Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

REVIEWER

NOBELA

• Noli Me Tangere

•El Filbusterismo

•Makamisa

NOLI ME TANGERE

-Unang nobela na isinulat ni Rizal na orihinal na isinulat sa Wikang kastila.

-The Social Cancer (Original english title), Touch Me not o (Ingles), Huwag mo kong Salingin (Filipino)

-Mayroong 64 na Kabanata. May inalis na kabanata na pinamagatang Si Elias at si Salome.

- Tumatalakay sa usaping Pulitikal sa bansa.

-Unang nailimbag sa Berlin, Germany noong 1887

- Naging inspirasyon ang Akda na Uncle Tom's Cabin na isinulat ni Harriet Beecher Stowe na tungkol sa
pangaabuso sa mga Itim sa Amerika.

-Tinulungan ni Maximo Viola sa Pinansyal na kailangan ni Rizal sa pagpapalimbag ng Noli.

- Noli Me Tangere ay pamagat na hango sa wikang Latin na kinuha ni Rizal sa Bibliya. Pinaghanguan niya
ay ang John 20:13-17 na kung saan kausap ni Kristo si Maria Magdalena.

- Gusto ipkaita ni Rizal ang Cancer sa Lipunan noong panahon ng Kastila. Social Cancer

-Si Governor General Emilio Terrero ang nagpatawag kay Rizal nang malaman ng Pamahalaan ng
Espanya sa Pilipinas ang Noli.

MGA TAUHAN

Juan Crisóstomo Ibarra

-Si Juan Crisóstomo Ibarra ay ang binatang nag-aral sa Europa. Nangarap siyang makapagpatayo ng
paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Nag-iisa siyang
anak ni Don Rafael Ibarra. Itinuring siyang “eskumulgado” at idinawit sa naganap na pag-aalsa. Siya ay
katipan ni Maria Clara.
Maria Clara

-Ang babaeng pinakamamahal ni Ibarra. Kilala si Maria Clara sa San Diego dahil sa kanyang angking
ganda at kayumian. Anak siya ni Donya Pia Alba kay Padre Damaso.

Elias

-Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.
Namatay siya sa pagliligtas kay Ibarra. Anak siya ng angkang kaaway ng mga ninuno ni Crisostomo.

Kapitan Tiyago

-Mangangalakal na taga-Binondo. Siya ang ama-amahan ni Maria Clara. Madalas siyang magpahanda ng
salu-salo at kilala sa pagiging bukas-palad.

Padre Damaso

-Isang kurang Pransiskano na masalita at talagang magaspang kumilos. Siya ay dating kura sa San Diego
na nagpahukay at nagpalipat ng bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga hindi banyaga.

Padre Salvi

-Ang paring pumalit kay Padre Damaso na mayroong lihim na pagtingin kay Maria Clara.

Padre Sibyla

-Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Kapitan-Heneral

-Siya ang pinakamakapangyarihang opisyal ng Espanya sa Pilipinas. Siya ang lumakad upang maalisan ng
pagka-ekskomunyon si Ibarra.

Pilosopo Tasyo

-Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Ang tingin ng mga ‘di
nakapag-aral ay baliw ang matanda ngunit para sa mga may alam ay isa siyang pilosopo. Hindi siya
nakapagpatuloy ng pag-aaral at maagang nabalo kaya ginugol ang panahon sa pagbabasa ng mga aklat.

Sisa

-Isang mapagmahal na ina na nabaliw. Siya ay may asawang pabaya at malupit.

Pedro

-Iresponsableng ama at masamang asawa ni Sisa.

Basilio at Crispin
-Magkapatid na anak ni Sisa. Mga napagbintangang nagnakaw. Pareho silang sakristan at tagatugtog ng
kampana sa simbahan ng San Diego. Si Basilio ang panganay at bunso naman si Crispin.

Tinyente Guevarra

-Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang
sinapit ng kanyang ama.

Alperes

-Siya ang puno ng mga gwardya sibil at kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego. Asawa niya si
Donya Consolacion.

Donya Consolacion

-Napangasawa ng Alperes. Dati siyang labandera na may malaswang bibig at pag-uugali. Katawa-tawa
siya kung manamit at ikinahihiyang isama ng Alperes. Ipinapalagay niya na siya’y higit na maganda kay
Maria Clara.

Donya Victorina de los Reyes de Espadaña

Babaeng nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling
pangangastila. Asawa ni Don Tiburcio de Espadaña

Don Tiburcio de Espadaña

Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran. Asawa
ni Donya Victorina at nagpanggap na doktor.

Linares

Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para
mapangasawa ni Maria Clara.

Tiya Isabel

Pinsan ni Kapitan Tiyago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

EL FILIBUSTERISMO

-Ikalawang Nobela ni Jose Rizal na nailimbag noong 1891 sa Ghent, Belgium.

-Reign of the Greed (Ingles), Paghahari ng mga Sakim (Filipino)


-Ito ay inihahandog ni Rizal sa tatlong paring martyr na GOMBURZA; Padre Mariano Gomez (85), Padre
Jose Burgos (30) (Kakilala ng kapatid ni Rizal na si Paciano), Padre Jacinto Zamora(35).

-Socio-Pulitikal na Issue ng Lipunan. Paghihiganti ang tema.

-Kahawig ng akda ni Alexander Dumas na Mount of Monte Cristo.

-Tinulungan siya pampinansyal ni Valentin Ventura.

- Mayroong 39 na kabanata

MGA TAUHAN

Simoun

-Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay

Isagani

-Ang makatang kasintahan ni Paulita

Basilio

-Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli

Kabesang Tales

-Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle

Tandang Selo

-Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo

Ginoong Pasta

-Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal

Ben-zayb

-Ang mamamahayag sa pahayagan

Placido Penitente

-Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan

Padre Camorra

-Ang mukhang artilyerong pari

Padre Fernandez
-Ang paring Dominikong may malayang paninindigan

Padre Florentino

-Ang amain ni Isagani

Don Custodio

-Ang kilala sa tawag na Buena Tinta

Padre Irene

-Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila

Juanito Pelaez

-Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila

Makaraig

-Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang


Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

Sandoval

-Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral

Donya Victorina

-Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita

Paulita Gomez

-Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez

Quiroga

-Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas

Juli

-Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio

Hermana Bali

-Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra

Hermana Penchang

-Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli


Tadeo

-Magaaral na di nagseseryoso at di pumapasok.

MAKAMISA

-Ikatlong Nobela ni Rizal na isinulat niya sa Tagalog.

-Hindi ito natapos ni Rizal.

-Natgapuan ng historian na si Ambeth Ocampo noong 1987.

-After mass (Ingles)

- Last line "Sapagkát nabalitang nasampál si aleng Anday ay wala mandin siláng" na nangangahulugang
di ito natapos.

-Ang Makamisa ay isang nobelang tinangkang isulat at tapusin sa wikang Tagalog ni Dr. Jose Rizal. Ang
kuwento ay umiinog sa bayan ng Tulig, at nagsimula sa isang eksena ng misa na ibinigay ni Pare Agaton
sa mga mamamayang sakop niya. Kabilang sa mga tauhan ng nobela sina Capitan Lucas, Marcela,
Capitan Tibo, Don Segundo, Teniente Tato, at Aleng Anday. Taliwas sa Noli Me Tangere at El
Filibusterismo, ang Makamisa ay isinulat sa higit na nakakaaliw na paraan.

Mga Tauhan

Aling Anday

Padre Agaton

Kapitan Tibo

Marcela

You might also like