Tatlong taon makalipas ang pagkakaluklok ni Duterte sa pwesto, lantaran at patuloy
ang paglabag sa Karapatang Pantao at pagbabalewala sa kabataan. Kabilang na rito ang pinakahuling insidente ng nadamay na isang taong gulang na si Marlon sa naganap na patayan sa Negros. Ang lugar na ito ay nasa ilalim ng Memo No. 32 na ipinatupad ni Duterte noong Nobyembre ng nakaraang taon. Ayon sa isang tala, 87 na ang bilang ng mga namatay mula taong 2017 na mga magsasaka, sibilyan, lider ng unyon na kapwa mga pinagbibintangang kasapi ng NPA. Isa itong incompetence sa kanilang panig sapagkat dalawa lamang sa bilang na ito ang kumpirmadong rebelde. Isa rin sa mga pangako nyang napako ang pagtigil ng droga sa ating bansa, nagresulta lamang ito sa pagdanak ng dugo ng mga napapatay. Patuloy ang pagkadawit ng mga menor de edad tulad ni Kian Loyd de los Santos at iba pang mga kabataan na direksyon ang solusyon at hindi balang ibinabaon ng kapulisan sa kanilang mga katawan. Nakababahala ang resulta ng pasismong mga aksyon na ito. Sa katatapos rin na halalan, nakagugulat ang pagkakaluklok sa pwesto ng Duterte Youth Partylist sa kongreso. Isang malaking katanungan kung sino ang kinakatawan ng partidong ito gayong malinaw naman na hindi bulag ang kabataan sa mga ginagawa ng administrasyong ito. Mabuti na lamang ay naging matagumpay ang protesta laban, sa nakabinbin na representante ng grupong ito ay si dating tagapangulo ng National Youth Commission na si Ronald Cardema na nauna nang kinwestyon ang kwalipiksayon ng kanyang edad na 33 years old na labag sa batas at timing ng pagpapasa nito ng aplikasyon sa paghalili bilang representante ng nasabing youth group. Isa itong bahid sa reputasyon ng kabataan lalo na't kanya ring pilit dine-depensahan ang mga polisiya ng kaniyang pangulo at sumuporta pa nga sa pagpapalibing sa dating diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Iyon lamang mga tulad niya na nagbubulag bulagan at nagkikibit balikat sa kawalang katarungan ang sasang-ayon sa partidong ito. Isang grupo na walang imik sa mga buhay ng kabataan na nauubos sa “Tokhang”, sa mga naulilang bata sapagkat napagbintangan ang mga magulang, at sa mga kabataang nais ipakulong ng estado sa pagbababa ng edad ng criminal responsibility sa bansa. Isa lamang uri ng blame game itong panukalang pagpapababa ng criminal responsibility. Isinisisi sa kabataan ang pagtaas ng kriminalidad sa bansa gayong hindi magawang ikulong ang mga nasa tamang edad tulad ng mga garapal na magnanakaw sa kaban ng bayan na naluklok pa sa pwesto tulad nila Sen. Bong Revilla, at Speaker of the House na si Gloria Macapagal Arroyo. Hindi solusyon ang pagkulong sa kabataan, mas lalo dapat pagibayuhin ang responsibilidad na paggabay sa kanila ng mga nakatatanda. Katulad ng kasabihan na ang ginagawa ng matatanda ay nagiging tama sa paningin ng bata. Kaya’t nakaakibat din sa nakakatandang henerasyon ang mag-iwan ng tamang ehemplo sa mga ito. Paulit-ulit na kasinungalingan, pagpako sa mga pangakong binitawan at pagtraydor sa ating bansa sa pamamagitan ng pagsuko ng teritoryo nating Pilipinas sa China, at higit sa lahat ay kawalang katarungan sa mga biktimang kabataan. Sa kabila nito, isa itong hamon upang patuloy na lumaban at manindigan ang lahat lalo na ang mga itinuturing na pag-asa ng bayan. Sapagkat walang ibang maka-aahon sa atin sa ngayon kundi ang pagtutulungan patungo sa tama at katotohanan.
Ang Krimen Ay Isa Sa Matinding Kinakaharap NG Ating Bansa Maraming Tao Na Ang Nagiging Kriminal Sa Ating Bansa at Ang Iba Ay Hindi Na Nila Maiwasan Ang Gumawa NG Krimen Tulad NG Rape at Kahirapan