Human Library Write Up

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

FILIPINO WRITE UP

- Talakayin ang mga layunin ng papel pananaliksik at magbigay ng kaligirang


impromasyon tungkol sa paksang tatalakayin, at transisyon kung paano konektado ang
impormasyon sa mga layunin.
LAYUNIN:
● Nakapagbabahagi ng detalye ng kaligirang kasaysayan ng bansang
pinagmulan kabilang ang may-akda ng napiling teksto
● Naibibigay ang sariling interpretasyon kung bakit ang mga suliranin ay
ipinararanas ng may-akda sa pangunahing tauhan sa mga akdang naipili
● Napapangatuwiranan ang mga dahilan kung bakit mahalagang akdang
pandaigdig na sumasalamin ng isang bansa ang maikling kwento

INFORMATION NEEDED:
- Background information of Nigeria, Africa and the author, Chinua Achebe, at
kaligiran ng maikling kwento. (should be related to the topic of the actual story)
- Bakit mayroong problema na ito at bakit kailangan talakayin at ipaalam sa
pamamagitan ng pagsulat ng isang akda
- Paano nagiging instrumento ang maikling kwento o akda na ito ang
paglalaganap sa daigdig ng mga ideyang ipinapakita ng akda

USEFUL REFERENCES:
http://webs.anokaramsey.edu/stankey/Literat/Papers/Achebe.htm
https://www.sabanciuniv.edu/HaberlerDuyurular/Documents/F_Courses_/2012/Dead_Mens_Pat
h.pdf
https://www.litcharts.com/lit/dead-men-s-path/summary-and-analysis
https://www.purdueglobal.edu/blog/social-behavioral-sciences/what-is-cultural-diversity/
https://red.pucp.edu.pe/ridei/files/2012/11/121116.pdf

AKDANG NAPILI: Dead Men’s Path - Chinua Achebe


Themes or Main Message:
- Panatilihing bukas ang pag-iisip kahit mayroong kaibahan sa kultura at paniniwala.
- Problema: ethnocentrism o ang paniniwala na ang sariling kultura ay nakahihigit pa sa
kultura ng iba
- Pagsusuri at paghahambing sa sinauna at modernong pananaw sa mga bagay.
- CULTURAL DIVERSITY

TAGPUAN: Isang daan at at bakuran ng paaralan

POINT OF VIEW: First Person


PANIMULA
Ang akdang “Dead Men’s Path” na isinulat ni Chinua Achebe ay tumatalakay sa kwento
ni Michael Obi, isang Aprikano, na nabigyan ng pagkakataon upang maging punong-guro ng
isang paaralan na nagkataong nakatayo sa gitna ng isang tinuturing sagradong daan para sa
bayan. Ang landas na ito ay mahalaga para sa mga tao ng Ani dahil sila ay naniniwala na ito ay
nagsisilbing paraan upang makabisita sila sa kanilang mga ninuno at kamag-anak na pumanaw.
Nais ipalaganap ni Obi ang mga makabago at modernong kaisipan, kaya naman ang mga
paniniwalang ito ay hindi niya pinapansin. Gayunpaman, ang daan na ito ay kanyang
hinarangan para palayasin ang mga taong dumadaan dito, ngunit nagalit ang taong bayan dahil
hindi nirerespeto ni Obi ang sagradong daan na ito. Ang kabuoang isip ng “Dead Men’s Path”
ay ang pagkakaroon ng bukas na pag-iisip sa iba’t ibang kultura na mayroon tayo. Bagamat ang
pag-iisip at paniniwala ng mga tao ay naiiba, kailangan panatilihin ang respeto sa isa’t isa
upang magpalaganap ng isang mapayapang mundo.

Si Chinua Achebe ay isang Nigerian manunulat na kilala bilang ama ng modernong


panitikan sa Afrika. Sa lugar na kaniyang pinagmulan na Nigeria ay may mga kultura na
nagpapayabong sa relihiyon at sa pagrerepesto sa mga nakakatanda. Sa katunayan ang
makukuha nating aral sa maikling kwento ay ang kahalagahan ng pagrespeto sa mga
nakakantanda na nagsasalamin sa isang karater na isang matandang pari ng Ani. Makikita din
natin na sa pari ay may matinding pagyakap sa kultura na naging pagpapakilanlan ng isang
lugar o bansa. Sa paraan ng pagsulat ni Chinua ng maikling kwento ay ang naging paraan niya
para maisulong ang kultura na kaniyang kinalakihan. Sa kasaysayan ng maikling kwento ng
Pilipinas, noon pa man bago pa dumating ang mga Kastila, naging paraan ang akda ng maikling
kwento para pahalagahan ng mga Pilipino ang mga kultura at kanilang paniniwala tulad ng
nilalang, lamang-lupa, anito at kababalaghan: kaya ito din ay naging paraan ni Chinua para
maisulong ang kultura ng Nigeria.

Ang layunin ng papel na ito ay maisuri ang akdang “Dead Men’s Path” gamit ang
teoryang humanismo para maipakita ang kahalagahan ng pagiging bukas sa konsepto ng
cultural diversity. Nais din ipaliwanag nito ang mensahe o aral na ihinahatid ng napiling akda.
Ang paglalarawan ng kultura ng pinanggalingang bansa at ang pag-uugnay ng nakitang
suliranin sa mga prinsipyo ng teoryang humanismo ay bibigyan din ng pansin para
maliwanagan ang mga mambabasa tungkol sa paghahambing ng mga luma at modernong
pananaw o paniniwala.

Samakatuwid, ang paksang pinag-iikutan ng akdang ito ay ang suliranin ng


ethnocentrism, o ang konsepto na ang sariling paniniwala ang nakahihigit sa ibang paniniwala
na mayroon ang tao. Ito ay ating maiuugnay sa temang ipinakita ng akda na pagrerespeto ng
kultura at tradisyon ng iba kahit ito ay nakaiiba sa ating pinaninidigang paniniwala. Ang ideyang
inilalahad ng papel na ito ay ang pagbibigay kahalagahan sa kultura ng tao tulad ng naipakita
sa akdang Dead Men’s Path kung saan hindi hinayaan ng mga tao ng Ani na pabayaan at laitin
ang kanilang mga paniniwala.

PAGTATALAKAY
Nakikita natin sa akdang “Dead Men’s Path” ang konsepto ng cultural diversity, o ang
pagkakaroon ng magkakaibang kultura at paniniwala bilang mga taong may iba’t ibang
pinanggalingan. Ang konseptong cultural diversity ay naihahalintulad sa multiculturalism, na
ayon sa Purdue Global University (2012), “Kinikilala at nirerespeto ng multikulturalismo ang
pagkakaroon ng mga pagkakaibang kultura sa isang samahan o lipunan, pinahahalagahan din
nito ang pagkakaiba-iba ng isang kultura.” Sa akda ay ipinapakita na malayang ipinapahayag
ng dalawang magkaibang pananaw ang kanilang saloobin tungkol sa ginawa ni Obi na
pagharang ng sagradong daan. Hindi nila kinikimkim sa kanilang sarili ang kanilang
nararamdaman, ngunit ipinapakita nila ang ipinaglalaban nilang paniniwala. Bagamat may
kalayaan sila para ipahayag ito, nakikita din natin na mayroong kakulangan sa pagrespeto si
Obi tungo sa mga lumang pananaw at tradisyon.

Ang teoryang humanismo ay nagsasaad o nagsasabi na ang sentro ng daigdig at


sukatan ng bagay-bagay ay ang tao, kung kaya’t ang prinsipyo na naipagkaloob sa isang tao
ang kalayaan ng pagpapahayag ng opinyon o saloobin at kalayaan sa pagdedesisyon ay may
kaugnayan sa akda. Makikita natin na ang pagpapahayag ng pari ng kanyang saloobin tungkol
sa pagharang sa sagradong daan ay ginawa niya sa isang magalang at kalmadong paraan, na
kahit magkaiba ang kanyang pananaw kay Obi, ipinaliwanag niya nang mabuti kung bakit
binibigyan nila ng kahalagahan ang daan na nais bakuran ni Obi. Pinakiusapan niya na kung
pumayag si Obi na buksan muli ang daan na ito ay magiging mapayapa muli ang bayan at wala
ng gulo ang mangyayari. Ngunit dahil ang kahilingan na ito ay labag sa regulasyon ng paaralan,
humingi ng tawad si Obi at nagmungkahi na kung maaari ay makagawa na lamang ng bagong
daan para sa kanilang mga ninuno, at kung pumayag man ay tutulong sila sa pagpapagawa
nito. Sa senaryo ng akda, ating masasabi na may pagyakap ito sa kultura ng Nigeria at ito ay
ang pagrespeto sa mga matatanda lalo na sa pakikipag-usap sa kanila. Sa mensahe ng
senaryo ay naging paraan upang maiyabong at mapanatili ang kultura ng Nigeria na
ipinapahiwatig sa mambabasa.

Makikita natin ang prinsipyo ng teoryang humanismo na pagnanais ng tao na sa


kanyang pakikiraan sa daigdig ay may maiiwang bakas upang ang kanyang buhay magkaroon
ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di maikukubling kasaysayan sa akda kahit pa
man mayroong suliranin ukol sa ethnocentrism, kung saan ang magkaibang henerasyon ay
nagkakatalo kung kaninong paniniwala ang dapat panindigan at sundin. Ang problemang ito ay
nadulot lamang ng kanilang kagustuhan para ipahayag sa mundo ang magagandang
kontribusyon ng kanilang mga pinaniniwalaan. May mga pagkakataon lang na hindi maiiwasan
kung saan hindi nagkakasundo ang mga tao, ngunit mayroon namang magandang dulot o
pananaw ang makikita ng isang mambabasa ukol dito na pinapanindigan at ipinaglalaban ng
mga karakter dahil ipinapakita ng akda na ang pagrerespeto sa iba’t ibang kultura ay mahalaga
upang makabuo ng isang mapayapang komunidad. Sa kagustuhan man ng mga tao na
pagandahin ang mundo sa pamamagitan ng kanilang kultura, hindi nararapat na gawing dahilan
ito para hindi respetuhin ang paniniwala ng iba. Ayon kay Belfield (2012), “Ang pagkakaiba ng
kultura ay tumutulong saatin upang kilalanin at respetuhin ang iba’t ibang paraan at paniniwala
na kinasanayan ng isang tao, ito ay upang sa pagsasalumha natin sa ibang kultura
magkakaroon tayo ng koneksyon upang makabuo ng tiwala, respeto at paguunawa isa iba’t
ibang kultura.” Batay sa mga pangyayari ng akda, ang kahalagahan ng pagbibigay ng
pagkakataon sa tao para ipahayag ang kanilang saloobin ay nagsisilbing paraan para makilala
at malaman ang iba’t ibang kaisipan ng mga tao para matuto sa mga pagkakaiba ng paniniwala.

Binibigyan din ng pansin ang prinsipyo ng teoryang humanismo kung saan mahalaga
ang mga positibo at magagandang damdaming taglay ng isang tao. Sinasalamin nito ang
kalakasan ng mga karakter sa kanilang iba’t ibang paniniwala na kanilang kinalakihan. Ito ay
nagpapakita ng inspirasyon para lalong ipayabong ang pagmamahal at paglalaban sa sarili
kultura na pinapaniwalaan. Ang isang halimbawa dito ay isa sa mga karakter sa akda na si Obi.
Si Obi ay may positibong taglay na pagmamahal sa pamilya at dedikasyon sa trabaho na
kaniyang ginagalawan. Ito ang naging kaniyang paraan upang magdesisyon sa pagkaroon ng
maganda o pambihirang pagsasagawa sa kaniyang propesyon. Ang isa sa naging basehan niya
ng paggawa ng desisyon ay ang pag-ukol sa kasalukuyan na panahon na kaniyang
ginagalawan, ito ay upang madaling makaangkop sa magaaral. Dahil sa mga desisyon na
kaniyang pinapasya, ang kinahuhugutan niya ng paraan upang maging malakas at matibay sa
pagtatrabaho ay ang bigyan ang kaniyang asawa ng kaligayahan pati na rin sa kaniyang
magaaral kung kaya’t ito ang naging positibong taglay ni Obi upang maging isang magaling na
guro.

PAGLALAGOM

Tunay na ang akdang “Dead Men’s Path” ay nakasentro sa kaisipan na magpalaganap


ng pagkakaroon ng bukas na pag-iisip para sa pagkakaibang paniniwala, kultura, o tradisyon na
mayroon tayo bilang mga tao. Dahil ang mga tao ay mayroong iba’t ibang karanasan at
pinanggalingan sa buhay, naipapakita ng akda ang pagiging matatag para ipaglaban ang
kultura at sariling pagkakakilanlan sa mga taong hindi nirerespeto ito. Ang kalayaan upang
maipahayag ang sariling mga saloobin at opinyon ay binibigyang-pansin din ng akda, sapagkat
lahat ng tao ay may karapatan para malayang makapagsalita tungkol sa kanilang
nararamdaman. Ito ay ipinakita sa istorya kung saan si Obi at ang pari ng Ani ay nagkaroon ng
isang magalang na usapan tungkol sa sitwasyong hinaharap pagkatapos na laitin ni Obi ang
mga paniniwalang mayroon ang mga tao tungkol sa sagradong daan. Gayunpaman,
pinagtitibay din ng akda ang kahalagahan ng pag-unawa sa mga tao na mayroong
magkakaibang pananaw tungkol sa isang bagay dahil ang ating pag-iisip ay naiiba din. Ang
isang importanteng mensahe na nais ipahiwatig din nito ay ang pagtanggap natin sa isa’t isa,
hindi dapat iniisip ng tao na sila ay nakahihigit sa iba, ngunit kailangang makipagtulungan para
makamit ang mga layunin ng tao sa buhay. Sa lahat na mga values na nabanggit dito, lahat sila
ay may kaugnayan patungo sa kaisipan ng teoryang humanismo dahil ang mga paniniwala,
pagkikilos, at pakikitungo ng tao sa kanilang komunidad at kasamahan ay binibigyan ng
kahalagahan. Kahit pa man nagkakaroon ng pagkakaiba o problema ang mga tao, ang mga
positibong taglay, intensyon, at values nila ang nagsisilbing inspirasyon para maging mapayapa
ang pakikisama nilang lahat sa mundo.
Ang paglalarawan ng teksto sa kondisyon ng mga tao ay makatotohanan lalo na sa
pananaw ng mambabasa. Ang mga salita o pangungusap na kumukumpleto sa isang akda ay
isang mahalagang parte ng kwento na pwede iugnay sa tunay na pangyayari na nararanasan
ng isang indibidwal. Ang isa sa mga aral na makukuha sa akda na magiging halimbawa natin ay
ang pagmamahal sa kultura na kinalakihan. Ito ay nagsilbing makatotohanan dahil ang mga
kulturang ito ang naging dahilan at paraan para sa ating pagkakakilanlan kung kaya’t sa mga
sitwasyon na madalas na kinakaharap ng iba’t ibang bansa nagkakaroon ng walang pagrespeto
at nakakalimutan na ng mga henerasyon ngayon ang importansya at kahalagahan ng kultura na
maihahambing natin sa akda. Si Obi ang nagsisilbing mga taong na nasa makabagong
henerasyon na may katangian na hindi nagpapahalagahan sa kinalikahan nilang kultura habang
ang mga residente naman ng Ani ang nagsasalamin sa mga tao na pinaglaban at minahal ang
kultura na kanilang kinalakihan, madalas ang mga sumasalamin dito ay ang mga matatanda.
Kung kayat ang mga pangyayari sa akda ay masasabi natin na nangyayari din sa kasalukuyan
na panahon dahil din sa makabagong teknolohiya na masasabing isang hadlang kung bakit
nalilimutan natin ang kultura na dapat respetuhin ng isang tao, kung kaya’t ang kanilang naging
pokus ay ang teknolohiya dahil nagiging libangan ito nagiging prayoridad ng isang tao.

Ang kahalagahan ng akdang ito sa daigdig ay ang paglilinaw sa mga tao o mambabasa
ng iba’t ibang bansa na walang masama sa pagkakaroon ng magkakaibang paniniwala. Ito ay
nagsisilbing pagkakataon para maliwanagan ang ibang tao tungkol sa mga kultura na hindi nila
nasasaksihan sa kanilang araw-araw na pamumuhay, dahil ang akdang ito ay sumasalamin sa
kultura ng Nigeria. Nagsisilbing paraan ang akdang ito upang ipahayag sa mga tao ang
kahalagahan ng pagtanggap sa mga kakaibang paniniwala na mayroon ang mga tao sa ibang
panig ng mundo. Dahil ito ay isang maikling kwento, sa isang upuan lamang ay maihahatid ang
aral nito sa mga mambabasa at maimumulat ang kanilang mata sa katotohanan ng mundo
bilang isang culturally diverse na lipunan. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga kulturang
ito, ang iba’t ibang tao sa ating lipunan ay nabibigyan ng pagkakataon na matuto sa isa’t isa at
magkasundo. Ayon sa Erasmus (2016), “ang natutunan natin sa ibang kultura ay tumutulong
satin upang maunawaan ang pagkakaiba ng mga pananaw sa mundong ating ginagalawan.”
Ang “Dead Men’s Path” ay isang pagmumulat na ang mga moderno at lumang pananaw na
mayroon ang tao ay hindi dapat nagiging hadlang para tayo ay magkaisa, ngunit dapat ito ay
maging dahilan para mas lalong maintindihan ang sarili at ang ibang tao. Ang kahalagahan din
ng akda nito para sa sarili ay ang pagdagdag ng kaalaman tungkol sa kakaibang kultura na
mayroon ang Nigeria, at para magkaroon ng kamalayan hindi lamang sa sariling paniniwala,
kundi sa iba din. Ang pagbibigay pansin dito ay makatutulong para tayo ay lumaking mga
indibidwal na may galang sa iba para mapalaganap ang pagkakaroon ng kultura ng
kapayapaan sa mundong ating pinaglilingkuran.

SANGGUNIAN:

Why is Cultural Diversity important? (2020, January 30). Retrieved from


https://www.partnershipinternational.ie/why-is-cultural-diversity-important/

Belfield, L. D. (2012, December 18). Cultural diversity in the United States. Retrieved from
https://www.purdueglobal.edu/blog/social-behavioral-sciences/what-is-cultural-diversity/

You might also like