ARALIN 1 - Ang Pamilya - Huwaran NG Pagkatao at Pagpapahalaga

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Learning Plan
Mrs. Arminda A. Villamin
PAMAMTAYANG PANGNILALAMAN(Content Standard)

 Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sapamilya bilang natural na institusyon ng lipunan.


 Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa misyon ng pamilya sa pagbibigay ng edukasyon,
paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.
 Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng komunikasyon sa pamilya.
 Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa papel ng pamilya sa pamayanan.
PAMAMTAYAN SA PAGGANAP (Performanace Standard)

 Naisasagawa ng magaaral ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at


pagtutulungan sa sariling pamilya.
 Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral at
pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya
 Naisasagawa ng magaaral ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad ng
komunikasyon sa pamilya
 Naisasagawa ng magaaral ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampulitikal na papel ng
pamilya.
MGA KASANAYANG PAGKATUTO(Most Essential Learning Competencies)

 Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan


na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa. EsP8PBIb-1.3
 Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa
sariling pamilya. EsP8PBIb-1.4
 Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa
sariling pamilya. EsP8PBIb-1.4
a. Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagbibigay ng
edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya. EsP8PBIc-2.1
b. Nasusuri ang mga banta sa pamilyang Pilipino sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa
pagpapasya at paghubog ng pananampalataya. EsP8PBIc-2.2
 Naipaliliwanag na:
a. Bukod sa paglalang, may pananagutan ang mga magulang na bigyan ng maayos na edukasyon
ang kanilang mga anak, gabayan sa pagpapasya at hubugin sa pananampalataya. EsP8PBId-2.3
b. Ang karapatan at tungkulin ng mga magulang na magbigay ng edukasyon ang bukod-tangi at
pinakamahalagang gampanin ng mga magulang. EsP8PBId-2.3
c. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral at
pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya. EsP8PBId-2.4
 Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o pamilyang nakasama, naobserbahan o
napanood na nagpapatunay ng pagkakaroon o kawalan ng bukas na komunikasyon. EsP8PBIe-3.1
 Nabibigyang-puna ang uri ng komunikasyon na umiiralsa isang pamilyang nakasama, naobserbahan o
napanood. EsP8PBIe-3.2
 Nahihinuha na:
a. Ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay nagbibigay-daan sa
mabuting ugnayan ng pamilya sa kapwa. EsP8PBIf-3.3
b. Ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, di-pasalita at virtual na uri ng komunikasyon
ay nakapagpapaunlad ng pakikipagkapwa. EsP8PBIf-3.3
c. Ang pag-unawa sa limang antas ng komunikasyon ay makatutulong sa angkop at maayos na
pakikipagugnayan sa kapwa.. EsP8PBIf-3.3
 Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad ng komunikasyon sa
pamilya. EsP8PBIf-3.4
 Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay
o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na
pampulitikal). EsP8PBIg-4.1
 Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at pampulitikal na papel
nito. EsP8PBIg-4.2
 Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa
pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga
batas at institusyong panlipunan (papel na pampolitikal) EsP8PBIh-4.3
 Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampulitikal na papel ng pamilya. EsP8PBIh-4

MAHALAGANG KONSEPTO
Mauunawaan ng mga mag-aaral na:

 Ang pamilya ay likas na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan,at pananampalataya na


nagpapaunlad ng pagkatao at mga pagpapahalaga.
 Ang pamilya ang unang paaralan ng pakikipagkapuwa.
 Ang bukas at mabisang komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay nagbibigay daan sa
mabuting ugnayan ng pamilya at pakikitungo sa kapuwa.
 Gampanin ng pamilya ang makibahagi sa pagpapaunlad ng pamayanan.
 Ang gawaing bahay ay pananagutan ng bawat miyembro ng pamilya, babae man o lalaki.
 Maraming pagbabagong may kaakibat na suliranin at hamon sa katatagan ng pamilya.
MAHALAGANG TANONG

 Ano-ano ang patunay na ang pamilya ay likas na institusyon sa pagpapa-unlad ng pagkatao at ng mga
pagpapahalaga tulad ng pagtutulungan, pagmamahalan, at sa pagsasabuhay ng pananampalataya?
 Paano nahuhubog ng pamilya ang mga pagpapahalagang kailangan sa mabuting pakikipagkapuwa?
Bakit mahalahaga ang pakikipagkapuwa ng pamilya?
 Bakit mahalaga ang bukas at mabisang kominikasyon sa pamilya at sa pakikipagkapuwa?
 Bakit mahalagang makibahagi ang pamilya sa pagpapaunlad ng pamayanan?
 Ano ang kahalagahan ng pagtutulungan ng babae at lalaki sa gawaing bahay at sa maayos at
mapanatag na ugnayan ng pamilya?
 Paano mapangangalagaan ang katatagan ng pamilyang Pilipino sa mga hindi mabuting impluwensyang
dulot ng mga pagbabago sa kasalukuyang panahon?

INAASAHANG PAGKATUTO
 Pagpapakita ng mga patunay na ang pamilya ay likas na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan,
at pananampalataya.
 Pagsasagawa ng mga gawaing makapagpapatatag sa pamilya na natutuhan sa paaralan o pamayanan.
 Pagbuo at pagsasagawa ng mga paraan sa pagpapaunlad ng komunikasyon para sa mabuting
pakikitungo sa pamilya at kapuwa.
 Pagsasagawa bilang kasapi ng sariling pamilya ng mga mabuting gawain o sa paaralan o pamayanan.
 Mga patunay ng pagsasakatuparan sa mga inilistang gustong matutuhang gawin sa loob at labas ng
bahay.
 Mga patunay sa pagsasakatuparan ng mga hakbang para sa pagharap ng mga hamon sa katatagan ng
sariling pamilya at ng pamilyang Pilipino.

I. Katatagan ng Pamilya at Kapuwa


Paksa:
Aralin 1 : Ang Pamilya: Huwaran ng Pagkatao at Pagpapahalaga
Pamamaraan:
o Online Class- Aktibong talakayan
o Pagsasalaysay o paglalahad
o Pagguhit
o Movie/Video Clip Review
o Paggawa ng liham
o Pagsusulat ng reflective Journal

Sanggunian:
Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8
By: Twila G. Punzalan
Camila C. Gonzales
Myra Villa D. Nicolas
Nonita C. Marte
Pahina: 3-16

Bilang ng Araw: 4 na araw (Week1)

II. Kasanayang Pagkatuto


o Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may
positibong impluwensya sa sarili.
o Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa isang
pamilyang nakasama, naobserbahan o napanuod.
o Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at
pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang
pakikipagkapuwa.
o Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling pamilya.
III. Inaasahang Pagkatuto
o Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa na ang pamilya ay likas na institusyon ng
pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya.

IV. Plano ng Pagtuturo-Pagkatuto


o Online class
o Greetings
o Prayers
o Attendance

A. Pagtuklas
o Panuorin ang video at magbigay ng saloobin ayon sa napanuod.
o Gamitin ang pagkamalikhain sa pagsasalarawan tungkol sa pamilya.
1. Paano mo maisasalarawan ang isang pamilya?
2. Ano ang kahulugan o kabuluhan ng pamilya para sa iyo?

B. Paglinang
o Magbigay ng saloobin o pananaw sa poster o larawan na nasa likod ng sasakyan o kotse

o Sagutan ang libro sa pahina 4, gawain A at pahina 7.


C. Pagpapalalim
o Pagpapalaim o pagtalakay sa mga sumusunod:
1. Kahulugan ng Pamilya
2. Ang Pamilya ay Likas na Institusyon
3. Ang Pamilya Bilang Huwaran ng Pagpapahalaga
4. Impluwensya ng Pamilya sa Pagkatao
D. Pagpapataya
o Ipahayag ang iyong pang-unawa sa konsepto sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tinukoy sa ibaba:
1. Bakit likas na institusyon ng lipunan ang pamilya?
2. Ano-ano ang mga epekto ng pamilya sa ating pagkatao at sa ating
pagpapahalaga?
3. Ano ang kahulugan ng pamilya?

E. Paglilipat
o Gawan ng misyon ang inyong pamilya. Sagutan ang pahina 19.

Ang Misyon ng Aming Pamilya ay…………………………

You might also like