Professional Documents
Culture Documents
Esp3 - q1 - Mod1 - Natatanging Kakayahan - FINAL07102020
Esp3 - q1 - Mod1 - Natatanging Kakayahan - FINAL07102020
Esp3 - q1 - Mod1 - Natatanging Kakayahan - FINAL07102020
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Natatanging Kakayahan
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Natatanging Kakayahan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Natatanging Kakayahan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa
Pagpapakatao – Ikatlong Baitang ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Natatanging Kakayahan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao –
Ikatlong Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol
sa Natatanging Kakayahan!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
iii
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
iv
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang
Pagwawasto sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.
v
Alamin
Subukin
Sagutin ang mga tanong at isulat ito sa isang malinis na
papel.
Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa iyong sarili at talento.
Ang mga tanong sa ibaba ang magsisilbi mong gabay para
makabuo ka ng isang sanaysay tungkol sa iyong sarili.
1. Maaari mo bang ipakilala ang iyong sarili? Ano ang iyong
pangalan, edad, baitang, sino ang iyong mga magulang, at saan
ka nakatira?
2. Ano ang iyong mga talento, hilig, at interes na gawin sa araw-
araw?
3. Ano-ano ang iyong damdamin habang ginagawa mo ang
iyong hilig o interes?
4. Sa iyong palagay, kanino mo ito namana o nakuha? Bakit?
1
Aralin
1 Natatanging Kakayahan
Balikan
Kaya ko, Magagawa ko!
Indibidwal kung tayo’y tawagin. Patunay na tayo ay
mayroong pagkakaiba sa lahat ng bagay tulad ng kilos, mga
gustong gawin, talento, at abilidad. Bilang isang tao, hindi lahat
ng mayroon ka ay naangkin din ng kapuwa-tao natin. Ito ay
palatandaan ng ating pagkakaiba-iba. Unti-unti ay ating
nakikilala at nalalaman ang mga talento, kakayahan at abilidad
na mayroon tayo bilang isang indibidwal. Ang kailangan lang ay
pagtitiwala at pagpapahalaga sa sarili at sanayin ang mga
bagay na gusto nating gawin.
Ang talento at kakayahan ay biyaya ng Diyos kaya dapat
natin itong pagyamanin, gamitin sa araw-araw, at ibahagi sa
ibang tao. Bilang isang bata dapat, tuklasin at pagyamanin mo
ang iyong talento at kakayahan. Bagama’t mayroong
pagkakataon na ikaw ay naguguluhan sa iyong sarili kung ano ba
talaga ang iyong kakayahan at talento huwag kang malungkot
dahil maaaring ikaw ay kabilang sa tinatawag na Late Bloomer
(isang tao na ang mga talento o kakayahan ay hindi kaagad
nakikita o naipamamalas kumpara sa karaniwan).
Mahalaga na kapag iyong matuklasan ang iyong talento at
kakayahan, agad na ito ay pagyamanin sa pamamagitan ng
pagsasanay nito sa araw-araw. Ito ay regalo mula sa Diyos,
dapat itong ibahagi sa ibang tao upang mas yumabong pa.
2
Tuklasin
Gawain 1
Panuto: Suriin ang mga larawan na nasa bawat kahon.
A. B.
C.
Gawain 2
Sagutin ang mga tanong at isulat sa sagutang papel.
Obserbasyon
1. Sino-sino ang nasa larawan?
2. Sa palagay, mo magkasing edad ba kayo?
3. Ano-ano ang pagkakapareho at pagkakaiba ng bawat
larawan?
Repleksyon
4. Alin sa mga larawan ang kaya mong gawin?
5. Kung ikaw ay guguhit ng isang larawan sa iyong kakayahan
alin sa mga ito ang iyong iguguhit? Bakit?
3
Suriin
4
Pagyamanin
Musical
Ang talentong ito ay nasisiyahan sa paglikha ng
musika, pagkanta, o pagtugtog ng instrumento.
Social Services
Nasisiyahang tumulong sa ibang tao.
Clerical
Nasisiyahang gumawa o maglaro ng gawaing pang-opisina.
5
Suriin ang bawat larawan at ang sariling gusto, talento at
abilidad at tukuyin kung sa aling larawan nabibilang ang iyong
kakayahan. Sagutin ang mga katanungan at isulat sa sagutang
papel.
A. 1. Bakit mo nasasabi na ikaw ay nabibilang sa larawan na
iyong napili?
2. Madalas mo ba itong ginagawa? Masaya ka ba sa tuwing
ginagawa mo ito? Bakit?
B. Isulat ang iyong mga kakayahan sa isang papel gamit ang
gabay na tanong. Ano-ano ang kaya kong gawin kapag ako
ay nag-iisa?
1.____________________________________________________
2.____________________________________________________
3.____________________________________________________
4.____________________________________________________
5.____________________________________________________
6
Isaisip
Isagawa
7
Tayahin
8
Karagdagang Gawain
9
Susi sa Pagwawasto
10
Sanggunian
Maria Carla M. Caraan et. al. Edukasyon sa Pagpapakatao -
ikatlong baitang : kagamitan ng mag-aaral sa
sinugbuanong binisaya. Unang Edisyon. Edited by Erico M.
Habijan at Irene C. De Robles. Pasig City: Department of
Education-Instructional Materials Council Secretariat, 2014, 2-
16.
11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: