Professional Documents
Culture Documents
HO PAGSULAT SA PILIPINO SA PILINGLARANGAN Hand Outs
HO PAGSULAT SA PILIPINO SA PILINGLARANGAN Hand Outs
Filipino 11
Isa sa pinakamahahalagang output ng sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol sa akademikong pagsulat.
Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging
batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.
Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang
mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang
impormasyon sa halip na manlibang lamang.
Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mahigpit na
tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na
inihahanay ang mga pangungusap, talata, at seksiyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at
paliwanag ng mga ito. Ang karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin ay may simula na karaniwang
nilalaman ng introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na nilalaman ng resolusyon,
kongklusyon, at rekomendasyon. lian sa mga halimbawa ng akademikong teksto ang abstrak, bionote, talumpati,
panukalang proyekto, repiektibong sanaysay, sintesis, lakbay-sanaysay, synopsis, at iba pa.
Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal (Arrogante et al.
2007). Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng
mahahalagang datos, mag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa
orihinalidad ng gawa, at may inobasyon at kakayahang gumawa ng sintesis. Sa pagsulat ng sulating pang-
akademiko, gumagamit ng piling-piling salita at isinasaalang-alang ang target na mambabasa. Mahigpit din sa
paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita dahil ang mga sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay ng
kaalaman.
1. Pormal
Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita.
Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng isang pag-aaral.
2. Obhetibo
Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at
pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang impormasyong gustong ibigay at ang
argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa (Alejo et al 2005).
3. May Paninindigan
Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o
mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan, ipinalillwanag at binibigyang-katwiran ang
mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral. Mahalaga rin ang paninindigan dahil ang
mismong daloy ng mga pangungusap, pangangatwiran, at layunin ay depende sa isinasaad ng paninindigan ng
manunulat.
4. May Pananagutan
Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon. Ang
pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang kasalanang may takdang
kaparusahan sa ilalim ng ating batas.
5. May Kalinawan
Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat na maging
malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sistematiko.
Layunin sa Pagsasanay sa Akademikong Pagsulat
2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba't ibang uri ng teksto na magagamit sa mga
gawain ng akademikong pagsulat.
Ang mag-aaral ay nararapat na nagtataglay ng tatlong antas ng pag-unawa sa pagbasa. Una, ang pagkakaroon ng
literal na pagpapakahulugan kung saan ang mambabasa ay nakauunawa ng mga salita ng wikang ginamit.
Pangalawa, pagbasa nang may pag-unawa. Ang mag-aaral ay nakapagbibigay ng pagpapakahulugan gamit ang
paghihinuha at komprehensiyon sa ipinapahayag na mensahe ng awtor. Pangatlo, pagbasa nang may aplikasyon.
Matapos ang pagbasa, dapat ay naisasagawa sa isang pagkilos.ang mensahe ng teksto na maaaring pasulat o
pag-uulat.
3. Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda kasabay rin ang pag-
unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.
Ang mag-aaral ay inaasahang marunong magsuri ng ibang akda na makatutulong sa kanyang pag-aaral—kritikal
sa pag-iisip, obhetibo sa pagtalakay sa paksa, organisado ang mga ideya at kaisipan, nakatutukoy ng sanhi at
bunga, nakapaghahambing, nakabubuo ng konsepto, at nakalulutas ng suliranin para sa ikabubuti ng kanyang
sulatin.
4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na paksa ng mga naisagawang pag-aaral.
Ang pamanahong papel ay output ng mga mag-aaral bilang pagtupad sa pangangailangan ng kanilang kurso.
Bilang isang kritikal at mapanuring mag-aaral, kailangang makapagsagawa ng pagsusuri sa mga naisagawa nang
pag-aaral upang maging batayan ang mga ito sa pagbuo ng sariling konsepto na magiging daan sa pagpapalawak
ng pagsasanay at pagbuo ng sariling papel pananaliksik.
5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba't ibang anyo ng akademikong sulatin.
Inaasahang mapahuhusay pa ang kasanayan ng mag-aaral upang makasusulat ng iba’t ibang sulatin sa larangan
ng akademikong pagsulat.
6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo ng mag-aaral sa
pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.
Mahalagang katangian na dapat ding taglayin ng mag-aaral sa pagsulat ang pagkakaroon ng mataas na pagkilala
sa edukasyon bilang isang paraan ng pagpapabuti sa kondisyon ng tao at lipunan. Sa ganito, lalabas at malilinang
ang pagiging inobatibo ng mag-aaral sa kanyang pagsulat tulad ng pagiging malikhain para sa kanyang
mambabasa.
Ang portfolio ay kalipunan ng mga sulating naisulat para sa pangangailangan ng kursong Akademikong Pagsulat.
Ang kalagayan, ayos, at dating nito ay sumasalamin sa pagpapahalaga ng mag-aaral sa kanyang sarili.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.