Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Filipino – Kinder

Gabay sa Pag-aaral 1: Pagpapakilala sa Sarili

Panimula
Ang Gabay sa Pag-aaral na ito ay nakatuon sa pag-aaral tungkol sa
pagpapakilala sa iyong sarili, at wastong pagsulat ng linyang pahiga. Kaugnay
nito, makikilala mo rin ang salitang ako na ginagamit upang tukuyin ang ating
sarili. Tutulungan ka ng iba’t-ibang gawaing nakapaloob sa Gabay sa Pag-aaral
na ito upang mas mapalalim pa ang iyong kaalaman.

Upang mapadali ang iyong pagkatuto, ang Gabay sa Pag-aaral na ito ay


hinati sa iba’t ibang bahagi at nilakipan ng mga simbolo. Ang mga simbolong
ito ang magsisilbi mong palatandaan sa pagsagot sa Gabay sa Pag-aaral na
ito.

Pagkatapos mong gamitin ang Gabay sa Pag-aaral na ito, inaasahang


magagawa mo ang mga sumusunod:

1. nakikilala ang sarili; (MELCS)


2. natutukoy ang tamang paggamit ng salitang ako;
3. nakasusulat ng linyang pahiga.
A. Sa tulong ng iyong tagapangalaga, basahin ang dayalogo upang mas
maintindihan ang aralin.

Narito ang bagong magkaibigan na nagkita sa paaralan ng


San Antonio.
Ben: Kamusta! Ako nga pala si Ben, anong pangalan mo?
Bela: Kamusta rin! Ako naman si Bella, ilang taon ka na Ben?
Ben: Ako ay apat na taong gulang, ikaw ilang taon ka na?
Bella: Pareho tayo apat na taong gulang din ako. Saan ka
pala nakatira?
Ben: Ako ay nakatira sa San Andres Bukid.
Ben: Saan ka naman nakatira?
Bella: Ako ay nakatira sa Singalong.
Ben at Bella: Puntahan natin ang iba nating kamag-aral at
kilalanin din natin sila!

Makikita rito na tinukoy ng dalawang bata ang kanilang pangalan, edad, at


tirahan.

Sa dayalogo ring ito makikita na madalas binanggit ng dalawang bata ang


salitang ako. Ito ay palagiang ginagamit upang tukuyin ang sarili. Ginagamit ito
bilang pamalit sa ating pangalan.
B. Punan ang patlang. Isulat ang iyong pangalan, edad, at tirahan.

Ako si ______________________________________, (pangalan)

_______ taong gulang. (edad)

Ako ay nakatira sa ____________________________. (tirahan)

C. Pagsulat.
Upang matutunan ang tamang pagsulat ng linyang pahiga, kailangan
muna natin matutunan ang kaliwa at kanan. Sa paraang ito, mas mabilis
natin malalaman ang wastong pagsulat ng linyang pahiga.

Sa tulong ng iyong tagapangalaga, humawak ng lapis at itaas ito sa ere.


Gumawa ng linya mula kaliwa pakanan. Ulitin ito ng isa pang beses, sa
pagkakataong ito ay wala nang tulong ng iyong tagapangalaga. Iyan
ang tinatawag na linyang pahiga.
D. Kasanayan sa pagsulat.
Bakatin ang mga sumusunod na linyang pahiga. Sundin ang panuntunang
kaliwa pakanan.

Sa loob ng kahon gumawa ng sariling linyang pahiga.

1. Bakit mahalaga na alam natin ang wastong pagpapakilala sa sarili?


2. Tuwing kailan ginagamit ang salitang ako?

• Varela, Leonora “Cleo” P. (2017), Wow Filipino! K., Vibal Publishing


1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City.

Images:
• www.google.com/images

You might also like