Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

FILIPINO 4

Quarter 1 – Module 1: Week 8


SAMA – SAMANG PAMILYA

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS
 Huwag sulatan ang module.
 Isulat ang mga sagot ng mga tanong sa
kwaderno.
 Kung 4 ang nakuha na tamang sagot
mula sa 5 tanong. Magpatuloy.
 Kung 3 mula sa 5 tanong sagot, balikan

ang bilang na nahihirapang aralin.

COMPETENCIES

Pag – unawa sa Napakinggan


Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang balita.
(F4PN-Id-h-3.2)

Wikang Binibigkas
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang mga
larawan. (F4PS-Ib-h-6.1)

Gramatika
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa usapan at
pagsasabi tungkol sa sariling karanasan. (F4WG-If-j-3)
Aaron, sa iyo ba ang
mga aklat na ito? Bakit
naiwan ito sa ating
silid kahapon? Sa akin nga po ang mga
iyan, Gng. Layson.
Pasensya na po, dahil
ako’y nagmamadaling
umuwi kahapon upang
tulungan ang aking inay.

BACKGROUND:

Panghalip Pamatlig – Ang mga panghalip na pamatlig ay pamalit


o panghalili sa pagtuturo ng tao, hayop, pook o gawain.
Ang iyan, ganyan, diyan at hayan ang ginagamit ng taong
nagsasalita sa pagtuturo ng pangngalang malapit sa kanyang
kausap.
Ang mga ito, ganito, dito at heto ay ginagamit ng taong
nagsasalita. Hawak niya o malapit sa kanya ang itinuturo.
Ang iyon, ganoon, doon at hayun ay ginagamit kung ang
itinuturo ay malayo sa nagsasalita at sa kausap.
BACKGROUND:

Halimbawa ng iyan, ganyan, diyan at hayan:


Ganyan ang sapatos na gusto kong bilhin.
Iyan pala ang ipinagmamalaki mong bahay.
Pakilagay mo ang mga aklat diyan sa kabinet para hindi kumalat.
Halimbawa ng ito, ganito, dito at heto:
Ito ang paborito kong damit.
Saan dito sa Demapaco ang nais mong puntahan?
Ganito ang mga pelikulang nais kong panoorin.
Halimbawa ng iyon, ganoon, doon at hayun:
Doon tayo magbabakasyon sa Mayo.
Iyon ang bahay ni Philip.
Hayun ang kanyang papel sa ibabaw ng mesa.

Ang dito, diyan at doon ay ginagamit kung ang nauunang


salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa mga malapatinig na w at y.
Nagiging rito, riyan at roon ang dito, diyan at doon kung ang
nauunang salita ay nagtatapos sa patinig ( a, e, i, o ,u) at mga
malapatinig na w at y.

Halimbawa:
1. Nailagay ko (rito, dito) ang papel mo.
2. Siya ngayon ang bantay (roon, doon).
3. Nailagay niya ang bag (rito, dito).
4. Nakita ko si John (doon, roon).
GAWAIN #1:

Piliin sa loob ng panaklong ang panghalip na


pamatlig na angkop sa diwa ng pangungusap.
1. (Ito, Dito, Ganito) pupunta sa bahay natin si Maria.
2. Ang pagkain ay (ganoon, doon, iyon) bibilhin.
3. (Dito, Diyan, Doon) sa tabi mo siya tatayo, ha?
4. Ang batang maliit ay (heto, hayan, hayun) sa pinakadulo ng kalye
Taurius.
5. (Iyan, Diyan, Hayan) ang damit na gusto niyang isuot.
GAWAIN #3:

Bilugan ang panghalip pamatlig na ginamit sa


bawat pangungusap.
1. Hayan na, dumating na ang may-ari ng pusa.
2. Doon pala sila nakatira.
3. Narito ang gantimpala sa pagkakatagpo ninyo sa mga pusa.
4. Itabi ninyo na po iyan.
5. Ganoon sila maglambingan, parang magkapatid.
ANSWER KEY:
Gawain #1: Gawain #2: Gawain #3:
1. Dito 1. nito 1. Hayan
2. doon 2. doon 2. Doon
3. Diyan 3. Diyan 3. Narito
4. hayun 4. Ito 4. iyan
5. Iyan 5. Ganito 5. Ganoon

Gawain #4: Malayo sa nagsasalita at


Malapit sa Kausap Hawak niya o malapit sa kanya kausap
Iyan Ito Iyon
Ganiyan Ganito Ganoon
Hayan Dito Doon
Diyan Heto Hayun

You might also like