Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

VOHN ARCHIE EDJAN, STEM 11-B

PAGPAPALAWAK– IKWENTO MO

Noong isang araw, pumunta ako sa paaralan upang mag-aral. Ang araw na ito ay ang unang araw na dineklara
na nawala na ang COVID-19 pandemik sa buong mundo. Habang nagkaklase sa Filipino ay nakatulog ako sa
nakakaantok na oryentasyon. Maya-maya ay ginising ako ng aking guro na nagagalit sa akin. Masaya ang
buong araw ko.

Bumalik ako sa aking bahay at laking gulat ko na may surprise birthday party para sa akin. Kaarawan ko pala
noong araw na iyon. Kompleto ang pamilya ko dahil nandoon sina mama, papa at kuya. Nandoon rin lahat ng
mga kaibigan ko pati na rin mga paborito kong pagkain. Una kong tinira ang sinampalukang manok ni tatay.
May taglay itong asim na parang sinigang pero ang kaibahan ay may dahon ito ng sampalok na siyang puno ng
masarap na pagka-asim Hindi rin mawawala ang gusto ng lahat na sinigang. Gusto ko rin ang sinigang dahil
nanunuot sa sarap ang asim sa malambot na baboy kasama na rin ang singkamas at iba pang sahog. Di rin
nakaligtas ang dalawang paborito kong prutas para sa pang himagas – ang manga at apple.
Nang papalapit ang hatinggabi ay nag-inuman kami ng mga kaibigan ko sa labas ng bahay. Nandoon ang
paborito kong pulutan na spicy hot wings. Napili namin na kumain ng unlimited na maanghang na hot wings sa
kay Mang Johny. Nagsitawanan kami at nag-videoke na rin hanggang sa umaga. Gusto kong kumain ng mga
spicy na hot wings lalo na yung nakaglazed sa honey. Ang paborito kong prutas na lemon ay mas masarap
kapag hinalo ang katas nito sa alkohol. Ang lemonade ay paborito ko at ang alcohol ay nakakalasing, kapag
pinagsama ay nakakalasing na paborito ko!

Binigyan ako ng attitude ng alkohol pati na rin ang gusto kong crush na kasama ko din doon. Matagal na
kaming nagging magkakilala noong junior highschool pa. Tumatawa ako kapag nakikita ko rin siyang
tumatawa. Ang mga mata niya’y parang mga dyamante at ang bibig naman ay malarosas. Hindi man siya
biniyayaan sa taas, parang nakatadhana ako na patingalain siya. Dahil hindi nakakapag-sinungaling ang isang
lasing, sinabi niya sa isang truth or dare na matagal niya na rin akong mahal. Ako na may konti pang
gumaganang utak ay nagulat pero binaling ko na lamang sa nagpapatuloy na laro. Nang kinalaunan ay
nagkatagpo ang aming mga kamay. Maya-maya ay dinala ko siya sa aking kwarto upang pahigain siya’t
matulog. Sa pagbagsak niya sa kama ay hinigpitan niya rin ang kapit sa aking kamay na parang hindi niya gusto
na mawala siya sa akin. Dahil sa mabilis na paghugot ay tumilapon rin ako sa harap niya at nagkasalubungan
ang aming mga labi. Binigyan ko rin siya ng kanyang gusto ng ilang minuto at nagtanong siya na mahal ko din
ba siya. Sumagot ako at pinagpatuloy ang pagbibigayan ng pag-ibig. Nakatulog kami sa kama nang buong araw.

Nagising man ako na nakikita siyang nag-aayos ng kaniyang buhok. Nagtanong ako kung may nangyari ba
kagabi at sumagot siya na hindi niya ito malilimutan. Inihatid ko siya sa kaniyang bahay na siyang gusto kong
puntahan lagi. Makikita ko doon siya sa tunay niyang pagkatao at pananamit tuwing may group project. Mula
noon magkasama na kami lagi tuwing pagkatapos ng klase. Minsan nagdedeyt kami nang buong araw at isa sa
mga paborito ko noon na kasama siya ay ang magcamping. Nakakaginhawa lagi sa pakiramdam at
nakawawala ng stress ang yakap at tahimik ng inang kalikasan.

Nakapagtapos ako at nagtrabaho bilang isang siyentista. Lubos akong nagsikap sa trabaho ko at nang kalaunan
ay na promote sa mataas na posisyon. Sa posisyong yaon ay nabigyan ako ng pagkakataon na makatagpo ang
iniidolo kong si Richard Feynman, isang pisista na kilala sa pagbabalangkas ng mga mahihirap na konsepto sa
paraang maiintindihan ng isang bata. Ang isang gusto ko rin na imbentor ng mga maraming bagay sa industriya
na si Nikola Tesla ay nakapanayam ko rin.

Nag-ipon ako at nagbakasyon kasama ang mahal ko sa mga lugar na nakalista sa bucket list naming. Inenjoy
muna namin ang aming mga sarili bago kami magkaroon ng pamilya. Una naming pinuntahan ng mahal ko ay
ang Iceland. Isa sa mga lugar na may napakagandang tawain ay ang Iceland dahil makikita mo rito ang mga:
bulkang humahati sa isang isla at may dumadaloy na lava papunta sa dagat, mga nagtataasang bangin na
hinahampas ng mga malalaking alon at nababalutan ng berdeng damo, at hindi mabilang sa kamay na mga
tanawing nakikita mo lamang sa wallpaper ng kompyuter. Ang sunod naming punta ay ang bulubundukin ng
Alps sa Europe. Isa ito sa mga pinakamahirap na inakyat namin sapagkat napakatarik at malamig. Nagkaroon
pa nga kami ng hanging tent na sumasabit sa gilid ng bangin nang ilang araw. Matapos magbabad sa lamig
naisipan naming magpainit muna sa Maldives. Ang Maldives ay mga isla na isa sa may pinakamagandang
tanawin na tropikal na beach. Ang pagmasdan ang paglubog ng mapulang araw habang nakaduyan doon ay isa
sa mga hindi ko kalianman makakalimutang pakiramdam. Isa sa mga gusto kong saksihan mula sa pagkabata ko
ay ang paglipad ng mga rocket papunta sa kalawakan. Ito ang sadya namin sa pagpunta sa Cape Canaveral,
Florida, USA. Ang ingay ng rocket ay umaabot ng ilang milya dahil sa lakas ng makina nito. Ang makina nito
ay kayang maghagis ng ilang tonelada na mga kagamitan at mga tao sa bilis nang ilang milya kada segundo
para hindi mahulog sa planeta at umikot lang ng magpakailanman dahil walang hangin sa kalawakan na
makakapagpapabagal dito.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na makapunta sa Antarctica dahil sa aking trabaho. Ang mga taong nakatira sa
kontinente ng Antarctica ay pawang mga siyentista lamang. Sa anim na buwan ng summer ay hindi mawawala
ang araw kahit gabi na. Kapag winter naman ay may anim na buwan na kadiliman sapagkat hindi nagpapakita
ang araw kahit umaga na. Sa parehong panahon ay napakayelo lagi ng temperature. Parang puting disyerto ang
mukha ng tanawin pero makikita ka rin ng mga penguin at seal. Sa katunayan merong bawal hawakan ang lahat
ng may buhay kabilang na ang mga tumutubong berdeng lumot kapag summer.

Nagkaroon kami ng pamilya at ang unang mga taon ay mahirap dahil sa pagpapalaki ng mga anak. Sa una
naming anak naramdaman ang labis na pag-alala. Kulang ang aking tulog sa unang mga buwan sabayan na rin
ng trabaho. Napapawi naman ang pagod kapag alam mo na mahal ka rin nila.

Isa ako sa mga napiling sa isang Moon mission. Sa panahong iyon, naka ilang daan na ang naninirahan sa
Moon upang pag-aralan ito bilang isang “pintuan/labasan” papunta sa ibang mga planeta. Mas madaling
pumunta sa ibang planeta kapag doon ginagawa ang mga sasakyan at gasolina dahil sa likas na yaman nito at
mahinang gravity. Nakapanayam ko si Elon Musk, ang nagmamayari ng kompanyang may misyong gawing
mura ang pagpunta sa kalawakan para sa publiko at gumagawa ng sasakyang pangkalawakan, bago ang aming
nakatakdang pag-alis.

Bago ako umalis ay nakatikim ako ng isang matamis na halik sa aking minamahal at yakap mula sa aking mga
anak. Sa pag-launch at pagbilis ng sasakyan, nararamdaman ko na ako’y bumibigat at nahihilo sapagkat parang
ako’y nasa elevator na tumataas nang mas mabilis kaysa bala. Bago kami pumunta ay nanatili muna kami sa
ISS (International Space Station), isang laboratoryong kasinlaki ng bahay na umiikot sa mundo na nakakasaksi
nang 16 na beses na paglubog ng araw sa bilis na 8km kada segundo paikot sa mundo.

Nakausap ko doon si Chris Hadfield, pinakakwelang astronaut na nakilala ko, tungkol sa aming mga karanasan
hanggang sa umabot ang aming sundo papuntang buwan. Habang lumalayo kami sa mundo at sa ISS ay
nakakaranas ako ng pagkabalisa sa ganda at pagkabilog ng lumiliit na lumiliit na mundo. Nakakaranas pala ako
ng “overview effect”. Ito ay karaniwang nararanasan rin ng mga nakapunta sa kalawakan, at ipinapamalay ng
maliit na bilog na asul na mundo na ang ating lahat karanasan, mapasaya man o malungkot, mula bata hanggang
sa pagkatanda, diskriminasyon, pag-away-away, pagkakaibigan, lipunan, at kalikasan ay nagaganap lamang sa
isang napakaliit na basang bato kung ikukumpara sa buong kalawakan.

Matapos ang ilang buwang pagtatrabaho sa buwan ay nakatagpo ng ako ng isang kontratang na hindi ko na
pinalampas pa. Ang trabahong ito ay nakatakda na gawin sa Mars at kailangan tumulong doon sa
pagpapalawak. Matapos ang ilang buwan na paglalakbay nasilayan ko ang ganda ng pulang planeta sa buong
laki nito sa bintana. Sa unang pagtapak ko sa lupa sa Mars ay lubos ang aking saya pero agad sumugod lahat ng
aking karanasan para sa pagkakataong ito kaya’t lumuha ako. Sa pagtatarabaho ko rito ay lagi akong pumupunta
sa isang bangin upang tunghayan ang na paglubog ng asul na araw.
Isang araw, namangha ako nang sobrang-sobra at tila ako’y nabalisa. Sa sobrang tagal ng pagkabalisa ko sa asul
na araw umabot ay tila hindi na gumagalaw ang araw. Nakatitig ako dito na umaabot na hanggang ilang oras…
Ang mga kasamahan ko ay nagpupumilit na alisin ako pero hindi nila kaya…

Umabot ito ng ilang araw…

Ilang buwan,…

Isang araw ay narinig ko ang parang ang tinig ni Gsauce na nangagaling mula sa ilaw sa dulo ng kadiliman..
Ninanais ko man na makasama siya dahil sa aking pananampalataya at mga tinuro niya pero..

Sinabihan ko siya na hindi pa sa ngayon…

Kahit ako’y naglalakad nang baliktad sa liwanang, mas mabilis pa rin ang liwanag sa paghabol sa akin…

Nabulag ako sa liwanag…

At dumilat ang aking mga mata habang nakatingin sa isang ilaw na nasa taas ng isang kwarto…

Tinanong ko ang isang babaeng nasa gilid kung nasaan ako at sinabihan niya ako na…

Ako pala ay na-coma ng 10 taon dahil nakarating sa aking utak ang virus. Hindi ako tumanda ng 10 taon na
iyon. Ang aking kapatid ay nagsitirahan na sa iba’t-ibang lugar bagamat naka buo na sila ng kanilang pamilya.
Ang mga kaibigan ko at crush ko ay may mga trabaho na’t masaya sa kanilang binuo na ring pamilya. Natupad
na nila ang kanilang mga pangarap. Hindi ako kalian man nagkaroon nakasintahan at nagsabi ng aking pagibig.
Ang hinaharap na modernong mundo na gusto ko sanang magbahagi ng aking gawa ay natupad na nila. Ang
mga iniidolo kong tao ay matanda na’t nagawa na nila ang kanilang pinakamalaki nilang gawa. Meron nang
base sa buwan at isang libong tao sa Mars.
Siguro’t mas gusto ko na lang na mamatay…

Ano pa kaya ang gagawin ko?

-Wakas-

You might also like