Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Buod ng “Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual

Posted on November 21, 2018


Isang araw, lumabas si Aling Marta at tumungo sa pamilihan upang bumili ng garbansos dahil
paborito ito ng kanyang anak na magtatapos ng highschool sa araw na iyon. Pagkapasok niya sa
pamilihan, siya ay nabangga ng isang batang lalaki na nakasuot ng maruming maong at punit na
kamiseta.

Pinagalitan ni Aling Marta ang bata at tumungo kay Aling Godyang upang mamili. Dumukot sa
bulsa si Aling Marta ngunit wala ang kanyang kalupi.

Naalala niya ang batang bumangga sa kanya at agad na hinabol ito sapagkat ito ay hindi pa
nakakalayo. Inakusahan niya ang bata at tumawag pa ng pulis ngunit wala sa bata ang
nawawalang kalupi. Ipinilit ni Aling Marta na ang bata talaga ang siyang nagnakaw kaya
pumunta sila sa outpost. Pilit na gustong paaminin ni Aling Marta ang bata kaya’t sinaktan niya
ito. Nagpumiglas ang bata at nakawala. Tumakbo siya patungo sa maluwang na daan ngunit siya
ay nabangga ng isang humahagibis na sasakayan.

Mga ilang sandali bago siya namatay, pagatol-gatol niyang sinabi na wala silang makukuha sa
kanya. Pagkatapos nito, tuluyang pumanaw ang bata.

Umalis sa outpost si Aling Marta at nangutang upang makabili ng ulam para sa hapunan. Noong
siya ay pauwi, natatanaw na niya ang kanyang mag-ama. Nagtatakang nagtanong ang kanyang
anak kung saan niya nabili ang ulam.

Nagsinungaling si Aling Marta at sinabi na ginamit niya ang pera mula sa kanyang pitaka. Sinabi
ng kanyang asawa na naiwan niya ang kanyang pitaka at nawalan siya ng malay habang paakyat
ng hagdanan.

You might also like