Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kilalanin ang Tunay na Bayan ng Diyos

John Andrei Luis Avaceda Hehe, hindi mo naman kailangang tumalon AGAD sa historical records, dahil ang tanong mo
naman ay sinasagot rin ng BIBLE. Ang HISTORICAL at ARCHAEOLOGICAL records ay magsisilbing taga-validate kung TAMA
ang sinasabi ng BIBLE. Kunin nating halimbawa ang tanong mo: "Nasaan na "ngayong panahon natin" ang TUNAY NA
IGLESIA na itinatag ni Cristo?"

Humula si propeta Daniel: "Sa panahon ng kawakasan, sasagana ang TUNAY NA KAALAMAN." (Daniel 12:4)

Kaya hindi problema kung pinasok man ng HUWAD NA MGA TAGAPAGTURO ang Genuine Church na itinatag ni Kristo,
dahil babalik ito sa mga HULING ARAW, dahil hindi naman ito tuluyang pinabayaan ng Founder nito (Mat. 28:20).

Sa talinghaga ng Mateo 13:24-30, magkakaroon talaga ng panahon kung saan parang walang natira sa ORIGINAL
CHURCH, pero kapag dumating na ang "panahon ng pasisiwalat ng kaluwalhatian ng Kristo" (1 Ped. 4:13), malinaw mong
makikita ang pagkakaiba ng TUNAY NA TRIGO at PANIRANG DAMO.   At hindi mahirap iyang makita sa modern times,
dahil nag-iwan ng palatandaan si JESUS at ang BIBLE kung ano ang IDENTITY ng TRUE CHURCH, based sa itinatag ni Kristo
noong 1st Century.

1) Nangangaral ng MABUTING BALITA sa BUONG LUPA. (Mat. 24:14; 28:19-20; Lucas 8:1; Gawa 20:20; 28:23)

2) May pag-ibig sa isat-'t-isa. (Juan 13:35)

3) Bibliya ang saligan ng kanilang TURO. (Juan 17:17; 2 Tim. 3:16-17; 1 Tes. 2:13)

4) Sumasamba sa TUNAY na DIYOS. SI JEHOVA. (Awit 83:18; Mateo 4:10; Deu. 10:12, 13, 20; Luc. 10:27; Juan 17:3)

5) Nananampalataya sa haing pantubos ni KRISTO bilang paraan ng DIyos sa Kaligtasan. (Juan 3:16; Gawa 4:12)

6) Hindi bahagi ng Sanlibutan ni Satanas. (Juan 17:14, 16; 18:36)

7) Magmumula sa lahat ng bansa, bayan at wika, na tinatawag sa Pangalan ng Diyos. (Gawa 15:14-18; Dan. 9:19; 2 Cron.
7:14)

8) Sila ay magiging katulad ng bayan ng Diyos noong una. (Jer. 30:20; Isa. 43:10-12; Gaw. 1:8; Hebreo kab. 11-12:1)

9) Ang Lugar sambahan nila ay dapat nagtataglay ng Pangalan ng DIYOS. (2 Cron. 7:16; 1 Ha. 9:1-3)

10) Si KRISTO ang kanilang Lider. (Mat. 16:18; Efe. 5:23; 1 Cor. 11:3)

11) Sa kanilang BUNGA ay makikilala mo sila: Mabuting paggawi at moralidad na makikita mo sa mga miyembro in
general. (Mat. 7:16; Efe. 5:3-4; Sant. 1:27)

Ano sa palagay mo igan? ILAN kaya ang nakuha ng CHURCH mo jan?   Ikaw ang magpapasiya. (Galacia 6:5)

Thank you & God bless ❤️

You might also like