Sa Isang Bituin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Sa Isang Bituin: Mga Dapat Mong Malaman

Mula sa kalawakan makikita; ang mga bituing nagniningningan; mga palamuting

nagkikislapan sa madilim na kalangitan. Minsan narin tayong humiling sa mga ito,

hinihiling na sana matupad ang ating mga kagustuhan sa mundong ito. Habang

pinagmamasdan ang mga bituin, natanong mo na ba sa iyong sarili, kung saan

nanggaling ang mga ito? Ano nga ba ang mga nakatagong katangian sa likod ng mga

liwanag sa ating kalangitan?

Ang Bituin

Ang mga bituin ay ang mga ilaw na ating nakikita at kinamamanghaan sa ating

kalawakan. Hindi lamang nakikita ang mga ito pagsapit ng gabi dahil meron ding isang bituin na

siyang lagi nating nakikita sa umaga. Ang araw ay isa ring uri ng bituin na pinakamalapit sa

ating planeta. Nakikita natin ang mga bituin sa kalangitan dahil sa taglay nilang liwanag na

binubuga nang magreaksiyon-kemikal at nukleyar sa loob ng marikit na bagay sa kalangitan.

Astronomiya ay ang pag-aaral sa mga bituin at iba pang bagay sa kalawakan. Ang mga

astronomo naman ang silang nag-aaral sa katangian ng mga bituin. Nalalaman nila ang mga

katangian ng isang bituin sa pagmamatiyag ng kaniyang espetrum, ningning at kilos sa

kalawakan. Magkakaiba ang mga bituin sa kanilang kabuuang bigat, komposiyong kemikal at

edad. Ang kabuuang bigat ng bituin ang pangunahing pang-alam sa pag-inog at kahihinatnan

nito.
Ang Ating Araw: Sentro ng Ating Sistemang Solar

Ang pinakamalapit na bituin sa ating planeta ay ang ating araw. Ito ay nasa gitna ng

sangkaarawan at ang pinakamalaking bagay na makikita sa ating sistemang solar, umaabot ang

diyametro nito hanggang 1.391 milyon kilometro. Ang temperatura naman nito ay bumubugso

hanggang 27,000,000℉ at ang kanyang surface temperature ay 10,000℉. Ang araw ang siyang

iniikutan ng mga planeta sa ating sangkaarawan. Dito rin halos nagmumula ang lahat ng enerhiya

na kinakailangan ng bawat organismo sa ating mundo. Napakata importante ng araw sa atin dahil

kapag wala ito, maaaring hindi mabuhay ang mga planetang nakapalibot dito.

Mga Maiinit na Bituin sa Kalawakan

Kung sa tingin mo na ang araw natin ang pinakamainit na bituin sa ating kalawakan ay

nagkakamali ka, marami pang ibang kauri nito na mas hihigitan pa ang temperatura ng ating

araw. Nalalaman sa kulay ng bituin ang taglay nitong init o lamig. Nakategorya ito sa pito:

STAR KULAY APPROXIMATE SURFACE TEMPERATURE

S C TYPE
O Blue Over 25,000 K
P L
B Blue 11,000 – 25,000 K
E A A Blue 7,500 – 11,000 K
C S F Blue to White 6,000 – 7,500 K
T S G White to Yellow 5,000 – 6,000 K
R K Orange to Red 3,500 – 5,000 K

A M Red Under 3,500 K


L

https://www.enchantedlearning.com/subjects/astronomy/stars/startypes.shtml

Narito ang ilan sa mga pinakamainit na bituin sa ating kalawakan.

PANGALAN NG BITUIN KULAY TEMPERATURA (K)


WR 102 Blue 210,000 K
WR 142 Blue 200,000 K
LMC 195-1 Blue 200,000 K
BAT 99-123 Blue 170,000 K
WR 93b Blue 160,000 K

https://en.wikipedia.org/wiki/List_of_hottest_stars

Ang Goliath sa Ating Kalawakan

Magkakaiba ang laki ng mga bituin at hindi natin ito nalalaman sa pagtingin at

pagkukumpara lamang sa bawat isa sa kanila dahil ilan sa mga higanteng bituin ay malayo sa

ating planeta kaya naman ito’y mistulang mas maliit sa mga bituing malapit sa atin at maari

naman hindi na natin ito nakikita sa ating kalangitan. Ang VY Canis Majoris ang tinaguriang

pinakamalaking bituin sa ating sangkarawan. Ito ay may layong 3,900 hanggang 5000 lightyears

mula sa ating planeta. Nadiskubre ito ng isang Pranses na astronomo na si Jerome Lalade noong

Marso 1801. Ang diyametro nito ay umaabot hanggang 1,976,640,000 kilometro. Ang ating araw

ay kayang pagkasyahin an gating planeta ng isang milyong beses habang ang VY Canis Majoris

naman ay kasya ang 2,100 na araw.

You might also like