Abstract 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ABSTRAK

Pamagat ng Tisis: Persepsyon ng mga Mag-aaral ng Ranggas-Ramos


National High School sa Ikaapat na taon tungkol sa Sin
Tax Law

Dulog ng Pananaliksik: Kwantitatibong Pananaliksik

Mga Mananaliksik: Arland B. Parpan

Mike Angelo A. Obina

Institusyon: Partido State University, Goa, Camarines Sur

Tagapayo: Bb. Joan A. Monforte

Sa panahon ngayon, talamak na ang iba’t ibang batas na ipinapatupad para


saating bansa at isa na rito ang Sin Tax Law. Naniniwala ang mga mananaliksik na
kailangan maipahayag ang iba’t ibang persepsyon ng mga mag-aaral ng Ranggas-
Ramos National High School sa ikaapat na taon tungkol sa batas na ito bilang
paghahanda sa pagiging mahalagang miyembro ng pamayanan.

Ito ang mga sumusunod na suliraning tinugunan ng mga mananaliksik:

1. Masuri kung ilang porsyento ng mga mag-aaral ang pamilyar sa batas na ito.
2. Mabatid ang maaaring bunga nito sa mga mag-aaral.

Gumamit ang mga mananaliksik ng deskriptibong pamamaraan at talatanungan


bilang instrumento ng pananaliksik na pinasugatan sa 60 mag-aaral ng Ranggas-
Ramos National High School na nasa ikaapat na taon sa taunang 2012-2013. Sinuri
ang bawat talatanungan at binigyan ng interpretasyon na siyang ginamit sa pananaliksik
na ito.

Sa pag-aaral na ito, natuklasan ng mga mananaliksik na 93% ang nakakaalam


kung ano ang Sin Tax Law at sinasabing magkakaroon ito ng magandang bunga sa
komunidad. Ngunit sinasabi rin na bababa ang kita ng pamahalaan sa kalakalang
tobako.

You might also like