Professional Documents
Culture Documents
Filipino Week 2 - Bionote (Mahalagang Gawain 2)
Filipino Week 2 - Bionote (Mahalagang Gawain 2)
12-Love
Mahalagang Gawain sa Filipino: Bionote
Si Victor Maria Regis Nubia Sotto, o mas kilala bilang Vico Sotto (pinanganak noong Hunyo 17, 1989). ay
isang Pilipinong politiko at kasalukuyang alkalde ng Pasig. Siya ay anak ng mga kilalang personalidad sa
showbiz: ang kanyang ama ay ang komedyanteng si Vic Sotto at ang kanyang ina ay ang aktres na si
Coney Reyes. Bagamat inaasahan na sya ay lumaki bilang artista, si Vico Sotto ay lumaking mahiyain at
ilap sa telebisyon. Nagtapos siya sa Ateneo de Manila University noong 2011 sa kursong Bachelor of Arts
in Political Science. Kinalaunan ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral at nakamit ng master’s
degree sa Public Administration sa Ateneo School of Governance noong 2018.
Una siyang pumasok sa mundo ng pulitika nang siya ay nagsilbi bilang independent na konsehal ng
Lungsod ng Pasig noong 2016 sa loob ng isang taon. Noong 2019, siya ay sumali sa partidong Aksyon
Demokratiko, at tumakbo at nanalo bilang alkalde ng Pasig. Ang kanyang plataporma ay nakatuon sa
public consultation, data-driven governance, at universal health sa Pasig, kung saan binigyang prayoridad
niya ang mga programa sa pabahay, edukasyon, at pagsugpo sa korapsyon. Kamakailan lamang ay
nakatanggap ng kabi-kabilang papuri si Vico Sotto dahil sa kanyang mahusay na pagresponde sa mga
naging problemang dulot ng COVID-19 pandemic sa lungsod ng Pasig.