Professional Documents
Culture Documents
Lecture PDF
Lecture PDF
Masining na Pagpapahayag
- RETORIKA - May kinalaman sa masinop na pagforma ng lahat ng sangkap ng wika upang
makabuo ng malilinaw na kaisipan bilang resulta ng paggamit nito.
- GRAMATIKA- Nakasalalay ang resultang efekto ng ekspresyon o ng ginawang pagtrato sa
pagpapahayag ng mga ito na maaaring mag-utos, magkwento, magtanong, sumagot, manakot,
makiusap at iba pa.
- LOHIKA- Sistema ng pagpapaayon o pagpapatutol sa mga ipinabatid na katotohanan ng mga
ipinahahayag sa retorika ang focus o preokuspasyon.
Gampanin ng Retorika
1. Nagbibigay –daan sa Komunikasyon
Ano man ang ating iniisip o nadarama ay maaari nating ipahayag sa pasalita o pasulat na paraan upang
maunawaan ng ibang tao.
Samakatuwid, dahil sa retorika, ang dalawa o higit pang tao ay nagkakaroon ng komunikasyon.
2. Nagdidistrak
Dahil sa pakikinig sa iba o pagbabasa ng mga akda, maaaring nadidistrak ang ating isipan sa mga
masasakit na realidad sa ating lipunan.
3. Nagpapalawak ng Pananaw
Sa tuwing tayo ay nakikinig o nagbabasa,maaaring may natutunan tayong bagong kaalaman na mahalaga
na nagiging dahilan ng paglawak ng pananaw sa buhay.
4. Nagbibigay-ngalan
Ang mga bagay-bagay sa ating paligid ay dumating o ipinanganak nang walang leybel.
Hal. Kamera – Kodak
Toothpaste – Colgate
Kotse - Toyota
5. Nagbibigay - kapangyarihan
Maraming tao ang naging prominente at makapangyarihan. Ang matatalinong ideya, malalim na paniniwala
at idyolohiya na naipahayag sa pamamagitan ng retorika ay pinagmumulan ng kapangyarihan at kalakasan
Module 3: Ang Gramatika at Retorika
Tandaan pa rin na may Baryason ang ating Wika: Pormal at Hindi Pormal
Sa konteksto ng retorika, sa pormal na diskurso ito umaakma, kaya’t dapat ay may kahusayan sa
teknikalidad.
Dapat natin tandaan at balikan na ang kaugnay ng retorika ang gramatika.
Gaano man kasining ang pahayag, kung mali naman ang gramatika maaring hindi ito maging
katanggap-tanggap.
Lalo na usaping teknikal, iskolar at politikal
Wastong Gamit ng mga Salita
Wastong Gamit Ng / Nang
Gamit ng Nang
Karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at ito ang panimula ng katulong na
sugnay.
Halimbawa:
Mag-aral kang mabuti nang makapasa ka sa pagsusulit
Magsikap tayo nang umunlad ang ating buhay
b. Ang nang ay nagmula sa na at inangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng panuring
nito. ( nang+Paano?)
Halimbawa:
Nagpasa si Marvin ng proyekto nang maaga.
Nangaral nang mahinahon si Gng. Lucero
c. Ginagamit ang nang sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit,dalawang pawatas o neutral na inuulit
at dalawang pandiwang inuulit.
Halimbawa:
Suklay nang suklay
Takbo nang takbo
Gamit ng ng
a. Ang ng ay ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.
Halimbawa: Nag-aral siya ng liksyon.
Bumuli siya ng pasalubong
para sa kanyang anak.
b. Ang ng ay ginagamit na pananda ng actor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak.
Halimbawa: Pinangaralan ng guro ang
mga nahuling mag-aaral
Tinulungan ng binata ang
matanda sa pagtawid.
c. Ang ng ay ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.
Halimbawa: Ang pera ng bayan ay
kinurakot ng ilang buwayang
politiko.
Ang palad ng mga mamama-
yan ay karaniwang makikinis.
Pagsasaayos ng katawan
Pagwawakas
Ibuod ang paksa
Mag-iwan ng isa o ilang tanong
Mag-iwan ng hamon.
Bumuo ng konklusyon.
Magwakas sa angkop na sipi o kasabihan.
Revising Stage
Pag-eebalweyt sa nagawang draft
Pagsusuri at pagwawasto ng mga pagkakamali;gramar, ispeling,mekaniks at gamit ng bantas
Peer editing
Professional editing
URI NG PAGSULAT
Akademik – Intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng
mga estudyante.
Hal. Kritikal na Sanaysay,
Lab.Report, Eksperimento,Term
Paper, Tisis/Disertasyon
Teknikal – espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa kognitib at sikolohikal na pangangailangan ng
mga mambabasa. Katangian nito ang paggamit ng teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa.
Nakatuon ito sa isang ispesipik na audience o pangkat ng mga mambabasa.
Hal: Feasibility Study, korespondensyang pampangangalakal
Journalistic – Pampamamahayag ang uri nito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag
o journalist.
Hal.
Balita
Editoryal
Kolum
Lathalain
Pitak
Reperensyal – Naglalayong magre-komenda ng iba pang reference o source hinggil sa isang paksa.
Hal: Bibliograpi,Index,Impormasyon
sa notecard,talababa / Endnotes
Propesyonal- Nakatuon o ekslusib sa isang tiyak na propesyon.
Hal:
Police Report
Investigative report
legal forms
Medical Report
Patients Journal
Lesson Plan.
Malikhain – Masining ang uring ito ng pagsulat.Pokus nito ay imahinasyon ng manunulat at pukawin ang
damdamin ng mga mambabasa.
Hal: Maikling Kwento,
Dula,Sanaysay, Tula , atbp.
MODULE 5: PAGSULAT NG KOMPOSISYON
IKALAWANG LEKTURA
PAGSULAT NG KOMPOSISYON
KOMPOSISYON
Ito ay itinuturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat.
Simpleng pagsulat ng mga natatanging karanasan,pagbibigay interpretasyon sa mga pangyayari sa
kapaligiran at puna sa mga nabasang akda o napanood na pagtatanghal.
Ang komposisyon ay binubuo ng talata. Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap na naglalahad ng
isang bahagi ng buong pagkukuro,palagay o paksang diwa
KATANGIAN NG MABUTING TALATA
1. May isang paksang –diwa Kapag nagtataglay ng isa lamang paksang pangungusap
2. May kaisahan ng diwa kapag ang bawat pangungusap ay nauugnay sa paksang pangungusap niyon
3. May wastong paglilipat –diwa Gumamit wastong salita o parirala sa paglilipat-diwa.
3. May wastong paglilipat –diwa
Gumamit wastong salita o parirala sa paglilipat-diwa.
Pagdaragdag- at, saka, gayon din
Pagsalungat- ngunit, subalit, datapwat, bagaman, kahiman, sa kabilang dako
Paghahambing- katulad ng, kawangis ng, animo’y, anaki’y
Pagbubuod- sa madaling sabi, kaya nga
Paglalahat- Samakatuwid, kung gayon, sa ganitong pagtingin, sa ganitong gana
4. May kaayusan Mabuting ayusin ang mga pangungusap at talata sa paraang papaunlad ang galaw ng
mga pangyayari o ang kaisipang tinatalakay. Kumpletuhin muna ang kaisipan ng isang talata bago lumipat
o gumawa ng bagong talata.
Organisasyon ng Pasalita at Pasulat na Komposisyon
1. Kaisahan
Ito ang tawag sa pangangailangan ng iisang paksang tatalakayin sa kabuuan ng isang komposisyon.
Upang magkaroon ng kaisahan sa loob ng komposisyon,kailangan ding magkaroon ng kaisahan ang
ideya,layunin at tono sa pagsulat upang mapagdugtong-dugtong ang kaisipan nang malinaw at maayos .
2. Pagkakaugnay-ugnay o Kohirens
Ito ay tumutukoy sa pangangailangan ng kakipilan.
Maituturing na may kaugnayan ang mga pangungusap sa isang komposisyon kung mahusay ang
pagkakahanay ng mga ideya o pangyayaring tinatalakay rito.
Ang daloy ng diwa ng komposisyon ay magiging tuloy-tuloy.
3. Diin o Empasis
Ito ang pagbibigay ng higit na pansin sa pinakamahalagang kaisipan sa loob ng isang komposisyon.
4.Hulwaran ng Teksto
Ang hulwaran ng teksto ay maaaring ibatay sa sikwensya ng pangyayari,pagkakasunod-sunod o
kronolohiya ng mga bagay,kaayusan ng mga bagay sa isang espasyo o sa lohika ng mga impormasyon o
datos.
SIKWENSYAL – ang mga datos ay inaayos mula sa unang pangyayari hanggang sa huli o kabaligtaran
nito.
KRONOLOHIKAL – ang mga datos ay inaayos batay sa mga tiyak na baryabol tulad ng edad,halaga,dami
o tindi.
ESPASYAL – ang mga datos ay inaayos ayon sa layo o
distansya.
LOHIKAL – inaayos ang mga datos batay sa lohika. Ito ay gamitin sa mga tekstong argumentatibo
5. Paggawa ng Balangkas
Ito ay isang teknik upang makamit ang mga kataglayan ng isang komposisyon;kaisahan,pagkakaugnay at
diin.
Ang Balangkas ang pinakakalansay ng isang akda.Ito ang pagkakahati-hati ng mga kaisipang nakapaloob
sa isang seleksyon ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito.
Kadalasang ginagamit ang unang panauhan;Ako,Tayo.kami dahil nirerekord dito ang mga sariling kaisipan
,damdamin at karanasan.
Ito ay tala ng mga kaalaman at kamalayan hinggil sa isang bagay.Kung gayon , ito ay isang interaksyon sa
pagitan ng mga ideyang natanggap sa labas at ng iyong internal na pag-unawa at interpretasyon sa mga
ideyang iyon.
MGA ISASAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG REPLEKSYONG PAPEL
Mga iniisip at reaksyon
Buod
Organisasyon
GABAY PARA SA REPLEKSYONG PAPEL
1.Bigyan ng pansin ang panahong saklaw ng repleksyon.
2.Mula sa saklaw na panahon, maaaring pansinin at pagmuni-munihan ang mga sumusunod:
a. mga konsepto o aralin,na lubhang sinasang-ayunan o tinututulan
b. mga gawain sa klase ,mga pinanood,pinarinig at iba pa na lubusang nakaapekto o nakapagpaisip.
c. mga liksyon,konsepto at iba pa nalubos na nakapukaw ng interes at nais saliksikin o aralin pa.
d. mga liksyon, konsepto, at iba pa na agad na nahanapan ng paglalapat sa sariling mga karanasan.
e. mga liksyon, konsepto at iba pa na nagdulot ng mga tanong na nais iharap ng mag-aaral para sa
klase.
3. Isa hanggang dalawang pahina lamang ang repleksyong papel.
4. Hindi dapat paligoy-ligoy.Maaari namang maglaro sa anyo upang magkaroon ng sariling estilo.
5. Maaaring gumamit ng wikang pormal o kumbersasyonal
6. Malaking tulong din ang pagbibigay ng mga halimbawa o aplikasyon ng mga konseptong natutuhan sa
klase.Dito papasok ang context o intertext.
7.Bagama’t personal na gawain ang repleksyong papel,huwag balewalain ang mga tuntunin sa
gramatika,wastong baybay at pagbabantas.
8. Ipaloob ang sarili sa micro at macro na lebel ng pagtingin sa mga konseptong tinalakay sa papel.
Maaaring magsimula ang pagpapaliwanag sa sariling karanasan pagkatapos ay sa mga napag-aralan sa
ibang klase,pagkatapos ay sa mga usaping pambansa,at iba pa.
9. Kung gagamit ng mga impormasyong galing sa website,libro,panayam,at iba pa,siguraduhing
mababanggit sa papel ang mga naging sanggunian.
10. Maaaring maglagay ng pamagat na angkop sa ginawang repleksyong papel. Kung wala,maaaring
Repleksyong Papel Blng.___.
PROSESO NG PAGSULAT NG REPLEKSYONG PAPEL
1. Intoduksyon
2. Katawang malinaw at lohikal na naglalahad ng iyong mga iniisip at/o nadarama
3. Kongklusyon
MODULE 5: PAGSULAT NG KOMPOSISYON
Komposisyong Personal
(Pagsulat ng Blog)
BLOG
Ito ay isang diskusyon o impormasyonal na site na inilalathala sa world wide web at kinapapalooban ng mg
entri or post.
Blogger ang tawag sa gumagawa ng blog.
Blogging ang tawag sa paggawa nito
Ang blog ay isang uri ng website na regular na ina-update ng bagong nilalaman o kontent.
Ito ay naglalaman ng maiikli at impormal na artikulong tinatawag na blog post.
Madalas ang mga laman ng mga post na ito ay naglalaman ng teksto,larawan,bidyo at iba pang midya.
Ang blog ay isang espasyo sa web na maaari mong likhain upang itala at ipahayag ang iyong mga
opinion,karanasan at interest.
Ang isang karaniwang Blog ay sinulat ng isang tao.
Ang isang karaniwang Blog ay personal at nagiging repleksyon ng interest at personalidad ng sumulat.
Ang isang tipikal na blog ay kombinasyon ng mga teksto,imahe at mga link sa ibang blogs,webpages at iba
pang midyang kaugnay ng paksa.Ang abilidad ng mga mambabasa na magkomento sa pamamagitan ng
interaktibong pormat ay isang katangiang ikinatanyag ng maraming blogs.
Ang isang tipikal na blog ay kombinasyon ng mga teksto,imahe at mga link sa ibang blogs,webpages at iba
pang midyang kaugnay ng paksa.Ang abilidad ng mga mambabasa na magkomento sa pamamagitan ng
interaktibong pormat ay isang katangiang ikinatanyag ng maraming blogs.
Karamihan sa blog ay primarily tekstuwal.
May mga blog na nakapokus sa
sining (art blogs)
mga larawan(photoblogs)
bidyo(Video blogs o vblogs)
musika( MP3 blogs)
awdyo (podcasts)
Sa edukasyon, ang blogs ay maaaring gamitin bilang kagamitang panturo,tinawag itong Edublogs.
Ang ibang blogger ay nakatuon naman sa kanilang partikular na interes o gawain;
Travel blogs,Food Blogs,sports
Blogs,Theatre or Movie blogs,Fashion
and Style blogs,Entertainment blogs,Pet o
Animal blogs atbp.
Katangian ng Blogs
Ang blog ay isang internet-based journal
Ang blog ay hyperactive
Ang blog ay interactive
Ang blog ay naka-organisa batay sa panahon
Ang blog ay hindi lamang pang-edukasyon
Ang mga hakbang na ito ay magtutungo sa atin sa isang mas mataas na kasanayan na tinatawag nating
“PAGSUSURI”
Suring - Pelikula
Sa pagsusuri ay tinitignan ang lahat ng aspekto ng pelikula. Hindi lamang ang kagandahan ng pelikula
o sa tauhang gumaganap dito bagkus binibigyang-halaga rin ang disenyo ng mga ilaw, ang pagkilos ng
kamera, ang paghahati-hati at pagkakasunod-sunod ng mga eksena, at ang paggamit ng angkop na tunog
o sound effects. (teknikalidad)
GABAY SA PAGSUSURI NG PELIKULA
Tungkol sa Pelikula
A. Pamagat ng Pelikula
B. Direktor
C. Producer
D. Pangunahing Tauhan
E. Tema ng Pelikula
F. Buod ng Pelikula/ Sinopsis
II. Mga Aspektong Teknikal
A. Musika
( Nababagay ba ang mga tunog at musikang ginamit sa pelikula? Nakatulong ba ang musika sa
pagguhit ng emosyon at pagpapatingkad ng kagandahan ng kuwento? )
B. Sinematograpiya
( Maganda ba ang kabuoang kulay ng pelikula? Mapusyaw ba o matingkad ang pagkakatimpla ng
kulay na kuha ng mga kamera? Maganda ba ang mga visual effects na ginamit ?)
C. Pagkakasunod-sunod na Pangyayari
( Maayos ba ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena? Hindi ba ito nakalilito? Lahat ba ng tagpo ay
malinaw at mahalaga sa pinapaksa?
D. Pagganap ng mga Artista
( Maganda ba ang pagkaganap ng mga artista? Makatotohanan ba ang emosyong kanilang
pinapakita? Paano nakatulong ang kanilang pag-arte sa pag-unawa sa nilalaman?
E. Tagpuan
( May maganda bang tagpuan ang pelikula? Nakatutulong ba ang tagpuan sa kabuuang
palabas?Angkop ba ang mga tagpuang ginamit sa tema at kuwento ng pelikula? )
III. Kahalagahang Pantao
A. Paglalapat ng Teoryang Realismo
( Makatotohanan ba ang mga pangyayaring pinapakita sa pelikula? Ano –ano ang mga isyu na
tinalakay sa pelikula na maihahalintulad sa mga isyung nagaganap sa lipunan? )
B. Mga Aral
( anong pangunahing kaisipan, aral,diwa na nais ipahatid ng kabuoang pelikula?
C. Kabuoang Pananaw
( Paano naiba ang pelikulang ito sa mga pelikulang napanood mo? Karapat-dapat bang panoorin ang
pelikula? Bakit?
Sa Kabilang banda, dahil tayo ay nasa punto ng MASINING na PAGPAPAHAYAG bahagi nito ang pagiging
kritikal at mapanuri sa iba’t ibang diskurso na ating nakakasalamuha.
Ibig sabihin nararapat lamang itong ilapat sa isang teoryang pinag-aralan sa diskurso. - CDA o ang
CRITICAL DISCOURSE ANALYSIS NI FAIRCLOUGH (1995)
Muli sa pananaw ni Fairclough dapat tignan ang isang diskurso sa konsepto ng pagdalumat sa tunggalian
ng kapangyarihan “ POLITIKAL NA ESPASYO” - “domain power between struggles”
Text Analysis- Teknikal na puna sa Pelikula
Discursive Analysis- Pangsariling Pagtingin
Social Analysis- Ugnayan nito sa Lipunan
Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng
tagapakinig. Ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang
ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw. Maaaring may
paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag na impromptu sa wikang Ingles ang
talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang
kaalaman ng mananalumpati sa paksa.