Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

WIKA

- Ang wika ay tumutukoy sa paraan ng paghahatid ng ideya, impormasyon, kaalaman, kabatiran, kaisipan,
karunungan, lohika, mensahe, opinion, pananaw sa paraang pasalita o pasulat. Ito ay nagmula sa wikang
latin na lengua na ang ibig sabihin sa wikang tagalog ay dila.

A. Kahulugan ng Wika
1. Ayon kay _____, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mithiin.

2. Ayon kay ____(1993) matatagpuan sa wika ang mga tanda o simbolo na nagkakaroon ng kahulugan ayon sa
mga gumagamit nito. Ang mga simbolo o tanda ay maaring salita, bilang, drowing, larawan o anumang hugis
na kumakatawan sa konsepto, ideya o bagay.

3. Si ____(1964) ay nagpahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng
lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat
henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan.

4. Ayon kay ____(1987) ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang
wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kungdi ito’y sinusulat din. Ang mga tunog at
sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko.

5. Ayon naman kay____, ang wika ay nakabalangkas na sistema ng mga arbitraryong simbolo at tunog na
binibigkas at sa pamamagitan nito’y nagkakaroon ng interaksyon ang isang pangkat ng tao.

6. Ang wika ang pangunahin at pinakatiyak na anyo ng simbolikong gawaing pantao ayon kay____ . Malinaw na
tinukoy sa pagpapakahulugan na ang wika ay pantao.

7. Ayon kay_____, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabahagi at kasama sa isang kultura.
B. Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika

Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa dami-daming teorya ng iba’t ibang tao hindi pa rin maipaliwanag kung saan, paano
at kailan talaga nagsimula ang wika. Tinatanggap ng mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiyakan ang iba’t ibang teorya tungkol
sa pinagmulan nito. Isa itong palaisipang hanggang sa kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit nananatili pa ring hiwaga o misteryo.

1. ____ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may mga batayan subalit hindi pa lubusang
napapatunayan. Iba’t ibang pagsipat o lente ang pinanghahawakan ng iba’t ibang eksperto. Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng pagdulog
samantalang relihiyoso naman sa iba. May ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng koneksiyong sa isa’t isa. Narito ang iba’t ibang
teorya ng wika sa tulong ng talahanayan.

2. ____Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad
ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na
tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng
kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay
ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kab. 11:1-8)

3.____Ipinalalagay na ang lahat sa kapaligiran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay.

4.____Ang wika ay nagsimula sa panggagad ng mga tunog na likha ng kalikasan. Ang tunog na likha ng kalikasan anuman ang pinagmulan ay
ginagad ng tao.

5.____Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan dito batay na rin sa kanyang nadarama.

6.____Ayon sa teoryang ito ang tao ay nakakapagpahayag ng mga salita kapag siya ay gumagamit ng pisikal na lakas ng aksyon.

7.____Ayon sa teoryang ito, nagbuhat ang wika sa paggagad sa galaw ng katawan.

8.____Ang pagkilos, pagsayaw, pagsigaw, pagbulong ng mga taong kalahok o gumaganap sa mga ritwal at sinaunang selebrasyon o okasyon ay
lumilikha ng
mga tunog at pag-usal ng mga salita na sa kalaunan ay nabibigyan ng kaukulang kahulugan ng mga tao.

9.____Iminungkahi ng linggwistang si Jespperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga
bulaslas- emosyonal.
____Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musical at hindi maiikling bulaslas na
pinaniniwalaan ng marami.

10.____pinaniniwalaan sa teoryang ito na nakauusal ang tao ng tunog sanhi ng pagkagutom o pagkalam ng sikmura.
C. Katangian ng Wika

1.____Ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas

Hal, nag-aaral carlo mabuti makapasa pagsusulit

2.____Ang wika ay tunog na nanlikha gamit ang mga component ng bibig

3.____Ang wika ay nabuo batay sa napakasunduang termino ng mga tao sa isang komunidad

4.____Ito ay kasangkapan ng komunikasyon ng dalawa o higit pang nag-uusap na mga tao.

5.____Ang wika ay pantao dahil ang makataong pamamaraan ng pagpapahayag ng ating mga kaisipan, saloobin, damdamin.

6.____Ang wika ay kultura ay dalawang bagay na hindi mapaghihiwalay. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaalaman at nagkakaugnnayan sa
pamumuhay, saloobin, tradisyon, mithiin at paniniwala ng mga tao

7.____Bawat wika ay may kanya-kanyang katangian na ikinaiba sa ibang wika. Walang wikang magkatulad

8.____ito ay buhay at patuloy na nagbabago ng dahil sa patuloy rin na nagbabago ang pamumuhay ng tao at iniangkop ang wika sa mabilis na
takbo ng buhay dulot ng agham at teknolohiya

9.____May kakayahang lumikha ng bagong salita, parirala at pangungusap na maaring hindi pa niya kailanman nasasabi o narinig.

Kahalagahan ng Wika:
Ang wika ang sumasalamin sa kultura ng isang bansa.
Ang wika ang ginagamit sa pakikipagtalastasan.
Ang wika ang instrumento upang maipahayag ang damdamin ng tao.
Ang wika ang pangunahing simbolo ng mga gawain ng tao.
Ang wika ang kasangkapan sa paglikha ng mga sining.

A. 1. Edward Sapir 2. Lachica 3. Caroll 4. Todd 5. Bram 6. Archibald Hill 7. Henry Gleason
B. 1. Teorya 2. Tore ng Babel 3. Teoryang Ding-Dong 4. Teoryang Bow-Wow 5. Teoryang Pooh-Pooh 6. Teoryang Yo-He-Ho-
8. Teoryang Ta-Ta 8. Teoryang Ta-Ra-Ra-Boom-De-Ay 9. Teoryang Sing-Song 10. Teoryang Yum-Yum
C. 1. Masistemang Balangkas 2. Sinasalitang tunog 3. Pinipli at isinasaayos sa paraang arbitraryo 4. Ginagamit sa komunikasyon 5.
Pantao 6. Kaugnay ng kultura 7. Natatangi 8. Nagbabago 9. Malikhain

You might also like