Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ano Ang Pang-uri?

Narito ang Kahulugan,


Halimbawa ng Pang-uri
ANO ANG PANG0-URI – Narito ang kahulugan at mga halimbawa ng pang-uri.

Isa sa mga bahagi ng pananalita na itinuturo sa mga mag-aaral sa elementarya ay


ang pang-uri. Marami ang maaring magtanong, “Ano ang pang-uri?”.

Ano ang pang-uri?


Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na nagbibigay deskripsyon o turing sa
ngalan ng tao, bagay, hayop, pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba pa. Kadalasan,
ginagamit ito upang mas bigyang linaw ang isang pangngalan.
Halimbawa ng Pang-uri:
 Maganda
 Bilog
 Pulang-pula
 Ningas-kugon
 Mataas
 Araw-araw
 Seryoso
 Balat-sibuyas
 Mapagbigay

 Maganda ang asawa ni Mang Tonyo kahit may edad na ito.


 Hugis bilog ang dala niyang tinapay para sa mga bata.
 Pulang-pula ang nabili na damit ni Theresa para sa kaarawan niya.
 Talagang ningas-kugon si Dino kaya hindi umunlad ang pamumuhay nila.
 Mataas ang gusali na ipinatayo malapit sa kanto.
 Araw-araw umaalis si Dexter para magtrabaho sa bayan.
 Seryoso si Juliet sa sinabi niya kaya hindi na umatras si Ive.
 Huwag ka nang magtaka, talagang balat-sibuyas siya.
 Mapagbigay talaga ang pamilya nina Josue at Roxanne kaya maraming
biyaya ang dumarating sa kanila.

You might also like