akong hanapin ang babaeng iyon." he chuckled, "But you know
what? There was this girl who caught my attention, I don't know why she's so hard
to ignore, ang alam ko lang napakasaya ko kapag kasama siya, hindi ko rin siya
hinanap dahil kusa siyang dumating sa buhay ko." anito habang nakatitig sa mga mata
niya, he was looking deep into her eyes as if he was going to kiss her. And to be
honest, she was tempting to kiss him, too!

Her heart drumming out loud, Geez! Why this man looks so seductive by simply
looking at me!

Bahagya niyang kiniling ang ulo at pinakalma ang sarili, No, stop it Kaycee, this
is not right. May nobyo ka na kaya tigilan mo na ang pagpantasya sa iba.

"R-really? sino naman ang babaeng iyon?" tanong niya nang makabawi sa matinding
kabang nararamdaman, nagpapakaswal siya sa harap nito kahit na ba naiilang pa rin
siya sa mga titig nito.

He grinned broadly, "Nah, I can't answer your question, nakatatlong tanong ka na."
nakangiting sabi nito na pinisil ang baba niya.

Nanghinayang naman siya, gustong gusto pa naman niyang malaman kung sino ang
babaeng tinutukoy nito.

"Ang daya. Okay, let's play again, malalaman ko din kung sino ang babaeng iyon."
untag niya, umiling ito at tumawa ng mahina.

"Ayoko na, hindi naman ako manalo sa'yo." reklamo nito, gusto sana niyang pilitin
itong maglaro pa sila subalit nahiya naman siya baka isipin nito na interesado siya
sa babaeng gusto nito, well hindi nga ba?

Napabuntong hininga na lamang siya, there's something bothering her, she also felt
sad by knowing Jared had already girl he want.

Sa kaiisip niyon at dahil sa pagod ay hindi niya namalayang nakatulog na siya.

Naalimpungatan si Kaycee ng maramdaman niya ang pangangalay ng mga


binti niya, nagtaka siya ng mapansin niyang wala sa loob ng sasakyan si Jared,
tuluyan na tuloy siyang nagising, she check the time in her wristwatch, mag aalas
nuwebe na pala ng gabi. Lumabas siya ng sasakyan at kahit na kinakabahan siya dahil
napakadilim ng paligid at tanging lamp post lang ang nagsisilbing liwanag ay
tinatagan niya ang loob.

Tumila na rin pala ang ulan subalit mararamdaman pa rin niya ang malamig na simoy
ng hangin sa kanyang balat.

Darn! Where's Jared? Sinagilihan na siya ng pag aalala at takot, hindi kasi niya
ito makita, may kabahayan siyang nakita kaya lang malayo layo pa iyon sa
kinaroroonan niya. Hindi kaya humingi ng tulong ang binata sa pinakamalapit na
kabahayan doon?

Pinasya niyang bumalik na lang sa loob ng sasakyan ng maramdaman niyang may tumigil
na isang itim na sasakyan sa tapat niya, nang sulyapan niya iyon ay may dalawang
matatangkad na lalaki ang bumaba roon, kinabahan siya, they were in black, nakasuot
pa ng itim na hood ang mga ito at kahit na madilim na ay nakashades pa ang mga ito
kaya hindi niya makilala ang mga ito.

Mabilis na binuksan niya ang pinto ng sasakyan ng makitang palapit na ang mga ito
sa kanya.

"Hey miss!" tawag nito sa kanya, nagulat siya ng hawakan nito ang balikat niya.

Natakot siyang baka mga masasamang loob ang mga ito, baka mga rapists! Uso pa naman
iyon sa panahong iyon. Nataranta tuloy siya kaya takot na napasigaw siya.

"Let me go!" tili niya

"Hey, wala kaming gagawing masama sa'yo." Sabi pa ng isang lalaki, hinawakan naman
nito ang kamay niya kaya lalo lang siyang napasigaw.

"Shit! She's so noisy.." wika ng isa, nanlaki ang mga mata niya ng takpan nito ang
bibig niya.

"Magtatanong lang kami." Sabi ng isa, nagpupumiglas siya dahil hawak ng isang
lalaki ang mga kamay niya samantalang takip takip naman ng isa pa ang bibig niya
kaya takot na takot na siya.

Jared, help me! Her mind screamed, tila yata narinig nito ang sinigaw ng isip niya
dahil narinig niya ang binata sa likuran nila.

"Hey! Leave her alone!" Jared said in angry tone.

Mabilis naman siyang binitawan ng dalawa, bago pa nakapagsalita ang mga ito ay
mabilis na nasuntok ni Jared ang isang lalaki sa mukha samantalang mabilis namang
nakalayo ang isa pa at sumakay ng sasakyan.

Hindi naman lumaban ang mga lalaking nakaitim, mabilis na sumakay ang mga ito sa
sasakyan at pinasibad ang sasakyan.

"Kaycee, are you okay?" nag aalalang tanong ni Jared ng makalapit sa kanya, hindi
naman niya napigilan ang sarili, takot na takot siyang yumakap dito.

"Jared...." umiiyak na sabi niya, "I'm glad you came to save me."

Naramdaman niya ang pagganti nito sa yakap niya.

"Stop crying, nandito na ako." Masuyong sabi niya

"Saan ka ba nagpunta?" lumuluha pa ring tanong niya dito habang nakayakap pa rin,
natatakot siyang iwanan na naman nito.

"Humingi lang ako ng tulong, nakigamit ako ng telephone sa malapit na bahay na


nadaanan ko, tinawagan ko ang mga kaibigan ko." Anito, "Parating na raw sila."

"Next time h'wag mo na akong iiwanang mag isa, natatakot ako."

Naramdaman niya ang masuyong paghaplos nito sa buhok niya

"Promise, I will never leave you Kaycee." he said, her heart seems bursting with
happiness, parang gumaan ang pakiramdam niya ng marinig niya ang huling sinabi
nito.

Naramdaman niya ang paglayo nito sa kanya, and when she met his eyes suddenly her
heart triplicated in time, she felt a shiver within her heart.
Nang maramdaman niya ang masuyong paghaplos nito sa kanyang mukha upang punasan ang
mga luha niya ay napagtanto niya sa kanyang sarili na unti unti na palang sinasakop
ni Jared ang sistema niya, nagpadala na rin siya sa nararamdaman niya ng unti unti
ay lumalapit ang mukha nito sa mukha niya, nakikiramdam din ito kung anong gagawin
niya pero nanatili siyang nakatitig lang sa mga mata nito.

Jared kissed her. It was a soft and gentle kisses. Sumikdo ang puso niya sa
ginawang iyon ng binata. Sa simula ay hindi siya nakakilos, the rush of passion was
too strong. Hindi niya alam kung kailan siya tumugon, but when she did it was
heaven.

Hindi niya alam kung gaano katagal siya tumugon sa halik nito at kung hindi pa sila
nakarinig ng sunod sunod na busina ay hindi pa sila maghihiwalay, para siyang
kumain ng siling pula sa sobrang pag iinit ng buong mukha niya.

"Jared! Nandito na kami." Narinig nilang sabi ng isang lalaki mula sa puting van.

Tila nagkahiyaan pa silang magtinginan ng binata pero nagawa naman nitong


magsalita ng normal.

"They're here." Nakangiting sabi nito, tipid na ngumiti siya pagkuwan ay tumango.
Binalingan naman niya ang puting van, nakita niya ang mga kaibigan nito at kung
hindi siya nagkakamali, ang mga host men iyon na nakilala niya noon.

Nagulat siya ng hawakan nito ang kamay niya at hinila siya palapit sa mga ito.

"Anong mayron at kumpleto yata kayo?" tanong ni Jared na sinilip pa ang loob ng
van.

"Actually, nauna nang dumating dito sina Hunter at Einar, hindi ninyo ba nakita?"
wika ni Yuan, umiling naman ang binata.

"Hindi ko sila napansin, baka nag joyride na naman ang dalawang iyon." Ani Jared

"Nah, siguro nga."

"Here, full tank yan." Muling wika ni Yuan na inabot kay Jared ang isang galon na
may lamang gasolina.

"Thanks Kaichou" nakangiting sabi ni Jared

"Wala yun, by the way sumunod na lang kayo sa resort ni Xien." Anito

"Bakit? Anong mayron?"

"Nagkayayaan silang mag night swimming at maglaro ng tennis bukas ng umaga." Anito

Nakita niyang nilingon siya ni Jared, "Ihahatid ko na lang muna si Kaycee sa


kanila." Anito, nagsalita naman siya kaagad.

"No, it's okay." Aniya, he was surprise pero napangiti ito.

"Really? Okay lang sa'yo?" tanong muli nito, tumango siya

"Yeah, tatawagan ko na lang si mommy na bukas na ako makakauwi, sabado naman bukas
kaya wala akong pasok."

Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya, nakita rin niyang mas sumigla ang
binata.

"So okay na pala, mauuna na kami Jared, sumunod na lang kayo." paalam ni Yuan sa
kanila

"Sure, ingat kayo! By the way thanks kaichou!" anito

"Wala yun."
####################################
CHAPTER ELEVEN
####################################

Costal Haven Resort, iyon ang nabasa ni Kaycee sa sign board na nakita niya
pagkatapos ay pumasok sila sa malawak na bakuran ng resort.

Napakaganda ng buong lugar, the place was perfect for those who want to relax.

Inalalayan siyang makababa ni Jared sa sasakyan nito pagkuwan ay hinawakan nito ang
kamay niya, lihim na napangiti siya. Ewan niya pero napakasaya niya ng mga
sandaling iyon.

Nang pumasok sila sa malaking event hall, napansin kaagad niya ang mga
naggagawapuhang kaibigan ni Jared, ang ibang host men. Nakaupong nagtatawanan ang
iba samantalang nasa swimming pool na ang iba pa.

"Hey Jared!" salubong na tawag ng isang gwapong lalaki, kung hindi siya
nagkakamali. Ito ang lalaking nakasalubong at nakita niyang pumasok noon sa JDC.

"Xien." Tawag naman nito sa lalaki, Xien pala ang pangalan niya.

Tuwang tuwa si Kaycee dahil isa isang ipinakilala sa kanya ni Jared ang mga
kaibigan nito. Doon lang niya nakilala ng lubos ang mga ito subalit nakapalagayan
na kaagad niya ng loob ang mga ito.

"Anong nangyari sa mukha mo Hunter?" takang tanong ni Jared sa gwapong lalaki na


tahimik na nasa sulok habang may ice bag na hawak at inilalapat sa parteng
cheekbone nito.

Nagtaka sila ni Jared ng biglang magtawanan ang mga ito.

"Bakit?" takang tanong ni Jared.

"Magtatanong ka kung anong nangyari sa kanya samantalang ikaw ang may kagagawan
niyan." Nakatawang komento ni Trevor

"Ako? Anong ginawa ko?" takang tanong ni Jared

Sinalaysay naman ni Xien ang mga nangyari

"What?! Hindi ko alam." Manghang sabi ni Jared

"Nah, it's okay." Ani Hunter

"Nabangasan tuloy ang iniingatang mukha." Natatawang komento naman ni Tanner

"Tsk, ang gwapong mukha pa naman niya ang puhunan niya sa trabaho niya tapos
magkakapasa lang ng dahil sa kalokohan." Segunda naman ni Vash.

"Shut up! Sumama lang naman ako kay Einar, siya dapat ang may pasa sa mukha dahil
hindi niya matandaan ang daan papunta dito sa resort." Angal ni Hunter habang
nakasimangot na sinulyapan si Einar na ngising ngisi habang may kagat kagat na
apple.

"Teka nga, tahimik ako kanina kasama si Kei, sinira mo ang date namin at binitbit
mo ako para sumama sa'yo, porke't may pinagdadaanan ka sa buhay...sa'kin mo isisisi
yang nangyari sayo?" segunda ni Einar.

"Shuuut up!" pikong sagot ng binata, "Kasalanan mo pa rin to."

"Aisssh, sabi ko naman sa'yo na h'wag ka ng magtanong pa dahil masama ang kutob ko,
ayan nabigwasan ka tuloy ng isa." Komento nito, pikong binato nito ng ice bag ang
mapang asar na binata.

"Bakit kasi hindi mo sinabing sasakyan yun ni Jared! At kung hindi mo tinakpan ang
bibig ni Kaycee, hindi sana lumala ang sitwasyon!" gigil na sabi nito, nagtawanan
naman ang mga naroon, kung gayon sina Hunter at Einar pala ang mga men in
black...nahiya tuloy siya dahil magtatanong lang pala ang mga ito pagkatapos ay
napagkamalan pa niyang rapists ang mga ito.

"I'm sorry, hindi ko alam." Nahihiyang sabad niya

"Nah, it's okay Kaycee, hindi mo naman alam." Sabi ni Jared

"Yeah okay lang naman yun." untag ni Einar, narinig niya ang paglagutok ng tainga
nito ng paltukan ni Hunter na nakalapit na pala dito.

"Okay lang ha? Palibhasa hindi ikaw ang nagkapasa sa mukha." Pikong turan ni
Hunter, muli niyang narinig ang tawanan ng mga ito, hindi na rin niya napigilang
makisabay sa tawanan ng magkakaibigan.

"Pero ang bilis mong tumakbo ha." Biro ni Hunter kay Einar, ngumisi lang ang huli

"Mabilis lang akong mag isip, alam kong kick boxing ang sports ni Jared, buti na
lang hindi ka ginamitan ng hard kick sa mukha." Pang aasar pa ni Einar.

"Eh kung ikaw ang i-hardkick ko? Ang lakas mong mang asar." Pikong pakli ni Hunter,
walang humpay ang tawanan ng mga ito.

The bond of their friendship was too strong, tila wala ng dadaig pa sa
pagkakaibigan ng mga ito. Tuwang tuwa siyang tingnan ang mga ito.

"Hey, gusto mo bang magswimming?" narinig niyang tanong ni Jared sa tabi niya,
katatapos lang nilang kumain, naparami ang kain niya kaya bigla siyang inantok.

Umiling siya, "Wala naman akong dalang mga damit, gusto ko lang na magpahinga."
Aniya, tumayo naman ang binata.

"Okay, ihahatid kita sa guest room." Anito, inalalayan naman siya nito.

Isang maluwang na guest room ang pinasukan niyang silid, ipinatong ni


Kaycee ang bag sa ibabaw ng kama, bumaling naman siya kay Jared ng magsalita ito.

"Babalik na rin ako sa baba, magpahinga ka muna." Nakangiting sabi ni Jared sa


kanya, tumango siya. Maglalakad na sana ito palabas ng silid na iyon ng magsalita
siya.

"Ah Jared." Tawag niya, nilingon naman siya nito

"Hmmm?" nagtatanong ang mga mata nito, nginitian niya ito ng napakatamis.

"You're my host guy hero" She said with a sweet smile, napamaang ito, tumawa siya.

"You made me happy everytime I'm with you, so you're my hero, host guy hero."
Paliwanag niya, "Thank you." Dagdag niya

She catches her breath when he walks close to her, hinawakan nito ang mukha niya.

"I'd love to be your host guy hero." He said, nagrigodon ang puso niya, pakiramdam
niya ay ibinigay niya dito ng buong buo ang puso niya, naramdaman din niya ang
paglundag ng puso niya ng halikan siya nito sa noo.

"Good night" anito

Saglit na tinitigan muna siya nito bago kumilos palabas ng silid, nasa may pintuan
na ito ng muli itong magsalita.

"Sweet dreams." Nakangiting sabi nito

Kanina pa wala si Jared pero hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin maalis
alis ang mga ngiti ni Kaycee, pakiramdam niya ay lumulutang siya, ang gaan ng
pakiramdam niya and it felt so good inside.

At kung bakit imbis na nagpapahinga na siya ay hindi man lamang siya dalawin ng
antok, si Jared ang laman ng isipan niya ng mga sandaling iyon.

Nagtataka siya kung bakit ganon ang nararamdaman niya, nalilito siya sa mga
nangyayari. Hindi dapat ganon ang kalabasan ng lahat, dapat ay ang nobyo niya ang
iniisip niya ng mga sandaling iyon ano't ang binata ang inaabala niyang isipin?

Hindi rin mapuknat puknat ang mga ngiti sa mga labi niya habang iniisip niya ang
binata.

Darn! At bakit kaya pabalik balik sa alaala niya ang mga halik nito sa kanya
kanina?

No way! Erase that kiss! Pero kahit anong pilit niyang sawayin ang sarili niya ay
si Jared pa rin ang lumalabas sa balintataw niya?

Napabalikwas siya sa kama, "No Kaycee, you hired Jared on purpose, ito ay
pagselosin si Philip" bulong niya, "Stop this right now!" sansala niya sa sarili
niya.

Muli siyang nahiga sa kama at pagpagulong gulong pagkuwan ay ginulo ang buhok.

Anong gagawin ko? Ang kulit ng isip niya..she thought she was slave by her own
mind, ayaw nitong sumunod sa kanya.

"She looks familiar to me, parang nakita ko na siya dati." Komento ni


Trevor, Naupo si Jared sa umpukan ng mga kaibigan, kahahatid lang niya kay Kaycee
sa guest room.
"Oo nga, kanina ko pa nga gustong sabihin iyon." Segunda naman ni Hunter.

Inabutan siya ng glass of red wine ni Xien, tinanggap naman niya iyon.

"She's the desperate woman." Sabad ni Vash na tahimik lang na nagbabasa kanina pa,
nakuha ang atensyon nila at napatingin dito. "Siya yung babaeng napagkamalang host
club ang happiness bar ni Sky..ang pinakataklesang babaeng nakilala ko sa buong
buhay ko." Patuloy nito, hindi pa rin kumukupas ang talas ng memorya ng
kaibigan,narinig nila ang bungisngisan ng mga kaibigan niya.

"Ah! Naalala ko na, siya yung weird na babaeng nagtresspass sa welcome party natin
para kay Jared." Pakli ni Einar pagkuwan ay malakas na tumawa, "Siya rin ang
nagbansag sa'yong the four-eyed guy!"

Malakas na nagtawanan ang mga ito, naiiling lang na nagpatuloy sa pagbabasa si Vash
kahit na ramdam niyang napipikon na ito.

Nang mawala ang tawanan ay naramdaman naman niya ang mga curious na tingin sa kanya
ng mga kaibigan.

"She just need my help, tinutulungan ko lang siya." Hindi na niya napigilang
sabihin, they looked at him with disbelief in their faces, napabuntong hininga
siya.

Wala na siyang nagawa kundi sabihin dito kung anong papel niya sa buhay ni Kaycee,
na tinutulungan lang niya itong pagselosin ang boyfriend nito upang maayos ang
relasyon ng mga ito.

"What? Pumayag ka?" gulat na tanong ni Kaizer, tumango siya.

"Hindi ba delikado iyon?" segunda naman ni Trevor, hindi siya sumagot.

"Mahirap ang napasukan mo Jared." Komento naman ni Reed, nakikinig lang siya habang
nagbibigay ng komento ang mga kaibigan niya.

"You're really a good hearted guy, hindi ka lang mabait..matulungin ka pa sa


nangangailangan..hindi lang pala materyal na bagay ang kaya mong ibigay kahit ang
sarili mo kaya mo ng ipahiram ngayon" Natatawang sabad ni Einar.

"Ipagawa na kaya natin ng monumento ang isang to? Naalala ko pa noong college tayo,
binigyan niya ng pang tuition fee iyong babaeng nakadate pa lang niya ng isang
beses." Ani Hunter

"Naku, eh yung binili niya ng brand new cellphone at laptop yung babaeng taga
engineering dept." ani Sky

"Atsaka yung babaeng taga AB dept sinagot niya yung debut party, grabeng pagaaksaya
ng pera ang alam nitong si Jared." Naiiling na komento naman ni Kaizer.

"Hey, sa savings ko galing lahat ng ginastos ko sa kanila, hindi ko hiningi sa


parents ko ang perang iyon." Pagtatanggol niya sa sarili.

"Nah, wala yan kumpara sa babaeng binigyan niya ng sasakyan." Ani Xien na may
halong panghihinayang.

"Bumili ako ng bagong sasakyan noon at dahil naaawa akong makita siyang nahihirapan
araw araw sa pag commute...I gave her that old car." Kaswal na sabi niya, nag
ungulan naman ang mga ito.
"It's Mercedes Benz!!" sabay sabay na wika nina Xien, Sky, Reed at Trevor na mga
adik sa sportscar, napangiwi siya, naalala niya kung paano siya yukugin ng mga ito
noon. Paano daw niyang naipamigay sa babaeng hindi pa niya masyadong kilala ang
mamahaling sasakyan na iyon.

"Well, naibigay ko na sa kanya iyon kaya hindi ko na mababawi pa." aniya, ganoon
din ang sagot niya noon sa mga kaibigan.

"Hindi ko maintindihan kung bakit wala kang control sa sarili mo Jared, makakita ka
lang ng babaeng umiiyak o nagmamakaawa sa harap mo..bumibigay ka kaagad." Ani
Hunter, nabatukan ito ng katabing si Tanner.

"Look who's talking, ganon ka rin naman." Komento nito.

"Hey, magkaiba kami ng sitwasyon ni Jared, magkabaligtad kami, kung si Jared ang
namimigay..ako ang binibigyan ng mga babaeng nakakadate ko noon." May ngisi sa mga
labing wika ni Hunter.

"Aisssh! Ikaw ang tunay na babaero! Makakarma ka rin." Ani Einar, tinawanan lang
ito ng lalaki.

"Paano kung mainlove ka sa kanya?" biglang tanong ni Tanner, muling nagtinginan sa


kanya ang mga ito, natahimik naman siya.

"Naku madali pa namang mainlove ang isang to." Naiiling na komento ni Hunter

"Alam na ni Jared ang consequence ng pinasukan niya noong una pa lang, it's up to
him kung hahayaan niyang mainlove siya o iiwasan niya ang damdamin niya at pawang
pagtulong lang ang nais niya." komento ni Vash.

Naramdaman niya ang pagtapik sa kanyang balikat.

"Nah, let him do whatever he wants, Jared was responsible man..Let's just support
him no matter what happens." ani Yuan, nakangiting tumango lang siya.

"Tara na! maswimming na tayo!" agaw ng atensyon ni Trevor at hinila sina Hunter at
Einar.

The next morning, magaan ang pakiramdam ni Kaycee ng magising siya,


bumangon siya at lumapit sa may bintana, the sun is inviting her to feel the
morning heat, hinawi niya ang kurtina at tumambad sa kanya ang napakagandang
tanawing nakikita niya. The green scenery was captivating, nakakagaan talaga ng
pakiramdam ang natural na ganda ng kalikasan.

Binuksan niya ang glass door at lumabas mula sa veranda, gusto niyang pagmasdan ng
mas maayos ang magandang kapaligiran, the landscape of the resorts were really
beautiful, bumagay doon ang nakapaligid na malalagong puno pati ang bulubundukin sa
di kalayuan ay nakadagdag sa kaakit akit na tanawin.

She was amazed when she looked down, nagkulay asul na kalangitan ang mahabang
swimming pool, tila nang aakit itong lumusong siya at lumangoy, napakaganda niyon.

Saglit pa niyang pinagmasdan ang kapaligiran, sa pagbaling ng tingin niya ay napako


ang paningin niya sa di kalayuan, hindi niya napigilang mapangiti ng makita niya
ang mga host men sa tennis court, tila kanina pa naglalaro ang mga ito, enjoy na
enjoy ang mga ito kahit na nakababad sa ilalim ng araw.
Habang pinagmamasdan niya ang mga ito hindi niya mapigilang isipin na mas mukhang
mayayaman na bachelors ang mga ito kaysa mga host men sa host club. They're tall
and lean, hindi nagkakalayo ang mga height ng mga ito. Mas mukhang members ito ng
bachelor's club sa bansa. Bukod sa matatangkad at mayrong matitikas na
pangangatawan, lahat sa labing isang lalaking iyon na nasa tennis court ay puro
naggagandahang lalaki.

Hindi niya alam kung bakit hinanap ng mga mata niya ang lalaking laman ng isip niya
mula pa kagabi, si Jared.

Her Heart skipped a beat when she saw Jared standing at the half of the tennis
court, he was playing with Hunter. Habang abala ito sa paglalaro ng tennis hindi
maalis alis ang mga mata niya rito, ang mga kilos at paggalaw nito ay tila
hipnotismo sa kanya.

Habang pinagmamasdan niya ito ay lalo lang niyang nararamdaman ang malakas na
pagtibok ng puso niya, and in a short period of time napapasaya siya nito ng hindi
niya namamalayan, kahit sa simpleng pagtitig niya dito ay napapangiti siya.

Ano bang ibig sabihin ng mga nararamdaman ko? Ah, siguro dahil masyado lang itong
mabait sa kanya, pinaparamdam lang din nito sa kanya ang mga hindi nagagawa sa
kanya ni Philip nitong mga nakaraan, kasama sa usapan nila ang bagay na iyon..ang
magpanggap na magkasintahan at gawin kung ano ang ginagawa ng tunay na
magkasintahan. Bakit ba nagpapaapekto ako? He's a host guy and he was expert in
what he was doing.

"Kaycee, don't forget your plan, you hire him on purpose!" paalala niya sa sarili.

Pero bakit hindi nga tumitigil ang mabilis na pagtibok ng puso niya? Bigla na naman
niyang naisip ang paghalik nito sa kanya kagabi, nahawakan niya ang mga pisngi ng
maramdaman niya ang pamumula niyon.

Oh no! You're a fool Kaycee!

"Kaycee!" naagaw ang atensyon niya ng marinig niya ang pagtawag sa pangalan niya,
lumundag ang puso niya ng makita niya si Jared habang nakangiting nakatingin sa
kanya.

"Good morning!" wika pa nito pagkuwan ay kinawayan siya, nakita niyang napatingin
sa kanya ang mga kaibigan nito, nakakahiyang hindi niya ito batiin.

"Good morning!" she replied, she waved back, smiling.

"You want to play Tennis?" he asked, nahihiya siya dahil natigil ang paglalaro ng
mga ito dahil sa paguusap nila ng binata kahit nasa malayo siya.

Umiling siya, "I didn't know how." Sagot niya, nakita niyang lumabas ito ng court
at binigay ang raketa nito kay Tanner na nakaupo sa gilid ng court.

Lumabas na rin siya ng silid niya at bumaba ng guest room.

Naabutan naman niya si Jared at nakasalubong niya sa may event hall.

"Let's go." He said with a smile

"Saan?" takang tanong niya

"Let's eat breakfast together."


"Hindi ka pa ba nagbebreakfast?"

"No, I only drink orange juice a while ago before we play tennis."

"Bakit hindi ka kumain?"

He smiled at her, "Gusto kitang makasabay sa pagkain."

Tumalon yata ang puso niya dahil sa tuwa, hindi niya napigilang mapangiti.

"Sana ginising mo na lang ako kanina para makakain ka bago ka makapaglaro ng


tennis, tinanghali tuloy ang pagkain mo ng agahan." Aniya, muli itong ngumiti.

"Pinuntahan kita sa silid mo kanina and I tried to wake you up kaya lang mahimbing
pa ang pagtulog mo kaya hinintay na lang kitang magising." Paliwanag nito, she
secretly felt happy, ngumiti lang siya at wala naman siyang sinabi.

She was surprise when he offered his hand, "Let's go?"

"Okay." Mahina siyang tumawa at inabot ang kamay niya, they walked hand in hand
together.

It's an act! Wala lang ang mga bagay na ito. Paulit ulit na sabi niya sa sarili.

"Nag enjoy ka ba?" tanong ni Jared, nakangiting sumulyap naman siya sa


binata.

"Oo, nakakatuwa ang mga kaibigan mo." Sagot niya, hapon na ng magpasyang mag uwian
ang mga ito, nasa sasakyan na sila ng binata at binabagtas ang daan patungo sa
kaniyang bahay.

"Really? How about my company? I mean, nag enjoy ka bang kasama ako?" muling tanong
nito, she nodded but breathing hard. Paano ba naman siya hindi makakahinga ng
maayos kung halos matunaw siya sa mga titig ng binata.

Nakangiti nitong binalik ang atensyon sa pagmamaneho samantalang siya ay hindi pa


rin maalis alis ang tingin dito habang may ngiti sa mga labi.

Hindi niya namalayan na tumigil na pala ang sasakyan nito at nakita niyang nasa
tapat na siya ng bahay niya.

"We're here." He said, tumango siya.

Bago siya bumaba ay hindi niya alam kung bakit may sariling isip ang katawan niya
nang lumapit siya dito upang halikan ito sa pisngi.

"Thanks." Nakangiting sabi niya at binuksan ang pinto ng passenger seat, nang
sulyapan niya ito ay tila nabigla ito sa ginawa niya.

"Bye! Ingat ka." Aniya nang makababa.

"Okay, thanks." He replied, nakangiti na itong kumaway sa kanya bago nito pinaandar
ang sasakyan, nang mawala na sa paningin niya ang sasakyan nito ay nasabunutan niya
ng di oras ang sarili.

"Ay! Ano ka ba naman Kaycee! Bakit mo ginawa ang bagay na yun?" sermon niya sa
sarili niya, pumasok siya sa loob ng bahay na pulang pula ang mukha.

####################################
CHAPTER TWELVE
####################################

"Hi!" bungad ni Jared nang datnan niya ito sa labas ng bahay nila, nakatayo ito sa
tapat ng gate nila habang hinihintay siya.

She secretly catch her breath, she also found herself admiring him. Why not? The
man was wearing a silver suit and it's perfectly suits on him, lalo tuloy itong
naging gwapo sa paningin niya.

Nakangiting tumango siya, masuyo siyang inalalayan nito at pinagbukas ng pinto ng


sasakyan, hindi nagtagal ay tumigil ang sasakyan.

"Hey saan mo ba ako dadalhin?" tanong ni Kaycee habang nakablind fold siya, tinext
siya nito kanina na may sorpresa raw itong ipapakita sa kanya. Sumama siya dahil sa
matinding kuryusidad.

"We're here." She heard his husky voice.

Naramdaman niya ang masuyong pagtanggal nito sa telang nakatakip sa mga mata niya.
And then amusement was written at Kaycee's face while looking at the place, the
place was familiar to her pero kung noong huling pagpunta niya roon ay tila nasa
edo era siya ngayon naman ay tila nag time travel siya papuntang great britain,
where the kings and prince lived. The host men wearing prince-suit, nagmistulang
hinigop rin siya ng isang fairytale book kung saan nabubuhay ang mga prinsipeng
pinapantasyahan ng bawat kababaihan.

"Welcome, our beautiful guest! Come and enjoy our royal treatment for you." greeted
the man in white prince-suit; it was Yuan, lalo tuloy itong nagmistulang prinsipe
sa suot nito.

Habang ginigiya siya ni Jared papasok sa host club, napunta naman ang atensyon niya
sa napakagandang set up ng table sa pinakagitna niyon, pakiramdam niya isa siyang
royal princess, masuyo siyang inalalayang umupo ng binata.

"What is the meaning of this Jared?" she asked him, her heart skip a beat when she
saw his smile.

"Happy birthday." Anito, napaawang naman ang labi niya nang bigyan siya nito ng
boquet of flowers, nagtataka siya sa ginagawa nito at magsasalita sana siya ng
magsalita muli ito.

"Happy monthsary..." he said then he gave him another boquet of flowers, "Happy
Valentines..." then gave him another boquet of flowers, "Happy new year..." another
boquet of flowers, "Happy anniversary..." then he gave her a box of ring.

Hindi na niya napigilan ang sarili, tutop ang bibig na napatitig na lang siya sa
bagay na nasa kamay nito, kahit na nagmukha rin siyang flower stand dahil sa dami
ng bulaklak sa kandungan niya ay hindi niya napigilang ilabas ang nararamdaman
niya, hindi man niya maintindihan ang nangyayari noong una sa kabilang banda ay
nakukuha na niya kahit papaano ang gustong iparamdam sa kanya ni Jared, her eyes
were misty.

"I want you to be happy right now, I want to celebrate all those special days with
you in advance, alam kong panandalian lang ito at anoman sandali ay babalik sa dati
ang relasyon natin.." anito habang nakatitig sa mga mata niya, binuksan nito ang
pulang kahita at tumambad sa kanya ang napakagandang diamond ring, mas maganda iyon
at mas mukhang mamahalin kaysa sa binili niya noon kay Philip.

Hindi pa rin siya makapagsalita habang kinuha nito ang kamay niya, isinuot nito sa
daliri niya ang singsing.

"Please keep this ring, Kaycee." He said, napaluha siya sa kakaibang damdaming
nararamdaman niya ng mga sandaling iyon, nagsalita siya.

"Bakit? Bakit mo ginagawa ang mga bagay na ito?" tanong niya, binitawan nito ang
kamay niya at naupo sa tapat niya.

"Nabanggit mo noon sa'kin na naging malungkot noon ang mga araw na iyon sa buhay mo
kaya naisip ko na kahit na nagdaan na ang mga araw na iyon at tapos na, gusto kong
icelebrate iyon ngayon. Gusto kong makita na masaya ka." Anito, naramdaman niya ang
pagtahip ng dibdib niya.

"I'm happy, masayang masaya ako dahil pakiramdam ko napawi lahat ng kalungkutan ko
noon mga panahong nag iisa ako at sinecelebrate mag isa ang mga special days na
iyon" lumuluhang sabi niya pero masaya siya, "Thanks Jared! Hindi ko alam kung
bakit mo ginagawa ito pero salamat. You made me happy."

"I'm your boyfriend, fake..fake boyfriend nga lang." Mapait na ngumiti ito, Yeah,
he's your fake boyfriend Kaycee. Hindi siya ang tunay mong nobyo, don't be affected
with what he did.

"But isn't this too much? Baka naaabala na kita." Aniya, "Atsaka baka masyadong
mahal itong singsing, baka hindi ko kayang bayaran." Dagdag niya, baka singilin
siya nito kapag nagkataon, he chuckled.

"Iniisip mo ba na nililista ko lahat ng mga nagagastos ko sa mga date natin?" amuse


na tanong nito, pinunasan niya ang mga luha.

"Oo, sinabi mo noon na hindi libre lahat ng mga ginagawa mo kaya alam kong utang
lahat ito." Nakalabing sagot niya, mas lumakas ang pagtawa nito pero kung bakit
hindi man lang iyon umaabot sa mga mata nito ay hindi niya alam.

Hinawakan nito ang mga kamay niya, "Gawin nating masaya ang gabing ito."
Nakangiting sabi nito.

She heard a romantic piano piece and when she looked at the stage she saw Kaizer
while playing the piano. Nagmistulang mga butler prince naman ang ibang host men
habang inaasikaso sila ni Jared magmula sa pagkain hanggang sa drinks.

"I really feel their royal treatment." Nakangiting bulong niya kay Jared, ngumiti
ito.

"Nakakapanghinayang lang." komento niya habang nakatingin sa ibang host men.

"Bakit naman?" takang tanong nito


"Pagiging host men lang ba ang alam ninyong trabaho?" tanong niya

"No, may kanya kanya rin kaming trabaho." Anito

"Ah talaga? Hindi pala kayo full time host men?" aniya, tumawa lang ito pagkuwan ay
tumayo, inilahad nito ang kamay.

"Let's go."

"Saan?"

"Sa lugar kung saan tayo makapag iisa." Anito, nanlaki naman ang mga mata niya at
nayakap ang sarili.

"Hoy Jared, anong sinasabi mo?" aniya habang namumula ang mga pisngi niya, ganon na
lamang ang pagtawa nito.

"Burahin mo yang iniisip mo, mahal ang service ko pagdating sa bagay na iyon."
Makahulugang sabi nito, napaingos naman siya.

"I don't want to go beyond that, baka nga mamulubi na ako." Pakikisakay niya,
tumawa lang ito at kinuha ang isang kamay niya, hindi niya maintindihan kung bakit
napakasaya niya ng mga sandaling iyon, her heart bursting with happiness.

"Ang ganda ng mga bituin." Manghang komento niya habang nakatingala sa


madilim na kalangitan, nasa rooftop sila ng happiness bar. Ganon na lamang ang tuwa
niya ng makakita ng falling star, saglit siyang nanahimik at nagwish.

"Naniniwala ka ba na iga-grant ng falling star ang wish mo?" curious niyang tanong
pgkatapos niyang humiling, masyadong tahimik ang binata kaya siya na ang bumasag sa
pagitan nila, narinig niya ang pagbuntong hininga nito.

"It's just a mass of rock from space, masyado lang exaggerated ang mga tao."
Komento nito, nakalabing tumingin siya dito.

"Pero aminin mo na nakapagwish ka na noon." Aniya, umiling ito.

"Not once."

"As in kahit isang beses?" hindi makapaniwalang tanong niya, tumango ito.

"It's just a stupidity." He said, she pouted.

"Ang KJ mo naman, alam ko rin naman na imposibleng igrant ng falling star ang wish
ko but I'm still hoping and believing dahil iyon na ang nakasanayan ko, yung mga
kakilala ko kahit si Philip kapag nakakakita kami ng falling star, sabay kaming
nagwiwish noon." Aniya, nakita niyang nag iba ang timpla ng mood nito.

"Okay fine! I'll try it too!" tila napikon ito sa isang bagay na hindi naman niya
alam kung ano, sa kabilang banda naman ay napangiti siya ng makita niyang matiyaga
itong nakatingala sa kalangitan habang nag aabang ng falling star.

Darn! A handsome guy under the moon and the stars, such a beauty!

"Ayun! Falling star." Bulalas niya ng makakita ng isa, sabay silang yumuko ni Jared
at humiling, nang matapos ay nakangiting binalingan niya ang binata, lumundag yata
ang puso niya ng makita niyang nakatitig ito sa kanya.

"Anong hiniling mo?" tanong niya at nagkunwaring normal sa harap nito kahit na tila
may naghahabulang pusa sa loob niyon.

"Secret." Anito

"Sabihin mo na."

Umiling ito, muli siyang lumabi.

"Sige na sabihin mo na." pangungulit niya "Hiniling mo ba na sana ay mahanap mo na


yung babaeng iyon?" nakangiting sabi niya

"I told you I already found that someone." Anito

"Oo nga pala, eh kung ganon anong hiniling mo?"

"I wish that someone will always be safe and happy." He said, ewan niya kung bakit
naiinggit siya sa babaeng iyon na tinutukoy nito. "Ikaw? What are you wish for?"

Natigilan naman siya, nang maisip niya ang hiniling niya ay naguluhan din siya, she
wish that night would last longer.

Hindi niya alam kung bakit iyon ang kaagad na naisip niya kanina..napakasaya kasi
niya ng mga sandaling iyon at nakakalimutan niya ang mga problema niya.

"What?" muling tanong ni Jared

"Ah, I wish that I'm always happy like this." Aniya, lihim na nakurot niya ang
sarili dahil magsisinungaling na lang siya ay hindi pa nalalayo sa hiniling niya
kanina.

Hindi tuloy niya mabasa ang iniisip ni Jared habang nakatingin sa kanya.

Iniiwas niya ang tingin dito at muling tumingala, "Sana ay maayos na ang lahat."
Wika niya habang nakatingala, hindi niya nakita ang naging reaksyon ng binata.

Good morning. Can't wait to see you.. Hindi mapuknat puknat ang mga
ngiti ni Kaycee habang binabasa niya paulit ulit ang simpleng text message na iyon
ni Jared, it's been a month since she hire him as her fake boyfriend.

"Hanggang langit ang mga ngiti ah?" narinig niyang komento ni Tin, sumilip ito sa
kanyang cubicle at may panunuksong nakatingin sa kanya.

Breaktime nila kaya may time silang magkwentuhan.

"Obvious ba?" nahihiyang sabi niya, narinig niya ang mahinang pagtawa nito.

"Oo, kapag nakikita kita kumikinang yang mga mata mo." Anito, lumapit ito sa kanya
at naupo sa tabi niya, matamis na ngumiti siya.

"Hulog ng langit si Jared sa buhay mo, ibang iba ka na kumpara sa dating ikaw,
parang araw araw inlove ka sa tuwing makikita kita." Komento nito, bigla siyang
natahimik.

"Pero hindi kita masisisi, sino ba naman ang hindi maiinlove kay Jared, that
gorgeous guy! Ang gwapo talaga ng boyfriend mo Kaycee, nakakainggit ka." Kinikilig
na patuloy nito, napansin naman nito ang pananahimik niya.
"Oh, may problema ka?" takang tanong nito

"Tin..." tanging nasambit niya

"Oh? Bakit?" lalong nagtaka ito, mukha ba talaga siyang inlove? Ibig sabihin,
inlove na siya kay Jared? Oh no!

Natutop niya ang bibig, I'm so stupid!

Naramdaman niya ang pagyugyog nito sa balikat niya.

"Oy Kaycee, anong problema mo?"

Hindi niya naitago sa mukha ang matinding pagkalito ng bumaling siya rito.

"Tin, help me.." aniya, hindi na niya napigilan ang sarili, sinalaysay niya dito
ang totoong relasyon nila ni Jared.

Gaya ng inaasahan niya ay ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata nito marahil ay
hindi rin ito makapaniwala.

"You mean Jared was a host guy?" gulat na tanong nito, mangiyak ngiyak na tumango
siya, "OMG! Bakit hinayaan mo ang sarili mong mainlove sa kanya?" tanong nito

"Hindi ko pa sure kung in love nga ako sa kanya." Aniya, tinampal naman siya nito
sa braso.

"H'wag ka ng ma confuse pa..halata naman sa'yo! You're inlove with that host guy!"
anito, tuluyan na siyang napaiyak dahil sa problemang napasukan niya, ano bang
gagawin niya ngayon? Hindi dapat ganon ang kalabasan niyon.

Kaya siguro hindi man lang niya magawang isipin ang nobyo? Hindi man lang siya
gumawa ng iba pang hakbang para maayos ang relasyon nila? Bakit parang nag eenjoy
siya sa ginagawa nila ni Jared? At kung bakit balewala sa kanya ang nobyo sa tuwing
kasama niya ang binata?

Oh no Kaycee! You're falling in love with that host guy!

"Anong gagawin ko Tin?" lumuluhang sabi niya "Kailangan ko na bang lumayo sa


kanya?" Pakiramdam niya ay nagprotesta ang sarili niyang damdamin.

"Timbangin mo muna ang lahat Kaycee, mahirap ang sitwasyon mo. Lalo na at nadevelop
ka sa host guy na iyon. Mahirap kalimutan kapag nadevelop ka na sa isang tao."
Anito, napatitig siya sa singsing na suot niya, bigay iyon ni Jared noong isang
gabi lang. aaminin niya na hindi maipaliwanag ang sayang bumabalot sa kanya ng
gabing iyon at kahit alam niyang parte lang iyon ng drama nila ay hindi pa rin niya
napigilang maapektuhan, how could she ignore all his sweetness and thoughtfulness
that day kung iyon naman talaga ang hinihiling niya noon pa, ang mabigyan siya ng
atensyon at maging masaya. Hindi na rin mawala wala sa isipan niya ang binata.

Gusto na ba talaga niya si Jared o baka naman nararamdaman lang niya iyon dahil
napupunan nito ang kakulangan ni Philip sa kanya?

Kailangan niyang malaman ang totoong feelings niya para kay Jared.

"Is anything bothering you Kaycee?" tanong ni Jared sa kanya habang


lulan siya ng sasakyan nito, sinundo siya nito sa trabaho at binabagtas na nila ang
daan pauwi sa kanila.

"Wala." Sagot niya habang nakatingin sa bintana

"Kanina ka pa tahimik, may problema ka ba?" Anito, saglit niya itong sinulyapan,
nakasuot ito ng three piece-suit at mukhang nagmamadali kaya imbis na kumain sila
ng dinner na palagi nilang routine kapag susunduin siya nito, ngayon ay mukhang
ihahatid lang siya pauwi.

"Saan ka ba pupunta?" tanong niya imbis na sagutin ang tanong nito

"May tatagpuin lang ako ngayon." Sagot nito na nasa pagmamaneho ang atensyon.

Tatagpuin lang? kailangan pang nakasuit?! Gusto sana niyang sabihin iyon, pinigilan
lang niya ang sarili.

"Date?" aniya

"I think so, a dinner date with someone."

Parang kinurot ang puso niya

"Someone? Babae?" curious na tanong niya, takang napatingin ito sa kanya pagkuwan
ay ngumiti.

"Why the interest?" amuse na tanong nito

"Wala lang, mukhang importante iyon." Aniya na pilit na nagpapakanormal sa harap


nito

"Yeah, we'll talk about important matters." Sagot nito

"Hindi ko ba pwedeng malaman?"

"I'll tell you someday."

"Bakit someday pa? Ngayon na."

"Nah, saka na." nakangiting sabi nito, napalabi siya.

"Gusto ko ngayon na, sino ba ang kadinner date mo? May karapatan din naman akong
malaman yun." Aniya, nagtatanong ang mga matang tumingin ito sa kanya, mangali
ngaling sabunutan niya ang sarili dahil sa kagagahan niya, "Kahit papaano
girlfriend mo pa rin ako." Aniya

"A fake girlfriend." Dagdag nito, tinusok yata ng karayom ang puso niya.

"Alam kong fake girlfriend lang ako pero hindi ko ba talaga pwedeng malaman kung
sino ang kadate mo?"

Naiiling na ngumiti ito

"Lalaki ba o babae?" hindi pa rin siya matahimik, unfair kung iisipin na ayaw
niyang may iba itong makasamang babae, gusto niyang siya lang ang palaging kasama
nito.

He chuckled, kumilos ang kamay nito at pinisil ang ilong niya.

"You act like a jelous girlfriend, gusto kong maniwalang nagseselos ka pero alam
kong naiinis ka dahil nagugutom ka lang, next time na lang tayo mag dinner ulet."
Anito, magre-react sana siya ng tumigil ang sasakyan nito at nakita niyang nasa
tapat na sila ng bahay niya, lumabas ito ng sasakyan at pinagbuksan siya.

"Good night." Anito ng makababa siya.

"Good night." Labas sa ilong na sagot niya, wala man lang good night kiss?

Natatawa itong sumakay sa sasakyan nito.

"I'll go ahead." Anito, malungkot na kinawayan niya ito.

Nagugutom lang daw ako? Hindi ba niya nahalata na nagseselos talaga ako! Kakainis!

Bigla siyang natigilan, nagseselos nga ako...ibig sabihin...

####################################
CHAPTER THIRTEEN
####################################

"So tama pala ang mga nakakarating sa'kin?" sabi ng lalaking nakasandal sa gilid ng
gate ng bahay nila.

"P-philip?" gulat na tanong niya, nakita niya ang madilim na anyo nito habang
nakatingin sa kanya.

"Sino ang lalaking iyon? Siya ba ang ipinalit mo sa'kin" seryosong tanong nito,
hindi niya alam kung bakit hindi man lamang siya nakaramdam ng pananabik ng makita
niya ito na kung tutuusin ay kanina pa dapat niya ito sinalubong ng yakap. Nanibago
siya sa kanyang sarili.

"Oo." Walang gatol na sabi niya

"Ano?! Pinagtaksilan mo ako?" galit na tanong nito, hindi man lang siya naapektuhan
ng galit nito.

"Pagod ako at gusto ko ng magpahinga Philip, we'll talk about this some other
time." Aniya na akmang maglalakad papasok sa loob ng bahay nila ng hawakan nito ang
braso niya.

"Sagutin mo ang tanong ko, ako ang boyfriend mo at hindi ka dapat nakikipaglandian
sa iba. Bakit mo nagawa ito sa'kin?" Tiim bagang na sabi nito, nag init ang ulo
niya ng marinig niya ang mga sinabi nito, kung dati rati ay iiyak na lang siya
bigla at magwawalang kibo na lang dahil sa mga kasalanan nito sa kanya, ngayon ay
hindi niya alam kung bakit napigtal na ang pasensya niya.

"Ha! Ikaw ang sumagot sa mga tanong mo Philip! Bakit ko nagagawang sumama sa ibang
lalaki?" asik niya, hindi naman ito nakaimik.

"Kailangan ko rin ng atensyon, kailangan ko ng pagmamahal. Hindi mo iyon maibigay


dahil palagi kang abala sa trabaho mo! Ilang beses mong ipinagpaliban ang
mahahalagang okasyon sa atin dalawa? Napakaraming beses na! pinapalagpas ko ang mga
iyon dahil mahal kita pero nasasaktan din ako." Aniya, hindi na niya napigilang
ilabas ang lahat ng emosyon niya, napaiyak na siya dahil sa inis at galit.

Noon ay natatakot siyang sabihin sa nobyo ang lahat ng iyon, natatakot siyang hindi
maayos ang lahat kapag sinabi niya ang lahat ng nararamdaman niya, baka mas lalong
gumulo ang relasyon nila at iwanan siya nito..pero ngayon ay may lakas ng loob na
siyang ipamukha dito ang lahat.

"I tried to ignore all those pain..all those hurtful nights na hindi ka nakakasipot
sa date natin, noong birthday ko at anniversary natin. Iniyakan ko lahat iyon at
imbis na bumawi ka sakin lalong lumala ang sitwasyon ng relasyon natin. Mas naging
abala ka pa at noong huling pagkikita natin, you almost broke my heart. Tinanggihan
mo ako at mas pinili mo ang babaeng iyon kaysa sakin na girlfriend mo!" umiiyak na
sumbat niya, "Ngayon, sabihin mo sa'kin kung bakit ako naghanap ng iba?"

She saw regrets in his eyes, nakita rin niya ang pagluha nito pagkatapos ng mga
sinabi niya.

"I'm so sorry Kaycee.." lumuluha na rin ito, "Hindi ko sinasadya ang lahat, hindi
ko kagustuhan na maipagpalit ka sa trabaho ko, nagsisisi ako dahil sa pagsisikap ko
para sa kinabukasan natin ay napapabayaan na kita pero h'wag mong isipin na dahil
doon ay hindi na kita mahal, mahal na mahal kita Kaycee." Anito, lumapit ito at
bigla na lamang siyang niyakap.

"I'm so sorry dahil hindi ko tinanggap ang proposal mo, ang gusto ko kasi..ako
mismo ang gagawa niyon, yung babaeng kasama ko noong gabing iyon, katrabaho ko lang
talaga siya, isa siya sa pinagkakatiwalaan ko sa department ko kaya madalas kaming
magkasama. Kaya h'wag ka ng magtampo..pangako, magbabago na ako, hindi ko kayang
mawala ka sa buhay ko..mahal na mahal kita." Sabi nito habang nakayakap sa kanya.

Ganon na lamang ang pag iyak ni Kaycee, she supposed to be happy at that moment
dahil naging successful ang mga plano niya, naroon na si Philip dahil nagselos ito
kay Jared, sa wakas ay narinig niya ang mga magic words mula sa nobyo, magbabago na
raw ito, hindi daw nito kayang mawala siya dahil mahal na mahal siya nito. Dapat ay
masaya siya pero bakit lalo lang siyang nasasaktan, naiiyak siya dahil nalilito na
siya.

"Kaycee, please.. give me another chance." Anito, humiwalay ito sa kanya at


hinawakan ang mukha niya, "I love you so much." He said, hindi siya nakakilos ng
hagkan siya nito sa mga labi.

Samantala, napahigpit naman ang paghawak ni Jared sa scarf na hawak


niya habang nakatingin kay Kaycee at sa nobyo nito, nakakubli siya sa di kalayuan
kaya narinig at nakita niya ang lahat, hindi naman niya sinasadyang masaksihan
iyon. Bumalik lang naman siya upang isauli sa dalaga ang scarf na pagmamayari nito,
naiwan kasi nito iyon sa sasakyan niya..at isa pa, hindi niya maintindihan ang
sarili niya kung bakit iilang minuto pa lang silang naghihiwalay nito ay kaagad na
nanabik siya sa presensya nito, gusto na kaagad niya itong makita at makausap.
Gusto na rin niyang ipagtapat dito ang lahat, hindi niya alam kung ilang beses na
ba niyang in-attempt na ipagtapat dito ang tunay na nararamdaman niya.

Aaminin niya, hindi naman niya akalain na hahantong sa malalim na pagtingin ang
nararamdaman niya para dito, yes he was falling in love with her and the fact that
she had already a man, a man she really love the most, the man she cried for.

Hindi niya naiwasang mahalin ito dahil sa kasimplehan nito, sa kagandahang taglay
nito. Hindi ito mahirap mahalin lalo pa at alam niya kung paano ito magmahal, hindi
nga miminsang nahiling niya na sana ay siya na lamang ang minahal nito.

Desperadong maituturing ang nararamdaman niya but he still takes the risk, he loves
Kaycee, he was hopelessly inlove with her.

Kahit na alam niya ang magiging resulta niyon ay hindi pa rin niya napigilan ang
damdamin niya, nagawa pa rin niya itong mahalin sa maikling panahon lang.

Madalas naman na mangyari iyon sa kanya, madami na siyang naging nobya noon at
hinahanap niya sa mga ito ang babaeng mamahalin niya at mamahalin din siya pero
nabigo siya sa mga ito. Palagi siyang nasasaktan sa huli at gaya noon ay humantong
na naman sa wala ang naitanim na niyang pagtingin kay Kaycee.

He was bleeding inside, lugong lugo siyang naglakad pabalik sa sasakyan niya,
ngayon pa lang ay kailangan na niyang kalimutan ang dalaga, wala naman siyang
magagawa dahil isa lang naman siyang bayarang host guy para dito.

Ginamit siya nito para maayos ang relasyon nito sa boyfriend nito at ngayong
nagkaayos na sila, kailangan na niyang dumistansya dahil hindi na siya nito
kailangan pa.

Mag isang kumakain ng hapunan si Kaycee, katatapos lang niyang magluto


ng corned tuna, wala ang parents niya dahil nasa out of town ang mga ito kaya mag
isa lang siya sa hapag.

Malaya din niyang nailalabas ang sama ng loob niya, she was crying at that moment,
ni hindi nga rin niya manguya ang pagkain niya.

Kanina pa nakauwi ang nobyo niyang si Philip, hindi niya inamin dito na plano lang
naman lahat iyon, na nag hire siya ng host guy para pagselosin ito. Totoo naman
iyon at ngayon na epektibo nga ang ginawa niya ay magiging maayos na ang lahat sa
kanila ni Philip.

Pero kung bakit imbis na nagsasaya siya ngayon ay kabaligtaran ang nararamdaman
niya,

Nalilito siya sa nararamdaman niya ng mga sandaling iyon, hindi niya alam kung
umiiyak ba siya dahil kay Philip at sa pagbabalik nito at nangakong magbabago na o
dahil kay Jared at sa kadate nito.

Lumakas ang pag iyak niya ng maisip niya ang huli, kanina pa sumisingit sa isip
niya ang masayang pag uusap ng mga ito. Hindi niya napigilang isipan na baka iyon
ang babaeng sinasabi ni Jared na nagugustuhan nito.

Hinde! Hindi pwede yun! Parang pinupunit ang puso niya.

Tumayo siya at iniwanan ang pagkain niya.

"I'll need to talk to him, I'll tell him everything." Kausap niya sa sarili at
lumabas ng bahay niya, nang makakita ng taxi ay kaagad na pinara niya iyon.

Jared felt hopeless and sad, his heart was contracting painfully while
thinking her. He loves Kaycee at alam niyang mahihirapan siyang kalimutan ito.
Nah Jared, masaya na si Kaycee ngayon dahil bumalik na ang nobyo nito, ngayon
natitiyak mong bibigyan na ito ng atensyon ng Philip na iyon at dahil iyon sa
tulong mo. Masaya ka dapat dahil magiging masaya na si Kaycee ngayon. Tapos na ang
pagtulong mo sa kanya.

Napahigpit siya sa manibela, kahit ano kasing pilit niya sa sarili na maging masaya
ay nasasaktan pa rin siya, nahihirapan siyang tanggapin iyon.

"Damn! Forget about her now." Sermon niya sa sarili, may importante rin siyang
gagawin ngayon kaya kailangan niyang kalimutan muna ang mga nararamdaman niya.

Itinigil ni Jared ang sasakyan sa tapat ng isang warehouse, nagtataka siya kung
bakit doon siya dinala ng address na tinext sa kanya ni Xien, doon daw sila
magkikita dahil may nalaman na ito tungkol sa second JG.

Bumaba siya sa sasakyan at naglakad patungo sa loob ng warehouse, hindi pa siya


nakakalayo sa sasakyan niya ng tumunog ang cellphone niya.

Nakita niya ang pangalan ni Kaizer sa screen ng cellphone niya, kaagad na pinindot
niya ang answer button.

"Hello Kaizer." Sagot niya

"It's Xien, where are you Jared?" tanong nito

"Oh Xien, nandito na ako sa address na binigay mo sa'kin."

"What? Anong address?"

Nagtaka siya sa sinabi nito

"You texted me na magkita tayo ngayon dahil natagpuan mo na ang second JG."

Narinig niya ang mahinang pagmumura nito

"Shit! I lost my cellphone yesterday, hindi ko alam kung saan ko naiwan iyon pero
ngayon mukhang kinukutuban ako."

"What do you mean?"

"Umalis ka na sa lugar na iyan, nasent ko na sa email mo ang mga nalaman namin ni


Kaizer about the second JG."

"Ganon ba? Okay, nasa sasakyan ko ang laptop ko. I'll check your email at pabalik
na ako dyan." Aniya.

"This is all shit!" Jared frowned, katatapos lang niyang mabasa ang email ni Xien
tungkol sa isa pang JG, with the help of Kaizer, natukoy nito ang nagmamay ari ng
account ng pangalawang JG, he even traced where was that JG located, ang buong
pagkatao nito.

"Damn! I want to punch this guy!" his jaws tighten.

He needs to call Xien, kailangan nilang puntahan ang lalaking iyon dahil nangangiti
na ang kamao niya, kailangan nitong pagbayaran ang lahat pati na rin ang Joey
Garcia na iyon.
Now, he have reasons to punch him, hindi niya magawa iyon noon kapag nakikita
niyang umiiyak ang babaeng naging importante na sa kanya, ang babaeng napamahal na
sa kanya. Juan Philip Gomez! You will pay for what you've done!

Pero paano si Kaycee? Mahal nito ang walanghiyang lalaking yun! Sigurado siyang
masasaktan ng sobra ang dalaga. Ah! Bahala na....

Idi-nadial pa lang niya ang numero ni Kaizer upang makausap si Xien ng maagaw ang
atensyon niya, may bigla kasing kumatok sa bintana ng sasakyan niya. Curious, he
opens the car door at ganon na lamang ang pagkagulat niya nang may biglang
sumalubong sa mukha niya.

There's something hard hit his face, hindi kaagad siya nakahuma, napahalukipkip
siya sa manibela at bago pa siya nakakilos kaagad ay bumukas ang sasakyan niya at
pwersahang inilabas siya ng isang lalaki. Hindi kaagad siya nakapanlaban ng
pagtulungan siyang bugbugin nito at ng isa pang lalaking kasama nito.

Shit! Who the hell are these men? Sinubukan niyang tingnan ang mga mukha ng mga ito
subalit sa tuwing gagawin niya iyon ay isang suntok sa mukha ang sumasalubong sa
kanya. Nang suntukin siya ng isa sa sikmura ay napasubsob siya sa lupa, hindi
maaari ito...

"Shoot him." Narinig niyang sabi ng isang lalaki, Dammit! He doesn't want to die!

Hindi siya maaaring mamatay ng ganon ganon na lang, ngayon pa na nalaman niya ang
lahat, marami pa din siyang gustong gawin sa buhay.

Oh God! Please help me. I don't want to die, not now... Si Kaycee ang nasa isip
niya nang mga sandaling iyon, ayaw pa niyang mamatay dahil gusto pa niyang aminin
sa dalaga kung gaano niya ito kamahal.

Kumukuha lang siya ng tiyempo para gantihan ang mga ito, Alam niyang duguan na ang
mukha niya at nanghihina na siya sa tindi ng pambubugbog ng mga ito sa kanya.

"I said shoot him!" asik muli ng lalaki

"Sandali lang ho, hindi ko mabunot ang baril ko." Sabi ng isang lalaki

"Bullshit! Hurry up!"

Habang naguusap ang mga ito ay nakakuha siya ng tiyempo, mabilis na nakatayo siya
at malakas na sinuntok ang lalaking may hawak na baril, sa lakas niyon ay nabitawan
nito ang baril at napaatras din itong sapo ang mukha.

"What the-?" bulalas naman ng lalaking kasama nito ng makita nitong nakakilos pa
siya, ito naman ang binalingan niya, hindi niya ito mamukhaan dahil nakasuot ito ng
itim na bonet, nilapitan siya nito at akmang susuntukin siya subalit nakailag siya
at nakapanlaban pa sa kabila ng panghihina niya.

"Who are you?!" galit na tanong niya ng bigwasan niya ito ng suntok.

"Shit." Sabi nito ng mapuruhan niya ito sa panga at napaatras, "Hey! What are you
waiting for?! Shoot him!" sigaw nito sa lalaking sapo pa rin ang mukha, nataranta
naman ito at saka kumilos.

Damn! Bago pa makakilos ang mga ito ay mabilis na siyang tumakbo. Gusto niyang
malaman kung sino ang mga ito subalit mas kailangan muna niyang iligtas ang sarili
niya.
"Nakakatakas na siya! Shoot him!" galit na sigaw nito, malayo layo na siya at
liliko na lang sa isang eskinita ng marinig niya ang malakas na putok.

Tila may malakas na pwersang tumulak sa kanya hanggang sa maramdaman niya ang
pamamanhid ng katawan niya, Natamaan siya!

Kahit na duguan na at hinang hina na dahil sa sugat niya ay pinilit pa rin niyang
makatakbo at matakasan ang dalawa.

####################################
CHAPTER FOURTEEN
####################################

"Manong sa tabi lang ho." Ani Kaycee sa driver ng taxi, pagkabayad niya ay bumaba
siya kaagad, takang pinagmasdan niya ang paligid, nasa tapat siya ng isang lumang
warehouse, medyo madilim doon at hindi masyadong matao, panaka nakang sasakyan lang
ang nakikita niyang dumadaan doon.

"Tama ba ang lugar na ito?" bulong niya sa sarili, muli niyang sinulyapan ang
cellphone niya, sa pamamagitan ng GPS ay natunton niya ang kinaroroonan ni Jared,
mabuti na lamang at bukas din ang GPS nito.

"Tama naman..pero ano naman ang ginagawa niya sa lugar na ito?" takang tanong niya,
sa di kalayuan nakita niya ang nakahimpil na sasakyan, pamilyar iyon sa kanya.

Mabilis na nilapitan niya iyon at napatunayan nga niyang kay Jared ang sasakyan na
iyon.

Bukas ang pinto ng sasakyan nito pero napansin niyang napakagulo ng loob niyon,
hindi niya alam kung bakit sinagilihan siya ng kaba.

Bigla siyang nag alala para kay Jared, Oh God! Sana ay mali ako ng iniisip..

Kahit kinakabahan ay naglakad siya papasok sa warehouse, doon siya sa gilid dumaan
na nakukublian ng malalagong halaman.

"Hindi ko na siya nakita boss." Narinig niyang sabi ng isang boses ng lalaki,
nakapasok na siya sa loob ng warehouse at nakakita ng liwanag sa isang silid doon
kaya nagtago siya sa madilim na parte ng silid na iyon.

Nagbabakasakali din siyang makita si Jared.

"Estupido! Ang bagal mo kasi!"

"Pero sa tingin ko nabaril ko siya at napuruhan, hindi iyon makakalayo at hindi na


rin iyon magtatagal." Sabi ng lalaki, natutop niya ang bibig, bigla niyang naisip
si Jared.

Nakatalikod sa kanya ang kausap nitong lalaki kaya hindi niya makita ang mukha
nito.

"Nakita ko rin iyon, sa tingin mo mamamatay rin siya dahil sa tama ng baril?"
"Oo boss, nakatakas pa siya at nakapagtago pero hindi magtatagal mauubusan siya ng
dugo at mamamatay siya." Anito, narinig niya ang mahinang pagtawa ng lalaking
kausap nito.

"That's good! Hindi nila ako maiisahan, akala nila hindi ko alam na iniimbestigahan
nila ako, mas matalino ako sa kanila."

They seem doing monkey business, hindi kaya myembro ng sindikato o mga hard killers
ang mga ito?

She panic at that thought, paano kung makita siya ng mga ito at patayin? I don't
want to die! Gusto niyang umalis na sa kinaroroonan niya kaya lang natatakot siyang
mapansin ng mga ito.

She tried to keep her breathing under control, stay calm Kaycee, stay calm....

Ano ba kasi itong napasok ko?

"Boss, paano yung ibang kasama niyang nakakaalam ng pagkatao mo?" tanong nito

"They're next in line." The man said in devilish tone.

Tumayo ang lalaki sa pagkakaupo nito at tinanggal ang suot na bonet.

"Let's go, we'll look for the dead mouse." He said while grinning, "I want to see
the lifeless Jared." humarap ito at nakita na niya ang mukha nito sa wakas.

Kaycee was stunned and horrified, she can't believe what she saw. The man was none
other than Philip!

What on earth was happening? Anong ginagawa ni Philip sa lugar na iyon? Sino ang
kasama nito?

Madami siyang katanungan sa isip pero nang maalala niya ang mga huling sinabi nito
ay tila namanhid ang buong katawan niya, why? Why would he do that? Why would he
kill Jared?

Kaycee felt a shudder of apprehension ripple down her spine, pakiramdam niya ay
bibigay ang mga binti niya, her stood becomes unsteady, hindi na rin niya napigilan
ang mga luha niya.

Muling umecho sa pandinig niya ang mga pag uusap ng mga ito kanina, Si Jared?
Nasaan si Jared?

Napahawak siya sa isang haligi subalit hindi niya napansin na mabuway pala ang
parteng iyon kaya gumalaw iyon at nagdulot ng malakas na ingay.

"What's that?!" Philip said, nakita niyang papalapit na ang mga ito sa kinaroroonan
niya.

She wants to run but she can't move her legs, she was shaking and filled with
terror.

"Sinong nandyan? Lumabas ka dyan sa pinagtataguan mo!" muling sabi ni Philip,


nakita niya na hinablot nito sa lalaking kasama ang baril, muli niyang natutop ang
bibig, hindi siya makapaniwala na kayang gawin ni Philip ang mga bagay na katuald
niyon, hindi niya maintindihan..hindi ito ang nakilala niyang Philip.

"Lumabas ka dyan!" malakas na asik nito, kasabay ng isang putok ng baril ay ang
malakas na sigaw niya.

Umiiyak na hinablot siya sa dilim ng lalaking kasama nito, kitang kita niya ang
panggigilalas ni Philip ng makita siya.

"Ka-kaycee?"

Nanginginig siya sa sobrang takot ng lapitan siya nito subalit lumayo siya.

"Kaycee, it's not what you think. Hindi kita sasaktan." Malambot na ang tinig nito
habang nakatingin sa kanya, sunod sunod siyang umiling.

"H'wag kang lalapit.." umiiyak na anas niya

"Please let me explain." Hirap ang tinig nito

"Nasaan si Jared? Anong ginawa mo kay Jared?" tanong niya

Nakita niyang dumilim ang anyo nito

"Ang lalaking iyon ang iniisip mo? Ako ang boyfriend mo."

"Nasaan si Jared? Sagutin mo ako!" umiiyak na singhal niya.

"I don't know, baka patay na." kaswal na sabi nito, nagimbal siya sa sinabi nito

"Anong ginawa mo? Bakit mo ginawa iyon? Bakit Philip?!" napahagulgol na siya, para
siyang nalantang bulaklak dahil sa panghihina, mabilis naman siyang inalalayan ni
Philip at mahigpit na niyakap.

"Kaycee, are you okay?" nag aalalang tanong nito, mabilis na humiwalay siya dito at
umigkas ang kamay niya at malakas na sinampal ang binata.

"How dare you! Kapag may nangyaring masama kay Jared..hinding hindi kita
mapapatawad!" aniya, akma siyang tatalikod ng pigilan siya nito.

Nakita niya ang galit na anyo ni Philip.

"Bakit ganyan ka na lang ka concern sa kanya? May gusto ka ba sa JD na iyon?" tiim


bagang na tanong nito

"I love him...Mahal ko si Jared!" matigas ang anyong sabi niya, nagulat naman ito

"Ano?! Mahal mo ang lalaking iyon? Kailan mo lang naman siya nakilala ah?"

"Oo, mahal ko na siya..kasalanan mo rin kaya minahal ko siya." Aniya, ganon na


lamang ang pagkuyom ng mga palad nito

"You're stupid! He was using you."

Natigilan siya, "What do you mean?"

"Do you think na maiinlove sa'yo ang papalit na presidente ng JDC na si Jared
Dalton?" sarkastikong tanong nito, napaawang ang labi niya sa narinig.

"Presidente ng JDC si Jared?"

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito, "He didn't tell you? Wala ba siyang sinabi
sa'yo tungkol sa totoong pagkatao niya?"
Parang pinunit na papel ang puso ni Kaycee, bukod sa pangalan lang ang alam niya
kay Jared ay wala na siyang alam tungkol sa pagkatao nito, ang alam lang niya ay
isa lamang itong host guy..isang bayarang host guy.

Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ito.

"I knew it! He use you on purpose..ginamit ka niya dahil girlfriend kita, gusto
niyang mag imbestiga tungkol sa'kin. Gusto niyang makakuha ng impormasyon sa'yo
tungkol sa'kin." Anito, "Or he plan to make you fall for him para makaganti
sa'kin."

Tuluyan ng nagkapira piraso ang puso niya sa sinabi nito.

"Hindi totoo yan..why would he do that?" her voice trembled, hindi niya kayang
marinig ang mga sinasabi nito, parang unti unting nililibing ang puso niya.

"Pinagbibintangan nila ako sa isang bagay na hindi ko naman ginagawa." Anito,


lumapit sa kanya ang nobyo. "Kalimutan mo na siya Kaycee, sumama ka
sa'kin..magpunta tayo sa states at magsimulang muli..I'll marry you..hindi ba iyon
ang gusto mo?" anito.

Kaya ba mabilis na pumayag ito sa gusto niya dahil may dahilan ito...hindi pala
siya nito tinulungan dahil ginamit siya nito..ito ang nakinabang sa kanya.

"I hate him! I hate him..." bulong niya habang umiiyak, naramdaman niya ang
masuyong pagyakap sa kanya ni Philip.

"Yes, you must hate him." Anito, saglit siyang yumakap dito pagkuwan ay kumalas
din.

Umiiyak na iniwanan niya ito at lumabas ng silid na iyon.

"Hindi ba natin hahabulin ang babaeng iyon?" narinig pa niyang sabi ng lalaking
kasama nito

"No, she's my girlfriend." Ani Philip

Hindi maampat ampat ang mga luha ni Kaycee habang nagtatakbong palabas
ng warehouse, she was bleeding inside. Hindi niya kayang kontrolin ang nararamdaman
niya, napakasakit ng mga narinig niya, ginamit lang siya ni Jared.

"Ang tanga tanga mo kasi Kaycee! Bakit kasi hinayaan mo ang sarili mong mapalapit
sa lalaking iyon?! Yan, yan ang napala mo..." umiiyak na sermon niya sa sarili
niya, naglalakad na siya sa gilid ng kalsada at malayo layo na rin siya sa
warehouse na pinanggalingan niya.

"I hate him..I hate him.." bulong niya

Tumigil siya saglit ng makarinig ng mumunting tunog sa di kalayuan, nagmumula iyon


sa talahiban. Wala siyang balak na pansinin iyon at akmang maglalakad muli ng
mapansin niya ang bloodstain sa dinaanan niya.

Bigla niyang naalala si Jared, ewan niya kung bakit napalis ang hinanakit niya dito
at natagpuan pa niya ang sarili na mabilis na pinuntahan ang malalagong halaman.

Narinig niya ang ringing tone ng cellphone na iyon, sinundan niya iyon hanggang sa
matagpuan niya ang nakahandusay na lalaki.

Kaycee felt numb and horrified. She suppressed an insane desire to scream. She
wasn't a screamer by nature. In fact, ang huling pagsigaw niya ay noong sampung
taong gulang siya dahil hindi siya pinayagan ng kanyang mga magulang na mag travel
sa Paris France upang sumama sa school trip nila. Masamang masama ang loob niya
noon kaya naman idinaan niya iyon sa pagsigaw.

Now, however, Kaycee felt justified in screaming. It wasn't everyday that she
witnessed, sa mga pelikula lang kasi niya napapanood iyon, the scream welled in her
throat, burning and begging to be released, but she somehow managed to hold it
back.

She swallowed the painful yell and tried to think rationally about what to do next,
kumilos siya, kahit nanginginig sa takot ay nagawa pa rin niyang lapitan ang
lalaki, she checked if it's really him..if it's Jared.

Inilawan niya ang mukha nito gamit ang cellphone, may kaunting liwanag naman roon
na nanggagaling sa poste ng meralco kaya lang napakalamlam niyon.

Ganon na lamang ang pagkagimbal niya ng makita niya ang lalaki, it's him! It's
Jared!

Mabilis siyang kumilos, she checked him first if he still breathing, if he's still
alive.

Pinulsuhan niya ito at nakahinga siya ng maluwag ng maramdaman niyang tumitibok pa


iyon at humihinga pa ito.

"Jared? Jared..wake up!" umiiyak na sabi niya habang masuyong tinatapik ang pisngi
nito. "Gumising ka..ako to Jared.." aniya

Naramdaman niya ang pagkilos nito, "Kay-kaycee?" anas nito, she thank God, nakilala
pa siya nito.

"Dadalhin kita sa hospital." Aniya,"Saglit lang, mag aabang ako ng taxi." Patayo na
sana siya upang mag abang ng taxi ng hawakan nito ang braso niya.

"I'm sorry Kaycee." Tila hirap na hirap na sabi nito, she bit her lower lip.

Nasasaktan siyang isipin na ginamit siya ng binata upang mahuli si Philip, she was
bleeding inside.

"H'wag mo munang isipin iyon." aniya, tumayo na siya at umiiyak na iniwan ito
sandali.

Nagpapasalamat naman siya ng makakita ng taxi na paparating, kaagad na pinara iyon.

####################################
CHAPTER FIFTEEN (FINALE)
####################################

"Bhez kumain ka muna, ilang araw ka ng hindi kumakain eh." Sabi ni Reinne, hindi
naman natinag si Kaycee sa pagkakahiga niya sa kama.
"Wala akong ganang kumain." Aniya, narinig niya ang pagbuntong hininga nito,
naramdaman din niya ang paglundo ng kama.
"Nahuli na si Philip at ang ibang kasabwat niya." pagbabalita ni Reinne, naramdaman
niya ang paghawak nito sa kamay niya, "I'm sorry Bhez, hindi ko akalain na
hahantong sa ganito ang lahat, alam kong nasasaktan ka sa mga nangyayari. Hindi ko
rin akalain na magagawa ni Philip ang bagay na iyon, hindi ako makapaniwalang siya
pa ang utak sa corruption sa JDC."
Limang araw na ang nakakalipas simula ng mangyari ang bagay na iyon, ang bagay na
nagpabago ng napakalaki sa buhay niya.
Tuluyan na siyang nakipag break up sa nobyo niyang si Philip, siya rin ang
nakipagtulungan sa awtoridad upang matunton ang pinagtataguan nito.
Kailangan nitong pagbayaran ang mga kasalanang nagawa nito sa batas, ang sabwatan
at corruption sa kumpanya ng JDC at ang tangkang pagpatay nito kay Jared.
"By the way Kaycee, the president wants to meet you, gusto ka niyang pasalamatan
dahil sa pagliligtas mo sa anak niya, kay boss JD."
Nang marinig niya ang pangalan na iyon ay kusang dumaloy ang mga luha sa kanyang
mga mata, pagkatapos niyang maihatid sa hospital si Jared at tiniyak na nakaligtas
ito ay hindi na siya nagpakitang muli.
Hangga't maaari ay tinuruan niya ang sarili na iwasan na ito.
Kahit masakit sa kanya ang katotohanang niloko at kinasangkapan lang siya nito
upang mahuli si Philip at ang masamang ginagawa nito ay masaya pa rin siya para
dito dahil nakaligtas ito at mabilis na nakarecover.
She tried to forget everything..she tried to forget him..she tried to forget all
her feelings for him..but she can't..she love Jared very much to let the feelings
go.
"Umiiyak ka na naman Kaycee, kalimutan mo na siya..hindi siya deserving for you."
Anito at niyakap siya nito.
"How? How can I forget him kung siya palagi ang laman ng isip ko? Kahit anong gawin
kong saway sa sarili ko, mahal ko pa rin siya." Umiiyak na sabi niya, nakita niya
ang simpatya ng kaibigan sa kanya.
"May darating din para sa'yo Kaycee."
Sunod sunod siyang umiling, "Hindi ko kayang tanggapin ang bagay na iyon, siya lang
ang gusto ko, siya lang ang mahal ko." Giit niya
"Pero hindi mo pwedeng igiit ang gusto mo Kaycee." Anito, lalong lumakas ang pag
iyak niya
"Alam kong ginamit lang niya ako, alam kong hindi niya ako mahal at kinamumuhian ko
siya ngayon pero hindi ko alam kung bakit mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal ko
pa rin si Jared." Aniya, ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata nito, bumaling
siya sa kaibigan, hindi pa pala nito alam ang tungkol sa nararamdaman niya para kay
Jared.
Kahit hirap na magkwento ay pinilit niyang isalaysay sa kaibigan ang lahat, kung
paano niya nakilala si Jared at ang mga plano niya hanggang sa madevelop siya dito
at malaman niyang ginagamit lang din siya nito.
Hindi pa rin makapaniwala ang kaibigan niya sa mga kwento niya, she's still in
shock.
"Oh my God." Bulalas nito
"Anong gagawin ko Reinne?" umiiyak na tanong niya sa kaibigan.

That night, Kaycee decided to forget Jared, she was desperate to forget
him..dahil the more na nagmumukmok siya sa bahay ay lalo lang niyang naalala ang
binata. Hindi makakatulong iyon sa pagmo-move on niya.
She found herself inside the host club, sa pagkakataong iyon, nasa tunay na host
club na siya, ang Vampire host club.
Ilang bloke lang ang layo niyon sa happiness bar, hindi niya masisisi ang sarili
noon kung bakit nagkamali siya ng lugar na pinasukan noon.
Kitang kita niya ang pagkakaiba ng club na iyon sa happiness bar kung saan niya
nakilala ng lubos si Jared.
Maraming female costumers ang club na iyon, napakaingay roon at napakasakit sa mata
ng iba't ibang kulay ng disco lights na paikot ikot sa buong lugar, mausok at
napakamahal ng presyo ng mga lalaking tume-table.
But in fairness, mga gwapo rin ang mga host men sa club na iyon subalit wala pa rin
ang mga ito kumpara sa mga host men na nakilala niya sa happiness bar lalong lalo
na ang host guy na nakilala niya, si Jared.
Ang gwapong lalaking iyon na nagpatibok sa puso niya at ngayon ay nagpapaiyak din
sa kanya.
Sunod sunod niyang nilagok ang bote ng alak na hawak niya ng may isang lalaking
tumabi sa kanya.
"Hi, you looked sad. Gusto mo bang mawala ang problema mo?" sabi ng lalaki sa
kanya, when she look at him, she saw a pretty boy while smiling at her.
"Really? kaya mong gawin iyon?" tanong niya, his smile is still in place.
"Yeah, if you want to." He said, muli niyang tinungga ang bote ng alak bago
nagsalita
"Sigurado ka bang kaya mo? Broken hearted kasi ako ngayon." Aniya, napansin niyang
amuse na tinitigan siya nito.
"Really? May lalaki pang nagpaiyak sa'yo? Sa ganda mong yan?" maang na tanong nito
"If I was your boyfriend, hinding hindi kita paiiyakin." patuloy nito, she stunned
then she laughed. Bigla kasi niyang naalala dito si Jared, magkapareho ng tabas ng
dila ang dalawa. Parehong bolero.
"Alam mo ba? Pareho kayo, Ganyan din ang unang sinabi niya sa'kin pero heto ako,
umiiyak." Aniya, bahagya itong natigilan pagkuwan ay ngumiti.
"Well, magkaiba kami."
"Yeah, magkaiba kayo." aniya, dahil mahal ko siya at siya lang ang lalaking
mamahalin ko.
"By the way, my name is Hyde." Pakilala nito, napatitig naman siya dito, kung hindi
siya nagkakamali, Hyde ang pangalan ng host guy na kinasabwat noon ni Tin kaya
naayos ang relasyon nito kay Alvin.
"I'm Kaycee." Aniya
Hindi namalayan ni Kaycee na nakikipagkwentuhan na siya kay Hyde.
"Kailan lang itinayo ang host club na ito, half Japanese-half filipino ang may ari
ng Vampire host club." Ani Hyde ng itanong niya kung sino ang may ari ng club na
iyon.
"Bakit dito siya nagtayo ng host club? Nasa Japan na siya bakit hindi siya doon
magtayo ng ganitong business." Aniya, ngumiti ito.
"Hindi ko rin alam sa boss ko pero ang alam ko marami rin siyang business sa
Japan."
Mula sa VIP room ay may lumabas na isang matangkad at gwapong lalaki, tumayo si
Hyde para salubungin ang lalaki.
"Boss, aalis na kaagad kayo?" tanong ni Hyde sa gwapong lalaki, tumango ito.
"Yeah, pupunta lang ako sa Happiness bar, nandoon ang mga kaibigan ko." Anito,
pareho silang nagulat ng tumingin ito sa kanya. Hindi siya maaaring magkamali, it
was Yuan, isa sa mga host men..oh well, hindi nga pala totoong host men ang mga
ito.
Ganon na lamang ang kalungkutan niya nang maalala na naman si Jared.
"Kaycee? What are you doing here?" narinig niyang tanong ni Yuan, nakilala na siya
nito dahil madalas silang magkasama ni Jared, hindi naman siya makasagot.
Nang maramdaman nitong wala siyang balak na sumagot ay nagpaalam na rin ito.
"Anyway, I'm going." Pagkasabi nito ay tuloy tuloy na naglakad ito palabas ng host
club.
Nang magpaalam na ang binata ay kaagad na tinanong siya ni Hyde.
"Magkakilala kayo ni Boss Yuan?" tanong nito, tumango siya.
"Talaga? That man was really nice guy." Komento nito, wala naman sa sinasabi nito
ang isip niya. Nandoon din kaya siya? Nandon din kaya si Jared? Namimiss rin kaya
niya ako? Gaya ng pagkamiss ko sa kanya?
Hindi niya namalayan na may luha na palang namalisbis sa kanyang pisngi.
Nagsalita si Hyde upang maagaw ang atensyon niya.
"Marami ka ng nainom, gusto mo bang ihatid kita?" tanong nito
"Hindi ba bawal kayong lumabas kapag oras ng trabaho?" aniya, ngumiti ito
"Not really, sasabihin kong ihahatid lang kita palabas." Anito, napangiti siya,
gaya ng sabi ni Tin, mabait at gentleman si Hyde.
"Okay." Aniya, hindi siya nag alalang may masamang gagawin ito sa kanya.
Kahit papaano ay nag enjoy siyang kasama si Hyde, nakalimutan niya ng panandalian
ang problema niya.
Nang magpaalam ito sa isang kasamahan ay inalalayan siyang makatayo ng lalaki at
sabay silang naglakad palabas ng Vampire host club.

"Boss, gusto ninyo bang dumaan tayo sa bahay niya para kahit papaano ay
mawala yang lungkot ninyo?" naagaw ang atensyon ni Jared ng marinig niya ang boses
na iyon ni Rio, umiling siya.
"Ilang beses na nating ginawa iyon pero mas lalo lang akong nalulungkot." Aniya,
simula ng makalabas siya sa hospital ay hindi na siya pinatahimik ng puso at isipan
niya, miss na miss na niyang makita si Kaycee, labis ang kalungkutan niya ng hindi
man lang siya dinalaw ng dalaga sa hospital kahit isang beses.
Alam niyang si Kaycee ang nagligtas sa kanya, ito rin ang may dahilan kaya mabilis
na nadakip si Philip, sigurado siyang malungkot na malungkot ito dahil sa nangyari
sa kasintahan nito.
Napabuntong hininga siya, he must forget her.
"Iliko mo, pupunta tayo sa happiness bar." Aniya, nagtext sa kanya si Sky na
kumpleto raw ang host men sa happiness bar.
Dalawang araw na simula ng pamahalaan niya ang JDC at sa maikling panahon na iyon
pakiramdam niya ay pagod na pagod siya, he needs to relax..lalo na at may
pinagdaraanan siya.

"Wala ka bang sasakyan?" tanong ni Hyde, nasa labas na sila ng host


club, umiling siya.
"Hindi ako marunong magdrive." Aniya, biglang sumiksik sa alaala niya ang gabing
nasiraan ang sasakyan ni Jared at tinuruan siya nitong mag operate ng sasakyan.
Hindi niya namalayang ngumiti habang lumuluha, para siyang timang bigla na lang
siyang iiyak tapos ay ngingiti..ah, si Jared kasi...miss na miss ko na siya!
"May naalala ka na naman ba sa kanya?" tanong ni Hyde ng makitang umiiyak na naman
siya, tumango siya.
"Mahihirapan kang makalimutan siya." Komento nito.
"Alam ko." Aniya, nagbuntong hininga ito.
"Hindi ko dala ang sasakyan ko, okay lang ba na magcommute tayo?" tanong nito
"Okay lang."
Habang nag aabang sila ng taxi ay nakaalalay sa kanya si Hyde.

"Stop the car!" wika ni Jared, alam niyang may mga panahong napapatitig
siya sa ibang bagay o sa ibang tao at nakikita niya ang mukha ni Kaycee, ganon niya
ito pinananabikan pero sa mga sandaling iyon, hindi siya pwedeng magkamali, hindi
lang iyon guni guni lang, he saw her.
Kalalampas lang ng sasakyan niya sa Vampire host club, kung saan si Yuan ang may
ari, What was she doing at that host club? Nang tumigil ang sasakyan ay mabilis
siyang bumaba roon.

"Kaycee.." a familiar voice said behind her, bumaling siya kay Hyde.
"Hyde, lasing na nga ata ako, hindi lang mukha niya ang nakikita ko pati ang boses
niya naririnig ko na ngayon." Aniya sa binata
"Kaycee." Muling tawag nito sa pangalan niya, nakita niyang lumingon si Hyde at
narinig niya ang sinabi nito.
"You're not dreaming?" anito sa kanya, kunot noong binalingan niya ang tinitingnan
nito.
Kaycee's heart began racing when she met the familiar built of a man, he was
looking at her seriously. She hopes that she looks normal while looking at him.
The tears rolling down her cheeks, kahit anong pagpigil niya doon ay kusa iyong
lumalabas.
Stop it Kaycee! H'wag mong ipakita sa kanya na apektado ka.
But God knows how she desperate to see him..she really miss him so badly.
She really tried her best to control herself to run towards him and hug him and
kiss him..pero naisip niyang wala rin namang mangyayari, one sided love lang ang
mayron sila, kailangan niyang kalimutan ang binata dahil...dahil hindi naman siya
nito gusto.
"Halika na, gusto ko ng umuwi." Aniya na nagpatiunang maglakad.
Why do I need to see him? All I want is to forget him..bakit ba nagpapakita pa siya
sa'kin? She thought while crying. Paano ko naman siya makakalimutan?
Naglakad siya as if wala siyang kasama, kahit ramdam niyang nagkakapaltos na ang
paa niya sa suot niyang high heels shoes ay wala siyang pakealam, kahit nahihilo na
siya dahil sa antok at sa nainom niya idagdag pa ang matinding emosyong
nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ay pinaglalabanan niya iyon, all she wanted
to do is to escape the reality, makalayo kay Jared dahil ayaw niya itong makita
siyang kaawa awa.
Nang mapagod siya ay saglit siyang tumigil, Alam kong mahihirapan akong makalimutan
siya pero makakamove on din ako.. pagpapalubag loob niya sa sarili, nagpatuloy siya
sa paglalakad pero umikot ang paningin niya at nahilo siya.
Alam niyang babagsak siya pero imbis na sa lupa bumagsak ay sa matitipunong bisig
siya lumanding.
"Thanks Hyde." Sabi niyang hindi tumitingin dito, "I want to go home, I want to
forget everything..please help me." Lumuluhang sabi niya.
"I knew it. You're really crazy woman." She heard him, her heart thumping loudly
when she realized that it was not Hyde.
Kahit na alam na niya kung sino ito, she's still in shock when she look at him.
Bahagya siyang lumayo dito, she brushed her tears to hide her feelings,
nagpakanormal siya sa harap nito kahit na parang natutunaw na jelly ang puso niya.
"What are you doing here?" she asked, she saw his jaws tighten.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong nito, trying to forget you!
Iniiwas niya ang tingin dito, "Gusto ko lang maging masaya." Aniya, she heard his
growl.
"Wala ka bang ibang maisip na paraan para maging masaya kundi magbayad ng host
guy?" madilim ang anyong sabi nito.
"It's none of your business." Aniya at tumalikod dito, nararamdaman na naman kasi
niya ang pag iinit ng mga mata niya.
"Kung nagkakaganyan ka dahil sa nangyari sa boyfriend mo..mayron naman ibang
paraan..kung gusto mo siyang makalimutan kaagad, handa naman kitang tulungan..."
nagtaka siya kung bakit biglang nag iba ang tono ng boses nito.
"I'm willing to be your host guy hero again and my mission is to make you happy."
He said softly, she paused for a while. "Kung..kung gusto mo lang.." dagdag nito,
gusto niyang sabihin I want you to be my host guy hero but there's no end of
service...I want you to be my host guy hero forever...but she threw it instantly,
ayaw niyang mas lalong masaktan.
"Stop it Jared, kung ginagawa mo lang iyan dahil sa pagkakaligtas ko sa buhay mo at
pakikipagtulungan para mahuli si Philip, h'wag mo ng gawin." Aniya.
"No, this is not for payback, I want to help you because..."
She cut him off, "Because what? Wala ka ng dahilan para tulungan ako, wala na si
Philip para magpanggap na gusto mo akong tulungan, nahuli na si Philip kaya wala ka
ng dahilan para makipaglapit sa'kin." Aniya, "Hindi mo na rin kailangan magpanggap
bilang bayarang lalaki dahil hindi naman talaga totoong host guy ka." naramdaman
niya ang paglapit nito.
"Don't go near me." She warned him, "Dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili
ko..." Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin ka ng mahigpit at halikan
ang mga labi mo..."Na masampal k-ka.." her voice trailed of, "I hate you for using
me, I hate you because you lied to me." Umiiyak na sabi niya.
She cried until she found that he hugged her, "Yeah, I lied to you. Nagsinungaling
ako dahil hindi ko sinabi sa'yo ang totoong pagkatao ko, na hindi ako totoong
bayarang host guy. Na ako ang anak ng presidente ng JDC na taong kinaiinisan
mo."anito, hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at hinarap siya nito, ngayon
ay magkahinang na ang mga mata nila, "Kusa kong ibibigay ang pisngi ko para
sampalin mo kung iyon ang ikagagaan ng pakiramdam mo, kung doon mo ako
mapapatawad."
"Pero hindi totoong ginamit kita, I help you because I like you." He said, she was
shocked, "I like you since the day we met, noong una ayokong gawin iyon kaya lang
since that night when I saw you crying and hurt, nabuo ang desisyon ko na tulungan
ka kahit na gusto na kita, alam kong mahihirapan ako dahil hindi ko alam kung saan
hahantong ang pagtulong ko..Alam kong mas lalalim ang nararamdaman ko para sa'yo."
Anito, "Remember that someone? Ikaw yung someone na iyon, when you came into my
life I knew you would be the perfect woman for me..."
Her tears running down her tears, hindi niya alam kung nananaginip lang ba siya o
dala lang iyon ng mga nainom niya.
"I don't know where did you get that ideas but I really like you Kaycee, nah, I
love you..I love you so much that I've never forgotten anything about you..."
Kinuha nito ang isang kamay niya at itinapat sa pisngi nito, "Sampalin mo
ako..sampalin mo ako ng limang beses, sampung beses, isang daang beses...kahit ilan
pa yan..tatanggapin ko...mapatawad mo lang ako."
Kaycee heard enough, her heart seems bursting..she was happy...very much happy.
Imbis na umigkas ang kamay niya para sampalin ito ay kumilos iyon upang hawakan ang
mukha nito, she pulled him closer and she kissed him.
When she let go of him, she saw that he's still in shocked.
"Why? Why did you kiss me?" he asked softly, she tried to hold her tears of joy.
"Because I love you too." Walang gatol na sabi niya "I love you Jared, and it's not
because you make me happy, not because you make me feel special, nor because you're
the sweetest fake boyfriend ever...but because I love you. And I don't need any
reasons for that." Pag amin niya, nakita niya ang pagliwanag ng mukha nito.
Jared reached out and pulled her into his arms, he hugged her tight as if he
doesn't want her to be away.
"Marry me Kaycee." He asked her, umiling siya. Takang humiwalay ito at tiningnan
siya.
"Ayaw mo? Akala ko ba mahal mo ako?" maang na tanong nito
"Lasing ako at namamaga ang mga mata ko, I'm looked stupid right now. I want to go
home and I want to rest, bukas na lang tayo magpakasal." Nakangiting sabi niya,
narinig niya ang mahinang pagtawa nito, pinisil nito ang ilong niya.
"I thought you refuse my proposal."
"Ano ako baliw? Sa gwapo mong yan tatanggihan ko ang proposal mo?"
Muli itong tumawa, "I love you Kaycee."
She shook her head, "Kiss mo ako, hindi mo lang alam kung gaano ko kinababaliwan
ang mga halik mo. Siguro nainlove ako dahil sa mga halik mong yun." Aniya,
nakangiting nakatitig lang ito sa kanya.
She pouted, "Hoy Jared! Nakikinig ka ba? Sabi ko halikan mo ako." Agaw niya sa
atensyon nito, nainis naman siya at dahil sa matagal na pananabik sa mga halik nito
ay siya na mismo ang humila sa binata at hinalikan ito sa mga labi.
"I love you too." Nakangiting sabi niya sa pagitan ng mga halik niya.

~The End ~
Author's note: this is soon to publish under LIB, thank you for reading this story.
If you love this..you can follow, like and post a comment on their FB page 'FLOWER
BOYS HOST CLUB'.
Arigatou minna!

You might also like