Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kwarter 1-Modyul 1
(Linggo1.1)
Ang Pamilya Bilang Natural na
Institusyon
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Unang Markahan- Modyul 1: Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-ari (sipi) sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang – aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa orihinal na may akda ng mga ito.

Walang anomang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad

Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Celna T. Dumdum

Editor: Jenith D. Canada
Tagasuri: Gloria E. Fontelar
Tagaguhit: Rizka Viktoria E. Fontelar
Tagalapat: Cynthia M. Bandol
I.PANIMULA

Ang paksa tungkol sa pamilya ay isa marahil sa kagiliw-giliw na paksang pinag-

uusapan. May malaking puwang sa ating isip at puso ang ating pamilya. May mga gawain o
karanasan na ipinamamalas sila sa atin na maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng ating
sarili tungo sa pakikipagkapuwa. Sa modyul na ito, maipamamalas mo ang mahahalagang
aral na natutunan mo sa iyong pamilya na makatutulong sa iyong pag-unlad bilang isang
mabuting tao.

II. LAYUNIN

Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may
positibong impluwensiya sa sarili.

III. PAUNANG PAGTATAYA/PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Bago mo simulan ang mga gawain sa modyul, sagutin ang sumusunod na panimulang
pagsubok o pagtataya.

Basahing mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang ______ ay ang una at pinakamahalagang institusyon ng lipunan.
a. Simbahan
b. Paaralan
c. Lipunan
d. Pamilya

2. Ito ang tawag sa pagmamahal na namamagitan sa mag-asawa na

nakapagbibigay buhay sa pangangalaga sa kanilang mga anak.
a. Unconditional Love
b. Conjugal Love
c. Paternal Love
d. Radical Love

3. Ang masaya at maayos na pamilya ay hindi ligtas sa mga sigalot o suliranin.

Nakararanas din sila ng mga ito., ang kaibahan lamang ay:
a. Tinatalakay ito nang harapan at nang walang may nasasaktang damdamin
b. Hinahayaan na lamang nila itong lumipas
c. Tinatawanan lamang nila ang suliranin
d. Hindi nila ito pinag-uusapan

1
4. Tinatawag na unang guro ng mga anak ang magulang sapagkat:
a. Sa kanila unang natutuhan ng bata ang mga kasanayan at pagpapahalaga
b. Ang ipinakikitang halimbawa ng magulang ang siyang ginagaya ng mga anak
c. Sila ang unang nagturong bumasa at bumilang
d. Sila ang nagtuturo ng tamang pagkilos sa mga anak

5. Ang tinatawag na quality time ay pagbibigay sa anak ng :

a. Pagpapadama ng pagmamahal at pag-aaruga sa anak tuwina
b. Pagbabasa ng mga kuwento at pakikipaglaro sa anak
c. Hindi pagtatrabaho upang makapiling ang anak
d. Lahat ng oras sa maghapon

IV. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN, PAG-UNAWA

Gawain 1 :

Gaano mo kakilala ang iyong pamilya? Sundin ang bilang ng panuto na nasa loob ng
sapot ng gagamba upang maisalarawan mo ang iyong pamilya.

Panuto:

1. Isulat ang mga pangalan ng miyembro ng pamilya.

2. Sa tapat ng bawat pangalan, isulat ang relasyon mo sa kanya.
3. Isulat ang naging impluwensiya niya sa iyo.

Siya ang nagturo

sa akin sa
kahalagahan ng
sikap at tiyaga

Ama
Juan

AKO

Sagutin ang mga tanong:

1. Mahalaga ba ang naging impluwensiya ng taong isinulat mo sa paghubog ng

iyong pagkatao? Bakit?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

2
2. Sino sa kanila ang may pinakamalakas na impluwensiya sa iyo? Bakit?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

3. Ano-anong mga katangian nila ang maaari mong kapulutan ng aral o may
positibong impluwensiya sa iyong sarili?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Gawain 2: Ako ay Ako sa Aking Pamilya

1. Isa-isahin mo ang iyong mga karanasan sa pamilya na iyong kinapulutan ng aral o

nagkaroon ng positibong impluwensiya sa iyong sarili.
a. _______________________________________________________________
b. _______________________________________________________________
c. _______________________________________________________________
d. _______________________________________________________________

2. Suriin mo rin kung paano ka inihanda o inihahanda ng iyong pamilya sa mas

malaking mundo ng pakikipagkapuwa. Isa-isahin ang lahat ng mahahalagang
reyalisasyon mo tungkol dito.
a. ________________________________________________________________
b. ________________________________________________________________
c. ________________________________________________________________
d. ________________________________________________________________

3. Bakit mahalagang maglaan ng panahon upang suriin ang ugnayan mo sa iyong

pamilya? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________

4. Ano ang mahalagang reyalisasyon na iyong nakuha mula sa gawaing ito?

3
V. PAGPAPALALIM

Ang Pamilya Bilang Likas na Institusyon

Ang pamilya ay itinuturing na pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa

pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-
iimbot, puro, at romantikong pagmamahal na kapuwa nangakong magsasama hanggang sa
wakas ng kanilang buhay, magtulungan sa pag-aruga at pagtataguyod ng edukasyon ng
kanilang mga magiging anak. ( Pierangelo Alejo 2004).

Ito ay pamayanan ng mga tao (community of persons) na kung saan ang maayos na
paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan ng bawat isa. Nabuo ang
pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang magpakasal at
magsama ng habang buhay. Ito rin ang pagtugon nila sa tawag ng Diyos na magmahal at
magpakatatag sa kanilang pagmamahalan bilang isang pamilya. Ang pagmamahal na
namamagitan sa mag-asawa (conjugal love) ay nakapagbibigay buhay dahil nakatakda ito
sa pagkakaroon ng anak.

Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahalan. Binibigyang halaga ang

bawat kasapi nito dahil sa ugnayang dugo na siyang likas na dahilan kung bakit itinuturing
ang kapamilya bilang parang sarili (another self) na may dignidad at may karapatang
mahalin dahil sa pagiging tao at hindi sa kung anong mayroon siya. Dito rin ipinararanas sa
iyo kung paano mahalin upang ganap mong matutuhan kung paano ang magmahal. Ito ang
kauna-unahang lugar kung saan natutunan mo ang tunay na kahulugan mo bilang tao –
isang tao na hindi lamang sariling kapakanan ang binibigyang halaga bagkus ay handang
mag-alay ng sarili sa kapuwa.

May mahalagang misyon din ang pamilya sa kanyang mga miyembro. Ang mga ito
ay ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasya, at paghubog ng
pananampalataya. Ang pagiging mabuting halimbawa ng mga magulang ang magsisilbing
gabay ng mga anak sa kanilang pamumuhay sa hinaharap. Ang ihanda ang mga anak sa
buhay panlipunan ay isang regalong hindi kalianman matutumbasan ng anumang halaga.
Hindi ito mauubos at hindi mananakaw ninuman.

Samantala hindi nilikha ang pamilya para sa kapakanan lamang ng mga miyembro
nito. Mayroon din itong tungkuling panlipunan at pampolitikal. Isa na rito ang iba’t ibang
paraan ng pagiging bukas ng tahanan sa kapwa (hospitality) at pagbabantay sa mga batas
at institusyong panlipunan.

Mga Tanong:

1. Maliban sa inilarawang kahulugan ng pamilya sa teksto, mayroon ka bang sariling

pagpapakahulugan tungkol sa pamilya?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4
2. Bakit itinuturing ang pamilya bilang pundasyon ng lipunan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ano ang pinakamahalagang misyon ng pamilya? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

VI- PAGSASAPUSO

Gawain 1: Natutuhan sa modyul

Malinaw na ba sayo ang ating paksa? Ano-anong mahahalagang kaisipan ang iyong
natutunan? Gamit ang mga gabay na salita sa loob ng kahon, isulat mo ang konseptong
iyong natutunan sa modyul na ito.

Pagkatao Mga Anak

Mga
Magulang

Impluwensiya Malaki

Paghubog

Konsepto:
_________________________________________________________________________

5
Gawain 2: Natuklasan sa sarili kaugnay ng paksa ng modyul

1. Ano ang kabuluhan ng natutuhan mong konsepto mula sa modyul sa iyong pag-unlad
bilang tao?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Ano ang maaari mong gawin upang mailapat mo ang iyong mga pagkatuto sa modyul
na ito?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

VII. PAGSASABUHAY

Isulat mo sa nakalaang kolum ang mga hinihinging kasagutan. Sundan ang mga ibinigay na
halimbawa.

Magagandang karanasan Mga impluwensiya ng iyong Paraan kung paano

o gawain na natutunan mo pamilya na sa palagay mo ay ito
sa iyong pamilya na nararapat baguhin/nararapat babaguhin/pauunlarin
kapupulutan mo ng aral o paunlarin
may positibong epekto
sayo
Halimbawa : Pagdarasal ng sama-sama.Dahil Sisimulan ko sa
sa kaabalahan sa pag-aaral o aking sarili, aayain ko
Pagiging maayos sa sarili pagtratrabaho, wala ng panahon ang aking kapatid na
at sa mga kagamitan ang aming pamilya na sama- magdasal kami, kung
samang manalangin makikita ito ng aking
mga magulang,
maaalala nila ang
dati naming
ginagawa.

6
VIII. PAGTATAYA

Gaano ka Natuto?
A. Tukuyin ang mga karanasan mo sa sariling pamilya na kinapulutan mo ng aral o may
positibong impluwensya sa iyong sarili.
1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________

B. Basahing mabuti ang mga tanong. Lagyan ng tsek ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang tawag sa pagmamahal na namamagitan sa mag-asawa na nakapagbibigay

buhay sa pangangalaga sa kanilang mga anak.
a. Unconditional love
b. Conjugal love
c. Paternal Love
d. Radical Love

2. Ang ______ ay ang una at pinakamahalagang institusyon ng lipunan.

a. Simbahan
b. Pamilya
c. Lipunan
d. Paaralan

3. Tinatawag na unang guro ng mga anak ang magulang sapagkat:

a. Ang ipinakikitang mabuting halimbawa ng magulang ang siyang ginagaya
ng mga anak
b. Sa kanila unang natutuhan ng bata ang mga kasanayan at
pagpapahalaga
c. Sila ang nagtuturo ng tamang pagkilos sa mga anak
d. Sila ang unang nagturong bumasa at bumilang
4. Ang tinatawag na quality time ay pagbibigay sa anak ng :
a. Lahat ng oras sa maghapon
b. Pagbabasa ng mga kuwento at pakikipaglaro sa anak
c. Hindi pagtatrabaho upang makapiling ang anak
d. Pagpapadama ng pagmamahal at pag-aaruga sa anak tuwina
5. Ang masaya at maayos na pamilya ay hindi ligtas sa mga sigalot o suliranin.
Nakararanas din sila ng mga ito., ang kaibahan lamang ay:
a. Tinatalakay ito nang harapan at nang walang may nasasaktang
damdamin
b. Hinahayaan na lamang nila itong lumipas
c. Tinatawanan lamang nila ang suliranin
d. Hindi nila ito pinag-uusapan

IX. KASUNDUAN

Basahin ang susunod na modyul.

7
Mga Sanggunian:

1. EASE Module sa Edukasyon sa Pagpapahalaga II

Modyul Blg. 2 : Sa Pamilya Nagsisimula
https://bit.ly/2ybxiY1

2. Learners Module sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Modyul 1 : Ang Pamilya Bilang Likas na Institusyon
Pahina 1 – 28
https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-8-edukasyon-sa
pagpapakatao-learner-module

3. Daily Lesson Plan in EsP 8 Quarter 1

Pahina 6 - 20
https://bit.ly/2VJIAgm

You might also like