Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 54

DepEd Division of Cabanatuan City

LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

EA KAHALAGAHAN NG PAGGAWA NG ABONONG


Aralin 1 ORGANIKO

Naipapamalas ang pang-unawa sa


panimulang kaalaman at kasanayan sa
Pamantayang Pangnilalaman: pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito
sa pag-unlad ng pamumuhay.
Naisasagawa nang maayos ang pagtatanim,
Pamantayan sa pagganap: pag-aani, at pagsasapamilihan ng gulay sa
masistemang pamamaraan.
Code EPP5AG-0b-4

NILALAMAN:

Ang paggawa ng organikong pataba ay maganda sa lupa at sa halaman


sapagkat ito ay nakatutulong upang lumago at tumaba ang halaman.Kung ang mga
pananim natin ay maganda at malusog magbibigay ito sa atin ng masaganang bunga
na lubos na mapapakinabangan ng ating pamilya at maari pa natin itong
pagkakitaan.
Layunin:

Natatalakay ang kahalagahan sa pag gawa ng abonong organiko.

Bilang ng araw: 1 araw

ALAMIN NATIN:

Alam mo ba kung ano ang compost?


Ang compost ay isang uri ng pataba (organic fertilizer) na nagmumula sa
nabulok na mga halaman, basura, dumi ng hayop at anumang uri ng
organikong materyal.

___________________________________________________________________________
Page | 1 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

LINANGIN NATIN:

Bakit tayo gumagamit ng Compost?

• Kailangang maparami ang ani, ngunit hindi sana naaabuso ang lupa
• Mas kakaunti ang “methane gas” ng damo kung makokompost
muna bago ihalo sa lupa.
• Pinatataba muli ng compost ang lupa, kaya darami ang ani.

Bakit maganda ang Kompost

• Pinalalambot ang lupa. Pinagaganda ang pagsalat (texture) at


bungkal ng lupa (Tilt)
• Hindi mabilis matuyo ang lupa.
• Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng
tubig (water holding capacity) Pinaluluwag ang paghinga ng lupa
• Ibinibigay ang mga sustansiyang wala sa abonong kemikal.
• Pinatataba ang lupa o nagiging maganda ang ani.
• Matipid; maaring mabawasan ang dami ng kemikal na abono

Pamamaraan ng Composting na karaniwang ginagamit.

1. Compost pit
2. Basket composting

TANDAAN NATIN:

Ang organikong abono ay nakapagpapaganda sa kalidad ng lupa. Ito


ay makukuha sa paggawa ng compost. Malaki ang maitutulong nito upang
mas mapaganda ang ani.
___________________________________________________________________________
Page | 2 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

GAWIN NATIN:

Isulat ang ☺kung ang mga sumusunod ay kahalagahan ng paggawa ng


abonong organiko at kung hindi

________1. Maaring mabawasan ang dami ng kemikal na abono.


________2. Madaling matuyo ang lupa sa paggamit ng abonong organiko.
_______3. Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng tubig.
_______4. Sinisiksik nito ang lupa.
_______5. Pinatataba ang lupa o nagiging maganda ang ani.

PAGYAMANIN NATIN:

Sagutin ang mga sumusunod:


1. Bakit kailangang paghiwalayin ang mga nabubulok sa hindi nabubulok na
mga basura?

2. Anong kabutihan ang naibibigay ng paggamit ng organikong abono?

3. Magtala ng iba pang pamamaraan ng paggawa ng abonong organiko.

SANGGUNIAN:

Umunlad sa Paggawa 5
http://www.calabarzon.da.gov.ph/index.php/142-s-i-t-e-m-a-p/agri-
info/428-a-g-r-i-i-n-f-o
Edukasyong Pantahan at Pangkabuhayan Kagamitan ng mag-aaral IV.
https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c
UE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing
https://www.google.com.ph/search?q=compost+pit&biw=1024&bih=439&s
ource=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjpzuWaiarOAhUDrJQKHcjSB
O0Q_AUIBigB#tbm=isch&q=compost+pit+in+school&imgrc=moFs-
Dn88tI8VM%3A

___________________________________________________________________________
Page | 3 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

EA PAMAMARAAN SA PAGGAWA NG ABONONG


Aralin 2 ORGANIKO

Naipapamalas ang pang-unawa sa


panimulang kaalaman at kasanayan sa
Pamantayang Pangnilalaman: pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito
sa pag-unlad ng pamumuhay.
Naisasagawa nang maayos ang pagtatanim,
Pamantayan sa pagganap: pag-aani, at pagsasapamilihan ng gulay sa
masistemang pamamaraan.
Code EPP5AG-0b-4

NILALAMAN:

Isang paraang dapat gawin upang may mapagkunan ng patabang


organiko ay ang paghahanda ng compost. Sa likod ng bakuran o sa isang lugar
ay maaaring gumawa ng hukay o balon kung saan hahayaang mabulok ang
mga basura tulad ng tuyong dahon, damo, balat ng pagkain, at dumi ng
hayop upang maging pataba pagkaraan ng ilang buwan.

Layunin:

Naisasagawa ang mga pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko.

Bilang ng araw: 1 araw

ALAMIN NATIN:

Maraming paraan ng paggawa ng abonong organiko. Ang karaniwan


sa mga ito ay ang paggawa ng compost pit at basket composting.

Alam mo ba ang mga ito?

Compost pit – pagsasama-sama ng


mga nabubulok na basura
katulad ng dumi ng hayop,
dahon, balat ng prutas, damo at
iba pa. Ito ay maaaring gawin sa
bakanteng lote.

___________________________________________________________________________
Page | 4 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Basket composting – ito pagsasama-


sama rin ng mga nabubulok na
basura. Ginagawa kung walang
bakanteng lote na maaaring
paggawan ng compost pit.

LINANGIN NATIN:

Pamamaraan sa paggawa ng compost pit

1. Humanap ng medyo mataas na lugar, tuyo, patag, at malayu-layo sa


bahay o anumang anyong tubig.

2. Gumawa ng hukay sa isang lugar na ang lapad ay dalawang metro,


ang haba limang metro, at ang lalim ay isang metro. Diinan at patagin
ang loob ng hukay. Hayaan itong nakalantad sa araw upang huwag
pamahayan ng mikrobyo.

___________________________________________________________________________
Page | 5 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

3. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang


nabubulok at mga pinagbalatan ng gulay at prutas. Ilatag ito nang
pantay sa ilalim ng hukay hanggang umabot ng 30 sentimetro ang taas.

4. Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy, manok, at baka


hanggang umabot ng 15 sentimetro ang kapal. Patungan naman
ang ikalawang patong ng lupa, abo, o apog.

5. Paulit-ulit na gawin ang pagtatambak hanggang mapuno ang hukay.


Panatilihing tuwid at patayo ang mga kanto ng hukay sa pamamagitan
ng paglalagay ng ilang pirasong patpat at kawayan.

___________________________________________________________________________
Page | 6 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

6. Diligin ang ibabaw ng hukay upang pumatag. Panatilihing mamasa-


masa. Kung tag-ulan naman, takpan ito ng ilang dahon ng saging sa
ibabaw upang hindi malunod sa tubig.

7.Tusukan ang compost pit ng ilang pirasong kawayan na inalisan ng


buko at binutasan sa gilid. Makakatulong ito upang mahanginan ang
compost at nang madaling mabulok kaagad ang basura.

8. Pagkalipas ng tatlong linggo, bunutin ang pasingawang kawayan at


haluin ang tambak. Ipailalim ang kalat na nasa ibabaw upang maging
pantay-pantay ang pagkakabulok ng kalat. Pagkaraan ng dalawang
buwan o mahigit, ayon sa uri ng basurang ginamit, maaari ng gamitin
na abono ang laman ng compost fit.

Kung walang sapat na lugar upang gumawa ng hukay, maaari pa ring


magkaroon ng sariling pataba sa pamamagitan ng basket composting.

Ito ang mga paraan sa paggawa ng basket composting.

1. Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba. May
isang metro ang lalim.

___________________________________________________________________________
Page | 7 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patong na tuyong dahon,


dayami, pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng mga hayop, at lupa
tulad din ng compost pit hanggang mapuno ang lalagyan.

3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang


mabulok kaagad ang basura.

4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang


hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste.

5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan para
magsama ang lupa at ang nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang
buwan.

TANDAAN NATIN:

Ang organikong abono ay nakapagpapaganda sa kalidad ng lupa. Ito


ay makukuha sa paggawa ng compost. Malaki ang maitutulong nito upang
mas mapaganda ang ani.

GAWIN NATIN:

Paggawa ng compost pit.


• Ihanda ang mga materyales na gagamitin.
• Mag-ingat sa paggamit ng materyales lalong lalo na sa matutulis na
kagamitan.
• Linisin ang lugar at katawan pagkatapos ng gawain.
• Gamitin ang tseklist para sa pagsusuri ng inyong ginawa.
Kriterya Antas ng kahusayan
1 2 3 4
1. Maayos ba ang pagkakagawa ng compost pit
2. Maayos bang nagamit ang mga kagamitan.
3. Malinis ba ang lugar ba pinaggawaan

Batayan:
4 – napakahusay 2– mahusay
3 – mas mahusay 1– hindi mahusay

___________________________________________________________________________
Page | 8 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

PAGYAMANIN NATIN:

Mag-compost Tayo!

Magsagawa ng composting sa inyong tahanan. Maaaring gumawa ng


compost pit o basket composting. Humingi ng tulong sa inyong mga magulang o
sa mga nakakatanda sa inyo.

SANGGUNIAN:

Umunlad sa Paggawa 5
http://www.calabarzon.da.gov.ph/index.php/142-s-i-t-e-m-a-p/agri-
info/428-a-g-r-i-i-n-f-o
Edukasyong Pantahan at Pangkabuhayan Kagamitan ng mag-aaral IV.
https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c
UE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing

Ericson C. Santiago
Obrero Elementary School

___________________________________________________________________________
Page | 9 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

EA MASISTEMANG PANGANGALAGA NG TANIM NA MGA


Aralin 3 GULAY

Naipapamalas ang pang-unawa sa


panimulang kaalaman at kasanayan sa
Pamantayang Pangnilalaman: pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito
sa pag-unlad ng pamumuhay.
Naisasagawa nang maayos ang pagtatanim,
Pamantayan sa pagganap: pag-aani, at pagsasapamilihan ng gulay sa
masistemang pamamaraan.
Code EPP5AG-0c-5

NILALAMAN:
Sa Araling ito malilinang ng mga mag-aaral ang mga pangangalaga sa
mga halamang kanilang itinanim. Matutuhan ang wasto at tamang
pangangalaga nito, mga kagamitan na maaari nilang magamit upang maging
matagumpay ang pangangalagang kanilang gagawin.

Layunin: Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim na mga


gulay.

Bilang ng araw: 2 araw

ALAMIN NATIN:

Bagaman ang bawat uri ng halamang gulay ay may kani-kanilang


pangangailangan at pamamaraan upang lumaki ang mga ito ng malusog at
kapaki-pakinabang, may mga pangunahing hakbang na dapat gawin at
___________________________________________________________________________
Page | 10 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

tandaan kapag nag-aalaga ng anumang uri ng gulay. Narito ang ilang dapat
isaisip kapag nag-aalaga ng halaman.

Pagdidilig ng halaman

Mga dapat isaalang-alang sa pagdidilig ng halaman


 Diligin araw-araw
 Diligin sa hapon o sa umagang-umaga
 Ingatan ang pagdidilig upang hindi mapinsala ang halamang
didiligan.
 Iwasang malunod ang halaman, lalo na yaong mga bagong lipat na
punla.
 Iwasan ang malakas na pagbuhos ng tubig.
 Kung ang gamit mo ay rigadera kailangan iyong maliliit lamang ang
butas.
 Upang manatiling mamasa-masa ang lupa, diligin din ang lupang
nakapaligid sa mga tanim.

Pagbubungkal ng lupa

Kahalagahan ng pagbubungkal ng lupa

 Madaling darami ang mga ugat ng tanim

___________________________________________________________________________
Page | 11 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

 Madaling mararating ng tubig ang mga ugat. Higit na malusog ang


halaman kapag maraming ugat
 Maluwag na makakapasok ang hangin sa halaman

Dapat isaalang-alang sa pagbubungkal ng lupa

Bungkalin ang lupa kung ito ay mamasa-masa. Ito ay ginagawa kung


hapon o kaya sa umaga. Gawing katamtaman ang pagbubungkal. Dapat
bungkalin nang mababaw lamang ang mga halamang gulay.

Paglalagay ng abono o pataba

Nakadaragdag sa sustansiya ng lupa ang paglalagay ng abono. Isa ito sa


mga paraan ng pagpapataba ng mga halaman.
Maaaring gumamit ng abonong organiko o komersiyal. Ang organikong
abono ay maaaring dumi ng hayop o compost. Maaari mong gawin ang sarili
mong compost o kaya ay bumili ng abonong komersiyal. Hugasang mabuti
ang iyong mga kamay pagkatapos maglagay ng abono.

Kailan dapat maglagay ng abono?


Ang pataba ay maaaring ilagay bago magtanim, habang nagtatanim, o
pagkatapos magtanim. Ngunit ang pinakamagandang panahon ng
paglalagay ng pataba ay habang maliit pa ang tanim bago ito mamunga. Sa
panahong ito, kailangan ng tanim ang sustansiya mula sa lupa.

LINANGIN NATIN:

Mga kasangkapang Pang-agrikultura na makakatulong pangangalaga ng


mga tanim na halamang gulay.
1. Asarol- Ito ay ginagamit na pambungkal ng lupa

___________________________________________________________________________
Page | 12 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

2. Piko- Ginagamit ang piko sa paghuhukay ng matigas na lupa.


3. Kalaykay- Ginagamit sa pagpapantay ng lupa at paghihiwalay ng
bato sa lupa.
4. Tinidor- Pandurog ng malaking kimpal ng lupa.
5. Dulos- Ginagamit sa paglilipat ng punla, pagpapaluwang ng lupa, at
pagtatabon sa puno.
6. Itak- pamutol sa mga sanga at puno ng malalaking halaman.
7. Bareta- ginagamit sa paghuhukay ng malalaking bato at tuod ng
kahoy.
8.Pala- ginagamit sa paaglilipat ng lupa.
9. Regadera- ginagamit na pandilig sa mga halaman.
10. Kartilya- lalagyan at panghakot ng lupa at kagamitan

TANDAAN NATIN:

Ang masistemang pangangalaga ng halamang gulay na itinanim ay


makakatulong upang makapagbigay ito ng mas maraming ani. Ang maling
pangangalaga ng halaman ay maaaring makapinsala o masira sa inyong mga
pananim.

GAWIN NATIN:

Sa patnubay ng inyong guro. Isagawa ang wastong panganglaga ng


mga itinanim na halamang gulay.

Mungkahing Rubrics para sa pagsasagawa ng pangangalaga ng halaman.


Kategorya 3 2 1
Pagdidilig Nakapagdilig ng Nakapagdilig ng Hindi maayos ang
maayos gamit ang maayos gamit pagdidilig gamit ang
regadera ng ang regadera ng regadera at maraming
walang may ilang napinsalang halaman
napinsalang napinsalang
halaman halaman
Pagbubungkal Nakapagbungkal Nakapagbungkal Hindi
ng lupa ng lupa gamit ang ng lupa gamit nakapagbungkal ng
asarol ng walang ang asarol ng maayos ng lupa gamit
napinsalang may ilang ang asarol at
halaman napinsalang maraming
halaman napinsalang halaman
Paglalagay ng Nakapaglagay ng Nakapaglagay Hindi tama ang dami
abono abono ng may ng abono ng may ng abono at wala sa
wastong dami at tamang dami tamag lugar ng
sa tamang lugar. ngunit wala sa paglalagyan.
___________________________________________________________________________
Page | 13 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

tamang lugar.

PAGYAMANIN NATIN:

Gumupit o gumuhit ng mga larawan na nagpapakita ng wastong


pangangalaga ng mga pananim na gulay.

SANGGUNIAN:

Umunlad sa Paggawa 5
Edukasyong Pantahan at Pangkabuhayan Kagamitan ng mag-aaral IV.
https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c
UE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing
https://www.google.com.ph/search?noj=1&biw=1024&bih=439&tbm=isch&
q=watering+plants+clipart+black+and+white&sa=X&ved=0ahUKEwjT_97vv
KTOAhVBjpQKHWIOCY8QhyYIHg#imgrc=rt8NkJPs5iDXgM%3A

___________________________________________________________________________
Page | 14 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

EA MASISTEMANG PAGSUGPO NG PESTE AT KULISAP SA


Aralin 4 PAMAMAGITAN NG ORGANIKONG PANGSUGPO

Naipapamalas ang pang-unawa sa


panimulang kaalaman at kasanayan sa
Pamantayang Pangnilalaman: pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito
sa pag-unlad ng pamumuhay.
Naisasagawa nang maayos ang pagtatanim,
Pamantayan sa pagganap: pag-aani, at pagsasapamilihan ng gulay sa
masistemang pamamaraan.
Code EPP5AG-0c-6

NILALAMAN:
Karaniwang ang mga halaman gulay ay inaatake ng mga pesteng
kulisap at sakit. Kung hindi maaagapan , ang mga halamang gulay ay
tuluyang mamamatay.
Ang mga organikong pamatay peste at kulisap ay makakatulong sa
pagsugpo ng mga ito. Mas mataas ang kalidad ng aanihing gulay at
makakasiguro na ito ay ligtas kainin.

Layunin: Naisasagawa ang masistemang pagsugpo ng peste at kulisap sa


pamamagitan ng paggawa ng organikong pangsugpo ng peste at kulisap.

Bilang ng araw: 1 araw

ALAMIN NATIN:

___________________________________________________________________________
Page | 15 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Ang magsasaka, lupa, pananim at natural na pataba ay ilan sa


importanteng kailangan sa natural na pagsasaka. Kung meron na tayong mga
tanim, hindi natin maiiwasan na magkaroon ng mga peste na siyang sisira sa
ating mga halaman o tanim . Ito ang ating tatalakayin sa pag-aaralan ngayon.

Maraming dahilan ang pagkakaroon ng peste sa halaman. Isa na rito


ang hindi balanseng nutrisyon ng pananim.

May mga bagay at halaman sa paligid na maaari mapakinabangan at


magamit bilang alternatibong pangontra sa peste at skit sa halaman. Taglay
nito ang mga nakakapagtaboy at nakakamatay na elemento na madaling
mawala sa kapaligiran.

LINANGIN NATIN:

Paggawa ng organikong pangsugpo ng peste at kulisap


Ang tamang pamamahala ng peste at sakit sa halaman ay nakasalalay sa
kalusugan ng halaman. At kung peste ang makikita sa halaman, ilan lamang
ito sa magsisilbing lunas:
1. TAWAS, APOG AT ASIN – para sa slug o
snail. Proseso at Pag-gamit:
Ihalo ang 1 parte ng tawas, 1 parte ng asin sa 8 parte ng apog.
Ihagis ang mixture sa paligid ng sakahan upang matapakan ng slug at snail.

2. GATA NG NIYOG – para sa


aphids, scale insect at uod.
Proseso:
Kayurin ang 2 niyog,lagyan ng 1
litrong tubig at pigain, lagyan ulit
ng 1 litrong tubig para sa 2 pagpiga.
Ihalo ng maigi ang 1 pirasong perla
soap sa 2 litrong gata ng niyog
hanggang matunaw. Pag-gamit:

Ihalo ang 1 parte ng gata na may sabon sa 10 litrong tubig at i-spray sa hapon
ng 2 beses na may 2 araw ang pagitan.

3. MAKABUHAY AT TANGLAD – para sa uod, alitangya at beetles.


Proseso:
Pakuluan ng isang oras ang 1 kilong tinadtad na katawan ng makabuhay,
kalahating kilo ng tanglad sa 10 litrong tubig. Palamigin at ilagay sa bote.
Pag-gamit:

___________________________________________________________________________
Page | 16 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Ihalo ang 4-5 litrong sabaw sa sprayer at ispray sa halaman sa hapon, sa loob
ng 2 araw.

4. POTASSIUM PERMANGANATE – para sa mildew, pagdidilaw at


pangungulot.
Proseso:
Ihalo ang 2 kutsara na crystal sa isang sprayer,iisprey sa halaman tuwing
hapon at sa loob ng 2-3 araw.

5. BUTO NG MAHOGANY
TREE – para sa insekto na
ngigitlog.
Proseso:
Dikdikin at pakuluan ng 1 oras
ang 50 pirasong buto sa 1 litrong
tubig at lagyan ng 2 kutsarang
asin. Puwede rin ibabad lamang
ito ng 2-5 araw.
Pag-gamit:
Ihalo ang 1 litrong sabaw sa isang sprayer. Iisprey sa halaman sa loob ng 2
beses na may pagitan ng 2 araw.

6. CAMPHOR BALLS – para sa adult na borer family at


uod. Proseso at Pag-gamit:
Dikdikin ang 2 dosenang camphor balls sa 16 litrong tubig at haluan ng 1
pirasong sabon perla at i-sprey sa halaman s hapon, 2-3 beses na may 2 araw
na pagitan.

7. CHRYSANTEMUM – para sa lahat na insekto.


Proseso at Pag-gamit:
Ibabad ang 1/2 kilong dahon at katawan ng chrysantemum sa 10-15 litrong
tubig na maligamgam kasama ang 1 pirasong sabon na perla sa loob ng 1-2
oras. Palamigin, salain at i-sprey sa halaman na may peste.

8. BAWANG – para sa mga sucking na insekto.


Proseso at Pag-gamit:
Dikdikin ang 1/2 kilo ng bawang, lagyan ng 2 kutsarang edible oil, 1 litrong
tubig at 1 pirasong sabon na perla. Ihalo ang 1 parte na solusyon sa 50
parteng tubig at i-sprey sa hapon.

9. SILI – para sa langgam.


Proseso at Pag-gamit:
Dikdikin ang 1 lata (lata ng sardinas) na sili at ihalo ang 16 litrong tubig na
may natunaw na 1 pirasong sabong perla. I-sprey sa halaman sa loob ng 2-3
beses araw-arawtuwing hapon.

___________________________________________________________________________
Page | 17 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

10. MARIGOLD – repellant sa mga


insekto. Proseso at Pag-gamit:
Bayuhin ang 1 kilong dahon at katawan kasama ang 1 litrong tubig. Ihalo sa
16 litrong tubig, lagyan ng 1 pirasong sabon na perla. Ibabad ng 1 1/2 oras,
salain at i-sprey sa halaman tuwing hapon sa loob ng 2-3 araw.

TANDAAN NATIN:

Ang organikong pagtatanim ay hindi madali, nangangailangan ito


pagtitiyaga at pasyensya . Matagal bago makita ang epekto ng iyong ginawa
subalit kapag nagbunga na ito ay higit na masustansiya at masarap na gulay
ang iyong aanihin.

GAWIN NATIN:

Bumuo ng pangkat at gawin ang organikong pamatay peste na bawang.

BAWANG – para sa mga sucking na insekto.


Proseso at Pag-gamit:
Dikdikin ang 1/2 kilo ng bawang, lagyan ng 2 kutsarang edible oil, 1 litrong
tubig at 1 pirasong sabon na perla. Ihalo ang 1 parte na solusyon sa 50
parteng tubig at i-sprey sa hapon.
Mungkahing Rubrics para sa pagsasapamilihan ng mga gulay.
Kategorya 3 2 1
Kagamitan Kumpleto ang May kulang sa Maraming kulang sa
kagamitan kagamitan kagamitan
Pagsasagawa Maayos na Hindi Hindi maayos ang
ng nagawa at masyadong pagkakagawa
ornaganikong nagamit maayos ang
pamatay peste pagkakagawa at
gamit
Pinaggawaan Malinis ang May natirang Hindi maayos ang
pinaggawaan kalat pinaggawaan.

PAGYAMANIN NATIN:

Magsaliksik ng iba pang organikong pangsugpo ng kulisap at peste.


Isulat ang gamit at paraang ng paggawa nito.

___________________________________________________________________________
Page | 18 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

SANGGUNIAN:

https://www.google.com.ph/search?q=basil&biw=1024&bih=439&source=l
nms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjp4dKL1qnOAhUWS2MKHfjFADgQ_
AUIBigB#tbm=isch&q=tarragon&imgrc=tMFNdpzdGlJ-
http://www.hkpinoytv.com/mga-pangkontra-sa-peste-ng-halaman/

Ericson C. Santiago
Obrero Elementary School

___________________________________________________________________________
Page | 19 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

EA
Aralin 5 KABUTIHANG DULOT SA PAG-AALAGA NG HAYOP

Bilang ng araw: 1

Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga ng
hayop bilang gawaing mapagkakakitaan

Pamantayan sa Pagkatuto Naisasagawa nang may kawilihan ang pag-


aalaga ng hayop bilang gawaing
mapagkakakitaan

Code EPP5AG-0e-11

Nilalaman:
Sa araling ito ay ating malalamanangmgakabutihangnaidudulotngpag-
aalagang hayop at mgasaliknanakaaapektosapag-
aalagaupangmakapagbigayngkapakinabangan.

Layunin:

1. Naipaliliwanag ang kabutihangdulot ng pag-aalaga ng hayop

ALAMIN NATIN:

___________________________________________________________________________
Page | 20 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Pag-aralan ang mga larawan. Itala ang mga produktong makukuha sa mga
ito o mga kapakinabangang dulot sa atin.

Manok Itik Tilapia

____________ ____________ ____________

____________ ____________ ____________

____________ ____________ ____________

LINANGIN NATIN:

Mahalaga ang pag-aalaga ng hayop sa pamumuhay ng mag-anak at


pamayanan. Maraming pamilya ang nag-aalaga ng hayop para sa sariling
pangangailangan. Ang pag-aalaga ng mga piling hayop ay mahalaga dahil:

1. Nagbibigay ng pagkain tulad ng karne at gatas na panustos sa pang


araw-araw na pangangailangan ng pamilya.
2. Napagkukunan ng karagdagang kita kung ipagbibili.

___________________________________________________________________________
Page | 21 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

3. Mapauunlad ang pamumuhay ng mag-anak at pamayanan


kung may kaalaman sa pag-aalaga ng hayop.
4. Nakapagbibigay ng gawain sa mamamayan sa pamayanan.
Ang nagtatayo ng negosyo sa paghahayupan ay kumukuha
ng mga tagapag-alaga, kaya’t nagkakaroon ng hanapbuhay.
5. Magandang libangan. Ito ay isang kawili-wili at malusog na libangan.

TANDAAN NATIN:

Maraming kabutihan ang naidudulot ng pag-aalaga ng hayop.


Ang pangunahing dulot nito ay nakadaragdag sa kita ng mag-anak.
Nakapagbibigay rin ang mga hayop ng masustansiyang pagkain at
nagsisilbi rin itong libangan ng mag-anak,

GAWIN NATIN:

Sa isang malinis na papel, gumihit ng isang postersa mga


kapakinabangang dulot ng pag-aalaga ng hayop sa inyo at sa mag-
anak.

Pamantayan 3 2 1

Naipakita at Naipakita at Hindi naipakita at


naipaliwanag nang naipaliwanag nang naipaliwanag nang
Nilalaman maayos ang ugnayan ng maayos ang ugnayan ng maayos ang ugnayan ng
lahat ng konsepto sa
lahat ng konsepto sa ibang konsepto sa
paggawa ng poster
paggawa ng poster paggawa ng poster

Maliwanag at angkop Hindi gaanong Hindi maliwanag at


Kaangkupan ng ang mensahe sa maliwanag at angkop ang hindi angkop ang
konsepto paglalarawan ng mensahe sa paglalarawan mensahe sa
paglalarawan ng
konsepto ng konsepto
konsepto
Orihinal ang ideya sa Kulang ang ideyang Hindi orihinal ang ideya
Pagkamalikhain
paggawa ng poster ipinakita sa poster sa paggawa ng poster

Kabuuang Malinis at maayos ang Kulang ng linis at ayos Hindi malinis at maayos
kabuuang presentasyon ang kabuuang ang kabuuang
presentasyon
presentasyon

Page | 22 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

presentasyon

Gumamit ng tamang Kaunting k kombinasyon Hindi gumamit ng


kombinasyon ng kulay ng kulay ang ginamit tamang kombinasyon
Pagkulay upang maipahayag ang upang maipahayag ang ng kulay upang
maipahayag ang
nilalaman, konsepto at nilalaman, konsepto at
nilalaman, konsepto at
mensahe. mensahe. mensahe.

PAGYAMANIN NATIN:

1. Magtala ng mga hayop na nais alagaan. Itala ang mga


paraan ng pag-aalaga ng bawat isa. Sundin ang sumusunod
na pormat:

Hayop na Aalagaan Kahalagahang Naibibigay

1.

2.

3.

SANGGUNIAN:

• http://www.deped.gov.ph/sites/default/files/Edukasyong%20Pantahanan%20a
t%20Pangkabuhayan%20and%20Technology%20and%20Livelihood
%20Edu cation%20Grades%204-6%20December%202013.pdf
• http://pag-aalaganghayop.blogspot.com/
• http://www.pcc.gov.ph/Publications/balita-vol2no1.pdf
• Umunlad sa Paggawa V, pp. 133-148
• Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan V, pp. 148-155

___________________________________________________________________________
Page | 23 Grade 5 Agricultural Arts Learning Material
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

EA PAGTUKOY SA MGA HAYOPNA MAAARING ALAGAAN


Aralin 6 TULAD NG MANOK, PUGO, ITIK AT PATO

Bilang ng araw: 1

Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga ng
hayop bilang gawaing mapagkakakitaan
Pamantayan sa Pagkatuto Naisasagawa nang may kawilihan ang pag-
aalaga ng hayop bilang gawaing
mapagkakakitaan
Code EPP5AG-0g-15

Nilalaman:

Sa araling ito ay ating matutukoy ang mga hayop na maaaaring


alagaan at ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagpili ng hayop na
aalagaan.
Layunin:

Natutukoy ang mga hayop na maaaring alagaan tulad ng manok

ALAMIN NATIN:

1.

Pagmasdan ang mga larawan, alin sa mga ito ang sa tingin ninyo’y
pinakamainam na alagaan para sa pangingitlog at karne?

___________________________________________________________________________
Page | 24 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

LINANGIN NATIN:

Basahin mo ang mga impormasyon tungkol sa pag-aalaga ng mga


Uri/Laki ng manok na aalagaan.
1. Kulungan -kailangan ng alagang manok ang maluwang na kulungan
upang magkaroon ng sapat na bentilasyon at maging maginhawa sila.
Ang kulungan ay dapat ilagay sa lugar na nahahanginan at may sapat
na layo sa tahanan. Maaaring yari ito sa katutubong materyales tulad
ng pawid at kugon para sa mga bubong, at mga patpat na kawayan
naman ang dingding at sahig. Lagyan din ng sapin tulad ng dayami,
kusot, buhangin, o ipa ang sahig kung ditto pangingitlugin ang mga
manok. Tiyakin na may patukaan, painuman, salalayan ng dumi, at
dapuan ang mga kulungan.

2. Pagpili ng manok - mahahalagang pumili ng malulusog at


masisiglang sisiw upang matiyak na mapakikinabangan ang mga ito
nang husto. Dapat alagaan ang mga sisiw nang mabuti upang hindi ito
magkasakit at mamatay. Kailangang panatilihin ang init ng katawan
nito sa artipisyal na paraan habang bata pa. Broodingang tawag sa
pagpapainit sa mga sisiw mula sa pagkapisa hanggang humigit
kumulang sa apat na lingo ang gulang o kung kaya na nilang
pamahalaan ang init na kailangan ng kanilang katawan. Karaniwang
ginagamit ang lampara o bombilya sa brooding.

Mabuting lagyan ng gamot na mayaman sa bitamina, mineral,


at antibioticsang tubig na iniinom ng sisw sa mga unang araw nito.
Makatutulong ito upang lumakas at lumaki kaagad ang mga sisiw.
Ang mga patuka ng mga sisiw ay maaaring giniling na mais, darak,
dinurog na isda, dahon ng ipil-ipil, at iba pa. May mga nabibili ring
___________________________________________________________________________
Page | 25 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

patuka na pinaghalu-halo na ang mga nabanggit na sangkap upang


matustusan ang mga pangangailangan ng sisiw.

3. Pangingitlog ng manok – Kapag may 20 linggo na ang layer o dumalaga,


inililipat sila sa mga pugad o bahay-itlugan bago sila mangitlog.
Karaniwang nagsisimulang mangitlog ang mga dumalaga pagsapit ng
ika-22 linggo. Piliin ang maliksi, matalas ang mata, maayos ang balahibo
at palong, at dilaw na dilaw ang mga tuka at binti.

4. Pangangailangan ng mangingitlog na manok – kailangan ng mga


manok ang sapat na liwanag, 14 hamggamg 16 na orasaraw-araw.
Kung may kuryente, gumamit ng bombilyang may 50 watts sa bawat
metro kuwadradong espasyo.
5. Iba pang pangangailangan – dapat pangalagaan sa sakit ang mga
manok. Linisin at isterilisahin ang kulungan at mga kagamitan ditto sa
bawat panahon ng pag-aalaga. Ibukod kaagad ang manok na mahina
at sakitin upang hindi mahawa ang iba.
Ang mga manok ay may iba’t-ibang uri:

A. Uri ng Manok na mainam sa pangingitlog


1. White Leghorn
2. Minorca
3. Mikawa
B. Mainam na alagaang manok para sa karne
1. Arbon Acre
2. Cobb
3. Hubbard
C. Uri ng Manok na mainam sa pangingitlog at sa kanilang karne.
2. Plymouth Rock
3. Rhode Island Red
4.

White Leghorn New Hampshire Cob

TANDAAN NATIN:

Mahalaga na malaman ang katangian, uri at pangangailangan ng


manok na aalagan.

___________________________________________________________________________
Page | 26 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

GAWIN NATIN:

Magsaliksik upang mapunan ang tsart.

Hayop na
Uri Katangian Pangangailangan
aalagaan

Manok

PAGYAMANIN NATIN:

Magsaliksik ng mga pamamaraan ng pagpaparami ng isda at paraan


ng paggawa ng fishpond.

SANGGUNIAN:

• http://pag-aalaganghayop.blogspot.com/
• http://www.pcc.gov.ph/Publications/balita-vol2no1.pdf
• Umunlad sa Paggawa V, pp. 133-148
• Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan V, pp. 148-155
• http://lessonsplantvads.blogspot.com/2008/01/pangkapaligiran-
3-kahalagahan-ng-pag.html

___________________________________________________________________________
Page | 27 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

EA PAGTUKOY SA MGA HAYOP NA MAAARING ALAGAAN


Aralin 7 TULAD NG TILAPIA

Bilang ng araw: 1

Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga ng
hayop bilang gawaing mapagkakakitaan
Pamantayan sa Pagkatuto Naisasagawa nang may kawilihan ang pag-
aalaga ng hayop bilang gawaing
mapagkakakitaan
Code EPP5AG-0g-15

Nilalaman:

May mga mahahalagang pangangailangang dapat isaalang-alang at bigyang


halaga bago magpasya magsimula o magtayo ng isang palaisdaan.
Layunin:

1. Natutukoy ang mga hayop na maaring alagaan tulad ng tilapia


2. Naiisa-isa ang mga salik sa pag-aalaga ng isdang tilapia

ALAMIN NATIN:

Ayusin ang mga letra upang makabuo ng salitang may kaugnayan sa


aralin.

1. TIPLIAA
2. TOOPGARPYIA
3. PLAASIAADN
4. KLUUGNAN

LINANGIN NATIN:

May mga salik na dapat natin isaalang-alang sa pag-aalaga ng isda:

Topograpiya
Patag na lupa ang nararapat sa palisdaan. Ang hindi patag na ilalalim
ay makakasagabal sa mga gawain tulad ng paglilinis at pag-aani.
___________________________________________________________________________
Page | 28 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

1. Panustos na Tubig

Mahalagang magkaroon ng palagiang panustos ng malinis na tubig sa buong


taon. Kung kaya’t ang pagtatayo ng palaisdaan sa ilog o sapa ay karaniwang
ginagawa upang makatiyak na may sapat na tubig para sa pag-aalaga ng
isdang angkop para dito.
2. Uri ng Lupa

Sa pag-aalaga ng isda, malaki ang maitutulong ng kalagayan ng lupa. Ang


Matabang lupa sa palaisdaan ay magdudulot ng dagdag na pagkain para sa
isda. Ang lupang may katangian magtagal ang tubig ay angkop para sa isang
palaisdaan. Karaniwan ang lupang lusak ay nagtataglay ng ganitong
katangian, samantalang ang lupang mabuhangin ay nangangailangan pa ng
karagdagang pagkain upang hindi umagos ang tubig.
3. Pagpili ng isdang aalagaan

Iba-iba ang pangangailangan ng iba’t ibang uri ng isda, kaya dapat piliin ang
uri ng isda na pinakaangkop para sa sariling lugar tulad ng tilapia. Bigyan
halaga ang mga pinagkukunan sa pamayanan na kakailanganin sa
palaisdaan.
4. Laki ng Palaisdaan

Mainam na malaki ang lugar ng gagawing palaisdaan kung nais itong


mapakinabangan nang husto. Maaaring maglaan ng kalahating ektarya o
higit pa nag gagawing sukat ng palaisdaan. Kailangan din ang mataas na
paglalagyan ng palaisdaan upang hindi ito bahain. Dapat hindi bababa sa
isang matro ang lalim ng palaisdaang gagawin.
Paraan ng Pag-aalaga ng Tilapia

Isa sa pinakakilalang proyektong palaisdaan ay ang pag-aalaga ng


tilapia. Maraming mangingisda ang mawiwiling mag-alaga ng tilapia dahil
ang uri ng isdang ito ay madaling pakainin at paramihin. Kung ang mag-anak
ay nagnanais na magkaroon ng gawaing pangkabuhayan sa pag-aalaga ng
isda, ito na ang pinakamainam na halimbawa. Narito ang mga paraan ng
pangangasiwa at pangangalaga ng isda.
Paggawa ng Palaisdaan

May iba’t-ibang paraan ng paggawa ng palaisdaan tulad ng mga


sumusunod:
Paggamit ng Kulungan

Ang paraang ito ay ginagamit sa malalaking ilog at lawa na kung saan


ang malalaking kulungan na may sukat na 1 x 1 x 1 metro kuwadrado ay
maaaring maglaman ng 250 – 1,500 maliliit na tilapia.

___________________________________________________________________________
Page | 29 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Paggamit ng Artipisyal na sapa.

Ang pamamaraang ito ay pag-aalaga ng tilapia sa ginawang sapa o


kinulong na tubigan. Maaari itong gawin sa likod-bahay o sa lugar na malapit
sa daluyan ng tubig.
Paggamit ng Drum

Ang pamamaraang ito ng pag-aalaga ng tilapia sa ginawang sapa o


kinulong na tubigan. Maaari itong gawin sa likod-bahay o sa lugar na malapit
sa daluyan ng tubig.
Pagpapakawala ng Similya ng Tilapia

Ang pagpapakawala ng Similya sa palaisdaan ay isinasagawa


dalawang lingo matapos malagyan ng pataba ang kulungan o palaisdaan.
Ang taas ng tubig sa palaisdaan ay dapat pamalagiin sa ilalim na 1/2 – 3/4
metro.
Pagpapakain sa mga isda

Ang mga alagang tilapia ay binibigyan ng mga pataba tulad ng pulbos


na gatas at harina, tinapay, darak at tira-tirang pagkain. Ang mga ito ay
ibinibigay tuwing ikalawang lingo mula sa papgkawala ng similya hanggang
sa ikalawang buwan.

TANDAAN NATIN:

Sa pag-aalaga ng isda kailangan natin isaalang-alang ang topograpiya,


panustos na tubig, iron g lupa, pagpili ng isdang aalagaan, at laki ng
palaisdaan.

GAWIN NATIN:

Ipaliwanag ang mga sumusunod na salik sa pag-aalaga ng isda.


Panustos na
Topograpiya Uri ng lupa
tubig

Laki ng
Uri ng isda
palaisdaan
___________________________________________________________________________
Page | 30 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

PAGYAMANIN NATIN:

Kung merong palaisdaan /manukan/ nag-paparami ng hayop sa


inyong lugar bumisita dito at alamin ang mga pamamaraang isinasagawa
upang lumaki at mapakinabangan nang husto ang mga alaga.

SANGGUNIAN:

• Umunlad sa Paggawa V, pp. 133-148


• Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan V, pp. 148-155
• MISOSA V, Pag-Aalaga ng Hayop
• https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c
U E?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing

RYAN V. MASAYBING

Valdefuente Elementary School

___________________________________________________________________________
Page | 31 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

EA
PAGGAWA NG TALAAN NG MGA KAGAMITAN AT
Aralin 8
KASANGKAPAN SA PAG-AALAGA NG MANOK

Bilang ng araw: 1

Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga ng
hayop bilang gawaing mapagkakakitaan
Pamantayan sa Pagkatuto Naisasagawa nang may kawilihan ang pag-
aalaga ng hayop bilang gawaing
mapagkakakitaan

Code EPP5AG-0h-16

Nilalaman:
Ang araling ito ay magbibigay sa atin ng kaalaman tungkol sa mga
kagamitan at kasangkapan sa pag-aalaga ng manok,Tatalakayin din sa araling
ito ang paggawa ng talaan ng mga kagamitan atkasangkapan upang
maisakatuparan ang pag-aalaga.

Layunin
1. Nakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan na
dapat ihanda upang makakapagsimula sa pag-aaalaga ng
hayop/isda
2. Natutukoy ang mga kagamitan at kasangkapan sa pag-aalaga
ng manok

ALAMIN NATIN:

___________________________________________________________________________
Page | 32 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit inaalagaan ang mga


manok? Ano sa tingin ninyo ang mga kagamitang kailangan kung
sakaling mag-aalaga ng manok?

LINANGIN NATIN:

Ang manok ay inaalagaan para sa


kanyang karne at itlog. Karaniwang ulam ito ng
mag-anak sa hapag-kainan. Ang pag-aalaga ng
manok ay isang kapaki-pakinabang na gawaing
makapagbibigay ng pansariling kapakinabangan.

Kailangan ng alagang manok ang maluwang na kulungan upang


magkaroon ng sapat na bentilasyon at maging maginhawa sila.
Maaaring ito ay yari sa katutubong materyales tulad ng pawid at
kogon para sa bubong, at kawayan naman para sa sahig at
dingding.
Tiyakin na may patukaan, painuman
salalayan ng dumi at dapuan ang mga
kulungan.
Habang ang mga ito ay maliliit
pa, dapat mapanatili ang init ng
kanilang katawan sa pamamagitan ng
artipisyal na paraan. Brooding ang
tawag sa paraang ito. Karaniwang ginagamit ang lampara o bombilya.
Lagyan ng gamut na mayaman sa bitamina , mineral at antibiotics
ang tubig na iniinom ng mga sisiw. Makatutulong ito upang lumakas
at lumaki agad ang mga sisiw. Sa unang apat na lingo, pakaiinin sila
ng starter mash. Pagkatapos ng unang apat na lingo,
bigyan sila ng grower mash.

___________________________________________________________________________
Page | 33 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

TANDAAN NATIN:

Sa pag-aalaga ng manok, kailangan munang ihanda ang mga


kagamitan at kasangkapan upang mas maayos na maisakatuparan ang pag-
aalaga. Alamin ang mga pangunahing kakailanganin sa pagsisimula ng pag-
aalaga ng manok.

GAWIN NATIN:

1. Magpangkat sa tatlong grupo. Pumili ng lider.


2. Gumawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan sa
pag-aalaga ng manok. Isulat ito sa isang manila paper.
3. Iulat sa klase ang nagawang talaan ng mga kasangkapan
at kagamitan.
4. Maaring sundin ang talaan na nasa ibaba

Pangangailangan ng Manok Kasangkapan/Kagamitan


1. Kulungan
a. Bubong
b. Dingding
c. Sahig
d. Patukaan
e. Painuman
2. Brooder House

PAGYAMANIN NATIN:

Magsaliksik tungkol sa mga kagamitan at


kasangkapang kakailanganin sa pag-aalaga ng itik.

___________________________________________________________________________
Page | 34 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

SANGGUNIAN:

• http://pag-aalaganghayop.blogspot.com/
• Umunlad sa Paggawa V, pp. 133-148
• Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan V, pp. 148-155
• MISOSA V, Pag-Aalaga ng Hayop
• https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c
U E?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing

___________________________________________________________________________
Page | 35 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

EA PAGGAWA NG TALAAN NG MGA KAGAMITAN AT


Aralin 9 KASANGKAPAN SA PAG-AALAGA NG ITIK

Bilang ng araw: 1

Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga ng
hayop bilang gawaing mapagkakakitaan

Pamantayan sa Pagkatuto Naisasagawa nang may kawilihan ang pag-


aalaga ng hayop bilang gawaing
mapagkakakitaan

Code EPP5AG-0h-16

Nilalaman:
Ang araling ito ay tungkol sa mga kagamitan at kasangkapan sa pag-
aalaga ng itik. Malalaman natin dito ang mga dapat gawin at ibigay sa kanila
upang sa gayon makapagdudulot sila ng kung anong maaasahan sa kanila.

Layunin:
1. Nakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan sa pag-
aalaga ng itik
2. Nasasabi ang kabutihang naidudulot ng pag-aalaga ng itik

ALAMIN NATIN:

___________________________________________________________________________
Page | 36 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Anong hayop ang nasa larawan? Anong produkto ang naibibigay


ng hayop na ito?
Isang magandang pagkakakitaan ang pag-aalaga ng itik sa likod ng
bakuran ng tahanan dahil sa malaki ang nagagawang tulong nito sa pamilya.
Ang pag-iitikan ay magandang pagkakitaan dahil sa maraming mga
produkto na makukuha rito tulad ng ballot, penoy, at ang pulang itlog.

LINANGIN NATIN:

Malaki ang pakinabang sa mga bakuran kung mag-alaga ng itik.


Karaniwang inaalagaan ang mga itik sa mga lugar na malapit sa tubig kung
saan may mga suso at tulya para sila ay maipastol at makatipid sa pagkain.
Ang itik ay inaalagaan para sa paggawa ng balut. Maaari natin silang
pakainin ng mga pagkaing kinakain ng mga manok at mabigyan sila ng
angkop na kulungan at na paliguan. Gumamit ng batya o kaya isang putol na
bariles na magsisilbing paliguan ng mga itik. Maaaring gumawa ng artipisyal
na lawa na magiging languyan ng mga itik.

Kailangang ang kulungan ay maaaring yari sa pawid at kawayan.


Bigyan din ng maayos na pagkain ang mga itik upang mangitlog ng marami.
Ang mga pagkaing dapat ibigay sa mga alagang itik ay:

a. Starter Mash – ang mga itik na walong lingo ang gulang ay


binibigyan ng pagkaing masabaw na starter mash. Sa unang tatlong
lingo, malatang kanin na hinahaluan ng dinikdik na hipon ang
ipakian apat o limang beses sa isang araw. Pagkaraan ng isang
buwan maaarin nang bigyan ng mga sariwang suso at nilagang
palay ang mga ito.
b. Mash Feed – ito ay pagkain na may taglay na 21 porsiyento na
protina. Inihahalo sa giniling na isda, mais, darak, dinurog na balat
ng talaba, at iba pang pagkaing mayaman sa mineral at bitamina.

c. Laying Feed–isang uri ng pagkain na ibinibigay sa mga babaeng


itik upang mangitlog nang marami.

d. Fattening Mash – pagkaing ipinapakian upang tumaba at lumusog


ang mga itik.
___________________________________________________________________________
Page | 37 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

TANDAAN NATIN:

Ang pag-aalaga ng itik ay isang gawaing makatutugon sa


pangunahing pangangailangan sa pagkain at makapagpapaunlad sa
kabuhayan ng pamilya.Higit na matagumpay ang pag-aalaga kung
naihandang mabuti ang mga kakailanganin ng mga alaga.

GAWIN NATIN:

Isagawa ang mga sumusunod:


A. Gumawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan sa pag-
aalaga ng itik. Isulat ang sagot sa kwaderno.
B. Magtala ng apat na pakinabang sa pag-aalaga ng itik. Isulat ang
mga sagot sa kwaderno.

1.

Pag-
4. aalaga 2.
ng itik

3.

___________________________________________________________________________
Page | 38 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

PAGYAMANIN NATIN:

Magsaliksik ng mga pamamaraan ng wastong pangangalaga ng mga


itik.

SANGGUNIAN:

• Umunlad sa Paggawa V, pp. 133-148


• Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan V, pp. 148-155
• MISOSA V, Pag-Aalaga ng Hayop
• https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c
U E?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing
• https://www.google.com.ph/search?q=ITIK&biw=1366&bih=667&source=ln
ms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjXgJT8-
abOAhUGrxoKHQqjB2EQ_AUIBigB#imgrc=hFnf8ZpLJ7DnUM%3A

___________________________________________________________________________
Page | 39 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

EA PAGGAWA NG TALAAN NG MGA KAGAMITAN AT


Aralin 10 KASANGKAPAN SA PAG-AALAGA NG TILAPIA

Bilang ng araw: 1

Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga ng
hayop bilang gawaing mapagkakakitaan
Pamantayan sa Pagkatuto Naisasagawa nang may kawilihan ang pag-
aalaga ng hayop bilang gawaing
mapagkakakitaan

Code EPP5AG-0h-16

Nilalaman:
Mapapag-aralan sa araling ito ang mga bagay na dapat isaalang-alang
sa pagsisimula ng pag-aalaga ng tilapiya. Matutunan din dito ang tamang
paraan ng pag-aalaga ng tilapiya at kabutihang maidudulot ng tilapiya.
Layunin:
1. Nasasabi ang tamang paraan ng pag-aalaga ng tilapiya
2. Nakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan na dapat
ihanda upang makakapagsimula sa pag-aalaga ng hayop/isda

ALAMIN NATIN:

Ayusin ang mga titik upang matukoy kung anong isda ang nasa
larawan.

TOHI

SANBGU

ILATIAP

GGAULNGNGO

___________________________________________________________________________
Page | 40 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

LINANGIN NATIN:

Ang tilapia ay isang isdang madaling alagaan at masarap kainin.


Nagtataglay ito ng sustansiyang
kailangan ng ating katawan gaya ng
protina. Karaniwang pinalalaki ito sa mga
palaisdaan sa likod bahay. Kung may
anyong tubig tulad ng ilog, sapa, lawa o
dagat na malapit sa inyong pamayanan,
maaari ring alagaan ang tilapia rito.
Magagawa ito kung mayroong
nakalutang na kulungan para sa tilapia. Ibinababad ang kulungan sa ilog o
sapa at dito pinalalaki ang alagang tilapia hanggang handa na itong kainin o
ipagbili. Kung sa bakuran mag-alaga ng tilapia, maaaring gumamit ng bariles
o kongkretong semento na paglalagyan sa mga ito. Makapag-aalaga ng 250
hanggang 500 binhi ng tilapia sa isang metrong kubikong kulungan.
Sa paggawa ng kulungan,
maaaring gumamit ng kawayan para sa
balangkas nito, talian ng naylon na pisi
ang mga hugpungan, sa paglalagay ng
takip, gumamit ng bisagra na gawa sa
dalawang kapirasong ginupit na goma ng
gulong upang madaling buksan at isara
ang pinto nang hindi kakalawangin.
Maraming pagkain tulad ng lumot, kiti-kiti at mga kulisap ang
makukuha ng mga tilapia sa ilog. Bukod dito, dagdagan pa ng darak at
fishmeal ang pagkain ng tilapia upang lumaki ito agad. Ang dami ng pagkaing
ibibigay sa tilapia ay naaayon sa laki at timbang ng alaga. Maaari ng anihin
ang alagang tilapia sa loob ng dalawang buwan.

TANDAAN NATIN:

Ang tilapia ay isang isda na madaling alagaan at masarap kaiinin.


Karaniwang Pinalalaki ito sa mga anyong tubig. Maaari rin itong alagaan sa

___________________________________________________________________________
Page | 41 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

likod-bahay. Nararapat na ihanda ang lahat ng materyales na kailangan


upang maisakatuparan ang pag-aalaga ng tilapiya.

GAWIN NATIN:

Isagawa ang mga sumusunod:


1. Mula sa dating pangkat, gumawa ng talaan ng mga kagamitan
at kasangkapan sa pag-aalaga ng tilapiya. Isulat ito sa meta
cards at idikit sa manila paper.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
- Anu-anong pakinabang ang dulot ng pag-aalaga ng tilapiya?
- Paano inaalagaan ang mga tilapiya upang matiyak
na pakinabangan ito ng husto?
- Nakakatulong ba sa pag-unlad ng pamilya ang pag-aalaga
ng tilapiya? Paano?

2. Iulat ng napiling lider ang nagawa sa klase.

PAGYAMANIN NATIN:

1. Alamin ang paraan ng pag-aalaga ng hito at mga


kasangkapa/kagamitang kailangan sa pag-aalaga.

SANGGUNIAN:

• Umunlad sa Paggawa V, pp. 133-148


• Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan V, pp. 148-155
• MISOSA V, Pag-Aalaga ng Hayop
• https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c
U E?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing
• https://www.google.com.ph/search?q=ITIK&biw=1366&bih=667&source=ln
ms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjXgJT8-
abOAhUGrxoKHQqjB2EQ_AUIBigB#tbm=isch&q=pangangalaga+ng+isd
a &imgrc=0LylraM-6T8-EM%3A

___________________________________________________________________________
Page | 42 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

EA PAGGAWA NG TALAAN NG MGA KAGAMITAN AT


Aralin 11 KASANGKAPAN SA PAG-AALAGA NG HITO

Bilang ng araw: 1

Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga ng
hayop bilang gawaing mapagkakakitaan
Pamantayan sa Pagkatuto Naisasagawa nang may kawilihan ang pag-
aalaga ng hayop bilang gawaing
mapagkakakitaan

Code EPP5AG-0h-16

Nilalaman:
Matatalakay sa araling ito ang wastong paraan ng pag-aalaga ng
hito.Mapapag-aralan din natin ang mga pangunahing pangangailangan ng
mga ito upang mas maayos ang kanilang paglaki at mapakinabangan. Sa
araling ito, ating malalaman ang mga dapat ihanda sa pagpapasimula ng pag-
aalaga nghito.

Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga pangunahing pangangailangan sa pag-
aalaga ng hito
2. Natatalakay ang wastong paraan ng pag-aalaga ng hito
3. Nakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan na dapat
ihanda upang makakapagsimula sa pag-aalaga ng hayop/isda

ALAMIN NATIN:

Alam niyo ba na sa mga isdang tabang, ang


hito ay pumapangalawa sa tilapia sa popularidad? Ito
ay nabibili sa palengke ng buhay at maaaring
patagalin pang buhay ng kung ilang araw habang
hindi pa nailuluto. Ang laman nito ay malinamnam at
maaaring ihanda sa anumang pamamaraan ng
pagluluto, maging inihaw, pinirito o sinabawan.
___________________________________________________________________________
Page | 43 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

LINANGIN NATIN:

Ang hito ay isang isda na maitim ang balat, madulas , at may “balbas”.
Madali itong alagaan at madalas nahuhuli sa mababaw na tubigan tulad ng
ilog, sapa, latian, o kahit kanal. Sumisiksik ito sa mga lugar na maputik at
may nabubulok na halaman.Maaring mag-alaga ng hito kahit sa likod-bahay.

Gumawa ng munting palaisdaan sa lugar na mababa, patag at malilim.


Mas mabuti kung malagkit ang lupang paglalagyan ng palaisdaan sapagkat
matagal matuyo ang tubig dito. Kailangang matigas ang dike sa paligid
upang hindi makaakyat dito ang hito.Kung sementado ang paglalagyan ng
hito, lagyan ito ng makapal na putik upangmay mapagtaguan ang alagang
isda. Lagyan ng tubo na laging pagdadaluyan ng tubig sa gitna ng palaisdaan
upang hindi matuyo at upang mapigil ang hito sa pagbutas at pagsuot sa
lupang nasa mga gilid ng palaisdaan. Punuin ang palaisdaanng tubig na
hanggang isang metro ang lalim.

Habang lumalaki ang mga isda, dagdagan ang dami ng tubig upang
hindi sila makalukso at makawala. Mabuti ring lagyan ng bakod ang paligid
ng palaisdaan. Maaaring yari yari ito sa kahoy,adobe, kawayan o iba pang
katutubong materyales. Gawing 50 sentimetro o masmataas pa ang bakod
upang hindi makawala ang isda.
Pakaiinin ang hito ng dalawang beses araw-araw. Ang pagkain nito ay
90% karne at 10% darak. Maaaring ihalo sa pagkain ang bulate, insekto, ,
bituka at lamang loob ng manok, alamang at iba pang karne na masisimot sa
mga matadero. Maglagay din ng ilaw sa ibabaw ng palaisdaan tuwing gabi
upang maglapitan ang mga kulisap at iba pang insekto. Maaaring maging
dagdag na pagkain atpampataba ito sa hito.

Lumalaki ang hito ng 35 hanggang 40 gramo buwan-buwan. Pagdating


ng anim na buwan, maaaring tumimbang na ito ng 175 hanggang 200
gramokaya’t maaari na itong anihin.

___________________________________________________________________________
Page | 44 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

TANDAAN NATIN:

Ang pag-aalaga ng hito ay isang kapaki-pakinabang na gawain parasa


ikauunlad ng kabuhayan ng mag-anak. Nakasalalay ang matagumpay na
pag-aalaga ng hito sa pagsunod sa wastong pamamaraan ng pag-aalaga nito
at tamang paghahanda.

GAWIN NATIN:

A. Indibidwal na Gawain

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Itala ang mga sagot sa


kwaderno.
1. Ano ang angkop na lugar sa pag-aalaga ng hito?
2. Anu-ano ang mga materyales na kakailanganin sa pagtatayo
ng palaisdaan para sa hito?
3. Anu-anong mga pagkain ang maaaring ibigay sa mga ito?
4. Bakit kailangang malagkit ang lupang paglalagyan ng palaisdaan?
5. Ilang buwan bago anihin ang alagang hito?

B. Pangkatang Gawain
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Anu-ano ang mga pangunahing pangangailangan sa pag-aalaga
ng hito?
2. Sa paanong paraan maging mas matagumpay ang pag-aalaga
ng hito?
3. Nakakatulong ba ang pag-aalaga ng hito sa kabuhayan ng
inyong pamilya o pamayanan? Paano?

___________________________________________________________________________
Page | 45 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

PAGYAMANIN NATIN:

1. Gumawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan sa


pag-aalagang hito.
2. Sagutin ang tanong: Kung ikaw ay magbabalak mag-alaga
ng hayop, anong hayop ito? Bakit?

SANGGUNIAN:

• Umunlad sa Paggawa V, pp. 133-148


• Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan V, pp. 148-155
• MISOSA V, Pag-Aalaga ng Hayop
• https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c
U E?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing
• http://aquatechnidocwestly.weebly.com/uploads/1/0/6/3/10636182/mga_panu
ntunan_sa_pag-aalaga_ng_hito.pdf

___________________________________________________________________________
Page | 46 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

EA
PAGSASAPAMILIHAN NG PRODUKTO
Aralin 12

Bilang ng araw: 1

Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga ng
hayop bilang gawaing mapagkakakitaan
Pamantayan sa Pagkatuto Naisasagawa nang may kawilihan ang pag-
aalaga ng hayop bilang gawaing
mapagkakakitaan

Code EPP5AG-0j-18

Nilalaman:
Sa araling ito ay ating tatalakayin ang iba’t ibang paraan ng
pagsasapamilihan g produktong galing sa hayop.
Layunin:
1. Nakagagawa ng istratehiya sa pagsasapamilihan

ALAMIN NATIN:

___________________________________________________________________________
Page | 47 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Pag-aralan ang larawan. Kung sakaling ikaw ay magbebenta ng


produkto, anong pamamaraan ang iyong gagawin upang tangkilikin ito ng
mga mamimili?

LINANGIN NATIN:

PARAAN NG PAGSASAPAMILIHAN
Kapag handa na ang iyong
produkto kailangan pag-aralan mo
kung paano ang distribution nito
gaya ng kung saan mo ibebenta ang
mga itlog. Halimbawa, ibebenta mo
ba ang iyong produkto sa mga sari-
sari store, sa mga carinderia, sa
farmer’s market, sa palengke, o kaya
sa mga natural/organic food stores?
Kailangan mo ring pag-isipan
kung may delivery services o
advertising ka na gagawin para sa
iyong produkto dahil malaki ang maitutulong nito sa iyong negosyo, ngunit
maaaring makadagdag din ito sa mga gastos. May ilang pagpipilian sa
pagbebenta:
 Maaaring maglagay ng paskil na “farm fresh eggs for sale” “fish for sale”
sa inyong bakuran

 Tuwing umaga, maaaring maglabas ng stand para sa mga ibebenta

 Magdeliver ng regular sa iyong suki

 Kumuha ng pwesto sa
palengke

 Ibenta sa palengke

 Maaari ka rin magbenta


online, gamit ang facebook maaari
mo itong ibenta sa iyong mga
kaibigan

___________________________________________________________________________
Page | 48 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

 Maaaring gumawa ng brochure o leaflet upang malaman na ikaw ay


nagbebenta ng produkto

Mga Paraan ng Pagsasapamilihan ng Produkto


1. Pakyawan – ang paraang ito ay nagaganap bago pa anihin ang
produkto. Nag-uusap at nagkakaroon ng kasunduan sa presyo ang
may-ari at mamamakyaw. Ang lahat ng produkto ay makukuha ng
mamamakyaw na siyang magbebenta nito ng direkta sa pamilihan.

2. Lansakan o maramihan – ito ang isang paraan ng pagbebenta na


ginagawa nang maramihan. Ang bilihan ay maaaring bawat basket o
trey ng mga itlog. Humahango ng maramihan ang mamimili upang
ipagbili ng tingian sa palengke.

3. Tingian – ang paraan ng pagbibili ng tingian ay sa kakaunting bilang


batay sa pangangailangan ng mamimili tulad ng:

a. Kilo – ginagamit ang


kiluhan sa pagbebenta ng
produkto. Ang timbang ang
basehan ng presyo o halaga
ng produkto tulad ng karne.

b. Bilang – binibilang ang


produktonamay
nakatakdang presyo. Maaari
rinn ipagbili ng dosena.

c. Piraso – ang produkto ay maaaring bilhin kada piraso ayon sa laki

TANDAAN NATIN:

Maraming paraan kung paano maibebenta ang isang produkto o mga


hayop na inaalagaan. Umisip lamang ng istratehiya na angkop at makakaakit
ng mga mamimili.

___________________________________________________________________________
Page | 49 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

GAWIN NATIN:

Pangkatang Gawain

1. Isasadula ng bawat grup ang mga pamamaraan ng


pagsasapamilihan ng produkto.
2. Mamarkahan ng guro ang bata batay sa pagsasadula ng bawat
grupo.

Deskripsiyon 3 2 1
Kaakmaan Naipakita ang Hindi gaanong Hindi naipakita ang
ng dula sa kaakmaan ng naipakita ang kaakmaan ng dula sa
tema dula sa tema. kaakmaan ng dula sa tema.
tema.
Naipakita Naipakita ng Hindi gaano Hindi naipakita ng
ang konsepto maayos ang naipakita ng maayos maayos ang
ng maayos konsepto ang konsepto konsepto
Pagkamalikh Naipakita ang Hindi masyado Hindi naipakita ang
ain pagkamalikhain naipakita ang pagkamalikhain
pagkamalikhain
Wastong Naipakita ang Hindi gaano Hindi naipakita ang
paggamit ng wastong naipakita ang wastong paggamit
ekspresyon paggamit ng wastong paggamit ng ekspresyon
ekspresyon ng ekspresyon
Watong Naipakita ang Hindi gaanong Hindi naipakita ang
paraan ng wastong paraan naipakita ang wastong paraan ng
pag-aalaga ng pag-aalaga ng wastong paraan ng pag-aalaga ng hayop
hayop pag-aalga ng hayop

PAGYAMANIN NATIN:

Gamit ang computer/internet, gumawa ng isang simpleng brochure o leaflet


upang maibenta ang mga produkto/isda/hayop.

___________________________________________________________________________
Page |50 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

SANGGUNIAN:

Umunlad sa Paggawa V, pp. 133-148


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan V, pp. 148-155
MISOSA V, Pag-aalaga ng Hayop
http://www.buhayofw.com/financial-advice/business-investments/egg-
business-paano-magsimula-ng-negosyong-pagbebenta-ng-itlog-sa-pili-
52e512c083695
https://www.google.com.ph/search?q=fresh+egg+for+sale&biw=1366&bih=
667&tbm=isch&imgil=JwIBlNWOBT_3JM%253A%253B15lT_RXvRCfUrM%2
53Bhttp%25253A%25252F%25252Fwww.freesignprinter.com%25252Fprintabl
e-fresh-eggs-for-sale-
sign.html&source=iu&pf=m&fir=JwIBlNWOBT_3JM%253A%252C15lT_RXv
RCfUrM%252C_&usg=__4DgWX9iLIVht_e5UM8z8cC7K9Mw%3D&ved=0ah
UKEwi6_4fTnqnOAhUEQo8KHZh6AiAQyjcIIw&ei=X_ujV_rTDoSEvQSY9Y
mAAg#tbm=isch&q=fish+for+sale&imgrc=c__o6KYxUVttfM%3A

___________________________________________________________________________
Page | 51 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

EA
PUHUNAN, GASTOS, AT KITA
Aralin13

Bilang ng araw: 1

Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa sa


kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga ng
hayop bilang gawaing mapagkakakitaan
Pamantayan sa Pagkatuto Naisasagawa nang may kawilihan ang pag-
aalaga ng hayop bilang gawaing
mapagkakakitaan

Code EPP5AG-0j-18

Nilalaman:
Sa araling ito ay ating tatalakayin ang tamang pagtutuos ng puhunan,
nagastos at maaaring kitain sa pag-aalaga ng hayop.
Layunin:
1. Natutuos ang puhunan, gastos, at kita

ALAMIN NATIN:

Paano malalaman ng nagnenegosyo kung siya ay kumikita o nalulugi?

___________________________________________________________________________
Page | 52 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

LINANGINNATIN:

Ang pagtutuos sa mga gugulin at pinagbilhan ng mga produkto/alaga


ay kailangan gawin upang malaman kung ang ginawang pag-aalaga ay
nakatulong sa pamumuhay ng mag -anak. Sa pagtutuos na gagawin,
malalaman kung tumubo o nalugi sa ginawang paghahanapbuhay.

Upang malaman kung tumubo o


nalugi, may mga gawain na kailangan
tulad ng pagtatala ng mga gastos,
gugulin at pinagbilhan. Sa pagtutuos,
mapag-aaralan at masusuri ang mga
gastusin sa pag-aalaga ng nga isda at
mayroon pagbabasehan sa susunod na
gawain upang lalong mapabuti ang
pag-aalaga.

Napakahalagang malaman kung


papaano makagawa ng halimbawa ng patutuos ng pinagbilhan ng alagang
hayop o isda.Mahalagang malaman kung kung kumita onalugi ang ginawang
pag-aalaga ng isda o hayop.

Pag-aralananghalimbawakungpanomalalaman kung kumita o nalugi.

Talaanngpinagkagastusan:

Halagangpaggawangpalaisdaan P1,500.00
Halagangsimilya P1,500.00
Halagangpanustos
P 2,000.00
P1,000.00
Halagangserbisyo/pagod
Kabuuanhalagangginastos P 6,000.00
Talaanngpinagbilhan 15,000.00
10 banyerangisda P 15,000.00
Gastos - 6,000.00

Kinita 9,000.00

___________________________________________________________________________
Page | 53 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

TANDAANNATIN:

Upangmalaman kung tumubo o nalugisapinagbilhanngalagangisda ay


dapatalaminangpamamraanngpagkukwenta o pagtutuosngpinagkagastusan
at pinagbilhan, anglahatngito ay nakasalalaysagianawangtalaan.

GAWINNATIN:

A. Gumawangsarilinghalimbawangpagtutuosupangmalamankungkumita
o hindi.

B. Sagutinangmgasumusunod:

1. Paanoninyomalalaman kung kyo ay tumubo o


nalugisapinagbihanngalaga?
2. Anongparaanangginawamoupangmalamanangkungmagkanoangti
nubomo?
3. Bakitmahalagaangpaggawangtalaannggastusin?

PAGYAMANINNATIN:

Maginterbyungisangnagtitidangisda ,manok o itlog at


gumawangtalaanupangmalaman kung sya ay tumubo o hindi.

SANGGUNIAN:

Umunlad sa Paggawa V, pp. 133-148


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan V, pp. 148-155
MISOSA V, Pag-aalaga ng Hayop
https://www.google.com.ph/search?q=fresh+egg+for+sale&biw=1366&bih=667&tbm=isch&imgil=JwIBlNWOBT_3
JM%253A%253B15lT_RXvRCfUrM%253Bhttp%25253A%25252F%25252Fwww.freesignprinter.com%25252Fprintable-
fresh-eggs-for-sale-
sign.html&source=iu&pf=m&fir=JwIBlNWOBT_3JM%253A%252C15lT_RXvRCfUrM%252C_&usg=__4DgWX9iLIVh
t_e5UM8z8cC7K9Mw%3D&ved=0ahUKEwi6_4fTnqnOAhUEQo8KHZh6AiAQyjcIIw&ei=X_ujV_rTDoSEvQSY9Ym
AAg#tbm=isch&q=calculator+money&imgrc=a6kvnGC_vdCYWM%3A

RYAN V. MASAYBING
VALDEFUENTE ELEMENTARY SCHOOL

___________________________________________________________________________
Page | 54 Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials

You might also like