ARALIN-3 (Second Quarter)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Aralin 3

Ako si Jia Li, Isang ABC

"Sa pagsasalubong ng silangan at kanluran

Mga kultura't tradisyon magkakaiba man

Maraming bahay ang natutuhan

Na sa pananaw at isipan, lalong magpapayaman."

PAGPAPALALIM NA GAWAIN

Sa araling ito'y mararanasan mong bumuo NG isang maikling talumoating maglalahad ng sariling
opinyon|pananaw tungkol sa napapanahong isyu o paksa.

MAHALAGANG TANONG

Bakit mahalagang tanggapin, igalang at matuto sa pagkakaiba-iba ng kultura't tradisyon ng iba't-ibang

tao at lahi?

Kaugnay nito, Kung pagsasama-samahin ang lahat ng barayti ng wikang Mandarin Chinese, ito Rin ang
wikang may pinakamaraming nagsasalita na umaabot sa halos isang bilyong tao.

Hindi kataka-taka Kung gayon na ang impluwensyang Tsino ay lumaganap sa iba't ibang panig ng mundo
hindi lang dahil sa kanilang mga kalakal na ini-export kundi dala rin Ito ng mga Tsinong nangingibang-
bayan upang doon na manirahan. Ito ang paksang tatalakayin NG sanaysay na iyong matutunghayan.

PAYABUNGIN NATIN

A. Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa konteksto ng pangungusap (F9PT-
IId-47)

Minsan, ang ilang salita ay may di lantad na kahulugan o ang iyong kahulugan ay nasa pagitan ng
hanay ng mga salita. Subuking tukuyin kung anong kahulugan ang ipinahihiwatig ng sumusunod. Lagyan
ng tsek (✓) ang pahiwatig na kahulugang maiuugnay sa bawat pahayag. Gawing gabay ang mga salitang
nakasulat nang madiin. Bigyan ng maikling paliwanag kung bakit Ito ang napili mong sagot.

1. Napakahalaga ng pamilya sa aming mga Tsino. Kaming mga anak ay hindi basta bumubukod sa aming
magulang kahit pa may sariling pamilya na. Ipinahihiwatig ng pahayag na Ito na ....

Malapit ang pamilyang Tsino sa isa't isa

Independent o mas gustong mamuhay nang mag-isa ang mga Tsino

Hindi mabubuhay nang mag-isa ang mga Tsino

Paliwanag:

2. Subalit kapag nasa bahay ako, higit na nangingibabaw ang kulturang Tsino sa paraan ng pagpapalaki
sa aming magkakapatid. Ipinahihiwatig ng pahayag na Ito na.....

Mahigpit sa mga anak ang magulang ng nagsasalaysay

Hindi nahahawa ng ibang impluwensya ang mga Tsino

Malakas ang impluwensyang Tsino sa mga mamamayan nito

Paliwanag:

3. Mula pa noong bata ako ay si Wai pó na ang lagi Kong kasa-kasama kapag nasa trabaho ang aking
magulang at ang dalawang nakakatanda kong kapatid. Ipinahihiwatig ng pahayag na Ito na....

Ang Lola ang naging tagapag-alaga ng Bata sa pamilya

Hindi mapag-aruga ang magulang ng bata

Alagain ang bata dahil sa espesyal niyang pangangailangan

Paliwanag:

4. Hinding-hindi namin papayagang malayo sa amin si Waí pó. Tiyak na malulungkot siya roon at
malulungkot din ako dahil kaming dalawa ang magkasama sa silid. Ipinahihiwatig ng pahayag na ito
na.....

Nagpapaalam na ang kanyang waí pó upang lumipat ng tirahan

Mahal na Mahal ng bata ang kanyang waí pó

Mahirap sa pamilyang mawala ang matandang tagapag alaga nila ng anak

5. Bata pa ako ay lagi nang ipinaaalala sa akin ni Waí pó na hinding-hindi ko dapat itusok sa gitna ng
kanin ang aking mga chopstick dahil Ito raw ay nangangahulugan ng kamatayan. Ipinahihiwatig ng
pahayag na ito na.....
Hindi naniniwala sa pamahiin ang bata

Makaluma ang pamilya

Naniniwala sa pamahiin ang mga Tsino

B. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita batay sa konteksto ng pangungusap (F9PT-IIi-j-49)

Bigyang-kahulugan ang mahihirap na salitang nakasalungguhit sa pangungusap. Hanapin muna sa

kahon ang kasingkahulugan at isulat sa katapat na linya.

bangketa nabalo nagkakaisa minatamis tanggalin

PAYABUGIN MO PA

Isulat sa unang hanay ang mga salitang ikinahon mo sa akda. Ibigay ang kasingkahulugan nito gamit
ang diksyonaryo o sa tulong ng konteksto ng pangunusap kung saan ito ginamit. Gamitin sa
makabuluhang pangungusap pagkatapos.

Salita Kahulugan Makabuluhang Pangungusap

SAGUTIN NATIN

A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano-ano ang mga katangian Jia Li bilang ABC? Totoo nga kaya ang paniniwala nila ng kaibigan
niyang si lisn na ‘’They have the best of both worlds’’? Ipaliwanag.
2. Ilarawan naman ang kanyang pamilya. Ano-anong katangian ng pamilya ang magpapatunay na
matagal na silang naninirahan sa Amerika ay nananatili sa kanila ang mga tradisyon at kulturang
Tsino?
3. Ano – anong kaugalian at tradisyong Tsino ang nakilala at nangibabaw sa sanaysay.
4. Paano napatunayan ni Jia Li na siya ay isang mabuti at mapagmahal na anak at apo?
5. May makikita rin bang kahawig ng kultura at tradisyong Pilipino sa nabasang pamumuhay ng
mga anak na Wang? Ano-ano ang mga ito?
6. Kung sakaling ikaw at ang pamilya mo ang mangingibang-bayan, nanaisin mo rin kayang
mapanatili ang mga kaugaliang Pilipino kahit pa malakas ang impluwensiya ng kultura ng bayan
o bansang pinuntahan nyo. Bakit oo o bakit hindi?

PAGSULAT NG JOURNAL
Isulat mo sa iyong journal ang sagot mo sa tanong na ito.
Bakit mahalagang tanggapin, igalang at matuto sa pagkakaiba-iba ng kultura’t tradisyon ng ibat-
ibang tao at lahi?

B. Natutukoy ang sanhi at bunga sa nakalahad na pangungusap

Basahing mabuti ang mga pahayag na mula sa binasang sanaysay , tukuyin kung ang bahaging
nakasalungguhit ay ang sanhi o bunga.
Isulat ang sagot sa linya.

__________1 Hindi bumukod ng tirahan ang gege o nakatandang kapatid na lalaki ni Jia Li kahit na
noong nag-asawa at nagkaanak na siya dahil sa mahigpit na pagkakabuklod ng pamilyang
Tsino .

__________2.Sumusunod o nagpapasakop ang mga babaeng Tsino sa kanilang asawa sapagkat itbahagi
ng nakagisnan nilang kaugalian.

__________3.Natuto ng basic English si Wai po dahil sa matiyagang pagtuturo ni Jia Li.

__________4.Maraming Tsino ang sumusunod sa mga panuntunan ng Feng Shui para daw mapanatili
ang mabuting kalusugan , kaligayahan, at kaayusan sa buhay.

__________5. Ipinagmalaki ni Jia Li ang pagsasabuhay sa mabubuting kulturang Amerikano at Tsino

dahil maganda ang ibinunga nito sa kanyang pagkatao.

C. Naipaliliwanagang kaisipan, layunin, at paksang ginamit sa pagbuo ng sanaysay (f9PB-11d-47)

Kilalanin ang mga kaisipan, layunin at paksang ginamit sa sanaysay. Lagyan ng tsek ang pahayag na
nagamit sa sanaysay at ekis(x) sa mga bahaging hindi nakita sa sanaysay. Magbigay ng maikling
paliwanag kung paano nagging pangunahing kaisipan o paksang tinalakay sa sanaysay ang mga sagot na
nilagyan mo ng tsek.
1. Ang mga American-Chinese at patuloy na nagsasagawa ng kanilang mga kaugalian kultura at
tradisyon kahit pa sila ay matagal na naninirahan sa Amerika .
Paliwanag: ________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Maraming hinanakit ang mga batng American-Chinese sa diskriminasyon at uri ng pakikisamang
ipinakita sa kanya ng mga purong Amerikano sa kanyang paligid.
Paliwanag: ________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Ang malalaking okasyon sa buhay ng mga Tsino ay kanilang pinahahalagahan at ipinagdiriwang
sa pamamagitan ng piging na pinaghahandaan nang mula sampu hanggang labindalawang uri ng
putahe.
Paliwanag: _________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Ang mga matatanda mang lumaki sa mga kinagisnang tradisyon ay nag-a-adopt din sa kultura ng
bansang nilipatan dahil na rin sa impluwensiya ng mga nakababata sa pamilya.
Paliwanag; __________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
5. Layunin ng batang naglahad ng kanyang mga karanasan na matuto ang mambabasang maging
higit na bukas at gumalang sa pagkakaiba iba ng tao at lahi, tanggapin ang makabubuti at iwaksi
ang makasasama sa kanilang mga nakikita.
Paliwanag: __________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
6. Ninanais ng batang sana ay may mabago sa uri ng kanyang pamumuhay lalo na ang mga
tradisyong ipinatutupad sa kanilang tahanan.
Paliwanag: ___________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
BUOIN NATIN

Naihahambing ang sarili sa pangunahing tauhan

Marami rin naging impluwensiya ang mga Tsino sa ating pamumuhay kaya maaaring nakakaugnay o
nakikita mo rin sa sarili mong kultura at tradisyon ang ilan sa mga nabanggit ni Jia Li sa sanaysay.
Pagkomparahin ang mga pagkakapareho at pagkakaiba ninyong dalawa gamit ang Compare Organizer sa
ibaba.

Ikaw
Jia Li __________________________

Pangalan mo
Pagkakaparehoo

______________________________________________________________

Pagkakaiba

Samahan ng Pamilya

Pagkain

Pagdiriwang

doon.Parang mas gusto mo na lang sanang manatili sa bahay kapag linggo para makapag pahinga pero
gusto ng magulang mo na kompleto kayo sa lingguhang pananghalian dahil tradisyon na raw ito ng
pamilya ninyo. Ano ang gagawin mo?
_____________________________________________________________________________________

3 Nakagawian ng iyong magulang ang maluhong paghahanda kapag may okasyon. Ang problema,
ipinangungutang o gumagamit sila ng credit card para lang makapag handa ng marami. Dahil sa pag
babayad ng utang na ito kasama ng tubo, ang badyet ninyo sa halos buong isang taon ang apektado kaya
pagkatapos ng magarbong handaan ay tipid na tipid kayo sa lahat ng bagay lalo na sa pagkain. Ano ang
gagawin o sasabihin mo sa susunod na magkakaruon na naman ng plano para sa magarbong
paghahanda?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Batay sa mga isinagot mo sa mga sitwasyon sa nagdaang pahina, bakit mahalagang tanggapin o
panatilihing at iwaksi o iwasan ang ilang kaugaliang nakagisnan?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

ALAMIN NATIN

ANG SANAYSAY

Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan sa karaniwang pumapaksa
tungkol sa mga ka isipan at mga bagay-bagay na sadyang kinapupulutan ng impormasyon at aliw ng mga
mambabasa. Sa uring ito ng panitikan, maibibilang ang mga sulating pampahayagan - artikulo,
natatanging pitak o lathalaing, tudling;ang mga akdang pandalub-aral-tesis, disertasyon, diskuro;gayun
din ang mga panunuring pampanitikan at mga akdang pampananaliksik.
Ang sanaysay ayon sa panlahat na pag-uuri ay dalawa: pormal o maanyo at pamilyar o personal.
Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pagkakaiba ng dalawang uri.

pormal o Maanyong Sanaysay Pamilyr o Personal na Sanaysay

Paksa o Tema Nag hahatid o nag bibigay ng Mapang-aliw, nag bibigay-lugod

mahalagang ka isipan o sa pamamagitan ng
kaalaman mamagitan ng pagtatalakay sa mga paksaing
makaagham at lohikal na karaniwan,pan-araw-araw, at
pagsasa ayos ng impormasyon personal

Gamit ng Salita Maingat na pinipili ang Ang pananalita ay parang

pananalita, skolari o Ppormal nakikipag-usap lamang o parang
ang mga salita kaya mabigat usapan lamang ng
basahin magkakaibigan

Pananaw ng Pagsulat Mapitagan at gumagamit ng Ang may akda ang tagapagsalita

ikatlong ikatlong panauhan o at ang mambabasa ang
pananaw sa paglalahad tagapakinig, kaya magaan at
madaling maintindihan

Nilalaman Maanyo kung turingan sapagkat Idinidiin dito ang mga bagay
ito'y talagang pinag-aaral an, bagay, mga karanasan, at mga
makahulugan, matalinghaga, at isyung bukod sa kababakasan
matayutay ;karaniwang ng personalidad ng may - akda
nakabantay sa pananaliksik at sa ay maaaring maka-ugnay o
makatotohanag datos makisangkot ang mambabasang
madla

Tono Ang tono nito ay seryoso, Pala kaibigan ang tono kaya
paintelektuwal, at walang pamilyar ang tono dahil ang
halong pagbibiro panauhang ginagamit ay unang
panauhan

Obhetibo o Subhetibo Obhetibo o di kumikiling sa Subhetibo ito sapagkat

danda in ng may akda pumapanig sa damdamin at
paniniwala ng may - akda ang
pananaw

Ang dalawang uring ito ng sanaysay sa panlahat na pahayag ay parehong naglalayong mag bigay-
kaalaman at mag dulot ng aliw. Ang tanging pagkakaiba ay nasa priyoridad na rin ng bawat uri. Ang
pormal na sanaysay ay nagnanasang magpaliwanag, manhikayat, at mag turo tungo sa pangkaunlarang-
isip, moral at hilagyo ng mga mambabasa. Samanta lang ang pamilyar na sanaysay ay nagmimithing
mangga yak, magpatawa, o kaya'y manudyo o magsilbing salamin sa lahat ng mga saloobin at
kondisyong pansikolohikal ng mga mambabasa.

GAWIN NATIN

A. Sagutin ang sumusugod na mga tanong.

1. Ano ang sanaysay? Paano ito na iba sa iba pang anyo ng panitikan?

2.Ano-ano naman ang dalawang uri ng sanaysay? Paano nagkaiba ang g uring ito?

3.Alin sa dalawang uri ang maaari mo nang isulat kahit ngayon din? Bakit magagawa mo agad kahit
walang paghahanda?

4. Kung ikaw ay pasusulatin ng isang pormal o maanyong sanaysay, ano-anong paghahanda ang
isasagawa mo para maging maging epektibo ang susulatin mo?

5. Sa anong uri kaya maaaring ihanay ang mga blog na karaniwan na ngayong mababasa sa internet?
Mag bigay-patunayan itong sagot.

6. Ano-ano ang maaaring gawin ng isang bagong manunulat para maka bio siya ng isang sanaysay na
hindi lang magbibigay ng aliw kundi makapagbibigay kaalaman din sa kanyang mambabasa?

PAGSULAT NG JOURNAL

Isulat sa iyong journal ang sagot sa tanong na ito.

Bakit mahalagang matutong sumulat ng sanaysay ang isang mag-aaral?

Sa ano-anong pagkakataon magiging kapaki-pakinabang ang kaalamang ito?

B. Sa inyong lalagay, anong uri kaya ng sanaysay na bibilang ang binasa nating "Ako si Jia Li, Isang ABC" ?

Magbigay ng patunay at ipaliwanag ang iyong sagot.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

ISULAT NATIN

Naipaliwanag ang opinion/pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay sa napakinggan/nabasa (F9PN-

IId-47)

Ano kaya ang layunin ng may-akda sa paglalahad ng kanyang mga opinion o pananaw tungkol sa
paksang may kaugyanan sa nagiging buhay ng mga taong nag-ma-migrate o naging dayuhan sa ibang
bayani? Ipaliwang ito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang sanaysay na personal o pamilya. Gumamit ng
isang buong papel at lalagyan ito ng sarili mong angkop na pamagat.

KASANAYANG PANGWIKA

Ang bagong Tsina ay sinasabing isa sa mga pinakamaatatandang sibilisasyon. Dahil dito, taglay nito ang
mahaba at makulay na tradisyon hindi lang namamayani sa bansang Tsina kundi nakaimpluwensiya na rin sa iba’t ibang
panig ng mundo. Makikita ito sa paglaganap ng mga paglaganap ng mga Chinese restaurants sa iba’t ibang panig ng mundo,
ang pag-aaral ng marami sa wikang tulad ng Chinese Mandarin, gayundin ang paniniwla sa mga kaugalian at pamahiing
nagmula sa Tsina. Nadadala ito ng mga Tsinong nandarayuhan sa ibang bansa tulad ng Pilipinas. Sa ngayon, ang mga
pamahiing ngmula sa Tsina tulad ng mga nasa ibaba ay pinaniniwalaan na rin ng ilang Pilipino.

 Ipinagbabawal sa mga babaeng ikakasal ang pagsusukat ng kanyang damit pangkasal dahil maaring dahil dito’y
hindi natuloy ng kasalan.
 Pinaiiwas ang babaeng buntis sa pagtingin,pananakit,o pagkakagalit sa mga hayop na hindi maayos ang itsura
sapagkat maaring makuha ng kanyang ipinagbubuntis ang ganoong itsura.
 Kapag bumisita sa isang lamay ay pumunta muna kung saan para mag-pagpag sa halip na dumiretso agad sa bahay
para maiwasang maiuwi sa tahanan ang kaluluwa ng yumao.
 Pinaiiwas ang magnobyong malapit nang ikasal sa paglalakbay sa malalayong lugar sapagkat malapit daw sila sa
aksidente.
Basahin at suriin ang ilang mahahalagang tala tungkol sa kababaihan sa Tsina kung saan nagmula
o naisulat ang sanaysay na tinalakay sa sariling ito.

Pagkatapos mabasa ang teksto sa itaas ay pinag-usapan nina Jia Li at ng kaibigang Pilipinong si
Nina ang tungkol sa mga ito.Suriin natin ang kanilang usapan.

Jia Li: Nina, naniniwala ka ba sa mga pamahiing tulad ng nabasa natin?

Nina: Hindi ako naniniwala sa mga pamahiin subalit iginagalang ko ang pananaw ng mga taong

naniniwala sa mga ito.

Jia Li: Ang aking pamilya ay naniniwala at sumusunod sa maraming pamahiin.

Nina: Sa aking panaanw, hindi natin dapat iasa an gating mga gaagwin at kapalaran sa mga

Pamahiin. Pinakamahalga pa rin ang pagdarasal para mabigyang-proteksiyon tayo ng

Panginoon sa anumang sakuna.

Jia Li: Sang-ayon ako riyan Nina. Pero wala naming mawawala kung susundin ang mga pamahiin,

Hindi ba?

Nina: Sabagay, tama ka rin. Kanya-kanyang paniniwala iyan. Iginagalang ko ang iyong pananaw.

Pansisnin na sa pag-uusap nina Nina at Jai Li ay nagpahayag sila ng magkasalungat na pananaw o

opinion tungkol sa mga pamahiin. Gayunpaman, kahit magkasalungat ang kanilang pananaw ay hindi sila
umabot sa puntong mag-aaway o magkakasama sila ng loob. Iyon ay dahil nailahad nila nang maayos
ang kanilang pananaw at nagpakita rin sila ng panggalang sa paniniwla ng iba.

ISAISIP NATIN

Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Opinyon/Pananaw

Tulad nina Nina at Jia Li, sa araw-araw nating pakikipag-usap sa ating kapwa ay madalas na
nakapagbibigay
MADALItayo ng sarili
LANG YANnating opinion o pananaw tungkol sa isang bagay. Tandaan ang sumusunod
sa paglalahad ng opinion o pananaw:

 Ilahad ang opinion sa paraang maayos kahit pa salungat ang iyong pananaw sa pananaw
ng iba. Sabi nga ng isang kasabihang Ingles, “You can disagree without being
disagreeable.”
 Makinig nang mabuti sa sinasabi ng kausap. Kung sakaling hindi man kayo pareho ng
pananaw o opinion ay mabuting maipahayag mo rin ang iyong pinaniniwalaan.
 Huwag piliin ang kausap na sumang-ayon o pumanig sa iyong pananaw kung may matibay
siyang dahilan para maniwala sa kasalungat ng iyong pananaw.
 Maging magalang at huwag magtaas ng boses kung sakaling kailangan mo naming
sumalungat.
Natutuko’y kung ang nakalahad na pagpapahayag ng opinion o pananaw ay angkop o hindi

Suriin kung ang sumusunod na pagpapahayag ng opinion o pananaw ay angkop o hindi base sa

Mga paalalang binasa mo sa Isaisip Natin. Lagyan ng tsek ang kahon angkop at ekis kung hindi base

Sa mga binasang pamantayan.

1. Sa aking palagay, tama lang na magsama-sama sa isang tahanan ang magkakapamilya kahit pa ang
mga anak ay may asawa na para makapagbigay sila ng suporta sa isa’t isa.

2. Hindi ako sumasang-ayon na tumira parin ang anak na may asawa na sa bahay ng kanilang magulang.
Dapat kapag nag asawa na ang tap ay bumukod na sila at matutong tumayo sa sarili nilang mga paa.

3. Mali ka talaga eh. Kung gusto kong tumira sa magulang ko, may magagawa ka?

4. Nasa iyo iyan kung hindi ka sumasang-ayon sa aking pananaw subalit maging sa Bibliya ay sinasabing
“dhil dito’y iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina, at magsasama sila ng kaniyang asawa at sila’y
magiging isa.”

5. Ah basta, hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. Bahala ka!

SUBUKIN PA NATIN

Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng ordinaryong opinyon, matibay na

paninindigan at mungkahi (F9WG-IId-49)

Ikaw naman ngayon ang magbigay ng sarili mong opinyon o pananaw tungkol sa paksang pinag-uusapan
nina Jia Li at Nina. Basahin mo munang mabuti ang teksto at saka ilahad ang iyong pananaw gamit ang
mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon, paninindigan o mungkahi.

Ang bansang Tsina ay sinasabing isa sa mga pinakamatatandang sibilisasyon. Dahil rito, taglay rin nito
ang mahaba at makulay na tradisyong hindi lang namamayani sa bansang Tsina kundi
nakaimpluwensya na rin sa iba’t iba pang panig ng mundo. Makikita ito sa paglaganap ng mga
Chinese restaurants sa iba’t ibang panig ng mundo, ang pag-aaral ng marami sa wikang tulad ng
Chinese Mandarin, gayundin ang paniniwala sa mga kaugalian at pamahiing nagmula sa Tsina.
Nadadala ito ng mga Tsinong nandarayuhan sa ibang bansa tulad ng Pilipinas. Sa ngayon, ang mga
pamahiing nagmula sa Tsina tulad ng mga nasa ibaba ay pinaniniwalaan na rin ng mga Pilipino.

•Ipinagbabawal sa mga babaeng ikakasal ang pagsusukat ng kaniyang damit pangkasal dahil maaaring
dahil dito’y hindi matuloy ng kasalan.
•Ipinagbabawal sa mga babaeng ikakasal ang pagsusukat ng kaniyang damit pangkasal dahil maaaring
dahil dito’y hindi matuloy ng kasalan.
•Pinaiiwas ang babaeng buntis sa pagtingin, pananakit o pagkagalit sa mga hayop na hindi maayos
ang itsura sapagkat maaaring makuha ng kaniyang ipinagbubuntis ang ganoong itsura.

•Kapag bumisita sa isang lamay ay pumunta muna kung saan sa halip na dumiresto agad sa bahay
para maiwasang maiuwi ang kaluluwa ng yumao.
•Pinaiiwas ang magnobyong malapit nang ikasal sa paglalakbay sa malalayong lugar sapagkat malapit
daw sila sa aksidente.

1. Sa aking palagay

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2. Para sa akin, ang mga pamahiin ay

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

3. Ayon sa aking karanasan,

4. Ang paniniwala ko ay

5. Hindi ako sumasang-ayon na. Sumasang-ayon ako na

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

TIYAKIN NA NATIN

Nakasusulat ng talatang naglalahad ng sariling opinyon/pananaw tungkol sa napapanahong isyu o

paksa (F9PU-IId-49)

Tulad ng magulang ni Jia Li sa binasang sanaysay ay paparami rin ng paparami ang mga Pilipinong
nangingibang bansa upang doon magtrabaho. Maraming bata ang naiiwan ng magulang na
nagtatrabaho sa ibang bansa para mapaghandaan ang kanilang kinabukasan. Ano ang opinyon o
pananaw mo sa ganitong kalakaran? Sumasang-ayon ka ba o sumasalungat? Ipahayag ang iyong opinyon
o pananaw sa isang talatang binubuo nang hindi bababa sa pitong pangungusap.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

PALAWAKIN PA NATIN

Naipahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu sa talumpating nagpapahayag
ng matibay na paninindigan (F9PS-IId-49)

Isang malaking usapin ngayon ang isyu ng pag-aagawan sa teritoryo ng Pilipinas at ng Tsina tulad ng mga
isla sa West Philippine Sea lalo na ng lumabas ang desisyon ng pangdaigdigang Permanent Court of
Arbitration (PCA) sa The Hague Netherlands na pumapabor sa Pilipinas at nagsasabing bahagi ng ating
teritoryo ang karagatan at mga isla rito na inaangkin ng Tsina. Gayumpaman, hindi sinasang-ayunan ng
Tsina ang desisyong ito ng PCA. Magbasa ka pa ng iba pang mga kaalaman o update tungkol sa isyung ito
at saka ka bumuo ng isang talumpating hindi bababa sa tatlong talata na maglalahad ng iyong opinyon o
palagay tungkol sa usapin. Humandang ilahad sa klase ang iyong talumpati. Ito ay dapat makasunod sa
pamantayang nasa baba.

Mga Pamantayan Marka sa Marka ng

Puntos Sarili Guro

Tinig Naiangkop ang paglakasat

paghina ng tinig ayon sa
damdamin at diwa ng
talumpati.
Kilos at Galaw Angkop ang bawat kilos ng
mukha, kamay o katawan sa
ipinararating ng talumpati.

You might also like