Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Pagbabago ng Anyo ng Panitikan sa Pilipinas

Ang paglaganap ng panitikan sa Pilipinas ay naging instrumento sa pagbigay ng


malaking kontribusyon sa iba’t-ibang mga aspekto ng mga sitwasyong nakapaloob sa
atin. Naging tulong sa pag-uugnay ng mga pangyayari, pagpapahayag ng damdamin,
pag-uunawa ng isang makataong kilos o maging sa pananaliksik. Sa paglipas ng
panahon ay bumago din ang transisyon ng ating literatura, kaya nais natin ihukay kung
saan nga ito nagsisimula.

Simulan natin ito sa panahon ng ating mga katutubo, bago paman, ano nga ba ang
ginamit pa nila sa pagsusulat? Naging malikhain at mapamaraan ang ating mga ninuno,
dahil ang kanilang panitikan ay naisusulat sa biyas ng kawayan, dahon o sa balat ng
punong kahoy gamit naman ang matutulis na kawayan, kahoy, bato at bakal bilang
panulat. Nakaukit din ang kanilang mga panulat sa kuweba o sa mga punong kahoy.
Karamihan sa mga panitikan ay tinawag na pasalin-dila. Dito nakapaloob ang bulong,
tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga
kwentong-bayan, alamat at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang
pinakaunang anyo ng dula sa bansa. Tiyak naging pamilyar parin ito sa atin ngayon.

Sa Panahon naman ng kastila na kung saan ang pakay nila ang mapalawak ang
pananampalataya. Naging halimbawa na dito ang mga senakulo, santa cruzan at tibag;
tulang gaya ng mga pasyong inaawit. Naging masalimuot naman ang buhay ng mga
Pilipino sa panahon ng rebolusyonaryo, sa kadahilanan ng di-makataong pagtrato sa
kanila ng mga Kastila at pamamalakad ng mga prayle na nag-uudyok din na kalabanin
ang pamahalaan. Nagsusulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikang
pinangunahan ng ating mga propagandista. Mga kinikilalang bayani natin na sina Dr.
Jose Rizal Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez-Jaena at iba pa. Idinaan nila sa
panunulat ang mga bighati at ibinuhos ang makatarungang panig upang maprotektahan
ng mga sarili. Dumako naman din sa atin ang wikang Ingles sa pananakop ng mga
Amerikano, isang tanyag na pangunahing panitikan dito ay ang mga Dula. At sa
panahon ng pananakop ng mga Hapon nadala sa ating literatura ang mga maikling tula
na kung tawagin Haiku at Tanaga.

Nang lumawak ang modernisasyon sa ating lipunan, ayon sa artikulo, sinasalin ang
mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan, magazine at aklat, anyo ng pelikula,
palabas pantelebisyon o kaya’y programang panradyo; kundi sa pamamagitan din ng
hi-technology – ang Internet. Napalawak agad ang ibang porma ng panitikan lalo na’t
ang mga kabataan ay naging kasapi nito. Ang computer, cellphone, at internet ay
naging biswal na manipestasyon sa internet kaya napasok ang pagkakaroon ng
blogging, video clipping at audio airing na patuloy na bumubuhay sa panitikan hindi lang
ng Filipino kundi ng ibang lahi mandin.

Sa tulong ng teknolohiya naging mabilis din ang mga ginagampanang proseso sa


trabaho, buhay at pag-iisip. Gamit ang social networking sites tulad ng Facebook,
Twitter, Tumblr atbp. naging madali ang pagpapahayag ng saloobin ng isang tao.
Mismo naging pamilyar din tayo sa mga ‘hugot’ at itong popular na paraan sa pagbigay
buhay ng isang tula na kung tawagin na ‘spoken word poetry’ ay naging malaking
panama sa mga kabataan ngayon, lalo na’t ang karaniwang paksa ng tula ay tungkol sa
pag-ibig. Na binigkas at pinresenta sa paraang pasalita sa publiko na may halong
masidhing emosyon at partikular na tono sa pagbibigkas.

Ang impluwensiya ay isa sa dahilan ng naging pagbabago ng panitikan sa Pilipinas,


ngunit itoy nagbigay ng malaking tulong na mapanatili ang ating kultura. Ika nga,
maaaring mawala ang yamang materyal, subalit hindi ang panitikan. Dahil ang panitikan
ay isang tulay na patuloy natutuklasan ang naiwan na yaman.

You might also like