Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

CARYL JILL S.

SALEM Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan


BSE-VE, TED3 Agosto 23, 2020

JOWABLE

Hangad ako ng marami,


At hindi niyo yan matatanggi,
Magagandang katangian aking angkin,
Kaya naman pag ako’y makamtan,
Mapapa sana all ka na lang,
Sino ako?

SANA ALL

Hindi ko alam kung inggit ka,


O baka naman gusto mo lang din talaga,
Kung anong meron sa iba,
Binabanggit mo ako,
Tuwing may gusto kang mapa saiyo,
Sino ako?

PABEBE

Ako ay ikaw tuwing nag-iinarte,


O kaya naman pag gustong magpa-girly,
Madalas naiinis sakin ang mga lalaki,
Lalo na mga kapwa ko babae,
Dahil akala nila ako ay feeling baby,
Sino ako?

JEJEMON

Iniiwasan madalas ng mga tao,


Minsan trip nilang pagtawanan ako,
Bukod raw sa makaluma ako,
Baduy din daw aking pagkatao,
Lalong lalo na ang pananamit ko,
Sino ako?

BATOKSHIL

Ako ang sambit ng mga tao,


Sa tuwing may naamoy na ‘di gusto,
Di ko naman kasalanan ito,
Kung kasalungat ko si mabango,
CARYL JILL S. SALEM Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
BSE-VE, TED3 Agosto 23, 2020

Sino ako?

WERPA

Ako ang kailangan ng mga superhero,


Kung wala ako tiyak sila ay talo,
Malaking tulong din ako sa gobyerno,
Upang kilalanin ka ng mga tao,
Sino ako?

NOMO

Hilig ako ng mga tambay sa kanto,


Lalo na ng mga tatay niyo,
Ako ang dahilan ba’t may lasinggero,
Lakas tama ang dala ko,
Sino ako?

KABOG

Winiwika kapag nasasapawan,


O kapag may pupuriin ka lang,
Maaaring pamalit sa WOW,
At sa gay lingo na SHALA,
Sino ako?

KIBER

Walang akong pakialam sa kanya,


Walang akong pakialam sa iyo,
Madalas sambitin ng madla,
Lalo na kung hindi interesado,
Sino ako?

GORA

Hindi ako si Dora,


Pero hilig kong gumala,
Madalas sabihin ng tropa,
Kapag nagkayayaan na,
Sino ako?
CARYL JILL S. SALEM Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
BSE-VE, TED3 Agosto 23, 2020

LAFANG

Palaging ginagawa,
Lalo na kung fiesta,
Yung iba nga nagbabalot pa,
Feeling siya ang may handa,
Ano ako?

WAPAKELS

Bugtong-bugtong,
Alamin ang sagot dito,
Pero kapag nalaman mo,
Wala akong pakialam sa’yo,
Sino ako?

PABEBE

Di mo alam kung nag-iinarte,


O sadyang bilibid lang ang dila,
Paano ba naman kung magsalita,
Daig pa ang taong naiihe,
Sino siya?

WIS

Wala ako nito,


Wala ka rin nito,
Dahil itong salita,
Ang ibig sabihin ay wala,
Ano ito?

TOM-GUTS

Kumakalam na sikmura,
Katawan na nanghihina,
Punan ng pagkain ang tiyan,
Para di mo ako maramdaman,
Sino ako?
CARYL JILL S. SALEM Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
BSE-VE, TED3 Agosto 23, 2020

YOSI

Ka lebel ko ang alak sa kasamaan,


Pinagbabawal lalo na sa kabataan,
Kung ako iyong susubukan,
Mag-ingat ka at dulot ko’y sakit lamang,
Sino ako?

WALWAL

Gusto ng mga kabataan,


Lalo na kung magdamagan,
Suka doon, suka rito,
Hinay hinay lang huwag abusado,
Sino ako?

MADIR

Alarm clock niyo sa umaga,


Tagaluto at tagahain pa,
Ang bibig ko ay tunog sa giyera,
Kapag inubos mo aking pasensiya,
Sino ako?

GAT

Gusto ko ang babae,


Gusto ko rin ang lalake,
Hindi ako bakla,
Hindi rin ako tomboy,
Sino ako?

You might also like