Professional Documents
Culture Documents
Panalangin NG Pagsupil Sa
Panalangin NG Pagsupil Sa
Sa ngalan ni Jesus,
Sinusupil ko at iginagapos
Ang lahat ng kapangyarihan
At puwersang nasa hangin,
Sa lupa, sa tubig, sa ilalim ng lupa,
Sa impiyerno, sa kalikasan, at sa apoy.
Sa ngalan mo iginagapos ko
Ang lahat ng puwersa ng diyablo
Na kumikilos laban sa amin
At sa aming mga pamilya
At tinatatakan ko kaming lahat
Ng pagsasanggalang ng iyong
Mahal na dugo
Na ibinuhos para sa amin sa krus
San Miguel
At aming mga anghel na tagatanod
Ipagtanggol kami
At ang aming mga pamilya
Sa pakikipaglaban naming sa lahat
Ng kasamaang gumagala sa mundo.
Sa ngalan ni Jesus
Iginagapos at inuutusan ko
Ang lahat ng kapangyarihan
At puwersa ng kasamaan
Na lumayo ngayon din sa amin,
Sa aming mga tahanana, at mga bayan.
At pinapasalamatan ka naming,
Panginoong Hesus,
Sapagkat isa kang Diyos
Na tapat at mapagmahal
Amen.