Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

1.Jejemon-ang wikang jejemon ay sumikat noong taong 2010.

Ang paggamit ng jejeje sa text o sa chat


ay isang paraan ng paggamit ng jejemon ngunit hindi pa ito kilala sa ganyang bansag. Sumikat ang
salitang jejemon, matapos magkaroon ng isang blog patungkol sa kandidato sa pagkabise-presidente si
Jejomar Binay kung saan binansagan siya jejemon Binay na kandidato ng mga jejemon. Ang wikang
jejemon ay naangkop sa wikang balbal. Dahil ang balbal ay wikang nagmula sa kalye at nabubuo ito dahil
sa mga tunog na naririnig ng mga tao na tinatawag na ponema. Bukod pa dito ang wikang jejemon ay
hindi pormal na pagsasalita at tinutukoy ito bilang labis na paggamit ng numerikong arabiko at sa
pagpapalit ng posisyon ng mga letra sa isang salita.

Ano ba ang magandang maidudulot ng wikang jejemon sa ating wika?

Para saken ang magandang maidudulot neto ay ang paglawak ng ating wika dahil dito mas nabubuhay
ang ating wika at nagiging kapaki pakinabang dahil ito ay nagbibigay aliw din sa atin gaya ng salitang
bekimon na ang ibig sabihin ay binabaeng jejemon hindi ba’t nakakaaliw ito. At higit sa lahat mas
nagiging interesado ang mga kabataan sa paggamit dito dahil ito ay nakakatuwang gamitin.

•Positibo- ipinapakita dito na sadyang may pagkamalikhain ang mga Pilipino dahil naipapakita ng
wikang jejemon na ang ating wika ay buhay at nagbabago.

•Negatibo- ito ay nagpapakita na ang kilos ng tao. Na kung ano ang nakikita ay ginagaya nila upang
makasabay sila sa uso at makasama sa grupo. Nagiging negatibo ito dahil di sila nagiging totoo sa
kanilang sarili kumbaga niloloko nila yung sarili nila na jejemon sila kahit hindi naman.

•dahil sa labis na paggamit ng wikang jejemon nagkakaroon ng maling paggamit sa wikang filipino

2.Miskol – “Mis Kol” na ang ibig ay hindi nasagot ang tawag. Ginagamit itong alternatibo upang
maipahayag ang presensya ng isang tao

Ano ba talaga gamit ng salitang Miskol ?

-para saken nagagamit naten ito bilang pang alternatibo upang maihayag naten ang ating presensya sa
isang tao.

•Positibo- nagiging daan ito upang mapansin tayo at patuloy tayong maramdaman ng ibang tao lalo na
sa taong lihim nateng sinisinta

•Negatibo- dahil nga sa pag usbong ng mga teknolohiya at mabilis lang naten itong tinangkilik at
naaabuso naten ang pag gamit nito nakaligtaan na naten ang kinalakihan nateng kultura kung paano
magpahayag ng tunay na nararamdaman.

-kapag Miskol ka ng Miskol nagiging negatibo ito dahil nagdudulot ito ng kainisan sa iyong tinawagan
dahil sa paulit ulit na pagdayal sa kanyang numero .
3.Wangwang- ito ang mga tunog ng mga sasakyan na pang emergency. Maliban dito matatandaan
noong termino ni NoyNoy Aquino sa pag presidente ginamit niya ang wangwang bilang bansag sa
korapsyon na gusto niyang puksain.

•Positibo- ang tunog ng ambulansya para saken ay positibo dahil para saken senyales lamang ito na may
ililigtas silang buhay.

-wangwang para saken ang positibong epekto nito ay nagbibigay paalala sa atin na kahit anumang
sakuna ang dumating ay may darating na tulong.

•Negatibo- Pag abuso sa pag gamit nito kahit hindi naman kailangan ay ginagamit nila ito upang
makasingit sa daan upang makarating sa paroroonan.

-ang tunog ng wangwang ay maaring makaka alarma sa tao sa emosyon man o sa panlabas dahil ang
pagtunog ng wangwang ay simbolo lang na may masamang nangyari lalo na kapag wangwang ng
bumbero ang tumunog.

4.Tokhang – ito ay pinagsamang mga salitang cebuano na toktok na ang ibig sabihin ay “katok” at
hangyo o “pakiusap” ang layunin ng programang ito ay upang labanan ang paglaganap ng droga sa bansa

Dapat lang ba na ipagpatuloy pa ang programang ito?

Para saken ito ay dapat ng itigil dahil bukod sa kumikitil sila ng buhay ay inaalisan pa nila ito ng
karapatan. Karapatan na kung saan ay maari pa silang makapag bagong buhay. At higit sa lahat kumikitil
sila ng buhay ng mga inosenteng kabataan na wala namang kinalaman para lang masabe nila na may
nagawa sila.

•Positibo- nababawasan ang mga masasamang tao o salot sa bansa

•Negatibo-Hindi nabibigyan ng pagkakataon ang mga nasasangkot sa droga na makapag bagong buhay .

-Maraming kabataan ang namamatay sa oplan tokhang

-Mas lumalaki ang extrajudicial killings sa pilipinas

-Maraming inosente ang namamatay dahil sa pag abuso ng ilang may kapangyarihang opisyal

5.Lobat- Ang salita na ito nagmula pa sa salitang ingles na low at battery sa konteksto ng pilipinas dahil
sadyang malikot at malawak ang kaisipan nateng pilipino dahil dito napaikli natin ang dalawang salita sa
iisang salita lamang at ito ay ang lobat.

Pero saan pa ba ito nagsimula?

- Sa huli ng 20th century nagbago ang buong mundo dahil sa introduksiyon ng mobile telephone.
Dahil sa imbensyon na ito, napabilis ang progreso ng komunikasyon at dahil dito maari na natin
tawagan ang kahit sino kahit ito ay nasa malayong lugar pa
- Ngunit dahil ito ay isang makina parin kinakailangan parin neto ng enerhiya upang gumana.

Paanong ang salitang ito ay may naiambag sa ating wika?

-ang salitang ito ay may naiambag sa ating wika sa pamamagitan ng ito ay patunay kung gaano
kalawak ang ating kaisipan upang mabuhay ang ating wika

•Positibo- nagagamit naten ang salitang lobat upang maihayag naten ang ating nararamdaman tulad ng
pag sinabe mong lobat ito ay nangangahulugan lamang na ikaw ay pagod na.

-Sa isang makina positibo ang lobat para saken dahil kahit na sila ay makina ay limitado parin kanilang
kakayahan na magtagal kailangan din ito ng pahinga upang ito ay hindi maabuso o masirang agad lobat
ay nakakapagpahinga parin ito .

•Negatibo

-nagiging negatibo ang lobat sa oras ng sakuna lalo na pag nasa malayo ka hinding hindi ka makakapag
pasa ng impormasyon na tungkol sayo dahil lobat ang iyong telepono.

- sa buhay ng tao nagiging negatibo ito lalo na pag ito ay binigkas na ng isang tao na lobat na siya dahil
ang emosyon ng salita na kanyang binigkas ay nangangahulugan lamang ito na siya ay napapagod na sa
nangyayari sa kanyang buhay.

-Negatibo ang lobat lalo na sa panahon ngayon na ginaggamit ng karamihan ay teknolohiya upang sila ay
makapagtrabaho dahil kapag ang kanilang gamit ay na lobat malaki ang magiging epekto neto sa
kanilang propesyon maaring mapagalitan sila dahil di nila na ipasa sa tamang oras ang trabahong inatas
sa kanila

You might also like