Ang Aking Unang Salamisim

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Aking Unang Salamisim

ni Jose Rizal

Bakit nga ba
nagpapaligsahan
sa bango ang mga bulaklak
sa masayang araw na ito?

Bakit nga ba
may bubulung-bulong
na matamis at malamyos na himig
sa lambak na ito?

Bakit nga ba
umaawit ang mga ibon,
lumilipad nang paroo’t parito
sabay ihip ng hangin?

Bakit nga ba
ang malinaw na batis
ay ipinaghehele
ang mga namumukadkad na bulaklak?

Tanaw ko ang bukang liwayway ng Silangan


Na taglay ay kagandahan.
Bakit siya namimista
sa nagbabagang ulap?

Giliw kong ina, iyong kaarawan


Ipagdiriwang nila.
Ang rosas sa aking bango,
Ang ibon sa kanyang bungad.

Bumubulong sa batis
Walang humpay ngayong araw,
Binubulong-bulong na
Lumigaya ka tuwina.

Habang sa malinaw na batis


Ang malinaw na bulong
Ay marinig sa aking lira, pakinggan!
Sa aking puso’y unang awit ng pag-ibig.

You might also like