Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Laguna
District of San Pedro
SAMPAGUITA VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL
Molave St., Brgy. Calendola, City of San Pedro, Laguna
(02) 8 808 0160

FILIPINO-IKAPITONG BAITANG
UNANG MARKAHAN
MGA KARAGDAGANG GAWAING PAMPAGKATUTO

ARALIN 1.2 Panitikan:Epiko

Wika: Mga Pang-ugnay na ginagamit sa

Pagbibigay ng Sanhi at Bunga

D A G D A G K A A L A M A N - ( FOR YOUR INFORMATION)

Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga,

Ang maayos na pag-uugnayan ng mga salita, parirala at pangungusap ay mahalagang


sangkap para sa malinaw, lohikal at mabisang paglalahad. Sa pamamagitan ng paggamit ng
iba’t ibang pang-ugnay ay higit na nabibigyang-diin ang layunin sa pagpapahayag.
Ilan sa mga pang-ugnay ang ang mga sumusunod:
1. Pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga-
sapagkat, pagkat, dahil, palibhasa, kasi, nagging

Gawain 1.Babasahin at unawain ang mga sumusunod na talata nang buong


pagkamalikhain..Sagutin ang pagsasanay sa ibaba.Mula sa epiko ng Mindanao
“Inadarapatra at Sulayman.

Pinauwi ni Haring Indarapatra si Prinsipe Sulayman sa Mantapuli, palibhasa’y


kagagaling lamang sa kamatayan upang makapagpahinga. Nagtungo naman ang hari sa
Bundok Kurayan upang hanapin ang kinatatakutang ibon na may pitong ulo at matatalas na
mga kuko. Natagpuan ni Haring Indarapatra ang ibon at sila ay naghamok.

Kaya naman nang kanyang matalo ang ibon ay hinanap niya ang mga taong naging
dahilan upang matagpuan niya ang isang magandang diwatang tuwang-tuwang nagpasalamat
sa kanyang kabayanihan at katapangan. Isinalaysay ni Haring Indarapatra ang pakikipaghamok
nilang dalawa ni Prinsipe Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon.

Tuwang-tuwa ang mga tao sa kabayanihang ginawa ng magkapatid. Sinabi ni


Haring Indarapatra na maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan sapagkat wala na
ang mga halimaw at ibong gumugulo sa kanila. Nagpasalamat ang mga tao kay Haring
Indarapatra.

Hiniling naman ni Haring Indarapatra sa magandang diwatang pakasalan siya nito.


Pumayag ang diwata at kaagad na ipinagdiwang ang isang magarbo at tunay na masayang
kasalan. Bunga nito’y muling lumitaw ang malawak na lupang bagama’t pawang kapatagan ay
tunay na malusog naman, hindi na bumalik sa sariling bayan si Haring Indarapatra. Doon na
siya naghari sa mayamang lupa ng pulong Mindanao.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. Al

Gawain 2. . Mula sa binasang talata ,Sagutan ang fish bone. Kilalanin at isulat ang
sanhi at bunga ng mga pangyayari. Isulat ang sagot sag utang papel

SANHI

BUNGA

Gawain 3. Ayusin ang wastong kinanalagyan ng sanhi at bunga ng mga pangyayari. Isulat
ang mabubuong pangungusap.sa kwaderno.

PAGKALULONG SA PAGTATAPON
PAG-AARAL NG
MASAMANG BISYO BASURA SA
MABUTI
TULAD NG ALAK TAMANG TAPUNAN

WASTONG PAGKAKAROON PAGKAKAROON NG


PAKIKIPAGKAPWA- NG MARAMING MARAMING
TAO KAAWAY KAIBIGAN

HINDI MAGANDANG PAGKAKAROON NG


BUHAY MALINIS AT LIGTAS MATAAS NA MARKA
NA LUGAR
SANHI BUNGA
1.______________________ __________________________
2.______________________ __________________________
3._____________________ __________________________
4.______________________ __________________________
Gawain 4 Isulat ng maayos ang mabubuong pangungusap sa Gawain 3.
1.
2.
3.
4.

Gawain 5 Pagtukoy sa Sanhi at Bunga ng pangyayari.

Panuto: Suriin ang bahaging may guhit sa pangungusap.Isulat kung ito sanhi o bunga

bawat pangungusap.

1. Pagka’t may bisita tayo bukas, maghanda tayo ng espesyal na pansit bihon.

2. Ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral upang makatulong ako sa aking mga magulang balabg -araw

3. Bukas ay mamamasyal tayo at manonood ng sine dahil kaarawan mo.

4. Napakaganda ng hardin ni Lola sapagka’t araw-araw niya itong inaalagaan.

5. Palibhasa’y gutom na gutom si Gabriel, nakalimutan niyang alukin ng pagkain si Carlo.

6. Maaga akong gumising kanina kasi ayaw kong mahuli sa klase.

7. Sumakit ang ulo ko kaya nagpahinga muna ako nang sandali.

8. Hindi ako pwedeng kumain ng hipon pagka’t allergic ako diyan.

9. Masiglang-masigla ang mga bata dahil maglalaro sila sa malaking parke.

10.Dahil malakas ang bagyo at , nakansela ang mga klase sa lahat ng antas pambripado pampublikong
paaralan.

Gawain 6.

Panuto: Sumulat ng pangungusap ano-ano ang maaaring bunga ng mga sumusunod na pangyayari.
Gamitin ang mga parirala sa pangungusap

1. kulang sa tulog

2. hindi nagsisipilyo pagkatapos kumain


3. madalas na pag-eensayo

4. hindi naghuhugas ng kamay bago kumain

5. pagsunod sa mga batas-trapiko

Gawain 7.Pagbibigay hinuha sa maaaring kalalabasan ng mga pangyayari


Panuto : Basahin ang maikling salaysay at ibigay ang palagay sa maaring kalabasan ng kwento. Isulat
lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Si Juan ay __________________.

Malungkot na malungkot si Juan. Wala siyang kinita. Makakagalitan na naman siya ng


kanyang ina. Namahinga sandali si Juan sa ilalim ng malaking puno. Walang anu-ano ay
may tumawag sa kanya. “Juan, kawawa ka naman. Tutulungan ka namin sa iyong
“Huwag kangsabi
problema,” matakot, Juan. Tutulungan
ng duwende sa harapankaniya.
namin,”
Hindipatuloy ng duwende.
nakapagsalita agad si“Paano?”
Juan.
tanong ni Juan. “Heto ang mahiwagang bato. Anumang hihilingin mo rito ay ibibigay sa
iyo,” sabi ng duwende. At nawala ang duwende.
a.

nagalit b. nagulat c. napahiya

2. Ang nasa isip ni Juan ay __________.

a. pagtataka b. pagkatuwa c. pagkabigla

3. Siya ay __________.

Ikiniskis ni Juan sa palad ang bato gaya ng bilin ng duwende at saka humiling si Juan ng
masasarap na pagkain. Nanlaki ang mga mata ni Juan.

. Kinain ni Juan ang masasarap na pagkain. Nang mabusog na siya ay nagdudumali siyang
umuwi ng bahay. Malayo pa ay natanaw na si Juan ng kanyang ina. Nanlisik ang mga mata
ng ina.

a. namangha sa nakita b. nagkaroon ng panlalabo ng paningin c. natakot “Huwag kang matakot,


Juan.

4. Ang ina ni Juan ay __________.

a. tuwang-tuwa b. lungkot na lungkot c. galit na galit

“Huwag po kayong magalit, maydala po akong mahiwagang bato na kapag kiniskis sa palad
at humiling tayo, ito ay ipagkakaloob,” sabi ni Juan, “Heto po ang bato.” “Ako Juan, ay
huwag mong ululin. Panay ka kaululan. Ipukpok mo sa matigas mong ulo ang dala mong
5. Ang ina ni Juan ay __________.

a. paniwalang-paniwala sa kanya b. nais makipagsapalaran sa bato c. walang tiwala sa kanya Minsan


.

Isang araw, nagkasalubong sina Kambing at Aso sa gitna ng isang makitid na tulay. Hindi sila
maaaring dumaan nang magkasabay. Walang isa man sa kanila ang nagpaubaya. Biglang
sinungay ni Kambing si Aso.

6. Sa kanilang paggigitgitan ay _______________.

a. tinulungan sila ng ibang hayop b. tumalon ang kambing c. nahulog ang dalawa sa ilog

7. Ano kaya ang naging huling pasya ni Nestor tungkol sa napulot niyang pera?

Ilang araw pang nag-iipon ng pera si Nestor para makabili ng isang bisikleta. Sa daanan ng
paaralan sa looban nakapulot siya ng isangdaang piso. Kinabukasan, nakiramdam si Nestor
kung may maghahanap ng pera. Hapon na ay wala pa ring naghahanap. Biglang sumagi sa
kanyang isip ang mga Batas Iskawt. Nanlambot si Nestor. Nabuo na niya sa kanyang isip
ang gagawin kinabukasan.

a. Ibigay ito sa kanyang Tatay.

b. Idagdag sa pambili ng bisikleta.

c. Ibigay sa guro upang hanapin ang may-ari.

Pinakahihintay ni Mang Ramon ang araw ng Linggo sapagkat ito ang araw na sama-samang
nagsisimba silang mag-anak. Pagkatapos ay nagpunta sila sa dagat. Kinahapunan ay pagod silang
lahat ngunit masasaya naman.

8.Anong kapakinabang ang maaaring makuha ni Mang Ramon sa kanyang paglilibang kung araw ng
Linggo?

a. Napagod lamang siya.

b. Nakapagpahinga ang kanyang isip at katawan.

c. Hindi na naman siya nakapasok kinabukasan.

Laging may ilaw na nakasindi kung gabi sa panukulan ng daang katapat ng isang malaking
groserya. Nang dumaan ang pulis na bantay sa lugar na kanyang sakop ay patay ang ilaw. Siniyasat
niya at nakita niyang tuklap ang bintana ng isang bahagi ng groserya. Nang sumilip siya sa butas
may nakita siyang gumalaw sa loob ng groserya.
9. Ano kaya ang ginawa ng pulis matapos sumilip sa butas?

a. Isinara niya ang bintana at saka umalis.

b. Umalis siya papalayo sa tindahan ng groserya.

c. Dahan-dahan siyang pumasok upang magsiyasat.

10. Ano kaya ang maaaring nangyari sa loob ng tindahan?

a. Nagkamayan ang pulis at ang nasa loob ng groserya.

b. Naging magkaibigan ang pulis at ang mga magnanakaw.

c. Natuklasan ng pulis kung ano ang gumalaw sa loob ng groserya.

Gawain 8. Paglikha
Mula sa larawan sumulat ng talatang naglalahad ng mga pangyayari alamin ang mga
sanhi at bunga ng suliranin. Buuin ng tatlong talata.

Ang Kahirapan ng Bansa

You might also like