Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET

ACT.1 WEEK 3
Name:_______________________________________________ Score: __________________
Year & Section: ___________________ Day & Date Accomplished: __________________
Subject: A.P. 10 Parent/ Guardian Signature: _________________
Activity Title: Labis na Paggamit, pagkawasak, at Pagkasaid ng mga Likas na Yaman:Pandaigdigang Krisis sa
Pagkain (Ibigay mo!)
Learning Targets: Naibibigay ang sanhi at epekto ng suliranin sa Pandaigdigang Krisis sa Pagkain)
References Title:Abejo, J.N. O., et, al. (2017).Mga Kontemporaryong Isyu. Vibal Group Inc. G. Araneta Avenue co. Ma.
Clara Sreet, Talayan, Quezon City.
Author:Abejo, J.N. O., et, al. (2017). Page No.: 23
Mga Pangunahing Ideya

Masama ang naging epekto ng labis na paggamit, pagkawasak, at pagkasaid ng likas yaman sa daigdig.
Mamamalas ang ganitong suliranin sa sumusunod: 1) pandaigdigang krisis sa pagkain; (2) paglaho ng natural habitat; (3)
pagnipis ng biodiversity; at (4) pag-init at pagbabago ng klima ng daigdig.

Ang pandaigdigang krisis sa pagkain ay maiuugnay sa paglobo ng populasyon ng daigdig. Ang pagsisikap na
matugonan ang pangangailangan sa pagkain ay humantong sa pagbuo ng mga malawakang eskima ng produksiyon na
makikita halimbawa sa malawakang pagtataguyod ng agrikultura-paghahayupan, pananakahan, at pagtatayo ng mga
plantasyon.

Halimbawa:
Suliranin Sanhi Epekto
1. Pandaigdigang krisis sa 1. Mababang kapasidad sa produksiyon at 1. Maaring magutom o magkasakit ang
pagkain maling prioridad ng pamahalaan. Ang mga tao .
una ay resulta ng pangangaunti ng
lupaing sakahan bunsod ng pagkaubos
ng mga matabang lupain.

Mga Katanungan at Pagsasanay:


Panuto: Basahin at unawain ang suliranin ng Pandaigdigang krisis sa pagkain. Magbigay ng iba pang halimbawa ng
sanhi at epekto nito sa pamumuhay ng tao. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Suliranin Sanhi Epekto


Pandaigdigang krisis sa pagkain

DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET


ACT.2 WEEK 3
Name: _______________________________________________ Score: __________________
Year & Section: ___________________ Day & Date Accomplished: __________________
Subject: A.P. 10 Parent/ Guardian Signature: _________________
Activity Title: Paglaho ng Natural Habitat (Alamin mo!)
Learning Targets: Natutukoy ang sanhi at epekto ng Paglaho ng Natural Habitat
References Title: Abejo, J.N. O., et, al. (2017).MgaKontemporaryongIsyu. Vibal Group Inc. G. Araneta Avenue co. Ma.
Clara Sreet, Talayan, Quezon City.
Author:Abejo, J.N. O., et, al. (2017). Page No.: 24
Mga Pangunahing Ideya
Natural Habitat ay ang natural na tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay. Ito ang pangunahing apektado
ng Land Conversion o paghahawan ng kagubata, pagpapatag ng mga bundok o maburol na lugar upang magbigay daan sa
mga proyektong pangkabahayan.

Itinuturing ang paglaho ng natural habitat bilang pangunahing sanhi ng pagkalipol ng samo't saring species sa
daigdig. Ang labis na atensiyon para sa malawakang pananakahan, pagmimina, pagtotroso, trawling, at urbanisasyon ang
mga sanhi ng pagkasira ng natural habitat ng iba't ibang species.
Higit na masusumpungan ang pagkasira ng natural habitat sa mga bansang tropikal kung saan maraming endemic species.
Sa kabuoan, tinatayang: nasa 70 porsiyento ng vegetation ng mga kagubatan ng Brazil, at rainforests ng Asya at Africa ay
naglaho na. Ayon sa dalubhasang si William F. Laurance, ang mabilis na paglaho ng mga rainforest na siyang sanhi ng
paglaho ng natural habitat ay nakababahala sapagkat ayon pa kay Laurance, nasa pagitan ng 60 000 hanggang 130 000
kilometro kuwadrado ng kagubatan ang nauubos bawat taon. Kabilang sa mga tuwirang apektado ng paglaho ng mga
natural habitat ang New Zealand, Japan, Pilipinas, Indonesia, at Madagascar.

Halimbawa:
Suliraning Sanhi Epekto Solusyon
Pangkapaligiran
Paglaho ng Natural Pagmimina Habang patuloy na Dapat gumamit ng mga
Habitat hinuhubaran ng mga makabagong teknolohiya
minahan ang ating upang maiwasan ang mga
kalikasan, patuloy ding trahedyang sisira sa kalikasan
nawawalan ng tirahan ang at maglalagay sa panganib sa
mga hayop. buhay ng mga iba’t- ibang uri
ng species.

Mga Katanungan at Pagsasanay


Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa patlang
1. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing dahilan ng pagkasira ng Natural Habitat? Bakit?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
2. Paano nakakaapekto ang pakawala ng Natural Habitat sa buhay ng mga hayop na naninirahan
dito?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
3. Bilang isang mag-aaral paano ka makatutulong upang mapigilan ang patuloy na pagkasira o
paglaho ng mga Natural Habitat?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET


ACT.3 WEEK 3
Name: _______________________________________________ Score: __________________
Year & Section: ___________________ Day & Date Accomplished: __________________
Subject: A.P. 10 Parent/ Guardian Signature: _________________
Activity Title: Pagnipis ng Biodiversity (Punan mo ako!)
Learning Targets: Naiisa-isa ang mga pinakamapanganib na species sa kontemporaryong panahon
References Title: Abejo, J.N. O., et, al. (2017).MgaKontemporaryongIsyu. Vibal Group Inc. G. Araneta Avenue co. Ma.
Clara Sreet, Talayan, Quezon City.
Author:Abejo, J.N. O., et, al. (2017). Page No.: 24
Mga Pangunahing Ideya
Pagnipis ng Biodiversity Isa rin sa apektado ng malabis na pagkagamit, pagkawasak, at pagkasaid ng likas na
yaman ay ang larangan ng biodiversity.
Halimbawa:
Pinakamapanganib na species sa kontemporaryong panahon ay ang sumusunod:
Species Scientific Name Pangunahing sanhi ng pagkalipol
1. Philippine Eagle Phitecopaga Jefferyi Pagkakalbo ng kagubatan bunsod ng walang habas na
(Manaul o haribon) pagtotroso.
2. Tamaraw Bubalus mindorensis Nasa kritikal na kondisyon ang bilang dulot ng mabilis na
pagkaubos ng kagubatan.
3. Philippine Crocodile Crocodylus mindorensis Panghuhuli para sa kanilang balat na ginagamit sa
(Buwaya) produksion ng iba’t-ibang gamit.
4. Philippine forest Siebenrockiella leytensis Labis na panhuhuli nito sa mga ito upang maging alaga o
Turtle (Palawan pet.
Turtle)
5. Philippine Naked- Dobsonia chapmani Panghuhuli para sa karne ang nagging sanhi sa manilis na
backed fruit bat pagkaubos sa ilang.
(Kwaknit)

Mga Katanungan at Pagsasanay


Panuto: Suriin at unawain ang mga mapanganib na species sa kontemporaryong panahon. Punan ang mga hinihinging
impormasyon sa loob ng kahon.

Species Scientific Name Pangunahing sanhi ng pagkalipol


1. Philippine Naked-
backed fruit bat
(Kwaknit)
2. Labis na panhuhuli nito sa mga ito upang maging alaga o
pet.
3. Crocodylus mindorensis

4. Bubalus mindorensis
5. Philippine Eagle
(Manaul o haribon)

DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET


ACT.4 WEEK 3
Name: _______________________________________________ Score: __________________
Year & Section: ___________________ Day & Date Accomplished: __________________
Subject: A.P. 10 Parent/ Guardian Signature: _________________
Activity Title: Pagbabago sa Klima at Pag-init ng Daigdig (Tukuyin mo!)
Learning Targets: Nauunawaan ang mga isinagawang aksyon sa Pagbabago sa Klima at Pag-init ng Daigdig
References Title: Abejo, J.N. O., et, al. (2017).MgaKontemporaryongIsyu. Vibal Group Inc. G. Araneta Avenue co. Ma.
Clara Sreet, Talayan, Quezon City.
Author:Abejo, J.N. O., et, al. (2017). Page No.: 25
Mga Pangunahing Ideya
Noong 1971, inilunsad ng Study of Man's Impact on Climate o SMIC ang kumperensiya ng 30 kilalang siyentista
mula 14 bansa na pinangunahan ni Caroll Wilson kung saan kinilala at hinarap ang nauukol sa panganib ng mabilis at
seryosong pagbabago sa klima o pag-init ng mundo. Kabilang sa mga naging estratehikong aksiyon ay ang panawagan
ukol sa organisadong paglulunsad ng mga pananaliksik upang tugonan ang nakaambang hamon. Samantala, isang babala
ang inilabas noong 1974 ukol sa panganib na dulot ng ibinubugang usok ng mga eroplano sa atmospera na
pinangangambahang sumisira sa ozone layer.
May mga pag-aaral ding isinagawa noong 1976 ukol sa seryosong epekto ng chlorofluorocarbons at methane
gases sa atmospera lalo na sa naiambag nito sa paglala ng suliranin sa ozone layer. Ang negatibong epekto ng maruming
hangin sa atmospera ay ang pagka- katala sa 1981 bilang isa sa mga taong may pinakamainit na temperatura sa
kontemporaryong panahon. Dahil dito, sa isinagawang Villach Conference noong 1985, napagkasunduan ang
pagkakaroon ng panawagan sa mga bansa na ikonsidera ang mga ilulunsad na kasunduan upang limitahan ang pagdumi ng
hangin sa atmospera. Habang sa Montreal Protocol naman, iginiit ang paglalapat ng pandaigdigang restriksiyon sa
paggamit ng ozone-destroying gases.
Halimbawa:
Pangyayari Taon Isinagawang aksyon
UN Convention 1974 Pagbabawal na maglunsad ng environmental modification ang mga
military tulad ng cloud seeding na may negatibo at matagalang Epekto sa
kapaligiran.
Inilabas na pag-aaral sa epektong 1976 Babala ukol sa seryosong Epekto ng chlorofluorocarbons at methane
ng CFCs, Methane, at Ozone gases sa atmospera lalo na sa naiambag nito sa paglala ng suliranin sa
ozone layer.
First World Climate Conference 1979 Pagkakaroon ng deklarasyon na nagbibigay diin sa posibleng
(Geneva, Switzerland) ginampanan ng tao, kasama na ang direktang pag-init ng mundo na
maiuugnay sa produksiyon pang-enerhiya, mula maging sa digmaang
nukleyar, at sadyang modipikasyon sa panahon.
Montreal Protocol 1987 Paglalapat ng pandaigdigang restriksyon sa Paggamit ng ozone-
destroying gases.
Unang Ulat ng IPCC 1990 Unang ulat ng ahensiya ukol sa pag-init ng mundo at patuloy na
pangyayari sa hinaharap.
Mga Katanungan at Pagsasanay
Panuto: Tukuyin ang mga pangyayari na isinagawang aksyon sa pagbabago ng klima at pag-init ng daigdig. Isulat ang
sagot sa bawat patlang bago ang bilang.
_______________1. Unang ulat ng ahensiya ukol sa pag-init ng mundo at patuloy na pangyayari sa
hinaharap.
_______________2. Pagbabawal na maglunsad ng environmental modification ang mga military tulad
ng cloud seeding na may negatibo at matagalang Epekto sa kapaligiran.
_______________3. Paglalapat ng pandaigdigang restriksyon sa Paggamit ng ozone-destroying gases.
_______________4. Babala ukol sa seryosong Epekto ng chlorofluorocarbons at methane gases sa
atmospera lalo na sa naiambag nito sa paglala ng suliranin sa ozone layer.
_______________5. Pagkakaroon ng deklarasyon na nagbibigay diin sa posibleng ginampanan ng
tao, kasama na ang direktang pag-init ng mundo.

You might also like