Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pananaliksik

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya


Jump to navigationJump to search
Ang pananaliksik[1] ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na
humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang
nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng
pagpapatunay ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas
mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri,
sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na
masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong
nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig
mapag-alaman pa ng mga mamamayan.
Bukod sa pagbibigay tugon sa mga katanungan, isa pang layunin ng pananaliksik ang makahanap
ng solusyon sa isang problema o suliranin. Karaniwang naghahanap ang isang mananaliksik[2] ng
mga kaalaman mula sa mga aklatan upang malaman kung ano ang mga napag-alaman hinggil sa
isang bagay, kabilang ang mga maaaring nakalimutan nang kaalaman. Maaaring naghahanap-
buhay ang isang tagapagsaliksik o tagasaliksik[2] sa isang klinika, laboratoryo, o kaya
isang planetaryo. May mga mananaliksik na naghuhukay ng lupa para mapag-aralan ang mga guho
ng mga sinaunang mga kabihasnan o magsagawa ng mga pag-aaral hinggil sa mga hubog ng mga
bato. Maaari rin siyang maglakbay sa kalawakan para pag-aralan ang sanlibutan.[3]

Mga nilalaman

 1Kasaysayan
 2Mga gawain
 3Mga paraan
 4Mga uri
o 4.1Mga pangunahing uri
o 4.2Iba pang mga uri
 5Mga sanggunian

You might also like