Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Abstrak ng Tesis:

Ang layunin ng pagaaral o ng pananaliksik na ito ay ang malaman at masabi kung ano
ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto tulad ng mga sumusunod,
emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing
pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom
convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik
base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima na batang
ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa
Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba, ang mean score ng
anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak
at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang
pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik
kapag igrinupo sa estadong marital.

Abstrak ng Balita:
Ang layunin ng paglalahad ng balitang ito ay upang mapaalam sa mga tao na ang SL
Agritech Corporation ay naipamahagi nila ang kabuuang Dalawampu't Limang kilo ng
brown rice iba’t ibang foundations, hospitals at frontliners, sa hangaring matulungan
ang sambayanan na mapalakas ang immune system sa panahon ng paglaban sa COVID-
19. At batay din sa pag aaral na ang pagkain ng brown rice ay makatutulong sa
pananatiling malusog na katawan ng Pinoy sa gitna ng pendemic na CoronaVirus. Dahil
napatunayan na nag lalaman ito ng binatamina A, C, at E at selenium. Bukod sa brown
rice, nagbigay din ng kabuuang 100,000kgs. ng white rice ang kompanya sa partner
organizations, gayundin ang 7,000 packs snack food product Doña Maria Brown Rice
Puff at 3,000 servings ng ready-to-eat meals sa ilang ospital tulad ng UP-Philippine
General Hospital at Dr. Jose M. Rodriguez Memorial Hospital.

Pangalan: Christian Jay Urgel


Baitang at Kinabibilangan: 12-GAS
Filipino 3

You might also like