Pag Ibig

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pag-ibig

Ano nga ba ang aking nararamdaman? Bakit ba tila bumibilis ang tibok ng aking puso? Katawan

ko ay nanginginig at ang aking mga kamay ay pinagpapawisan. Pag-ibig nga ba ang dahilan?

Ang pag-ibig ay ang pinakamalakas na emosyon na nadadama ng bawat isa. Kahit anong klase

ng organismo, gaya ng hayop o tao ay nakakaranas ng pag-ibig. Kung tutuusin nagmula lahat

tayo sa pagmamahalan ng dalawang tao, sina Adan at Eva. Naipapadama natin ang pagmamahal

sa isang indibiduwal sa pamamagitan ng pagsambit ng mga salitang nakakatunaw ng puso tulad

ng, “Mahal kita”, “Iniibig kita”, at marami pang iba. Ang panliligaw ay isang halimbawa din ng

pagpapahayag ng pag-ibig. Ito ay ginagawa ng karamihan ng mga kabataan ngayon. Mayroong

mga binatang bumubuo ng mga tula, awit at minsan “love letter” na tiyak naman na nakakaantig

sa damdamin sa mga kababaihan. Ang mga ilang binata naman ay nireregaluhan ang kanilang

iniibig ng mga bagay na karaniwang mamahalin. Lahat ng mga tao ay nakakaranas ng pag-ibig

ngunit may mga ilan naman na minamalas.

Ang pag-ibig ay madaling ibigay subalit mahirap ibalik. Kinakailangan ng bawat isa ang pag-

ibig dahil kapag wala tayo nito hindi natin mararanasan ang tinatawag na kasiyahan. Kaya kapag

iniisip mong walang nagmamahal sayo nagkakamali ka dahil mayroon at mayroon paring

umiibig sayo at ito’y walang iba kundi ang Panginoon.

You might also like