Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

ARALIN 1

TANKA AT HAIKU
“Kung magpaphayag ng saloobin
May tamng paraan para ito’y iparating
Ingatang walang masasaktan”

MAHAHALAGANG TANONG
Bakit mahalagang mag-ingatsa pagpapahayag ng damdamin?
Paano makikila ang kultura ng isang bansa sa pamamagitan ng pagkilala sa uri ng
tulangumusbong dito?

PAGPAPALALIM NA GAWAIN
Sa araling ito’y mag-iisip ka bilang reporter na magsasagawa ng pananaliksik upang
makikibuo ng iuulat tungkol sa kulturang nakapaloob sa tanka at haiku.

168
SIMULAN NATIN
Pamilyar ka ba sa mga pahayag na ito?Saan mo nakikita ang mga iyan?Ano ang karaniwang
isinusulat mo sa mga tanong na iyan?

Laganap na ngayon ang paggamit ng social media katulad ng


Facebook,Twitter,Instagram,Snapchat ate iba pa.Dito ay malaya mong naipapahayag ang
iyong damdamin o saloobin.
Ano ang damdamin mo sa araw na ito?Sa loob ng bilog sa ibaba ay gumuhit ng isang
emoticon na magpapahayag ng iyong damdamin.

Paano ka ba magpahayag ng iyong damdamin?


Ginagawa mo ba ito upang mailabas ang iyong saloobin kahit na may mga taong maaring
masaktan?
Maraming paraan upang ang iyong saloobin ay maiparating.Ngunit palagi nating tandaang
may tamang paraan sa pagpapahayag.Sama-sama nating tulasin ang iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag ng damdamin sa araling ito.

169
ALAM MO BA?
Ang bansang Hapon na matatagpuan sa Silangang Asya ay nasa Pacific Ring of Fire,kung
saan natatala ang pinakamaraming lindil at pagputok ng bulkan.Tokyo ang kabisera
nito.Binubuo ng apat na pangunahing islaang bansang ito
,ang Hokkaido,Honshu,Shiokou,at Kyushu.Pinagdurugtong namn ang mga pangunahing isla
na ito ng isang makabagong railroad system-ang shikansen o japanese bullet train.

Nihonggo ang kanilang wika at ang kanilang relihiyon ay Shintoismo at Buddhismo. Ang
buhay ng mga Hapones ay naimpluwensyahang mabuti ng Shintoismo at ang kodigo na
Bushido. Ang Shintoismo ang nagdiin sakamalayan ng mga Hapones na sila ay anak na Diyos
at magiging Diyos ding kapag namatay. Ang Bushido naman ang nagbigay ng napakataas na
pagpapahalaga sa karangalan ,kaya minamabuti pa ng isang taong mamatay kaysa mawalan
ng dangal. Isang bahardan naman ng populasyon ay Kristiyano.

Marami ka pang malalaman tungkol sa bansang ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng


panitikang dito umusbong at namanyagpag.

PAGYABUNGIN NATIN
Nakikilala ang kasingkahuluganat kasalungat ng salita
Hanapin at bilugan ang kasalungat ng salitang may salungguhit mula sa iba pang salita sa
lob ng pangungusap.Pagkatapos ay isulat ang kasingkahulugan nito sa linya bago ang
bilang.piliin ang iyong sagotsa kahon.

hihinto dilat Pag-edad


ginaw tagtuyot Pag-hina

--------------1. Kanina’y mulat ang kanyang mga mata, ngunit sa pagod ngayo’y pikit na.

--------------2. Bago pa lang nagsisimula ang kanyang paghihirap ay naniniwala siyang titigil
din ito.

-------------3.Ang lamig na nararamdaman niya kahapon ay naging matinding init ngayon.

170
-------------4.Sa pagtanda ng kanyang isipan ay siya namang pagbata ng kanyang itsura.

-------------5.Nakalulungkot panoorin ang mga puno sa panahon ng taglagas ,ngunit hindi na


dapat mag-alala darating din ang tagsibol.

Mahirap sa mga salitang nakilala mo sa payabungin natin ay baka may makita ka pang ibang
salitang hindi mo gaanong maunawaan ang kahulugan kapag binasa mo na ang ating aralin.
Ikahon ang mga salitang ito at kilalanin ang kasinkahulugan gamit ang diksyunaryo o halawin
ang kahulugan batay sa konteksto kung saan ito ginamit.

TANKA

Ang tankang iyong mababasa ay isinusulat ni Empress Iwa no Hime, na siyang Empress-
consort of the 16th Sovereign, Emperor Nintoku. Sinasabing ang tula ay isinulat ng empress
dahil sa kabiguan niyang masolo ang pag-ibig ng emperor.

Araw na mulat
Sa may gintong palayan
Ngayong taglagas
Di ko alam kung kelan
Puso ay titigil na

Ang susunod na tanka ay isinulat noong ikapitong siglo ni Princess Nukata.Isinulat niya ito
noong dumalo siya ng ceremonial gathering of the herbs noong May 5 668 na inorganisa ni
Emperor Tenji. Isa si Princess Nukata sa mga consorts ng naturang emperor. Ngunit ang
tankang iyong mababasa ay inalay ng prinsesa sa kanyang dating asawa na si Prince Oama.

171
Sa Murasaki
Ang bukid ng palasyo
Pag pumunta ka
Wag ka sanang makita
Na kumakaway sa akin

HAIKU

Ang mababasa mong haikuay isinulat ni Matsuo Basho ang tinaguriang master ng haiku.

Mundong ‘sang kulay


Nag-iisa sa lamig
Huni ng hangin

Isinulat ni Basho ang sumusunod na haiku sa kalagitnaan ng paglalabay sa Osaka. Sa


panahong ito ay unti unti na syang nanghihina.

Ngayong taglagas
‘Di mapigil pagtanda
Ibong lumilipad

Ito ang huling haikung isinulat ni Basho sa banig ng kanyang kamatayan. Alam na niyang
malubha na ang kanyangkaramdaman ngunit ang pagsulat pa rin ang kanyang maging
sandigan.

172
Lakbay ng hirap
Pangarap na naglayag
Tuyong lupain

(*Ang mga tanka at haikung matatagpuan sa araling ito ay isinalin ng may-akda).

PAGYABUNGIN MO PA

Isinlat sa unang hanay ang mga salitang ikinahonmo sa akada. Ibigay ang kasingkahulugan
nito gamit ang diksyunaryo o ang konteksto mg pangungusap kung saan ito ginagamit.
Gamitin sa makabuluhang pangungusap pagkatapos.

MAKABULUHANG
SALITA KAHULUGAN PANGUNGUSAP

SAGUTIN NATIN
A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang masasalamin mo sa maiikling tulang binasa mo?

2. Naipahayag ba ng mga sumulat ang kanilang nararamdamn noong oras na isinulat nila ang
tula, sa kabila ng kapayakan at kaigsian ng nga ito?

173
3. .Sino sa tatlong manunulat ng tula ang may mapait na karanasan sa pag-ibig? Tukuyin ang
taludtod na nagpapahiwatig ng kanyangdamdamin.
4. Sino naman ang nagsasalawahan sa pag-ibig? Aanong taludtod ang nagpapakita ng
kanyang damdamin?
5. Sino sa kanila ang nagpatunay na maging sa panahon ng pagsubok ay maipapahayag niya
ang kanyang damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng pagsulat ng tula?
6. Sa iyong palagay, naibsan ba ang dalahin ng kanilang damdamin nang isulat ang tula?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
7. May masasaktan ba kapag nalaman ng pinatutungkulan ang saloobin ng may-akda na
tanka? Ipaliwanag ang iyong sagot.
8. Masasabi mo bang ang ganitong klase ng pagpapahayg ng damdamin ay maikokompara sa
pagpo-post ng status sa social media? Ipaliwanag ang iyong sagot.
9. Nakatutulong ba sa isang tao ang ilabas ang kanyang saloobin sa paraang makikita ng
maraming tao? Bakit oo o bakit hindi?
10. Ano-ano ang dapat isaalang alangsa pagpapahayag ng damdamin?
11. Ano-ano ang maaring ibunga ng pagdalos-dalos na pagpapahayag ng damdamin?

PAGSULAT NG JOURNAL

Isilat sa iyong journal ang sagot sa tanong na ito.

Bakit mahalagang mag-ingat sa pagpapahayag ng damdamin?


B. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang salita ginamit sa tanka at haiku(f9pt-lla-
b-45)

Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang salitang ginamit sa tanka at haikung binasa.


Pagkatapos ay gamitin ito sa makabuluhang pangungusap.

1. puso ay titigil na-__________________________________________________

Makabuluhang pangungusap:_________________________________________
________________________________________________________________.

2. Ngayong taglagas ‘di mapigil pagtanda-__________________________________


Makabuluhang pangungusap:__________________________________________

_________________________________________________________________.
3. Lakbay ng hirap-______________________________________________________
Makabuluhang pangungusap:__________________________________________

_________________________________________________________________.

174
4. Pangarap na naglayag-_________________________________________________
Makabuluhang pangungusap:____________________________________________
_________________________________________________________________.
5. Tuyong lupain-________________________________________________________
Makabuluhang pangungusap:____________________________________________
_________________________________________________________________.

C. Naibabahagi ang sariling damdamin at ang damdamin ng bimibigkas ng tanka at haiku.

Isipin mong ang mga tanka at haikung iyong binasa ay binibigkas ng mga may-akda,
anong damdamin ang masasalamin mo sa kanila?Isulat ito sa unang puso. Sa ikalawang puso
naman ay isulat ang iyong damdamin ukol sa bansa.

Araw na mulat
Dada Sa may gintong palayan
Damdamin ng May-
Ngayong taglagas Damdamin ko
akda _________________
Di ko alama kung kelan
_________________ _________________
Puso ay titigl na ________
_________________
______

Damdamin ng May-
dDJGHJJHKJ Damdamin ko
akda Mundong ‘sang kulay _________________
___________________
Nag-iisa sa lamig _________________
___________________ ________
Huni ng hangin
_

Damdamin ng May- Damdamin ng May-


akda. Lakba’y ng hirap akda
__________________
Pangarap na naglayag __________________
__________________
Tuyong lupain __________________
________ _______

175
Nagkakalayo ba ang damdamin ng may-akda sa iyong damdamin hinggil sa binasa?
Ipaliwanag ang iyong sagot.____________________________________________________
________________________________________________________________________.
Sa iyong palagay, epektibo ba ang pagpapahayag ng kanilang damdadamin dahil ito ay
naramdaman mo rin ? Ipaliwanag ang iyong sagot.

BUOIN NATIN
Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagkakabuo ng tanka at
haiku(F9PB-lla-b-45)
Suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tanka at haiku gamit ang graphic organizer sa
ibaba.

Tanka Haiku

Pagkakatulad

Pagkakaiba

176
MAGAGAWA NATIN

Nabibigyang katwiranang napiling alternatibong solusyon

Mababakas natin sa mga tanka at haikung isinulat ng mga may-akda ang kanilang
damdamin. Noong unang panahon ito nag kanilang paraan upang maipahayag ang kanilang
saloobin. Kadalasan, kung akda aytungkol sa kabiguan at kalungkutan, nakatutulong sa kanila
ang pagsulat upang maibsan ang kanilang dinadala, at kung ito namn ay tungkol sa
kaligayahan ay nadodoble pa ang kanilang saya kapag ito ay naibabahagi nila sa iba.kagaya
na lamang ng shoutout o status sa panahon ng social media.Ito ay gingamit na paraan upang
mibahagi ng tao ang kanilang saloobin. May pagkaktaong nagiging daan ito upang magkaisa
ang mga tao para sa pagsulong ng mga positibong adbokasiya.

Ngunit kung minsan may mga taong inaabuso ang kakayahanng social media.Kung
madalas ay may nakikita tayong mga positibong shoutout sa Twitter at status sa facebook,
may ilan din namang gingamit ito upang manira ng iba o di kaya’y mambully sa kapwa. Ang
solusyon dito,maging reposable sa social media,’ika nga ng isang television network”Think
before you click”.

Mag-isip ng paraan upang mahikayat ang kapwa mo kabataan na maging resposable sa


paggamit ng social media.gumawa ng shoutout tungkol dito. Isulat ito sa loob ng kahin.

177
ALAMIN NATIN

TANKA AT HAIKU
Sa bansang hapon,tinitipon ang mga tulang isinulat ng mga kilalang tao mula pa noong ika-8
siglo hanggang sa kasalukuyan. Isang koleksyon ng mga sinaunang tula ay ang Manyoshu na
ang ibig sabihin sa wikang ingles ay A Collection of Ten Thousand Leaves..Ang Manyoshu ay
naglalman ng 4,500 tula,siyamnapung bahagdan ng mga tulang ito ay tanka.

Ang tanka ay maigsing tula na may 31 pantig,nahahati ito sa limang taludtod na may
sukat na 5-7-5-7-7.

Katulad ng tanka ,ang haiku ay maigsing tula na nagmula rin sa bansang Hapon. Ito ay
kalikasan.

Masasalamin sa uri ng tulang mula sa bansang Hapon ang kanilang pagiging payak at
hindi maligoy. Bagama’t mahirap arukin ang ibig sabihin ng tanka at haiku, sinasabing ibang
kaluguran ang nakukuha kapag napagtanto mo na ang tunay na kahulugan sa likod ng mga
taludtod.
Ang sumusunod ay iba pang uri ng tulang makikita sa panitikang pilipino at sa panitikan
ng ibang bansa. Ito ay ayon sa pag-uuring binuo ni Monleon.

1. Tulang liriko o Pandamdamin-Sa uring ito tinatampok ng makata ang kanyang


sariling damdamin o saloobin. Ito ang itinuturing na pinakamatandang uri ng tulang
isinusulant ng mga makata sa buong daigdig. Ito ay puno ng damdamin at madalas ding
gamiting titik ng mga awitin. Ang pagkakaugnayan ng tulang liriko at musikang sinasaliwan
ng instrumentong tinatawag na lira ang siyang dahilan kung bakit ito nakilala sa taguring
tulang liriko. Ito rin ang dahilan kung bakit ngayon malimit pumpasok sa ating isipan na ang
liriko ay alinman sa dalawang;tulang talagang kakantahin o kaya’y tulang may katangiang
awit.narito ang ilang uri ng tulang liriko.

A. Ang Awit(dalitsuyo)

B. Ang Pastoral(Dalitbukid)

C. Ang Oda(Dalitpuri)

D. Ang Dalit(Dalitsamba)

178
E.Ang Soneto(Dalitwari)
F.Ang Elehiya(Dalitlumbay)

2. Tulang pasalaysay-Ang uri ng tulang ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa


pamamagitan ng mga taludtod. Narito ang apat na uri ng tulang ito:

A. Ang Epiko(Tulabunyi)
B. Tulasinta(Metrical Romance)
C. Tulakanta(Rhymed o Metrical tale)

3. Tulang dula-Ito ay mga tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan. Narito
ang mga uri nga tulangv dula.

A. Tulang Mag-isang Salaysay(Dramatic Monologue)


B. Tulang Dulang Liriko -Dramatiko
C. Tulang Dulang Katatawanan(Dramatic Comedy)
D. Tulang Dulang Kalunod lunos(Dramatic Tragedy in Poetry)
E. Tulang Dulang Madamdamin(Melodrama in Poetry)
F. Tulang Dulang Katawa-tawang-Kalunos-lunos(Dramatic Tragicomedy in
Poetry)
G. Tulang Dulang Pauroy(Farce in Poetry)

4. Tulang Patnigan (justice Poetry)-Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng


magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula. Ang sumusunod ang mga uri ng
tulang patnigan

A. Karagatan
B. Duplo
C. Balagtasan
D. Batutian

Sanggunian: Ang Panulaang Tagalog:Kasaysayan,


Pagsusuri,at Paliwanag ni Jose Villa Panganiban

179
GAWIN NATIN

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Isa-isahin ang katangian ang mga tulang nagmula sa bansang Hapon.

2. Anong katangian ng mga Hapones ang masasalamin sa uri ng tulang kanilang nilikha?

3. Sa kabila ng pagiging maiksi at payak ng tanka at haiku,naipaphayag ba nila ang kaisipan at


damdamin nais iparating ng manunulat?

4. Ano ang pagkakaiba at pagkakatuald ng mga tulang nanggaling sa bansang Hapon at mga
tulang nagmula sa Pilipinas?

5. Magugustuhan mo rin kayang sumulat ng mga tulang Hapones tulad ng tanka at haiku?
Bakit?

6. Bakit mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang tula?

PAGSULAT NG JOURNAL

Isulat sa iyong journal ang sagot sa mahalagang tanong.

Paano makikilala ang kultura ng isang bansa sa pamamagitan ng pagkilala sa uri ng


kanilang tula?

ISULAT NATIN

Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat(F9PU-lla-b47)

Ngayon ay pagkakataon mo nang ipakita ang iyong husay sa pagsulat ng tulang nagmula
sa mga hapones. Pumili ka kung ang iyong nais isulatay tanka o haiku. Isulat ang iyong tula sa
scroll sa kabilang pahina. Gawing gabay ang bilang ng pantig at taludtod ng tanka at haiku na
iyong napag-aralan.

180
*Bakit nais pumunta ng may akda sa bansang Hapon?
*Ano ang nadiskubre nya sa bansa?

Bibigkasin mo ang ginawang tanka o haiku pagkatapos mong pag-aralan ang ponemang
suprasegmental.

KASANAYANG PANGWIKA

Basahin at suriin.

Isang Hapon sa Bansang Hapon


Matagal ko nang inaasam-asam makarating sa bansang Hapon dahil ang sabi nila,dito
raw nagmula ang maraming magaganda at modernong laruan katulad ng mga game
console. At hetona nga ang pinakahihintay ko, isang hapon ng pamamasyal sa
tinatawag na Land of the Rising Sun.hay, ibang klase pala ang buhay rito.Masarap ang
pagkaing Hapon sa karaniwang laging may kasamang isda.Ayon sa mga nakausap ko,
paminsan-minsan ay may lindol,ngunit sana’y sila sa mga dapat gawin sa oras ng lindol.
Hindi lang din modernong laruan ang makikita rito. Dito sa bansang Hapon
matatagpuanang pamosong Mount Fuji ,ang kanilang pinakamataas na bundok.
Makakakita ka rin dito ng mga bulaklak ng cherry blossom sa panahon ng kanilang
pamumulaklakat iba pang magandang tanawin. Hindi yata ako magsasawang mamasyal
sa bansang ito. Sa susunod, hindi lang isang Hapon ang gugugulin ko kundi isang linggo
upang malibot at mapasyalan ang buong bansang Hapon. Siyempre,kasama ko ang
aking kaibigan. Hindi si Kessa kundi ang bago kong kakilala- si ako.

181
Basahin ng malakas ang akda.Pansinin kung tama ang tono,diin,at paghinto

ISAISIP NATIN
Ponemang suprasegmental

Ang ponemang suprasegmental ay nakatuon sa diin(stress), tono o intonasyon(pitch) ,at


hinto o antala(juncture).

1. Ang diin ay ang bigat ng pagbigkas sa pantigna maaaring makapag-iba sa kahulugan ng


salita maging ang mga ito man ay magkapareho ang baybay.

Halimbawa:
HaPON-bigkas mabilis at may diin sa ikalawang pantig(Japanese)

HApon-bigkas malumay at may unang diin sa unang pantig(afternoon)

BUhay-bigkas malumay at may diin sa unang pantig(life)

BuHAY-bigkas mabilis at may diin sa ikalawang pantig(alive)

2. Ang tono o intonasyon ay tumukoy sa pagtaas o pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig


ng isang salita ,parirala o pangungusao upang higit na maging malinaw ang pagsasalita at
nang magkaunanwaan ang nag-uusap. Ang pagbigkas ng salita ay maihahalintulad sa
musika,tono o intonasyon- may bahaging mababa,katamtaman at mataas. Maaaring
makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin o makapagbigay ng bagong kahulugan ang
pagbabago ng tono o intonasyon. Subukin mong magsalita nang hindi nababago ang tono o
intonasyon at hindi mo maipararating nang tama ang iyong mensahe.

Halimbawa:

Nagpapahayag: Madali lang ito.


Nagtatanong: Madali lang ito?
Nagbubunyi: Madali lang it0!

3. Ang hinto o antala ay tumutukoy sa saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensaheng ipinapahayag. May hinto bago magsimula ang isang pangungusap
at may hinto rin pagkatapos nito. May hinto rin sa loob ng pangungusap kung may
kailangang ihiwalay na mga ideya upang higit na maunawaan ang nais nitong ipahayag.
Kuwit (,) ang ginagamit sa hinto.

182
Halimbawa:

Hindi siya si Kessa.

Nasa dulo ang hinto at nagsasaad na hindi si Kessa ang pinag uusapan.
Hindi, siya si Kessa.

Ipinahahayag ng hinto pagkatapos ng “hindi” na si Kessa ang pinag-uusapan.


Hindi siya, si Kessa.

Ipinahihiwatig ng hinto pagkatapos ng “siya” na hindi ibang tao ang nasa isip kundi si
Kessa.

MADALI LANG YAN

A. Piliin ang tamang salitang binibigyang-kahulugan ng pahayag. Isulat ang titik lamang.

a. buNOT b. BUnot
______1. bao ng niyog na ginagamit na pagpapakintab ng sahig.

______2. pagkuha sa suksukan.

c. SAya d. saYA
_____3. ligaya

_____4. isinusuot ng babae

e. LAmang f. laMANG

183
_____5. nakahihigit

_____6. natatangi

g. LInga h. liNGA
_____7. paglingon

_____8. buto ng halamang ginagamit na pampabango sa pagkain.

i. Aso j. aSO
_____9. hayop na inaalagaan

_____10. usok

SUBUKIN PA NATIN

Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat at bigkasin ito sa klase nang may tamang
diin, tono, at antala. Ang unang bilang ay ginawa na para sa iyo.

1. Nakatanggao ka ng isang mabuting balita. Lubos na kasiyahan ang iyong nadarama.


Paano mo ito sasabihin?

Masaya ako ngayon!

2. Pinalad kang makasama sa libreng pamamasyal sa Tokyo Disneyland. Ito ang unang
pagkakataong nakita mo ito. Ano ang iyong sasabihin?
___________________________________________________________________________

3. Umagang-umaga ay nakasalubong mo ang iyong guro at tulad mo, nababakas ang


lubos na kasiyahan sa kanyang mukha. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
___________________________________________________________________________

4. Namamasyal ka sa isang parke na noon mo lang napuntahan. Nais mo sanang


malaman kung saan ang labasan. Ano ang sasabihin mo sa taong nais mo pagtanungan?
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Nanalo ka sa patimpalak ng pagsulat ng tula. Paano mo ito ibabalita sa iyong
magulang?
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

184
TIYAKIN NA NATIN

Naipaliliwanag kung paano binibigkas nang may wastong antala o hinto ang pahayag.

Basahin ang bawat pahayag. Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng nagsasalita.
Bigyang -pansin ang kuwit na ginamit. Ang unang bilang ay ginawa na para sa iyo.
1. Titser si Mam Cruz.
2.
Paliwanag: Si Mam Cruz ay isang guro.

3. Tatay, Pedro Quirino po.

_______________________________________________________________________
4. Hindi, si Kessa ang lumapit.

_______________________________________________________________________
5. Bukas ang kotse mo.

_______________________________________________________________________
6. Hindi si Sir Richard ito.

_______________________________________________________________________
PALAWAKIN PA NATIN
Nasasaliksik ang kulturang nakapaloob sa tanka at haiku ng Silangang Asya.

Goal: Magsaliksik tungkol sa kulturang nakapaloob sa Tanka at Haiku ng Silangang Asya


upang maiulay sa klase na may tamang diin, tono o intonasyon, at hinto o antala.

Role: Isa kang reporter na susulat ng isang artikulong iuulat sa mga mag-aaral ng hayskul
tungkol sa kulturang nakapaloob sa tanka at haiku ng Silangang Asya.

Audience: Mga mag-aaral at gurp sa inyong paaralan.

Situation: Sa kasalukuyan ay iilan na lamang ang nakaaalam o nagbibigay halaga sa tulang


tanka o haiku ng Silangang Asya, na umusbong sa bansang Hapon ilang siglo na ang
nakararaan . Kaya’t sa pamamagitan ng pananaliksik ay aalamain mo ang kulturang
nakapaloob dito upang mapakinggan ng mga mag-aaral sa kasalukuyan at malaman nila ang

185
pinagmulan ng maiigsing tulang ito.

Performance/Product: Isang artikulong iuulat mo sa mga mag-aaral sa hayskul na


tumatalakay sa kulturang nakapaloob sa tanka at haiku ng Silangang Asya. Iuulat mo ito sa
klase na may tamang diin,tono o intonasyon at hinto o antala.

Standards and Criteria for Success: Ang iyong artikulo at pag uulat ay tatayain gamit ang
rubric sa ibaba.

Rubric para sa tatayaing artikulo


Ang artikulo ay produkto ng Ang artikulo ay produkto ng Makatotohanan at nararapat
masusing pananaliksik at pananaliksik at naglalaman ang inilahad na maaaring
naglalaman ng mga tamang ng impormasyon. makapagpabago sa pananaw
impormasyon. pagkatapos mapagnilayan
and aral na taglay ng akda.
3-Napakahusay 2-Mahusay 1-Di gaanong Mahusay

Rubric para sa tatayaing pag-uulat


Ang pag-uulat ay Ang pag-uulat ay malinaw at Ang pag-uulat ay hindi
malinaw,madaling madaling maunawaan. gaanong malinaw kaya hindi
maunawaan at kagiliw-giliw. Iniulat ito ng may tamang masyadog maunawaan. May
Masarap pakinggan sapagkat diin,tono o intonasyon at mali sa gamit ng diin,tono o
iniulat ito ng may tamang hinto o antala. intonasyon at hinto o antala.
diin,tono o intonasyon at
hinto o antala.
3-Napakahusay 2-Mahusay 1-Di gaanong Mahusay

186

You might also like