Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Cezlene Marie S.

Badiango
ABM 12-Pro
FIL121

1 ng Agosto, 2018
Hon. Rodrigo Duterte
Pangulo, Bansang Pilipinas
Malacañan Palace, JP Laurel Street, San Miguel, Manila
Ateneo de Zamboanga University, Zamboanga City

Ang ating batas ang siyang nagtatatag ng kaligtasan sa ating bansa. Ito ang nagsisilbing
susi sa kapayapaan ng mga mamamayang Pilipino. Ngunit paano kung ito ang magsisilbing
kapahamakan sa ating kapwang Pilipino dahil sa mga tulisan na nagkokontrol mismo ng ating
batas? Hahayaan na lang ba natin ito? Tayo’y mananahimik na lang ba?

Nagiging viral na ngayon ang ”Give Up Tomorrow documentary” na naglalaman ng


kwento ni Paco Larranaga noong siya ay inakusahan ng kasong Rape at Murder sa magkapatid
na Chiong. Ang kaso ng magkapatid na Chiong ay naging usap-usapan noong taong 1997 sa
lungsod Cebu. Ito ay tinawag bilang ”Trial or Case of the Century” kung kaya’t ang mga pulis ng
lungsod ay nagmadali sa paghahanap ng mga suspeks ng kasong ito.

Bawat tao ay may opinion sa kasong ito, bawat tao ay sumusubaybay kung paano ang
progreso ng kasong ito, at bawat tao ay may posisyon sa usaping ito. Ako ay naniniwala na si
Paco Larranaga at ang anim pang inaakusahang suspeks sa kasong ito ay inosente sapagka’t sa
progreso ng kasong ito ang pangkat ng Chiong ay nagkaroon ng pagkakasalungatan ng
ebidensya. Ang isang imbestigador ay naglatag pa ng ibang posibleng suspeks sa krimen na
naganap at ito ang mismong amo ng ama ng magkapatid ng Chiong dahil sa pinaghihinalaang
bilang drug lord ito, ngunit hindi siya pinakinggan ng mga ibang kasamahan at ibinasura ang
kanyang ebidensya. Ang mismong pinaka-inaakusahang suspek na si Paco Larranaga ay malaki
ang pagkakataon na maging inosenste sa kanyang ebidensya na siya ay nasa Manila noong
nangyari ang krimen sa Cebu ngunit ito ay pinagwalang bahala lamang at idiniin pa rin ang
krimeng hindi niya ginawa. Ang mga taong nasa likod ng kasong ito katulad na lamang ng
Judge, Prosecutor, at pulis na nagframe-up kay Paco ay na-promote sa kanilang mga trabaho. Isa
pa ang kataka-takang pangyayari ditto ang pagbibigay ng pera at birthday cake ng ina ng
magkapatid na Chiong sa nagsurrender sa mga pulis bilang parte ng mga gumawa ng krimen,
dahil bilang ina kahit isa siya sa naging susi upang umusad ang kaso dapat ay mas
nakakaramdam pa rin ng galit sa bawat isa sa gumawa nito. Sa mga ebidensya na mayroon ang
pamilyang Chiong laban sa mga inakusahang suspeks ako ay naniniwala na mas malakas pa ang
mga ebidensya nila na sila ay inosente kaysa sa pinapalabas ng pamilya.

Sa paglabas ng documentary video na ito ay maipagtatanto naming mga kabataan kung


gaano karaming katiwaliang nagaganap mismo sa ating batas. Nakakalungkot isipin kung gaano
tayo naloloko mismo ang mga taong nakaupo sa pwesto at mayroon kapangyarihan upang
baguhin at tulungan ang ating bansa. Pangulong Duterte, kami ay nanawagan hindi lang bilang
isang mag-aaral, ngunit bilang isang mamamayang Pilipino na tulungan ang mga inakusahang
suspeks ng krimen at palayain kung kaya’t ito ang isa sa mga paraang ng pagbabago ng Pilipinas
at pag-uunlad ng mga mamamayang Pilipino.

You might also like