Professional Documents
Culture Documents
Mga Uri NG Tula
Mga Uri NG Tula
Ang Tula ay may apat na uri at bawat isa sa mga uring ito ay may kaniya-kaniyang bahagi.Ang mga uri ng
tula ay ang sumusunod.Tulang Liriko o Tulang Damdamin, Tulang Pasalaysay o narrative poetry sa ingles,
Tulang Patnigan at Tulang Pantanghalan o Padula.
Awit
Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat
saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong
tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan itong may malungkot
na paksa - sad love songs kumbaga.
Soneto
Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na
kabatiran sa likas na pagkatao.
Oda
Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao o
isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda.
Elehiya
Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
Dalit
Isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng papuri,
pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o
maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.
a. Balagtasan
Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan.
Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
b. Karagatan
Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang
itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga
na nahulog sa dagat.
c. Duplo
Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula.
Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.
Ang maikling kwento ay may tatlong bahagi. Ito ay ang Simula, Gitna at Wakas.
1. Simula
Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang
magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o
suportang tauhan.
Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente kasama na dito ang
panahon kung kailan naganap ang kwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng
problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
2. Gitna
Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang
naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
3. Wakas
Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-
unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan, at ang katapusan
ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo
o pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling
nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kwento
para hayaan ang mambabasa na humatol o magpasya kung ano sa palagay nito ang maaring kahinatnan
ng kwento.
Bahagi ng Dula
1. Yugto – ito ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad and tabing bawat yugto upang
makapagpahinga ang mga natatanghal gayon din ang mga nanonood.
2. Tanghal – kung kinakailangang magbago and ayos ng tanghalan, ito ang ipinanghahati sa yugto
2. Komedya - ang wakas ay kasiya-siya sa mga manood dahil nagtatapos na masaya sapagkat ang mga
tauhan ay magkakasundo
3. Melodrama – kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito’y may malulungkot na bahagi
4. Parsa – ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga pananalitang katawatawa
1. Paglalahad – ay isng tuwiran o pakahiwatig na panimula. Sa bahaging, ito ipinapakilala ang mga
tauhang lugar, panahon, tunggalian at ang maaring maganap sa kabuuang aksyon
2. Ang Kaguluhan – sa bahaging ito lumilinaw at nababago ang pagkatao ng pangunahing tauhan gaya
rin ng kanyang pakikipagtunggali sa anumang balakid ng kanyang kinakaharap
3. Ang kakalasan – sa bahaging ito nagluluwag ang dating masikip, at matinding pagtatagisan ng tauhan
o ng mga pangayayari
B. Tauhan – kung babatayan ang pangkalahatang paghahati ng tauhan binubuo lamang ito ng dalawa:
ang tauhang nagbabago habang umuunlad ang aksyon sa dula; at ang tauhang walang pagbabago mula
sa simula ng dula hanggang sa matapos ito.
C. Diyalogo – ito ay may dalawang katangian: una, ito ay gunagamit upang maipaalam sa manonood o
mambabasa ang mga nangyayari na ang mangyayari pa at ang kasalukuyang nagaganap sa isip at
damdamin ng tauhan, ikalawa, ang pagbibitiw ng diyalogo ay kinakailangan malakas kaysa normal na
pagsasalita
Ang alamat o legend at folklore sa wikang Ingles ay isang uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa
mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Kung minsan nagsasalaysay ito ng mga pangyayari
hinggil sa tunay na mga tao at pook. Tumatalakay din ito sa mga katutubong kultura, kaugalian o
kapaligiran. Ito ay kadalasang mga kathang-isip na nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno.Katulad
ng Maikling Kwento at mga Pabula, ang mga alamat ay kinapupulutan din ng aral na sumasalamin sa
kultura ng isang bayang pinagmulan.
1. Tauhan
Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa.
2. Tagpuan
Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente, gayundin ang panahon kung
kailan ito nangyari.
3. Saglit na kasiglahan
4. Tunggalian
Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban
sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
5. Kasukdulan
Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan
Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan.
7. Katapusan
Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o malungkot,
pagkatalo o pagkapanalo.
1. Simula
Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento. Sinu-sino ang mga gumaganap sa kwento at ano ang
papel na kanilang ginagampanan. Maging ang tagpuan o lugar at panahon ng pinangyayarihan ng
insidente ay inilalarawan din sa simula.
2. Gitna
Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan ng kwento. Ang saglit na kasiglahan
ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan. Ang tunggalian ay nagsasaad ng
pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan. Samantalang ang kasukdulan ay ang bahaging
nagsasabi kung nagtagumpay o hindi ang tauhan.
3. Wakas
Ang talumpati ay isang buod o kaisipan o opinyon ng isang tao na ibinabahagi sa pamamagitan ng
pagsasalita sa isang entbalado.
Talumpating Pabasa
Talumpating Pasaulo
Talumpating Walang Paghahanda – Ito ang isa sa pinakamahirap gawing talumpati. Tinatawag ito na
impromptu speech o daglian.
Ito ay talumpating biglaan at na bibigyan lamang ng ilang minuto o oras upang makasagot at mag lahad
ng ideya.
Talumpating Pasaulo – Ito ay talumpating sinulat o minemorya pa. Hinahandaan muna ang talumpati at
pinag-eensayo muna bago gawin.
URI NG SANAYSAY
Ang sanaysay o essay ay akdang sulat na naglalaman ng mensahe, pananaw o ideya ng may akda tungkol
sa isang paksa. Ang layon ng pagsulat ng sanaysay ay kadalasan upang magpahayag ng opinyon o ideya.
Maaari din itong magsilbi bilang daan upang maki-pag komunikasyon sa mambabasa. Ang paksa ay
maari ding mag-iba ngunit mas maigi na ito’y napapanahon at may kabuluhan. Matuto tungkol sa iba
pang uri ng panitikan at mga halimbawa nito. Sundan ang link na ito upang makapunta sa page.
Ang mga uri ng sanysay ay nag-iiba depende sa laman o content nito at sa paksa o topic na tinatalakay.
Ang sanaysay ay may dalawang pangunahing uri.
Ang pormal na sanaysay at di-pormal na sanaysay.
PORMAL NA SANAYSAY
DI-PORMAL NA SANAYSAY
Ang di-pormal na sanaysay naman ay maaring tungkol sa karaninwang mga paksa, personal na pananaw
o mga sulat na naglalayong makapagbigay aliw sa mambabasa. Ang tema at pormat nang pagsulat nang
ganitong uri ng sanaysay ay kadalasan may bakas ng personalidad ng may akda at parang nakikipag-usap
lamang sa isang kaibigan at hindi gaanong pormal ang mga salitang gamit sa pagsulat.
SIMULA – Dito karaniwang naglalagay nang pang-akit atensyon ang nagsusulat ng sanaysay. Dito
makakapag-isip ang mambabasa kung magpapatuloy pa sa pagpabasa.
KATAWAN O GITNA – Dito naman naka lagay ang malaking bahagi ng sanaysay, dito maisasaad ang mga
mahahalagan impormasyon o ideya ng may akda tungkol sa paksa. Dito nagpapahayag ng mensahe and
tagapagsulat.
WAKAS – Ito ang pansarang bahagi ng sanaysay. Dito maaring magsulat ng konclusion, buod ng sanaysay
o mensaheng habilin ng manunulat sa mambabasa. Maari ding maglagay ng sulat na makakapag-hamon
sa pag-iisip ng mga nagbabasa ng akda.
Uri ng Balita
1. Paunang paglalahad - Itinuturing na hilaw pa ang ganitong uri ng balita, subalit inilathala na rin bunga
ng pangangailangang maipaabot agad sa madla.
4. Kinipil na Balita - Ang ganitong uri ng balita ay dulot ng kakulangan sa espasyo sa pahayagan kung
kaya ang buod ng maliliit na balita ay pinagsasama-sama.
6. Depth news o balitang may lalim - Kinakailangan ang masusing pananaliksik, upang higit na
matalakay ang mga ulat na nakapaloob dito.
1. Balitang Panlokal - Mga balita tungkol sa isang lokal na yunit ng pamahalaan tulad ng barangay.
9. Balitang Panlibangan - May kinalaman sa larangan ng telibisyon, radyo, pelikula, tanghalan at iba pa.
URI NG LIHAM
Sa paksang ito, alamin natin ang dalawang malaking uri ng liham at ang iba’t ibang mga kauri ng
dalawang uri nito.
Ang liham o sulat ay isang mensaheng isinulat na naglalaman ga kaalaman, lihim, balita, o saloobin ng
isang tao na ibibigay sa kapwa tao.
Pagbabalita – madalas itong sulatin. Ipinabbaatid natin ang balita ng ating buhay o mga
nangyayari sa atin sa ating mga kaibigan o mahal sa buhay.
Paanyaya – ginagamit ito upang umanyaya sa tao sa isang mahalagang okasyon o pagtitipon.
Nakalahad nito ang ano ito, kailan, at saan ang magaganap.
Pagtanggap – nakasaad ang pagtiyak sa pagdalo. Ang pagpapadala ng liham nito upang matiyak
ang nag-anyaya kung ilang bisita ang aasahin niya ay isang mabuting kaugalian.
Pagtanggi – kabutihang-asal rin ang pagpapadala ng pagtanggi upang hindi na aasa ang nag-
aanyaya na dadalo ang inaaanyayahan.
Liham na Pangangalakal
Isang formal na uri na nagsasaad ng makapag-ugnayan sa mga tanggapan o opisina. Kailangan nito ng
mga katangiang malinaw, maikli, magalang, tapat, mabisa, maayos, malinis at makinilyado.
Pagpapakilala – isinulat upang irekomensa ang isang tao sa trabaho o ang isang bagay o
produkto na inendorso