Talumpati Sample

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pag-Ibig: Inspirasyon o Distraksiyon?

Sa aming guro, Gng. Gilanes June Cagbay at sa aking mga kaklase,


Magandang Umaga sa inyong lahat. Isang malaking karangalan ang pagbibigay
sa akin ng pagkakataon na magsalita dito sa inyong harapan at ipahatid ang
aking kagyat na kaunawaan sa topikong Pag-ibig.

Ano nga ba ang Pag-ibig? Ano nga ba ang meron sa pag-ibig na


nakakapukaw ng atensiyon at damdamin? Ano ang pakiramdam pag umiibig?
Kasiyahan ba ang dulot nito? o yaong kalungkutan sakit lamang ang dulot nito
at nakakasagabal lang sa ating pag-aaral?

Naniniwala akong Pag-ibig ang dahilan ng lahat ng bagay. Saan man


tayo makarating ay maaaring makakita at makaramdam tayo ng pag-ibig dahil
nga, tayo’y biniyayaan ng puso para makaramdam.

Sa panahon ngayon, hindi na nakaka-surpresa sa akin ang salitang pag-


ibig. Maging pag-ibig man ito sa pagitan ng lalaki at babae, bata at matanda,
mayaman man o mahirap. Nakakatuwa ngang makita na pag-ibig parin ang
nagingibabaw sa kabila ng mapanghusga nating lipunan dahil uso na nga ang
mga taong ADVANCE MAG-ISIP. Sa panahon ngayon, Alam nating mga
kabataan na sa kabila ng pagiging tutok sa social media, pagiging magastos at
minsan walang pakialam sa mundo ay nag-iisip parin tayo tungkol sa ating
kinabukasan at maaaring mahantungan sa hinaharap. May kamalayan na
tayo sa ating buhay ngunit bakit meron paring mga tao na nag-iisip na pawang
distrakson ang pag-ibig sa pag-aaral? Lumalaki at tumatanda na tayo pero ang
ating pag-iisip ay nananatiling immatured pagdating sa pag-ibig.

Meron akong boyfriend sa malayo ngunit kailanman ay hinding hindi ko


inisip na nakakasagabal siya sa pag-aaral ko at sa katunayan, siya pa nga ang
puntahan at takasan ko sa tuwing nadedepress ako, siya ang pumupuno sa
kulang na pagmamahal na pinaparamdam sa akin ng aking pamilya at siya
ang nagsisilbing dahilan ng kasiyahan ko sa tuwing tinatapakan ako ng
kalungkutan at stress sa mundong ito.
Iba ang pag-ibig na nararamdaman ko mula sa kaniya dahil marunong
siyang mag-intindi dahil nga lumaki din siya sa makabagong panahon at hindi
kagaya ng mga magulang natin na sa tuwing nakakagawa tayo ng kasalanan
puputak lang sila nang puputak at hindi manlang nila tayo binibigyan ng
pagkakataong magpaliwanag ng ating totoong damdamin which is lalong
tumatapak sa atin sa kalungkutan. Minsan nga kino-kompara pa tayo sa ibang
mga ka-edad natin, mas proud pa sila dun at mas naa-appreciate pa nila yung
mga mas magaling, masipag at talentado. Hindi ba nakaka baba ng confidence
iyon? In the end, boyfriend ko parin ang nageencourage sa akin kahit na down
ako.

Maaari ngang distraksiyon sa pag-aaral ang pag-ibig kung hindi natin


alam ang ating limitasyon dahil meron kasing pag-iibigan na puro lang
kalandian at kalibugan dahil mas pinapaibabaw nila ang pang-pisikal nila na
pangangailangan ngunit meron din namang mga matured na na alam nila ang
kani-kanilang limitasyon at umiibig lang sila dahil kinulang sa atensiyon at
pagmamahal na binibigay ng pamilya.

Mga kabataan, tayo’y binigyan ng puso para makaramdam at isipan para


makapag-unawa ngunit huwag magpa-alipin ng tuluyan sa ating puso.
Isaalang-alang din natin ang gamit ng ating utak. Alalahanin ninyo na ang
lahat ng labis ay lason.

Nilikha ang pag-ibig para magkaroon ng katahimikan, kapayapaan at


higit sa lahat pagkakaunawaan. Huwag po natin itong abusuhin at gamitin sa
maling pamamaraan. Walang masama sa kapangyarihan ng pag-ibig kung
gagamitin natin ito sa positibong pamamaraan at pananaw. Magsilbi sana
itong inspirasyon lamang sa ating mga puso.

You might also like