Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Laguna
District of San Pedro
SAMPAGUITA VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL
Molave St., Brgy. Calendola, City of San Pedro, Laguna
(02) 8 808 0160

FILIPINO-IKAPITONG BAITANG
UNANG MARKAHAN
MGA KARAGDAGANG GAWAING PAMPAGKATUTO

ARALIN 1:4 Mga Retorikal na Pang-ugnay

Gawain 1

Panuto: Magtala ng mgs posibleng maging bunga kaugnay ng konseptong nasa


Concept Map. Ang mga sagot sa bawat Gawain ay isulat sa kwaderno.

__________________ __________________
__________________ __________________
_________________ PAGSUNOD __________________
SA
MAGULANG
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
Gawain 2

Panuto: Buuin ang bawat pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay ng angkop na salita sa


bawat patlang.

1. Ang mga magulang ay nagsisilbing ____ ______________________ at____


__.

2. Sa samahan ng isang pamilya, mayroong ________________________ ngunit


mayroon ding ____________________________.

Gawain 3

Panuto: Basahin at unawain akda sa ibaba.

Ang Talinghaga sa Dalawang Anak


May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Lumapit siya sa
nakatatanda at sinabi, “Anak, lumabas ka sa ubasan at magtrabaho sa ubasan
ngayon.” “Ayoko po,” tugon niya. Ngunit nagbago ang kanyang isip at siya’y
naparoon. Lumapit din ang ama sa anak na bunso at gayundin ang kanyang
sinabi. “Opo,” tugon nito. Datapwat hindi naman siya naparoon.

Sagutin ang mga sumusunod tanong batay sa maikling talatang binasa. Buuin ang sagot at
isulat sa kwaderno.
1. Para sa iyo, sino sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng kanyang ama? Ipaliwanag
ang iyong sagot.
Para sa akin, ang sumunod sa kalooban ng kanyang ama ay ang ________________, dahil
___________________________________________
___________________________________________________________________.
2. Pansinin ang mga salitang nakasulat nang madiin, ano ang masasabi ninyo hinggil sa
mga salitang ito?

Batay sa mga salitang nakasulat nang madiin, ang mga ito ay


______________________________________________________________________
______________________________________________________________
______
3. Paano nakatutulong ang mga nasabing salita sa pag-uugnay ng mga salita/ sugnay sa
loob ng mga pangungusap?

Nakatutulong ang mga nasabing salita sa pag-uugnay ng mga salita/ sugnay sa


loob ng mga pangungusap sapagkat
______________________________________________________________________
________________________________________________________________
____

Sa gabay ng magulang, unawain ang INPUT tungkol sa paksang aralin.


DAGDAG KAALAMAN- (FOR YOUR INFORMATION)
RETORIKAL NA PANG-UGNAY
Ang pag-uugnayan ng iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga upang makita
ang pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang mga
pang-ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol at pangatnig.

1. Pang-angkop – Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang


tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan. May
dalawang uri ng pang-angkop.
 Pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa
katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita. (Hal.,
mapagmahal na hari)

Kapag ang salita nama ay nagtatapos sa titik n, tinatanggal o kinakaltas ang n at


ikinakabit ang –ng (Hal.,huwarang pinuno)
 Pang-angkop na –ng ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga
patinig. Ikinakabit ito sa unang salita. (Hal., mabuting kapatid)

2. Pang-ukol – Ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga


salita sa pangungusap. Narito ang mga kataga/ pariralang malimit na gamiting pang-
ukol.
 sa, ng, kay/kina, alinsunod sa/kay, laban sa/kay, ayon sa/kay, hinggil sa/kay,
ukol sa/kay, para sa/kay, tungkol sa/kay

3. Pangatnig sa mga kataga/salita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o


sugnay
 Pangatnig na pandagdag (at, pati)
 Pangatnig na pamukod (o, ni, maging)
 Pagbibigay sanhi/dahilan (dahil sa, sapagkat, palibhasa)
 Paglalahad ng bunga o resulta (bunga, kaya o kaya naman)
 Pagbibigay ng kondisyon (kapag, pag, kung, basta)
 Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat (ngunit, subalit, datapwat,
bagama’t)

Gawain 4
Panuto : Bigyan ng masining na pagpapakahulugan ang mga salita gamitin ang wastong
pang-angkop

Hal. puso = bahagi ng katawan = pagmamahal

LITERAL MASINING
SALITA NA NA
KAHULUGAN KAHULUGAN

1. Ina nanay

2. kalapati hayop

3. watawat bagay

4. krus hugis

5. tubig bahagi ng kalikasan


Gawain 5

Panuto: Isulat ang mga parirala sa kwaderno at ang wastong gamit ng mga pang-angkop sa
patlang.

1, asul___ langit 6. bangin____ malalim


2. masaya ____ pamilya 7. tahanan____ payapa
3. hagdan____ kahoy 8. Regalo ____mamahalin
4. tahimik ____ paligid 9. Bayani_____ Pilipino
5. matulungin ___ bata 10. Lumalaki ____ magalang

Gawain 5
Panuto: Gamit ang natutunan mula sa aralin, salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit
sa bawat pangungusap.

1. Alinsunod sa kalooban ng Diyos ang kanyang magiging pasya.


2. Ang matapat na pinuno ay mahal ng taong bayan.
3. Dahil sa sipag at tiyaga’y umuunlad siya sa buhay.
4. Ang lahat ng ating ginagawa ay dapat nakatuon para sa kabutihan ng ating kapwa at
bansa.
5. Ang matiwasay na pamumuhay ay hangad ng lahat.
6. Tungkol kay Dr. Jose Rizal ang kwento ni Alon.
7. Natitiyak kong alinsunod sa batas ang aming kasunduan.
8. Ang ginawi ng mag-aaral ay ayon sa kagandahang-asal.
9. Tungo sa kaunlaran ang lahat ng proyektong inilunsad ng pamahalaan.
10. Hingil sa pangangalaga ng kapaligiran ang pagpupulong sa bayan.

Gawain 6
Panuto: Isulat sa patlang ang uri ng pang-ugnay ng mga salitang nakasulat nang
madiin sa bawat pangungusap. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.

A. Pang-angkop B. Pang-ukol C. Pangatnig


_____1. Ang pusong maunawain ay madaling makapagpatawad.

_____2. Bagaman mayaman ay nagawa niyang makisalamuha sa mga simpleng tao.

_____3. Maraming magagandang oportunidad ang naghihintay sa isang matalinong


mamamayan.

_____4. Maging maingat sa lahat ng iniisip at ginagawa upang hindi makapanakit ng


damdamin ng iba.

_____5. Mahirap maging kaibigan ang mga taong sinungaling at mapaggawa ng


kwento kaya’t maging maingat sa pagpili ng kaibigan.

6. Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan malalabanan ang Corona Virus sa


pamamagitan ng kalinisan at pagpapalakas ng pangangatawan.

7. Ang pagkain ng gulay, prutas at pag-inom ng bitamina ay isang paraan upang


palakasin

at panatihin ang malusog na pangangatawan.

8. Sa panahon ng pandemya sa buong mundo maraming naghihirap sapagkat


apektado

ang mga pangkabuhayan at negosyo ng mga taumbayan.

9. Subalit ang mga pangyayaring ito ay isang pagsubok lamang, wag tayong
mawalan ng

pag-asa at tiwala sa Diyos

10. Lagi tayong manalangin sa ating Poong Maykapal para sa kaligtasan ng lahat

Gawain 7
Panuto: Bumuo ng 5 pangungusap gamit ang iba’t ibang uri ng mga pang-ugnay.

PAKSA: Pagsunod sa Utos ng Magulang

1. At -________________________________________________________

2. Dahil sa___________________________________________________

3. Alinsunod sa_______________________________________________

4. ngunit ____________________________________________________

5. Para sa____________________________________________________

Gawain 8

Panuto : Pumili ng isang maikling kuwentong nabasa o pelikulang napanood. Isulat ang buod
nito gamit ang mga retorikal na pang-ugnay.

__________________________________________________

Pamagat ng Maikling Kuwento/Pelikula

______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________

PAMANTAYAN

Organisasyon ng mga ideya = 5

Wastong Gamit ng Pang-ugnay = 5

KABUUAN = 10

You might also like