Modyul 1 Adajar

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Modyul 1: Ang halaga at bisa ng mga batayan, kaalaman, teorya at simulain sa

pagtuturo ng makrong kasanayan sa wika.

A. Panimula
Kinalabasan ng kurso:
1. Makapag-uulat ng halaga at bisa ng mga batayan, kaalaman, mga teorya at simulain sa
pagtuturo ng makrong kasanayan sa wika sa ika-21 siglo.
Tiyak na kasanayang pampagkatuto:
A. Naiulat ang kahalagahan ng bawat makrong kasanayan sa pagtuturo at pagkatuto sa
ika-21 siglo.

LUNSARAN
Bakit mahalaga ang pagtuturo ng makrong kasanayan sa wika?

Gaano ba kabisa ang mga batayan, kaalaman, teorya at simulaing ito sa pagtuturo at pagkatuto ng
makrong kasanayan sa wika?

Panimulang Gawain
Mangyaring limitahan lamang natin sa limang magkakaugnay na mga salita o parirala ang
bawat makrong kasanayan. Maaaring punan ang grapiko sa ibaba.
a. pakikinig
b. pagsasalita
c. pagbasa
d. pagsulat
e. panonood

A.

Pakikinig
B.

Pagsasalita

C.

Pagbasa
D.

Pagsulat

E.

Panonood
B. Pagkatuto

Bakit mahalaga ang pagtuturo at pagkatuto ng makrong kasanayan sa wika?

Ang kalinawan ng mensaheng nais ihatid ng tao sa kanyang pakikipagtalastasan sa


bawat araw na buhay na maaaring berbal o hindi ay nakasalalay sa kanyang kakayahan sa
pakipagtalastasan at galing sa pagpapahayag ng mensaheng nais iparating.
Mahalang paunlarin at paghusayan ng tao ang kanyang kasanayang pangwika upang
maging maayos at mabisa ang daloy ng kanyang pakikipagkuminikasyon o kaya’y pakipag-
ugnayan sa kapwa. Mangyaring magsisilbi itong pundasyon ng kaalaman ng tao upang
mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipabatid. Mangyari pang
maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagsasanay ng ating mga sarili sa bawat makrong
kasanayan sa wika.

Ang sumusunod ay ang limang makrong kasanayan sa wika:


1. Pakikinig
Ito ang pagbibigay diwa o kahulugan sa wikang sinasalita. Napakahalaga ng kasanayan
sa pakikinig sa ating buhay. Ito ang pinakagamiting kasanayan sa ating pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan Badayos (). Ang sinasabi ni Yagang (1993), ito ay kakayahang matukoy
at maunawaan kung ano ang sinasabi ng ating kausap. Ayon kina Hawatt at Dakin ay
kakayahang kumilala at umunawa sa sinasabi ng iba. Ito ay sumasaklaw sa pag-unawa sa
diin at sa mensaheng nais niyang maiparating. Samantalang ang sinasabi ni Alcantara, ang
pakikinig ay isang komplikadong kasanayan na nangangailangan ng hirap at atensiyon.
Isa itong aktibong gawain. May nagaganap na pagpoproseso sa isip ng tagpakinig na
kung saan nagbibigay kahulugan sa mga tunog at salita. Ang mga tunog na narinig ay
nabibigyang interpretasyon, nasusuri o inaanalisa ng ating kaalaman sa estruktura ng wika
at naisasaisip ang mensahe, impormasyon at pahiwatig na napakinggan.
Isa itong kompleks na proseso kung saan ginagawa ng ating isipan na lapatan ng
pagpapakahuugan ang anumang pagsasalitang napakinggan. Ang proseso sa pakikinig ay
may tatlong bahagi: pagtanggap, paglilimi o pagbibigay-tuon, at pagpapakahulugan (Wolvin at
Coakley 1979 na binanggit sa aklat ni Badayos 2008).
Mahalagang maituro ang pakikinig sa apang-araw-araw na pakikipamuhay sapagkat
ayon kay Wilga (1981), makalawang beses tayong nakikinig kaysa pagsasalita, makaapat na
beses kaysa pagbabasa at makalimang beses kaysa sa pagsulat. Higit pa rito ay
napakahalaga nito sa paglinang ng kasanayan sa pagsasalita. Gaya ng sinabi ni Nida (1957),
na ang pagkatuto sa pagsasalita ng isang wika ay nakasalalay nang malaki kung gaano mo
ito napakinggan nang mabuti.
Sinasabing mahirap na kasanayan ang pakikinig. Kaya’t mahalagang isaisip ang
kahandaan at kawilihan ng mga estudyante sa gawaing ito. Kailangan ding malinang sa
mga estudyante ang lubos na pagtitiwala sa kanilang sariling kakayahan. Maisasagawa ito
ng guro sa pamamagitan ng sumusunod na mga patnubay/simulain sa pagtuturo ng
pakikinig.
1. Tiyakin na lubos na nauunawaan ng mga estudyante ang kanilang gagawin bago
ito simulant.
2. Maglaan ng isang konteksto para sa pakikinig. Sabihin, halimbawa, kung anong
teksto ang kanilang pakikinggan( isang talumpati, kwento, at iba pa) at kung saan
ito naganap (e.g. sa isang bayan sa Laguna, o sa isang parti).
3. Maaaring pakinggan nang maraming ulit ang isang imput sa pakikinig, at
kailangang may tiyak na layunin sa bawat pakikinig na isasagawa. Linawin sa
mag-aaral ang layunin sa pakikinig.
4. Kung ang imput ay maririnig sa unang pagkakataon, maggay ng mga tuwirang
tanong na makatutulong sa pag-unawa sa kabuuan ng teksto. Maaaring
magtanong tungkol sa pangunahing impormasyong nakapaloob sa teksto (sino
ang tagapagsalita, ano ang kanilang pinag-uusapan, at iba pa).
5. Maglaan ng maraming Gawain bago making at tiyakang makatutulong ang mga
ito upang mapagtagumpayan ng mga mag-aaral ang anumang Gawain na
ipagagawa sa kanila.
6. Maglaan ng mga tanong o set ng mga Gawain na angkop sa kakayahan ng mga
mag-aaral.
7. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral na basahin ang mga tanong bago
nila pakinggan ang tape. Magbibigay ito sa kanila ng kadahilanan sa pakikinig at
mga hudyat kung ano ang salamin sa pakikinig. Maiiwasan din ang pagbasa sa
mga tanong habang nakikinig sa tape.
8. Maglaan din ng mga gabay nalilinang sa kanilang mapanuring pag-iisip bukod sa
mga karaniwang tanong sa pag-unawa (e.g., sa aking palagay, mali ang awtor…
Ang mga sumusunod na patotoo ang nagbunsod sa akin na sabihing ang kwento
ay naganap sa Pilipinas…).
9. Tiyaking napakinggan nan g guro ang buong tape bago iparinig sa klase.
Kailangang isagawa ito upang maiwasan ang anumang suliranin bago iparinig ang
tape sa klase.
10. Sikaping gumamit ng mga imput at mga Gawain na kalulugdan ng buong klase at
tiyakin na matutugunan ang halos lahat ng mga estudyante ang mga gawain.
Mahalaga ito upang malinang sa kanila ang positibong saloobin sa pakikinig.

2. Pagsasalita

Ang pinakagamiting pagpapahayag sa wika. Isa sa mga makrong kasanayan na


may layuning ipahayag ang kaisipan, paniniwala at saloobin. Kakayahan at kasanayan
din ito ng tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan
ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
Ito ang pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng tao, ang nagsasalita at ang
kinakausap. Ang isang taong kulang ang kasanayan sa pagsasalita ay mahihirapang
ikintal sa isipan ng ibang tao ang kanyang halaga at natatanging katauhan. Ang
kabiguang maipapahayag ang sarili nang epektibo ay kadalasan pa ngang nauuwi sa
pagkabigo ng mga pangarap. Marami na ang nagiging tanyag at nagtatagumpay bunga
ng kanilang katangi-tanging kakayahang magsalita sa paraang kinalulugdan ng mga
tagapakinig.
Mga Kailangag Sangkap sa Mabisang Pagsasalita

1. Kaalaman – Mabisa at makabuluhan ang nagsasalita kung hawak niya ang lahat
na detalyeng kaugnay sa paksa o pinag-usapan. Mahalagang alam ng isang
tagapagsalita ang kanyang sasabihin sa kanyang kausap. Kung mahusay na
naibabahagi ang kaugnay na kaisipan at konsepto sa kanyang ipinapahayag ay
makikitang alam niya ang kanyang sinasabi, masasabing may laman ito o may
kabuluhan. Ang matibay na kaalaman sa paksa o pinag-uusapan ay maaaring
makuha sa pagbabasa, pananaliksik, pagmamasid o obserbasyon at sa malawak na
karanasan.
2. Tiwala sa Sarili – Mahalagang angkinin ng isang nagsasalita o tagapagsalita ang
tiwala sa sariling kakayahang maipahayag ng epektibo ang sarili sa kanyang
tagapakinig o tumatanggap ng mensahe. Makikita ito sa lawak ng talasalitaan at
sapat na kaalaman sa paksa o pinag-uusapan. Lalong matatamo ito sa
pamamagitan ng mga pagsasanaya at madalas na eksposyur.
3. Kasanayan – Kinakailangan angkinin ng tagapagsalita o nagsasalita ang mga
kasanayan tulad ng malinaw na pagsasalita, wastong pagbigkas ng salita, maayos
na pagtayo sa entablado o sa harap ng klase, pagkumpas ayon sa diwa ng sinasabi,
diin at uri ng tinig. Gayunpaman ang pagsasalita ay hindi nagbibigay-pukos sa
tama at malinaw na pagbigkas lamang, higit sa lahat mahalagang tandaan na ang
pagsasalita ay naaayon sa kalagayan o sitwasyon ng nagsasalita, lugar o lokasyon
ng usapan at sino ang kanyang tagapakinig. Sino ang nagsasalita, ano ang kanyang
layunin at saan naganap o nagaganap ang usapan?

May mga layunin sa pagtuturo ng pagsasalita


Mapapansing may mga layuning inilahad sa paglinang ng mga kasanayan sa
pagsasalita na nakapokus sa tungkuling interakyunal, tungkuling transaksyunal,
tungkuling estetiko o libangan at mga elemento ng wika. Kasama rin dito an gang
mga talaan g mga gamit ng wika na makatutulong sa guro sa pagbabalak ng mga
gawain sa paglinang ng mga kasanayan sa pagsasalita. Mangyaring isaalang-alang din
ang mga simulain sa pagtuturo ng pagsasalita.
[Mangyaring hanapin sa aklat o idownload ang Metodolohiya sa Pagtuturo at Pakatuto ng/sa
Filipino Mga Teorya, Simulain, at Istratehiya ni Paquito B. Badayos (2000).]
3. Pagbasa
Isang dalubhasa sa wika at pagbasa ang nagsabi ng ganito:
“Kung ano ang naiisip ko, nasasabi ko. Kung ano ang nasasabi ko,
naisusulat ko. Kung ano ang naisusulat ko, nababasa ko. Mababasa
ko kung ano ang naisusulat ko at kung ano ang naisusulat ng ibang
tao para basahin ko.”
Tulad ng pakikinig at pagsasalita ang pagbasa ay isang kasanayang pangwika rin na
kailangan upang matamo ang mabisang pakikipagtalastasan. Mahalagang malinang ito
para sa ikatatagumpay ng layunin ng nagsasalita.
Isa itong kasanayang pangkomunikasyon na kumilala at kumukuha ng mga ideya at
kaisipan mula sa mga nakalimbag na simbolo upang ito’y mabigkas nang pasalita. Pag-
unawa rin ito ng wika ng may-akda.
Sinasabing isang prosesong interaktib at konstraktib. Ito ay proseso ng pag-unawa sa
mga mensaheng nais ibahagi ng may-akda . Isa itong gawaing mental tungo sa: pagkilala,
pagpapakahulugan, at pagtataya sa isinulat ng may-akda. Ayon kay William S. Gray,
ama ng pagbasa na ang pagbasa ay nagaganap sa apat (4) na yugto: 1. pagbasa sa akda, 2.
pag-unawa sa binasa, 3. reaksyon sa binasa, at 4. pagsamasama at pag-uugnay ng mga
bagong kaalaman sa binasa at ng dating kaalaman at mga karanasan.
Ang tinatawag na kronolohikal na hakbang sa pagbasa ay ang uri ng pagbasa ayon sa
layunin, tulad ng sumusod: 1. Pesepsyon/pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo, 2.
Pag-unawa sa kaisipang nakapaloob sa mga nakalimbag na simbolo, 3.
Reaksyon/paghatol ng kawastuhan, kahusayan at halaga ng tekstong binasa; at 4.
Asimilasyon at integrasyon ng binasang teksto sa mga karanasan ng mambabasa.
Sa mga gurong magtuturo ay mahalagang may matibay na pag-unawa kung ano ang
pagbasa at may malawak na kaalaman sa proseso ng pagbasa kung nais niyang maituro
ito nang maayos at mahusay.
Ayon kina Abangan at Ugot (2010), sa pamamagitan ng pagbabasa, nananatiling bukas
an gating mga isipan at aito ang nagsisilbing instrument upang hindi tayo mapag-iwanan
ng takbo ng panahon. Isang puhunang-salalayan upang marating ang mga pook sa
daigdig na hindi pa nararating. Maaaring makapaglakbay sa ibang lugar na nakaupo
lamang at makikilala ang maraming bantog at dakilang tao sa iba’t ibang larangan na
hindi basta-basta lamang makilala nang harap-harapan.
Ayon kay Goodman (1973) na ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game
na ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong
binasa. Sa elaborasyon naman ni Coady (1979), ang kakayahang pangkaisipan para sa
lubusang pag-unawa ng isang teksto, kailangan na ang dating kaalaman ng tagabasa ay
maiugnay niya sa kanyang kakayahang bumuo ng mga kosepto/kaisipan at kasanayan
sa pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa teksto.

Teknik na Maaaring Malinang ng Guro sa mga Estudyante sa Pagtuturo ng


Komprehensyon sa Pagbasa
1. Ugnayan ng Tanong-Sagot
2. DR-TA (Directed Reading-Thinking Activity) o Pinatnubayang Pagbasa-Pag-iisip
3. DRA (Directed Reading Activity) o Pinatnubayang Pagbasa
4. REQuest (Reciprocal Questioning) o Tugunang Pagtatanong
5. Story Grammar ( Pagsusuri sa Kayarian ng Kwento)
6. GMA (Group Mapping Activity) o Pagbuo ng Mapa
7. KWWL(What I Know, What I Want to Learn, Where Can I Learn This, What I
Learned) AGSN – Ano na ang Alam ng mga bata sa paksa; Gustong malaman; Saan
malalaman; ang Nalalaman
[Mangyaring hanapin sa aklat o idownload ang Metodolohiya sa Pagtuturo at Pakatuto ng/sa
Filipino Mga Teorya, Simulain, at Istratehiya ni Paquito B. Badayos (2000).]

4. Pagsulat
Ang pagsulat ay isang kinalabasan o bunga ng kaisipan at damdaming nais
ipahayag ng tao. Isa itong mental at pisikal na gawain sapagkat ginagamit ang isip sa
isang malalim na pag-unawa sa isusulat habang ginagamit ang kamay sa pagsusulat
ng ipapahayag. Isang kasanayang may malaking ginagamanan di lamang sa pag-unlad
ng wika at panitikan kundi maging ng sangkatauhan sa kabuuan. Kasangkapang
nilikha at ibinunga ng talino ng tao gamit ang wika bilang pinakamahalaga at
pinakaepektibong midyum ng paghatid ng mensahe.
Ayon kay Badayos (2008), iinog ang pagsulat sa kung gaano kabisa at
kasensitibong makabubuo ng mga pahayag ang isang manunulat upang ang
makababasa nito ay magaganyak na mag-isip, kumilos at magalak at matklasan ang
tatlong dimensiyon ng pagsulat.
1. Ang masining at estetikong hikayat (artistic and aesthetic appeal) ang mga
malikhaing sulatin na siyang tumutuklas at magmamalas ng mahika ng gamit
ng wika.
2. Layuning makahikayat ( expressive purpose) ang paggamit ng wika kung nais
magbigay ng ulat katyulad ng mga wikang ginagamit sa mga pahayagan.
3. Layuning may paggagamitan (functional purpose) katulad ito ng pagsulat ng
liham sa editor ng isang pahayagan.
5. Panonood
Ito ang kasanayang naglalagom ng naunang apat na makrong kasanayan tulad ng:
pakikinig, pasasalita, pagbasa, at pagsulat.
Sa kasalukuyan, ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi na lamang nakaangkla
sa tradisyunal na paraan ng pagtuturo bagkus kinakailangan ding matuto sa
pamamagitan ng makabagong teknolohiya upang higit na lumawak at lumalim ang
kanilang mga kaalaman at mabilis silang matuto sa hamon ng makabagong panahon.
Ito ay ang proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video recording
at iba pang visual media upang magkaroon ng pag-unawa sa mensahe o ideya
na nais iparating nito. Gumamit ito ng mga imaheng biswal tulad ng mga
larawang guhit, larawang kuha ng camera, video at pelikula, at multimedia
gamit ang kompyuter at telebisyon, panonood ng mga pagtatanghal at
literature, at pagpapahalaga sa sining o mga biswal na sining. upang mas lalong
maunawaan at maanalisa o masuri ang mga ito at mabigyan ng kahulugan at
maunawaan.
Ang Multidimensyonal na Proseso
1. Kognitibong Proseso
Paggamit ng tao ng sarili niyang pag-iisip at paghuhusga sa pagbibigay ng
kahulugan sa nakita o napanood.

2. Emosyonal at Sikolohikal na Proseso


Pagbibigay-halaga ng tao sa kanyang nararamdaman sa pag-unawa sa napanood
o nakita at paglikha nito ng kahulugan.

3. Estetikong Proseso
Pag-unawa ng tao sa kanyang mga napanood o nakita dahil sa magandang
kakintalang hatid nito.

4. Moral na Proseso
Pag-intindi ng tao sa kanyang mga nakita o napanood dahil sa hatid na
pagpapahalagang moral na nag-uugnay sa kanyang sarili o pagkatao.
Mangyaring hanapin sa link na ito:
1. https://prezi.com/h1lvtqwjyabn/mga-makrong-kasanayan-sa-pag-aaral-ng-
wika/?fallback=1
2. https://www.slideshare.net/RoelDancel/4-na-makrong-kasanayan-65959478?
next slideshow=1
3. https://prezi.com/gg9aia54kgwc/makrong-kasanayan-sa-panonood-at-mga-
uri-nito/

C. Paglalapat
Mula sa sariling pagtugon tungo sa pag-iisip na mapanuri.

Pakikinig
1. Pumili ng isang balita mula sa telibisyon, radyo, o sa ibang media platforms at
irekord ang mahalagang bahaging napakinggan. Tukuyin ang mga pahayag o
mga salitang bumubuo ng isang kaisipan. Anong tulong ang maibibigay mo sa
mga estudyante upang mabigyang pansin nila ang nasabing mga pahayag o mga
salita.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, ano ang mabisang paraan ng pagtuturo ng pakikinig?


Magbigay ng tiyak na halimbawa kung kinakailangan.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Pagsasalita
1. Panoorin ang isang video ng nagtatalumpati at bigyang pansin ang pagkakaiba
ng kawastuhan sa katatasan sa pagsasalita. Sa anong pangyayari at
pagkakataon kung saan dapat parehong bigyan nang pantay na atensyon ang
kawastuhan at katatasan sa pagsasalita? (https://www.youtube.com/watch?
v=w-QVTnFOvvE&feature=share)

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Pagbasa
1. Magplano ng isang pagmamasid sa isang klase sa pagbasa at bigyang- tuon ang
mga paraan, estratehiya at mga pagtatanong na ginamit ng guro sa paglinang
ng komprehensiyon o pang-unawa ng mga estudyante. Kung ikaw ang guro,
ano sa iyong palagay ang pinakamabisang estratehiya at dulog ang angkop
gamitin sa naturang pagkakataon? Bakit?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Pagsulat
1. Marami-rami na rin sa mga estudyante na kinalulugdan ang pagsulat subalit
wala sa kanilang interes ang paggawa ng mga kaukulang rebisyon o pag-edit
sa kanilang mga sinulat. Bilang guro, paano mo mahihikayat o maganyak ang
mga estudyante na lapatan ng mga kaukulang rebisyon o pag-edit ang
kanilang mga sulatin o komposisyon?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Panonood
1. Mula sa inyong napanood sa telebisyon o sa isang palabas o kaya’y pelikula,
paano mo gamitin ang estratehiyang metakognitibo upang maipamamalas ang
pang-unawa ng mga estudyante sa kanilang mga pinanood?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

D. Pagtataya
Isahang paglalahad/pag-uulat ng konseptong papel ng makrong kasanayan sa wika.
Mangyaring iugnay sa kahalagahan at bisa ng mga batayan, kaalaman, mga teorya at
simulain sa wika sa pagtuturo sa ika-21 siglo.

Rubriks sa pagmamarka:
Pangalan ng Estudyante:

Pamantayan 10-9 8-7 6-5 4-3 2-1


Orihinalidad Napanatili ang Napanatili ang Halos Di-gaanong Nakawawala
interes ng mga interes ng mga napanatili ang napanatili ang nang interes
nakikinig o babasa nakikinig o babasa interes ng mga interes ng mga sa nakikinig o
sa kanyang sa kanyang nakikinig o nakinig o babasa ang
inilahad. inilahad. babasa sa babasa sa kanyang
Mapapansin ang kanyang kanyang inilahad.
inobasyon at inilahad. inilahad.
pagkamalikhain
Nilalaman at Ang pagbuo at Ang pagbuo at Makikita ang Kakikitaan ng May ideya
Kaangkupan pagkahabi ng mga pagkahabi ng mga mga mga ideya ngunit
ideya ay malinaw ideya ay malinaw mahahalagang ngunit malayo sa
at madaling at madaling punto sa maligoy ang
punto ng
maintindihan. maintindihan. pagkahabi ng pagkahabi ng
paksa.
Mamamalas ang Malinaw ang mga ideya. mga ideya.
ibayong ginawang May ginawang Kinulang ng
pagsaliksik sa paghahanda sa paghahanda paghahanda.
paksa at inilahad.
pinaghandaan
nang maigi ang
inilahad.
Talasalitaan Gumagamit ng Gumagamit ng Gumagamit ng Gumagamit ng Halos walang
talasalitaang lapat talasalitaang lapat talasalitaang maraming kabuluhan
sa nakikinig o sa nakikinig o lapat at payak salita o ang mga
bumabasa. bumabasa. Di pariralang salitang
para sa
Binigyan ng gaanong binigyan hindi angkop ginagamit at
katuturan ang ng katuturan ang nakikinig o at walang hindi
bawat salitang bawat salitang bumabasa. kabuluhan sa naintindihan
abanggit na bago sa nabanggit bago sa nakikinig. ng nakikinig
pandinig ng pandinig ng o bumabasa.
nakararami. nakararami.
Paglalahad Pinaghandaang Pinaghandaang May ginawang Kinulang ang Malinaw ang
mabuti! Magaling, mabuti! paghahanda! ginawang di
malinaw, maayos, Magaling, at Malinaw ang paghahanda. paghahanda
at malinis ang mga ideyang Kinulang ng sa ginawang
malinaw ang
paghabi ng mga hinabi. kaauyusan sa paglalahad
ideyang paghabi ng mga paghabi ng Walang
binibitiwan. ideyang mga ideya. kabuluhan at
Matagumpay ang binibitiwan. kaangkupan
paglalahad. Malinis ang
paglalahad.

Mga Sanggunian:
1. Abangan, Veronica C. at Ugot, Irma V. (2010). Komunikasyon sa Akademiong
Filipino. Lacsamana Press and Publishing Corp. Manila.
2. Badayos, Pasquito B. (2008). Metodolohiya sa Pagtuturong/sa Filipino. Mga
Teorya, Simulain, at Istratehiya. Mutaya
Publishing House, Inc. Malabon City.
3. Bautista, Elaupdtd. (2014). Mga Makrong Kasanayan sa Pag-aaral ng Wika.
Ret. July 1, 2020
4. Dancel, Roel (2016). Makrong Kasanayan. Published on September 13, 2016
Published in: Education
5. Kim, Trisha (2016). Makrong Kasanayan sa Panonood at mga Uri Nito.
Published with reusable license, January 18, 2016.

You might also like