Professional Documents
Culture Documents
Filipino 9
Filipino 9
Region 02
Division of the City of Ilagan
GAYONG-GAYONG SUR INTEGRATED SCHOOL
____1. Anong ponemang suprasegmental ang ipinapakita sa sumusunod na pahayag, “ Pare, ang tatay
ko?”
a. Tono b. diin c. haba d. antala
____2. Anong ponemang suprasegmental ang ipinapakita ng mga salitang
“kasama at kasama” na nagkaiba ng kahulugan dahil dito?
a. Tono b. diin c. haba d. antala
____3. Ano ang diin ng salitang ginamit sa pangungusap na may salungguhit?
“Bihira na ngayon ang lalaking maginoo.”
a. Mabilis b. malumay c. malumi d. maragsa
___4. Ang mga sumusunod ay katangian ng mga salitang mabilis, maliban lamang sa isa. Tukuyin ito.
a. Maaraning magtapos sa patinig o katinig
b. May impit sa huling pantig
c. Binibigkas ng tuloy-tuloy
d. Nilalagyan ng tudok na palihis
_____5. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na tumutugon sa kalagayang tinutukoy ng
sumusunod: Nagtatanong ka kay Luisa.
a. Nasaan/ si Joy/ Luisa? b. Nasaan si Joy/ Luisa? c. Nasaan si Joy Luisa?
____6. Ipinakilala moa ng iyong nakababatang kapatid sa iyong guro at kaibigang si Bing.
a. Bing/kapatid ko/ma’am. B. Ma’am/Bing/ang kapatid ko c. Ma’am Bing/ ang kapatid ko.
____7. Ayaw mong tanggapin na siya ang may kasalanan sa nangyari.
a.Hindi/siya ang nagnakaw ng singsing. c. Hindi siya ang nagnakaw/ng singsing.
b. Hindi siya/ang nagnakaw ng singsing.
____8. Itinuro mo kay Adelei at Lorence ang kapitbahay mong doctor.
a. Adelei Lorence/iyon ang kapitbahay kong doctor
b. Adelei/Lorence iyon/ ang kapitbahay kong doctor
c. Adelei/Lorence/iyon ang kapitbahay kong doctor
____9. Natanggap mo ang regalo ni Ian at sinabi mo ito sa iyong kaibigang si Jose.
a. Regalo/ni Ian Jose b. Regalo ni Ian/Jose c. Regalo ni Ian Jose/.
____10. Sinabi mo sa iyong Tito Juan na Angelo ang pangalan niya.
a. Tito Juan/ Angelo ang pangalan niya//
b. Tito/ Juan/ Angelo ang pangalan niya//
c. Tito/ Juan Angelo ang pangalan niya.
____11. Tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig na maaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag.
a. Tono b. Intonasyon c. Diin d. Haba
____12. Ang __________ ay nagpalilinaw ng mensahe o intensiyong nais ipabatid sa kausap.
a. Tono b. Diin c. Haba d. Intonasyon
Paano ko ipaliliwanag sa iyo, kung bakit kung minsa’y kailangan kong umalis ng bahay at sa gabi na
bumalik habang iyak ka ng iyak at ako ang palaging tinatawag?
Kung sa ngayon, anak, ako muna’y patawarin. Ngunitbalang araw 10 sanay’y maunawaan mong ang
pagmamahal na iyan ang siyang tunay na dahilankung bakit kung minsan ay mas hinaharap ko pa ang
pagmamakinilya kaysa paghele sa iyo.
____20. Ang tono ng nagsasalita sa sanaysay ay _________.
a. Nagdaramdam b. nagtatampo c. nagpapaunawa d. naghihikayat
____21. Ang layunin ng sumulat ng tekstong ito ay upang __________.
a. Ipaunawa sa anak kung bakit nagtatrabaho ag ina
b. Isa-isahin ang pagkukulang ng ina
c. Ipaunawa sa anak ang sitwasyon ng ina
d. Makonsenya ang ina sa kawalan ng panahon sa anak
____22. Ipinapakita sa teksto ang realidad sa lipunan na ang babae ay:
a. Pantahanan lamang c. abala sa labas ng tahana
b. Aktibong bahagi ng lipunan d. katuwang sa paghahanap buhay
____23. Alin ang tamang pagbigkas sa salitang may salungguhit #10.
a. /sa:NAY/ b. /SA:nay/ c. /sa:nay/ d. /sa:nay?/
____24. Sinaunang tula ng Pilipino na maylayong linangin ang lalim ng pagpapahayag ng kaisipan at
masining na paggamit ng antas ng wika.
a. Tanka b. Haiku c. Tula d. Tanaga
Para sa aytem 25-36.
Payapa at Tahimik
Ang araw ng tagsibol
Maaliwalas
Bakit ang Cherry Blossoms
Naging Mabuway
____25. Ang kasingkahulugan ng mabuway sa huling linya ng tula ay ______.
a. Madalang b. tahimil c. patay d. mabagal
____26. Mahihinuha sa akda na ang tema ng pagsulat ay __________.
a. Pag-ibig b. kapayapaan c. panahon d. halaman
____27. Ayon sa makata, ano ang kanyang ipinagtaka sa kabila ng maaliwalas na pagpapalit ng
panahon?
a. Lubhang napakatahimik sa maaliwalas na panahon
b. Kay ganda ng sikat ng araw sa tagsibol
c. Walang cherry blossom na sumibol
d. Kakaunti lamang ang cherry blossoms
____28. Ang binasang akda ay isang _________.
a. Tanka b. Haiku c. Tanaga d. Basho
____29. Ang hati ng pantig ng binasang akda ay _________.
a. 7-7-5-7-5 b. 7-5-7-5-7 c. 7-7-7-7-7 d. 5-5-5-5-5
____30. Ang Tanka ay karaniwang maigsing __________.
a. Salaysay b. dagli c. tala d. dula
____31. Ilana ng pantig ng akda?
a. 14 b. 31 c. 5 d. 7
____32. Ang karaniwang paksa ng ganitong panitikan
a. Pag-iisa b. pagbabago c. kalikasan d. kasiyahan
____33. Ang Tanka at Kaiku ay sa Hapon at ang Pilipinas ay
a. Sanaysay b. pabula c. dula d. tanaga
____34. Ang mga tanka ay haiku ay panitikang ipinagmamalaki mula sa _________
a. Korea b. Pilipinas c. Hapon d. Taiwan
____35. Kung ang pagbabatayan ay ang diin ng isang pantig, ang wastong diin ng salita na
nangangahulugang usok ay ____________.
a. A:so b. a:SO c. Aso d. ASO
____36. Kung ang pagbabatayan ay ang diin ng isang pantig, ang wastong diin ng salita na
nangangahulugang hayop ay ______.
a. BAKA b. baka c. BA:ka d. ba:KA
___37. Ilang pantig mayroon sa ikatlong linya ng haiku?
a. 5 b. 7 c. 3 d. 9
____38. Ilang pantig ang bumubuo sa unang linya ng haiku?
a. 5 b. 7 c. 3 d. 9
____39. Ilang pantig ang bumubuo sa pangalawang linya ng haiku?
a. 5 b. 7 c. 3 d. 9
____40. Ilang linya ang bumubuo sa isang haiku?
a. 5 b. 7 c. 3 d. 9