Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

. Ano ang mutya at saan ito nakukuha?

Ang mutya ay singaw mula sa kalikasan. Lahat ng bagay sa mundo ay may mutya. Maaari
kang makakuha nito mula sa mga halaman, prutas, puno, hayop, kidlat, ilog, bato,
kuweba at iba pang bagay na likas na nilikha ng Diyos. Ang mutya ay lakas. At dahil
sa ito ay lakas, ito ay nagtataglay din ng "galing". Ang galing na ito ang siyang
maaaring i-tap ng mag-mamay-ari ng mutya.

2. Paano gumagana ang mutya?

Dahil sa ang mutya ay "likas", ito ay natural na ding gagana. Hindi na ito
kinakailangan pang buhayin ng mga orasyon. Pero dahil ito ay "buhay", ito ay dapat
na pakainin ng gatas isang beses isang buwan. Kailangang ibabad ang mutya sa isang
mangkok ng gatas mula sa kalabaw o baka. Hindi maaaring ipakain sa mutya ang mga
instant milk na mabibili sa tindahan.

3. Paano pangangalagaan ang mutya?

Oras na ikaw ay mag-may ari ng mutya, ikaw ay kikilalanin na nitong "amo". At


bilang nag-mamay-ari, nararapat lamang na pangalagaan mo ang mutya upang ito ay
magtagal sa iyo at hindi ka layasan. Narito ang mga "do's" and "dont's" sa
pangangalaga ng inyong mutya:

a. Ang pinakaimportante: ilihim mo ang iyong mutya. Ibig sabihin, hindi mo ito
dapat na ipagyabang kanginuman at ipangalandakan. Dapat ay ikaw lamang ang
nakakaalam na mayroon kang mutya. Huwag na huwag mo itong ipapakita sa iba, ni
kukunan ng larawan. Ayaw ng mutya na makipag-picture taking sa inyo. Natatawa ako
sa ilang kakilala ko na kulang na lang ay magpa-interview sila sa CNN upang ipaalam
sa buong mundo na sila ay may mutya. Maling mali ito. Sa sandaling ipaalam nyo sa
ibang tao na kayo ay may mutya, asahan ninyong unti-unti na ding mawawala ang buhay
at bisa nito.

b. Ayaw din ng mutya na sila ay hinahamon. Ibig sabihin, ayaw nila na susubukan mo
ang kanilang galing. Ang ibang may mutya kasi, inilalagay nila ng kusa sa bingit ng
kamatayan ang kanilang buhay para lamang masabi nila at matiyak na gumagana nga ang
kanilang mga mutya. Naroong magpataga sila, magpabaril at magpasaksak sa pag-asang
ililigtas sila ng mutya. Nagkakamali sila. Ang "galing" ng mutya ay lilitaw lamang
sa sandali ng tunay na pangangailangan.

c. Sa sandaling mag may-ari kayo ng mutya, hindi na kayo maaaring uminom pa ng


gatas, ni kumain ng mga pagkaing sinangkapan nito. Ang gatas ay pagkain lamang ng
inyong mutya. Kaya, konting sakripisyo.

4. Ano ang pinagkaiba ng anting-anting sa mutya?


Malaki ang pinagkaiba ng mutya sa anting-anting. Ang mutya, natural ang galing nito
at hindi na kailangang buhayin hindi kagaya ng anting-anting. Kung baga sa
cellphone, ang anting-anting ay kinakailangan pang i-charge muna bago ito gumana at
magamit. Dahil dito, kinakailangan ninyong pakainin ng mga orasyon at dasal ang
anting-anting gabi-gabi.

5. Paano aalagaan ang anting-anting?

Kagaya ng mutya, ang Rule No. 1 sa pangangalaga ng inyong anting-anting ay ang


"ilihim" mo ito. Dapat ay walang makakaalam na ikaw ay may anting-anting. Huwag mo
itong ipagyayabang. Huwag mo itong gawing palamuti sa iyong katawan. Maaari mong
ikuwintas ang mga anting-anting pero, ipaloob mo ito sa loob ng iyong damit. Huwag
nyong gagayahin si Ramon Revilla sa kaniyang mga pelikula. Kaya nga pelikula...ibig
sabihin, hindi ito totoo. Ang totoo, ayaw ng mga anting-anting na sila ay
pinagyayabang.

6. May mga mutya na para sa pag-ibig (kagaya ng mutya ng papaya at sampaguita). Ano
ang pinagkaiba nito sa "panggagayuma"?

Ang gayuma o "enchantment" ay isang teknik upang mapaibig mo ang isang taong ayaw
sa iyo. Kapag sinabing teknik, ito ay isang sistematikong paraan na iyong susundin
upang magawa mo ang gayuma. Samantala, ang mutya na may kinalaman sa pag-ibig ay
natural na gagana na hindi na kinakailangang magsagawa pa ng mga proseso.

7. Kapag in-avail ang "gayuma", sino ang gagawa ng panggagayuma?

Ang gagawa po nito ay ang taong ibig manggayuma. Ang tanging ibibigay lamang po
namin ay ang mga teknik na kanyang susundan. Bakit? Dahil taglay ng taong ibig
manggayuma ang wasto at angkop na damdamin para sa taong ibig niyang gayumahin. Ang
pinakamahalagang "sangkap" kasi ng gayuma ay MASIDHING DAMDAMIN AT PAGNANASA
patungkol sa isang tao. Kapag wala ang mga damdaming ito, hindi gagana ang gayuma.

You might also like