Bahagi

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAGBIBIGAY NG DIREKSYON

Bahagi na ng buhay natin ang pagbibigay ng direksyon saan man tayo magpaunta. Bilang
isang mamayang, responsibiladad nating magbigay ng direksyon sa mga taong nagtatanong at
nangangailan ng tulong upang mapabilis, mapagaan, at maging sistematiko ang ating gawain
maging ang kapwa natin. Ito ay makakasanayan natin sa araw-araw kung ito ay nagagamit at
nahahasa natin sa pakikibaka sa lipunan.

I. Mga halimbawa ng pagbibigay ng direksyon:


A. Pagbibigay ng Direksyon Gamit ang Liham.
B. Pagbibigay ng Direksyon Ukol sa Gamot na Gagamit.
C. Pagbibigay ng Direksyon sa Pakikibaka.

II. Mga kailangang tandaan sa pagbibigay ng direksyon:


1. Isipin mong ikaw ang nagtatanong.
2. Ibigay ang mahahalagang detalye sa tamang pagkakasunod-sunod sa paningin ng
nagtatanong.
3. Dapat nasasagot ang katanungang paano at saan.
4. Gumawa ng dayagram o mapa kung kinakailangan upang mas maging malinaw ang
direksyon.
III. Dalawang pangkat ng pang-abay:
1. Ang mga katagang pang-abay o ingklitik
- Ang mga ingklitik o pangningit ay ang mga katagang laging sumusunod sa unang
salita ng kayariang kinabibilangan.
- Sa filipino ay may 18 na katagang pang-abay o ingklitik. Ang mga ito ang mga
sumusunod:
ba daw/raw pala man po
kasi din/rin tuloy muna ho
kaya naman nga pa
na yata lamang sana
2. Ang mga pang-abay na binubuo ng salita o parirala at maaaring ilipat ng pusisyon sa
pangungusap. Ito’y napapangkat sa mga sumusunod:

A. Pang-abay na pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap, magaganap o gaganapin ang


kilos.
Tatlong uri ng pamanahon
1. Pananda – ang pang-abay na gumagamit ng nang, sa, noong, kung, tuwing, buhat,
mula, umpisa, at hanggang bilang tanda ng panahon.
2. Walang pananda – ang pang-abay na gumagamit ng kahapon, kanina, ngayon,
mamaya, bukas, sandal, at iba pa.
3. Nagsasaad ng dalas – ang pang-abay na gumagamit ng araw-araw, tuwing umaga,
taun-taon, kaha-kahapon atb.

Hal. kahapon, bukas, sa Linggo, kung araw ng sabado

B. Pang-abay na panlunan – ang pariralang kumakatawan sa lugar o kilos ng isang tao.


Karaniwang ginagamit ang sa/kay, kina/kila, doon atb.

1. Pangalang Pambalana – karaniwang ngalan ng tao, hayop, bagay, pook o lugar, at


pangyayari. Nagsisimula ito sa maliit na titik.
Hal. hayop – pusa tao – pulis pook o lugar – barangay bagay – lapis
Pangyayari – pista
2. Panghalip – salitang pumapalit sa pangalan
Hal. ako, ko, akin, kami, kayo, siya, kanila, ito, nito, iyan, niya, ayun, niyon, anu-ano,
alin-alin, nino, lahat, madla, alinman, na, ng

Hal. Sa kantina, kina Aling Sabel, doon sa kanto ng Domingo

C. Pang-abay na pamaraan – ang pang-abay na sumasagot sa paano ginanap, ginaganap o


gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap. Ginagamit ang panandang nang o
na/-ng.

1. Pandiwa -isa o ilang pantig na idinaragdag sa unahan, gitna o hulihan ng mga


salitang ugat upang makabuo ng isang panibagong salita.
 Panlapi – na, ma, nag, mag, um, in, at hin

Hal. nang mahigpit, iyong alalayan

D. Pang-abay na pang-agham – ang pang-abay na di-tiyak ang pagganap ng kilos o galw ng


isang tao. Ginagawmit ang mga pariralang:

Hal. marahil, siguro, tila, baka, wari, parang, bagaman, atb.

E. Pang-abay na kundisyonal – ang pang-abay na nagsasaad ng kundisyon para maganap


ang kilos na nagsasaad ng pandiwa.

Hal. kapag sumapit na ang gayong panahon, sa paglaganag ng gabi


F. Pang-abay na panang-ayon – ang pang-abay na sumasang ayon sa sitwasyon o ganap.

Hal. oo, opo, tunay, talaga, saludo, sadya, syempre atb.

G. Pang-abay na pananggi – ang pang-abay na di-sumasang-ayon o di-sang-ayon sa


sitwasyon o ganap.

Hal. hindi/di at ayaw

H. Pang-abay na panggaano o pampanukat – ang pang-abay na nagsasaad ng sukat o


timbang.

Hal. nang isang metro, nang apat na oras

I. Pang-abay na kusatibo – nagsasaad ng dahilan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.

Hal. dahil sa pagpapabaya sa katawan, napaniwala ko siya,

J. Pang-abay na benepaktibo – nagbibigay ng benepisyo para sa isang tao dahil sa


pagganap sa kilos ng padiwa o layunin ng pandiwa

Hal. para sa maysakit, para sa matricula

K. Pang-abay na pangkaukulan – ang pang-abay na pinangungunahan ng mga salitang


tungkol, hinggil, o ukol.

Hal. hinggil sa kanilang magnobyo

You might also like