Pagsusuri Saranggola

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

TAUHAN

 Batang lalaki – mapagtanim ng galit.


 Ama - Walang ibang inisip kundi ang ikakabuti ng kanyang anak.
 Ina - mapagmahal na ina.
 Asawa ng pangunahing tauhan
 Rading, Paquito, at Nelson – mga apo
 Katulong
 Mga kaibigan ng pangunahing tauhan
 Guro

TAGPUAN
 Sa isang munting bayan – ang bayan kung saan nakatira ang pamilya ng batang lalaki at
doon din sila nagnenegosyo.
 Sa bahay – sa bahay kung saan sila nakatira at gumawa ng saranggola.
 Sa bukid – kung saan sila naglalaro at nagpapalipad sila ng saranggola.
 Sa Machine Shop – kung saan sila nagtatrabaho at kumukuha ng kanila ikinabubuhay.

SULIRANIN/TUNGGALIAN
Ang pagtatayo ng anak ng machine shop sa dulo ng bayan na naging dahilan ng  pagiging
magkakumpetensiya nilang mag-ama sa negosyo

WAKAS
Namatay ang ama ngunit namatay itong masaya dahil natupad ang kanyang pangarap sa
kanyang anak. Ang maging matagumpay ito sa buhay.

MAHALAGANG ARAL
Ang aral ng kwento ito ay dapat palagi tayong makikinig sa ating mga magulang at
sundin ang kanilang mga payo dahil ang hangad lamang nila ay kung ano ang makakabuti sa
kanila. Ang buhay ay di parang lotto na instant mayaman kana agad kung mananalo ka dahil
ang buhay ay puno ng pagsubok kaya dapat palagi tayong magsikap at paghusayin ang paggawa
para sa ikakaunlad natin.

TEMA O PAKSA NG MAY AKDA


Ang tema ng maikling kwentong Saranggola ay ang pagmamahal ng ating mga
magulang, lalong-lalo na ang pagmamahal ng isang ama ay hindi maipagpapalit sa kahit anong
kadaming salapi sa mundong ito. Ang pangalawa ay ang buhay ay parang saranggola bago mo
ito maipalipad ng matagal at mataas sa himpapawid kinakailangan mo munang mag-tiyaga,
mag-ingat at maging mahusay sa pagpapalipad nito.
Ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Ang malaki ay
madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at kung bumagsak,
lagging nawawasak.
NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
I. Humingi ang batang lalaki sa kanyang ama na bilhan siya ng guryun.          
            A. Pero hindi siya binilhan ng kanyang ama at tinuruan na lamang siya ng kanyang ama
kung paano gumawa at magpalipad ng saranggola.
            B.  Kaya namuo ang kanyang galit sa kanyang ama.                        
                        1. Naramdaman ng batang lalaki na kinakaawa siya ng kanyang ama dahil sa
mga bagay na hindi binigay sa kanya, kaya mas lalong nagalit siya sa kanyang ama.       
                        2. Sa paglipas ng panahon hindi parin nawala ang galit ng batang lalaki sa
kanyang ama, kahit sa pagpili ng kursong pag-aaralan, ang desisyon ng kanyang ama parin ang
natupad at para siya na ang mamalakad sa kanilang negosyo kung wala na ang magulang niya.

II. Dumating ang araw na nakapagtapos ang batang lalaki sa koliheyo.


             A. Sa halip na ibigay sa kanya ang pamamalakad ay binigyan lamang siya ng ama ng
pera para magpundar kanyang sarili negosyo kaya nagalit siya sa kanyang ama. 
                        1. Tinanggap niya ang pera at nagtayo siya ng kanyang sariling negosyo at hindi
naglaon nalugi ito.
                                     1.1 Dahil nagtayo siya ng kanyang negoso malapit sa negosyo ng
kanyang ama, kaya mas maliit ang kanyang benta at nalugi ito.
                        2. Humingi siya ulit ng puhunan sa kanyang ama, ngunit hindi siya binigyan nito
kaya lalo siyang nagalit rito.  
            B. Nagtrabaho siya at nagsumikap, sa paglipas ng panahon nagkaroon ng bagong
negosyo at naging mas maunlad.
                        1. Isang araw umuwi siya galing sa trabaho at hindi niya naabutan ang kanyang
mag ina at nalaman niyang pumunta sila sa kanyang magulang para patawarin ito.
                                    1.1 Naalala niiya ang lahat ng masasayang araw at panahon noong
kasama pa niya ang kanyang ama, kaya nagmadali siya umuwi sa kanilang bahay.
                                    1.2 Ngunit huli na ang lahat, patay na ang kanyang ama at namatay itong
walang hinannakit sa kanya dahil natupad na ang pangarap ng kanyang ama na marating ng
kanyang anak ang itaas ng kanyang sariling hirap.
BUOD NG KWENTO
Ang kwentong ito ay nagsimula sa mag-ama nagkwekwentuhan, sabi ng ama sa kanyang
mga anak may isang batang lalaki na humingi sa kanyang ama na bilhan siya ng isang guryon
bagkus sinabihan lamang siya ng kanyang ama na bumili ng kawayan at papel at gumawa ng
kanyang sariling saranggola, pero hindi marunong ang bata kaya tinuruan siya ng kanyang ama
na gawin ito. Sa halip na matuwa ang batang lalaki dahil meron na siyang saranggola nagalit ito
at humingi ulit siya sa kanyang ama na bilhan siya ng guryon dahil kinakatyawan siya sa bukid
kung saan siya nagpapalipad ng saranggola dahil maliit ang sa kanya. Kahit meron silang
perang pangbili ng isang guryun, hindi parin siya binilhan ng kanyang ama bagkus tinuruan nito
ang kanyang anak na magpalipad ng saranggola. Lumipas ang mga araw ang batang lalaki ay
natutung nang magpalipad ng saranggola at nalagpasan na niya  ang mga guryon ng kanyang
mga kaibigan. Ngunit isang araw, napatid ang tali ng kanyang saranggola at nasapid sa isang
balag pero hindi parin ito nasira at sinabihan siya ng kanyang ama na kung guryun yan,
nawasak na dahil sa laki. kaya tandaan mo, ang taas ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa
husay, ingat at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap
patagilin doon at kung babagsak, lagging nawawasak. Lumipas ang mga taon hindi parin
nawala ang galit ng batang lalaki sa kanyang ama dahil nararamdam ng batang lalaki na
kinakaawa siya ng kanyang ama, kahit damit at sapatos ay pang pobre ang laging kanyang
sinusuot at laging katwiran ng kanyang ama na hindi madaling kitain ang pera. Lumipas ang
maraming araw, hindi parin naunawaan ng batang lalaki kung bakit siya pinahihirapan ng
kanyang sariling ama. Hanggang sa pagpili ng kursong aaralin sa koliheyo ang pasya parin ng
ama ang nanaig dahil sa tingin ng kanyang ama yon ang makakabuti para sa kanya. Nag-aral
siya ng mabuti at nakatapos ng koliheyo, pagakatapos binigyan siya ng pera ng kanyang ama
para sa pagpapatayo ng isang machine shop, una hindi niya tinanggap dahil wala itong rason
dahil mamanahin niya naman ang machine shop nila. Pero sinabihan siya ng kanyang ama na
kaya pa niya hawakan ang negosyo at sinabihan siya na mabuti na yong makatindig ka sa sarili
mong paa. Kaya tinanggap niya ang pera at nagpatayo ng machine shop malapit sa machine
shop ng kanyang ama. Isang araw pinuntahan siya ng kanyang ama sa kanyang machine shop
para kumustahin pero sa tindi ng kanyang galit umalis ang kanyang ama na hindi man lang sila
nakapag-usap ng matino. Pero dahil sa kawalan ng kita nalugi ang negosyo  ng batang lalaki at
humingi ulit siya ng puhunan sa kanyang ama, ngunit hindi siya nito binigyan kaya ang galit na
nadarama ng kanang anak ay lalong tumindi at dahil doon nakalimutan niya ang paggalang sa
magulang. Lumipas ang maraming taon sumigla muli ang kanyang negosyo. Isang araw
dinalaw siya ng kanyang ina at sinabi sa kanya na gustong Makita ng kanyang ama ang kanyang
mga apo, ngunit hindi pumayag ang kanyang anak dahil kinalimutn na niya na meron siyang
ama. Ngunit isang araw sa kanyang pag-uwi galing sa trabaho hindi niya nadatnan ang kanyang
mga anak at asawa nabalitaan na lamang niya na pumunta pala ito sa probinsya ng kanyang mga
magulang upang patawarin ito at labis ang kanyang nadaramang galit, ngunit nahinto siya saglit
at naala lahat ng masayang karanasan niya kanyang ama. Dali-dali siyang pumunta sa kanilang
probinsya pero huli na ang lahat patay na ang kanyang ama, pero namatay ang kanyan ama na
walng hinanakit sa kanya dahil natupad na niya ang kanyang pangarap na marating mo ang itaas
at nakatiyak siya makakapanatili ka roon at naalala niya ang sinabi ng kanyang ama na wala sa
laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas. Hayaan mo….tututuan kita.
Doon natapos ang kwentuhan ng mag-ama sinabihan niya ito na tandaan niyo itong kwentong
ito dahil kwento ito ng inyong namatay na lolo. Kwento naming dalaw.
1. Pagganyak
a. Pakinggan at damhin ang bidyo na may kaugnayan sa paksa.
 Tungkol saan ang iyong napakinggan?
 Ano ang iyong naramdaman habang pinapakinggan ito?

2. Talasalitaan
Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nasa ibaba. Isulat ang titik na
may katumbas na bilang na nasa kahon upang mabuo ang salita. Pagkatapos ay
gamitin sa makabuluhang pangungusap.

1–A 5–E 9–I 13 – M 17 – Q 21 – U 25 – Y


2–B 6–F 10 – J 14 – N 18 – R 22 – V 26 – Z
3–C 7–G 11 – K 15 – O 19 – S 23 – W
4–D 8–H 12 – L 16 – P 20 – T 24 – X

1. NAGUNITA 4. TIWALAG
__ __ __ __ __ __ __
14 1 1 12 1 12 1 __ __ __ __ __ __ __
2 21 13 9 20 9 23

2. POBRE 5. MALUMANAY
__ __ __ __ __ __ __
13 1 8 9 18 1 16 __ __ __ __ __ __ __ __ __
13 1 8 9 14 1 8 15 14

3. NAGPAKAGUMON

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
14 1 7 16 1 11 1 4 1 12 21 2 8 1 19 1

3. Pagtalakay sa Aralin
a. Panoorin ang bidyo ng Maikling Kuwentong “Saranggola” ni Efren R.
Abueg.
 Ano ang kahilingan ng batang lalaki sa kanyang ama? Ano ang
dahilan kung bakit hindi ipinagkaloob ng ama ang kahilingan nito?
 Ano ang naramdaman ng bata nang hindi ibinigay ng kanyang ama
ang kanyang hinihingi?
 Sa iyong palagay, makatarungan baa ng ginawang pagdidisiplina ng
ama sa kanyang anak? Bakit?
 Anong aral ang iyong napulot sa kuwento upang ang isang tao ay
magtagumpay sa buhay?
4. Pangkalahatang kaisipan
 Matapos mailahad ang mga naganap na pangyayari sa akda, ano ang mga
naikintal sa inyong isipan? Paano mo ito isasabuhay?
Unang Pangkat:
 Kilalanin at ilarawan ang mga tauhan sa kuwento. Ipaliwanag ang kanilang ginampanan.
Ikalawang Pangkat:
 Ilahad ang tagpuan, suliranin at tunggalian sa kuwento. Ipaliwanag ang mga
pangyayaring naganap dito.
Ikatlong Pangkat:
 Talakayin ang banghay ng kuwento. Ilahad ang pagkasunod-sunod nito.
Ikaapat na Pangkat:
 Ano ang paksa o tema ng kuwento? Ipaliwanag at iugnay ito sa tunay na buhay.
Ikalimang Pangkat:
 Ano ang naging wakas ng kuwento? Ipaliwanag at magbigay ng ilang aral na napulot
dito.

5. Paglalahat
 Matapos mailahad ang mga naganap na pangyayari sa akda, ano ang mga naikintal
sa inyong isipan?
 Matapos matunghayan ang akda, ano nag inyong naramdaman sa ipinakitang asal
ng anak sa kanyang magulang?
 Matapos pag-aralan ang akda, mayroon pa ba sa kasalukuyan ang inaasal ng anak
sa ating lipunan? Magbigay ng halimbawa at patunay.

You might also like